His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[5] Beat

6.1K 277 12
By Yaoistorywriter

V I N C E N T


"Nandito na tayo!" Sigaw ni Ken sa kawalan nang makarating na kami dito sa dagat na sinasabi nya. Actually, alam ko itong lugar na ito. At oo, nakakamangha talaga ang tanawin dito.

Mayroon ditong isang maliit na kubo at doon namin inilagay ang gamit namin.

"Ano na, Paul! Tinatayo mo diyan? Tara dito!" Sigaw ni Ken.

Nilapitan ko sya at naupo kami sa upuan sa ilalim ng coconut tree. Buti na lang at hindi kami naiinitan dahil nga may puno.

"Ang ganda dito.." I said out of nowhere.

"True. Alam mo, madalas ko 'tong puntahan mag-isa. Hindi kasama si Renz." Sabi nya then I looked at him.

"So, minsan gusto mong napag-iisa?" I asked him.

He nodded, "Yes. Lalo na kapag nagkakaproblema sa bahay. Dati talaga, ang dalas kong pumunta dito. Naging dramahan ko na 'tong lugar na 'to."

"Dati? What do you mean?"

"Gusto mo bang i-kwento ko sa'yo?" Tanong nya.

Ngumiti ako. "Oo. Para may topic rin tayo." Sabi ko.

He heaved a deep sigh. "Wala. Cliché. Parang teleserye ang peg ng pamilya namin haha. Palaging nag-aaway ang mga magulang ko dahil sa pera. Sa trabaho. Kahit sa maliliit na bagay. At alam mo kung sinong madalas magsimula ng gulo? Si nanay. Napakaselosa non. Ang nangyari, lumayas si papa. Ni hindi ko na alam kung nasaan na sya ngayon. Baka nga nangibang babae na 'yun eh." Sabi nya then he chuckled.

May gana pa syang mapatawa, halata namang ang lungkot lungkot nya. Haaay nako. Bakit ba ang daming taong ang hilig magtago ng tunay nilang nararamdaman?

Hindi kasi ako ganon. Kung malungkot ako, malungkot ako. Pag galit ako, galit ako. Hindi ako umaarteng masaya. Kaya nga ako nagkakaganito eh. Kaya nga dumating sa point na mag-disguise ako bilang ibang personalidad para walang umistorbo sa pag-eemo ko.

Well, let's just consider Ken as an exception.

"Madalas ka bang umiyak kapag pumupunta ka dito?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang sya.

Now, I got it. Dito sa lugar na 'to, ipinapakita nya ang kanyang vulnerability. Ayaw nyang ipakita sa ibang tao dahil ayaw nyang nakikita siyang nanghihina, nalulungkot at fragile.

"Eh? P-pano ka? I mean, sinong kasama mo ngayon sa bahay nyo?" I asked him.

"Sino pa ba, edi si nanay. Pati yung bunso kong kapatid na si Yael. Syempre miss na miss ko na rin si papa. Papa's boy kaya ako."

"Sus, papa's boy? E nilayasan nga kayo." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin. May tumulong luha mula sa mga mata nya pero pinunasan nya kaagad ito.

"Kung alam mo lang, Paul. Sobrang bait ni papa. Sobrang understanding. Hindi na lang talaga nya siguro nakayanan si mama. Kaya nung umalis sya, galit na galit ako kay nanay. Mas madalas pa nga akong pumunta dito kesa sa bahay. Alangan namang istorbohin ko 'yung kaibigan kong si Renz eh may sarili rin naman syang buhay. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan magkasama kami lagi, 'diba?" Sabi nya.

Tumango ako. Tama sya. Kailangan nya ring mapag-isa. Which is, palagi kong ginagawa. I can feel related to him somehow.

He let out a fake laugh, "Kaya gustong-gusto ko ang lugar na 'to. Nawawala ang lahat ng gulo sa isipan ko. Nakakapayapa ng damdamin. Kaya nga minsan, naiinis ako kapag may naaabutan akong mga batang naglalangoy dito. I-I mean, ok lang naman sa akin na maglangoy sila kaya lang, you know, nasobrahan sa ugali. Kaya mas magada kapag ako lang mag-isa dito. Solo ko 'tong beach." Sabi nya.

"Mas gusto mo pala na mag-isa eh, bakit mo pa ako niyaya?" Pabiro kong tanong sa kanya.

"Sumama ka naman? Wala lang. Baka kasi hindi ka aware sa lugar na 'to kaya binalak kong isama ka. Gusto ko lang i-share." Sabi nya.

I smiled.

Humikab sya at in-istretch nya ang dalawa nyang braso at saka sya uminat.

"Haaaaay miss ko na si papa..." Sabi nya.

Napatingin ako sa kawalan. Parehas tayo, Ken. Parehas tayong may nami-miss.

"How about you? Wala ka bang balak i-share?" Tanong nya at tumingin sya sa akin.

"I-share? Wala masyado. Wala namang ganap sa buhay ko eh."

Hinampas niya ang braso ko nang mahina.

"Walang ganap? Sigurado ka?" Tanong nya.

I chuckled, "Meron pala. May isa akong pino-problema."

"Ano?"

"Kagwapuhan ko." Sabi ko.

Natigilan naman sya sa sinabi ko. Maging ako, natigilan rin. Tangina. Nasabi ko ba talaga 'yon? Ng ganito ang itsura ko? Ang galing mo Vincent! Bravo! Napakatalino mong nilalang.

"Ikaw? Gwapo? Hahahaha!!!" Sabi nya at tumawa siya.

Napatawa na rin ako. Sana isipin nya na nagbibiro lang ako. Na I just want to remove the heaviness he's feeling right now.

Pinakalma niya ang sarili nya, "Alam mo Paul, gwapo ka naman talaga kung tutuusin. Ang wirdo mo lang. Bakit ba kasi ganyan ang buhok mo? Pagupit ka nga! At saka tanggalin mo 'yang glasses mo kung hindi naman ganoon kalabo 'yang mata mo. Tsaka 'yang retainer mo, tanggalin mo na 'yan! Ang ganda ganda ng ngipin mo eh. Yang mga pimple mo, hayaan mo na lang 'yan. Wala na tayong magagawa dyan. May ganyan din ako eh, hahaha!" Sabi nya at tumawa uli siya.

Tumawa na rin ako. Tama 'yan, Ken. Tumawa ka lang. Isipin mo na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan mo, you can still manage to laugh, be happy and feel light.

"Pero, try mo kaya ngayon?" Sabi nya.

Napatingin ako at akmang tatanggalin nya ang glasses ko nang pigilan ko sya.

"'Wag, sobrang labo talaga ng paningin ko promise. Saka na lang." Sabi ko.

Tumigil naman sya at bumungong hininga.

"Ok, fine." Sabi nya at tumayo sya.

Lumapit siya sa dagat at humawak sya sa tubig.

"Paul, look! Ang linaw ng tubig!" Sabi nya.

Tinatamad akong tumayo. Parang gusto ko na lang maupo dito at tingnan ang tanawin.

"Paul, dali na!" Tawag niya uli.

I sigh at napilitan na rin akong lumapit sa kanya. Haaay nako.

Tumabi ako sa kanya. "Oo nga, ang linaw." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin. He's smiling. 'Yung ngiting parang may binabalak.

"No, Ken. No," sabi ko at tumayo ako.

Tatakbo na sana ako nang bigla naman nyang isinaboy sa akin 'yung tubig na may kasama pang buhangin mula sa kanyang kamay.

"Hahahaha! 'Yan, basa ka na! Hindi ka na makakapasok!" Sabi nya habang tumatawa.

"Ok lang, gusto mo ikaw rin?" Sabi ko. Kumuha rin ako ng tubig at isinaboy ko ito sa kanya. Medyo nabasa lang sya ng konti.

Ang ikinagulat ko ay nasa dagat na pala sya at nagsaboy pa uli siya sa akin ng tubig na mas marami kay nabasa na ako ng tuluyan.

Bumakat na tuloy ang katawan ko sa aking uniform. Ayos lang 'to. May pampalit naman ako mamaya. May training pa kasi kami. Tinanggal ko na lang ang aking uniform. Ayos lang kahit wala akong sando. Wala akong pake.

Bahagya syang natigilan sa ginawa ko.

"B-bakit ka naghubad?" Tanong nya.

"I'll rape you, tumakbo ka na!" Sabi ko at tumakbo na rin sya agad. Hinabol ko naman sya.

Nahihirapan akong habulin sya. Puro tilamsik na ng tubig ang aking salamin. Ayoko naman itong tanggalin.

Nang mahuli ko siya at kiniliti ko sya.

"Huli ka! Hahaha!" Sabi ko habang kinikiliti siya.

Nagpumiglas sya, "Huwag Paul, hahaha tae!" Sabi nya.

Niyakap ko siya mula sa likod para hindi siya makatakas.

"Ano Paul, ayoko na! Suko na ako!"

At nag-umalpas uli siya. Sa pagpupumilit niyang makaalpas ay parehas kaming na-out of balance.

At kagaya ng mga napapanood nyo sa drama at nababasa sa mga libro, our lips met.

Nanlaki ang mata ko. I have this feeling na parang ayaw ko pang kumalas sa halik.

Pero siya na ang naunang kumalas dahil siya ang pumadag-an sa akin.

I suddenly heard a continuous beat. Hindi ko lang ma-identify kung saan nanggagaling. Pero sigurado akong isa 'yon sa mga puso namin.

---

Continue Reading

You'll Also Like

170K 7K 25
Juni had been crushing on Storm for millions of years. But didn't have the courage to confess his feelings 'coz Storm was quite popular-- and unfortu...
348K 6.4K 43
HIghschool story of two guys exploring their youth and their new found feelings for each other. This story is fictional with a little bit of true to...
746K 24.2K 35
[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging mal...
2.9M 81.2K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...