Once Mine, Always Mine

By Shettered

4.5M 40K 1.7K

[Editing...] You've hurt me once and I promised myself I won't let you do it again. -- Rebecca April Fuentes ... More

Once Mine, Always Mine
Once Mine, Always Mine -- Chapter 1
Once Mine, Always Mine -- Chapter 2
Once Mine, Always Mine -- Chapter 3
Once Mine, Always Mine -- Chapter 4
Once Mine, Always Mine -- Chapter 5
Once Mine, Always Mine -- Chapter 6
Once Mine, Always Mine -- Chapter 7
Once Mine, Always Mine -- Chapter 8
Once Mine, Always Mine -- Chapter 9
Once Mine, Always Mine -- Chapter 10
Once Mine, Always Mine -- Chapter 11
Once Mine, Always Mine -- Chapter 12
Once Mine, Always Mine -- Chapter 13
Once Mine, Always Mine -- Chapter 14
Once Mine, Always Mine -- Chapter 15
Once Mine, Always Mine -- Chapter 16
Once Mine, Always Mine -- Chapter 17
Once Mine, Always Mine -- Chapter 18
Once Mine, Always Mine -- Chapter 19
Once Mine, Always Mine -- Chapter 20
Once Mine, Always Mine -- Chapter 21
Once Mine, Always Mine -- Chapter 22
Once Mine, Always Mine -- Chapter 23
Once Mine, Always Mine -- Chapter 24
Once Mine, Always Mine -- Chapter 25
Once Mine, Always Mine -- Chapter 26
Once Mine, Always Mine -- Chapter 27
Once Mine, Always Mine -- Chapter 28
Once Mine, Always Mine -- Chapter 29
Once Mine, Always Mine -- Chapter 30
Once Mine, Always Mine -- Chapter 31
Once Mine, Always Mine -- Chapter 32
Once Mine, Always Mine -- Chapter 33
Once Mine, Always Mine -- Chapter 34
Once Mine, Always Mine -- Chapter 35
Once Mine, Always Mine -- Chapter 36
Once Mine, Always Mine -- Chapter 37
Once Mine, Always Mine -- Chapter 38
Once Mine, Always Mine -- Chapter 39
S H A N A .....
UNTITLED..

Once Mine, Always mine -- Finale

74.6K 762 40
By Shettered

F I N A L E

Becca's POV

"Ate Kumain na po kayo."

"Ate ano po ang gusto niyo?"

"Sabi po ni Kuya kumain na po kayo."

Wala na akong ibang naririnig kung hindi ang ganyan. Kain dito kain ganyan, nakakasawa na. Sa araw-araw na hindi ko pagpansin ay hindi pa din nagsasawa si Mila kaka-alaga sa akin? Sa ayaw ko nga di ba?

Hindi ba pwedeng sabihin naman niya na 'Ate nahanap na po si Shana.' Mas makakabuti pa sa pandinig ko ang mga ganoong salita.

Ang nakakainis pa ay walang tigil nila akong inaawat tuwing pupunta ako sa playground ng mga bata. Bahay ko naman ito kaya pwede akong pumunta kung saan ko man naisin.

"Ate makakasama po sa baby niyo ang laging umiiyak."

Tinignan ko naman si Mila na nasa tabi ko lang. May dala itong pagkain at ipapakain sa akin. Anong tingin niya sa akin bata at aarugain?

"Ayaw ko na muna na may kausap ngayon." Tumagilid ako sa kanya at tumingin ulit sa playground ng mga bata.

Wala pa din nagbabago sa itsura nang playground na iyon, makulay at masayang tignan.

Nakikita ko si Shana doon at masayang naglalaro. Nakangiti at naka-kaway sa akin. Kay tamis nang mga ngiting iyon. Kailan ko nga ba huling nakita ang ngiti niya? Dalawang buwan na ata ang nakaka-lipas mula nang aksidenteng iyon at ngayon nga ay nasilayan ko na naman ang mahal kong anak.

"Mommy ang galing ko nagawa ko na!" Sigaw niya sa akin.

Tumango naman ako at ngumiti sa direksyon niya. Patakbo naman itong lumapit sa akin.

"Mommy ngumiti ka ulit." Masayang sabi nito.

"Kailan ba hindi ngumiti si Mommy pagkapiling kita Shana..." Hinawakan ko naman ang mukha nito at hinalikan.

"Mommy si Sean po ito." Tinanggal ko naman agad ang pagkakahawak sa kanya at napailing.

Namumuo ang luha ni Sean ngayon. Bakit hindi ko napansin na magkahawig nga pala ang mga anak ko. Kambal nga pala ito.

Tumayo ako. Nagkamali na naman ako nang tingin. Sariwa pa din sa isip ko ang mga ngiting binigay niya sa akin.

"Mommy."

"Huwag muna ngayon, Sean." Nagsimula na akong maglakad. Kailangan kong magpahinga ngayon, lalo na't lumalaki na din itong tyan ko.

"Mommy pansinin niyo naman po ako. Nasa harap niyo na si Sean bakit si Shana pa din ang hinahap niyo."

Oo nga, bakit nga ba si Shana, anak? Marami naman nagmamahal sayo, kay Shana ngayon ay wala kaya nararapat na bigyan ko siya nang pagmamahal hanggat hindi pa siya nahahanap. Ako na lang sa pamilya ang umaasang mahahanap siya.

Tumungo na lang ako sa kwarto at nahiga. Hindi pa naman ako nagugutom o anu man. Dito ko malayang naiiyak ang damdamin na ayaw makita ni Denzel.

Naiinis ako dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari sa anak namin. 'Yun ba ang sinasabi niyang hunahanap niya si Shana kung hanggang ngayon ay wala pa rin ito.

Burong-buro na ako dito, kakaisip. Naiinis na ako sa kanila kung makabantay parang preso. Ayaw man lang din sabihin sa akin kung saan kami na-aksidente.

Naramdaman ko na lang na may nakayakap sa likod ko, kaya napadilat agad ako.

"MeLoves, ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

Isa pa itong si Denzel alam na ganito ang nararamdaman ko ay magtatanong pa.

"Hindi. Nasisikipan ako."

"Pag ba tinanggal ko ang pagkakayakap ko sayo magiging ayos ka na?"

"Hindi. Ibalik mo sa akin si Shana magiging okay ako."

Bigla naman nawala ang mga braso niya sa katawan ko.

"Hanggang kailan, Rebecca?"

"Hangga't mahanap niyo si Shana."

"Dalawang buwan na ang nakalipas Rebecca hanggang ngayon pa ba umaasa ka pa din na babalik si Shana?"

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya, kaya napa-upo agad ako sa kama at humarap sa kanya.

"Oo Denzel. Oo."

"Rebecca tama na sumuko na ang mga tumutulong sa atin, kaya tama na."

"Ayoko. Hannga't hindi ko nakikita ang bangkay niya hindi ako susuko. Kung sumusuko ka na ayos lang basta ako naniniwalang buhay pa ang anak ko."

"Hindi ako sumuko Rebecca, umaasa din ako. Pero kung nadadamay na si Sean sa pagkawala ni Shana, tumigil na tayo."

"Maraming nagmamahal kay Sean, Denzel. Maraming nag-aalala. Sapat na siguro iyon para mag-alala ako kay Shana. Ako na lang ang natitirang nag-aalala kay Shana."

"Nagkakamali ka, lahat tayo. Pero isipin mo din ang anak natin, maawa ka, kailangan niya nang ina."

"Kailangan din ako ni Shana!"

"Wala ka nang ibang bukang bibig kundi Shana! Shana! Shana! Kailan ba magiging kami Rebecca, kelan."

"Huwag na huwag mo akong sisigawan Denzel. Hindi mo alam ang nararamdaman ko."

"Alam na alam ko Rebecca, kaya tama na."

"Wala kang alam. Wala kang alam sa nararamdaman ko. Nasa mga kamay ko na Denzel, nasa mga kamay ko na siya pero naiwala ko pa. Yakap ko na si Shana pero nabitawan ko pa. Ang sakit Denzel. Yun ang nararamdaman ko."

"Ngunit wala kang kasalanan doon, Rebecca kaya tama na naman."

"Nangako siya sa akin, sabi niya hindi niya ako iiwan kaya dapat hindi ko siya iiwan."

"Ayaw ko mang isipin pero iniwan na tayo Rebecca."

"Nararamdaman kong hindi pa tayo iniiwan ni Shana kaya kung ayaw mong maniwala, umalis ka na lang."

Humiga na ako at tumalikod sa kanya.

"Hindi lang si Shana ang nawawala, Rebecca kundi kami din. Nilalayo mo kami ni Sean sa piling mo. Nasa harap mo na kami pero sa malayo ka pa din nakatingin. Para mo na din kaming pinapatay ni Sean."

Pagtapos sabihin ay narinig ko na lang ng pagbukas at pagsara ng pinto.

Pinakawalan ko na ang kanina ko pang iniipon na mga luha sa harap niya. Ang sakit. Binabalewa lang niya si Shana. Hindi niya alam ang nararamdaman ng isang ina na umaasa na dadating muli ang anak nila gaano man ito katagal nawala.

Ganoon ba ang tingin niya sa akin, ang binabalewala lang sila? Hindi naman ang sa akin lang bigyan naman nila nang pansin ang pagkawala ni Shana. Na pati ako ay pinagbabawala lang nila.

Siguro nga naging bulag na ako sa mga taong nasa paligid ko, pero hindi mo naman mai-aalis sa akin ang pangungulila ko sa anak ko.

Kalagitnaan ng gabi ay nagising ako. Hindi pa nga pala ako nakakakain ng tanghalian at hapunan. Nawalan din ata ako nang tubig sa katawan kaka-iyak.

Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Denzel sa tyan ko. Mukha siyang pagod na pagod sa itsura niya. Parang hindi nag-ahit nang ilang linggo sa haba na din nang balbas at bigote niya.

Ganoon ba katagal kaya hindi ko nakikita ang nangyayari sa paligid ko. Masyado ba akong nalulong sa kakaisip kay Shana kaya hindi ko maasikaso ang asawa ko.

Hinawakan ko ang mukha niya. Nakaka-miss. Hinalikan ko ito sa noo bago bumaba.

Nagugutom na si Baby. Sorry baby masyadong ma-pride si Mommy kaya pati ikaw napapabayaan ko na.

Buti na lang at maraming pagkain sa ref, ininit ko lang ito. May nakita din akong strawberry sa ibabaw nang mesa namin kaya nilantakan ko na. Ngayon lang ako ginanahan nang ganito.

Sinimot ko na ang lahat nang pwedeng makain sa harap ko. Nagugutom talaga ako. Uminom na din ako nang gatas para sa amin ni baby.

Didiretso na dapat ako sa kwarto namin nang masagi nang mata ko ang kwarto nang kambal.

Naabutan ko doon si Sean na natutulog. Lumapit ako at umupo. Sinuklay ang kamay ko sa kanyang buhok. Katulad nang buhok ni Shana ang buhok ni Sean, nakaka-adik.

Nilibot ko ang paningin ko. Ang laki na nang pinagbago. Wala na ang magpapa-alala kay Shana. Wala na ang kanyang mga gamit.

Humiga ako sa tabi ni Sean at pinaghele. Ang tagal ko na din itong hindi nagawa sa anak ko. Nagiging pabaya na ako sabi nga ni Denzel sa akin.

Nagulat ata si Sean nang halikan ko ang pisngi niya. Gumalaw kasi ito nang bahagya.

"Daddy?" Sabi nang maliit niyang boses.

"No baby, Mom's here."

"Mommy?" Umupo ito.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim na sumasakop sa kanyang kwarto.

"Yes baby."

"Ano po ang ginagawa niyo dito."

"Ayaw mo bang na naririto si Mommy."

"Hindi lang po ako sanay. Si Daddy po kasi ang lagi kong kasama."

"Lagi niyo na akong makakasama nang Daddy mo. Nagtatampo ka ba kay Mommy, baby?"

"Ayaw ko sa inyo. Mas gusto ko si Daddy, mahal ako ni Daddy."

"Mahal ka din ni Mommy, Sean."

"Pero mas mahal po ako ni Daddy. Lagi siyang nasa tabi ko pag-umiiyak ako at lagi po siyang naririyan pag kailangan kayo sa school."

"Halika nga dito." Kinuha ko siya at pinaupo sa aking kandungan. "Mahal ka din ni Mommy. Hindi batayan ang laging nariyan lang sa tabi mo."

"Pero bakit po ganoon, ako na po itong nasa tabi niyo, si Shana pa din ang hinahanap mo. Sabi ni Daddy intindihin na lang daw po namin kayo, pero Mommy lagi na lang po namin kayo iniintindi bakit hindi niyo pa din ako love."

"Galit ka ba kay Mommy sa mga nagawa ko sayo."

Umiling 'to at inihilig ang ulo sa dibdib ko. "Sabi ni Daddy bawal daw po ang mga bata magalit sa parents nila. Kaya hindi po ako galit. Pero po naiinggit po ako sa mga classmate ko lagi nilang kasama Mommy nila ako wala, si Daddy na lang po lagi ang kasama ko."

"Sorry, baby. Naging bulag lang si Mommy dahil sa pagkawala ni Shana. Miss na miss na kasi ni Mommy ang kakambal mo."

"Miss na din po namin siya ni Daddy. Tuwing gabi po naririto si Daddy sa kwarto ko tapos magkwe-kwento po siya nang iba't ibang bagay na magpapangiti sa akin."

"Bakit? Nalulungkot ka din ba sa pagkawala ni Shana?"

"Opo, pero mas nalulungkot po ako dahil hindi niyo man lang po ako napapansin. Nasa harap niyo na po ako pero ang layo po nang tingin niyo. Lagi ko po kayong kinakausap pero lagi naman po kayong umiiyak. Minsan po nagkasakit ako pero ayaw niyo po akong pansinin. Buti na lang po nasa tabi ko si Ate Mila at Daddy."

"Wala ako sa sarili nang mga oras na iyon, anak. Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo ngayon? Gusto mong kumain? Saan mo gustong pumunta, halika aalis tayo."

"Mommy ayos lang po ako, tsaka makakasama po kay baby ang mapagod kayo. Hindi niyo na po kailangan mag-alala sa akin, Mommy malaki na po ako."

"Hindi. Hindi. Baby pa kita. Halika, ano bang gusto mo ibibigay sayo ni Mommy."

"Hindi po ako mahilig sa materyal na bagay, sabi din po ni Daddy huwag daw po ako masanay na may nagbibigay sa akin. Ayos na po sa akin ang pagmamahal at pag-aalaga. Mommy, maibibigay mo po ba iyon?"

"Ang laki na nang pinagbago mo, anak. Naging masama sayo si Mommy. Lagi na nga lang si Shana ang nasa isip ko. Kayo ang naririto at nag-aalaga sa akin ay hindi ko pa maibigay ang gusto niyong pagkalinga ko. Ang laki nang pagkukulang ko sa inyo lalo na sayo anak. Mahal mo pa ba si Mommy, Sean?"

"Opo naman po Mommy. Mahal na mahal ko po kayo. Syempre po si Daddy din."

"I love you too, anak. Simula ngayon isasang-tabi ko na muna ang kakambal mo. Wala man siya sa atin nasa puso naman natin ito at minamahal. Kayo ang naririto ng Daddy mo, si Sean at ang bagong magiging kapatid mo."

"Hindi po ba kayo nahihirapan? Ang laki na po nang tyan mo."

Hinawakan niya ito at pinaikot ang kamay sa tyan ko.

"Iyan ba? Hindi. Ganyan din kayo dati nang kakambal mo. Maliit pa yan, anak. Ilang buwan na lang mas lolobo pa yan."

"As in malaki po, parang ganito." Pinalawak niya ang kamay sa ere at gumuhit nang malaking bilog.

Kahit na hindi ko nakikita ang mukha nito ay alam kong masaya siya base na din sa kanyang salita.

"Oo, anak."

"Hindi po ba puputok ang tyan niyo. Paano po si baby baka maipit."

"Ganyan talaga ang tyan nang may baby sa loob nang tyan ng mga nanay. Hindi maiipit iyon, dahil maingat ang mga Mommy nila. Ikaw talagang bata ka, matulog na tayo anong oras na ginising ka pa ni Mommy."

"Okay lang po iyon, Mommy. Good night po and i love you."

"I love you so much. Sige na dito si Mommy matutulog sa tabi mo, hinding hindi kita iiwan, Sean."

Nakayapos lang ako sa kanya at pinaghele. Ayaw ko na pati si Sean ay mawala sa akin kung lagi ko ngang iisipin si Shana. Sila ang naririto at sila ang dapat kong isipin.

Tulad nang sinabi ko wala man si Shana sa tabi ko o namin ay hindi naman mawawala ito sa isipan at sa puso. Anak ko iyon kahit na anong mangyari ay masakit sa part nang ina ang mawalan nang anak pero hindi ko kakayanin na naririto nga sila ay inaalis ko naman ang karapatan nilang ipakita o iparamdam na naririyan lang sila at sama-sama kaming babangon.

Inagahan ko ang gising ko kinaumagahan. May pasok ngayon si Denzel at Sean, ipaghahanda ko ang mga ito. Responsibilidad ko ang alagaan at mahalin ko sila.

Ngayon ako babawi sa mga ginagawa nila sa akin nang nakalipas na buwan.

Naghanda na ako nang kakainin nila at pinaghanda ko na ang gagamitin nang mga ito.

Lumapit ako sa kama naming mag-asawa at marahang tinapik ang pisngi nang asawa ko.

"Denzel gising na."

"MeLoves tayo ka na."

Walang epekto ang pagtatapik ko sa kanya. Siguro nga ay pagod ito. Hindi ko man lang alam ang pinag-gagawa niya nitong nakaraang buwan.

Umupo ako sa gilid nang kama namin. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nang asawa ko at pinudpod nang mga halik.

"MeLoves gising na."

"MeLoves ayos na ang mga gamit mo, tayo ka na."

Wala pa din epekto ang paghahalik ko sa mukha niya. Ano ba naman itong asawa ko manhid na sa paligid.

Last na ito kung hindi pa ito magising ay bubuhusan ko na ito nang malamig na tubig.

Hinalikan ko na ito sa labi. 'Yung tipong mawawalan na kami nang hininga. Kahit tulog pala ang asawa ko ay hindi pa din nawawala ang pagnanasa ko sa kanya.

Sinampal ko na ito nang ayaw pa din magising. Ako pa ang nawalan ng hininga imbis na siya.

"Aray!" Reklamo niya.

"Nakaka-inis ka, gumising ka na nga."

"Huh? Anong nangyari?"

Umupo ito at sinuri ang katawan ko.

"Nakakainis ka, tumayo ka na nga para makapasok ka na."

"Bakit ka naiinis, may ginawa ba ako?"

"Wala ka nang ginagawa kaya naiinis ako sayo. Ganyan ba katindi pagod mo kaya kahit halik ko hindi ka man lang magising."

"Hinalikan mo ako?" Hinawakan niya naman ang labi niya na para bang hindi makapaniwala.

"Oo."

"Hindi ko alam, akala ko nananaginip lang ako."

Umirap lang ako dito. "Ewan ko sayo. Tumayo ka na nga."

Tumayo na ako at hinayaan siyang tumulala sa akin.

"Saglit lang."

"Bakit?"

Pumihit ako paharap dito. Nakatingin lang siyang diretso sa mga mata ko.

"Saan ka pupunta? Baka makasama sa iyo 'yan. Mahiga ka na Rebecca."

"Sawang-sawa na ako kakahiga, Denzel. Kaya hayaan mo muna akong gumalaw sa bahay. Ayos na ang lahat, maligo ka na at para makakain na tayo. Gigisingin ko lang si Sean."

"May nararamdaman ka ba? Gusto mo bang tumawag ako nang doctor?"

Lumqpit ito ay hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Ngumiti lang ako sa inasal niya. "Ang OA mo, MeLoves!"

Nagulat naman siya sa ginawa kong paghalik nang mabilisan.

"Bakit mo ginawa 'yun?"

"Alam mo naiinis na ako sayo. Para kang sira sa mga pinag-gaga-gawa ko."

"Hindi lang ako sanay."

"Mag-ama nga kayo ni Sean. Ganyan din ang sinabi niya sa akin. Masasanay ka din."

"Huh? Nagka-usap kayo ni Sean?"

"Oo kagabi. At ayos na din kami. Hindi ko alam ang tinuturo mo sa anak natin pero inalagaan mo talaga ito nang mabuti kahit ako dapat ang nasa posisyon mo."

"Rebecca..."

"Marami akong pagkukulang sa inyo nang anak ko. Naging selfish ako. Binawalewala ko kayo. Iniwasan, ni hindi man lang maibigay ang pagmamahal ko sa inyo. Lahat nang iyon ay hindi ko pinagsisisihan dahil sa kabilang banda nagising din ako sa katotohanan na wala na nga ang anak natin."

"Huwag mong sabihin iyan, tulad nang sinabi mo naririyan lang ang anak natin."

"Oo nga't naririyan lang pero na saan siya Denzel. Kayo ang naririto sa tabi ko kayo ang dapat kong pagtuunan nang pansin. Alam ko at nararamdaman ko na makikita pa natin ang anak natin. Hindi man gumagalaw o anu man basta makita natin siya sapat na iyon para mabuo ulit ang ating pamilya."

"Bakit mo sinasabi ang lahat nang iyan, Rebecca?"

"Malinaw na sa akin ang lahat. Mga pagkakamali ko sa inyo..."

"Walang mali, Rebecca..."

Pagsabi niya nun ay hinalikan niya ako nang puno nang pagmamahal at pangungulila. Ginantihan ko din siya nang halik na pagmamahal.

Binuhat niya ako at nilagay sa kama na hindi humihiwalay ang aming mga labi.

"Na-miss kita, Rebecca."

Ngumiti lang ako at diniinan pa ang pagkakahalik niya sa akin.

Kung saan-saan na ang nararating nang iamsa niyang kamay. Sa leeg pababa ng pababa. Ang isang kamay niya ay nakadantay lang para hindi na rin ako madaganan.

Pumaibaba ang halik niya papuntang leeg ko. Napa-igtid ako sa nararamdaman ko. Nasabunutan ko na din siya dahil sa ginawa niyang paglagat dito.

Dahan-dahan niyang pinasok ang kamay niya sa loob nang damit ko at marahan hinawakan ang tyan ko.

"Nakikiliti ako Denzel."

"Ang laki na nang tyan mo."

"Ayaw mo na sa akin gayong malaki na ang tyan ko?"

"Nagbibiro ka ba, Rebecca. Simbolo nang pagmamahalan natin itong nasa tyan mo kaya hindi ko magagawa iyon. Kay tagal kong inasam na mangyari ito."

Hindi ko na namalayan na hubat na pala ako sa harap niya. Tangging panty na lang ang natitira sa akin.

Pinasadahan niya ako nang tingin at muling binaba ang labi niya sa labi ko hanggang makarating sa dibdib ko.

Ngayon ko lang nakita na ganito siya kasabik base na din sa mga halik na ginagawa niya. Masyado din akong nalulunod sa ginagawa niya sa akin.

Inalis ko na ang natitira niyang boxer tutal naman hindi nakasuot nang pang-itaas ang asawa ko.

"Hindi ba makakasama ito sa baby natin?" Tanong ko rito.

"Hindi. Naitanong ko na din ito sa doctor mo, ayos lang naman. Ang hindi ko maintindihan bakit hindi ka naglilihi sa akin."

"Sawa na din kasi ako sa mukha mo kaya hindi ko makuhang paglihian ka." Natatawang sabi ko. Hindi kasi maipinta ang mukha niya.

Hindi mo malaman kung galit ba ito p hindi dahil na rin sa nahihirapan niyang paghinga.

"Ah ganun ah. Paglilihian mo din ako."

Pinasadahan niya na naman ako nang halik sa labi tipong parehas kaming mawawalan nang hininga. Mapangahas naman nitong nilagay ang dila niya sa akin. Ang sarap kagatin.

Nakatingin lang ito sa mata ko habang hinahawakan ang pagkababae ko.

"I'll be gentle."

Tumango lang ako at napahawak sa kanyang braso nang ipasok niya na ito.

Totoo nga at na-miss ko ang asawa ko. Naramdaman ko na naman ang pagiging kumpleto. Hindi lang dahil sa ganitong sitwasyon kundi dahil ramdam na ramdam ko ang pag-iingat at puno nang pagmamahal niya na kahit na anong mangyari ay naririto pa din siya sa tabi ko at hinding hindi iiwan.

Nang matapos ay inunan ko ang braso niya sa ulo ko. Pinaglalaruan niya naman ang buhok ko.

Napabalikwas naman ako nang may maalala ako.

"May pasok ka ngayon, MeLoves. Tumayo ka na't mag-ayos."

Umiling lang ito at hinawakan ang ulo ko at pinahiga ulit.

"Pati ba naman ang araw ay nakalimutan mo na? Sabado ngayon, MeLoves walang pasok."

"Ano ba yan. Sayang ang niluto ko."

Sinaubsob ko lang ang mukha ko sa dibdib niya. Nakakahiya.

"Maaari nating kainin iyon maya-maya hayaan mo na muna tayo nng ganitong posisyon."

"Paano si Sean?"

"Weekends naman kaya hayaan mong magpahinga ang bata."

Tumango lang ako at humarap sa kanya.

"Nito bang nakalipas na buwan ay sinukuan mo na ako?"

"Mali ang tanong mo, dapat, ay dumating na ba sa puntong sinukuan mo na ako." Hinalikan niya na muna ang noo ko bago sumagot. "Oo dumating sa puntong sinukuan kita pero hinding hindi ko magagawa na iwanan o ipagpalit kita. Masyado kitang mahal para sukuan. Hinding hindi ko magagawa iyon."

"Ang swerte ko at ikaw ang ibinigay sa akin."

"Wala tayong magagawa dyan, MeLoves. Alam na alam nang tadhana kung gaano natin kamahal ang isa't isa."

"Minsan ang yabang mo, pero dyan mo ako nadala sa pagiging mayabang mo. I love you, MeLoves."

"I love you more. I love Sean. I love Shana. I love our soon-to-be-our-baby."

"Promise me one thing, Meloves."

"What is it?"

"Please BECCAreful with my heart."

END.....

Continue Reading

You'll Also Like

812K 13K 60
Skyler Clyde Andrade Professor series #1 Warning: Read at your own risks Kath, a simple yet hardworking girl has to travel in manila to study and wor...
908K 13.6K 35
WARNING: SPG | R-18 | They hold each others hand. They kissed. They cuddle. They make out. They can do whatever they want to do even they're already...
80.2K 2.4K 58
Antique has a small island called Convallaria Island. Kung saan ang bawat sulok ng isla ay tunay na kay ganda pagmasdan. It looks like everything in...
1.8M 22.6K 58
(Rated SPG) She thought she knew her limitations with alcohol but she's wrong and then she got drunk. She became wild and had her first sex with a to...