One Hundred Days (Completed)

By EJCenita

300K 2.1K 532

Life is a matter of choice. Monday, a 17 year old provincial girl who chose to study in Manila for a brighter... More

Foreword
Acknowledgment
Introduction
Chapter 1: New Grounds (Johan's POV)
Chapter 1.2: Crush at First Sight
Chapter 1.3: Agreements
Chapter 1.4: Crazy Little Thing called Effort
Chapter 1.5: Crazy Little Thing called Effort (part 2)
Chapter 1.6: The Ingredients of Love
Chapter 1.7: Box Full of Memories
Chapter 1.8: Unexpected - Information
Chapter 1.9: Unexpected (part 2) - Meet Up
Chapter 1.10: Unexpected (part 3) - Determination plus Effort
Chapter 1.11: Unexpected (part 4) - Lost Hope
Chapter 1.12: Unexpected (part 5) - Home Sweet Home
Chapter 1.13: Days with Shana
Chapter 1.14: First and Last (One Hundredth Day)
Chapter 2: Unang Araw ng Pagkakataon
Chapter 3: Tamang Hinala (TH)
Chapter 3.2: Ang Palasyo ni Rica
Chapter 3.3: Ang Nakaraan ni Monday - Halik
Chapter 3.4: Ang Nakaraan ni Monday (part 2) - Pagkikita
Chapter 3.5: Ang Nakaraan ni Monday (part 3) - Yakap
Chapter 3.6: Ang Nakaraan ni Monday (part 4) - Panalangin
Special Chapter: Ang Nakaraan ni Monday - Pakiramdam (Halloween Special)
Chapter 3.7: Ang Nakaraan ni Monday (part 5) - Pagtataka
Chapter 3.8: Ang Nakaraan ni Monday (part 6) - Alapaap
Chapter 3.9: Ang Nakaraan ni Monday (part 7) - Kapalit
Chapter 3.10: Ang Nakaraan ni Monday (part 8) - Paghihintay
Chapter 4: Overnight sa Palasyo
Chapter 5: Overnight sa Palasyo (part 2) - Luha't Yaman
Chapter 6: Botanical Garden
Chapter 7: Katok
Special Chapter: Pagmamahal (Valentines Special)
Chapter 8: Richards Family
Chapter 9: Kabado
Chapter 10: Flashback
Chapter 11: Hula ni Rica
Chapter 12: Finals Week
Chapter 13: Byaheng Tarlac
Chapter 14: Katotohanan
Chapter 15: Dalawang Puno, Isang Panaginip
Chapter 16: Pagbalik sa Kabataan
Chapter 17: Tiyo Tenong at si Rally
Chapter 18: Lovelock
Chapter 19: Pag-uusap
Chapter 20: Pauwi ng Maynila
Chapter 21: Panaginip at Pageselos
Chapter 22: Muling Pagkikita
Chapter 23: Alaala
Chapter 24: Ilong
Chapter 25: Unang Pagkikita
Chapter 26: First
Chapter 27: Charlotte
Chapter 28: Piano
Chapter 29: Biglang Bonding
Chapter 30: Waiting for Forever
Chapter 31: Lihim ni Lotty
Chapter 32: Kundi..
Chapter 33: Sunday
Chapter 34: He's Proud
Chapter 35: Mr. Campus
Chapter 36: Surpresa
Chapter 37: Resulta
Chapter 38: Bagong Mr. Campus
Chapter 39: Pagpunta
Special Chapter: Pagkanginig (Halloween Special)
Chapter 40: Tingin
Chapter 40.2 : Tingin (part 2) - Kanta
Special Chapter: Simbang Gabi (Christmas Special)
Chapter 40.3 Tingin (part 3) - Rebelasyon
Chapter 41: Pagkagulo
Chapter 42: Paliwanag
Chapter 44: Rosas (Valentines Special)
Chapter 45: Pangako
Chapter 46: Santan
Chapter 47: Kwintas
Chapter 48: Buong Akala
Chapter 49: 300th Day
Chapter 50: Pagtatagpo
Chapter 51: 'Di Inaasahang Pangyayari
Chapter 52: Pahiwatig
Chapter 53: Dahilan
Chapter 54: Dasal
Chapter 55: Kabiyak ng Lovelock
Chapter 56: Pakiusap
Chapter 57: Litrato
Chapter 58: Pagbabalik
Chapter 59: Paalam
Chapter 60: Tawag
Chapter 61: Mag-isa
Chapter 62: Pagpatak ng Luha
Chapter 63: Bracelet
Chapter 64: Earphones
Chapter 65: Basket
Chapter 66: Kape
Chapter 67: Text
Chapter 68: Malay
Chapter 69: Sulat
Chapter 70: Dedbat
Chapter 71: Kumpleto
Chapter 72: Papel
Chapter 73: Panyo
Chapter 74: Balisong
Chapter 75: Tsinelas
Chapter 76: Plano
Chapter 77: Tiwala
Chapter 78: Kakampi
Chapter 79: Bala
Chapter 80: Isandaan (Last Chapter)

Chapter 43: Abot Langit

1.7K 14 0
By EJCenita

Chapter 43: Abot Langit


Agad kaming pumunta sa may sala, nakahanda na yung pagkain. Ako na lang pala ang hinihintay nila. Hinila ni Johan yung upuang malapit sa akin upang makaupo ako ng maayos. Napaka-gentleman talaga ng boyfriend ko. Habang nakain kami, katapat ko si Tita Nessa at katabi ko si baby. Habang nasandok ako ng ulam, biglang nagsalita si Tita.


"Ay Monday, baka umuwi yung dalawa kong anak galing Japan ngayong buwan." masayang sabi nito..


"Oh? Talaga tita??" tanong ko habang nakuha ng ulam..


"Oo! Excited na nga ako eh. May kasama raw silang isang kaibigan pa na uuwi rin dito. For sure marami silang pasalubong sa atin." sabi nito..


"Sa atin? Kilala po ba nila ako?"


"Aba oo naman! Sinabi ko na nandito ka kasama ko at ibili ka ng mga damit."


"Nako tita! Hindi na kelangan 'noh."


"Anong hindi? Gusto ko maganda ka palagi, anak na rin kita 'noh!"


Napangiti ako sa narinig ko. Ang sarap pakinggan na mahalaga at anak ang turing ni tita sa akin. Habang nag-uusap kami, nakatingin lang si Johan sa amin. Tipong nakikinig lang at nakikisama sa saya na nararamdaman namin.


Pagkatapos namin kumain, napagdesisyunan naming pumunta sa sala para manuod ng TV. Ilang minuto lang ang nakalipas magmula ng umupo kami ay.


"Parang gusto kong manuod ng movie ngayon." bulong ko..


"Tara nuod tayo ng movie!" pag-aaya ko sa kanila..


"Sige! I like it!" sagot ni Johan..


"Nako, magtutupi pa ako ng mga damit natin." sabi ni Tita..


"Ay tita naman eh." sabay pout ko ng lips ko..


"Kahit isang movie lang po?" patuloy ko..


"Nako, kayo na lang manuod. Aakyat na ako para magtupi ha."


"Hmm.. Osige po! Yehey!"


"'Wag kayong masyadong magpapagabi. Baka mahirapan ka Johan sa pag-uwi."


"Ay, hindi po. Okay lang po." pangiting sagot ni Johan..


"Tsaka may pasok pa kayo bukas diba?" patuloy ni Tita..


"1:00pm pa naman po Tita eh." sagot ko..


"Ah basta 'wag masyadong magpupuyat okay? Akyat na ako." sabi ni Tita sabay akyat sa hagdan..


Pagka-akyat ni Tita, dali-dali kaming naghanap sa DVD rack namin ng magandang papanuorin. Medyo matagal na rin kasi simula ng nanuod kami ng movie eh. Nakaka-miss yung ganito, yung feeling na kasama ko siyang manuod ulit ng pelikula. Habang naghahanap kami.


"Baby, ano ba gusto mo? Horror o action?" tanong ko habang namimili..


"Hmm.. I don't like horror movies coz whenever you're afraid you make hampas sa akin." pabirong sagot nito..


"Ah ganon?" sagot ko..


"Hahahahaha just kidding baby! Just pick a love story." ngiti nito..


"Aba aba, gusto mo ng love story.. Siguro, paminta ka baby 'noh?" pabiro ko..


"Pa..min.. ta? Ano yun baby?" tanong nito..


"Tawag 'yun sa bakla baby. Hahahahahaha"


"Oh so you're saying that I'm a gay?"


"Oo bakla ka kaya! Hahahaha"


"Talaga?" sabay lapit nito sa akin..


"Oo! Paminta ang baby Johan ko!" sabay tingin ko dito..


"Really?"


Hanggang sa nagkatitigan na kaming dalawa, sobrang lapit ng mata nito sa akin. Mas malakas ang epekto ng kilig nito kapag mas malapit siya sa akin.


"Ay hindi na. Joke lang eh!" ngiti ko..


"Close your eyes." mahinang sabi nito..


"B – bakit?"


"Just close it."


Pinikit ko ang mga mata ko. Napalunok na lang ako at napakapit ng mahigpit sa hawak kong DVD. Hanggang sa.


May naramdaman akong paglapat ng labi nito sa pisngi ko. Medyo matagal din 'yun. Narinig ko rin ang pag bungisngis nito pagkatapos niyang humalik. Dahan-dahan kong binukas ang mga mata ko.


"Am I still gay?" tanong nito..


"Hindi.. hindi na.." hindi ko matago ang pagkakilig ko..


Kinilig ako sa ginawa nitong paghalik sa pisngi ko dahil alam niyang ayokong hinahalikan sa lips, mataas ang respeto sa akin ni Johan kaya sa pisngi niya lang ako hinahalikan. Nakakakilig talaga!! Napakasweet niya. :">


Lumipas ang ilang minuto, nakapili na siya ng papanuorin namin. Yung movie nina Toni at Vhong, My Only U. Hindi ko alam kung bakit 'yun ang gusto niyang panuorin, siguro dahil nagandahan siya kay Toni.


Umupo na kami, pinatay ang ilaw para mas maganda. Oops! Hindi kami tulad ng ibang kabataan na kapag pinapatay ang ilaw, iba na nangyayari. May respeto kami sa isa't-isa at alam ang limitasyon namin. Pagkaplay ng DVD ay agad ko siyang tinanong.


"Baby, bakit 'yun ang napili mong panuorin natin ngayon?" pagtataka ko..


"Nothing. It looks cute eh."


"Ay, akala ko ba naman dahil sa nagustuhan mo ang story nun."


"I think maganda siya eh. Napanuod mo na ba 'yan?


"Hindi ko pa 'yan napapanuod baby eh."


"Good then! Let's watch it together." sabay ngiti nito..


"Sige!"


Habang nanunuod kami, pumasok bigla sa isip ko yung nangyari kay Lotty.


"Baby, alam mo ba yung balita na wala na sina Lotty?"


"Oh?" pagkagulat nito..


"What happened to them?" sabay lingon nito sa akin..


Napa-isip ako sa sasabihin ko sa kanya, hindi ko pwedeng sabihin na nang dahil sa akin kaya sila nag-break.


"S – siguro.. Na-fall out of love si Marion? Parang ganun, baby."


"Bakit kaya? I thought he loves Lotty so much but eventually, ganyan ang nangyari."


"Kaya nga baby eh, nakakagulat. Buti pa tayo 'noh? Matatag at sobrang nagmamahalan." sabay yakap ko dito..


"Oo naman baby!"


After nun, nanuod na kami ulit. Hanggang sa dumating yung part na kinakanta na ni Toni yung theme song nila na, Kasama kang tumanda. Kumakanta rin si Johan. Tawa ako ng tawa nun kasi pinipilit niyang kantahin yung kanta na tipong kabisado niya pero ang katotohanan, miski tono hindi niya masabayan. Ang saya lang kasi ngayon lang kami ulit nakapag-bonding tulad ng ganito, marami kasing nangyari nung mga nakaraang araw at linggo, kaya naging busy kami pareho pero okay lang, sulit ang lahat kasi ngayon? Wala akong kasing saya sa piling niya. Abot langit palagi ang pagngiti ko. Sa kanya ko lang naramdaman yung ganitong saya. Nakakatuwa kasi sa kabila ng lahat ng nangyayari, kami pa rin, matatag at kuntento sa isa't-isa.


Hanggang sa matapos na namin ang pelikula, maganda ang impact sa akin ng movie na 'yun. Nakakakilig at nakakatuwa. Pang good vibes!


"Gusto kitang kasamang tumanda." sabi sa akin ni Johan pagka-alis nito ng DVD..


"Hmm, baby! Gusto rin kitang kasama pagtanda." sabay lapit ko dito at yakap ng mahigpit..


Doon nagtapos ang gabi namin, umuwi siya bandang mga 11:30pm, nag-text kami saglit hanggang sa makatulog ako ng bandang 12:20am. Okay lang naman magpuyat ng kaunti kasi hapon pa naman klase namin eh. Walang mawawala kung matutulog ako ng mahaba.


Kinaumagahan, nagising ako ng bandang 8:43am, tinulungan ko agad si Tita na maglinis ng bahay, magdilig ng mga halaman, magluto ng agahan at maging ng tanghalian. Tipong gawain ng totong may bahay. Nakakatuwa kasi nakakatulong ako sa kanya sa kahit na simpleng paraan, halatang excited ito sa pagdating ng kanyang mga anak na galing sa Japan. Bale mga pinsan ko sila, hindi pa kami nagkikita ever since kaya ako? Excited din! Kaso after Valentines pa sila uuwi. Speaking of Valentines, ano kaya mangyayari sa araw na 'yun? Hmmm.


Bandang 10:30am, kakatapos lang naming kumain ni Tita. Umupo ako saglit sa may sala namin para magpahinga, saktong nag-text si Sissy Rica nun.


"Sissy! Good morning. Pasok tayo ng maaga ngayon!"


Nagulat ako sa text nito, ano kayang meron?


"Good morning din sissy! Bakit? Anong meron?"


"Wala lang, boring kasi dito sa amin eh. Sabihan mo rin si Sissy Lotty. "


"Aba aba, talagang close na kayong dalawa ah? Hahahaha" pabiro ko..


"Hahahaha oo nga eh, akalain mo 'yun, naging friends kami XD"


"Oo nga eh! Nakakagulat pero ayos lang, mas masaya kasi tatlo na tayo!"


"Oo sissy! Kaya mag-prepare ka na para makapag-bonding pa tayo bago magklase."


"Osige, sissy! See you! : )"


Pagkatapos nun, agad kong tinext si Lotty.


"Lotty! Pasok daw tayo maaga sabi ni Rica. See you! "


Hinintay ko reply niya kaso wala. Kaya naligo na ako. After kong magbihis, tinext ko si Rica.


"Sissy! On the way na ako : ) Saan tayo magkikita?"


"Sa may library na siguro para malamig hehe ingat din! : )"


Lumipas ang dalampung minuto, nasa school na ako. Hindi naman kasi ganong kalayuan ang school namin diba? Tsaka wala masyadong traffic, magtatanghalian na kasi. Pagkarating ko sa school namin, agad akong dumiretso sa comfort room para mag-ayos. Medyo pinagpawisan din kasi ako. Tapos dumiretso ako sa library. Binuksan ko ang pinto, naglakad papunta sa lagayan ng bag.


Nang ilalagay ko na ang bag ko, napansin kong bag ni Lotty yung nasa tabi ng paglalagyan ko. Pagkalagay ko ng bag ko at pag-sign sa attendance sheet, hinahanap ko siya. Naglakad-lakad ako hanggang sa nakita ko siya sa dulong lamesa, nag-iisa at nagbabasa yata.


Pagkalapit ko dito, napansin niya agad ako.


"Sissy! Good morning! Ang aga mo yata?" pagtataka nito..


"Diba tinext kita?" tanong ko..


"Ha? Nag-text ka ba? Teka." sabay kalikot nito sa phone nito..


"Ay oo nga sissy! Sorry hindi ko nakita." patuloy nito..


"Panong 'di mo nakita eh hawak mo phone mo?"


"Ah, kasi nagbabasa ako sa Wattpad ngayon eh."


"Ah kaya pala hahahaha eh bakit maaga ka kung hindi mo na-receive texts ko?"


"Wala lang, gusto ko kasing magbasa dito sa library kaso nakakatamad yung mga books, kaya sa Wattpad na lang ako nagbabasa. Masaya na nakakakilig pa." pabirong sabi nito..


"Hahahaha, ikaw talaga!"


Lumipas ang tatlumpung minutong paghihintay at pag-upo namin doon, dumating na rin si Rica.


"Sorry girls, na-late ako!"


"Okay lang! Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko..


"Uhm, teka kumain na ba kayo ng lunch?" tanong nito..


"Hindi pa eh. Ikaw ba Lotty?"


"Hindi pa rin. Nagugutom na ako."


"Ako rin! So kain tayo ngayon, treat ko!"


"Yehey! Tara!"


Lumabas na kami ng library, dumiretso sa malapit na resto para kumain. Inabot kami ng isang oras doon dahil nagkulitan pa, nagkwentuhan, nagtawanan at nagpikyuturan.


"Nako, malapit na palang mag-1:00pm!" sabi ni Rica..


"Hala! Oo nga, balik na tayo sa school!"


Binayaran na ni Rica yung mga kinain namin tapos dumiretso na kami sa school, wala pang limang minuto, nasa gate na agad kami. Naglakad papunta sa building namin ng biglang huminto si Rica sa isang bulletin board sa hallway.


"Sissy? Bakit? Anong meron?" tanong ko..


"OMG!" sigaw nito..


"Ha?? Bakit?"


"Tingnan niyo 'to dali!!"


Agad kaming lumapit ni Lotty, binasa yung announcement.


"Abot Langit: A Valentine's Day Campus Concert with Silent Sanctuary.."


"OMG OMG Silent Sanctuary!! Nuod tayo nito mga sissy ha?? Ha??" sabi ni Rica..


Natulala ako sa nabasa ko.


"Oo! Manunuod tayo niyan sa Valentines! Diba Monday?? Diba? Diba?" sagot ni Lotty..


"Ah, oo. P – pero.." 


Continue Reading

You'll Also Like

31.3K 1.1K 25
Terrence Odesey Morgenstern: also known as TOM for short! a famous CASANOVA he is handsome, talented and a total package guy! every girls wanted...
44.8K 1.1K 50
[NO SOFT COPIES] "Don't hold on to the past too tight, the future may never come." Lagi nakatatak sa isip ko pero kahit anong gawin ko hindi ko pa r...
7K 1K 64
IN THE GAME OF DEATH, THERE ARE ONLY TWO OPTIONS: YOU EITHER KILL OR GET KILLED. In Year 2029, the Earth's population increased ceaselessly. That wa...
234K 7K 97
Started'SEPT 8 2016 Ended:OCT 8 2016 Pano kung lahat ng pinaghirapan nyong makuha, sa isang iglap ay mawawala? Ang pinaghirapan nyong buoin... ay mag...