Bad Girl for A Girlfriend (1...

By Chelsea_13

9.9M 123K 25.4K

Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick... More

BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND (#BGFAG)
BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND- PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA
⚠️This is important: PLEASE READ⚠️
Season 1 |1|#TheBreak-Up
Season 1 |2|>>#TheBitch
Season 1 |3|>> #TheFirstCall
Season 1 |4| >>#TheUnHolyTrinity
Season 1 |5|>> #AngProbinsyanoSaBar
Season 1 |6|>>#OnlyHope
Season 1 |7|>> HappyBirthdayKen!
Season 1 |8|>> #Pagsisimula
Season 1 |9| >> #JadeAndGem
Season 1 |9| >> #JadeAndGem (Part Two)
Season 1 |10| >> #WillYouSignTheContract?
Season 1 |11|>> #MyTemporaryGirlfriend
Season 1 |12|>> #LetTheGamesBegin
Season 1 |13| >> #FirstLesson
Season 1 |14|>> #AngGwapongBabaero
Season 1 | 15| >>#TastesLikeChocolates
Season 1 |16|>> #Papabebe
Season 1 |16|>>#Papabebe (Part two)
Season 1 |17| >> #Kundiman
Season 1 |18| >> #AngMalandingBakla
Season 1 |18| >> #AngMalandingBakla (PART TWO)
Season 1 |19| >>#NewBeginningsAndLies
Season 1|20|>>#ThousandSunsets
Season 1|21| >>#PanlolokongInako
Season 1|22| >>StillInLove (Part One)
Season 1|22| >>StillInLove (Part Two)
Season 1 |23| >>#MagTiwalaKaSaAkin
Season 1 |24|>>#GayLove
Season 1 |25|>> #TheGameIsOn
Season 1 |26|>>#Beldrick (Part One)
Season 1 |26| >>#Beldrick (Part Two)
Season 1 |27| >>#AngBabeNgBayan
Season 1 |27| >>#AngBabeNgBayan (Part Two)
Season 1 |28| >>#QuantumLoveAffair
Season 1 |29|>>#ILoveHimNotYou
Season 1 |30|>>#LetUsDoVanilla (Part One)
Season 1 |30|>>#LetUsDoVanilla (Two)
Season 1 |31|>>#OneYear
Season 1 |32|>>#UglyBarbie
Season 1 |33|>>#SleepOver
Season 1 |34|>>#PlayingWithHisPopsicle
Season 1 |35|>> #JustOneKiss
Season 1 |36|>>#ILoveTheWayYouLie
Season 1 |37|>>#FckBuddies
Season 1 |38|>>#Taken
Season 1 |39|>>#TheCheater
Season 1 |40|>>#GoodNightKiss (Part One)
Season 1 |40|>>#GoodnightKiss (Part Two)
Special Chapter #1 (Justin's Back story)>>#StayBreatheLove
Special Chapter #2 (Leo&Jesse's Back story) >>#LoveIsADangerousGameToPlay
Special chapter #3 (Nico's Backstory) >>#TheOtherSideOfLove (Part One)
Special chapter #3 (Nico's Backstory) >>#TheOtherSideOfLove (Part Two)
SEASON 2
Season 2 | A |>> #OneChance
Season 2 | B |>> #Babo
Season 2 | C |>> #HugsAndKisses
Season 2 | D |>> #MeAndMyJealousy
Season 2 | E |>> #AkinLangSiya
Season 2 | F |>>#MgaNgiti
Season 2 | G | >> #MakasalanangMgaLabi
Season 2| H | >> #MakingMeBreathless
Season 2 |H| >> #MakingMeBreathless (Part Two)
Season 2 | I |>> #SecretsAndRevelations
Season 2 | I | >> #SecretsAndRevelations (PART 2)
Season 2 |J |>> #EnemyFromTheStart
Season 2 |K | >>#JeepneyLove
Season 2 |L | >> #FamilyDrama
Season 2 |M|>> #MyPossesiveBoyToy
Season 2 |M| >>#MyPossessiveBoyToy (PART TWO)
Season 2 | ñ|>> #First Love, Frenemies, Promises & Other Bullsht
Season 2 | NG|>> #It'sOver (PART ONE)
Season 2 | NG|>> #It'sOver (PART 2)
Season 2 Chapter NG |>> #It'sOver (PART 3)
Season 2 Chapter NG |>> #It'sOver (PART 4)
Season 2 Chapter | O | >> #IStillLoveYou (PART ONE)
Season 2 Chapter |O| >>#IStillLoveYou (PART TWO)
Season 2 |P| >> #TalkDirtyToMe
Season 2 |Q| >> #TheTruthAboutUs (PART ONE)
Season 2 | Q |>> #TheTruthAboutUs (PART TWO)
Season 2 | Q |>> #TheTruthAboutUs (PART THREE)
Season 2 | Q | >> #TheTruthAboutUs (PART FOUR)
Season 2 | Q | >> #TheTruthAboutUs (PART FIVE)
Season 2: Chapter | R |>> F.U. (PART ONE)
Season 2 | R | >> #F.U (PART TWO)
Season 2 | R | >> #F.U (PART THREE)
Season 2 | S | >> #HitMeHard
Season 2 | T | >> #TheLastWomanStanding
Season 2 | U | >> #ChooseMeLoveMe
Season 2 |U| >>#ChooseMeLoveMe (PART TWO)
Season 2 | V | >>#AngUnggoyAtAngAso
Season 2 | W |>> #Ignorance,Love,Revenge,Goodbye
Season 2 | X |>> #GlorienneJadenSilva (PART ONE)
Season 2 | X |>> #GlorienneJadenSilva (PART TWO)
Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART THREE)
Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART FOUR)
Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART FIVE)
Season 2 | Y| >>#AsLongAsYouLoveMe
Season 2 |Z |>>#Always&Forever| BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND | #BGFAG
Season 2 | Z |>>#Always&Forever| | #BGFAG (part two)
Season 2 | Z |>>#Always&Forever| | #FHBGFAG (part three)
Season 2 |Z |>>#Always&Forever|#BGFAG (Part four)
Season 2 | Z | #Always&Forever | #BGFAG (part 5)
BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND: LAST CHAPTER #BGFAG
Author's Note
#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART ONE) #TheOneThatGotAway
#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART TWO) #TheOneThatReturned
#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART THREE) #TheOneThatGotHerHappyEnding
Bad Girl For A Girlfriend [ Real Epilogue]
BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND (SPECIAL CHAPTER #4 ) >> #LoveIsASacrifice
[Special Chapter : Christmas]
BGFAG playlist | 13 Facts
Bad Girl For A Girlfriend UPDATE!
THANK YOU NOTE <3 Updated!
New Story: The Ugly Club of Brent University
New Story: Destroy Me

Season 2 |N| >> #The Adventures of YOLO King and Queen

71.8K 830 121
By Chelsea_13


Season 2 |N| >> #The Adventures of YOLO King and Queen


Kendrick's POV


Sa lahat ng plano ni Belle eto ang pinaka hindi ko sinasang ayunan.


"Come on Ken. Wag kang KJ! This is all for fun!"


"But this is ridiculous,"


Sino ba naman ang lalabas ng bahay ng madaling araw at gagawa ng prank? Tss. Dapat talaga pinatulog ko na siya kanina at hindi na nakisabay sa pagdadaldal niya sa akin. Hindi ko na dapat hinayaan na i-blackmail niya pa ako.


"Eh! Nag agree ka na sa deal natin kanina ah! Sabi mo sa akin payag ka na sa lahat ng sasabihin ko kapalit ng pag erase ko sa scandal mo!"



Scandal.


Psh.


Laking pagsisi ko talaga at nagpabaya ako noong araw ng birthday ko. Kung hindi ako nagpakalasing nang araw na yun hindi sana nalagyan ng droga ang alak na iniinom ko. Hindi sana ako nakuhanan ni Belle ng video na sumasayaw ng malaswa.


Psh. Miski si Justin wala din siyang takas dahil kasama ko siya dun sa video.


Iwinasiwas ulit ni Belle yung hawak niya na CD. Kanina nagulat na lang ako nang bigla niya itong isinalang sa TV at nakita ko na lang yung sarili kong halatang nakainom na sumasayaw dun sa may stage.


"You are drunk Belle. Lika na uuwi na talaga kita,"


"Hindi ako lasing! Look, just drink this para hindi ka kabahan!"


"Ano yan? San Mig?"


"Dami mong tanong. Light lang yan pampalakas ng loob. Bilis bottles up!"


Ininom ko  diretso yung sa bote. Tama nga siya masyado akong kinakabahan sa gagawin ko. Kung wala akong natitirang kahihiyan sa katawan baka hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ng baliw na'to pero wala eh, pinakita niya sa akin yung video.


Tss.


Nakakahiya talaga. Naghubad pa ako sa madaming tao.


"Sige na Kendrick? Please? Kukunin mo lang naman yung boxers na nakasampay dun. Ayun oh," Sabi niya sabay turo dun sa  sampayan ng mga damit.


 Nakita ko yung kanina niya pang napagiinitang superman boxers. Nadaanan lang namin 'to kanina habang pinilit niya ako mag joyride ng alas tres ng umaga.


"Paano Kung mahuli tayo ng pulis? "


OA! Haha! Boxers lang ang nanakawin kulong agad?"


"Pero..."


"Tsk! Sige na Kendrick. Kunin mo lang nang mabilisan tapos tumakbo ka pabalik dito sa sasakyan para hindi na tayo mahuli,"


"This is childish Belle!"


"No it's not! Ang saya kaya nito. Get loose papabebe! Masyado ka kasing seryoso. YOLO! YOLO! YOLO!"


Nagsimula siyang mag chant sa may kotse kaya naman mabilis kong tinakpan yung bibig niya.


"Wag ka maingay! Marinig pa tayo ng mga lalaking yan,"


Psh. Iskandalosa talaga kahit kailan. Pag kami narinig ng mga naglalasing diyan lagot na kami.


"Belle. Yes, it's true.  You only live once but like what they say, if you do it right, once is enough. We shouldn't do this. Baka kung ano pang mangyari sa atin," Kinagat niya yung kamay ko kaya wala akong magawa kung hindi tanggalin ito sa pagkakatakip ng bibig niya.


"Ew. Nerd ka talaga forever kumo-quoatable quotes ka pa diyan! Pati ang pag yo-Yolo ko ginagawa mong big deal,"


"I'm just saying my point,"



"So was I. Look at you. You are young. Pero natatakot ka. Bakit ka ba natatakot? I'm always observing you...Kendrick. You think too much. You care too much.  Stop being a stiff. Stop caring what other people may think. Say what you want. Do what you want.  Be whatever you want.  Live now. Take some risk. Embrace danger. This life is yours Ken. When are you going to realize that you can do whatever f*ck you want, huh? Kaya bilis na, pumunta ka na dun at kunin yung superman boxers na gusto ko,"



"Pero..."


"Ken, only those who risk are the one that truly lives. So get your butt out of here, and get my boxers,"


May magagawa pa ba ako? Nagbigay na nang utos ang kamahalan, may karapatan pa ba akong umangal? Kung hindi ko lang gusto tong babae na'to. Tsk.


"Pagkatapos nito, ako mismo ang magbubura ng lahat ng kopya mo ng video ko." Seryoso kong sabi.


Hindi siya agad sumagot sa akin at ngumiti lang.


"Belle,"


"Ken,"


"Seryoso ako,"


"Mas seryoso ako sayo,"


Pinilit kong wag ngumiti sa sinabi niya.


Hindi na ako sumagot at nagsimula na ako magpaandar ng kotse. Tss, hindi naman pala siya susunod sa napag usapan. May pa YOLO, yolo pang nalalaman.


Nang tumunog na yung makina agad niya akong hinawakan sa braso. "Fine! Fine! I will erase all the videos! Ugh! Bummer!"


Ngumingisi ako habang bumaba ako sa kotse. Tiningnan ko muna kung nahalata na ba kami ng mga may-ari nang nakasampay na damit na ngayon ay nag iinuman.


 Nang makasigurado ako na hindi pa ako nakikita ng mga lalaki agad akong tumakbo papunta dun sa may bakod. Mataas yung bakod kaya nagdahan dahan ako paakyat. Kada apak ko sa metal na patungan tumitingin ako sa paligid.  Wala pa naman sa ngayon ang nakakakita o nakakarinig sa akin.


 Agad kong nakita yung pinagiinitan ni Belle kaya naman agad ko itong kinuha. Mukhang bago at kakalaba pa lang dahil mabasa basa.


Ang dali naman pala tong pinapagawa sa akin. Hindi naman pala ako mahuhuli dito. Tiningnan ko ulit yung mga naglalasing at mukhang hindi naman nila ako nakikita. Masyado silang lulong sa pag inom.


Aakyat na sana akong bakod pabalik sa sasakyan nang may narinig akong isang tahol.


At isa pa.


Hanggang sa dire-diretso na yung tahol.


Sht.


Lumingon ako sa pinagagalingan ng tahol. May aso palang nakakadena malapit sa sampayan at sa direksyon ko tumatahol. Hindi ako mahilig sa  aso. Ayoko sa kanila. At nang bata kasi ako nakagat na ako ng isa sa kanila kaya ayoko talaga.


Walang tigil sa pagtahol sa akin yung aso. Lumalabas ang ngipin at nagsisitaasan lahat ng balbon niya na parang galit  sa akin.  Ah , oo nga pala. Ninanakaw ko pala yung boxers ng amo niya. Dmn. Paano na'to siguradong maririnig 'to ng mga naglalasing!


Nagmadali ako sa pag akyat sa bakod pero kahit anong gawin ko nadudulas ako. Sht. Bakit kanina naman may napatungan ako? Sht.


"May tao ba diyan? Hoy! Magnanakaw!"


Sa sobrang pagkataranta ko pinilit  ko na lang magkasya  kung boxers sa may bulsa ko at ginamit yung dalawa kong kamay para akyatin ang bakod. Lumingon ako at nakitang  papalapit na sa akin ang apat na lalaking nagiinuman kanina.


Kung maabutan nila ako tiyak patay ako nito. Sa laki ba naman ng mga katawan nila kumpara sa akin panigurado talo ako.


Naghanap ako ng ibang daan bukod sa bakod. At nang may nakita akong makitid na daan sa gilid hindi na ako nagaksaya ng panahon at mabilis na tumakbo.


" Sht! Sht! Sht!"


"Magnanakaw! Gag*! Bumalik ka dito!"


Kahit na sa malayo rinig pa din yung pagtama ng parang kadena sa isa pang metal. Mas binilisan ko pa lalo ang pagtakbo ko papalabas. Isa lang ang ibig sabihin nito, pinakawalan na nila yung aso.


"Fck! Shit!"


Nahigit ng isang lalaki yung polo ko at pinaharap ako. Sa sobrang lakas ng pagkakahigit sa akin napaupo ako sa lapag. Hindi pa nga ako nakakabawi bigla naman niya akong kinwelyuhan.  "Magnanakaw! Ano kinuha mo sa amin ha?!" sigaw sa akin.


 "Wa-wala..."


Sinubukan niya akong suntukin  kaso nakawala ka agad ako sa pagkakakwelyo niya at nakaiwas sa kamao niya. Tanging daplis lang sa gilid ng mga mata ko ang naibigay niya sa akin.


Mukhang nagulat siya sa biglaang pag kakawala ko kaya naman kinuha ko yung oras para tumakbo papalayo.


Ilang beses din akong nadapa sa pagtakbo ko at nang makakita ako nang medyo mababang bakod agad ko itong inakyat at tumalon pababa.  Tabi –tabi ang mga bahay kaya nahirapan akong makahanap ng labasan. Tapos apat na silang mga lalaki na humahabol at umakyat din sa may bakod katulad ng ginawa ko.


Tsk! Kung hindi dahil sa kabaliwan ni Belle hindi  mangyayari 'to! Psh! At boxers lang na weirdo ang kinuha ko! Hindi ito ginto!


Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa maaninag ko na yung kotse.  Lalapit na sana ako nang maramadaman kong may biglang kumagat sa pantalon ko. Nang lingonin ko yung aso pala.


"Alis! Alis!" sabi ko sa kanya at pinilit na palayuin. Buti na lang at sa laylayan ko lang siya nakagat at hindi sa mismong paa.  Ayaw niya pa din kumawala at yung apat na lalaki papalapit na ng papalapit sa kanya. Hindi na ako nagisip at hinubad ko ang pantalon ko at nang Malaya na ako sa aso kinuha ko yung superman boxers sa may bulsa ko at nagsimula na naman akong tumakbo papunta sa kotse.



Nadatnan ko si Belle na mamatay na sa kakatawa.


"Oh my God! Kendrick! That's so epic!"


Binato ko sa pwesto niya yung boxers. Ang lapit na nung lalaki at nung aso niya sa akin. Kung hindi lang ako mabilis na nakatakbo baka maabutan niya ako at hindi lang suntok ang maabot ko.


Hindi na ako nagaksaya ng panahon at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Nang makasigurado akong walang humahabol sa amin pinark ko yung kotse sa isang iskinita.


"Are you happy? Psh. Muntik na ako dun."


Seryoso ko yung sinabi kaso nang mag umpisa na naman siya sa pagtawa hindi ko na napigilang sumabay sa kanya.


Kasi kung tutuusin  nga naman parang ewan lang yung ginawa ko. Nagnakaw ng boxers? Haha! Mga tanga lang pwedeng maka isip nun.


"Yes I am happy! You! Haha! Sobra Ken! Kung nakita mo lang yung itsura mo habang pinapaalis mo yung aso mukhang takot na takot! Haha! And now you're smiling like an idiot!"


"Adrenaline rush,"


"Wear it! Bilis! Idoble mo yung ninakaw natin na boxers and I'll take a picture!"


Sa sobrang katuwaan at kalasingan napa-oo niya lang ako bigla. I-dinoble ko yung boxers na ninakaw ko at pinicturan niya ako sa gilid nang sasakyan. May mga pictures din na magkasama kami at solo niya. Hindi kami natigil sa kakatawa kahit na nakahanap pa ako ng extra na pantalon sa likod ng kotse.


"Kendrick, you should be more like this. Mas bagay sayo maging makwela at hindi seryoso at pa mysterious!"


Pinabayaan ko lang siyang mag kwento at asarin ako habang pinapabagal ko muna yung paghinga ko sa kakatawa. Sht. Ngayon na alang ako nakatakbo nang ganun kabilis. Ngayon lang ako nakatawa nang sobrang ganun katindi. Sobrang sarap ng pakiramdam. Malaya.


"Saan tayo susunod?"


Alam kong hindi lang ito ang pinlano ni Belle. At isa pa nawala na ang antok at kalasingan ko sa pagtakbo ko kanina.


"Wait," bumaba siya sa kotse at pumunta sa harapan. Akala ko kung anong ginagawa niya yun pala isinabit niya lang pala yung boxers na ninakaw ko sa may logo ng jaguar sa harapan ng kotse.


"Ayan, may flag na tayo!"


"Bakit mo diyan nilagay? Hindi ba mahuhulog yan?"


"Nope! Come on drive! Mahaba pa araw natin! Wohoo! YOLO day!" Tumatawa pa din siya habang inilalagay niya yung susunod naming destinasyon sa may GPS ko. Nang makita ko kung saan kami pupunta napailing na lang ako at napangiti.


Ano ba 'tong napasok ko?


~~


"We're here!" Hindi niya ako hinintay at mag-isang bumaba na sa sasakyan.


Sinundan ko na lang siya kagaya ng lagi kong ginagawa nitong mga nakaraang buwan. Huminto kami sa tapat ng isang abandonadong building.


Kung wala lang yung madaming tao at mga mamahaling sasakyan sa paligid, samahan pa nang nakakabinging mga patugtog at mga nakakaalat na mga bote ng alak at mga upos nang sigarilyo aakalain mo na nasa isang horror movie kami dahil nga sa mga abandonadong mga building sa paligid.


"Ano 'to?"


"Party? Drag Racing event?"


Nagkibit balikat lang si Belle at nag patuloy na maglakad. Hinawakan ko ang kamay niya at baka mawala na naman at hindi ko makita.


"Silva!"


Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses. Isang mukhang senior highschool  student na lalaki ang lumapit sa amin. May kasama pa siyang apat na sumunod sa likod niya. Nasabi kong mga highschool sila dahil nakasuot pa sila nang uniform. Mga nakabukas nga lang ang mga butones at wala na silang suot na mga I.D.


 At mukhang Brent Highschool uniform pa ata ang mga suot nila.


"Ares! Baby ko! I missed you!"


Kumawala sa pagkakahawak ko si Belle at sinalubong ng yakap yung batang tinawag niya na Ares.


Lumapit ako sa kanila. Tumingin lang sa akin si Ares na parang naghahamon. Anong problema sa akin nitong batang ito?


"Boyfriend mo, tanda?" 


Tiningnan ko si Belle kung anong magiging reaksyon niya sa pag tawag sa kanyang tanda ni Ares, pero mas lalo lang siyang ngumiti. Ha? Di siya maiinsulto dun?


"Yup! So be good to him baby! Oh gosh! I missed you! Pakurot bilis!"


"Ate Belle naman, bakit si Ares lang namiss mo? Paano naman kami?" Nagsalita yung isang lalaki sa may bandang tapat ko. Kamukha niya si Ares siguro kapatid niya.



"Xander  baby!" parang bata na lumipat si Belle mula kay Ares at niyakap ng mahigpit si Xander.


"Ikaw din Ezra, Janus at Jethro! Aba! Mga binata na babies ko ah!"

Tumingin lang ako habang nagkakamustahan sila. "Nga pala. Guys, eto nga pala si Kendrick. Boyfriend ko,"



Iba't ibang reaksyon yung nakuha ko sa limang mga bata pero parang iisa lang ang gusto nilang sabihin.


Na ayaw nila sa akin.


"And Umm... Kendrick?" utal na sabi ni Belle namukhang nahahalata na ang pagtaas ng tension sa paligid. "This is Ares Madrigal," turo niya sa lalakking kanina pa masama ang dugo sa akin. "This is his brother Xander. Tapos etong tatlong 'to ay si Ezra, Janus at Jethro.  Family friends sila kaya ako yung nagsilbing big sister nila,"


"Lola kamo," sabi nang si Jethro. Hindi na ako nagulat nang batukan siya ni Belle. "Sorry ate Belle!"



Habang abala si Belle sa pagbabatok dun kay Jethro, si Ares yung pinaka lider-lideran nila ay bigla akong kinausap. "Seryoso ka ba sa ate ko?"


Nagulat ako sa biglaang tanong niya kaya hindi agad ako sumagot. Lumapit siya sa akin, mas mababa siya nang konti kaya hindi ako natakot sa nakakamatay na tingin niya.


"Uulitin ko Kendrick...tama ba?" sa paraan nang pagkasabi niya nang pangalan ko parang pinaparating niya na kailangan kong matakot sa mga bantang sasabihin niya.


Pinigil ko na lang ang ngisi na gustong lumabas. Gusto ko sana sabihin na nalagpasan ko na ang parting yan sa buhay. Yang parte na lagi ako yung mahina at natatakot sa mga banta nang ibang tao.


"Pag sinaktan mo yang si Tanda, hindi lang ako ang makakalaban mo.   Kita mo 'to?" itinaas niya yung braso niya at mukhang ibinibida niya yun. Woah. Seryoso ba'tong bata na'to? Dmn! Ang sarap tumawa! "At kita mo sila," biglang itinuro niya yung apat na kaibigan niya, "Pag sinaktan mo si tanda, pangako bro hindi ka na makakaabot bukas, sa makalawa o kahit sa isang taon pa,"



Napatulala lang ako. Grabe, ganito na ba ang mga bata ngayon?   


"Yes boss,"Nagkunwari akong sumaludo sa kanya at ngumisi. Hindi ko alam kung bakit mas naging presko ako ngayon, ewan siguro ganun ang nangyayari sa isang taong laging kasama ni Belle. Nahahawaan na ako nang kayabangan nang baliw na yun.  Inilahad ko din ang kamay ko para kamayan niya. Si Belle abot tenga ang ngiti sa may likod at nanunuod.


"Good. So you want to race?"

~~

||Belle's POV||


"Tanda, magkano pusta mo?"


"Grr! Fck off Jethro! Don't call me that! Wala ka talagang respeto!" Pabiro kong binatukan yung loko. The first thing that popped out of my mind when Kendrick asked me kung saan ko gustong sunod na pumunta, eto agad ang naisip ko. Not just because, I want Kendrick to experience life outside his empty shell but I also know na maabutan ko dito ang barkada ni Ares baby. I want them to know Kendrick kasi e.


"Bilis na ate Belle. Kita mo 'tong si Ezra, 5K agad ang taya kay Ares," Tumango lang si Ezra sa sinabi ni Xander. Kahit kailian talaga ang tahimik nitong bata na'to kumpara sa apat.


"You wanna bet? Sure 15K for Kendrick,"


Lahat sila nag  si hiyawan at nag apiran. They need money that much? I know lahat sila mayayaman pero why are they so excited?


"Yun oh! Galante si gurang! Wohooo! 5K ako kay Ares!" hiyaw ni Janus.


"6K sa Kendrick ni gurang," seryosong sabi ni Xander. Woah! Hindi siya pupusta sa kapatid niya?


  "Uy Xander, baka magalit utol mo sayo." –Jethro


"Yaan mo na yung gag* na yun, lakas topak e,"


Kinalabit ako ni Ezra, "Ate, humanda ka na matalo. Yang si Ares mainit ang dugo sa bago mong laruan. Hanggang ngayon ate iniisip niya na lahat ng lalaking nakapaligid sayo katulad ni kuya Nico,"


Si Nico...


"Etong si Ezra kahit kailang Gag*. Wag mo na ngang banggitin ang pangalan nun! Respeto naman sa nag mo-move on! Di ba ate?" Matapos sapakin si Ezra nagtaas taas ng kilay eto si Jethro.Tsk! Kahit kalian talaga maloko.


"Eh! Basta! Yung pustahan ah! Come on babies! Punta na tayo dun, bilis!"


Kinaladkad ko lahat sila papunta dun sa may VIP section nang improvise race track sa may highway at sumama sa ibang taong humihiyaw at nang ta-trash talk sa mga mag ra-race. This is an underground activity kaya hindi na ako magtaka nang may nagpapapasa-pasa ng ecstacy at alcohol.


I sat down and look immediately for Kendrick. Nakita ko siyang nakatayo sa isang magarang sasakyan at pinagmamasdan ang exterior nito. Hindi ko alam ang type nang car na ipinahiram sa kanya kaya kinalabit ko si Xander sa gilid.

"Xan, ano yung car ni Kendrick?"


"Ah yun ba? Koeningsegg Agerayan,  pinaka malakas sa level 7,"


"Level 7? What do you mean? Sure win na siya?"


Tumawa nang malakas si Xander sa gilid ko na para bang nagsabi ako nang sobrang nakakatawang joke.


"Are you kidding me ate? Look, here comes my brother," itinuro niya ang papalapit na sasakyan.


I couldn't help but to smile. "Gurang!" Bigla akong tinawag ni Ares mula sa sasakyan niya. He's driving his shiny black Lamborghini Murcielago. I know, because I was the one who gave it to him on his 16th birthday.  Tumango ako at kumaway sa kanya.


"Alam mo naman siguro ate yan yung birthday gift mo kay kuya. That car is level 8 sa mundo ng street car racing. It's one level ahead of your boyfriend's car. I suggest na magdasal ka na sa 15k mo ate Belle, dahil kung hindi marunong maghandle ng race si Kendrick first lap pa lang kakain na siya nang alikabok,"


I just shrug at him and flashed my infamous smirk. Hindi ako nag-aalala kay papabebe. I saw him drive. Alam kong nag pipigil lang siyang mag drive nang mabilis dahil nandiyan ako. I know a racer when I see one. Kaya alam kong kaya niya yan.


Lumabas nang sasakyan si Ares at lumapit kay Kendrick. Seryoso ang mga mukha nila habang nag-uusap. Hmm... I smell something fishy. Mukhang may pinag-uusapan silang importante na kailangan pa talaga nilang mag shake hands.


Then it clicked to me.


They are having a bet.


God! Bet! Bet! Puro na lang bet! Hindi ba pagod ang buong populasyon nang mga lalaki kaka pusta?


Both entered their car, at may pumusisyon na ding nakabikini na babae sa gitna para mag start ng signal. I need to talk to Kendrick first, alam kong may pagka gag* si Ares kaya kung ano man ang pinagpustahan nila, alam kong hindi maganda yun.


Without really asking for permission, I jumped the barrier. Hindi naman masyadong kataasan kaya wala akong naging problema at isa pa it's no big deal that I am wearing heels.


Sinigawan nila Ezra yung bouncer na nag akmang pumigil sa akin. Agad naman silang sinunod ng bouncer dahil siguro kilala na sila dito.


Pumunta ako sa sasakyan muna ni Ken at kinatok at bintana niya. Syempre nagulat siya pagkakita sa akin.


"Anong ginagawa mo dito?"


"Idiot! I am wishing you good luck what else?" sarkastiko kong sagot.  I didn't wait for any replies, I just put my lips quickly against his,  giving him a peck. "Be safe. Madumi maglaro si Ares, so avoid him at all cost do you understand? And he's just a highschool student don't do anything dirty either," Tumango lang siya. "Good, good luck then!"


Iniwan ko siya at pumunta naman sa kotse ni Ares sa gilid. Tiningnan ko yung babae sa gitna na nakatingin naman sa akin nang masama, halatang inggit dahil kilala ko yung dalawang racer. I just raise my middle finger at her and smirk. Eat that bitch!



Hindi katulad ni Ken, nakababa ka agad yung bintana ni Ares. "Yo, Ares baby boy!"


"Andito ka ba para i-good luck ako?"


"Nah, I'm here to ask about your bet,"Diretso kong tanong.


"What bet?" painosente naman niyang sagot.


"Don't play dumb Madrigal,"


"Woah, chill ka lang gurang! Sa amin lang dalawa na ng laruan mo yun, kaya wag ka na makisawsaw. At isa pa, wag ka mag-alala, I'll play fair sa kanya. Papaunahin ko siya sa first lap, para naman makapaghanda siya kumain nang alikabok at usok ng sasakyan ko sa second lap."


Psh. Talk about kahambugan di ba?


"Just be safe,"


"I'm always safe gurang, I'm always bringing my c*nd*m with me,"


"F-uck you,"


"Mandiri ka nga tanda! Alam kong sobrang gwapo ako, pero wag naman ganun. Virgin pa ako!"


I punched his Lamborghini slightly and walk directly ahead. Nag stop lang ako nang marating ko na yung place ni bikini girl.


"Hey you move!" sambit ko with my neutral face.


Tinaasan naman niya ako ng kilay. "And who the hell are you?"


"I'm the one who will force you to drink muriatic acid and slice you into these tiny little ugly pieces if you will not move. Now Go,"


Halatang nagulat at natakot siya sa sinabi ko, "B*tch," narinig kong ibinulong niya pagkabigay niya sa akin nang flag at umalis na.


"Now, it's show time."


~~


"Kendrick! Papabebe! Wohoo! Congrats!!!"


I'm glad at tinanggal ko ang heels ko! Tumakbo ako nang mabilis sa kinaroroonan ni Kendrick at agad akong tumalon sa kanya. He caught me easily at binuhat niya ako all the while, kissing me passionately.


Ginulo ko muna yung basa nang pawis niyang buhok at pinunasan ang noo niya. "First time na may nakatalo kay Ares! Papabebe you're the best!" Ngumiti lang siya sa akin na ikinalabas ng dimples niya. Kyah! Why so Gwapo?


"Dude! Nice race!" Nag manly hug sila ni Ares. Hala, ano 'to instant bromance natapos lang ang race?! May ibinulong si Ares kay Kendrick nang akala niyang hindi ako tumitingin. Guess it's about that bet. I'll ask Kendrick mamaya.


"O, ano Ares baby, tanggap mo na si Ken?"


"Yup, pero gurang mas gwapo pa din ako sa kanya di ba?"


"Maybe?" Nag pout si Ares na parang batang damulag. God! I really love this child!


"Haha! Joke lang Madrigal, syempre naman. You are my favorite pamangkin e!"  Binear hug ko siya.


"Paano naman kami?"  pa cute naman nang apat na natitira. "Of course I love you all! Group hug!" Bago pa ako na sand which nang mga babies ko hinablot ko ang kamay ni Kendrick at pinasama ko siya sa group hug.


Finally he belongs now to my family.


Saktong pagkakakalas namin sa mini group hug may sumigaw naman sa di kalayuan. "Pulis! May mga pulis!"


Then all of a sudden, all hell breaks loose.


"Ken alam mo ba ang ibig sabihin nito?"


Siguro kaming dalawa lang ang hindi nag pa-panic. Yung mga magbabarkada kanina pa tumakbo at nagsipuntahan sa kanya kanyang mga kotse habang ang iba ganun din ang ginagawa.  May kinuha siyang maliit na papel mula sa bulsa niya. Ibinigay niya ito sa akin habang nakangisi pa din.


Binuksan ko ito at binasa.


"To-do list natin?"


"Oo, eto ball pen check mo yung mga tapos na natin,"


Muntik na akong maguluhan sa sinabi ni Kendrick pero nang makita ko yung mga police cars na isa-isang nag dadatingan sa lugar namin, dun lang may parang bumbilyang nagbukas sa utak ko.


To-do List.

>  Social Skills (Dressing up, talking with other people...etc.)-

>  Run for a position in Student Council

ü  Out of town with friends for a week.

 >  Kissing Skills ( Smack, Normal, Passionate, French, )

>  BHJ (Fast or Slow)

ü  Vanilla

>   Kiss/Make out with some random girl

> Kiss/Make out with Evil Ex

>  Kiss/Make out inside a car

ü  Do something crazy

ü  Get some warning for expulsion letter from the dean

ü  Get caught by a police officer

ü   Crash a Party

> Get into fight

ü  Gym

>  Ditch class for a day and have a date with Belle

ü  Erotic and one of a kind mating.


Nilagyan ko na ng check mark yung 'Do Something Crazy' niya dahil natapos na namin gawin yun nang nakawin namin yung superman boxers kanina. Pati yung 'Crash a party' dahil bigla na lang siyang sumulpot sa party ni Ae kanina nang walang nagimbita.


Bumaba yung tingin ko sa isang entry sa check list niya. Nakalagay dun 'Get caught by a police officer,'


"Sure ka ba Kendrick? Wala nang back out dito,"


"YOLO tayo di ba?" sabi niya at ngumiti sa akin nang nakakaloko.


I smiled too. Then without any moment to spare we walk hand in hand towards the direction of the police officer.


Oh well, minsan kailangan talaga sa buhay ang mag rebelde.  Katulad nga nang sinabi ko. It's a YOLO day for us.

~~




A/N


Get ready it'll be downhill after this HOHOHO


Continue Reading

You'll Also Like

Her Greatest Return By m

General Fiction

7.2M 17.9K 5
Her Greatest Return Written by: TheDarkestBlue Highest Rank Achieved - #1 in General Fiction (May 31, 2017) Copyright © 2015 TheDarkestBlue, All Rig...
523K 9.4K 33
Please, read the Student Terror Part 1 first.
9.2K 130 19
May mga bagay na nakasanayan mo nang andiyan, kaya hindi mo na gaanong nakikita ang halaga. Familiarity breeds contempt, sabi pa nga. Pero paano kung...
107K 3.5K 32
Free-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Au...