Friday na ngayon..
Pagkatapos ng class ko naghiwalay na kami ni Jane..Kailangan pa kasing mag prepare para mamaya..Aalis kami..Papuntang resthouse nina Paolo..Ngayon kasi ang celebration..
Hindi ko alam kong sino sino ang mga kasama namin..Pero wala daw parents nila..Bawal daw kasi KJ.. haha..Kawawa naman!!
Sabay na kami ni Kurt umuwi sa bahay..
Bati na kami eh :))
Pagdating namin sa bahay umakyat na ako agad at inayos iyong mga kailangan kong dalhin..Sunday night pa kasi ang uwian..
Pagbukas ko sa drawer nakita ko iyong contract namin ni Kurt..
Dalhin ko na lang ‘to, baka nakawin pa, malaking problema..
Nilagay ko ito sa pouch ko tapos nilagay nadin sa brown na bag..
Dahil din naman magpinsan si Paolo at Kurt, susunod na lang kami sa kanila..alam din naman ni Kurt ang lugar..
“Yumi, tapos ka na ba? Papasok ako ha..” tanong ni Kurt
“Cge..Pasok ka..” pumasok na siya sa kwarto ko..
“Hindi ka pa tapos?”
“Malapit na..Sandali na lang..”
Kinuha ko iyong sunblock, lotion, cleanser, toner at iba pa echos sa katawan at mukha ko..
Okay na siguro..Nasa bag ko na lahat ang gamit ko..
“Okay na ako..Tayo na.. Asan na gamit mo?” tanong ko sa kanya
“Nasa kotse na..Tarana..” Dinala niya ang bag ko sa baba..
Tapos umalis na kami..
Wooo!! Outing!!
Matagal tagal nadin talaga akong hindi nakakapag relax..Alam niyo na busy masyado..
Bandang 9 PM na kami nakarating sa resthouse..
Pagdating namin don ang daming tao..may Pool party..
“Kurt pare..Long time no see..Kumusta ka na..Girlfriend mo?”
tanong nong isang naka topless na lalaking may dalang baso ng alak..
“Hindi pare..Asawa ko..” tapos umalis na din kami..
Iyon lang iyon? Ahh baka hindi lang talaga sila close..
Halos lahat ng tao don kilala si Kurt..
Sikat talaga..
Hinahanap na namin sina Jane..
Nasa loob pala sila..
“Yumi, bakit ang tagal niyo?” tanong ni Jane..
“Ehh ano kasi ehh…ehh..” hindi ko matapos tapos iyong sasabihin ko
“Ang bagal niya kasi kumilos…” sabi ni Kurt -__-
“Hindi ka parin talaga nagbabago Yumi..” sabi ni Jane
“Tatlong rooms lang ang nandito sa resthouse.. Kailangan nating hatiin iyon.. anim tayo..” sabi ni Paolo
“Anim? Sino pang andito?” tanong ni Kurt
“Andito din si Shanice at Gab..Kaibigan ko din naman sila..So ganito ang mangyayari..Kami ni Gab magkasama sa isang kwarto, si Shan naman at Jane at syempre kayong dalawa..Mag-asawa naman kayo kaya okay lang..” sabi ni Paolo
“Pero…..” sabi ko
“Okay na pre..San ba kwarto namin?” tanong ni Kurt tapos dinala na niya iyong mga gamit namin
“Iyong pinaka left na room Kurt..Bumaba na kayo pagkatapos niyong magbihis..”
Pagpasok namin sa room ang ganda :DDDDDDD
Kitang kita pa sa window ang view ng dagat..
Ang ganda talaga..
“Magbihis ka na..” sabi ni Kurt
“Ha?”
“Magbihis ka na..May pool party..”
“Ahh oo..” tapos kinuha ko na iyong pamapalit ko sa bag at pumasok sa banyo
Pagkatapos kong magbihis eh siya naman iyong pumasok sa banyo..
Tapos bumaba na kaming dalawa…
Ang dami talagang tao.. Nakita na namin sina Jane at Paolo..
“Yumi halika na muna dito..” tinawag ako ni Jane
Kami na magkasama ngayon habang si Kurt naman at Paolo..
“Asan na sina Gab at Shan?” tanong ko kay Jane
“Ayun si Shan oh..” tinuro niya si Shan
Si Shan pinalibutan ng mga boys..
Ang ganda naman kasi niya. Parang model iyong katawan niya at parang anghel ang mukha niya. Sino ba naman ang hindi magkakandarapa sa kanya?
“Si Gab naman andun…Kanina pa iyan tingin ng tingin sayo..” tinuro din niya si Gab
Pagtingin ko kay Gab, nakatitig nga siya sakin..Nahiya tuloy ako
“Taralapitan natin..” sabi ni Jane
Tumango lang ako..
“Hi Gab..” bati ni Jane
“Hello Gab..” sabi ko naman
Ngumiti lang siya..
“Pwede tumabi?” tanong ni Jane sa kanya
“Sure..” sagot niya
“Jane, bakit ba andaming tao? Kilala mo ba lahat sila?” tanong ko kay Jane
“Hindi..Kakilala sila ni Paolo..”
Nagkwentuhan lang kaming tatlo..
“Jane, kukunin ko lang iyong phone ko sa taas..Nakalimutan ko kasi..” Paalam ko kay Jane
“Ganun ba? Cge samahan ka na ni Gab..”
O_o
“Huwag na..okay lang..” sabi ko
“Okay lang naman iyon..diba Gab?” sabi ni Jane tapos tumingin siya kay Gab
Tumango din naman si Gab
Kaya ayun..
Binuksan ko na iyong kwarto tapos hinanap iyong phone ko..
Pero hindi ko maalala kung saan ko talaga iyon nilagay..
“Hindi mo pa ba nakikita?” tinanong ako ni Gab
“Hindi pa..Nakalimutan ko kasi kung saan ko nalagay dahil sa pagmamadali kanina..”
“Tulungan na lang kita..” pagpeperesenta niya
“Cge..” Binigay ko sa kanay iyong brown na bag..
Hinalungkat na talaga namin pero wala talaga ang phone ko..
Baka naiwan ko sa bahay..
Ang malas!!
T___T
Bumalik na lang kami sa baba..
“Nakita mo na ba Yumi?” tinanong ako ni Jane
“Hindi pa ehh..”
Hinanap ng mga mata ko si Kurt..
Pero,
Kasama niya pala si Paolo….
At si
Shanice..
Bakit sila ang magkasama?
Hindi ko talaga winala ang tingin ko sa kanila ng biglang..
Tumingin din siya sa direksyon ko kaya iniwas ko iyong tingin ko..
“May problema ba Yumi?” tanong ni Jane
“Ha? Wala naman..” sabi ko lang sa kanya
Talaga lang bang option lang ako ni Kurt at si Shan ang priority niya?
Kasi tuwing andiyan si Shan, sa kanya siya lumalapit..
Habang ako iniiwan sa tabi tabi..
Hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko..
“Jane, Gab, mauna na ako ha..Medyo inaantok na kasi ako..”
“Dito ka na muna Yumi..Hindi pa nga nagsisimula ehh..” sabi ni Jane
“Inaantok na kasi ako..Cge..”
Tapos umalis na ako..
Hindi ako pwedeng malito..
Contract Wife lang ako..
Kaya kami magkasama ni Kurt dahil sa kontrata..Wala ng iba..
Kailangan kong ipaalala sa sarili ko ang kontrata namin..
Hinanap ko iyong kontrata..
Buti na lang at dinala ko iyon..
Pero hindi ko ulit mahanap..
Naiwan ko din ba?
Hindi ehh..
Naalala ko nilagay ko iyon sa pouch ko at nilagay sa brown na bag..
Pero wala talaga sa pouch..
Asan na ba yun..
Pinilit kong inalala ang mga nangyari..
Bigla kong naalala si Gab…
Hindi..Nakita niya ba iyong kontrata? Kinuha niya ba? Nasa sa kanya ba?
Kung nasa sa kanya nga..
Ibig sabihin,..
Ibig sabihin..Alam na niya..
Hinanap ko agad si Gab..
Bumaba ulit ako..Pero hindi ko siya nakita..
“Oh Yumi, sabi ni Jane tulog ka na daw?” si Paolo pa..
“Nakita mo ba si Gab?”
“Si Gab? Nakita ko siya kanina papunta sa direksyon na iyon..Sa may dagat..”
Pinuntahan ko agad siya..
Hinanap ko siya..
Asan ka na Gab..
May nakita akong lalaking nakaupo sa may buhangin nakatingin sa dagat..
Si Gab na iyon..
“Gab..”
Tumingin lang siya sakin at ngumiti..
“Umupo ka muna..”
Umupo naman ako..
“Gab pwede ba magtanong?”
“Ano naman yun?”
“May nakita ka bang papel kanina sa bag ko..?”
Kinabahan ako..Baka kasi nakita niya talaga..
“Papel? Anong papel?”
“Ibig sabihin…wala kang nakita?”
“Ano namang dapat kong makita?”
Iyong mukha niya parang wala talaga siyang nakita
“ahh..wala..heheeh..”
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib..
Nawala iyong kaba ko..Mabuti naman kung ganun..baka naiwan ko lang talaga iyong kontrata..
“Yumi pwedeng magtanong?”
“Ano naman iyon?”
“ahh huwag na lang..”
Ehhh..binitin ba naman ako?
“Yumi….”
“Bakit?”
Tumingin ako sa kanya pero sa dagat parin siya nakatingin..
“Kung sakaling, niligawan kita noon..Kung sakaling nauna ako kay Kurt..May pag-asa bang tayo ang nagkatuluyan?”
Bigla akong napaisip sa tanong ni Gab..
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko..
Siguro oo..
Siguro din hindi..
Hindi ko alam..
“hehehe..huwag mo na lang isipin iyon Yumi..Sakali lang din naman diba?”
Tapos tumawa ulit siya..
Tumawa na lang din ako..
“Yumi?”
Napalingon kaming dalawa ni Gab..
“Kurt?”
“Pare!!”
Tumayo ako at pinagpag iyong mga buhangin na dumikit sakin..
“Kurt..wala lang iyong nakita mo..”
“Alam ko Yumi..Mauna ka na lang muna sa taas..Kakausapin ko lang sandali si Gab..”
Hindi siya galit?
Lumapit ako sa kanya..
“Kurt..”
Hinawakan niya iyong kaliwang pisngi ko.
“It’s okay..Mauna ka na lang muna..”
Tumango lang ako at umalis na din..
KURT’s POV
Kanina ko pa tinitingnan si Yumi..Sila kasi magkasama ni Jane at Gab..
Gusto ko na sanang lumapit kaso si Paolo hindi ako pinapayagan..Hindi ko alam kung bakit..
Nakita ko na nawala bigla si Yumi at Gab..
Pero bumalik din sila pagkalipas ng ilang minuto..
Tapos si Yumi naman ang tumayo..
Pero hindi na siya bumalik..
Tinanong ko si Jane kung ano ang nangyari kay Yumi..Sabi naman niya na inaantok daw..
Pupunta na sana ako ng kwarto namin ng makita ko si Yumi at si Paolo nag-uusap tapos umalis na agad si Yumi..nagmamadali..
Tinanong ko si Paolo kung ano ang pinag-usapan nila..
Tapos sinundan ko na siya..
Nakita ko silang dalawa ni Gab..Nakaupo, magkatabi, nakatingin sa dagat..
“Yumi?”
Napalingon silang dalawa ni Gab..
“Kurt?”
“Pare!!”
Tumayo si Yumi at pinagpag iyong mga buhangin na dumikit sa kanya..
Tumayo din naman si Gab..
“Kurt..wala lang iyong nakita mo..”
“Alam ko Yumi..Mauna ka na lang muna sa taas..Kakausapin ko lang sandali si Gab..”
Hindi ko magawang magalit kay Yumi..Ayokong pairalin na naman iyong galit ko..Masasaktan ko lang si Yumi..Ayoko ng maulit iyong nakaraang away namin..
Lumapit siya sa’kin..
“Kurt..”
Hinawakan ko iyong pisngi niya..
“It’s okay..Mauna ka na lang muna..”
Mahinahon lang iyong pagkasabi ko sa kanya..
Tumango naman siya at umalis din..
Hinintay ko na muna na makalayo si Yumi bago ko kinausap si Gab..
“Pare ano bang problema mo? Layuan mo na ang asawa ko”
Sabi ko kay Gab.
“Asawa mo? Bakit? Mahal ka ba niya?”
Nagulat ako sa sinabi ni Gab..
May kinuha siyang papel sa bulsa niya at tinapon sa harap ko.
Pinulot ko naman iyon..
Binasa ko ang nakasulat…
Ito iyong kontrata namin ni Yumi..
“Paano ‘to napunta sayo?”
“Nakita ko iyan sa bag ni Yumi..Huwag kang mag-alala..Hindi niya alam na nasa akin iyan..Ayokong sabihin sa kanya..”
“Huwag kang makialam samin Gab..Layuan mo na si Yumi…”
Tapos tumalikod na ako..
“Gagawin ko ang lahat ma-agaw ko lang si Yumi sa’yo..Kaya humanda ka..”
Bigla na lang nagdilim ang paningin ko..
Sinuntok ko siya sa mukha..
Natumba siya buhangin..Pinahirap niya iyong dugo sa may labi niya tapos tumayo ulit..
At sinuntok ako..
Nagpalitan lang kami ng suntok hanggang sa magsawa kaming dalawa..
“Tandaan mo ‘to Gab..Hindi mo maaagaw si Yumi sa’kin..Mamamatay muna ako bago mangyari yun..at….kalimutan mo naring magkaibigan tayo..”
Tapos umalis na ko..
YUMI’s POV
Nakarating na ako sa kwarto namin..
Hindi parin bumabalik si Kurt..
Kanina ko pa siya hinihintay..Hindi na ako mapakali..
Lalabas na sana ako ng kwarto ng biglang may kumatok..
“Yumi…”
Boses ni Kurt..
Binuksan ko agad iyong pinto..
“Kurt..? anong nangyari sa mukha mo..”
Nagsuntukan ba sila ni Gab?…
“Wala..nadapa lang ako sa hagdan..” sabi niya
Ano ako tanga? Pero hinayaan ko na lang siya..
“Umupo ka muna..Gagamutin ko iyang mga sugat mo..”
Pinaupo ko siya sakama..
Tapos naghanap ako ng first aid kit..
Buti na lang at meron sila dito sa kwarto..
Tumabi na ako sa kanya..
“Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat..Nadapa ka tuloy..”
Tapos nag smile lang siya..
“Aray..dahan dahan naman..”
“Ikaw din naman kasi eh..”
“Oo na..Mag iingat na ako sa susunod..”
Hindi ko na masyado diniin kasi alam ko nasasaktan siya..
“Yumi…”
“ano?”
“Huwag kang mawawala sakin…Hindi ko hahayaang may aagaw sayo..”