The Untamed Beauty and The Ha...

Door cofitwiin

2K 37 8

Disney's Classic fairy tale with a twist: Mayroon tayong kasabihan na LOVE CONQUERS ALL. But will love conque... Meer

Prologue
Chapter 1: Meet Ana Fonetier
Chapter 2: Date With The Stranger
Chapter 3: Travis the Traitor
Chapter 4: The First Time I Saw You
Chapter 5: Bahay Mo Bahay Ko
Chapter 6: Bisita To Yaya
Chapter 7: Meet the Most Special Girls in My Life
Chapter 8: Household Chores Blues
Chapter 10: Painful Past
Chapter 11: Rest-Oh-Rant
Chapter 12: Angela
Chapter 13: The Announcement
Chapter 14: Hi! I'm Mr. Confused
Chapter 15: His Parents
Chapter 16: Ana or Angela
Chapter 17: Two Halves
Chapter 18: My Angel
Chapter 19: Ana vs. Angela

Chapter 9: All New...

97 3 1
Door cofitwiin

Hi guys. Eto na ang Chapter 9. Salamat sa mga sumusubaybay sa story na ito. At kahit ala pang comments at votes, Masaya pa rin ako. But I guess mas maeencourage pa kong gawin ang story ko pag alam ko din ang mga insights niyo. 

--------------------------------------------------

The Untamed Beauty and The Handsome Beast

Chapter 9: All New…

Ana’s POV

Ouch! Sakit naman ng katawan ko. Unti unti ko nang idinilat ang mga mata kong nasisilaw sa liwanag. Feeling ko isang taon akong nakatulog.

Oh my! Nasan ako? Teka all blue? Kilala ko tong kwarto na to ah!. Kay Ivo! Ang sakit ng braso ko, ng paa ko, ng likod ko, ng buong katawan ko! Ano ba to! At biglang nagflashback sa kin lahat ng nangyari. Yung hindi pagdating nung yaya nila Ivo, hanggang sa paglalaba, hanggang sa brief-bra matter, at sa malakas na hampas ng tubig sa katawan ko.

Ha! Napabalikwas ako ng bangon. Tumingin sa katawan ko, sa paa ko. Teka! Bakit iba ang damit ko???

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!”

Si Ivo kaya ang nagbihis sa kin? No Way!!! Ang katawan ko, ang maganda at kawawang katawan ko. Ahuhuhu! Gusto ko nang mamatay!

Ayoko pa pala. Nasan na ba ang taong yun? Sinubukan kong bumangon sa kama kahit masakit pa ang katawan ko. Hay naku. Buti at nakaipon na ako ng lakas. Anong  oras na ba? Ay! My goodness 8am na. Bababa na ako. Dinahan dahan ko lang para hindi sumakit katawan ko.

“Ivo? Jane? Yome?” tawag ko sa kanila.  “Hello! Andiyan ba kayo? Wag naman kayong magtago please” sinusubukan kong lakasan yung boses ko at sa tingin ko enough na ang lakas kaso wala pa ring sumasagot.

Tatlong steps na lang sa hagdan para makababa na ako totally nang…

“AY!” and I went down with a loud THUD!!!

“Ana!” saktong pumasok si Ivo kasama ang mga bata. Tinulungan niya akong tumayo tsaka ko siya sinampal. “Aray! Ano ba!” reklamo niya sa kin. “San ba kayo galing ha? Bakit kayo umalis? Pano kung bigla na lang may pumasok dito at pagkukuhanin ang mga gamit??” medyo galit daw ako kunwari. “Hoy, miss tiger, hindi kami pumunta kung saan saan lang! Galing kaming simbahan at pinagdasal ka na sana hindi ka pa patay! Pambihira ka naman. Linggo ngayon noh! Baka kasi di ka nagsisimba diyan.” Tumingin naman ako sa kanya habang nagpapaliwanag siya, at kahit medyo brutal yung pagpapaliwanag niya, natuwa ako sa kanila. Akalain mo pinagdasal pala na sana di pa ko patay. Nagi-guilty tuloy ako. Pinagdasal ko pa na sana mamatay na lang ako.

 Ang sweet grabe!

“Ahehehe, salamat!” sagot ko na lang. Nakakahiya naman kasi sa dalawang batang kaharap namin. “Alam mo ate talagang nagdasal kami kanina kay Papa God na sana gumaling ka na. Nakakatuwa naman. Magaling ka na nga. At ayan nakakatayo ka na din. May pabaon pa talaga. Nasaldak ka sa pwet” tiningnan nila ako nang natatawa habang ako naman ay hinihilot ko ang bumagsak kong pwet!!!

“Haha, oo nga eh. Effective yung dasal niyo. Wag kayong mag-alala ipagluluto ko kayo ngayon.” Lumakad na ako papuntang kusina. “Wag ka nang magluto.” Sabi ni Ivo. “Hoy kung ayaw mo kumain, e di wag, basta pakakainin ko na ang mga batang yan” lumapit siya sa kin. “Ana wag ka na magluto kasi sa labas  tayo kakain. Punta tayong Mall at dun na tayo magpalamig tsaka talagang lumalabas kami kada lingo. Kaya tara na!!!” pagkasabi niya nun ay binuhat niya ako at dinala sa kwarto ko. Tsaka ako pinagbihis. Ilang saglit lang ay nakabihis na din ako.

“Oh ano, let’s go!” yaya ko sa kanila. Nakaponytail ang curly na buhok ko Nagsuot ako ng white dress na nahablot ko noon sa Marks and Spencer. “Wow ate bagay mo yang damit mo.” Compliment ni Yome. “Talaga?? Thank you! Ang mga bata talaga di marunong magsinungaling. Hahaha” tsaka sila nakitawa sa akin. “Talaga lang ha? Well,ibahin mo ang mga kapatid ko.” Sabat nitong Primitivo na to. Tinarayan ko ng tingin. “Kinakausap kita?!” pagtataray ko sa kanya. “Bakit? Ikaw ba kinakausap ko?” sagot naman niya. Bwiset talaga tong lalakeng to. Hay! Whatever, bago pa ulet kami magbangayan ay lumakad na kami papuntang gate. Sumakay na ang dalawang bata sa likod. Ako naman sa passenger’s seat. Kaya magkatabi kami ni Ivo. Inalalayan niya pa ako sa pagpasok sa kotse niya. Yung mga tipong talagang hinding hindi ka mauuntog or matatapilok man lang sa sobrang pag-iingat niya sa kin. Hehe, kung ganito siya lage, baka pati pwet niya mahalikan ko pa.

Habang nasa daan kami, kumakanta naman ang dalawang bata. Favorite daw nila yun. In fairness ang ganda ng boses nila. Nasa tono kasi sila at matinis ang boses. Mas lalo pang gumanda ang kantahan nang pati si Ivo ay sumabay.

Wings

I was, living in a fantasy

Waiting, for somebody to rescue me

But I found a way to light the dark

It was always here inside my heart

No more fairy tale pretending

I'll make my own happy ending

If I wasn't meant to fly, I wouldn't have these wings

I wouldn't reach up to the sky, every night in my dreams

There's a voice inside of me saying, "I can do anything"

'Cause if I wasn't meant to fly, I wouldn't have these wings

And there's a star that's shining down on me

Reflecting everything that I can be

Every journey starts inside my heart

And there's no mountain that's too far

'Cause if I set my mind to it

Whatever it is I can do it

If I wasn't meant to fly, I wouldn't have these wings

I wouldn't reach up to the sky, every night in my dreams

And there's a voice inside of me saying, "I can do anything"

'Cause if I wasn't meant to fly, I wouldn't have these wings

To take me farther than I ever thought I'd go

Higher than the heavens 'cause deep inside I know

If I wasn't meant to fly, I wouldn't have these wings

I wouldn't reach up to the sky, every night in my dreams

And there's a voice inside of me saying, "I can do anything"

'Cause if I wasn't meant to fly, I wouldn't have these wings

“Wow! Ang gagaling niyo palang kumanta!” puri ko sa kanila tsaka ko pumalakpak. “Syempre may talent. Ikaw anong talent mo?” pang-uuyam ng Ivo na to! Ang yabang talaga. “Hoy pwede ba, hindi ikaw yung sinasabihan kong magandang boses, kaya manahimik ka jan kung ayaw mong barahan ko yang lalamunan mo ha.” Galit na sabi ko sa kanya. Umeepal eh. Tumawa naman ang magkapatid. Tsaka ko napansin na tumaas ang isang kilay ni Ivo at dumiin ang mga labi niya. “Hmm!” pataas na tonong pagrespond ko sa kinilos niya. Nilakihan ko pa talaga butas ng ilong ko para halatang naiinis talaga ako.

At last, nakarating na din kami! Ahaha, nandito kami ngayon sa  Robinson’s Mall sa lagpas ng Luneta. Grabe ngayon lang ako nakapasok dito. Ang lamig sa loob. Kung saan saan pa kami nag-ikot para Makita ang mga foodcourt. At ang inupuan namin ay ang isang bakanteng table for four. Magkatabi kami ni Jane at kaharap ko si Ivo. Magkaharap naman si Yome at Jane. Kuha niyo?

Lumapit na ang kumukuha ng orders sa min. Anyway ang pangalan pala ng foodcourt na pinuntahan naming ay Shabu-Shabu. Grabe ang adik ha. Pero Chinese foods ang mga isine-serve nila dito.Tapos mga dimsums na may drawing na may kulay pa. Hay ang gandang tignan. Ayan na, nakaready na ang foods. Nagsimula nang kumain ang mga bata pati na din si Ivo. Nakailang subo na siya nang mapatingin sa akin. “Anong hinihintay mo? Pasko? Kumain ka na nga diyan. Bawal manood ng kumakain.” Sita niya sa akin. Lastog talaga ang lalaking to. Mejo inilapit ko ang mukha ko sa kanya para bumulong. “Eh kasi, ano eh, ahm, di kasi ako marunong gumamit ng chopsticks. Pwedeng kutsara na lang ang gamitin?” tanong ko sa kanya. At sa gulat ko, tumawa siya nang pagkalakas lakas. Dahil dun, napatingin pa ang ibang customers sa amin. Sapo pa niya ang tiyan niyang parang masakit na sa katatawa.

Kunwaring nilapitan ko siya at hinimas ang likod niya. “Ah, wag ka nang madepress diyan. Wag mo na lang kasi siyang isipin. Makakamove-on ka din. Tama na ha.” Kunwaring pagpapakalma ko sa kanya. Parang nakuha naman ng mga taong nakatingin sa amin ang ibig kong sabihin dahil nagbawi na din sila ng tingin. Tsaka ko siya binatukan ng mahina. “Walang ‘ya ka talaga. Tama bang pagtawanan ako? E sa hindi nga ako marunong gumamit ng chopsticks e! Mmm!” wala akong nagawa. Bumalik na ako sa pwesto ko at tinusok tusok ko na lang yung foods para makain ko. Habang nagpalipat lipat naman ng tingin sa amin ang mga bata.

Kahit papano nabusog naman ako. Kaya lumakas na din ako. Hehehe. Kung saan saan pa kami nagpunta sa mall. Ang feeling ko umiikot lang kami pero sa bawat pag-ikot naming iba na naman ang makikita mo. Sobrang luwang talaga. Sino kayang may-ari ng mall na to? Ah! Malamang si Robinson! Robinson's Mall nga eh di ba? Ang tanga eh! Anong klaseng tanong yan!!! Pero kung sino man siya ang masasabi ko lang sobrang yaman niya na.Baka pati kaluluwa ko kaya nang bilhin ng Robinson na yun. Kung saan saan pa kami nakarating. Mula sa mga damit, hanggang sa mga shoes, mula sa mga bags hanggang sa mga perfumes.

“IVO!” ow! May tumawag sa kanya mula sa likod namin. Boses ng mga lalake. Paglingon namin, yung mga hampas lupang nagmaliit sa kin. “O kumusta?” tanong naman niya. “Eto, babalitaan ka sana naming na birthday ni Angela bukas. Ini-invite tayo. Kung gusto mo naman isama mo na din yang si Chika Babe mo” nakangiting sabi nung Travis na yun. Nasa likod ako ni Ivo nung mga time na yun. Naalala ko kasi yung gabi na tinakas niya ko sa mga hayop na mga lalaking to. At pakiramdam kong lage akong ligtas pag nandiyan siya. Yung dalawang bata naman nasa tabi ko.

Nag-nod lang si Ivo. Ibig sabihin ba nun ay pupunta siya dun sa birthday nung Angela? Baka kaibigan nila yun. Ewan. “Nga pala Ivo, wag na wag kang mawawala dun ha. May ia-announce daw si Angela bukas ng gabi.” Sabi nitong lalaking lalaki ang dating. “Sige, kita na lang tayo dun” sagot naman niya. Tapos ay lumapit sa akin si Travis.

“Ana, sorry nga pala nun sa gabing yun ha. I shouldn’t acted that way sa yo. Alam ko na may kasalanan ako sa yo.Kaya gusto kong bumawi. Sabihin mo lang.” tsaka sya ngumiti sa kin at iniabot ang kamay niya. Mukha namang totoo na yung sorry niya kaya tinanggap ko tsaka ko siya nginitian.

“O sige pare, hintayin ka na lang naming dun ha. Yome, Jane, may chocolates ako dito. Eto tig-isa kayo.” Sabi nitong isa pang lalake. “Wow! Thanks kuya Bryan!” abot ni Yome . Dalawa yun at tig-isa sila. Grabe bongga ha! Yung chocolate na inabot hindi lang basta yung chocolate na makikita mo kung saan saan. Mukhang mamahalin yung mga yun. Ducchess Dark Chocolate ang name. “Ana, eto ang para sayo. Peace offering ko sayo. Pag tinanggap mo to, ibig sabihin ok na tayo.” Iniabot niya ang Cadbury’s Milk Chocolate na malaki. Tiningnan ko muna siya ng mataman sa mata. Mukha naman palang mga anghel tong mga to eh. Si Ivo na lang ang hindi. Inabot ko angchocolate at ngumiti ako sa kanya.

“Ok. That settles it. Sige una na kami.” Huling paalam pa nila. “Babye kuya! Ingat kayo!” sigaw nila Yome at Jane habang madungis na ang pagmumukha dahil sa chocolate.

Bumalik kami sa Dress Corner at bumili si Ivo ng isang magandang damit. Casual dress siya na mahaba at color white. Siguro yun ang ireregalo niya dun sa birthday girl. Tapos nagpunta pa kami sa shoes section at bumili ng Parisian Shoes. Color White na naman. Mahilig siguro ang babaeng yun sa white. Pagkatapos ay nagpunta kami sa Bags and Accessories. At hindi ako nagkamali sa hula ko. White na naman ang kinuha niya. Grabe! Kung ang tawag sa babaeng pink all over ay lady-in-pink at ang all over red ay lady-in-red, ano naman pag white? Lady-in-white? Naku mali!

WHITE LADY!!!

Pero magaganda ang mga stylesna pinili niya. Parang type ko nga eh. Mahilig din kasi ako sa white. Kung napansin niyo yung suot ko mula simula puro white. Mukha kasing malinis tsaka bagay ko ang white. Curly din kasi ang buhok ko at sabi ng iba, mukha daw akong fairy pag naka-white ako. Sabi ng mga nakakakita sa akin. Hehe. Flattered naman ako.

Bumili pa si Ivo ng isang silver plated necklace na may pair na bracelet at earrings na silver plated din. Dalawang set ang binili niya. Yung isa heart ang design ng mga pendant at yung isa naman white gold ang mga bato. Grabe ang yaman talaga ng Ivo na to. Binayaran niya na lahat nang makarating kami sa cashier. At nakita kong iniabot niya ang credit card niya sa babae. Pagkatapos nun, kinuha niya ulit yung card. Umalis na kami.

“San niyo pa gustong pumunta?” tanong niya sa min. “Kuya, sa McFlurry’s tayo!!” hay ang mga batang to talaga. Di pa kaya sila busog? Tiningnan ko siya. Nakangiti. “Kuya please dun tayo. Last na” hirit pa ni Yome. Nakakatuwa talaga tong mga batang to. Haha.

“Uy, pakita nga yang receipt” sabi ko sa kanya at inabot naman niya sa akin kaagad ang resibo. Halos lumuwa ang mata ko nang Makita ko ang halaga ng lahat ng binili niya.

“177, 640.42 pesoses!!!!!! Ivo, ang tindi mo namang gumastos! Kahit gaano kayo kayaman, dapat matuto kang magtipid.” Litanya ko sa kanya. Tsaka ko siya inirapan. Eh, naiinggit yata ako. Gumastos siya ng ganun kalaking halaga para lang maregaluhan yung Angela na yun. Inggit ako ha. Isasama kaya ako ng taong to? Hay

-----------------------------------

Nakarating na din kami sa McFlurry's at syempre kumain kami ng ice cream. Chocolate flavor ang sa min ni Yome, strawberry naman kay Jane at Capuccino naman ang kay Ivo. Natatawa naman ako sa itsura ng dalawang bata. Madungis na sila. Hahaha

"Ahahaha" napatawa ako ng konti. Tumingin sila sa akin. "Oops sorry" sabi ko na lang tska ko tinakpan ang bibig ko. "Ate bakit ka tumatawa?" nagtatakang tanong ni Jane sa kin. "Ah, hehe, may naalala lang kasi ako eh"

"Ano ba naman Ana. Wag ka nga tumawa jan." sabi ni Ivo na hindi tumitingin sa akin.  Tsaka pa lang siya nag-angat ng tingin pagkatapos niya magsalita.

Kumunot ang noo niya at tumayo. Lumapit sa akin.

At inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Nakakapaso ang mga tingin niya pero wala akong magawa kundi tumingin lang din sa kanya.

"Tinitingnan mo ang madungis na mga bibig ng mga bata samantalang pati ikaw, smudged na ang ice cream sa labi mo" mejo pabulong na sabi niya tsaka niya pinunasan ang bibig ko gamit ang kamay niya. Wala ba siyang panyo?  Nandidiri tuloy ako. Hihihi. Pero sweet ang dating sa kin.

"S-salamat." tsaka ako nag-iwas ng tingin. Nakakailang naman. Bakit ba hindi pa siya bumabalik sa upuan niya?? "I-Ivo, bakit? May dumi pa ako sa mukha?" sabi ko sa kanya. Mainit na mainit na ang pakiramdam ko!!!

"Hindi, sinisigurado ko lang na hindi ka nakamake-up. Ibig sabihin, tama ang hinala ko." sago niya. "A-anong hinala??" tanong ko pa. "Hinala ko? Mmm, namumula ka." Ang huling sabi niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ganun ba ako kapula???

Natapos ang mahabng araw sa akin. Di namin napansin na 4 pm na pala. Kaya naman umuwi na kami. Inantok ako kaya nakatulog ako sa biyahe.

-------------------------------------------------------------

Change of Point of View

Ivo's POV

Kahit napagod ako ngayon, nag-enjoy naman kami. Natutuwa ako kasi kahit papano di na kami ganon kadalas mag-away ni Ana. Nag-eenjoy din ako sa company niya. Nakakatawa kasi siyang magalit. Ibang klase ang katarayan niya, kaya naman gustong gusto ko siyang inaasar. At pag mukha na siyang kamatis, tsaka ko siya tatawanan. Hahaha. Bakit ba lagi siyang namumula? Inaasar lang naman eh. Ano kaya yun? Namumula sa galit?? Baka nga! Namumula nga sa galit.

Pero hindi ko maramdaman yung galit eh. Parang hiya ang nararamdaman ko sa kanya. Kasi kung talagang galit siya, pagsasasampalin niya ako kahit sa gitna pa ng daan. Haaay Ana!

Tumingin ako sa rear view mirror at nakit kong pati ang mga kapatid ko ay tulog na din sa likod. Pati ako inaatok na din. Buti na lang malapit na kami. Naiinis ako sa sarili ko. Baka madisgrasya kami dito.

Bakit hindi ko maiwasang tingnan ang mukha ni Ana? Parang may kung anong magnet sa kanya na naghihila sa akin. Hindi ko pwedeng sabihin na attracted ako sa kanya.

"At bakit hindi?" tanong ng isip ko. "Maganda naman siya eh. Tsaka ok din naman siya" Pinilit kong kontrahin ang mga lumalabas sa isip ko. "Pwede ba? Walang pinagkaiba ang babaeng yan sa isang kaladkarin!!! Di ba nga kung sino sino ang idine-date ng babaeng yan? Attractive ba ang ganun??? Knock knock!! Gising!!!" at yan naman ang lumabas na pangongontra sa isip ko.

Nakarating na kami sa bahay.

"Ana..." mahinang tawag ko sa kanya. Pero walang response. "Uy, Ana gising..." medyo nilakasan ko na boses ko. Bakit ayaw gumising ng mga to???

"ANA!!!" sigaw ko.

"AY LANGAW, KINAKALABAW! Ano ba naman Ivo!? Inaantok pa ako. Wag ka ngang maingay diyan! Sasakalin kita eh! Kung hindi ka inaantok wag kang mambulabog! Wala ka na bang magawa sa buhay at wala kang ginawa kundi manira ng moment ko?? Kung ayaw mong barahan ko yang lalamunan mo..." mahabang pagbubunganga ng bungangera.

"Whoa whoa whoa!!! Dahan dahan lang papatayin mo naman ako eh" natatawang sagot ko sa kanya. Ang haba kasi niyang maglitaya. Nakakatawa.

Tsaka pa lang siya tumingin sa kin.

Maganda talaga siya. No doubt ako dun. Pati pilik-mata niya nakakapag-anyaya. Yung ilong niyang matangos, parang ansarap pisilin. Ang kilay niya na hindi inaahitan pero perfect. Ang mata niya na maiitim, kumikislap sa tingin. Pati yung lips niyang pink, parang...

"HOY! Bakit ka natutulala diyan! Para kang sira. Baba na nga." sigaw niya sa kin.

"Yome, Jane, nandito na tayo. Gising na kayo." malambing na gising niya sa mga kapatid ko. Bakit sa akin, hindi niya ako ginigising nang hindi sumisigaw? Huhu. Ang lungkot naman!

"Hoy ang epal mo, nakakainis ka na. Bakit ba lagi mo na lang akong sinisigawan diyan? Bahay ko pa din ang tinitirhan mo" pagrereklamo ko sa kanya.

"Ah ganon ba? O sige. MAMAYA AALIS NA AKO!!! HINDI NAMAN KITA PINIPILIT NA PATIRAHIN AKO SA BAHAY MO EH!! ANG YABANG MO PA! KALA MO NAMAN KUNG SINO! SALAMAT NGA PALA HA! ANG SARAP TUMIRA SA BAHAY MO EH! NARAMDAMAN KO DING MAGING BUHAY PRINCESS! NGA PALA,  KUNIN MO NA MGA BINILI MONG DAMIT SA KIN!!! NAKAKAINIS KA HA. PINAPALABAS MONG..."

at sa sobrang sigaw niya sa kin, talagang lumapit pa siya. Hindi ko na alam kung pano patatahimikin ang babaeng to. Tsaka kanina pa ako di makapagpigil kaya...

KISS KO NA LANG SIYA...

Nakapikit lang ako kaya di ko makita ang reaction niya. Hahaha. Hay! What a peaceful place! Walang maingay, walang nagsasalita...

"Kuya????" oops! May mga kapatid pala ako sa likod. Hay, panira ng moment eh.

Nagbukas ako ng mata.

Tama ba ang nakikita ko?? Nakapikit si Ana. Ahahahaha!!! I can't believe it. Don't tell me naenjoy nya ang kiss ko? Nakakatawa naman. Tsaka ko pa lang tinanggal ang pagkakahalik ko sa kanya.

"Ah, girls, baba na" ang nasambit ko na lang. Natatawa pa din ako kaya iniiwas ko ang mukha ko kay Ana. Sa tingin ko ay ok lang na nakikita ng mga kapatid ko ang mga ganitong scenes. Mahilig din naman kasi manood ng mga movies ang mga yan, kahit anong movies panonoorin basta daw may kissing scenes. Kinikilig daw kasi sila. Hanep mga kapatid ko ano? Mga adik sa kiss. Hahaha.

Pumasok na ako sa bahay habang di ko namalayan na nakapasok na din si Ana. Namumula na.

"Ana ok ka lang?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa kin na parang nahihiya.

Parang maganda naman ang araw ko ngayon. Parang lang ha. I just hope magkaroon pa ako ng reasons para magstay pa si Ana dito.

 ---------------------------------------------------------------------

hayan, nakaupdate na ako!!! I miss you, i din't expect na aabutin ako ng ganitong bilang kahit beginner pa lang ako kaya salamat sa mga readers ko!!!

Ga verder met lezen