His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[5] Beat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[4] Dagat

6.4K 286 50
By Yaoistorywriter


SHHH 4

V I N C E N T

"Give me the fundamentals of chennilyn. Mr. Saavedra."

"..."

"Mr. Saavedra?"

"..."

"Mr. Saavedra!!"

"..."

"MR. SAAVEDRA!!! PALAGI KA NA LANG BANG MATUTULULOG SA KLASE KO, HA?"

Napaangat ang tingin ko sa harapan. Nakita ko na halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin. Bigla rin naman silang nag-iwas ng tingin lahat.

"HAAAY NAKO SAAVEDRA, GIGIL NA GIGIL NA TALAGA AKO SA'YO. PALAGI MO NA LANG TINUTULUGAN ANG KLASE KO! Doon ka sa labas matulog! Labas! Huwag na huwag ka nang papasok sa klase ko! Lumipat ka na sa ibang kurso!" G na g na sabi ni Sir panot.

Ok, fine. Madali naman akong kausap. I'll just, again, audit class from the other room.

"Mag-audit ka ng class sa ibang kurso kung gusto mo! Hindi ka pwede sa field na 'to lalo na kung antukin ka! Makakapag-code ka ba ng tulog, ha?" Sabi pa ni Sir panot.

I sigh at tumayo na ako.

"O-oh, saan ka pupunta?!" Tanong naman nya.

Kanina pinapalabas mo ako at pinapapunta sa ibang kurso tapos ngayon tatanungin mo kung saan ako pupunta? Gulo mo.

"I'll just audit classes sa ibang room, sir. Doon sa walang mang-iistorbo sa akin," sabi ko at lumabas na ako ng room.

Naglakad-lakad ako sa mga room. May mga nagtuturong mga professor. At, syempre, since I am from the Institution of computer studies, kilala ko ang mga prof na 'to at, yeah, kilala rin nila ako kaya alam kong hindi rin nila ako tatanggapin mag-audit ng class sa kanila.

Napailing na lang ako at naglakad-lakad hanggang sa mapansin kong nasa ibang department na ako. Naglakad-lakad ako at napansin ko rin na ang ganda ng upuan nila.
Mukhang ang sarap tulugan.

Tumigil ako sa tapat ng isang room. Nasa kalagitnaan ito ng lecture. Tiningnan ko 'yung professor. Hindi ko ito kilala.

Walang paalam akong pumasok sa room.

"And who are you?" Tanong nung baklang prof.

Ipinakita ko sa kanya ang isang papel. Auditing permit. Tiningnan nya ito at tumingin sa akin. Ibinalik nya ang tingin sa permit at pinirmahan nya ito.

"Vincent Gregorio Saavedra?" Tanong nito.

I just nodded.

"Sa US, kapag nago-audit ng class, excluded ka sa mga activities. Sa projects and so on. Pero sa subject ko, you have to submit projects and participate in activities lalo na't PE 2 ang hawak ko. Got it?" Sabi nito at tumango uli ako.

The last time na nag-audit ako ng class wala akong ginawa. Lecheng 'to.

Naghanap na ako ng mauupuan. Napadako ang tingin ko sa may bandang likuran at natigilan ako sa nakita ko. Tinitigan ko siyang mabuti at tama ako ng napagtanto.

Si Ken. At si Renz. Teka, parehas ba sila ng course o magkaklase lang sila sa subject ng baklang prof na 'to?

"He's Vincent Saavedra. He'll audit classes for 3 weeks. Alam kong hindi nya choice 'yan. Napuno lang siguro si Sir Diaz," sabi ni bakla at nagulat naman ako dahil alam nya. Hindi ko na iyon inintindi.

Umupo ako sa may likuran ni Ken. Nanlalaki rin ang mata niya habang nakatitig sa akin. Kanina, amazed. Then suddenly his eyes turned cold.

At yeah, alam ko kung bakit. Parang gusto kong ma-guilty na parang ayoko rin. Ang gulo. Kasi wala naman syang ginagawang masama. Ako talaga ang masama at aminado ako doon.

And one more thing -- I know that he's a nice person.

~*~

Lunch break. Narinig kong sinabi ni Ken kay Renz na sa bench na lang siya magla-lunch. Si Renz naman ay pupunta sa gym para sa training. May training nga pala kami ngayon.

Nang marinig ko ang usapan nila, iniligpit ko na ang mga gamit ko at isinukbit sa kaliwang balikat ang aking bag. Lumabas na ako ng room. Pass muna ako sa training. Mamaya na lang ako after class hours.

Pumunta ako men's cr, siniguradong walang ibang tao sa loob, at saka ko ito ini-lock.

Napatingin muna ako sa salamin. I sigh.

Kinuha ko na sa bag ko ang weirdly styled wig, eye glasses, facial clay na may mga pimple at 'yung lalagyan ko ng retainer.

Sinuot ko ito isa-isa. At muli akong tumingin sa salamin. Unti-unti akong ngumiti. Sa wakas, hindi na uli ako si Vincent.

I am now Paul. Again.

Sinukbit ko na ang bag ko at lumabas na ako ng cr. Naglakad na ako papunta sa bench.

Bakit ko nga ba ginagawa 'to? Bakit ba ako nagdi-disguise? Gusto ko ba 'to? Masaya ba ako sa ginagawa ko?

I am just so used to being disturbed. Palaging may kumakausap sa akin. Tumitingin. Feeling ko ang daming taong nagmamasid sa akin. Parang wala na akong privacy. Laging may lalapit at bigla-bigla na lang akong yayakapin. Magpapa-picture. Hindi ako nagyayabang. Sinasabi ko lang ang totoo. Sige nga, anong gusto nyong gawin ko? Magtago ng magtago? I can't do that even.

Kaya naman eto, I came up with the weirdest idea, weirdest decision I have ever made. A deep secret.

Actually, ti-nry ko lang naman talaga ito noong unang pagkakataon. Tiningnan ko kung magiging effective. At sa hindi ko alam kung maganda o masamang pagkakataon, naging effective sya. Walang pumansin sa akin. Walang kumakausap, tumitingin, at wala na rin 'yung pakiramdam na parang may nagmamasid sa akin. May privacy na ako. Wala nang nalapit sa akin at bigla-bigla akong yayakapin. Wala nang nagpapa-picture.

But of course, except this one weird guy but not as weird as me.

Nang makarating ako sa bench, naabutan ko si Ken na kumakain ng lunch. Tinabihan ko siya.

"Hi Ken," bati ko sa kanya. First time ko syang batiin kaya naman medyo nanibago ako.

"O-oh Paul? Nandito ka pala! Nag-lunch ka na?" Tanong nya.

Kinuha ko sa bag ko ang aking baon na pack lunch. "Actually, I came here to eat lunch. You know, nagiging favorite place ko na 'to during vacant." I told him.

He grinned, "Talaga? Ako rin. Kaso dun ako sa kabilang side lagi. Kaya siguro hindi kita masyadong nakikita dati. Hehe," sabi nya then he chuckled.

Napatitig ako sa kanya kahit naka side-view siya. Nakikita ko kung paano hanginin ang buhok niya na napapatakip sa mga mata niya, kung paano siya ngumiti, 'yung mata niyang halos mawala na kapag ngumingiti siya, yung labi niya.

Umiwas ako ng tingin.

"B-baka nga," sabi ko, then I smiled creepily. Binuksan ko na ang pack lunch ko at nag-umpisa na akong kumain.

"Ahm Paul," tawag nya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa akin ng seryoso.

"Bakit?"

"Pwede bang ngumiti ka ulit?" Sabi nya.

Ngumiti ako, "Ok na?"

Umiling naman sya. "Hindi yaaan!"

Napakunot ang noo ko. Sabi niya ngumiti ako? Gulo ng batang 'to.

"Yung ngiti talaga! Yung ngiting ngiti! As in masaya! Ganon!"

Ngumiti naman ako ng sinasabi nyang sobrang ngiting ngiti.

"Oh ayos na?"

"Hindi nga kasi yan! Yung totoo ngiti! Parang napipilitan ka lang e. Dali na!" Sabi nya at kununot naman ang noo ko.

Ano bang kailangan nya at pinapangiti nya ako? Ngumingiti naman ako ah? Hay nako. Ginawa ko ang lahat at ipinakita ko sa kanya. Nag make-face ako. Kung anu-ano. I pouted, I grinned widely, nilakihan ko ang mata ko, nag mukhang unggoy ako.

"Oh ano? Ok na ba?" sabi ko at tumingin ako sa kanya.

Now, he's already laughing hard.

"Hahaha! Bwiset ka Paul, may ganyang side ka pala! Hahaha, bet ko 'yan!" Sabi nya at muli, tumawa siya.

Medyo napatawa na rin ako. Sya kasi eh. Nakakahawa.

Napatigil bigla siya sa kakatawa at tumingin siya sa akin, "Yan, ganyan! 'Diba? Kaya mo naman pala eh, pinahirapan mo pa sarili mo. You know what, Paul? Ang pogi mo naman eh. Kainis lang 'yang buhok mo. Ang wirdo ng style mo. Pagupit ka nga!" Sabi nya.

Medyo napatawa uli ako. He somewhat reminds me of Lhor.

~*~

K E N

Familiar. Familiar ang ngiti nya. Parang nakita ko na somewhere down the road. But over all, I like his smile.

"Tapos na ako! Hahaha *BRRRRRRGGGHHHH*" Sabi nya sabay dighay. Napatawa na naman ako. Ang kwela ni Paul. Ang kulos nya. But I like this side of him.

Firsf impression ko sa kanya, snob. Introverted. Socially awkward. Totoo naman 'yun lahat, kaya lang, may ganito pala syang side? Medyo nawindang lang ako pero gusto ko naman. Haha. Ang thrilling ng personality nya.

Interesting.

"Ako rin, hahahaha! Paul, anong schedule mo next period?" Tanong ko sa kanya.

Medyo nagulat naman sya sa tanong ko at napaisip sya.

"I-ikaw ba, anong schedule mo?"

"2 hours pa akong vacant." Sabi ko.

He smiled, "A-ako rin, 2 hours akong vacant. Mamayang 3 pa ang next subject ko," sabi naman nya. I smiled.

"Really? So, pwede mo akong samahan?"

"Saan?"

"Sa dagat."

"Sa dagat?" Tanong nya.

I nodded.

"Madalas kaming pumunta doon ni Renz kapag nagkakataong vacant namin pareho. Actually alam ko bakante 'yun ngayon. Pero since may training sila, ikaw na lang isasama ko. Kung ayos lang sa'yo." Tanong ko sa kanya.

He grinned. Wide.

"Let's go!"

---

Continue Reading

You'll Also Like

142K 9.3K 43
Hanggang sa Lokohan na nga lang ba?
169K 7K 25
Juni had been crushing on Storm for millions of years. But didn't have the courage to confess his feelings 'coz Storm was quite popular-- and unfortu...
419K 17K 52
Author's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo it...
1.6M 62.7K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...