His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[9] Wirdo

5.4K 260 4
By Yaoistorywriter



V I N C E N T

Hindi na ako nagbalak pang lumabas ng kwarto simula nung umalis si Ken. Bigla ulit dumilim ang pakiramdam ko. Nanlulumo na naman ako.

Ang tagal na non. Grabe. Pero sariwang-sariwa pa rin sa utak ko 'yung nangyari. Miss na miss ko na sya. Miss na miss.

Gusto ko siyang makita uli, gusto ko siyang mayakap.

Pero alam ko -- kahit anong dasal ko, wala na. Hindi na maibabalik.

~*~

SATURDAY MORNING.

"Anak, may bisita ka." Sabi ng isang matandang lalaki sa panaginip ko.

"Anak.." Sabi uli nito.

"5 minutes." Tugon ko naman.

"Vincent Saavedra, 12:48 pm na."

Biglang napamulat ang mata ko at tumingin ako sa orasan. Hindi pala ako nanaginip. Ginigising na pala ako ni papa.

Bumangon ako at napahawak naman ako sa ulo ko. Napasarap ba ang tulog ko o late lang talaga ako nakatulog?

"Sinong bisita, pa?" Tanong ko kay papa.

"Ken daw." Sabi nya at lumabas na sya ng kwarto ko. Kumunot naman ang noo ko.

Ken? Ano namang ginagawa ng batang yun dito?

Tuluyan na akong bumangon at inayos ko na ang sarili ko. Wala akong suot na t-shirt o sando. Tanging boxer brief lang ang suot ko. Wala akong pake. Basta maayos ang mukha ko ok na.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Pagkababa ko, nakita ko si Ken na nakaupo sa sofa. May dala siyang isang folder at... isang balot ng saging.

At anong meron sa saging?

Kausap niya ngayon ang papa ko at mukhang enjoy na enjoy siya.

Napadako ang tingin ni Ken sa akin at ngumiti siya.

Lumapit na ako sa kanya.

"What are you doing here?" I asked him. The usual annoyed Vincent that I am.

"D-dinala ko lang to." Sabi niya at ipinakita niya 'yung dala niyang folder.

"Notes 'to. Basic elements ng hiphop. Bale magkaka-quiz kasi next friday. Tatamarin na kasi ako pag weekdays kaya ginawa ko na kahapon at dinala ko na rin ngayon." Sabi niya, and I can sense him avoiding my gaze.

Ako namang si *ehem* tuso, lumapit  sa kanya at tinabihan siya.

"Asan, patingin nga." sabi ko at inabot ko yung folder.

Lumayo si Ken ng onti, "Yun lang naman. Hinatid ko lang talaga yan. Sorry kung naistorbo kita sa pagtulog. Sorry." Sabi nya at tumayo na siya.

Aktong paalis na siya pero pinigilan ko siya.

"Sinabi ko bang umalis ka na?" I told him.

Hindi siya agad humarap sa akin. Pero paglingon niya, I can clearly see his cheeks blushing.

I smirked. In my mind. Ang familiar ng scenario na 'to.

"Hindi," sabi nya.

"Yun pala eh." Sabi ko. Kinuha ko 'yung folder at pinatong ko sa ibabaw ng speaker.

Pumasok ako sa CR para maghilamos at magmumog. Pagkatapos non ay nagtimpla ako ng kape at bumalik na rin ako sa sala.

"Vincent, I'm off. Pakainin mo 'yung bisita mo." Sabi ni papa at tinapik nya ako sa balikat bilang paalam.

"Naku wag na po. Paalis na rin naman po ako," sabi naman ni Ken.

"May sinabi na ba ako?" Sabi ko.

He frowned. "W-wala. Sabi ko nga."

"Good."

I learned something about Ken. Alam kong nab-bother siya sa akin ngayon. Hindi niya maitago eh. Sa una lang siya parang walang pake pero naa-awkwardan rin siya. Parang gusto kong mag-take advantage.

Umalis na si papa at tinabihan ko uli si Ken.

"Wait, k-kung galit sa akin dahil --"

"No."

I said, cutting him off. Ba't ba parang takot na takot siya sa akin? Pero ok na rin 'to. Hahaha. Pagti-tripan ko na lang muna siya.

Ayoko rin namang mahalata niya na may similarities kami ni Paul. Mas maigi pa na maging masungit na lang muna ako.

"So...pwede na ako--"

"Hindi pa." Sabi ko. Napatingin ako sa isang balot na saging na dala niya.

"Para saan 'to, ipapaulam mo sa pamilya mo?" Tanong ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya. "Masyadong masarap ang saging para maging ulam namin."

Sabi niya at halata mong nainis siya sa tanong ko. Ba't tuwang tuwa ako kapag nakikita ko siyang inis dahil sa akin? Haha.

"Magmamagandang loob lang. May nakita kasi ako kaninang street children kanina. Nanghihingi ng pera." Sabi niya.

I acted confused, "Talaga? Bakit hindi mo na lang binigay 'yung pera? Para may freedom sila. Binili mo pa ng saging. At bakit saging pa? Pwede namang burger o tinapay." Sabi ko.

He heaved a sigh. Mukhang napupuno na sya. "Una, saging lang ang afford ko. Piso-dalawa ang saging sa nabilhan ko. Pangalawa, mas nutritious ang prutas sa burger at mas siksik naman kesa tinapay. Pangatlo, ibinili ko na sila para siguradong mapapakinabangan nila. Baka mamaya, mawala pa sa kanila yung pera o hindi sila payagang bumili sa mga tindahan. Pang-apat, nakikita kong kailangan nila ng potassium. Lahat sila nakahiga sa kalsada. 12pm, sobrang init sa kalsada. Tapos mga tulog? Pang-lima, ano bang pake mo?Wala naman, 'diba?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Tangina barado ako.

"Ok, sorry." Sabi ko.

"Ok lang." He smile. A sad and confusing smile.

"Vincent, naalala mo 'yung first encounter natin sa jeep dati?" Tanong nya.

"Bakit?"

"Wala. Naalala ko lang. Nevermind." Sabi niya.

I sigh. Tumayo ako at kumuha muna ako ng t-shirt sa kwarto ko.

Pagkabalik ko, nakita ko si Ken na nilalabas yung mga saging sa supot at binibilang niya ito.

"Anong ginagawa mo?" I asked him.

"Wala kang pake." Sabi nya.

Ok, ok. I don't get it. What's with Ken? Anong nangyayari sa kanya? May sakit ba sya? May iba pa bang tao ang kumakatawan sa pagkatao niya? Paiba-iba siya eh. Di ko malaman kung nagsusungit o mag-aamo o ewan.

"Oo nga. Wala talaga." Sabi ko naman.

Tumingin siya sa akin saglit. Binalik niya rin agad sa supot ng saging ang tingin nya at tumayo na siya.

"Pigilan mo man ako ngayon o hindi, aalis na ako. Masyado na akong nagtatagal dito. Pakinabangan mo 'yang binigay kong reviewer sayo ha. Para naman hindi sayang ang effort ko." Sabi nya at ngumiti siya.

Wala na akong nagawa kundi hayaan sya.

Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi ko siya magawang paalisin agad? Dahil ba alam kong malulungkot na naman akong mag-isa dito?

O sadyang sumasaya lang ako kapag kasama ko siya?

Hindi ko alam. Bakit nga ba?

~*~

K E N

"Salamat po..."

Sabi nung isang bata. Ngumiti lang ako.

"Walang anuman. Simula ngayon, diyan na muna kayo sumilong. Mas maayos na diyan kesa naman dun sa walang bubong, diba? Sabihin mo rin sa mga kasama mo." Sabi ko sa bata.

Tumango lang ito at bumalik na sa pakikipaglaro sa mga kasama niyang bata.

Ngumiti ako. Haaay, ganito ang pakiramdam nang nakakatulong ka. Masarap sa feeling na may nakikinabang sa tulong mo. Na nakikita mong effective yung pagtulong mo kahit na alam mong maliit na bagay lang yun.

Kanina, noong nakita ko itong mga batang 'to sa kalye, naawa ako sa kanila. Ang init init. Mga nakahiga. Nanghihingi sa akin 'yung isang bata ng pera. At para sigurado, bumili na lang ako ng saging para ibigay sa kanila after kong ibigay kay Vincent ang folder.

At ngayon nga na pagbalik ko, nakita ko pa rin silang nakahiga doon sa pwesto nila eh ang init init don.

Kaya naman humanap ako ng bakanteng lote at dito ko muna sila pina-stay. Nakita ko ang tuwa sa mata nila nung binigay ko sa kanila 'yung saging.

"Mga bata, aalis na ako. Mag-ingat kayo ha." Sabi ko sa kanila.

"Salamat po uli!"

Sabay-sabay nilang sabi. I smiled.

Tumalikod na ako at akmang paalis na. Ngunit nasurpresa ako sa nakita ko. Si Paul. Nandito siya.

At anong ginagawa niya dito?

"Paul?" Sabi ko.

Lumapit naman siya sa akin, "Ahh, amin kasi 'tong bakanteng lote na 'to. Nakita ko lang na parang may pumasok. Well, it's good to know na ikaw pala."

"Ahm. Sa inyo pala 'to." Sabi ko.

He smiled.

Napatingin ako sa mga bata. Medyo nalungkot naman ako para sa kanila. Kung lilibutin ko pa kaya itong lugar na 'to, may makikita pa kaya akong ibang bakanteng lote?

"Huwag lang mag-alala, wala naman akong balak paalisin 'yung mga bata dito." Biglang sabi ni Paul.

Napatingin naman ako sa kanya.

"H-ha?"

"I mean, hindi pa naman namin sigurado ang gagawin namin dito sa lote na 'to so, dito na muna sila. Alam kong ikaw ang nagsabi sa kanila na dito na mag-stay. Alam ko rin na sa'yo galing ang mga saging na kinakaina nila. And you know what, I even brought these. Wait," sabi nya at lumabas siya saglit.

Pagbalik niya, may dala siyang mga prutas, mga tinapay at mga damit pambata.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Pero natutuwa ako sa kanya. Kaya lang, paano nya nalaman? I mean, paanong nakapagdala agad siya ng mga ganito, 'diba?

"Paul, thank you very much. Sobrang maaappreciate nila 'yan. Pero pano mo nga pala nalaman na may mga bata rito?"

Kumamot siya sa batok niya, "Uhm...wala. Sinundan kita kanina. Then...I hurried. Basta. Yun na yun."

Sabi niya. Well, without thinking too much, ngumiti na lang ako. Mas iisipin ko na lang ang kabaitang ipinamalas nya. Kahit na weird siya, mabait naman pala siya. Mabuti na nakita niya akong pumasok dito.

Binigay na namin yung mga pagkain sa kanila pati yung mga damit.

And as expected, natuwa talaga sila. Umiyak pa yung pinakamatanda sa kanila kasi hindi nila ine-expect na may magbibigay sa kanila ng mga hindi nila inaasahan.

Pagkatapos nun ay lumabas na rin kami.

"Ahm Paul, salamat ah? Kahit nagtataka pa rin ako kung bakit parang ang bilis mong bumili ng damit, tinapay at burger eh nagpapasalamat pa rin ako."

"Masarap sa pakiramdam ang makatulong." Sabi niya.

Ngumiti ako at hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

Ngayon, wala na akong pake kung gaano pa siya ka-weird tingnan. As long as he have a good heart, he's good to go. Haaay, Paul.

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at naglakad na ako papunta sa paradahan ng jeep.

"Uuwi ka na?" Tanong niya.

"Yep. Bakit?" I asked.

He gave me an encouraging smile, "W-wala naman. Ingat ka, ah?" Sabi nya.

"Ok, salamat! Ingat ka rin." Sabi ko at tumalikod na ako. Pero bago ako sumakay ng jeep, nilingon ko uli siya.

"Paul!" Tawag ko sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad.

"Kita kits sa school sa monday!"

Lumingon na rin siya sa akin. I gave him a wink.

He smiled. This time, genuine na 'yung ngiti niya.

Sumakay na ako ng jeep dala ko ang ngiti sa labi ko.

~*~

Pagkarating ko sa bahay, walang tao. Pero nakabasa ako ng note sa ref.

"Nak, umalis kami ni Ren. Nasa palengke kami. May dalawang pandesal pa diyan. Ayan na lang kainin mo."

Ay gusto ko 'to. Labyu nay! Promise hindi naman ako magtatampo kung  binawasan nyo pa ng isa yung pandesal.

Padabog kong binuklat yung mga nakatakip dun lamesa at puro ubos na yung ulam. So, first of all, bakit pa nila tinakpan kung wala nang laman, diba? Tinitrip ba nila ako? Ang nakita ko lang ay 'yung dalawang pandesal na, take note, nilalanggam pa.

Pumasok ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko, napamura ako ng literal.

"San ka galing?" Tanong ni Renz na lying pretty sa aking higaan.

"Ikaw, bakit ka nandito?" Balik tanong ko sa kanya.

"Ang tanong, sinasagot ng sagot. Hindi ng isa pang tanong. San ka nga galing?"

"Wala, nakipagdate ako!" Sagot ko naman.

"A-at sino naman 'yang gago mong ka-date?"

Tanong niya.

"Hoy, wag mong ginagago 'yun! Mabait 'yon kahit wirdo!"

---

Continue Reading

You'll Also Like

307K 7.9K 39
OLSG II: I'LL NEVER GO
420K 17K 52
Author's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo it...
1.6M 62.7K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
227K 10.6K 57
GAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of th...