Sorry di nakapag-update kahapon. di ko kasi agad natapos kasi sumakit ulo ko. xD
agian, THANK YOU SA MAG NAGVOTE, NACOMMENT AND NAG ADD NITO SA LIST NILA. WALA NA TALAGA AKONG MASABI KUNDI THANK YOU, THANK YOU, THANK YOU. :)
sana nasasatisfy ko kayo sa mga pinagsusulat ko. xD
enjoy loves! God bless. ;) XOXO. ♥♥
**
*Gianna's POV*
"Yiiiiih! Biyahe nanaman?" reklamo ko paglabas namin ng airport.
"Wag ka ng magreklamo ugly stick," sabi naman ni Nathan. "Malapit na tayo."
Napabuga ako ng hangin. "Malapit? Eh kanina mo pa sinasabi yan eh! Anong oras na. Malapit na mag-midnight. Sumakay na tayong kotse for almost 2 hours tapos 1 and a half hour sa eroplano tapos 1 hour na biyahe ulit sa sasakyan?! Masakit na pwet ko, ano ba."
"Sit on my lap, then."
Ha?!? But-- Ah-- I-- jksfjgsdhjfgjkhsdagfjkdr! "Gag*! sapakin kita eh!"
He smirked. "O ba't namumula ka?"
Napahawak ako ng mukha. Namumula?! Ako?! Shet! hindi nga?!?! "Oi, hindi ah! Sipain kita eh!"
Tumawa lang sya sa sinabi ko tapos inakbayan ako. I pouted then crossed my arms. May naghihintay na sasakyan sa amin eh. Pasaway lang ako at ayoko pa sumakay.
"Alam mo ugly stick, wag ka ng pasaway. Tulad nga ng sinabi mo kanina, malapit na mag-midnight at malamig pa dito kaya tara na." sabi nya tapos inakay nya ako papunta sa kotse na sundo namin. "Wag kang masyadong pasaway. Kaya nag-aaway tayo eh."
"at ako pa talaga ang pasaway at may kasalanan ngayon? Eh ikaw tong topakin at magulo eh." bulong ko.
"MAY SINASABI KA UGLY STICK?" tanong bigla ni Nathan tapos tumawa ng nakakaloko. Loko to ah.
"WALA PO GWAPONG TOPAKIN!"
"Good." sabi nya habang naka-smile parin.
Maka-smile naman, wagas. *roll eyes*
Nanahimik nalang ako at sumakay na ng kotse padabog. Narinig ko naman si Nathan na tumawa kaya napasimangot ako. Psshh.
"Good evening, ma'am, sir." bati agad nung driver. "Nalagay ko na ho yung mga gamit nyo sa likod kaninang naglalambingan kayo ni sir, ma'am."
FYI, manong. Nag-aaway kaya kami!
I heard Nathan stiffle a laugh. Tss. Ba't di pa kaya sya tumawa ng tuluyan?!
"T-tara na ho, manong." sabi ni Nathan habang pigil parin yung tawa.
I shook my head and rolled my eyes. Parang baliw lang tong kasama ko eh. Pakawala ng mental.
Tumango naman si manong driver at nag-drive.
Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Nathan sa back seat habang sya, tinitignan yung dinadaanan namin sa labas.
I sighed. Tapos tumingin na rin ako sa labas. Naalala kaya ni Nathan na birthday namin ngayon? O baka nalimutan nya? Impossible naman yata yun. pareho kami ng birthday tapos kakalimutan nya? Hay. Baka wala lang balak batiin ako. Eh di wag nya akong batiin! Problema ba yun?!
Pssh. Malayo pa ba yung walangyang beach resort na yun? Inaantok na ako. Solid. Pumipikit na nga mga mata ko kasi gusto ko ng matulog. Kaya lang, baka naman sumakit yung katawan ko pag natulog ako dito sa sasakyan. Kelangan magtiis. Konting tiis pa Gi. Kaya mo yan. Magfocus ka sa ibang bagay. Tulad ng... ng... *yawn* ano nga ba yon? Ah.. Oo. Inaantok na ako.. Inaantok... Inaan...
...
**
*Nathan's POV*
I felt ugly stick's head droop into my shoulder kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakatulog na pala. Di ko sya masisisi. Nakakapagod kayang sumayaw. Sayaw sya ng sayaw kanina eh. Lagi kasing inaaya ng mga bisita. Pinagbigyan naman nya.
"'ppy birthday..." sabi nya bigla kaya naman napatingin ako sa harap. Baka naman kasi gising tong panget na to at pag nakitang tinitignan ko sya, batukan ako.
After a few moments, her breaths became more rhytmic, indicating that she is really deeply asleep. I sighed and watched her. Debut nya dapat ngayon eh. Kasama mga kaibigan nya. Kaya lang, dahil sa kalokohan ni tanda, hindi debut yung regalo nya kay ugly stick kundi kasal. Sa pinaka-ayaw at hate nyang tao; ako.
Napabuntong hininga ulit ako. Ugly stick, sorry kung lagi nalang kitang pinapaiyak at ginagalit.
Hay nako. Hanggang sa isip lang talaga ako. Hinding hindi ko siguro masasabi yun kay ugly stick. Ewan bakit. Wala nalang basagan ng trip.
I brushed the hair strands that fell over her face the leaned close to her. "Happy 18th birthday." I whispered. "Sorry for giving you the worst gift ever. I just want to... well... to protect you."
That was true. I agreed to marry her because I want to protect her. Nung una, wala naman talaga akong pakielam. But, as days pass, I grew fond to her again. The bond we shared when we were kids were repaired. Then, I realized, I don't want her to experience the pain that I felt. It's ok if she'll hate me because of it, but, as long as she's safe from that f'n pain, I'm willing to be hated by her.
"Sir, andito na po tayo." sabi nung driver tapos huminto sa may harap ng isang beach house.
I smiled at him. "Sige po. Pakibaba nalang po yung mga gamit para maipasok nung caretaker."
Tumango naman yung driver tapos bumaba. Ako naman, dahan dahan akong bumaba ng sasakyan habang inaalalayan si ugly stick. When I got out of the car, I scooped her up and carried her then faced the driver.
"Ipapasok ko lang po tong asawa ko sa loob." I told him. Ngumiti naman sya at tumango tapos lumapit na yung caretaker ng beach house namin sa kanya para kunin at ipasok yung gamit namin sa loob.
Pagkapasok ko ng beach house, dumiretso ako agad sa kwarto namin ni ugly stick. Although bawal kami magtabi ni ugly stick sa kama, excused daw kami ni ugly stick sa honeymoon namin kaya pwede kaming magtabi. But, I guess... Ayaw yon ni ugly stick kaya wag na natin syang pagtripan at matutulog nalang ako sa sofa mamaya.
Pagkababa ko kay ugly stick sa kama, pinanuod ko muna sya sandali tapos, tinanggal ko yung sandals nya para medyo komportable naman sya. Nung nasiguro ko ng maayos na sya, bumaba na ako para magbayad dun sa driver.
"Pasensya na po at natagalan, manong." sabi ko kay manong driver tapos kumuha ako ng pera sa wallet ko para pang-bayad.
"Ayos lang ho. Inasikaso nyo pa ho ang asawa nyo no? Mahal na mahal mo sya no? Mukhang alagang-alaga mo sya eh." sabi ni manong tapos sumakay na sya sa sasakyan nya. "Salamat ho, sir! Congrats ho pala. Sabi ho kasi nung nagbabantay, kasal nyo kanina."
Napatango nalang ako tapcos pinanood sya sa sasakyan nya habang nagda-drive palayo. Hindi parin kasi nag-sink in yung sinabi ni manong driver eh. Mahal na mahal? Sino? Si ugly stick? Mahal na mahal? Nino? Ako? Mahal na mahal ko daw si ugly stick? Ha?
I began to laugh slowly habang nagsi-sink in yung sinabi ni manong driver.
Tapos, natawa na ako ng tuluyan. Ako? In love kay ugly stick? HAHAHAHAHAHAHA!! NAGJOJOKE BA SYA?! TINIGNAN AT BINUHAT KO LANG NAMAN SI UGLY STICK TAPOS IN LOVE NA AKO AGAD SA KANYA?! HAHAHAHAHAHAHA. Patawa ka manong.
**
"Nathan, tara naaaa. Sige naaaaa. Gusto ko na mag-jet ski. Tara naaaaaaaaa." pagpupumilit ni panget habang nakahiga ako sa kama. Sumakit likod ko sa sofa eh. Kaya pagkagising ni ugly stick, lumipat agad ako sa kama.
Marahas akong napabuntong hininga. "Ano ba. Wag ka ngang makulit! Tanghaling tapat gusto mo mag-jet ski? Ang init-init!"
Umupo sya sa tabi ko. "Sige na?"
"Ayoko."
"Please?"
"Hindi."
"Pretty please?"
"Mainit."
She stood up and hissed then pouted. "Para saan pa tong pagpunta sa beach eh magkukulong lang pala kami sa bahay." pagpaparinig nya. "Sunugin ko ata tong bahay na to eh."
I shook my head and stared at the ceiling. Pwede naman syang lumabas mag-isa ah? Ba't ba naman kasi gusto nya akong isama? Ngayong ayoko, ako pang nagmumukhang masama kasi di ko sya pinagbigyan.
Eh sa masakit yung likod ko eh?!
Napabuntong hininga nalang ako at tumayo. Nararamdaman ko na kasi yung tiyan ko na nagrereklamo. Hindi naman kasi ako nag-almusal. Late na ako nagising eh.
Pagkababa ko sa sala, nadatnan ko si ugly stick na nakasalampak sa sofa habang nanunuod ng pelikula at kumakain ng nova. The Last Song ata yung pamagat. Nung nakita nya ako, napasimangot sya agad at tinignan ako ng masama. Nagsmile naman ako para inisin sya. Hehehe.
"Lunch tapos yan yung kinakain mo." sita ko sa kanya habang nakangiti parin ako. "Kumain ka na ba nyan, ha, panget?"
"Pake mo ba?! Ano ba ginagawa ko nito? Di ba kumakain?!"
"Sira. Nang tanghalian. Kung hindi ka pa, sumabay ka na sa akin,"
She gave me an are-you-kidding-me look. "Kumain ka mag-isa mo! Mabilaukan ka sana!"
Napakamot ako ng batok. Kaya ko lang naman sya inaaya kasi tinatamad akong maghanda ng makakain. Kung sasabay sya sa akin, sya ng mag-aayos at uupo nalang ako di ba? ganon nya ba talaga kagustong lumabas at maglibot?
Ah! Alam ko na! Dahil tamad rin lang ako maghanda, kakain nalang kami sa labas. Dun sa may seafood restaurant.
Umupo ako sa tabi nya. "Panget.. tara.. Libot tayo,"
Napatingin sya sa akin. "Talaga?"
I nodded.
"Yes!! O sige, magbibihis lang ako!" sabi nya tapos tumakbo paakyat sa hagdan.
Napangiti naman ako tapos tumayo. Maliligo na muna ako tapos magbibihis.
Pagkatapos ko maligo at magbihis, pinuntahan ko na si ugly stick na naghihintay sa may veranda.
So, kakain kami sa labas tapos pag medyo hindi na maiinit dun nala--
"Ang tagal mo! Dali na!" salubong sa ni ugly stick paglabas ko ng bahay.
Napatitig lang ako sa kanya. From head, shoulders, waist, legs to toes. Sht. Di ba payat sya?! Ba't ganyan?!?!? Ang ganda ng katawan nya?! At, walanghiya bakit ko nasabing maganda ang katawan nya.
"Y-yan susuot mo?" I stuttered.
"Oo. Anong masama? Nasa beach naman tayo." sabi nya tapos hinila na ako.
Masama? Anong masama?! Naka-two piece bikini ka, hindi yun masama?! Ano ngayon kung may shawl kang gamit?! See-through naman!!
"Saan tayo una? Jet ski na?" she asked habang naglalakad kami sa beach.
"Ahm. Kain muna tayo. Mamaya na tayo magjetski," I answered while at her back. At her waist.. At her legs...
I shook my head. Ano ba naman yung pumapasok sa isip ko?!
I took a deep breath and calmed myself.
Relax lang, Nathan. Si ugly stick lang yan. Si ugly stick lang. Sanay ka na dyan sa babaeng yan di ba? Immune ka na sa kanya. Basta relax lang at wag mo nalang tignan yung katawan nyang hindi mo expect na magiging ganyan kaganda. Sexy pala sya? Hehehe. Hindi ko na ata sya pwedeng tawaging ugly stick at-- what the fck anu yung naisip ko!?!
Tss. Ba' naman kasi ang ganda pala ng katawan ng panget na to?!
**
I smiled as I watch ugly stick laugh. Nakikipagkwentuhan at nakikipaglaro kasi sya ng board game sa ibang employee ng restaurant. Nalaman kasi nilang apo kami ni tanda nung narinig yung surname namin. Eh di ba nga kalahati ng beach resort na to, si tanda yung may-ari. Kaya ayun, sobrang welcome kami ni ugly stick at nakikipaglaro na nga sya ngayon ng snake and ladders sa kanila. Konti lang kasi yung mga guest eh. Cozy kasi yung ambience ng restaurant kaya parang pwedeng pagtambayan.
"Nathan! Halika! Sali ka sa amin!" tawag ni ugly stick habang tumatawa.
I smiled at her. "Mamaya nalang sige."
"Bahala ka. Haha." sabi nya tapos pinagpatuloy yung pakikipaglaro sa mga kalaro nya.
Tumayo ako sa kinauupuan ako at lumabas para tignan yung beach. The beach was awesome. Although artificial lang daw, white sand yung beach. Tapos maraming puno ng buko kaya marami yung may silong. Tapos, marami ring shack na nagbebenta ng kung anu-ano.
Napalingon ako bigla nung may narinig akong nabasag sa loob ng restaurant. Biglang may sumigaw kaya napatakbo na ako sa loob. Nadatnan ko nalang na may lalaking nakahawak ng mahigpit sa braso ni ugly stick.
Anger raised when I saw ugly stick's pained expression kaya naman inunahan ko na yung mga empleyado ng restaurant at sinugod at sinapak yung lalaking may hawak ng braso ni ugly stick.
"Fck!" mura nung lalaki nung matumba sya sa sahig. hindi pa ako nakontento. I gripped the man's shirt then glared at his eyes.
"Fck off, man. Or else.." I threatened him. "I'm serious.'
Yes. I was serious. I can feel the rapid beating of my heart because of hatred and anger. I can even hear it.
Mabuti nalang inawat na ako ng mga tao sa restaurant at hinawakan at pinakalma ako ni ugly stick. Kasi kung hindi, baka kung ano ng ginawa ko sa gag*ng yon.
I admit I overreacted. But, you can't blame me. Ayokong makitang nasasaktan si ugly stick. Kahit napapaiyak at naiinis ko sya, iba parin yung nararamdaman ko kapag nakikita ko syang nasasaktan. Sya lang naman kasi ang meron ako. Sya lang. Nag-iisa lang sya. Hindi ko sya pwedeng pabayaan. Importante sya sa akin eh. Sobra.
**
Simula palang yan ng honeymoon! Ajejeje. xD