The Unexpected You (GayXBoy)

By 2YellowMonster3

69.3K 1.8K 223

May mga taong dumadating sa buhay natin nang hindi naman natin inaasahan, pero ang hindi natin alam isang ara... More

Prologue
T.U.Y-1
T.U.Y-2
T.U.Y-3
T.U.Y-4
T.U.Y-5
T.U.Y-6
T.U.Y-7
T.U.Y.-8
T.U.Y-9
T.U.Y-10
T.U.Y.-11
T.U.Y.-12
T.U.Y-13
T.U.Y-14
T.U.Y-15
T.U.Y-17
T.U.Y-18
T.U.Y-19
T.U.Y-20
T.U.Y-21
T.U.Y-22
T.U.Y-23
T.U.Y-24
T.U.Y-25
READ THIS

T.U.Y-16

2.2K 66 9
By 2YellowMonster3

A/N: Hello guise! sorry kung mej matagal yung updates kasi mej marami din yung pinapagawa sa amin sa school pero wag kayong mag-alala, tinatry ko pa rin naman isingit ang pagdadraft kahit sobrang dami ko pang ibang dapat intindihin. HAHAHAHAH so calm yo tits mga baby beks at malapit na ang bakasyon sooooooo yeah keep reading. Comments and votes para naman masaya divine?

PS. please play the song above, nakakadagdag yan ng feels promise.





Earl's POV

"Oh pre kumusta! andito ka din pala" Sabi ni Jeric pagkalabas ko ng CR. Nakapambahay pa at mukhang nagmadaling pumunta dito, kunwari pang hindi alam na nandito ako eh narinig ko kanina na sinabi ni Ichi na kasama niya ko. Oo, naririnig ko pinag-uusapan nila ni Jeric at oo din masakit na superman ang tawag sa kanya ni Ichi. Badtrip kasi hindi ako makahanap ng tamang oras para makipag-hiwalay kay Vera eh, ayoko namang simulan ang pag-amin at panliligaw kay Ichi ng hindi pa ako malinis. 

"Ayos lang naman, kanina pa ko andito." Monotonous lang yung pagkakasabi ko, para naman marealize niyang di ako interesado sa pakikipag-usap sa kanya.

"Ah ganun ba? dinalaw ko lang tong boss babe ko, ayos lang ba? hindi ba ko nakaka-istorbo?" Sabi niya sabay akbay kay Chain, hindi ko tuloy alam kung maa-asar ako o maiinggit eh.

"Nako ayos lang, kakatapos lang naman namin magbake eh, diba Ichi?" sabi ko dito sabay tingin kay Ichi at ngiti. Sa ngayon ayaun pa lang ang kaya kong gawin pero sa lalong madaling panahon talaga, kikilos na ang inyong lingkod. hahahahah corny pero ganun talaga eh, corny na kung corny pero para kay Ichi kaya kong maging baduy basta mapakilig lang siya.

"Upo muna kayong dalawa jan, titingnan ko lang yung bini-bake namin baka tapos na." Pagkasabi nun ni Ichi ay agad siyang kumawala sa akbay ni Jeric at dumerecho sa kusina. Kaming dalawa naman ay umupo na pinagpatuloy yung panunuod ng movie.

"Kumusta kayo ni Vera?" paanimula ni Jeric dahil hindi pa dumadating si Ichi.

"Magsasabi na ako ng totoo sayo kuya, hindi kami okay at gusto ko na rin siyang hiwalayan." Derecho kong sabi kay Jeric, alam ko namang hindi siya makikielam kasi nasa tamang edad na kami at may sarili ng pag-iisip yung kapatid niya.

"Bakit mo siya gusto mo siya hiwalayan, para maligawan mo na din si Chain?" sabi nito ng derecho din. Sa una nagulat ako pero mas pinili kong ngumisi, nakakaramdam din pala ang gago.

"Oo sana eh, may problema ba dun?" sabi ko dito na hindi tinatanggal ang ngisi at ang paghahamon sa aking mukha.

"Nako wala naman, alam ko naman kasi yung mga piapasukan kong laban at alam ko din na ako ang mananalo." Confident nitong sabi, di ko itatanggi na medyo na nasakanya ang lahat ng alas. Pero syempre dapat fighting lang, may mangyayari ba kung susuko agad ako at di man lang susubukan?

"Ano namang pinag-uusapan niyong dalawa jan" sabi ni Ichi habang nakangit at dala-dala ang cake na ginawa namin kanina. Napa-isip ako habang nakatingin sa mukha niyang nakangiti, ayan ba yung susukuan ko? hindi, hinding-hindi.

"Wala, pinapayuan ko lang to si Earl tungkol sa kapatid ko." sabat ni Jeric at umusog para bigyan ng espasyo sa upuan si Chain at umupu sa gitna namin. Nakita ko naman na nangusap ang mata ni Ichi sa pagtingin niya kay Jeric, tila ba may gusto siyang sabihin na ayaw niyang malaman ko.

--------------------------------------------------------------------------------------

"Ano na pre? wala pa rin pag-usad?" tanong ni Chris sa akin, naging kaibigan ko simula nung lumipat ako dito sa school na to. Eto namang ugok na to matagal ng may gusto kay Ley, matagal niya ng inaamin pero hindi siniseryoso ni Ley kasi mukhang palaging nagjo-joke to. Palagi niya din kasing pinagtitripan si Ley nun kaya ayan siya ngayon, nga-nga pagdating kay Ley.

"Badtrip tol, si Jeric nakakapagsimula na. Ako eto hanggang ngayon di pa rin maka-kilos dahil kay Vera. Ayaw makipagkita sa akin eh, ayoko naman siya hiwalayan sa phone, baka pagnalaman ni Ichi yun maturn-off pa sa akin." sagot ko habang titig na titig sa t.v. naglalro kasi kami ng playstation dito sa bahay nila.

"Sus ang hina mo,pinopormahan na ng iba pumapayag ka pa? baliw na baliw ka sa taong yun tol tas hahayaan mong ganun lang, ni hindi ko pa nga nakikita yun siChain kilalang-kilala ko na dahil sa mga kwento mo eh." Sagot dito na kapwa ko tutuk rin sa t.v. dahil ayaw magpatalo. 

"Kinakabahan na nga ako eh, mukhang prenteng-prente na si Jeric na siya ang sasagutin eh." sabi ko dito dahil totoo naman yun, nakita ko kanina sa mukha ni Jeric na sigurado na siya at hinihintay na lang ni Ichi ang tamang pagkakataon. Masakit din yung sagot sa akin ni Ichi nung tinanong ko siya kung sila ni Jeric, tangina mga tol ang sagot ba naman "wag kang mag-alala pag sigurado na talaga ako sayo ko unang sasbihin." sakit.

"Sige tol para mapadali, kung sino ang mananalo dito ide-dare ang natalo, at kailangang gawin yun sa lalong madaling panahon, ibig sabihin pagkatapos sabihin ng dare kailangang gawin agad, ano game?" sabi nito at nakikita kong mukhang determinado siyang manalo kaya mas ginalingan ko pa, mamaya kung ano-ano pang i-dare sa akin nito eh.

"Oh pano ba yan? natalo ka sa sarili mong laro, game ka na sa dare ko?" sabi ko dito dahil ako nga ang nanalo.

"Badtrip ba't ngayon pa ko  natalo, sige tol ano ba yang dare mo?" matapang na sagot nito.

"Halikan mo sa labi si Ley, nasa coffee shop sila ngayon kasama sila Ichi. Bilis tol!" sabi ko dito, tulong na rin siguro yun para naman umusad na yung relasyon nitong dalawa.

"Puta tol wag mo namang idamay yung asawa ko dito, mamaya magalit sa akin yun pag ginawa ko sakanya yun at hindi pa umo-o pag nagpropose na ako sa kanya."sagot naman nito at halatang ayaw gawin ang sinabi kong dare sa kanya.

"Sus wala ka palang bayag eh, maghahamon-hamon tas di din pala kayang gawin." pangungutya ko dito at mukhang umepek naman

"Tangina tara tol asan na ba yung susi na kotse ko at nang masibasib ko na yung labi ng asawa ko." Gago talaga kahit kailan.

Pagkadating na pagkadating namin dun ay walang sabi-sabi at hinalikan agad ni Chris si Ley sa labi. Nagulat naman si Ichi at Patricia dahil sa biglaang pagdating namin dito at syempre sa ginawa ni Chris.

Mabilis namang nakatanggap ng mag-asawang sampal si Chris pagkatapos ng halikan nila ni Ley.

"Babes ang sakit naman nun, ba't ka naman nanampal." sabi ni Chris habang sapo-sapo ang kanyang pisngi dahil sa lakas ng sampal ni Ley.

"Kundi ka banaman kalahati't gago, ba't ka nanghahalik!!!!" galit at gulat na sabi ni Ley. Hinila ko naman si Ichi at Patricia palabas ng coffee shop para bigyan ng panahon yung dalawa, tawang-tawa naman ako sa nakita ko pero pinipigilan ko dahil baka maweirduhan tong dalawa. hahahahahah

"Hoy anong ginawa nung kaibigan mo Poy?" tanong ni Ichi pagkalabas na pagkalabas namin ng coffee shop.

"Wala yun chi wag mong intindihin yun kaya na nilang dalawa yun malalaki na sila." sabi ko dito habang si Patricia naman ay nakatayo lang as tabi.

"Pakshet bat nya hinalikan si Ley?" sabi ulit ni Ichi at mukhang naguguluhan.

"Wala nga 'yon Ichi, wag kang mag-alala ayos lang 'yon." paninigurado ko naman dito.

"Anong ayos, magsyota ba yong dalawang yun?" tanong ulit nito, sasagot na sana ako pero biglang nagsalita si Pat.

"A-ahmmm guys? alis na ko h-hah?" 

"S-sige pat, una kana, ingat ah." sabi ni Ichi dito at umalis na nga to sa kinatatayuan nito.

"Tara balikan natin sila dun sa loob Pipoy." babalik na sana siya pero agad ko itong hinila at pinigilan.

"Hey hey hey, calm down. They're alright, okay lang sila. Huwag kang masyadong mag-alala. Tara na hahatid na kita sa inyo." sabi ko dito habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi at nakaharap sa akin.

"S-sigurado ka?" sabi nito at kita sa mukha niya ang pagpula.

"Oo, kaya tara na at ihahatid na kita." sabi ko dito at tinanggal na ang pagkakahaak ko sa mukha niya dahil puta mga pre hindi ko kinakaya yung mga mata at labi ni Ichi baka di ko mapigilan.

---------------

"Pasok ka na Ichi, okay lang yun huwag kang masyadong mag-alala okay? see you tomorrow." sabi ko dito pagdating namin sa bahay nila.

"Okay poy, promise mong okay lang yun ah. Lagot ka sakin pag may nangyaring masama dun sa kaibigan ko dahil dun sa kaibigan mo." napangiti naman ako dahil sobrang halaga para sa kanya ng mga kaibigan niya.

"Opo nakasisigurado mo kayo kumander." sabi ko dito at sumaludo pa. Napatawa naman to dahil sa ginawa ko at achievement talaga yun para sa akin, hindi nyo lang alam kung gaano kalaking bagay sa aming mga lalaki ang mapangiti o mapatawa yung taong mahal namin.

"Sige na uwi ka na, ingat poy!" sabi nito at pumasok na sa loob ng bahay nila.

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
145K 6.7K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
47.7K 3.5K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
391K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...