His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[6] Training

6K 270 18
By Yaoistorywriter


K E N

Tumayo ako. Gusto kong umalis, tumakbo, pumunta malayong lugar, mag-teleport sa ibang bansa o lumubog sa lupa.

Pero nawalan ng energy ang tuhod ko. Parang hindi ako makagalaw.

At isa pa, wala na akong magagawa. Nangyari na eh.

"A-ahm, sorry, wait, kunin ko lang bag natin ah." Sabi ko at tumakbo na ako papunta sa kubo.

Stupid Ken. Bobito. Stupid stupid stupid.

Ayan ang napapala mo sa pakikipagbasaan mo! Sige, harot pa! Kelalandi nyo! Bukod sa basang basa na 'yang uniform mo, nanakaw pa first kiss mong gago ka!

Tangina!

Pagkarating ko sa kubo, instead na kunin ko ang mga gamit namin ay dahan dahan na lang akong napaupo sa sahig. Shet. Ano na? Pano na? Paano ko na haharapin si Paul nito?

Shet talaga. Parang gusto ko nang tumakas. Parang gusto ko na siyang iwanan dito.

Nang tuluyan nang mag sink-in sa utak ko ang mga nangyari at mahimasmasan ako, tumayo na rin ako. Kinuha ko sa bag ko 'yung PE t-shirt ko.

Nagpatuyo muna ako ng katawan ko at sinuot ko na 'yung PE uniform since ayun naman ang susunod kong subject. Last subject ko na rin 'yon this day.

Maya-maya, dumating na rin si Paul. Akala ko galit sya. But damn. He's smiling.

"Alis na tayo?" Sabi niya habang nakangiti.

Ok. Ako lang ba ang affected? Siya? Anong nararamdaman niya? At bakit naman ako nacu-curious? Punyeta ha.

Umiwas ako ng tingin.

"Uhm..oo. Pero pano ka?" Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Ayoko munang makipag-eye to eye sa kanya. Parang panghihinaan na naman ako ng tuhod.

"May extra shirt ako. Tara na," Sabi niya at hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi niya.

Shet. Ano bang meron sa kanya? Baka nakashabu siya? O nakahithit ng katol? O kaya naman, nagustuhan nya?

Charot.

Baka ako ang naka-shabu. Mas justifiable 'yon.

Niligpit ko na rin yung gamit ko at nauna na akong tumayo. Binilisan ko na ang lakad ko.

"Hintayin mo naman ako," Sabi niya. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya.

Paglingon ko, nakatalikod siya sa akin at parang may pinupunasang something. Yung salamin pala. Sinuot na niya ito at sumunod na sa akin.

"May lakad, may lakad?" Sabi niya.

"W-wala naman, k-kaso, baka malate tayo sa next subject. Ikaw, ano bang next subject mo?" Tanong ko sa kanya.

"Basta." Sagot nya.

"What the, ano bang course mo?"

"Secret."

Sabi nya uli. Gusto kong umirap. Hindi na ako nagtanong. Naging awkward ang atmosphere habang naglalakad kami. Hanggang sa makabalik na kami sa university, awkward pa rin. O ako lang ang nakakaramdam?

"Sige Ken, una ka na. Salamat sa time." He said as he bid goodbye. Nag wink pa sya.

Nang-aasar ba siya?

Hindi na ako nakapagsalita kasi nagmamadali ata siya. Ako naman, sa halip na dumiretso sa room, nagmamadali rin akong tinahak ang comfort room.

Naghilamos ako para mahismasan ako.
Kalma, Ken. Kalimutan mo na ang nangyari. Aksidente yun. Aksidenteng nangyari dahil sa katangahan mo.

Pinunasan ko ang mukha ko ng bimpo ko at nagpolbo.

At paglabas ko ng cr, tsaka ko lang napagtanto na sa female comfort room pala ako napapasok sa pagmamadali ko.

Tangina.

~*~

"Saan ka ba galing?" Bungad sa akin ni Renz pagkapasok ko sa room. Sakto naman ang pasok ko kasi wala pa ang baklang prof namin sa PE.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo nya, "Nakakalimutan mo na bang magkaklase tayo?" Sabi nya.

I smiled guiltly. Kita ko naman sa mata ni Renz ang pag-aalala.

"Alam mo bang kung saan-saan na ako nakarating kakahanap sa'yo? Kanina pa rin ako text ng text." Sabi nya.

Nginitian ko siya, "May tinapos lang ako. Akala ko ba may training kayo? Bakit mo ako hinahanap?" Tanong ko sa kanya at umupo na kaming dalawa.

"I'm worried. Baka mamaya nagkasakit ka pala. O nabully, nabugbog, naharrass, namolestya, na-rape, or worst -- na-gang bang?" Sabi niya.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ewan ko sa'yo. Napaka-OA mo mag-isip. Mukha bang may mangre-rape sa akin?" Sabi ko. Nagkibit-balikat siya.

"Who knows?" Sabi nya.

Ngumiti na lang si Renz. Ito ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya dati. Sa maliliit na bagay, nag-aalala siya. Pa-fall eh.

Ako naman, napakarupok! May kalandian rin talaga akong taglay dati eh.

Hindi na ngayon. Alam ko na ang limitasyon ko.

"Ken, I have a favor." Sabi nya.

I looked at him, "Ano na naman yon?"

"May training kami mamaya. Manood ka. Sabay tayong umuwi," Sabi niya.

Tiningnan ko sya sa mata. Hindi naka-puppy eyes. Walang bakas ng favor ang mga mata nya. Para bang sinasabi nito na kailangan kong sumunod sa gusto nya.

I sigh, "Fine, fine!"

"Eto na naman tayo eh. Hindi naman sumisipot," matabang na sabi nya.

Ewan ko ba dito, palaging nangungulit sa panonood ng training nila. Eh minsan naman kahit hindi ko sya panoorin, nagkakasabay pa rin kaming umuwi. Minsan inaantok na akong manood lalo na pag ginagabi sila. Sus. Puro takbuhan lang naman ang ginagawa nila. Pasahan ng bola, shoot rito shoot doon. Wala naman akong napapala. Yun sigurong nakikilala ko na isa-isa yung mga athlete. Ayun ang napapala ko.

Pero sige na. Ayoko nang magpabebe. Gusto ko rin naman. Inaantok lang talaga ako minsan. Tagabantay lang naman ako ng mga gamit nila.

Maya-maya, biglang natahimik ang buong klase nang biglang may pumasok na unknown speci --specy -- specie ewan.

Joke. Hindi pala sya unknown. Maraming nakakakilala sa kanya eh.

Magulo ang buhok niya, naka fitted white t-shirt kaya bakat 'yung chest at -- ehem-- abs niya. Wala siyang dalang bag. Laptop lang ang dala niya.

Pumunta na siya sa likuran ko at umupo na. Iniwas ko na rin ang tingin ko sa kanya.

Kay Vincent Saavedra.

Ano naman kung wala siyang dalang bag? Ano naman kung bakat yung chest at --ehem-- abs niya sa t-shirt niya? Sorry siya, hinanap ko na sa bag ko 'yung pake ko pero wala talaga.

Maya-maya lang din ay pumasok na ang baklang prof namin sa PE 2 kaya naman tumahimik na kaming lahat.

"Practical nyo na bukas."

Bungad nya. Partida walang good afternoon yan. Grabe, ang galing.

Napaayos naman ako ng upo. Yes! Thizizit phanzit malabon. Practical na bukas. Maipapakita ko na sa kanila ang aking taglay na kagalingan sa larangan ng pagsasayaw. Charoooot.

Since practical nga, maghi-hiphop dance kami. By group 'yon eh. Pwede rin by pair. Kaya lang, nagsolo ako dahil una -- gusto ko sarili kong choreography. Ayokong makigrupo. Selfish na kung selfish pero wala eh haha.

"Ibibigay ko sa inyo ang time na 'to para magpractice kayo. Please, walang magsusuntukan o magsasabunutan o magse-sex. And for Mr. at the back, boy audit?"

Napalingon kaming lahat sa likuran at napako ang tingin namin kay Vincent.

Hindi ito umimik. Wow. I salute his level of kindness.

"I want you to participate in this practical. Hindi porket nago-audit ka lang, uupo ka na lang diyan. Maki-join ka sa activity para may maipasa rin ako sa head ng institution nyo. At dahil outdated ka, paturo ka na lang sa kahit na sino diyan. Sayaw lang 'yan, madali lang 'yan." Sabi ni sir bakla.

Bored na bored na nag-nod si Vincent.

At nagulat ako nang bigla niyang i-angat ang kanyang kamay at itinuro niya ang kanyang hintuturo sa akin. Napatingin rin sa akin ang mga kaklase ko.

Napakunot ako ng noo. Ok, anong meron sa akin?

"Mojica. Ikaw daw," sabi ni Prof at napatingin naman ako sa kanya.

"A-ako, prof? Anong ako?"

"Ikaw lang naman ang nag-iisang individual, right?" Sabi nya.

Napaisip ako.

"O-opo prof, pero anong ako? Anong gagawin ko?"

"Still don't get it? He wants you to teach him. Nasabi na rin nya sa akin 'yan." Sabi nya.

Tangina! Anong kagaguhan 'to? Anong teach him teach him? Hindi niya kaya mag-isa? Jusme college student na sya!

Lumingon ako kay Vincent. Ang bored niyang tingnan. Nagpaparaining siya ng piso. Tumingin siya sa akin. Walang kaekspre-ekspresyon ang mukha niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Bwiset ka. Bwiset ka. Bwiset ka.

"Ken?" Kinulbit ako ni Renz kaya napalingon ako sa kanya.

"Yep?"

"Training."

---




Guys ito muna for now. Nilalagnat po ang inyong lingkod. Balik po ako bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

227K 10.6K 57
GAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of th...
66.5K 2.3K 17
Paano kung malaman mo na pinagpustahan ka lang pala ng mahal mo sa isang bagay? lalaban ka pa ba kahit alam mong sa simula ay wala itong patutunguhan...
322K 8.5K 58
Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketba...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...