Be my escape

Por CincoMedicatus

15.5K 377 81

"Can you be my escape?" Más

Be My Escape
Chapter 1: That girl and I
Chapter 2: Family
Chapter 3: Wife
Chapter 4: I'm not alone
Chapter 6: One step closer
Chapter 7: Killer
Chapter 8: The boyfriend
Chapter 9: Her
Chapter 10: Stain

Chapter 5: Disappointment

883 33 5
Por CincoMedicatus

Ellen's POV

Nag lalakad ako ngayon pauwi galing sa palengke, sabado ngayon at ang aga kong nagising dahil sa ingay ng kapitbahay. Grabe talaga. Pasensya pa Ellen. 

Ang hirap din makipag baratan sa mga tindera sa palengke, nung unang taon ko dito, hiyang hiya talaga ko pag pupunta ng palengke. Never kong naranasan yung ganun nung nasa China ko. As in never, lahat kasi ng kailangan namin ng mga kapatid ko nakahanda na. But based on my experience here, kahit mahirap ang buhay ko, masaya ako. I'm free. I"m finally free. 

Napatigil ako sa pag lakad ng mapansin ko ang kulay asul na kotse sa harap ng apartment ko. Kanino kaya yon? Ginawa pang parking lot ang harap ng bahay ko. Hmp. 

Mabilis akong nag lakad para silipin kung nasa loob ba ang may ari ng kotseng yon, pero hindi pa man din ako nakakalapit, bumukas na ang pinto ng kotse at lumabas ang isang matangkad at gwapong pulis---ay teka pulis? 

"Good morning." nakangiting bati niya sakin. 

"What are you doing here? Pano mo nalaman ang bahay ko?" halos sigaw na tanong ko sa kanya. 

"Woah, easy Elle, I'm just here to say sorry about what happened sa first meeting natin. I'm really sorry. Can you forgive me? Christmas naman eh." nakangiti pa ding sabi niya. 

Halos manlaki ang mata ko sa huling sinabi niya, seryoso? Nag sorry siya? With smile pa ha, iba nga ata ang pasko dito sa pilipinas. 

"So ano? Bati na tayo Elle?" tanong niya ng hindi pa din ako sumasagot, lumapit siya sakin at agad naman akong napaatras. 

"H-ha? Teka bakit ba Elle ka ng Elle eh Ellen naman ang pangalan ko? Two syllables na nga lang tinamad ka pang sabihin." sabi ko at inirapan siya. 

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at natigilan. 

"Ahmm okay. Sorry Ellen." sabi niya at napakamot ng ulo. 

Okay. Hindi siya cute! 

"Hi, I'm Chace Julian Ramirez, but you can call me Chace if you want. Nice to meet you Ellen Grace Wang." sabi niya at nag lahad ng kamay sakin. Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa harap ko. Hindi ko alam kung anong nangyari pero tumayo talaga ang balahibo sa batok ko ng sabihin niya ang buong pangalan ko. 

"Hindi kasi maganda ang first meeting natin, so pwede naman sigurong ulitin natin diba?" dagdag niya habang nakalahad pa din ang kamay. 

Wala sa sariling inabot ko ang kamay niya, nakangiti pa din siya at nakatitig lang sa mata ko. This is weird. So weird. 

"So, san ka galing?" tanong niya habang nakatingin sa mga dala ko. 

"A-ahm jan lang sa palengke. Teka pano sabi nalaman kung san ang bahay ko?" tanong ko ulit. 

"Sa station, remember nung nag file ka ng kaso sa magnanakaw? Nandun yung info mo sa database namin. Wait, nag breakfast kana? Tara treat ko." sabi niya at binuksan ang pinto ng kotse niya. Aba, feeling niya naman sasama ko? 

"Ah hindi na, mag luluto na lang ako." sagot ko at kinuha sa purse ko ang susi ng gate. Hindi na siya nag salita nang pumunta ko sa gate at buksan yon. Lumingon ako sa kanya at nakitang nakatingin lang siya sa susunod na gagawin ko. 

"What are you waiting for? Papasok ka ba o isasara ko na to?" tanong ko. 

Mabilis pa sa alas kwatro niyang sinara ang pinto ng kotse niya at sumunod sakin. Bigla akong natawa sa reaction niya pero hindi ko na pinakita sa kanya at agad na tumalikod. Sinara ko ang gate pag pasok niya at pinasunod na lang siya sakin. I don't know this feeling pero para bang ligtas ako pag nanjan siya, na hindi niya ko sasaktan. What? Teka ano ba tong na iisip ko. Of course wala siya gagawin sakin, pulis siya eh. Matinong pulis naman siguro siya. Well. 

"Nasan ang family mo?" tanong niya pag ka pasok namin. 

"China." maikling sagot ko, ayaw ko kasi talagang pag usapan. 

"Ah so mag isa ka dito?" tanong ulit niya. 

"Obviously." sagot ko at pumunta sa kusina. Bahala na siya jan. 

"Sungit." narinig kong sabi niya pero hindi ko na siya pinansin.

Ang weird lang kasi talaga. Come to think of it, hindi naman talaga maganda ang first meeting namin, kahit yung second hindi din ganun kaganda, tapos pupunta siya dito para mag sorry? Anong nakain niya? Mukha pa naman---------

"Anong lulutin mo?" muntik ko nang mabitawan ang cup na hawak ko ng bigla siyang sumulpot sa harap ko habang nakatingin sa lamesa. 

"Ano ba! Dun ka nga sa sala! Kainis to." sabi ko sabay taboy sa kanya. Bwisit, ayoko talaga sa lahat yung ginugulat ako.

"Relax lang Elle, tutulungan na kita." sabi niya at binuksan ang ref ko. Feel at home siya huh. 

"Wag na, dun kana sa sala, ako na dito. Ay teka wag kang mag expect ng heavy breakfast ha, nag titipid ako." sabi ko at tinulak tulak siya palayo sa ref. Nakakahiya, wala naman kasing laman. 

"It's okay, coffee lang naman pwede na sakin." sabi niya at hinayaan na ko sa kitchen. 

Nakakainis, ano ba tong nararamdaman ko? Kanina lang okay ako sa kanya, ngayon naman bigla akong kinabahan dahil nasa paligid lang siya. 

Nag labas ako ng eggs at isang pack ng sausage sa plastic na hawak ko kanina. 2 years na kong mag isa, kaya syempre sanay akong mag luto para sa sarili ko. Eto nga lang ang first time na may ipag luluto ako at kasabay ko pang kakain. 

Pag katapos kong mag luto, binalikan ko siya sa sala at nakita kong nakatingin siya sa mga picture frame ko. Family picture namin. 

"Ahmm tara kain na." mahinang tawag ko sa kanya. Lumingon siya agad pero hindi katulad kanina na nakangiti siya, kitang kita ko ngayon sa mukha niya ang lungkot. What happened? 

"I-i think I need to go, may meeting nga pala ako this morning. I'm sorry Elle.sabi niya at nag mamadaling lumabas ng pinto. 

Okay? What was that?

Hindi ako agad nakagalaw sa bilis ng pangyayari, narinig ko na lang ang ingay ng wind chimes sa pinto at pag alis ng kotse niya. 

Why?

**

Chace's POV


Fvck Chace! What are you doing? Are you nuts? Hindi siya si Danielle. 

Yes. No one can replace her. She's unique. She's like a ----------------

Tinabi ko sandali ang kotse sa gilid ng kalsada ng bigla kong maalala ang ngiti ni Ellen sa family picture nila. Alam kong mali ang isipin na pwede kong buhayin sa katauhan niya ang asawa ko pero yung mga mata niya. Parang nakikita ko si Danielle sa mga mata niya. 

This is so damn frustrating! 

Napasabunot ako sa sarili ko ng maalala ang mukha niya kanina nung sabihin kong aalis ako. She's disappointed. Shit! Ano ba tong pinasok mo Chace? 

Pag dating sa condo ko nahiga agad ako sa kama at tinignan ang wedding picture namin ni Danielle. 

"I'm sorry sweetheart. Hindi ko dapat ginawa yon. I'm really sorry. You're still the one." sabi ko habang nakatitig lang sa mukha niya. 

I just want to go back to the days where I felt happy and contented with her. I miss those days where my heart was still whole. Pano ba ko babangon sa pag kawala mo Elle? Wala kang iniwan sakin, pati puso ko dinala mo na kung nasan ka. 

Pumikit ako at kasabay non ang pag alaala sa kanya. 

"CJ pag kinasal tayo gusto ko konti lang ang tao ha. Ikaw, ako, si Mommy at Daddy mo, si Tito. Okay na sakin yun ha." nakangiting sabi niya habang pinag lalaruan ang buhok ko. 

"Of course sweetheart. Ikaw ang masusunod." sagot ko at hinalikan ang kamay niya. 

"Tsaka ayoko ng masyadong bongga, kahit sa garden lang pwede na sakin. Basta nandon ka at nag hihintay sa pag lapit ko." she added. 

"I"ll be there patiently waiting.." pakanta kong sagot pero natawa lang siya dahil pumiyok ako sa dulo. I'm not a really good singer, pero kung lagi ko siyang makikitang masaya kagaya ngayon, kakanta ako kahit wala pa yan sa tono. Ganun ko siya kamahal. 

"Bakit nga ba natin pinag uusapan ang kasal? Matagal pa naman yon diba Cj? Magiging pulis ka pa at magiging teacher naman ako. Diba Cj?" sabi niya at pinisil ang pisngi ko. 

"Yes sweetheart, magiging teacher ka at I'm sure mamahalin ka ng mga studyante mo kagaya ng pag mamahal ko sayo."  sagot ko at kinuha ulit ang kamay niya. 

"Ang baduy naten ah. Tara na nga, hatid mo na ko sa next class ko. Lagot na naman ako kay Sir. Sungit pag na late ako." sabi niya at inayos ang gamit niya. 

Second year college si Elle non at graduating naman ako. Kung alam ko lang na kukunin agad siya sakin sana pala mas nag tagal pa kami sa student's park at nag cut na lang ng klase. Sana pala hindi ko binitawan ang kamay niya. Sana pala hindi ako umalis sa tabi niya. 

Ngayon Elle pano ko gagawin ang sinasabi nila na kalimutan ka? I'm so much better when you're around. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Ellen ----------------------->>

Seguir leyendo

También te gustarán

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...