alam nyo na sasabihin ko. XD thank you sa lahat lahat ng mga readers ko. sa mga nag vote, comment, fan, at nag add ng story nito sa list nila. Sa nag PM din sa akin *hi ate leemhaii! XDD* thank you! hahaha.
sana mag enjoy kyo.
thanks pala ate Anzy sa help. ;)
**
"Hi, ma'am Gianna," bati nung bartender pagkapasok ko sa Sea in a Plate. Yung restaurant na madalas namin pagtambayan ni Nathan.
Ngumiti ako sa kanya. "Hi, Zaldy."
"Hindi po ata kayo tatambay sa beach?" tanong nya. "Naka-casual kayo eh."
"Ah. Haha. Ayoko naman kasi masyado umitim kaya nag-casual muna ako." I told him. Tumango naman sya. "Nakita mo ba si Nathan?"
"Aysht!" may sumigaw sa may loob. Sa kusina siguro.
Napatingin kami saglit sa bago sumagot si Zaldy.
"Ah.. Eh.. Hindi ko po eh." sagot naman nya. napatango nalang ako habang nakatingin sa may kusina. Parang familiar yung tunog ng sigaw kanina eh.
"O sige." I headed for the door. "Una na ako."
Tumango sya tapos lumabas na ako.
I went to the beach. Pagkadating ko sa may pampang, I felt the warm breeze of the sea. I watched the azure clear sky. The kids playing on the water. Then, I thank God because we were able to convince lolo Martin not to close half of the island. I smelled the inviting odor of the grilled seafood at the shack near me. It smells so good that it made my stomach groan.
Asan na ba si Nathan? I wanna have a late lunch. Kanina ko pa sya hindi nakikita. Pagkagising ko, wala na sya sa beach house. Di naman nya siguro ako iniwan no? And speaking of iniwan, kelan kaya kami uuwi? Malaki na atraso ko kay Sam. Kung anu-ano na dinahilan ko pag tinatanong nya kung asan ako.
Pero talagang nagugutom na ako eh. Ayoko naman kumain mag-isa kasi baka pag nahagilap ko na kung nasaan si Nathan, mag-aya yun na kumain. Baka magtampo pag di ako pumayag. Eh mahirap na pag sumumpong topak nun.
Then, I remembered. May cake nga pala ako sa ref! Yun nalang kakainin ko. Para kung mag-aaya si Nathan na kumain, di ako masyado busog. ^____^
With that decision, I headed back to our beach house. Pagkadating ko, diretso agad ako sa ref para kunin yung cake. Nung nakapaghiwa na ako ng 2 slice (gutom lang po. :3) pumunta ako sa sala at sinindi yung TV at sumalampak sa sofa. Lazy day mode. Lazy day naman lagi eh. May caretaker kami para maglinis ng bahay every other day. Wala naman kami ginagawa ni Nathan kundi maglibot. Hay. Sarap ng mayaman. Buti nalang pumayag ako magpakasal kay Nathan. After a year, kuha ko na pera ko. Pwede na ako lumayo... Hmm. Kahit wag na masyado malayo. Basta dun sa hindi ako mapapakielaman ni handsome idiot.
Sumubo ako ng cake. Shemaaaaay. Sharaaaap!! Subo ulit. Sharap talaga. Haha. Chocolate cake plus Real Steel equals great afternoon. But, I swear I shouldn't stuff myself with this cake. Baka manaba ako. Ang sarap kasi ng mga kinakain ko dito kaya napaparami ng sobra kain ko. Dagdag pa yung pagod at gutom ko dahil sa paglilibot namin ni Nathan.
Agad ko rin naubos yung kinakain ko AT PINIGILAN KO TALAGA YUNG SARILI KO NA KUMUHA ULIT KASI BAKA SA SUSUNOD, UGLY PIG NA ANG ITAWAG SA AKIN NI NATHAN AT HINDI NA UGLY STICK. Kaya naman eto ako ngayon. Nanunuod ng Real Steel habang nakahiga sa couch. Wala na akong makain eh.
I yawned.
Bigla akong inantok. Ano bang meron sa lugar na to? Nagiging batugan ako. XD
I yawned again. Tapos napansin ko, nagcommercial pala sa TV. Walangyang cable. Naturingang cable ta's may commercial. XD
Chance ko na to. Ipipkit ko lang saglit mata ko habang commercial pa.
Ipinikit ko muna yung mga mata ko habang hinihintay matapos yung commercial ng Real Steel.
Asan na nga kaya yung asungot na yun? Kanina pa yun wala sa bahay. Pag di pa yun umuwi pagtapos ng Real Steel, sasaraduhan ko ng bahay yun. Baka nambabae nanaman. Pinuri ko palang ta's mambababae nanaman sya? Walangya naman.
I stiffled my yawn. inaantok nga ata talaga ako.
Ang tagal ng Real Steel.
Tagal ni Nathan.
Race sila ng Real Steel. Pag nauna si Real Steel, matutulog sa veranda si Nathan.
Oo. Matutulog sya dun...
Hahaha...
...
.
**
"'gly stick. Huy. Gising na. Gabi na."
I stretched without opening my eyes. Then scratched my stomach. Not having a care what's going around me. Still sleepy... Ughh...
"You look funny." someone commented.
I stood up almost immediately then, hit something painfully with my head.
"Aray naman!" reklamo nung boses. Teka. Kay Nathan boses yon ah!
I looked around for Nathan while clutching my painful forehead. I found Nathan rubbing his forehead. Nagkauntugan kami. =________=
"Taena naman. Natutulog ako eh!" reklamo ko.
"Baliw! 6 PM na! Tumayo ka na. Di ka makakatulog mamayang gabi." he stood up then headed to the dining table. "Tara kain na tayo."
"Kain? Teka. Dito? Sa bahay? Di pa ako nagluto." tumayo na rin ako ng matino habang iniinda yung noo ko. Tapos lumapit ako sa kanya. I was surprised when I saw different types of seafood dishes.
"Sa'n mo galing? Binili mo?" I asked.
He pulled a chair. "Uhh. Yung iba lang."
"Eh yung iba?"
"Wala. Kain ka na. Kanina pa yan nakahanda. Hinihintay lang kitang magising."
"Saan nga galing?"
"Basta."
"Sabihin na kasi." pagpupumilit ko parin.
"Kumain ka nalang." he answered dismissively tapos naupo na sa katapat kong upuan.
Pinag-serve nya ako ng pagkain, I was a bit surprised kasi nung huli nya akong pinagserve ng pagkain eh nung bata pa kami.
"I used to serve you rice before. Madami ako nilalagay para tumaba ka. Right?" he smiled at me.
I smiled back at him. Naaalala nya pala yon? :>
Kahit madami syang dala, yung una kong tinira eh yung Paella. Mukha kasing masarap eh. :">
I tasted it slowly. Parang may... iba?
"O-ok lang lasa?" tanong bigla ni Nathan.
"Ayos naman. Bakit?"
He sighed in.. relief? "Ah. Wala naman. Kain ka lang dyan, panget."
I frowned at him as I continue to eat. Sya rin, pinapanuod ako habang kumakain. Tapos, napansin ko, ang daming band-aids ng kamay nya!
"Napano kamay mo?" tumayo ako tapos lumapit at hinawakan yung kamay nya. Then, it struck me. Sya yung nagluto ng iba. Right? "Ikaw yung nagluto nung ibang ulam?"
I sighed. "Fine. You caught me."
"adik ka ba! Nagluto ka lang tapos parang ni-rape na ng kutsilyo yung kamay mo!?" sigaw ko sa kanya. Kasi, I swear, ang daming band-aid ng kamay nya. Tapos nung tinanggal ko sila, tumambad sa akin yung pagkarami-raming paso at hiwa.
I sighed in defeat. "Ano ba pumasok sa isip mo at nagluto ka? Kita mo nangyari sa kamay mo."
He mumbled something that I hear.
"Ha?"
"EH KASI NAMAN GUSTO KO LANG BUMAWI SAYO SA MGA GINAWA KO SAYO DATI!"
"KELANGAN SUMIGAW?!"
"HINDI!" tapos napatigil sya. "Hindi naman."
I just shook my head. "Bigyan muna natin sila ng ointment."
"No, wait."
"What?"
He took a deep breath. "Sorry,"
The word surprised me. "For what?"
"Everything. For making you marry me. For ruining your school life,. For your friends." he said.
I smiled. Sorry, huh? It was just a five letter word. But it made me really happy.
"It's fine. Ayos lang sa akin." I assured him.
He gave me a bewildered look. "Fine? Are you nuts? I took away everything from you. Friends. Freedom. Romance."
I rolled my eyes. OA din tong asawa ko eh. "Just shut up and let it be, ok?"
"But--"
"Shut up."
"I--"
"Nathan,"
"Sorry."
"I know." I told him then held his hand carefully.
**
So.. konti nalang at magkikita na ulit si Gianna at ang bestfriends nya! ;P