His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[6] Training
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[7] Room

5.8K 274 9
By Yaoistorywriter

K E N

Sabi ni sir, magpractice daw kami ng hiphop nung time niya. Hindi ako nagpractice.

Saulo ko na 'yung step ko. Ako lang naman mag-isa nag-aral non. Si Renz naman, ayun. Nagpapractice sila nung kapartner niya na lalaki rin. Ang galing nga nyang sumayaw e.

At si ano naman, bahala siya sa buhay niya. Ako pa mag-aaproach? Ano sya, sinu-swerte? Kutusan ko sya.

After nung PE class, since last subject na namin this day 'yon, uwian na. Habang nililigpit ko 'yung gamit ko, napansin ko si Renz na aali-aligid sa akin.

"What?" I asked him.

"Baka tumakas ka. Kilala kita, Ken. Haha," sabi nya.

Oo nga pala. Muntikan ko na ring makalimutan. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at hinarap ko siya.

"Ok na. Halika na." Sabi ko.

"Yun oh, let's go!"

Sabi niya at lumabas na kami ng room. Ang dami pa ngang tao sa labas. Ewan ko, may pila ata ng relief. Char.

"Ang gwapo ko talaga." Sabi nitong si Renz. Umiling-iling pa siya.

"Perks," he smiled at me. Napatingin naman ako sa paligid. Mga babae. Hinahabol nila ng tingin si Renz. May isa pang babae na tinulak nung mga kaibigan dahilan para mapayakap siya kay Renz.

"S-s-sorry,"

Sabi nung babae. Renz smiled. Nagtilian sila.

Seryoso? May katili-tili ba doon?

Nung makalagpas na kami dun sa part na maraming estudyante, nakahinga na ako ng maluwag. Para kasi kaming dumaan sa madilim na hallway.

Nang makarating na kami sa gym, binati agad si Renz ng mga ka team-mate niya.

Ako naman, umupo na ako. Medyo malayo sa kanila. Hindi ko na narinig ang usapan nila ng mga kalaro niya kasi nga, medyo malayo ako.

"Bakit nandiyan ka? Bantayan mo 'to." Sabi ni Renz at itinuro niya yung mga gamit nila ng mga teammate nya. Umirap ako.

"Oo nga Ken. Para may silbi ka naman," sabi naman ni Hux, ang gwapo pero basagulero at manyakis nilang ka-team.

Hindi na ako nagsalita at umupo na lang ako sa tinuturo ni Renz. Ayokong makipag-away dahil baka mahighblood ako lalo.

I heaved a small sigh.

~*~

"GO LAAABS! ILABAN MO 'YAN WOOOOH!" Sigaw ng mga kalog na babae na mga nanonood.

Teka, aware ba sila na training lang ito at hindi pa interschool? Makasigaw wagas. Sila silang magkakakampi lang din naman ang magkakalaban.

"VINCENT! VINCENT! VINCENT! WOOOOH!!!" Chant nung mga babae dun sa itaas.

Tiningnan ko si Vincent. Nasa kanya yung bola at shinoot niya ito sa ring nila. Nag-shoot ito at yeah, lumakas ang sigawan sa loob ng gymnasium.

May napapansin ako. Magkakampi si Renz at Vincent. Pero kung umakto sila, parang magkalaban. Kapag na kay Vincent, inaagaw ni Renz. Kapag na kay Renz naman, inaagaw ni Vincent. Mga shunga ba itong mga 'to? Ayaw ng support?

Kanina, nung second quarter muntikan na silang magsuntukan. Nadapa kasi si Vincent at ang sinisisi niya sa pagkakadapa niya si Renz. So, ayun. Nauwi sa sigawan, hanggang sa magtulakan.

Naawat rin naman kaagad. Kasi wala nga namang patutunguhan kung mag-aaway sila, diba? After all, magkakampi sila.

Natapos ang laro ng ahead sina Renz ng 2 points. Ang galing nga niya eh, tie dapat pero nung last five seconds, nagdunk siya at naging successful naman.

"THAT'S EXHAUSTING." Bungad ni Renz nang makalapit sila sa akin. Kinuha niya ang mga gamit niya.

Kumuha siya ng towel at inihagis niya ito sa akin, "Ken, can you do me a favor? Inom lang ako ng tubig." Sabi niya.

I frowned, at muli kong inihagis sa kanya yung towel. "Athlete ka. Kaya mong magmulti-task." Sabi ko sa kanya.

Pinaniliitan niya ako ng mata, "Bakit sila? Tingnan mo sila oh." Sabi niya sabay inom ng tubig.

Tiningnan ko 'yung tinuro niya. Teammate niya rin na may isang babaeng tagapunas ng pawis nito.

"Magjowa 'yon," sabi ko.

"So what?"

"Hindi ka ba maiilang?" I trailed off for a bit, "Ayokong sumama ang image mo dahil sa akin." Sabi ko at iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

That's true. Aware ako na may mga nai-insecure sa akin dahil malapit si Renz sa akin. Wala naman akong magagawa dahil sanay na kami sa isa't isa. Ang ikinapapangamba ko ay, alam nyo na, mga estudyante ngayon. Ma-issue. Kaya sa mga ganitong pagkakataon, I'm trying to distance myself from him.

Napatigil si Renz sa pag-inom ng tubig at kinuha na nya ang towel. Tumingin siya sa mga mata ko ng matalim.

"Ken, I don't care about issues. I won't, ever, and ever be ashamed being close to you. Hindi ko alam na ikaw pala ang ganyan mag-isip," Sabi niya.

Natigilan ako. Feeling ko na-offend ko sya.

Nang matapos siya, nagpalit na siya ng t-shirt at nagpabango at umalis na siya.

Iniwan nya ako.

"Huy, teka aba!"

Sinundan ko siya hanggang sa nakarating kami sa may hallway ng campus. Wala masyadong tao kasi nanonood pa ata yung iba doon sa gym ng pangalawang game.

"Renz! Nagmamadali ka ba?" Sabi ko.

Hinawakan ko ang braso niya pero umiwas siya.

"No." Sabi nya at ipinagpatuloy na nya ang paglalakad nya.

He's offended. I'm aware of it.

"Renz,"

Sinundan ko siya sa paglalakad. Ang bilis nga nyang maglakad eh. Hindi pa sya nagmamadali niyan.

Sa kakasunod ko sa kanya, muntikan akong matalisod. Mabuti na lang at biglang may humawak sa braso ko para hindi ako matuluyan.

"Napaka-clumsy mo." Sabi nito.

Inalalayan ko ang sarili ko at tumayo ako ng maayos. Ang look who's here? It's Vincent. The badass.

"Bitaw," sabi ko.

Hindi siya nagsalita.

"Ano pa ho bang kailangan nyo, sir? Kung tungkol ho doon sa ID nyo, at nabulabog ko kayo sa pagtulog niyo, humihingi po ako ng pasensya. Hindi ko alam na hanggang ngayon, may sama pa rin po pala kayo ng loob sa akin. Pasensya na po, bitawan nyo na po ako." Sabi ko at pinilit kong kumalas sa pagkakahawak niya. Pero mas hinigpitan niya lang ito.

Tangina.

He chuckled, "C'mon, I know you knew." Sabi nya.

Napatitig ako sa kanya. He has deep eyes.

Maya-maya pa ay biglang may lumapit na isa pang lalaki sa amin. Si Renz.

"I'm sorry, Ken. Inatake lang ako ng pagka-moody. Let's go," sabi niya at hinawakan nya rin ang braso ko.

"Kausap ko pa siya. Can't you see?" Si Vincent.

Umirap ako. Madalas akong magbasa ng mga story sa wattpad at nanonood rin ako ng mga kdrama. And yes, minsan ko nang -- no -- palagi kong ina-assume na sana pag-agawan rin ako sa totoong buhay sometime ng dalawang tao.

But seriously? Itong dalawang 'to? My friend and my enemy? Chos.

"But,"

"Sorry cap. I'll borrow him from you." Sabi uli ni Vincent.

Dahan dahang tinanggal ni Renz ang pagkakahawak niya sa braso ko then he gave me a sad smile.

"Oo nga pala. Sorry na. Sige Ken, una na ako."

"Renz," He winked at me. It is as if he's telling me it's ok.

Tumingin ako kay Vincent at ako na mismo ang nagtanggal ng pagkakahawak nya sa braso ko.

"Kung sinabi mo agad. Nagpaligoy-ligoy ka pa," I told him.

"Hindi ako. Ikaw ang nagpaligoy-ligoy." Sabi nya.

Bumuntong-hininga na lang ako at nagsimula na akong maglakad. Pero napatigil rin ako kaagad.

"Saan?" I asked him.

"Sumunod ka sa akin." Sabi nya at nauna na siyang maglakad sa akin. Sinundan ko naman siya.

Naalala ko. It's an order from him. Bakit nya kaya naisip 'yon? May topak ba sya? Baka naman may plano siyang gumanti sa ginawa ko that time? Bigla naman akong kinabahan pero hindi ako nagpalamon sa thought na yun.

Lakad lang siya ng lakad hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Dito tayo sa parking lot?" I asked him.

He glared at me.

"Tanga." Sabi nya.

Ay bwiset. Ay loko. Ako, tanga? Eh dito nya ako dinala eh so anong gusto niyang isipin ko?

Bago ko pa siya masigawan, tumigil na siya sa harap ng isang sasakyan. Binuksan nya ang passenger's seat.

"Pasok." He said.

Hindi muna ako nagasalita.

"H-ha?"

"Sabi ko pumasok ka."

Ok, ok. Ang weird ng naiisip nya.

"Diyan kita tuturuan? Nakakaloka ka naman. Magagawa ba nating --"

"Kung sumasakay ka na lang kaya? Dami mong dada. Para kang burat." Sabi nya.

Napatingin naman ako sa kanya. I glared at him. Tangina, tatabasin ko bibig nito mamaya.

Wala na akong nagawa kundi sumakay na lang. Maaga pa naman.

Medyo mahirap ditong magpractice sa loob ng kotse. Pero sige. Ito gusto niya eh. Sumakay na rin siya sa driver's seat at nagdrive na siya.

Wait, what's happening?

"Sa tingin mo ba, matuturuan kita habang nagd-drive ka? May balak ka bang sumayaw habang nagd-drive? Gusto mo na bang mamatay?" Sabi ko sa kanya.

"Tanga ka talaga." He whisphered.

Aba! Akala niya ba hindi ko maririnig? Tanginang bulong 'yan. Kung sinadya na lang kaya niyang iparinig sa akin diba?

"Sa bahay tayo. Para tahimik." Sabi niya at napatingin ako sa kanya.

Bigla ulit akong kinabahan. May mga pumapasok sa utak ko.

Kutsilyo, kamao. Mga pasa. Lubid. Panyo.

Polo shirt. Kama. Strip. Hubad na katawan. Boxers. Abs.

Napailing ako bigla. GRABE, ANG HARD KO MAG-ISIP. SIGE SELF, IKAUUNLAD MO 'YAN.

Maya-maya, nakarating na kami sa isang bahay na hindi kalakihan pero pang middle class na.  Ang simple pero alam mong ang mahal ng pagkakagawa sa bahay na 'to.

Pinasok niya ang kotse at bumaba kami pareho.

"Are you telling me na --"

"Yes. May problema ba? I just want a peaceful place. Ayoko doon sa school. Gusto ko, private." Sabi niya at tumingin siya ng diretso sa mata ko. Iniwas ko naman ang tingin ko.

Putek naman.

"W-wala ba talagang ibang tao dyan sa bahay niyo? Nakakahiya. Dito na lang tayo sa garage," sabi ko at tinuro ko yung garage na halos wala nang space dahil sa mga nakapark na motor bike.

"Hindi mo kailangang ma-conscious. Walang tao diyan." Sabi nya.

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag.

Ok, this is so sudden. Kaka-meet lang namin sa jeep nung nakaraang araw tapos ngayon nandito na ako sa bahay nila. Wow. Just wow. Ang galing. Ang epic.

Anong masasabi nyo dito? Tadhana ba 'to? Or, destiny? Or both?

Ay, same lang ba yun? Ok, pasensya pasensya.

"We don't need the garage, the kitchen or the salas If I have my own room." He added.

Wait, what?

---

Continue Reading

You'll Also Like

125K 6.9K 67
What will happen if the IDOL meet his biggest fan??? What will happen if a FAN meet his ultimate Idol???
348K 6.4K 43
HIghschool story of two guys exploring their youth and their new found feelings for each other. This story is fictional with a little bit of true to...
4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
746K 24.2K 35
[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging mal...