Prove Me Wrong [TAGLISH]

By bedazzler

21.8K 542 698

Isabella Stephens - someone whom everybody gawks at in disbelief. - How could such beauty exist in... More

Chapter 1 [Where It All Started]
Chapter 2 [Wrong Room]
Chapter 3 [Ooopsy!]
Chapter 4 [Meet The Girls]
Chapter 5 [I'm Bloody Screwed]
Chapter 6 [Saved?]
Chapter 7 [Please]
Chapter 8 [We Need A Party]
Chapter 9 [Making Her Boyfriend Jealous]
Chapter 10 [Stupid Tutorial Idea]
Chapter 11 [Tempted]
Chapter 12 [Butterflies In My Stomach]
Chapter 13 [Can't Keep My Eyes Off Of Your Lips]
Chapter 15 [Run]
Chapter 16 [Heart Attack]
Chapter 17 [Just For Tonight]
Chapter 18 [Charade]
Chapter 19 [Gulat at Galit]
Chapter 20 [Fall In Line]
Chapter 21 [Dumbstruck]
Chapter 22 [Motorbike]
Chapter 23 [Wake Up!]
Chapter 24 [That Party]
Chapter 25 [Veritas]
Chapter 26 [Prove Me Wrong]
Chapter 28 [Finally]
Chapter 29 [Trixie and Brigham]
Chapter 30 [Insecurities]
Chapter 31 [One Week of Misery]
Chapter 32 [The Devil]
Chapter 33 [You, Not Her]

Chapter 14 [No Visa, No Entry]

626 15 39
By bedazzler

Author Talking:

I try to make every chapter as real as possible po... Pero kasabay po niyan is my imagination.. If may complaints and questions po kayo,  pa-comment po sa baba... I hope I won't get in trouble po for this chapter...

and sis missmusiquera143.. if you want another pic, meron ako spare...:) Brigham is all yours...

-----------------------------------------------------------------

Chapter 14

Deiderick

“I thought you said she is going to go shopping, Trix?” Bulong niya sa kapatid.

“She is, Kuya. We all are. Including you if you want to.” Sabi ni Trixie sa kanya habang hawak ang drink nito na kaka-serve lang sa kanilang lahat.

“Put that down. You are not old enough to drink liquor.” Saway niya sa kapatid.

“Are you kidding me? Kuya, you know I drink this all the time especially during parties!” Sagot naman sa kanya ng kapatid niya.

“But you never drank it in front of me. Now put it down or I’ll call mom and Dad.”

“Sorry, but you can’t turn your phone on.” Singit ng best friend ng kapatid niya at best enemy niya.

“Oh, yeah? Watch me!” Baling niya kay Isabella.

Biglang dumaan ang babae na kaka-serve lang sa kanila ng drinks at binigyan siya ng look which he knows as a sign of warning for him para hindi niya gawin ang kakasabi niya lang. Sumalampak siya sa upuan  niya at sumimangot. Tinignan niya ang relo and took note that lampas isang oras na ang nakalipas mula ng kinaladkad siya ng kapatid niya kasama ang tatlong best friends nito.

“Ladies and gentlemen, welcome Charles de Gaulle Airport! The local time is 3 o’clock in the afternoon and the temperature is 22.2C.

For your safety and comfort, we ask that you please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about.

We remind you to please wait until inside the terminal to use any electronic devices”

Pagkasabi ng flight attendant ngumisi ng nakaka-asar si Isabella. Para bang hinahamon siya na i-turn on ang phone niya.

“On behalf of Air Europe and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Bonne journée!”(Have a nice day!)

He saw how Isabella slowly raised her left eyebrow. Ngayon pa lang naaawa na siya sa halatang French na flight attendant. Siguradong bago iyon para ganoong linya pa rin ang gamitin sa pag-greet sa kanila. Okay na sana yung una, eh dinagdagan pa. Sabihan ba ang may-ari ng airline ng ‘looking forward to seeing you on board again in the near future?’ Alangan! Ito ang may-ari, asan pa nga ba ito sasakay?

Dali-dali namang pinuntahan nung isa pang flight attendant yung nag-announce. Guilty ang mukha at halatang hindi pa nito nasabi sa baguhang kasama kung sino ang nakasakay sa eroplano.

Pinagalitan nito ang kasama at namumutlang tumingin ang bagong flight attendant kay Isabella. Napailing na lang siya. Tumaas ang kamay ni Isabella sinenyasan na lumapit ang katabi ng bagong flight attendant. Lumapit ito at kinakabahang ngumiti kay Isabella.

“Send her back for training to study the organizational structure and background. Maybe even give her pictures of the owners of this airline. I don’t want to see her face again when we go back to London tomorrow. C'est compris?”(Is that understood?) Utos nito habang nakatingin lang sa bintana.

“Yes, Miss Izzy. I am very sorry. She is new-” Naputol ang iba pang pagpapaliwanag ng flight attendant ng tumingin dito si Isabella. Nag-sorry ulit ang babae at nagmamadaling umalis.

For the first time he saw how similar she is to her father. She’s bossy in school but never like this. Siguro nga pwede itong magtake-over sa kompanya  ng pamilya nito.

Pero teka, Charles de Gaulle Airport? Shit! Wala siyang visa! At ang alam niya, three days is the fastest span of time to process it! Next four years pa rin naman ma-e-expire ang passport niya pero patay pa rin siya sa airport pag wala siyang visa.

Pag-alis nila, walang problema. Kasama nila si Missy. Anong magagawa ng airport officials sa isa pang brat na anak ng mayor? Plus kaibigan nito na may-ari ng airlines na si Isabella kahit na Pinoy pa ito? At sa anak ng famous Hollywood actress and director na si Nina although American citizen ito? He felt out of place kanina lalo na at alam niyang sanay din ang kapatid niya sa mga paggala-gala ng mga ito. Siguradong may visa na ang kapatid niya. Siya lang ang huhulihin sa airport. Sigurado siya, ito ang purpose ni Isabella na isama siya para bumawi sa pang-iinis niya dito about sa kiss. Ipakukulong siya nito.

Nang hindi niya na mapigilan, bumulong siya kay Trixie. “I don’t have a visa.”

Tumingin sa kanya si Trixie at tumawa ng pagkalakas.

Nabulabog yata ang tatlo nitong mga kaibigan at tumingin sa kanila with questioning looks.

“He said he doesn’t have a visa.” Sagot ng kapatid niya sa mga ito.

To his bewilderment, lahat na ng mga ito ang nagtawanan.

“Don’t worry nerd, we don’t have visas too.” Sagot sa kanya ni Isabella.

Kung kinakabahan siya ng sobra kanina, mas lalo na ngayon. He’s not just the only one who is going to jail. Kasama niya ang kapatid niya. While his parents are away! Tiningnan niya ng napakasama ang pinaka-brat sa lahat sa loob ng eroplano. How dare her involve him and his sister in this mess. He’s got a clean record! Now he will never be accepted in Oxford!

Pero puro mga kalmado ang mga itsura ng mga ito at hindi niya alam kung bakit. Parang pinaglalaruan siya ng mga ito. Ipinikit niya na lang ang mga mata at humawak sa gilid ng upuan niya habang nararamdaman niya ang descent ng airplane.

Nang nag-touchdown at huminto na ang eroplano ay sabay-sabay na nagsitayuan ang mga babae kasama na ang kapatid niya. Nakita niyang lumabas si Brigham sa cockpit at tumango sa kanya. Ginantihan niya din ito ng tango at tinanong ang sarili if the guy has his visa. Siguro meron. Sobrang “by the book” ng taong iyon, hindi yata ito padadala sa witch na Isabella na iyon. Siya nga ang piloto,eh. Pwede bang wala? Napakarami nitong alam gawin. Ang swerte ng Tito Isidore(Dad ni Izzy) niya para makuha ang loyalty ng isang taong katulad ni Brigham. He always does a great job. Tulad na lang ngayon. Ang usual na one hour and thirty minutes na byahe, ginawa nitong one hour.

Napabuntung-hininga na lang siya nang lumabas sa eroplano at maramdaman ang lamig. He should have brought his jacket with him. Even though the movable connector they are marching through which extends from an airport terminal gate to an airplane is enclosed, ramdam niya parin ang lamig. Kahit na malamig sa London, at least doon may suot siyang jacket. Dito wala. Buti na lang may airbridge for passengers to board and disembark without having to go outside.

Lalong uminit ang ulo niya ng maalala na wala nga pala siyang alam kung anong pipiliin na damit dahil ni hindi niya rin naman alam kung asan sila pupunta. Akala niya kasi normal na shopping. Nakalimutan niyang prinsesa ng ka-abnormalan ang nag-utos sa kanya na sumama.

Nang nakita niya na ang security biglang nagpahuli ang brat princess para makatabi siya.

“Give me your passport and act normal.” Pasimpleng sabi nito sa kanya.

Lumaki siguro ng sobra ang mata niya sa narinig. Nanginginig na hinawakan niya ng mahigpit ang braso nito para pigilan ang paglalakad nito palapit sa counter. Inakbayan niya ito at inilapit ang kanyang bibig sa ears nito na natatabunan ng buhok nito. She stiffened but he did not notice. Her scent invaded his senses and for an instant he forgot what he was going to tell her. Pero siniko siya nito sa tagiliran kaya natauhan siya.

“Are you out of your mind? I don’t want to be involved in anything illegal.” Singhal niya sa mabango nitong buhok.

“Well if you can still wait, it’s just two years.” Sabi nito na walang pakialam sa lakas ng boses nito. Nakita niyang malapit na maabot ng mga kaibigan nito at ng kapatid niya at ni Brigham ang counter na nagche-check ng passport.

“What do you mean two years?” Hindi niya maintindihan na tanong dito. Two years siyang makukulong?

“Well you know, I’m still sixteen but don’t worry, I’ll be legal in two years.” Nang-aasar nitong sagot sa kanya.

“Isabella!” Kahit sa ganitong sitwasyon nakuha pa nitong magbiro! Humigpit ang akbay niya dito at napalapit din ang katawan nito sa kanya. He can’t help but notice how they perfectly fit for each other.

Ang jaw niya, ka-level ng ulo nito. Nang napalapit ang katawan nito sa kanya sa biglang paghigpit ng hawak niya, naghanap din ang kamay nito ng mapagkukunan ng balanse kaya nakasabit ang kamay nito sa likod niya at nakahawak sa baywang niya. He saw their reflection sa glass wall and realized not just how they fit perfectly for each other but also how they look perfectly for each other.

He blinked and in a second, wala na siyang katawan na hinahawakan. Isabella is rummaging his backpack sa likod niya. Nang nakita na siguro nito ang passport niya, naglakad ito sa counter without zipping his bag close.

She is so excited to put us all in prison! He thought.

Nagmamadali niya itong hinabol habang sinasara ang bag niya. Nakita niyang nakangisi sa kanya ang dalawang airport security guards at itinuro si Isabella at tumango-tango na parang mga ulol. Hindi niya na lang pinansin ang mga ito. Baka ano pa ang magawa niya sa mga ito. Kahit papano, best friend pa rin ito ng kapatid niya. Kahit ganun pa ang ugali nito.

Nakita niyang nakalinya na ang mga magkakaibigan at sabay-sabay ng mga itong binigay ang mga passport ng mga ito kasali na ang sakanya. He just noticed that they are the only ones in this part of the airport which is odd.

Inakbayan niya ulit si Isabella. She stiffened again pero ngayon napansin na niya. He saw the awed looks of all her friends pero si Brigham, wala pa ring reaksyon sa mukha. Napansin siguro ng mga ito ang nakakuyom niya na mga kamay kaya umiling-iling na lang ang mga ito pero hindi pa rin nawawala ang mga ngiti. He’s sure they are disappointed. Akala nila, love story na!

“If we don’t get out of here unstained, you are going to be in so much trouble Isabella.” Bulong niya dito.

Tumingala lang ito sa kanya at ngumiti. The very famous evil smile. Napakalapit ng mukha nito sa kanya that the temptation of kissing her again entered unwelcome in his mind. Naalala niya kaninang umaga how it took all his willpower not to kiss her.

“Stephens. Stevens.” Sabi ng matandang babae.

Mabigat ang paa niyang lumakad and he noticed that Isabella walked with him too at hindi niya pa natatanggal ang pagkakaakbay dito which made him smile inside. Why? He doesn’t know why either.

Nang nasa harap na sila ng matanda ay nakita niyang tiningnan siya nito ng masama. Napansin niyang sina Trixie, Missy, Nina and Brigham are out of their sight.

Damn! They must have been caught!

Nanlulumong tinanggap niya na sa kulungan na ang pupuntahan nila nang nagsalita ang matanda.

“We were surprised to hear from you again so soon Miss Stephens since you have just been here the first week. It is an honor to be of service to Master Isidore’s fille(daughter) again.” Despite of the witchy look of the old woman, kabaliktaran naman ang boses nito. She was so grandmotherly that he yearned for his own Lola. “Amoureux?” Tanong nito kay Isabella.

Hindi niya nakita ang mukha ni Isabella pero he knows the language so well kahit pa hindi ang popular version ang gamit ng matanda na dahilan para mamula siya. Tatanggalin na sana niya ang nakaakbay niyang kamay dito when she stopped him by intertwining their fingers together. He gasped. Nawalan siya ng lakas to pursue his intention to move away from her. Instead he squeezed her hands at mas nilapit pa ang katawan niya dito. He’s trying to act as if it doesn’t affect him at all pero his heart pounded so hard that he knew it gave away his true emotions. Alam niyang nararamdaman iyon ni Isabella dahil nakadikit ang chest niya sa likod nito and silently wished she wouldn’t use it against him later.

Tumango ito sa matanda at ngumiti. Involuntarily, napangiti rin siya habang nakatingin dito mula sa angle niya. Kitang kita niya ang mahaba nitong pilik-mata at matangos nitong ilong. “ Oui, mon petit amiUn homme très jaloux.” Nakangisi nitong sabi.

Muntik na siyang mapailing nang maalala na nagpapanggap nga pala sila. Baka nga hindi sila hulihin pag magpapanggap sila.

“He should be. With a lady your beauty, he won’t find another you just anywhere!” Tila sobrang kinikilig naman na sabi ng matanda.

Pinisil niya ulit ang kamay ni Isabella at tumingala ito sa kanya. For a second, nakalimutan niyang nagpapanggap sila. Her lips are slightly open and just waiting for his touch. Dahan-dahang bumaba ang ulo niya. Tumahimik ang paligid at nakalimutan niyang nasa airport sila and maybe minutes from now they will either be in another country’s prison cell or deported. All he wants to do is crush his lips to her and hear her moan---

Excusez-moi! (Excuse me!)Here are your passports with your visas. I hope you will enjoy your stay! Welcome to La Ville De L'amour, Paris!”

------------------------------------------------

Translations:

Amoureux- boyfriend

petit ami -boyfriend

Oui, mon petit ami.Un homme très jaloux.- Yes my boyfriend. A very jealous man.

La Ville De L'amour, Paris- City of Love, Paris

---------------------------------------

MUST READ

Yung Charles de Gaulle Airport, totoo po yang international airport ng France. Hindi ko po yan imagination.

Yung pagpapalabas sa kanila ng London without visas at pagpapapasok po sa kanila sa France at dun pa nilagyan ng visa ang passports nila, yun po imagination ko na..:) Ipinoportray ko lang po how influential Izzy can be.

Yung Air Europe po na mentioned airlines, totoo pong meron. Isa po itong wholly privately owned, independent British airline, established in 1978 under the working title Inter European Airways.:)  Pero sa imagination ko lang din po na family ni Izzy ang nagmamay-ari... 

yung Oxford po is totoo rin po. It is a university located in Oxford, sa United Kingdom.

Atsaka last but not the least... hindi naman po siguro ako madedemanda kung gumamit ako ng konting French words...^____^

Kung may hindi pa po ako na-clear na content here, paremind po ako..

I know this chapter is not much po pero binigyan ko lang po kayo ng filler where sila pumunta..:) I'l be busy these coming days kasi po sa 22nd na po ang graduation ko kaya baka hindi po ako agad makapag-update...:)

Hope you'll vote..

Continue Reading