She's Miss Perfect ( GirlxGir...

By QueenDarkrose

377K 6.6K 188

Anong gagawin mo kung nainlove ka sa isang babae na maganda, matalino, malinis, At higit sa lahat ay mayaman... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47 (A)
Chapter 47 (B)
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56 ( ending )
AUTHOR'S NOTE

Chapter 54

5K 85 7
By QueenDarkrose

Erin's POV

Grabe. Ang sakit ng ulo ko

4am na kasi kami umuwi kagabi. Ang bilis ng oras.

Nako december 24 na ngayon ah? Noche buena na mamaya!

Matutulog pa sana ako ngunit napansin kona parang wala si Mara sa tabi ko.

Napatayo ako sa hinihigaan ko.

"Mara?"

Nag punta ako sa banyo para tignan kung nandoon siya.

Wala din siya. Hmm baka bumaba na? Ano nabang oras?

Tinignan ko ang orasan sa may dingding at 12:23pm na pala!

Oonga pala! Darating sina mama.

Nag madali nakong maligo at nag bihis at bumaba na ako.

Nakita ko na nag uusap usap sina Agean sa sala.

Pero hindi ko nakita si Mara. Ang akala ko ay bumaba na siya.

"Ui Erin! Gising kana pala. Lumabas ng saglit si ate Kath eh." Sabi ni Lira.

Lumapit ako sa kanila at umupo din sa tabi nila.

"Si Mara?"

Nag tinginan sila.

"Hindi ba mag katabi kayo?" Tanong ni Agean.

"Oonga. Pero pag gising ko wala siya sa tabi ko eh."

"Saan naman pupunta yon?" Pagtatakang sabi ni Rina.

"Nakita ko siya kaninang madaling araw. Lumabas kase ako para mag cr tapos nakita ko siyang bumaba ng hagdanan. Hindi kona siya tinanong kung saan siya pupunta kase baka pupunta lang siya sa kusina." Kwento ni Trisha.

Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba at pag aalala.

"Wait tawagin ko." Kinuha ni Agean ang cellphone niya at tinawagan si Mara.

"Hindi niya sinasagot."

"Guys wag tayong mag isip ng masama baka may binili siya. Hintayin lang naten." Sabi ni Lira.

Narinig namin na may nag bubukas sa gate kaya napatayo ako at tumakbo sa pinto para tignan kung sino yon.

"Baka si Mara na yan." Sabi ni Rina.

"Si ate Kath." Malungkot kong sabi.

Nasaan ka ba Mara? Bakit pinag aalala mo kami ng ganito?

"Oh Erin bakit malungkot ka? Ipag luluto ko kayo ng kaibigan mo ng sinigang. Sina mama pala mamaya pang gabi darating."

"S-sige po."

Hinintay namin na bumalik si Mara ngunit malapit nang mag gabi wala padin siya.

Malapit nang mag dilim.

Nag aalala na kaming lahat.

Pati si ate Kath ay nag aalala nadin.

Nakaupo kami sa sala at nag hihintay padin.

"Guys hanapin na natin siya." Nag aalalang sabi ni Agean.

Nakikita ko din sa mga mukha nila ang sobrang pag aalala.

"Sige." Nag agree na ang lahat.

"Erin. Dito kana lang." Lumapit sa akin si Rina.

"Pero gusto kong tumulong sa pag hahanap!"

"Erin tama si Rina. Baka mapahamak kapa. Nangako kami kay Mara na pro protektahan ka namin." Sabi ni Agean.

"Madami nang nagawa s-si Mara sa aken. Palagi niya kong pinag tatanggol at kahit kailan hindi niya ko pinabayaan. Tapos ngayon na siya naman ang nasa panganib. Gusto ko na ako naman ang mag hahanap sa kanya. Parang awa niyo na hayaan niyo kong hanapin ko din siya." Pag mamakaawa ko sa kanila.

"Sige. Pero kung papayag si ate Kath." Sabi ni Agean sabay tingin kay Ate Kath.

"Payag ako. Basta mag iingat kayo ha." Pag aalala ni ate Kath.

"Thank you po ate. Kayo na pong bahalang mag paliwanag kay mama."

"Sige sige."

Lumabas na kami at sumakay sa van.

Si Trisha ang nag drive ng van. Patuloy padin kase si Agean sa pag tawag kay Mara ngunit hindi padin ito sumasagot.

"Kung i report na kaya natin to sa pulis?" Sabi ni Rina.

"Gustuhin man natin pero hindi pwede. Dahil wala pang 24hours na nawawala si Mara." Sabi ni Lira.

"Tawagin kaya natin si Cheska? Baka pinuntahan niya si Cheska." Sabi ni Trisha.

"Wag!" Sigaw ni Agean.

"Bakit?"

"Dahil suspek namin siya." Sagot ni Agean.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Lira.

"Well sabi kasi ni Mara itago muna namin ung nalaman namin pero sa tingin ko kailangan niyo nang malaman. Lalong lalo kana Erin. Kailangan mong malaman to." Sabi ni Rina.

"Ano ba yon?" Tanong ko sa kanila.

Kinwento nila ang nangyari.

"What?! So feeling niyo mag kasabwat ang dalawang yon?" Gulat na sabi ni Trisha.

Galit na galit ako sa aking narinig.

Paano kung ginamit lang ako ni Neil para makaganti siya kay Mara.

Shit! Kailangan kong malaman ang totoo.

"Gean. May number ako ni Neil. Tawagin mo siya." Sabi ko kay Agean.

"Ha? Bakit."

"May plano ako." Seryoso kong sabi.

Mabuti nalang pala at may nabigay na calling card sakin si Neil. Kaya binigay ko ito kay Agean at dinial niya ito.

Binigay niya sakin ang cellphone.

Hinintay kong sagutin ni Neil ang tawag.

[Hello? Sino to?] Tanong ni Neil.

[Si Erin to Neil.]

[Erin? Bakit ka napatawag?]

Habang naririnig ko ang boses ni Neil ay kumukulo ang aking dugo na parang gusto ko siyang pag susuntukin.

Nang gigigil ang aking boses sa galit.

[Pwede ba tayong mag kita?]

[Sige ba. Saan ba?]

[Text ko nalang.]

[Okay sige.]

Call Ended

Nang binaba ko na ang cellphone ay nakatingin silang lahat sakin.

"Anong gagawin mo Erin?" Pag aalala ni Agean. Sabay binalik ko kay Agean ang cellphone niya.

"Anong plano mo?" Pag aalala din ni Rina.

Sinabi ko sa kanila ang plano ko at sa tingin ko ay umagree sila dito.

"T-teka baka mapahamak ka Erin." Pag aalala ni Rina.

"Hindi. Alam kong kaya ko to." Ngumiti ako sa kanila.

Nag tinginan silang lahat na may halong pag aalala.

"Saan ba kayo magkikita ni Neil?" Tanong ni Trisha.

"Sa mall doon sa may parking lot." Sagot ko.

NEIL'S POV

"Nasa atin na si Mara. Ano nang plano?" Tanong ko kay Cheska. Nandito kami ngayon sa rest house nila. Walang tao dito kundi kami lang at ung dalawang lalaki na ni rentahan niya para hulihin si Mara.

"Basta wag na wag mong hahayaan na malaman ni Mara o kung sini man na may kinalaman ako dito dahil lalong malalayo si Mara sakin pag nalaman niyang kasama ako dito."

"Oo na alam kona yan. Oh so ano nga ang plano."

"Diba magkikita kayo ni Erin? Hulihin mo na din siya then kill Erin in front of Mara. Pero bago yon. Gawin mo muna ang gusto mong gawin kay Mara. Torture her but not too much. Wag mong papatayin si Mara."

Baliw na ata tong si Cheska?! Hindi ko kayang pumatay ng tao.

"Ano kaba?! Bakit kailangan pang patayin at idamay si Erin?!" Galit kong sabi kay Cheska.

"Gago kaba?! Edi parang balewala lang tong ginawa naten! Kailangang mawala ang babaeng yon! Kung hindi mo kaya. Edi ipapa patay ko siya sa ibang tao."

"Cheska naman! Maawa ka kay Erin."

"Naduduwag kana ata e!"

"Hindi ko alam! Pero sa tingin ko nag sisisi nako na nakipag kasundo pako sayo." Inis kong sabi.

Sumama naman ang tingin sa akin ni Cheska.

F*ck Neil! Ano ba kasi tong pinasok mo!

"Wag na wag mong sasabihin yan Neil! Nasimulan na natin kaya dapat tapusin na naten! Kapag hindi mo tinuloy. Alam mo na ang mangyayare sayo... Pero may ibang paraan pa naman eh." Sabi ni Cheska sabay nag smile siya na parang may halong gigil.

Napatingin ako sa mukha ni Cheska at mukhang hindi ko magugustuhan ang sasabihin nito.

"Ano?" Tanong ko.

"Ipapa rape ko nalang si Erin sa harap ni Mara. Pero don't worry hindi ikaw ang gagawa non. Mag babayad nalang ako ng isa pang adik diyan sa kanto. Diba mas maganda yon kesa sa patayin siya?"

"Wala nabang ibang paraan? Bakit si Erin pa kase." Sagot ko.

Lalo akong kinakabahan sa mga sinasabi ngayon ni Cheska. Ganito pala ang nagagawa ng pag ibig minsan.

"Ano mamili ka? Rape or papatayin nalang siya? Your choice."

"W-wag mo siyang ipapatay."

"Good! So lumakad kana at hinihintay kana ni Erin."

- - - - - - - - - - - - - - - -

0.0 omgmgmgmg lapit na mataposssssssss

Nag loloko nanaman po wattpad ko ~_~ sorry po sa errors!

Thankkkkkk youuu :*

Thanks for reading!!!

Sinisipag akong mag update ngayon hihihi

Vote? Comment??? Thank you po!!!

Continue Reading

You'll Also Like

434K 9.6K 43
basta gxg, di ako magaling sa description. basahin mo nalang
27.6K 1.4K 40
DR Series 1 [TAGLISH] I really don't believe that opposite attracts, I think likeness attracts likeness. Two people that hate each other can't be tog...
364K 13.2K 34
"Someone said to me that It's hard to pretend you love someone when you don't. But its harder to pretend you don't love someone when you really do."...