I Wouldn't Mind

By GreatLover88

44.9K 1.5K 1.6K

A choice between the person in your dreams and the person who made your dreams come true. Who would you choos... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Yes or No?
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Hello Pipol!
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 13

1.2K 45 39
By GreatLover88


Mika's POV

"Huy. Malusaw naman yang phone mo, nak." Puna sa akin ni Mama.

Titig na titig kasi ako rito. Nag-aabang lang. As if any moment now ay iilaw iyon at magluluwa ng isang message galing kay Vic.

Kahit isa lang...

"Hindi pa rin ba nagpaparamdam si Vic?" Tanong niya pa.

Umiling lang ako bilang sagot. Hindi ko na rin naman alam ang dapat sabihin.

It's been two weeks mula nang umalis kami ni Vic papunta sa Tagaytay. We had so much fun... At tama pala talaga ang kutob ko... After that day nagpaalam lang siya through phone na she needs to leave for an urgent matter papunta sa states. Pagtapos non wala na akong balita, maging si Kimmy kasi ay out of the country at busy sa tinatayo nilang branch sa Madrid.

"Haaay." Napabuntong hininga na lang ako.

"Nak, magpaparamdam lang yun... You know Vic, knowing that she can't give her full attention to you, mas mabuti nang wala muna... Pero grabeng bumawi."

"Ma... Kinakabahan kasi talaga ako... This was what happened years ago... Bigla na lang siyang nawala... Unti-unti hanggang sa wala na talaga."

"Nakapag-usap naman ba kayo ng matino bago siya umalis?"

"Yun na nga Ma eh. Ni wala akong alam sa kung anong nangyari sa kanya nung mga panahong nagkahiwalay kami... Yung asawa niya... Kung panong bigla siyang bumalik... I just trusted her that fast..."

"And now you're starting to doubt her?"

"No, ma. Pero hindi mo naman ako masisi na mag-alala diba? I don't want to feel that same kind of pain again."

"I know, anak... Just trust Vic... She loves you, okay? She won't do that again. Para san pa't after all those years eh ikaw pa rin ang binalikan niya?"

"Sana nga ma... Sana nga."

**

Ilang araw pa ang lumipas, mas lalo kong ibinaon na lang ang sarili sa trabaho at nagpakabusy wag lang maalala nang madalas si Vic. Nagrereply naman na siya pero bihira lang. Madalas ring busy at pagod.

"Ma'am Mika, may naghahanap po sa inyo." Tawag sa akin ng Secretary ko.

"Sino raw? Wala naman akong appointment for today ah?"

"Uhm... Mrs. Galang raw po."

Biglang kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko. Napuno ako ng takot at kaba. Mautal-utal pa kong sumagot para papasukin ito...

Vic, ito na ba?

**

Vic's POV

"Mabuti naman at nakapag-isip isip ka nang matino at naisipan mong bumalik rito."

"Vince needs me..." Marahan kong tugon,nagpipigil ng galit. "If you're thinking I'm here because of your daughter, no, I'm not."

"Huh. Tignan ko lang ang tapang mo..." Banta pa nito. "Mika Reyes?"

"Shut up you Evil Bastard!" Pikon ko nang sigaw sa hayop kong biyenan. "You ruined my life years ago and I will never let that happen again!"

"What are you saying?! Nakalimutan mo na ba? Ako ang pumu---"

"DAMN IT! STOP FEEDING ME WITH THOSE LIES!!!" Bulyaw ko pa sa kanya. "Alam ko na ang totoo! All of it! Mula sa pagpapapatay mo sa Daddy ko to take over the corporation hanggang sa pagmamanipula sa akin and leading me to believe that marrying your daughter will be the only way to preserve my father's legacy!!!"

Nanlalaki ang mata ng matandang napatitig na lang sa akin sa gulat. Akala niya habang buhay na lang ako magiging mang mang sa lahat ng kasamaan niya?!

"Ito ang sinisiguro ko sa'yo... Sa oras na makakalap ako ng sapat na ebidensya, sisiguruhin kong mabubulok ka sa impyerno, hayop ka!" Gigil kong saad saka umalis sa harap niya.

Tumuloy na ako sa kuwarto ko at napasuntok na lang sa pader. This is actually a guest room but I can't go to my real room either. Of course, she's using that room and that would feel like cheating to Mika.

I saw a picture resting in the middle of my bed and my tears started to flow once more.. The picture that I held so dear this past few days... A picture of Dad, Me and Mika.

I took it and looked at it intently, as if doing so would turn back time... That time that I became so selfish that I forgot everything aside from the pain I am feeling. I forgot Mika...

***

Twelve years ago...

"Hon, ba't para yatang ang dilim ng bahay niyo ngayon?" Takang tanong ni Mika nang makapagpark ako sa tapat bahay.

"Ewan... Kita mong mula umaga magkasama tayo... But I thought Dad was supposed to be home tonight..." Sagot ko as I unfastened my seatbelt. "Let's get inside."

Pumasok na nga kaming magkahawak ang kamay at may bakas pa ng kasiyahang pinagsaluhan namin sa buong maghapon. Today is our anniversary and we definitely made the most out of it. Kasama ko pa si Dad na nagplano ng lahat ng to kaya I'm a bit excited to tell him about it later on.

But our smiles went down the drain when we entered our house and saw our maids' reaction and facial expressions. They seem uneasy and can't even look at us in the eye.

"M-may nangyari ba?" Agad kong tanong. "Ba't ganyan ang mga mukha niyo?"

"M-Ma'am Ara..." Panimula ng mayordoma naming si Nanay Ising.

"Where's D-Dad?" Kinakabahan ko nang tanong.

"A-ang Daddy niyo po..." Maluha-luha nitong sabi. "And Daddy niyo... W-wala na siya... Patay na siya." At tuluyan na itong humgulgol at napaluhod na lang.

Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig sa narinig. Nanigas ang buong katawan ko at para bang ayaw magprocess nung sinabi ni Nanay ising. Pinagtitripan ba nila ako?

"Hon... Hon..." Alog sa akin ni Mika.

"A-ano?" Pag-uulit ko.

Nagsisimula nang mag-unahan pababa ang mga luha ko. Parang umiikot na ang paligi at biglang nanikip ang paghinga ko. Nagbibiro lang naman sila, diba?

"Manang... Hindi... Buhay... Buhay pa si Daddy... Manang..."

"Hija, puntahan na natin ang Daddy mo..." Naiiyak na ring sabi ni Manang saka niyakap ako.

"H-hindi... Hindi... Buhay pa si Daddy Ma. Hindi pwede..."

**

"Hon... Kumain ka naman please? Ilang linggo ka nang ganyan... Ilang araw na ring nailibing si Papa..."

"Wala kong gana..."

"Hindi naman pwede yung ganyan!"

"Ayoko ngang kumain! Bakit ba ang kulit mo?!" Sigaw ko saka tinabig yung tray na bitbit niya.

"S-sor--"

"Lumabas ka muna, Mika... Gusto kong mapag-isa..."

"Pero Hon..."

"Do whatever you want... Wag mong ikulong ang sarili mo dito katulad ko..."

"Vic, hindi ko hahayaang ganyanin mo ang sarili mo..."

"Hayaan mo na ko Mika... Wag mong sayangin ang sarili mo para sa kin..."

"Vic, ano bang sinasa---"

"Lumabas ka na lang Mika, Please."

"Vic... Hon..."

"Please."

**

"I know this is not the perfect time to do this... But we really need to settle everything, Vic." Panimula ni Atty. Fajardo, ang legal adviser ni Daddy at Papa ni Kim.

"Ano po ba yon? Tito?"

"You know that Ramon Doromal is one of your Dad's major business partner... And in just a matter of a few months na nawala ang Dad, he managed to turn everything against you at takasan ang lahat ng tanong ng mga shareholders... They're now starting to doubt that  VG group can still hold itself without your Dad..."

"Ano? Nalulugi na ba kami?" Walang emosyong kong tanong. "Wala kong paki..."

"Vic, I know na masama pa rin ang loob mo... But please remember, this is your Dad's Legacy... Ito na lang ang naiwan niya sa'yo, as well as your Mom..."

Napayukom ako ng kamao... Sarili ko nga hindi ko alam kung paano kokontrolin... Tapos ito pa? Panibago na namang responsibilidad? Dad? Am I not too young for all of this?

"Ano bang magagawa ko?"

"I'll send you to a University in the US... You'll have your special training as well... I know you won't just leave everything behind Vic, I'll make sure that hindi ka mawawalan ng koneksyon sa mga tao dito... Lalong-lalo na kay Mika."

"Fine." Walang alinlangan kong pagpayag.

"Vic..."

"Tito, I understood everything that you said.. Now I'll be leaving. May training pa po kami."

"Sige... Ingat ka."

**

"ARA GALANG FOR HER 24TH POINT!!! SHE HITS--- BUT SHE'S DOWN ON THE FLO---"

Biglang wala na akong marinig. Sobrang liwanag na lang at masakit... Sobrang sakit ng tuhod ko. Anong nangyari? Anong nangyari sa tuhod ko?

"Hon!!"

"Mika! You're in the game, stay there!" Rinig ko pang sigaw ni Coach.

Parang gusto kong hilain si Mika nang marinig ko ang boses niya... Sobrang sakit... Mika... Hon...

"AHHHHHH!" And I finally heard myself shouting.

Anong nangyari? Bakit sobrang sakit... Sobrang sakit na naman...

**

"I'm so sorry Ara... Pero sa sinapit ng binti mo... Hindi ka na pwedeng maglaro gaya ng dati... Kung pupwersahin yan ay mapipilitan kaming putulin ang binti mo kaya kailangan mo itong ingatan..."

Hanggang ngayon na mag-isa na lamang ako dito sa malamig at madilim kong kuwarto ay paulit-ulit pa rin iyon sa utak ko... Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari talaga ang lahat ng 'to... Bakit kailangang ibigay sa akin ang mga yon? Bakit kailangang iparamdam pa sa akin na abot kamay ko ang mundo kung sa isang iglap kayang-kaya rin namang bawiin?

Bakit ganito ang Diyos? Diyos pa ba siyang maituturing kung ganito siyang manakit? Kung ibibigay niya nga ay babawiin rin?! Bakit?!

**

"Anong ginagawa mo rito?"

"I am thinking that you are aware of what is happening to your beloved Father's Company... And I am here to offer you help."

"Hindi ba halata sa tuhod ko na hindi ako interesadong pag-usapan yang mga sinasabi mo?"

"Kung hindi ngayon kailan mo pa sosolusyunan ang lahat ng to? Sige nga?!"

"Sa tingin mo, bakit ako tatanggap ng tulong sa isang ahas na katulad mo?"

"Dahil alam mong ako na lang ang makakatulong sa'yo, Galang." Nakangising sabi nito. "Ako na ang may kakayahang mag-ahon ng papalubog na VG Group..."

"Hindi ako interesado sa kung ano mang sasabihin mo..."

"Sige...hahayaan na muna kitang mag-isip... Sasabihin ko na ngayon pa lang ang kapalit... Marry my daughter."

"Ano?! Nababaliw ka na ba?!"

"No. Seryoso ako. This will be the only way na hindi mo ako matatakasan sa oras na maiahon ko na ang VG group."

**

"Hi..."

"Isa lang ang lilinawin ko sa'yo..." Sambit ko sa babeng nakatakdang ikasalda akin sa loob ng dalawang taon. "Hindi kita mahal at kailanman hinding-hindi kita mamahalin."

Nawala ang malaking ngiti sa labi niya at napalitan ng lungkot. Ayaw ko mang idamay siya ay hindi niya rin naman ako masisisi sa ginawang kahayupan na pag-ipit sa akin ng tatay niya.

"Vic... Matagal na kitang gusto... It was my personal request...na gawin yon ni Dad... And I'm sorry for that... Pero mahal na mahal kita... I'll do everything para mapasakin ka ng buong-buo, pangako."

Lalo lang nag-init ang ulo ko at kumulo ang dugo dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kaaawaan ko ba o ano... Nilayasan ko na lang at baka masapak ko pa.

Hon... Mika... I'm sorry... I'm really sorry... Habang buhay kong pag-sisisihan ang ginawa kong to... Pangako, kung mabibigyan pa ko ng pagkakataon na bumalik... Babalik ako... Kahit buhay ko pa ang maging kapalit... Babalik at bbalik ako sa'yo... I'm sorry...

**

Aly's POV

"Hello, Mika?!" Halos mabitiwan ko pa ang phone ko dahil sa pagmamadali.

Naglalaro kasi ako ng NBA sa xbox at nasa kama ko ang phone ko. Laking gulat ko nang makitang 'Babe' ang nasa caller ID. Ibig sabihin si Mika.

"Hello po?" Boses ng lalaki ang sumagot.

"S-sino to?"

"Kayo po ba itong Secretary ng may-ari ng Phone na to? Yun kasi ang nakalagay sa speed dials niya..."

"Uh.. Opo. Nasaan po ba siya?"

"Nandito po sa Bar sa ****, lasing na lasing napo kasi at mahirap na, takaw pansin... Kung pwede pong pakidaanan muna rito..."

"Ah-sige po, sige pupunta na ako. Pakibantayan muna ho ah? Mabilis lang to."

"Sige po, salamat."

Dali-dali ko nang ibinaba ang tawag at hinablot ang hoody ko saka labas deretso sa kwarto ni Dad. Syempre, kailangan ko munang mag-paalam. Good girl na to no.

"Dad, I'll be out for an hour of two, 'kay?"

"Alyssa, saan ka pupunta? It's 2 in the morning!"

"Dad, yes it's 2 in the morning at nagtatrabaho ka pa rin. Stop that! May pupuntagan lang po ako sa bar."

"Bar? With that attire?"

Napatingin naman ako sa sarili ko. Bukod sa hoody ay shorts lang ang suot ko. Boxer shorts.

"Nah, I'm in a hurry. Susunduin ko lang si Mika. Biglang naglasing eh."

"Mika?"

"Yes Dad. Sige Dad, I'll go and I'll be back!" Sabi ko sabay alis na.

Dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko at pinatakbo iyon. Halos kayurin ko na ang EDSA makarating lang ng mabilis.

Pagpasok ko sa bar na sinabi sa akin ay agad kong nakita ang hinahanap. Nakadukdok sa bar counter at halos di na makaupo ng maayos. Buti naman at nakapantalon siya ngayon at hindi palda!

"Mika, anong ginagawa mo rito? Ba't ka naglasing?" Agad kong tanong.

"Uy, Alysshhha! Nandito ka pala... Kasama mo sila Jovee? Ang kyuuut naman ng shorts moooo. Hehe."

"Aish... Halika na... Iuuwi na kita sa inyo..."

"Ayoko paaaaa... Uminom pa tayo... Samahan mo muna ko, Alyssha..."

"Haaay. Anong oras na oh... 2 na ng umaga... Nag-aalala na sayo yun si Ria..." Sabi ko saka sinubukan na siyang iangat. "Bwiset na Galang yon... Bigla na lang nawawala... Tapos... Tapos susugod-sugurin ako n-nung asawa niyang desperada!" Naluluha nang sambit nito.

"Ano?" Kunot-noo kong tanong.

Bigla akong napatigil dahil sa narinig ko. Sinaktan na naman siya ng blonde na yon?!

"Ayun... Kailangang bumalik sa US... M-may sakit daw yung a-anak nila..." Humahagulgol nang sabi ni Mika.

Napaupo na siya ulit kaya umupo na lang muna ako sa harap niya. Nanggigigil na rin ako sa blonde na yon. Ang kapal naman ng mukha talaga!

"Alysssha... Bakit ganon siya? Bakit?! Pinatawad ko shsiya agad... Alyssha... Ang shakit..." Daing pa nito saka pinagpupukpok ang dibdib niya sa bandang puso.

Sobrang naaawa na ako kaya niyakap ko na lang ito at pinatigil sa ginagawa niya. Sumubsob lang siya sa balikat ko at doon umiyak. Hinayaan ko lang dahil mukhang kailangang-kailngan niya yan...

**

"Oh, Aly!" Gulat na bungad sa akin ni Tita Baby nang makita ako sa gate. "Anong oras na--- wala pa rin dito si Mika--- at bakit ganyan ang suot mo?"

"Ah-eh, long story po... Si Mika... Mmm... Ano kasi, kasama ko po siya... Sinundo ko sa Bar..."

"Ano?"

"Tinawagan po kasi ako... Kaya, ayan... Sandali po bubuhatin ko na lang siya papasok."

"Ay hija, nakakahiya naman, hayaan mo siyang gumising at maglakad!"

"Hindi na po. Kawawa naman..." Sabi ko saka binalikan na si Mika sa kotse ko at maingat na binuhat ito. Lasing na lasing kaya hindi man lang nagising.

"Ano ba namang pumasok sa isip mo Ye..." Wika ni Tita habang papasok kami. "At pati itong anak niya nakatulog na kahihintay!" Wika pa nito na tinutukoy si Ria na nakatulugan na ang ginagawa niya sa sala.

"Sige po, ako na rin pong mag-aakyat kay Ria, magpahinga na po kayo, Tita." Wika ko nang mailapag sa kama niya si Mika.

"Salamat Alyssa, naabala ka pa namin."

"Ayos lang po."  Nakangiti kong tugon.

Bumaba na nga ako para balikan si Ria. Di ko naiwasang silipin yung ginagawa niya. Libro niya sa art school at may nakapatong na papel sa itaas. Ang nakasulat:

Mommy's Bucketlist for Happiness

-Be naughty for a while

-Ride a Ferris Wheel in a starry night.

-Play under the rain (during a hot summer day)

-Lay down the road and think about nonsense stuff

-Play Volleyball again

-Have a unique and wonderful yet simple movie night with Someone special

- Roar like a bear

-Teach Volleyball

-Have the most unexpected love story ever.

Personally signed by,
Mika Aereen Reyes

I can't help but smile. Buti na lang nasa bulsa ng hoodie ko ang phone ko so I took a picture of it then carried Ria to her Bedroom.
I'm sorry Baby Ria, but I want to see your mommy happy everyday... Not like this. Not
with that stupid blonde.

***

Enjoy Reading. :)
I'm sorry sa nagrequest, di talaga ko makabuo ng BS. Maybe next time. Wala sa mood eh. Hehe.

May clue na ba kayo kung sinong asawa ni Ara? Hehe. Ako yata ang unang gagamit sa kanya as a character. Sorry na, Crush na crush ko talaga yun eh! 😂😂😂

Continue Reading

You'll Also Like

501K 14.4K 106
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc
170K 6.1K 92
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
594K 21.6K 96
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
1.8M 59.2K 72
In which the reader from our universe gets added to the UA staff chat For reasons the humor will be the same in both dimensions Dark Humor- Read at...