HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI

EPILOGUE

6.9M 120K 265K
By maxinejiji


EPILOGUE

DEIB'S POV

HAWAK KO ang mga pisngi niya at paulit-ulit na sinisiil ng halik ang kaniyang labi. Mahirap tigilan, masarap halikan. Hindi ko na naisip kung tanggap ba sa bansang iyon ang sitwasyong iyon. Pero dahil sa katotohanang kasal na kami ni Taguro ay wala na akong pakialam. Ang sandaling iyon ay para sa aming dalawa. Talagang magwawala ako kung may isa man sa kanilang pipigil sa paghahalikan namin ni Taguro.

Pareho naming habol ang hininga nang maghiwalay ang aming labi. Magkadikit ang mga noo at parehong nakapikit. Ang mga kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko, mahigpit ang kapit. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang narito. Ngunit ang katotohanan ay nakita ko nang magmulat ako.

Nakangiti kong sinuyod ng tingin ang dagat ng tao. Maluha-luha sila sa panonood sa amin. Ang karamihan ay magkahawak ang mga kamay at nakatunghay na para bang sinasabi rin sa isip na sa wakas ay naganap ito. Pakiramdam ko ang bawat puso ng taong naroon ay tumitibok para sa amin.

Nilingon ko ang pamilyang Moon at tumataba ang puso ko sa nakikita ko sa kanilang mga mata. Pakiramdam ko ay gano'n katindi ang pagmamalaki nila dahil nakabilang na ako sa kanilang pamilya. Sa dami nang nangyari ay hindi pa rin nagbabago ang ganoon kagandang ugali nila.

Natanawan ko ang pamilya ko na walang hinto sa pagpahid sa kanilang mga luha. Iyon 'yong luha na dahil sa sobrang kasiyahan. Sa kabilang banda ay gusto ko ring matawa. Dahil sa halip na ang pamilya ng babae ang may gano'ng emosyon, nagkabaliktad na naman kami ni Taguro. Pakiramdam ko ay mga magulang ko ang pinakamasasayang tao para sa akin nang sandaling iyon. Kahit na ang totoo, wala ni isa mang narito ang malungkot.

Nagsipagkawayan ang umiiyak naming mga kaibigan nang sila naman ang aking tingnan. Batid kong gustong-gusto na nilang sumigaw. Gusto na nilang ipagmalaki kung paano nilang nasaksihan ang simula namin ni Taguro. Gusto nilang ipagsabi kung paano naming pinagdaanan ang hirap at nilasap ang sarap. Pero pinipigilan nila ang sarili dahil wala kami sa teritoryo namin.

Nilingon ko ang mga hukom at hindi ako makapaniwalang nababasa ko rin ang paghanga sa kanilang mga paningin. Ang kapangyarihan nila ay hindi na mawawala. Parang parte na 'yon ng kanilang sistema, kahit hindi nila ipakita ay kusang kumakawala.

Nagbaba ako ng tingin kay Taguro at sinalubong ang maangas niyang titig. Grabe... Iyon 'yong bagay na talagang paulit-ulit kong ikinamamangha sa kaniya at hindi ako nagsasawang sabihin. Malayo iyon sa angas na ipinapakita niya sa t'wing hindi gusto ang taong kaharap. Iyon kasi 'yong angas na wala pang ginagawa, nakakatakot na. Iyon kasi iyong angas na wala pang sinasabi, nakakikilabot na. Ang angas niyang nakikita ko ngayon ay 'yong madalas na ipinagmamalaki ko. Iyong angas na natural sa kaniya. Iyong angas na nagsasabing pag-aari niya ako. Iyong angas na nasa kaniya lang, at sa akin lang ipinapakita. At sa t'wing matutulala ako sa maangas na tingin na iyon ay napapangiti na lang ako.

Humugot ako nang malalim na hiningi at marahan iyong pinakawalan. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang kabuuan. Noon ko lang napansin ang dalawang dragon na nakaburda sa magkabilang balikat at braso niya. Maging ang bawat palamuti ng kaniyang damit, at ang kakaiba ngunit magandang ayos ng kaniyang buhok.

"Babe..." hinawakan ko ang kamay niya. "Thank you."

"For what?" seryoso niyang tugon, hindi inaalis ang tingin sa 'kin. 'Yong tingin niyang nakalulusaw, nakakailang, pero masarap sa pakiramdam.

Naging emosyonal ako. "Thank you for loving me." Panay ang pagkurap ko para mapigilan ang mga luha. Panay rin ang pagtingala. Ngumiti siya at pinahiran ang magkabila kong mata. "Thank you for trusting me. Thank you for understanding me. Thank you for coming back to me. Thank you for inspiring me. Thank you for encouraging me. Thank you for protecting me. Thank you for marrying me. Thank you for all the things that you do. Thank you." Nagbaba ako ng tingin at pinahiran ang sariling luha.

Hinawakan niya ang pisngi ko dahilan para muling magtama ang paningin namin. "Thanks for being patient, thanks for waiting, and thanks for staying by my side. I love you." Doon pa lang siya ngumiti.

"I love you more." Nakangiti ko siyang niyakap. Ayaw ko nang matapos ang sandaling iyon pero nananabik ako sa mga susunod pa.

Hindi mahinto ang isip ko. Naiisip ko palang na makikita ko na siya araw-araw sa t'wing gigising ko na ay wala nang paglagyan ang saya ko. Ngayon ay mas madalas ko na siyang makakasama. Sabay na kaming gigising, kakain, matutulog...maliligo. Makikita ko siya bago ako umalis para magtrabaho. Daratnan ko siya pagkauwi. Mapapanood ko siyang magluto, magbasa, magsulat, mag-computer, manood ng TV, at kung ano-ano pa. Masaya ako na sa wakas ay makikita ko na maya't maya ang bawat pagbabago sa reaksyon at ekspresyon ng kaniyang mukha. Na noon ay kailangan ko pang titigan para 'wag makalimutan.

Makikita ko siyang gumagalaw lagi. Hehe. At ang pinakamasarap na parte ay matatawag ko na siyang asawa... Napangiti ako at mas humigpit pa ang pagkakayakap sa kaniya. "Uwi na tayo, Taguro."

Naramdaman ko siyang tumango. "Isang araw ka lang naman pwede dito."

"Tch." Nakangisi akong tumingin sa kaniya. "Baka Moon na ako?" ipinagkadiinan ko ang apelyido.

Tuloy ay gusto ko na namang matawa sa kahihiyan. Dahil imbes na ako ay siya ang nagbigay sa 'kin ng apelyido. Pero ang katotohanang dala niya na rin ang pangalan ko ay talaga namang dumagdag sa katauhan ko.

"Nakakapanibago," napahalakhak ako. "Deib Lohr Moon."

"Tss. Deib Lohr Enrile-Moon," pagtatama niya.

"Gano'n na rin 'yon."

"Hindi gano'n 'yon," naubos agad ang pasensya niya. "'Wag mong aalisin ang apelyido mo."

"Nasa batas din 'yon?" sarkastikong tugon ko.

"Wala naman. Pero kung hindi saksi ngayon dito ang makaririnig no'n ay pwede nilang isipin na magkapatid tayo."

"Gano'n?" sumama ang mukha ko. Pabuntong-hininga siyang tumango. "Tch.  Whatever, Maxpein Zin Enrile-Moon," usal ko.

"Umikli ang pangalan ko," ngisi niya. "Ang sarap sa pandinig."

"Bakit, sawa ka na ba sa apelyido ng tatay mo?" biro ko. "O 'yong apelyido ko ang masarap?"

"Tss."

"Pero ang angas ng Moon. Hehe."

Nakangiti siyang tumango. "Totoo 'yan." Bagaman wala sa intensyon niyang magyabang ay ganoon ang naging dating niya. Wala akong nagawa kundi ang matawa.

Tama nga ang sinabi ng mga Moon. Maikli lang ang seremonyas. Dahil matapos niyon ay ipinatawag na kami para manumpa at magpirmahan. Kasunod niyon ay dumeretso na kami sa bahay ng mga Moon. At doon ay ipinagpatuloy namin ang kakaiba nilang kultura.

May maliit na salo-salo na ginanap lang sa sala. Ang mga kaibigan at ilan pang kasama ay naiwan do'n. Habang kami ni Taguro kasama ang pareho namin pamilya ay dumeretso sa malawak na kwarto. Nagharap muli ang mga magulang naming pareho ni Taguro. Matapos no'n ay hinarap naming pareho ang kani-kaniyang mga magulang upang tumango at magbigay-galang. Hindi iyon 'yong normal na tango lang dahil buong katawan namin ay kumikilos. Kung ano-ano ang ipinagawa nila sa akin. Nandiyan 'yong binuhat ko sa likuran sina Heurt, Maze at maging ang mommy ko. Kung ano-ano pa ang ipinagawa nila na sa huli ay ikinapagod ng buo kong katawan, pati kaluluwa. Parte raw iyon ng kanilang kultura. Kakaiba talaga.

Kahit ganoon ay masaya kami, pati ang mga kaibigan ko. Nawiwirduhan man sila sa seremonyas ay idinaan nalang nila sa tawanan. Nakakatuwa lang isipin na sa kulit nilang iyon ay nagawa nilang sumunod. Iyon ang pamilyang Moon. Kahit anong bait ng mukha, kahit anong ganda ng ugali ang kanilang ipakita, ang awtoridad at kakayahan nila, iyong natural na na takot at respeto na mararamdaman ng sinumang makaharap nila, hindi mabubura.

Ipinaabot ko sa mga hukom ang matindi kong pasasalamat, maging sa buong Moon. Ang pamilya ko ay hindi ko nakalimutan. Ang mga bumisita kanina ay pinadalhan ng handa ng mga Moon sa kani-kanilang mga bahay. Gano'n daw ang paraan nila ng pasasalamat.

Ang inaasahan ko ay pababalikin na kami sa Pilipinas nang gabi ring iyon. Pero nagkamali ako. Dahil nang gabing iyon ay nakahanda ang lahat nilang kwarto para sa 'ming mga bisita. Tuwang-tuwa ako nang magsalo-salo kami ng hapunan. Syempre, bida ang kwentuhan at talaga namang halos mapunit ang mga mukha namin sa katatawa. Wala rin kaming pahinga sa pagngiti.

At bagaman nakukuha ng mga kaibigan ko ang aking atensyon, hindi ko makakalimutang magdamag ko nang hawak ang kamay ni Taguro. At ang bawat gantihan namin ng pisil ay nagbibigay ng kakaibang kuryente sa katawan ko. Dahilan para maisip kong magkakaroon kami ng kakaibang digmaan mamaya.

"So, what can you say about my country?" bigla ay seryosong tanong ni Maxpein sa mga kaibigan ko.

Ang kaninang tawanan ay biglang humupa sa isang iglap lang. Gusto kong matawa nang makitang sumeryoso bigla ang kanilang mga mukha. Sina Migz at BJ ay mabilis na nagbaba ng tingin na para bang nagsisisi sa mga kalokohang palihim nilang ginawa. Sina Tob at Lee ay nagpanggap nang abala sa pag-uusap. Habang ang mga babae naman ay nagkunwaring libang na libang sa pagkain. Nakakatawa.

"I have a question," nagtaas ng kamay si Michiko, ang lakas ng loob.

"Taray ni bakla, classroom?" dinig kong bulong ni BJ, siniko siya ni Migz.

"What is it?" maangas ang pagkakangiti ni Taguro.

"Kaninong apelyido ang Moon?" inosente pa rin talaga si Michiko.

Napabuntong-hininga si Taguro, seryosong-seryoso. Nilingon niya isa-isa ang myembro ng kaniyang pamilya. Saka muling tumingin kay Michiko na noon ay nag-aabang na. Maging kaming iba pa na naro'n ay naghintay sa isasagot niya.

"Sa amin," walang ano-ano ay sagot ni Taguro, punong-puno ng saysay. Lumaylay ang balikat ko.

"Ay, talaga, 'te?" bulalas ni Migz. "Sa kanila pala 'yon?" nagawa niyang sakyan at gawing biro ang walang kwentang sagot ni Taguro. "Grabe, apelyido pala nila 'yon! Amazing!"

"Gaga, manahimik ka at malilito ang Michiko!" tatawa-tawang ani BJ. Tahimik na nagsipagtawanan ang mga kaibigan namin.

"Tss," nag-iwas ng tingin si Taguro.

"Ang dami mo kasing last name, Maxpein," humagikhik si Michiko. "May Del Valle na, may Moon pa."

"Absent ka ba no'ng topic namin 'yan?" seryosong tanong ni Migz, pero isa na namang nakakatawang biro iyon.

"Complete attendance ang Michiko, 'te," tatango-tangong ani BJ, nakitango si Michiko.

"Bakit hindi niya alam?"

"Eh, baka absent nga?"

"Akala ko ba ay complete attendance, 'te?"

"Absent-minded, 'te."

Naghagalpakan ng tawa ang naro'n, nakiisa pa si Michiko. Tuloy ay sumama ang mukha ni Tob. "Kayong dalawa, ah? Namumuro na talaga kayo sa 'kin, ah? Hintayin niyong makabalik tayo sa Laguna."

"Duh? Dito na kaya kami titira, ang daming papa!" biro ni BJ dahilan para muli kaming matawa. "Kakausapin namin si auntie!" batid kong ang Netjae ang tinutukoy niya.

"Pero ano nga ba ang sagot sa tanong ni Michiko, Max?" nagsalita si Parrot, nakangisi. Pakiramdam ko ay kaytagal nanahimik ng buhay ko dahil hindi ko narinig ang boses niya. Paano kasi ay wala siyang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.

"Alam mo na 'yon, hindi ba?" tugon ni Taguro.

"Pakiramdam ko kasi ay mas maiintindihan namin dahil nandito na tayo. At mas maganda kung manggagaling mismo sa 'yo, hindi ba? Ang dami mong hindi ikinuwento, bumawi ka naman."

"Korean family name namin ang Moon," panimula ni Taguro. "Ang Del Valle ay family name namin sa labas ng Korea."

"Eh, ano ang tunay ninyong apelyido?"

"Pareho." Bigla ay may hinugot si Taguro. "'Eto ang passport ko." Kailangan niya talagang ipakita iyon, gano'n ang ugali nila. Awtomatikong ihaharap sa iyo ang pruweba para lang maniwala ka.

Tiningnan naman nila iyon. Nang iabot sa 'kin ay nabasa ko ang buong pangalan ni Taguro, Maxpein Zin del Valle-Moon.

"Kailan naman magiging Enrile 'yan?" nakangiting banat ko, inginuso ang pasaporte.

Umiling siya. "Hindi 'yan mapapalitan."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?"

"Hindi 'yan mapapalitan."

"Ano!"

"Hindi 'yan mapap—"

"Bakit!"

"Dahil hindi naman kami nangunguha ng apelyido, hindi gaya ng kultura ninyo." 'Ayun na naman kami sa mga pamamalakad nila. "Ang paggamit ko sa apelyido mo ay sarili kong desisyon. Pero kung ang proseso dito ang pag-uusapan ay hindi magbabago ang pangalan ko."

"That's unfair!"

"Doon naman tayo titira sa bansa mo kaya 'wag ka nang maraming reklamo, ang lakas ng boses mo," angil niya, napabuntong-hininga na lang ako sa inis.

"Eh, bakit hindi pang-Korean ang pangalan mo?" muling tanong ni Parrot.

"Itanong mo sa mga magulang ko," nilingon ni Taguro si Maze at Heurt.

"Si Chairman Moon ang makakasagot sa tanong na 'yan pero wala siya rito," nagbibirong ani More. "Moon ang last name ng father ko, si Chairman Moon. Ang del Valle ay nagmula pa sa kaniyang lolo. Apelyido niya rin iyon. Dalawa talaga ang apelyido namin sa madaling salita."

"Ano ang middle name mo?" ibinalik ni Parrot ang tanong kay Taguro.

"Wala."

"Anong wala?"

"Wala akong middle name."

"Bakit nga wala?"

"Eh, sa wala, eh," kaswal na sagot ni Taguro, punong-puno nang kahulugan, gusto kong manlumo.

"Bakit hindi iyong apelyido ni Tita Maze? O 'yong kay Tita Heurt ang gamitin mo?"

"Dumarami ang tanong mo, ah?" nagsisimula nang mainis si Taguro. Bumuntong-hininga siya. "Walang apelyido si Maze. Hindi ko naman pwedeng kunin ang apelyido ni Heurt. Besides, hindi talaga kami gumagamit ng middle names. Maze Moon lang ang pangalan niya," itinuro niya ang Presidente. "Heurt Park lang ang pangalan niya," itinuro niya ang ina. "Pero ngayon ay Moon na rin siya. Heurt Park-Moon."

"Ha?" nagtawanan ang mga kaibigan ko. Pero nang maisip nilang bawal iyon ay biglang nanahimik.

"Si Maze ay mula sa South Korea. Binura ang apelyido nila ng kaniyang ama at pinalitan ng Moon nang baguhin ang nationality nila. Kaya nasa Korea man o wala ay Moon ang gamit nilang apelyido. Masiyado nang maselan ang usapang 'yon kaya tigilan mo na ang katatanong," dere-deretsong sinabi ni Taguro, natawa ang pamilyang Moon, kasama na ako.

"Pero 'yong totoo, taga-rito ka talaga? I mean, dito kayo ipinanganak?" hindi mapigilan si Parrot. Bumuntong-hininga lang si Taguro. "Bakit nakakapunta ka sa South?"

"Dahil pinapayagan ako. Pero ang mga taga-ro'n ay hindi pwedeng makapasok dito. Kung makapasok man sila ay hindi na sila pwedeng umalis."

"Gano'n?" nanlaki ang mga mata ni Parrot.

"Tss. 'Wag kang mag-alala dahil kayo naman ay pinahintulutang makapasok. Makakalabas pa kayo." Natawa si Taguro.

"Kaya hindi ko naisip no'n na dito sila nakatira ay wala siyang binanggit na lugar kundi 'yong mga nandoon sa kabilang bansa," naiilang akong paulit-ulitin ang South sa kaniya.

Marami pang ibinahagi ang pamilya ni Taguro sa amin. Naging bukas sila tungkol sa buhay nila at talaga namang kapani-panibago 'yon. Talagang hindi kami nasanay. Mukhang mahihirapan akong tanggapin ang ilan sa mga kultura nila, lalo na pagdating sa mga patakaran at batas. May punto sila at may sapat din na basehan ang mga 'yon pero sadyang mahirap tanggapin na lang basta. Pakiramdam ko ay noon ko palang siya tuluyang nakikilala. At nakakatuwang isipin na hindi lang sa 'kin kundi sa 'ming lahat niya 'yon ikinuwento. Gusto kong kabiliban ang tiwala niya. Walang bahid ni katiting na alinlangan, bigay na bigay siya sa pagyayabang.

Pero bago matapos ang gabing iyon ay gusto ko nang matawa. Nang paalalahanan niya kami nang paulit-ulit na kalimutan na lang ang lahat ng sinabi niya.

Isa-isa naming inihatid ni Taguro sa kani-kaniyang kwarto ang mga kaibigan namin. At matapos no'n ay nakangisi na akong umakbay sa kaniya habang tinatahak namin ang makasaysayan nilang pasilyo. Paulit-ulit kong hina-hum 'yong kanta kanina habang papalapit siya.

"Mukhang ang saya mo, ah?" sa pananalita niya ay batid kong nakangisi siya. Natuwa ako nang ihawak niya sa likuran ko ang kaniyang braso.

"Syempre." Nagbaba ako ng tingin sa kaniya at umakbay. "Tabi tayong matutulog, eh."

"Masaya ka na sa gano'n?"

"Oo."

"Good. Inaantok na 'ko, eh."

Sumimangot ako. "Talagang hindi mo 'ko pagbibigyan?"

Humalakhak siya. "Saan?"

"Kunyari pang hindi alam," nakangising bulong ko.

Bumuntong-hininga siya. "Pagod ako."

Lumaylay ang mga balikat ko. Pero ayaw ko namang pilitin siya kaya nang makapasok sa kwarto ay hinayaan ko siyang magpahinga. Nakaupo siya sa kama habang ako ay nasa sofa at nakatingin sa kaniya.

"Taguro," mayamaya ay seryosong tawag ko. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin. "Paano ang mga magiging anak ko?"

"Anong paano?" seryoso rin siya.

"Magiging rango rin sila sabi ni More."

"Oo."

"Daraan din sila sa prosesong pinagdaanan mo?"

Matunog siyang ngumiti. "Kung magiging babae."

"Kapag lalaki?"

"Hindi." Tumingala siya sa kisame. "Mas madali ang proseso sa mga lalaki."

Nanlumo ako. "Babae ang gusto ko."

"Lalaki ang gusto ko," seryoso siya, desidido. Sa hitsura niya ay mukhang sa sandaling iyon palang ay iniiwasan niya nang magkaroon ng anak na babae. Sa pagkakakunot ng kaniyang noo ay para bang iniisip niya na kung ano-anong libro ang babasahin para magkaroon ng anak na lalaki.

Hindi ko naiwasang manghinayang. "Ayaw mo ng babae?"

Bumuntong-hininga siya. "Hindi naman sa gano'n." Nag-iwas siya ng tingin, kunyaring inayos ang kama na hindi naman magulo. "Hindi madali ang pinagdaanan ko, ayaw kong maranasan niya."

"May tiwala ako sa magiging anak ko sa 'yo," wala sa sariling sabi ko. Nagugulat siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. "Hangga't dumadaloy sa kaniya ang dugo mo, nasisiguro kong malalampasan niya anumang pinagdaanan mo."

Napatitig siya sa 'kin. Hindi ko inaasahang mangingiti siya. Ang inaasahan ko ay magagalit siya at hindi magugustuhan ang sinabi ko. Ang sarap no'n sa pakiramdam. Bibihira kasing mangyari na hindi niya kontrahin ang ideya ko.

"Salamat," tila nakahinga siya nang maluwag. "I'm happy to hear that. Masaya ako na hindi ka gaya kong nag-aalala sa kung ano ang magiging kasarian ng anak ko."

"Nag-aalala ka?" tumayo ako at lumapit sa kaniya. Naupo ako sa paanan niya.

"Natural." Muli siyang bumuntong-hininga. "Sino ba namang magulang ang gugustuhing dumaan sa hirap ang anak niya kung pwedeng hindi naman? Hindi bale nang ako ang balikan ng mga hukom, 'wag lang siyang dumaan do'n. Baka hindi ako makatulog at puyat ang ikamatay ko." Tumunghay siya sa 'kin at hinawakan ako sa mukha. "Hindi ka ba natatakot na makagawa siya nang mali at masama?"

Bahagya akong kinabahan. "Bakit mo hahayaang makagawa siya nang gano'n? Unahan na natin sa tama."

"May mga pagkakataong hindi maiiwasan, may mga sitwasyong kailangang pagdaanan."

"Eh, di gagawin natin kung ano ang tama."

"Tss. 'Yon nga ang ayaw ko."

"'Wag mo kasing isipin na mangyayari sa kaniya ang nangyari sa'tin, Taguro."

"Paano kung magkagano'n?"

"'Wag na muna nating isipin 'yon."

"Eh, di 'wag na rin muna nating pag-usapan 'to," nag-iwas siya ng tingin.

Napabuntong-hininga ako. Masasabi kong talagang pinag-iisipan niya ang tungkol do'n. Nakonsensya tuloy ako dahil panay ang pagdadaing ko nang maraming anak. Hindi ko man lang naisip na gano'n ang pagdaraanan ng mga magiging anak ko. Hindi ko man lang inisip kung gusto niya rin ba 'yon. Masiyado kong ipinilit ang gusto ko. Ngayon ko lang nakikita na ang lahat ay talagang pinag-iisipan niya. Hindi basta-basta ang pagpapamilya sa kaniya.

"Maligo na tayo habang mainit pa ang tubig," aniya saka tumayo at hinubad ang coat.

Napamaang ako saka aligagang tumayo. "Sabay tayo?"

Nakangisi siyang lumingon sa 'kin saka kinalas ang pagkakatali ng buhok niya. Nakagat ko ang labi nang iwagayway niya ang buhok upang bumuhaghag. Binigyan niya 'ko nang nanunuksong tingin habang tinatanggal isa-isa ang butones niya.

"Loko ka, Taguro." Naglakad ako papalapit sa kaniya.

Ngumisi siya at saka sinimulang buksan ang damit ko. "Maliligo lang naman tayo."

Sa halip na sumagot ay nakangiti ko siyang pinanood na tapusin iyon. Nasisiguro kong kabado at nahihiya si Taguro ngayon dahil kahit anong pagtatago ang gawin niya ay tinatraydor siya ng kaniyang pamumula. Hindi ko rin maramdaman ang kaniyang paghinga, tuloy ay naisip kong hugot niya iyon dahil sa pagkabalisa.

Hinawakan ko ang baywang niya at marahang iginuhit ang aking mga daliri. Wala pa man ay nag-iiba na ang tingin sa kaniyang mga mata. Gusto ko siyang asarin at biruin tungkol sa napag-usapan namin ilang saglit lang. Gusto kong matawa dahil nakonsensya pa ako sa pamimilit na magkaroon nang maraming anak. Dahil 'eto siya ngayon at pinangungunahan pa ako. Pero ayaw kong ihinto niya bigla ang ginagawa dahil lang do'n.

Bago pa tuluyang maubos ang pareho naming suot ay binuhat ko na siya papasok sa banyo. Natutok ang paningin ko sa bath tub. Sa halip kasi na pahaba ay pabilog iyon. Bakal ang loob pero may kahoy sa palibot. Nakakatuwa ang oil na nakahalo sa umuusok na tubig doon. Maging ang ilang piraso ng bulaklak at mga dahon. Paniguradong ang mga iyon ang nagbigay ng kakaibang bango sa buong banyo.

Nakatingin kami sa isa't isa nang kalasin ko ang hook sa likuran niya. Sinakop ko ang dibdib niya at saka pinadausdos ang mga palad ko papunta sa ibabang likuran pa niya. Kumilos ang mga daliri ko at padausdos ding hinuban ang saplot na natitira pa.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ni Taguro matapos ko siyang hubaran. Pero nangunot ang noo ko nang magtaas siya ng kamay at hilahin ang switch ng ilaw. Bahagyang dumilim at tanging sinag ng buwan ang liwanag namin.

Hinubad ko ang natitira kong suot saka lumusong sa tub. Matapos ko ay inalalayan ko siya. Marahan akong humiga at saka ko siya patalikod na inihiga sa ibabaw ko. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi matapos kong marinig ang impit na ungol niya.

"Can you feel it?" nakangising bulong ko, humalakhak siya. "It's because of you. Ah! Taguro?" saway ko nang sumayaw siya sa ibabaw ko, pinanggigil ako.

"Joke."

"Ang sarap ng joke mo, ah?" hinawakan ko ang baywang niya at saka siya muling isinayaw. Biro lang sana iyon pero ako ang nahulog. Dahil sa t'wing uungol siya, nagtataasan ang mga balahibo ko. Lalo akong nananabik.

Lumingon siya bigla sa akin at kinagat ang balat sa daliri. Kung tutuusin ay normal na akto lang naman 'yon. Pero dahil sa sitwasyon ay mas nanggigigil pa ako. Hinalikan ko ang braso niya habang nakatingin sa mga labi niya. Nahinto lang nang mapansin ko ang suot niyang singsing.

Inabot ko ang kamay niya at pinakatitigan ang singsing. Kahanga-hangang ang kakaiba niyong hitsura. Pero nang mapansin ko ang disenyo ay napangiti ako. Ginto ang bumuo sa araw na may apat na banaag, itim naman ang mga diyamante niyon. Sa loob ng araw ay nandoon ang waning crescent moon na may maliliit na itim ding diyamante. Kakaiba. Hindi ko maiwasang maalala ang isipin ko tungkol sa 'ming dalawa kung saan may kinalaman ang araw at buwan.

"Where did you get this?" tanong ko saka nagpatuloy sa paghalik sa balikat niya.

"Kay Chairman Moon," inihilig niya ang sarili sa akin. Hindi na ako nag-usisa pa. Dahil alam kong kapag nagpatuloy ako sa pagsasalita ay magiging emosyonal na siya. Kapag nangyari iyon ay mauudlot ang pangarap ko.

Niyakap ko siya at saka idiniin sa pagkakasandal sa akin. Kinuha ko ang shower gel saka ko siya nilagyan mula sa balikat papunta sa dibdib hanggang sa puson. Sinabon ko siya mula sa itaas, pababa. Nakangiti akong naglaro nang naglaro at mukhang libang na libang si Taguro ro'n. Hindi lang libang na libang. Dahil para siyang mga tuyong dahon at ako ang kaniyang apoy. Nagsisimula na kaming gumawa ng sariling baga.

Gumapang nang gumapang ang kamay ko, nagpapanggap na sinasabon ang parteng 'yon ng katawan niya. Napapangiti ako sa t'wing magpapakawala siya ng impit na tinig, pigil na pigil pero tinatraydor siya ng esmosyong nailalabas. Napapaungol siya sa t'wing makikiliti, pilit ding nilalabanan ang masarap na pakiramdam. Ngunit hindi ko inaasahang nang marating ko ang kaniyang puson ay ako na ang nabaliw.

Ang inaasahan ko ay nasa akin ang huling halakhak. Dahil nang dumausdos pang pababa ang kamay ko ay kusang naghiwalay ang mga hita ni Taguro. Nagkamali ako. Dahil imbes na ako ang manukso, ako ang natukso nang maramdaman siyang muli sa palad ko. Ang impit niyang ungol ay binabaliw talaga ako. Nagtatayuan ang mga balahibo kong gumagapang mula sa talampakan papunta sa ulunan. May kung anong kumukulo sa kalooban ko sa t'wing gagawin niya 'yon. Lalo pa at hanggang sa sandaling iyon ay hindi ko malimutan nang unang beses ko siyang tikman.

Napalunok ako sa pagtitiis nang hawakan ni Taguro ang kamay ko at gumawa ng sariling ritmo. Nilingon ko siya nang may namumungay na mga mata. Saka ko pinanood ang bawat pagbabago sa kaniyang hitsura. Sa isip ay paulit-ulit akong nagmura, dahil putsa, ang sarap niyang titigan.

Kinuha ko na ang sponge, hindi ko na kayag magtiis, at agad na pinaliguan nang ayos si Taguro. Ngunit sa halip na hayaan ako ay kinuha niya iyon at saka niya kinuskos ang leeg habang nakatitig sa akin. Gusto kong mainis nang hindi man lang siya nagalit dahil inihinto ko bigla ang ginagawa para ro'n. Doon ko lang kasi mapapatunayang iisa lang ang takbo ng isip namin. Kailangan kong masigurong handa siya, ayaw kong mapilitan siyang gawin iyon.

Mabilis kong nilinis ang sarili ko. Gusto ko ring hilingin na sana ay bilisan niyang maligo. Dahil hindi na ako makapaghintay. Sa sandaling nakalipas ay wala man lang namahinga sa mga balahibo at kalamnan ko, nanatili silang naninigas at nakatayo.

Nagsesepilyo pa lang siya ay hindi na ako mapakali. Kaya naman lumapit na ako at sinimulan nang halikan ang likuran niya. Para sa 'kin ay masarap at kaakit-akit naman 'yon kaya nadi-distract ako dahil natatawa lang siya.

"Bilisan mo, babe," nakanguso nang sabi ko.

"Dalawang beses akong magsepilyo," aniya na nilagyan na naman ng toothpaste ang toothbrush.

"Kahit tatlo pa, basta bilisan mo," angil ko. Hinawi ko ang buhok niya at hinalikan siya sa balikat papunta sa leeg. Paulit-ulit, nang-aakit. Ngunit 'ayun na naman 'yong tawa niya na para bang ang intensyon ko ay kiliitin siya at hindi panabikin. "I can't wait, Maxpein," bulong ko sa kaniyang tainga. Inipit niya ako saka muling tumawa. Gusto kong manlumo dahil nakikiliti lang siya. "Babe..." I begged.

Nanlaki ang mga mata ko nang bahagya siyang yumuko upang magmumog. Nakangisi kong pinagmasdan ang likuran niya. At huli na ang lahat bago niya ma-realize ang posisyon naming dalawa. Nakangisi akong tumingin sa salamin, nakasimangot na siya. Doon ako natawa.

"Magsesepilyo pa 'ko!" angil niya.

"Tama na!" asik ko saka kinuha ang toothbrush niya at ibinato. Binuhat ko siya papaharap sa akin. Katamtaman lang ang timbang ni Taguro, kayang-kaya ko. Pero hindi naging madali para sa akin na buhatin siya dahil nagsimula na naman siyang sumayaw nang marahan sa ibabaw ko habang buhat siya. Hindi rin siya nahinto sa paghalik sa akin dahilan para magkandatama-tama ako sa bawat dingding na aking madaanan. Nang huminto siya at tumawa ay saka ako lakad-takbong dinala siya sa kama.

Marahan ko siyang inihiga habang nakatingin sa mga mata niya. Tatawa-tawa pa rin siya at natigilan lang nang makita kung gaano na kataas ang pananabik ko. Bigla ay lumamlam ang mga mata niya at hindi ko inaasahan nang lumiyad siya upang halikan na ako.

Walang kasintamis ang mga labi ni Taguro. Paulit-ulit kong hinihiling na matikman iyon. Pero paulit-ulit ko ring sinasabi sa sariling hindi lang 'yon ang titikman ko.

May kani-kaniyang isip ang mga kamay namin. Naggagala ang mga palad ko sa katawan niya. Habang siya naman ay panay ang haplos dahil marahil sa idinudulot kong pakiramdam. Ang labi ko ay mabilis ding gumapang, nananabik makabalik sa bago nitong kinaaadikan.

Pigil ni Taguro ang sarili habang taimtim ko siyang nilalasap. Ang galaw ng katawan niya, ang tahimik at impit na ingay ng mga labi niya, ay lalo akong binibigyang gana. Paulit-ulit ko siyang kiniliti gamit ang labi at dila, mayamaya lang ay sabunot niya na ang buhok ko at pilit akong inilalayo.

Nakangiti akong gumapang pabalik sa kaniyang ibabaw, nananabik sa kung ano mang susunod naming gagawin. Lahat ay gusto kong gawin. Lahat ay gusto kong tikman. Lahat ay gusto kong marating. Nang siya ang katuwang at kasama.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pilit akong tinitigan bagaman liyong-liyo, langong-lango. Ngumiti ako at hinalikan ang kaniyang tainga. Napaungol siya at yumakap sa 'kin.

"I am going in," bulong ko, nakatitig sa kaniya. Nakamaang siyang tumango. "I want to bury it so deep, you'll scream for more." Kagat niya na ang labi nang muling magtama ang paningin namin.

Marahan akong nagbaba ng tingin at hindi ko inaasahang makikitingin din siya. Panay ang paglunok ko habang inilalapit ang sarili ko sa kaniya. Bagaman may kaba ay lamang ang pananabik ko. Wala pa man ay parang sasabog na ako. Nagkatitigan agad kami nang maramdaman ko ang bungad niya.

Hindi pa man ay habol niya na ang hininga. Nasisiguro kong kinakabahan din siya. At imposibleng hindi niya nalalaman ang unang pakiramdam niyon. Pero dahil siya si Taguro, hindi na kataka-takang hindi siya natatakot sa sakit nito.

Naibagsak niya ang ulo nang dahan-dahan akong pumasok. Nakamaang akong tumitig sa kaniya habang siya naman ay napapapikit sa sakit. Agad kong inilapat ang labi ko sa leeg niya paakyat sa panga hanggang marating ko ang labi niya. Pilit niyang nilabanan ang halik ko pero ang sakit ay pinatitingala siya. Napapalunok kong sinundan ang bawat paling ng kaniyang ulo. Hindi ko malaman kung tutuloy o hihinto ako. Pero sa halip na mag-isip ay dinahan-dahan kong pasukin ang kasikipan niya. Dahil nasisiguro kong kung hindi na kaya ay siya na ang kusang magpapahinto sa akin.

Nakita kong kumuyom ang mga palad niya. Nagsusuntok pa siya sa kama. Ang mga mata niya ay mariin ang pagkakapikit. Tuloy ay gusto ko na namang huminto dahil sa takot kong mas masaktan siya. Pero may kung ano sa katawan niya na nagsasabing magpatuloy ako.

Hindi naman ako nabigo dahil mayamaya lang ay bumubuo na kami ng iisang ritmo. Magkaiba ang kilos pero naglalandas sa masarap na pakiramdam. Nagkakasundo.

"Anong pakiramdam, Taguro?" lasing kong tanong, titig na titig sa bawat emosyong nakikita ko sa mukha niya. "Sabihin mo sa 'kin kung anong pakiramdam." Ngunit sa halip na sagutin ako ay nakangisi niyang kinagat ang labi, mas natukso ako.

At nang matapos iyon ay gusto kong maiyak sa sarap. Baliw na ako sa babaeng ito, hindi ko inaasahang mas babaliwin pa pala ako. Kung paano niyang nagawa iyon ay hindi ko alam.

Sabay naming ibinagsak ang sarili ngunit agad akong lumapit upang yakapin siya. Nakapikit niyang pinakalma ang sarili. Wala naman akong ginawa kundi ang tumitig sa kaniya. Nang gabing iyon ay napanood ko siyang magpalamon sa antok. Gustuhin ko mang sabayan siyang matulog ay hindi ako hinayaan ng mga mata kong hindi mapirmi sa katititig sa kaniya. Maging ang isip ko ay hindi manahimik sa kasasabi na iyon ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Wala pa man ay atat na akong bumangon at siya ang unang makita. Ang puso ko ay naghuhumiyaw sa sobrang pagmamahal sa kaniya.

Nagising ako kinabukasan nang maramdaman ang init sa balat ko. Nagmulat ako at nakita ang sinag ng araw papunta sa hita ko. Bahagya akong bumangon upang mapagtantong wala pa rin akong suot. Agad akong napalingon sa likuran ko at napalunok nang makitang nakatitig na sa akin si Taguro.

"Good morning," sabi ko.

"I love you," hindi ko inaasahan ang sagot niya.

Napangiti ako. "I love you." Lumapit ako at sumiksik sa dibdib niya. "Ligo na tayo, babe. Nagugutom ako."

"Ipinagluto na kita. Kumain ka muna."

Gulat akong napabangon. "Talaga?" napangiti ako.

Bumangon siya. Pinanood ko siyang lumapit sa mesa at buhatin ang bed tray doon. Lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang makita ang apat na toasted bread, bacon, ham and egg, at coffee.

"You made these?" hindi ko alam kung alin sa mga 'yon ang unang dadamputin. Awtomatikong naging paborito ko ang mga iyon.

Tumango siya. "For you," aniya saka muling nahiga. "Maaga akong bumangon dahil akala ko ay maaga kang magigising. Gusto mo bang initin ko?" tanong niya, nakapikit.

"Ako?"

"Sira."

"Hehe," hindi ko alam kung paanong isasatinig ang masarap na pakiramdam. Ipinagluto ako ni misis. Hehehe! "Thanks, babe." Mas natuwa pa ako nang sinadya niyang bumangon upang salubungin ang halik ko saka muling ibinagsak ang sarili sa kama upang tuluyan muling makatulog.

Tumitig ako kay Taguro habang kumakain hanggang sa maubos ko iyon. Bumangon ako upang magsepilyo ngunit agad din akong bumalik sa kama at tumabi sa kaniya. Dahil nang sandaling iyon ay wala akong gusto kundi ang titigan siya. At namnamin ang masarap na pakiramdam na ganap na kaming mag-asawa. At hindi ako magsasawang gawin iyon kahit pa habang-buhay na kaming magkakasama.

A few months later. . .

"LALABAS NA! Ahhh!" Pinuno ng sigaw ni Taguro ang kabuuan ng emergency room. "Ooh! Ooh! Ooh! Ooh!" Paulit-ulit siya sa pagbuga ngunit mayamaya lang ay mapapairi at sisigaw na ulit.

Hindi ko inaasahang sa sandaling iyon ay magiging nerbyoso na naman ako, bagay na kaytagal kong iniwasang gawin dahil makasasama sa akin. Sa sobrang taranta, sa halip na ihatid sa ospital ay pinuntahan ko pa sa bahay si Noona para lang sabihin na manganganak na ang aking asawa.

Sa E.R. na kami nagkita-kita nina Tob at Lee, wala ring habas sa katatawa ito nang makita ang matinding pamumutla ko.

"Putsa nasa'n na ngayon 'yong tapang mo?" biro ni Tob.

"Shut up," nanginginig ang kamay ko nang duruin si Tobi. Napahalakhak lalo ito. "Where's Keziah?"

Bigla ay lumapit si Maxwell. "Why the hell are you looking for her?" nakangising asik niya.

"Siya ang magpapaanak sa asawa ko, loko!" gilalas ko.

Natawa si Maxwell. "Calm down, Enrile, you're not bleeding." Isinuko  niya ang pareho kamay saka lumingon sa station.

Noon naman ay eksaktong lumabas si Keziah, ang parehong kamay ay nakasuot sa bulsa ng gown niya. Nakangiti siyang kumaway sa amin, hindi man lang matinag sa paghuhurumintado ko.

"Hi, Deib!" bati pa niya!

"Manganganak na ang asawa ko," hinawakan ko siya sa balikat.

"I know," kalmado niya pang sabi. "Biglang humangin, eh," natatawang ngiwi niya saka sumenyas sa mga nurse. "Pakidala na si Maxpein sa delivery room, salamat," sinabi niya na para bang inaasahan na ng lahat nang naro'n ang pagdating ni Taguro ngayon.

"Maxwell, my baby's coming out," naghihisteryong baling ko dito.

"Calm down," mahinahong tugon ni Maxwell. Palihim na bumungisngis si Tob pero nakita ko at sinamaan siya ng tingin.

"Bilisan na natin, baka lumabas na 'yong baby." Hindi na talaga ako makalma.

"Then, that's a good news. Natural lang na lumabas ang baby kapag manganganak na ang babae, Deib Lohr," hindi man lang mawala ang pagiging mahinahon ng bayaw ko. "Fill out this form and leave it there," itinuro niya ang station.

"Hindi ba pwedeng mamaya na 'to?" lalo akong naasaw nang hindi man lang maipirmi ang kamay ko sa unang linya ng form. Tagaktak ang pawis ko bagaman maaliwalas ang panahon.

"Malayo pa iyon."

"Baka lumabas na, Maxwell, please?" pagmamakaawa ko.

"Hindi naman ikaw ang iiri, kaya sagutan mo na 'yan, sige na." Kinuha ni Maxwell ang stethoscope at isinabit iyon sa leeg niya.

"What the hell, Maxwell?" sigaw ko sa ere. Gusto ko siyang pagalitan. "Putsa, kung hindi lang ex ni Taguro si Randall ay siya na ang tinawag ko. Loko 'tong si Maxwell!"

"Kumalma ka kasi, Deib Lohr. He knows what to do, alright?" mahinahong ani Lee, palibhasa'y hindi siya ang nasa sitwasyon ko.

Nasundan namin ng tingin si Maxwell, kaming tatlong magkakaibigan. Pare-pareho kaming umasa na gagawi na siya sa delivery room. Pero nasapo ko ang noo nang ibang pasyente ang lapitan nito at tingnan.

Kung ano-ano nang dasal ang ginawa ko sa pagmamadaling masagutan ang form. Patakbo ko iyong iniabot sa dumaan lang na nurse saka nagmamadaling bumalik sa mga kaibigan ko. Hindi talaga ako mapakali, panay ang paroo't parito ko habang kagat ang daliri. Panay rin ang lingon niya ko kay Maxwell na noon ay hindi kapani-paniwalang nagtatahi na ng sugat ng matandang pasyente.

"Doc," sabay-sabay kaming napalingon sa gawi ng delivery room. "Crowning," anunsyo nito, wala kaming naintindihan.

Tumango si Maxwell saka sumenyas sa aming sumunod sa kaniya. Hindi mahinto ang bibig ko sa katatanong, panay tuloy ang halakhak nina Lee at Tob. Si Maxwell naman ay nananatiling kalmado habang tinuturuan kaming magsuot nang tamang pananamit. Isinama niya kami sa loob ng delivery room. Nasa ulunan kaming pare-pareho ni Taguro habang si Keziah ay nasa ibaba at sinisipat na ang anak ko.

Kung ano-anong pisil ang ginawa niya sa tiyan nang nagwawala kong asawa. Walang bahid ng kaba, alinlangan o pag-aalala si Maxwell, iyon lang ang nagpapakalma sa 'kin nang bahagya. Hindi pa rin talaga maalis ang pagiging kalmante niya, nakakabilib.  Maging si Keziah ay gano'n din, tuloy ay wala ako ni anong alalahanin sa pagpapaanak niya.

Iyon nga lang, sa t'wing mapapasigaw si Taguro ay hindi na naman malaman kung ano ang gagawin. Hinawakan ko sa kamay si Taguro at paulit-ulit siyang hinalikan doon habang hinahaplos sa noo. Wala sa katinuan ang isip ko, masiyado akong alerto sa maling paraan. Ang bawat kilos, galaw at tunog na makita, marinig at mapansin ko ay bigla akong natataranta. Napapasabay rin ako sa t'wing bubuga si Taguro ng hangin at umiiri.

"Iri pa," nakangiting utos ni Keziah.

"Hindi ko na kaya!" pasigaw, hirap na hirap na tugon ni Taguro. Mas humigpit ang kapit ko sa kaniya sa halip na siya ang pumiga sa kamay ko.

"Kayanin mo, Maxpein. Anak mo 'to." Nakakabilib ang pananalita ni Keziah, mapapasunod ka.

"Ahh!" muling sinakop ng tinig ni Taguro ang kabuuan ng kwarto.

Pinanood ko ang bawat kilos ni Keziah. Kung paano niyang inaasikaso ang anak ko maging si Taguro. Panay ang himas niya sa tiyan, sa binti at hita. Saka siya lilingon sa mga monitor at muling itututok ang paningin sa kaibigan. Kung kanina ay panay ang halakhak nina Lee at Tob, pareho na silang namamangha ngayon. Marahil ay pareho na rin silang kabado. Iba pala ang pakiramdam niyon.

Iyong pakiramdam na gusto mo nang makita ang anak mo pero masiyado kang nag-aalala sa asawa mo. Hindi ko pa nakita o narinig na sumigaw nang ganito si Taguro. Hindi ko pa siya nakitang nahirapan nang ganito. Dahil maging no'ng mga panahon na halos mawalan siya ng buhay sa harap ko, nananatili siyang kalmado. Ngayon ay gusto kong manibago pero ang kaba ay pinipigilan ako. Ni hindi na nga ako makapag-isip nang tama.

"Hinga ng malalim," utos ni Keziah. Tumayo siya at inihawak ang isang kamay sa tiyan ni Taguro habang ang isa pa ay nasa pagitan ng mga binti nito. "Iri, Maxpein, you can do it," kalmado niya pa ring sinabi. Agad na sumunod si Parrot. "Perfect! Sige pa!" nag-iba na ang tindig ni Taguro, naghahanda na. "One more time, iri!" napakahusay ni Keziah. "Sige pa, Maxpein! Malapit na!" Kapana-panabik ang sandaling iyon. Hindi ko na lalo malaman kung paanong tatayo nang ayos. Ni hindi ko na rin malaman kung kanino unang titingin. "'Wag mong putulin ang pag-iri, Maxpein, umiri ka pa! Iyong tuloy-tuloy!" tila nagmamadaling aniya.

Natutop ko ang bibig, mabilis na namasa ang aking mga mata nang sa wakas ay matanaw ko ang kalahati ng ulo ng baby. "I love you, babe," maiiyak nang bulong ko saka hinalikan si Taguro sa noo. "I love you. I love you."

Maging sina Lee at Tob ay awtomatikong nabalisa! Hugot naming pare-pareho ang hininga nang sa wakas ay mailabas ni Taguro ang baby. Dali-dali itong itinaas ni Keziah at ipinatong sa tiyan ng asawa ko. Hinimas-himas niya ang likuran at talampakan ng sanggol. At wala pang ilang segundo ay ito ay umatungal na ito, dinaig ang tinig ni Parrot sa ingay.

Naghalo bigla ang pakiramdam ko nang pagmasdan ko ang aking anak. Hindi pa man nalilinis ay nakita ko na kung gaano kaganda ang ilong at labi niya. Ang mga daliri niya ang pinakamagandang daliring nakita ko. Kakaiba ang pakiramdam. Hindi ko inaasahang may mas isasaya pa pala. Tuluyan nang nawala ang katinuan ko. Natatawa ako ngunit mas nagiging emosyonal. Iyong tawa ko ay may kasabay nang pagpatak ng luha.

Pare-pareho kaming tumunghay at humanga. Napakagandang sanggol! Napapamaang kong pinagmasdan ang hitsura ng anak namin ni Taguro at talaga namang naiwan akong tameme.

Hindi na ako umalis sa tabi ng baby mula nang buhatin ito ng nurse at paliguan. Hanggang sa ilagay ito sa babasaging kuna at tutukan ng ilaw ay nakatunghay ako. Nang sandaling iyon ay gustong-gusto kong balikan si Taguro pero pinipigilan ako ng mala-anghel na mukha ng anak ko. Tuloy ay hindi ko namalayang ilang oras na pala akong ganoon. Ilang beses na akong dinaanan ng mga kaibigan ko ngunit ni isa sa kanila ay hindi ako natinag.

"What his name?" tanong ni Maxwell, hindi ko inaasahan.

Napangiti ako ngunit hindi siya nagawang lingunin. "Isa siyang Moon."

Nakita ko sa gilid ng paningin nang magkibit-balikat si Maxwell. "An Enrile-Moon," humalakhak siya sa huli saka ko siya narinig na bumuntong-hininga. "Congratulations, Deib Lohr."

"Thank you," noon ko pa lang siya nagawang harapin upang pasalamatan. Nayakap ko silang dalawa ni Keziah nang makahinga ako nang maluwang. Sinabayan din nila ako pabalik sa kwarto kung saan nagpapahinga si Taguro.

"Babe?" pagtawag ko. "Kumusta?"

"Gutom ako," nakangusong aniya. "Pero pagod ako, maski yata ngumuya ay hindi ko pa kaya."

"Maraming dalang pagkain ang mga kaibigan natin. Ililipat ka ng kwarto, sasamahan kitang kumain pagkarating do'n."

Ngumiti siya at tumitig sa akin. Lumapit naman ako at inayos ang kaniyang buhok. "Bago siya mag-isang taon ay kailangan natin siyang dalhin sa North."

Bigla ay natinag ako at pasimpleng lumunok. "Bakit, babe?" Gusto kong itanong kung daraan na ba agad ang anak ko sa prosesong tinutukoy noon ni Taguro.

Bumuntong-hininga siya dahilan para lalo akong makaramdam ng kaba. "Kailangan siyang mairehistro sa organisasyon."

Nagbaba ako ng tingin at ako naman ang nagbuntong-hininga. Hindi ko akailaing gano'n kabilis ang panahon. Kailan lang ay nag-iisip palang akong mag-propose sa kaniya. Ngayon ay hihintayin ko na ang araw kung saan ihaharap ko ang aking anak sa organisasyong may kakaibang patakaran, batas at kultura.

Hindi ko pa man ganap na nayayakap ang nakasanayan na nila, mula sa puso ang pagsunod ko. Bagaman may ilan pa akong alinlangan, naibibigay ko naman ang aking tiwala.

Pero ang lahat ng agam-agam na iyon ay nalimutan ko sa pagdaan pa ng ilang buwan. Walang sandaling hindi ako makaramdam ng saya. Dahil sa t'wing makikita ko ang mag-ina ko ay wala nang katumbas na salita ang pakiramdam ko.

A year after. . .

GUSTO KONG manibago sa hitsura ng palasyo ng parliyamento. Isang taon palang ang nakalipas mula nang huli akong bumisita rito pero ang laki nang ipinagbago nito. Kung dati ay tahimik ang buong isla ng Kaechon, ngayon ay kataka-takang buhay na buhay iyon. Ang mga rango ay nagsasaya at nagkalat talaga ang kanilang mga mesa. Masaya silang kumaway sa akin habang abala ako sa paglalakad.

"Everyone is celebrating," hindi ko namalayan nang lumapit si Maxrill.

Nakangiti ko siyang tinanguan. Saka ko ginulo ang buhok ni Hee Yong. "Anong meron?"

"Tsh. Registration of your son, aren't you aware?"

"Ah," natawa ako. "Ngayon ko lang sila nakitang magkaroon ng selebrasyon. O ganito talaga kayo sa t'wing may iparerehistro?"

Tumango siya saka huminto sa paglalakad at pinagkrus ang braso. Iginala niya ang paningin sa mga tao na noon ay masayang-masaya talaga. Napakaraming mesa at silya, naro'n din ang mga pagkain na pinagsasaluhan nila. May mga lalaki ngunit lamang ang mga babae. Nagkalat din ang mga kabayo na hindi rin maabala sa pagkain nila.

"They're here," bigla ay ani Maxrill.

Napalingon ako sa likuran namin at walang ano-ano ay natawa. Nakangiti kong sinalubong ang anak ko na noon ay inaalalayan nina Taguro at More na maglakad bagaman hirap na hirap. Gusto kong matawa nang makitang naka-hanbok ito! Kulay pink ang pantalon niya sa loob, kulay asul na pinalamutian ng pula naman ang pang-ibabaw. Ang itim na sapatos at gat sa ulunan ay talaga namang nakakatuwang tingnan. Napakaliit na nga kung tutuusin ng hanbok niya ay masiyado pa ring malaki. Nakakatuwang tingnan ang anak ko, cute na cute.

"Are you ready, babe?" bungad sa 'kin ni Taguro.

Unti-unti tuloy nawala ang ngiti sa labi ko. "Ano ba'ng klase ng seremonyas itong pagpaparehistro sa anak ko?"

"Isusulat lang ang pangalan niya at ipapakilala."

"Tch. Eh, bakit tinatanong mo pa kung ready ako? Kinakabahan ako," nakanguso akong tumawa.

"Natural lang 'yan," nakangisi, mayabang na aniya. "Haharap ka sa organisasyon, eh."

Kumunot ang noo ko saka ako ngumuso. "Dati ko naman na silang nakaharap. Naninibago lang siguro ako kasi syempre, madalang naman akong humarap sa organisasyon ninyo."

Nakamaang siyang tumingin sa akin. "Nakita mo na sila?" saka siya ngumisi.

"Sino, 'yong hukom?"

"'Yong mga namumuno sa organisasyon."

Natigilan ako at kukurap-kurap na tumitig sa kaniya. "Hindi ba't ito ang organisasyon ninyo?" iginala ko ang paningin. "At 'yong mga hukom ang matataas sa inyo?"

Natatawang umiling si Taguro. "Buhatin mo na nga lang ang anak mo."

"Tell me, babe," nag-alinlangan bigla ako. "Ibig mong sabihin iba pa ang organisasyon sa mga ito na nakikita ko?" tinukoy ko ang mga taong naro'n din sa Kaechon.

Humalakhak siya. "Hindi ko maalalang ipinakilala ko na sa iyo ang organisasyon, Deib Lohr."

"Buong akala ko ay iyon na ang mga hukom?"

"Let's go."

"Babe?"

Natawa siya. "Halika na. Naghihitay na sila."

"Sinong sila?"

Lalo siyang natawa. "Halika na," hinila niya ako sa braso saka nilaro ang bata. "Say annyeong," utos niya sa anak ko, nginitian lang siya nito saka yumakap sa akin.

Pinagbuksan kami ng mga gwardiya. At gaya ng inaasahan ay bumabaha sa dami ng tao ang palasyo. Hindi ko makakalimutang napakarami pang nasa labas. Agad kong tinanaw ang unahan, nakapwesto na ang pamilyang Moon at naghihintay sa amin ni Taguro. Agad ko ring tiningala ang centro pero wala pa ro'n ang mga hukom. Bahagyang humupa ang kaba.

Nilingon ko ang mga tao na noon ay biglang nangibabaw ang masasayang bulungan. Ang mga mata nila ay hindi maalis sa anak ko. Tuloy ay napapangiti ko silang tinanguan.

Agad kaming naupo sa harapan, 'ayun na naman sina Maze, More at Heurt na nag-uunahan sa pangungulit sa bata ngunit si Mokz ang nanalo. Maging si Maxrill ay bumabait sa t'wing makikita o makakasama ang anak ko. Si Maxwell ay nababawasan din ang pagiging masungit.

Abala kami sa pagkukwentuhan nang ianunsyo ni Bitgaram ang paglabas sa centro ng apat na hukom. Awtomatiko kaming tumayo at tumango hanggang sa makaupo ang mga ito.  Agad silang sumulyap sa gawi namin at sumenyas na maupo.

Inanunsyo ni Bitgaram ang dahilan ng pagpunta namin gamit ang sarili nilang lenggwahe. Sa sandaling iyon ay naisip kong kailangan ko na talagang matuto ng Korean language para masabayan ko na sila. Dahil kahit ilang beses yata akong makinig sa pag-uusap nila ay hindi ako matututo. Hanggang ngayon ay iilan-ilang salita lang ang naiintindihan ko.

"All rise," iyon lang ang naintindihan ko sa mahabang sinabi ni Bitgaram.

Nagsipagtayuan kami at pinanood na bumaba mula sa centro ang apat na hukom. Akala ko ay lalapit na sila sa amin ngunit nagkamali ako. Taas-noo silang nagsipaghintuan sa entablado at tumingin lang nang deretso sa kung saan. Muling nag-anunsyo si Bitgaram ngunit wala akong naintindihan. Kasunod niyon ay nagsipaglabasan ang apat na lalaki sa centro dahilan para matigilan ako at mapamaang sa mga ito.

Pawang mga may edad na ang mga iyon, hindi nalalayo sa edad ng mga hukom. Mahahaba ang namumuti nang mga buhok at pawang nakasuot ng hanbok na plain ang kulay. Ang nauna ay ganoon sa kulay ng ginto ang hanbok. Ang ikalawa ay purong asul. Ang ikatlo ay purong kahel. At ang ikaapat ay purong krema. Walang gat na nakapatong sa kanilang mga ulo dahilan para lumantad buo nilang mga hitsura.

"Sila ang namumuno sa organisasyon," pabulong na ani Taguro, napalunok ako. "Sila ang mga asawa ng hukom."

"Ano ang pangalan ng organisasyon?" pabulong kong tugon.

"Wala," ngumiti si Taguro.

Hindi na ako nagsalita pa. Kailangan kong sumunod sa mga batas nila. Hindi ako pwedeng magsalita gamit ang sarili kong lenggwahe. At bukod doon ay kailangan kong igalang ang nagsasalita sa harapan.

Panay ang pag-aanunsyo ni Bitgaram, nababagot ako. Wala akong maintindihan dahil mas malalim ang gamit nilang lenggwahe dito kaysa sa mga basic na nalalaman ko. Tuloy ay nakikiramdam na lang ako sa kung ano ang ikinikilos ni Taguro.

"Deib Lohr and Maxpein Moon," ani Bitgaram, natinag ako.

Kinuha ni Taguro ang anak namin at binuhat papunta sa harapan. Agad naman akong sumunod sa kanila. Gusto ko na namang mangiti nang makita ang anak ko na nakanganga at nakatingala sa mga hukom. At sa t'wing magbababa ng tingin ang mga hukom sa kaniya ay nag-iiwas siya ng tingin at yayakap sa ina.

"Yumuko ka," pabulong na ani Taguro. Napalingon naman ako sa kaniya at sumunod. Pareho kaming lumuhod sa pareho naming hita at minsan pang tumango.

Napanood ko nang isa-isang ipatong ng mga hukom ang kanilang palad sa ulo ng anak ko. Kasunod niyon ay binanggit na ng ikauna ang mga pangalan namin, iniaanunsyo iyon sa buong Kaechon.

Matapos niyon ay isa-isa na namang nagsipag-akyatan ang hukom sa centro. Na siya namang naging hudyat ng pagbaba ng apat na namumuno.

Napalunok ako nang humilera ang mga iyon sa harapan ko. Lahat sila ay sumulyap lang sa bata at matapos niyon ay nagsipagtitigan na sa akin.

"Annyeonghashimnikka, dongji," bati ni Taguro, uutal-utal akong nakisabay dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"You are the grandson of Netjae," ngumiti ang ikauna sa akin, gumaan bigla ang pakiramdam ko.

"Ye, dongji," sagot ko.

"What is the name of your child?"

Napalingon ako kay Taguro, tinanguan niya ako. "Maxspaun Thaddeaus Moon, dongji," sagot ko.

"You are presenting in front of this country your son, Maxspaun Thaddeaus Moon to be registered in the organization. Do you trust this organization?" tanong ng ikauna.

"Ye, dongji," sagot naming sabay ni Taguro.

"Do you promise to provide safety and protection of this child until he is capable of protecting himself and his family?" tanong naman ng ikalawa.

"Ye, dongji," sagot naming sabay ni Taguro

"Kaechon, do you support this family for the registration of Maxspaun Thaddeaus Moon?" tanong ng ikatlo, nasa dagat ng tao ang paningin.

"Ye, dongji," sabay-sabay, malakas at puno ng suportang sagot ng lahat, maging kaming mga Moon.

"By the authority vested in me, I hereby register this child in this country," anang ikaapat.

Isa-isang nagsipaglapitan ang apat na lalaki sa anak ko. Gaya ng mga hukom ay hinawakan nila sa ulo ang aking anak at bumulong sa sarili.

Tuloy ay ikinatuwa iyon ng anak ko at tinawanan sila. Natuwa naman ang ikaapat sa naging reaksyon nito. Agad na tumayo si Taguro nang sumubok yumuko ito. Kinuha ng ikaapat ang anak ko at tuwang-tuwang isinayaw. Tawa nang tawa ang bata.

"You are the son of the highest empery rank," tatango-tangong anang ikaapat na lalaki. "You are the highest empery rank's legacy, Thaddeaus." Bagaman wala namang naintindihan ay humalakhak sa pagtawa ang anak  ko. Tuloy ay lalong natuwa ang ikaapat. "Time will come and you will start building your own legacy, Thaddeaus. You are someone I'll be looking forward to. We will watch you." Nakangiting nilingon ng ikaapat na lalaki si Taguro saka marahang tinanguhan.

Napapamaang na tumingin si Taguro sa kaniya saka kinuhang muli ang anak. Bagaman naintindihan ko ang mga sinabi ng apat na lalaki, hindi gaya sa mga sinabi ng hukom, pakiramdam ko ay wala akong naintidihan. Lalo na nang makita kong nakangiting maging emosyonal si Taguro, bigla akong nalito. Gustuhin ko mang magtanong ay hindi ako makatyempo.

Sa halip ay napatitig na lang ako sa anak ko na noon, sa kauna-unahang pagkakataon, ay nagsalita ng -nyeong.

"Annyeong," nakangiting sabi ni Taguro saka pilit na ikinaway ang kamay ni Thaddeaus.

Nakita ko nang ngumiti sa kawalan si Taguro. Para bang may naiisip siyang sobrang ganda, isang tagumpay para sa kaniya. Naantig no'n ang interes ko at bukod doon ay nahawa rin ako at napangiti.

"What makes you smile, babe?" tanong ko.

"You," humalakhak siya paglingon sa 'kin. "And our baby." Hinalikan niya ito sa pisngi dahilan para humalakhak ang bata.

"Ano ang meron sa sinabi nila at ngiting tagumpay ka?" masaya ring sabi ko.

"Dahil sa sinabi niya. Hindi ko inasahan pang marinig iyon kaya hindi ko inaasahang maririnig ko iyon ngayon," nakangiti siyang bumuntong-hininga. "Iyon ang patunay na naging matagumpay ako sa lahat. Sa lahat-lahat."

Napangiti ako. "Masaya para sa 'yo."

"Bago ko marinig 'yon ay alam kong kompleto na ang buhay ko," aniya nang nakatingin sa mga mata ko. "Pakiramdam ko ngayon ay naging perpekto."

"Dahil sa sinabi ng asawa ng hukom?"

"Dahil sa lalaking at batang nasa harap ko ngayon."

"Tch." Nakangiwi akong nag-iwas ng tingin. "Naranasan mo bang magka-crush, Taguro?"

"Oo."

"Kanino?"

"Syempre, sa 'yo."

"Akala ko ay magbabanggit ka ng ibang pangalan, eh," nakangiwi kunyaring sabi ko. "Naranasan mo na bang magkagusto?"

"Syempre naman. Nagkagusto ako sa 'yo, at umamin ako. Hindi ako tulad mong halata pero panay ang tanggi."

"Tch. Sa akin ka rin na-in love?"

"Syempre, hindi lang sa 'yo."

"Ano!"

"Joke. Hehehe. Nagka-crush ako sa ibang tao, nagkagusto rin ako sa ex ko. Pero sa 'yo lang ako na-in love nang  ganito. Ikaw lang ang nakapagparamdam sa 'kin na may gusto akong makasama habang-buhay, ikaw 'yon."

Nakangiwi akong tumango. "Sundan na natin 'yang anak mo."

Bigla ay nawala ang magandang ngiti sa kaniyang labi, natawa ako. "Eh, kung ikaw kaya ang buntisin ko?"

Natawa ako saka lumapit at yinakap silang pareho.

~ THE END. . . ~

AUTHOR'S NOTE:

Hello, JIJIES!

You can now watch HE'S INTO HER SERIES WORLDWIDE for FREE on iWANTTFC app, also coming to NETFLIX this November 2021. Starring Belle Mariano as Maxpein del Valle and Donny Pangilinan as Deib Lohr Enrile.

You may follow me on the following social media platforms:

Website: www.maxinejiji.com

Facebook: www.facebook.com/maxinejijistories

Facebook: www.facebook.com/hesintoher

Twitter: www.twitter.com/maxinejiji

Instagram: www.instagram.com/maxinejiji

Lyka: maxinejiji

Tiktok: maxinelat

Youtube: www.youtube.com/maxinejiji

You may also read my other stories for free here: www.wattpad.com/maxinelat

Thank you and stay safe!

- MAXINEJIJI <3

DISCLAIMER : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© HESINTOHER.All Rights Reserved. Maxinejiji. 2013.

Hello, JIJIES! d^___^b

Salamat nang hard sa apat na taong pagsuporta sa He's Into Her. September 2012 nang simulan kong isulat ito at hindi ko akalain na matatagalan ninyo ako. Walang katumbas na salita ang pasasalamat ko sa pagsubaybay, pagsuporta at mahabang pasensya. God bless you! d^___^b

#ProjectM d--,bv

Love lots,
maxinejiji, HAMBOGest

Continue Reading

You'll Also Like

604K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
93.9M 2.8M 69
Love Trilogy #1 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.4M 291K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
205K 3.8K 21
Dice and Madisson