Nothing But Trouble(BxB)COMPL...

By CinnamonGrapes

328K 14.3K 1.1K

A hatred memories of the past will return to recapture your heart again. Kilalanin si Kahlil Carlos Bustamant... More

Author's Note.
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 1 5
Chapter 1 6
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
K L E I R
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Psssttt...
Chapter 39
:4 0
:41
:42
:43
:44
:45
:46
:47
:48
::49
:50
:51
:52
:53
:54
BS 1
:55
Finale

Chapter 7

6.8K 300 9
By CinnamonGrapes

(Khalil)

Kasalukuyan akong nakahiga matapos kong magsulat sa diary ko.

Oo.Uso para sa akin ang ganitong gawain.Dito ko kasi malayang naihahayag ang mga damdaming hindi ko kayang maiparamdam o maipakita sa iba.

Pinatay ko na ang mini lampshade sa aking tabi.Medyo dinadalaw na rin kasi ako ng antok.Dahil kalaliman na rin gabi.

Plok.

Napatingin ako sa bintana ko.

Parang may kung anong tumama.Pero baka guniguni ko lang iyon.Subalit ganoon na lang ang ingay mula sa cellphone ko.


Dali dali kong dinampot iyon sa aking tabi.Nakita ko ang nakarehistrong pangalan nito.Gustuhin ko man sagutin pero pinangungunahan na ako ng inis.

Wala ako sa eskwela para utusan pa niya.Heto at masakit pa rin ang tuhod ko.Hinayaan ko na lamang iyon sa pagring.Mukhang nagsawa rin,kalaunan.

Plok!

Bumangon na ako sa pagkakataong iyon.Sino bang sira ulo ang balak basagin itong bintana ko.Sumilip ako.

Tumingin ako sa labas ng bakuran namin.

At hindi ko ang makikita ko.Bakit siya nandito?

Si KLEIR!

Prenteng nakasandal ito sa motor niya.

Nakasuot ito ng varsity jacket ng school namin.

Nakatingin lamang siya sa akin,mula sa kaniyang kinatatayuan.

Nagring muli ang cp ko.At inimuwestra nito ang kaniyang kamay na nagsasabing sagutin ko iyon.

Kinuha ko naman kaagad ito.At sinagot.

"H-hello?"pagbungad ko.

"Pwede ka bang bumaba?"salubong nitong sagot sa akin.Wala man lang hi? bossy talaga siguro itong si kleir ano?

"Oo sige wait lang."hindi ko alam kung bakit iyon ang nasambit ko pero mukhang huli na para bawiin pa ito.

Dahan dahan akong lumabas ng sala at maging ng pintuan ng bahay.

Pagkalabas ng gate ay nakita kong kinakayag na ni kleir ang motor niya sa gawi ko.

Nang tumigil ito sa harap ko ay pinagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa.

Huli na ng mapagtanto ko ang suot kong pantulog.

Nakasuot kasi ako ng T-shirt na ang design ay yung spongha na nahulog sa dagat.At pati na rin ang boxer short ko ay ganun din.Favorite ko kasi iyong cartoon character si spongebob.Ganun.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagngisi nito ng makalapit ako.

"Dis oras na ng gabi kleir.Isa pa wala tayo sa school para sa slave thingy mo."pahayag ko.

"Khalil,pwedeng samahan mo muna ako?"ang hindi ko inasahang sasabihin nito.

"At saan naman aber?kita mong gabi na!atsaka mamaya mahuli pa tayo uso ang curfew dito sa amin."paliwanag ko pa.Ngunit hindi na ako makatanggi sa sunod nitong ginawa.

"Sige na please.."tila pagmamakaawa nito at sinabayan pa ng paghawak niya sa mga kamay ko.Shems!

"Oo na mukhang wala kang balak na tantanan ako eh!pero baka naman may binabalak kang masama sa akin?naku..sabi sayo wala kang.."

"Tara na nga dami mong sinasabi eh!"pagsabat nito sa akin.

Pagkasara ko ng gate ng bahay namin ay napansin kong hinubad niya ang jacket niyang suot.

Nagulat naman ako ng isuot niya ang jacket niya sa akin.

Matapos ay hinangkas na ako nito sa kaniyang motor.Nahiya naman akong kumapit sa kaniya kaya sa mahigpit akong humawak sa likurang bahagi nito.Walang pasubali itong humarurot.

Ilang minuto rin ang lumipas ng tahakin namin ang mapunong bahagi sa aming lugar.

Huminto kami sa may kadilimang bahagi ng isang tulay.Nakakamangha lang dahil tanaw namin ang mga ilaw na nagmumula sa mga kabahayan ng siyudad.

"Wow!ang ganda."pagpuna ko.

Napansin ko naman na nakatitig lang din sa tanawin si kleir.

"Kleir,nga pala paano mo nalaman yung address ng bahay namin?at saka bakit ako pa ang sinama mo rito.Siguro may balak kang isalvage ako dito ano?"kuda ko rito.

"I have my ways to get anything i want."matabang nitong saad.

"Oh tapos,bakit mo nga ako sinama rito?"tanong ko muli.

"Wala lang."sagot nito.

Ano?wala lang..as in trip niya lang?ganun.

Napapalatak na lamang ako sa pagkabugnot nitong kasama ko.Pasalamat siya at crush ko siya.

"Kamusta na iyang paa mo?"sabi nito.Kaya napalingon naman ako sa kaniya.Curious ba talaga siya.

"Eh ayos naman ang paa ko.Yung tuhod lang ang masakit."paliwanag ko.

"Ano ba kasing nangyari diyan?"tanong muli nito.

"Natisod kasi ako."sagot ko.At siya namang ikinahalakhak niya.huh?

"Ang laki mo pa lang lampa."naku nakuha niya pang mang asar,eh kung itulak ko siya sa tulay ng malaman siya ang dahilan ng pagmamadali kong iyon kaya ako nagkandatisod na.


"Salamat ha?!salamat sa pang aasar mo.Kunwari ka pang nag aalala tapos aasarin mo lang din pala ako."

"Alam mo kahlil,wag ka ng magpout kung pwede lang."napatingin muli ako sa kaniyang mukha.

Nakangiti ito.Oo nakikita ko dahil sa liwanag na dala ng street light sa bandang dulo ng tulay.

"At bakit naman aber?"

"Kamukha mo yung piggybank sa bahay namin"sagot nito na may pagngisi pa sa huli.

"Heh!umuwi na nga tayo at baka hanapin pa ako pagnagkataon."singhal ko.

"Sorrry na,okey pero bago tayo umuwi eh may hihingin sana akong pabor sayo."saad nito matapos kunin ang helmet niya.

At ano naman kaya hihingin nitong pabor?nakakakaba naman.

"Oh,sige na inaantok na ko eh!basta ba wag ka lang mangungutang wala akong pera eh!Bilis ano ba yang pabor na yan!Nakakatakot huh?"

Imbes na sagutin ako ay humalakhak lamang ito.Napaarko naman ang kilay ko sa inaasal nito.Baliw na yata itong si kleir.

"Hahaha..alam mo nakakatawa ka.Hindi ko alam na masaya pa lang kasama ang mga katulad niyo.Although minsan naiirita ako sa mga gaya mo."sambit nito.

"Bakit naman?"usisa ko.

"Basta,pero hindi naman ako homophobe sa mga kagaya mo."weh?

"Nga pala tungkol dun sa pabor na hinihingi ko eh..gusto ko sanang....."

"Sanang ano?"pagputol ko at kakaba kaba pa ako sa nais nitong sabihin.


"Makitulog"


Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 102K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
186K 6K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...