He Speaks, She Talks (Complet...

Por vincentmanrique

5K 419 169

Maniwala ka, buhay mo ang laman nito. A collaboration with @greatfairy ©2017 by greatfairy and manrvinm ... Mais

He Speaks, She Talks
She Talks: Friends or Lovers
He Speaks: Paano Mai-in Love Sa'yo ang Friend Mo?
She Talks: Paano Mai-in Love Sa'yo ang Friend Mo?
He Speaks: Bigti na, Friend!
She Talks: Bigti na, Friend!
Life and Lemons
A Piece of Advice
Announcement
Taong Mahal Mo o Taong Mahal Ka
Single But Happy

He Speaks: Friends or Lovers

1K 57 60
Por vincentmanrique

by: manrvinm

***

Naniniwala ako na sa isang relasyon, dapat laging may limitasyon. Kaibigan man 'yan o kasintahan. Hindi ka dapat lalagpas sa boundary ng pagkakaibigan. Dapat alam mo rin kung hanggang saan lang kayo bilang magkasintahan.

Masarap ang may kaibigan. Madalas, pamilya ang turing mo sa kanya. Siya iyong taong kapatid mo mula sa ibang mga magulang. Kumakain ka kasama siya. May mga pagkakataong natutulog kang katabi siya. Siya iyong kapag humingi ng kinakain mo eh mas marami pa ang nakakain niya kesa sa'yo. Siya 'yung pagtatawanan ka sa mga katangahan mo. Kukutusan ka niya sa bawat kagaguhang gagawin mo. Siya 'yung inaasahan mong dadamay sa'yo tuwing may problema ka at makikitawa sa bawat saya. Siya 'yung kapag nagbibiruan, akala mo nag-aaway na kayo. Pero hindi. Ganoon lang talaga ninyo kakilala ang bawat isa. Ganoon lang talaga kayo magmahalan. Isang pagmamahal na tulad ng kung paano ka magmahal sa kapamilya. Aminin mo bes, hindi ba may mga pagkakataong mas close ka pa sa kaibigan mo kaysa sa kapatid mo? At may mga sikreto kang alam ng kaibigan mo, pero hindi alam ng kapatid mo. Ganun katindi ang relasyon ng magkaibigan. Ngunit tulad din ng magkapatid, dumarating ang panahong nagkakaroon kayo ng tampuhan at mga hindi pagkakaunawaan. Pero sa dulo, ang kaibigan ay kaibigan. Hindi mo siya matitiis, bes. Gagawa ng paraan ang tadhana para muli kayong magkabati at muling gumawa ng masasayang mga alaala.

At dito na papasok ang mas komplikadong mga problema. Dahil sa sobrang closeness at attachment n'yo sa isa't-isa, dumarating ang puntong nagseselos ka na kapag iba ang kasama niya. Nagtatampo ka na kung hindi siya agad makapag-reply sa mga text messages mo. Iyong tipong sunod-sunod mo siyang pinadadalhan ng text messages pero wala siyang sagot kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip mo. Baka may iba siyang ka-text. Baka naman may kausap siya sa fone. O mas malala, baka may ka-date!

Selos kaibigan.

Sige, sabihin nating normal lang 'yan. Katulad lang 'yan ng nararamdaman mo sa iyong kapatid. Gusto mong ikaw lang ang sentro ng kanyang atensyon. Gusto mong sa'yo lang nakalaan ang kanyang oras. Gusto mong ikaw lagi ang kanyang priority. Siyempre naman! Close kayo, eh. Bakit sa iba pa siya sasama eh, nandiyan ka naman? Bakit iba pa ang ite-text niya samantalang hindi ka naman nagkukulang kung text lang din ang pag-uusapan.

Nasasaktan ka sa mga inaakala mong pambabalewala niya sa'yo. Pero ang totoo, normal lang naman na maging close din sa iba pa ang kaibigan mo. Kasi hindi lang naman ikaw ang tao sa mundo. Hindi lang sa'yo umiikot ang buo niyang pagkatao.

Bes, tatandaan mo lagi na wala kang karapatang magselos. Kaibigan ka lang. Hindi naman kayo.

Pero kailan ba pumapasok iyong pagkakataong lumalagpas na sa pagiging magkaibigan ang isang relasyon?

Friends no more, but lovers.

Matanong nga kita. Ano ba talaga ang gusto mo? Maging friend mo siya? O lover?

Mag-isip kang mabuti bago ka sumagot. Mahirap magpadalos-dalos. Balansehin mong mabuti kung mas okay bang maging magkasintahan kayo kesa magkaibigan o vice versa?

Kailangang alam mo ang advantages at disadvantages ng bawat relasyon at sitwasyon. Anu-ano nga ba ang advantages kapag naging magkaibigan lang kayo?

1. Kung magkaibigan kayo, napakadaling magsabi ng sikreto. Hindi n'yo pag-aawayan iyan dahil friends share secrets with each other.

2. Kapag friends kayo, madaling magpatawad kung magkaroon man kayo ng hindi pagkakaunawaan. Hindi awkward ang feeling. Kasi wala namang romantic angle between the two of you.

3. Hindi mo kailangang ipaalam sa kaibigan mo kung nasaan ka at kung ano ang ginagawa mo sa bawat oras. In short, buong-buo ang freedom mo.

4. Hindi ka obligadong tumawag o magtext sa gabi para lang magsabi ng goodnight, i love you, o kung ano mang sweet nothings. Kasi kung lovers kayo at hindi mo iyan ginawa, lagot ka! Humanda ka na sa isang madugong paliwanagan kinabukasan.

5. At higit sa lahat, hindi kayo magbre-break. Kasi wala namang break up sa friendship.

At kung maging lovers naman kayo ng kaibigan mo, ano nga ba ang advantages?

1. Magandang maging lovers ang magkaibigan kasi kilala n'yo na ang isa't-isa, at ang pagkakakilala ninyo ay nabuo sa isang magandang samahan na kung saan hindi mo kinailangang ipakita lang lagi kung ano ang positibo sa'yo. Ano ang ibig kong sabihin? Kapag nanliligaw kasi, asahan mo nang kaming mga lalaki will always put our best foot forward. Iyong tipo ba na puro magagandang ugali lang namin ang makikita n'yo dahil ayaw naming mabawasan ang pogi points. Sino bang nanliligaw ang magpapakita ng bad traits niya? Eh, 'di basted kaagad siya. Pero kung nag-umpisa kayo bilang magkaibigan tapos naging magkasintahan, asahan nang kilala n'yo na nang lubos ang ugali ng isa't-isa at pati nga amoy ng utot n'yo ay kabisado n'yo na rin.

2. Kung kaibigan mo ang naging girlfriend mo, parang instant black coffee ito--- 2 in 1. May friend ka na, may lover ka pa. Would you ask for more?

3. You have a perfect partner. Bakit ko nasabi? Kasi being a couple is a partnership and what is better than having a partner who knows you from within. Hindi ba napakasarap gumising sa umaga na katabi mo iyong taong hindi lang mahal mo kundi kaibigan mo pa? Magulo ba? Huwag mong piliting intindihin ang sinasabi ko. Kapag dumating ang panahon na mangyari ito sa iyo at saka mo masasabing tama pala iyong sinabi ko.

4. Kung magkaibigan kayo bago kayo naging magka-ibigan, siguradong you have common friends. O baka nga you have the same set of friends. Kung ganoon, hindi na magiging mahirap sa'yo na pakisamahan ang mga kaibigan n'ya dahil kilala at kaibigan mo na rin sila from the start.

5. The same thing applies sa parents ninyo. Dahil nga magkaibigan na kayo bago pa naging kayo, siguradong kilala na ng parents n'yo ang bawat isa sa inyo at hindi na kayo mahihirapang pakisamahan ang future in-laws n'yo if ever na humantong sa simbahan ang relasyon ninyong dalawa.

Huwag na nating pag-usapan ang disadvantages, kung meron man dahil sa pakikipagrelasyon naman you really have to take risks. Take note of the letter "s" sa risks kasi plural 'yun dahil maraming risk talaga ang pagdadaanan ng bawat relasyon. Kaya ang dapat gawin ay i-enjoy mo na lang ang masasayang moments at ibaon sa limot ang mga hindi masyadong kagandahang alaalang dala ng pakikipagrelasyon. Turn those negative memories into positive ones by thinking that those are spices that will make your relationship happier and a lot more stronger. Huwag basta-basta magpapatalo sa mga pagsubok sa relasyon n'yo dahil ang totoong nagmamahalan ay marunong lumaban para sa taong mahal niya. Sana ganoon ka.

Pero paano kung na-friendzone ka? Tsk... Tsk... Tsk... Kawawa ka naman.

Mahal na mahal mo siya. Actually, kaya ka nakipagkaibigan sa kanya ay dahil gusto mo na siya simula pa lang. Pero after all efforts have been done... Boom!!! Sumabog sa mukha mo ang mapait na katotohanang kaibigan lang ang turing niya sa'yo at hindi ka niya mahal na katulad ng pagmamahal na gusto mo.

Ano na ang gagawin mo?

Magmumukmok ka ba sa isang sulok? Hihiga at panonoorin ang naglalampungang mga butiki sa kisame? Maghuhuramentado ka ba at isusumpa sa sarili na lagot sa'yo lahat ng lalaking magtatangkang manligaw sa kaibigang nambasted sa'yo? O puputulin mo na rin ang friendship na kaytagal ninyong binuo at inalagaan?

Tanga ka kapag ganyan ang gagawin mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin ang katotohanang hindi siguro kayo para sa isa't-isa at makakakita ka pa ng babaeng kayang tumbasan ang pagmamahal na maibibigay mo? Hindi mo ba naisip na hindi man naging kayo, at least magkaibigan pa rin kayo at mahal ka naman niya bilang kaibigan. Nariyan pa rin siya para sa'yo, on a different level nga lang. Pero ang importante, nandiyan siya. Hindi siya tuluyang nawala sa'yo. Malay mo, pagdating ng panahon panain siya bigla ni kupido at biglang ma-in love rin siya sa'yo.

Oh, huwag kaagad umasa. Nagbibigay lang ako ng possibility. Wala namang masama kung hindi na mag-blossom ang friendship n'yo into something romantic. Basta, ituloy mo lang ang pagiging mabuting kaibigan sa kanya. Pero huwag mo ring kalimutang tumingin sa ibang babae para naman hindi laging ang kaibigan mo ang sentro ng buhay at puso mo. Mas madali mong malilimutan na na-friendzone ka kung magagawa mong ibaling sa iba ang nararamdaman mo para sa kaibigan mong nang-friendzone sa'yo. Malay mo, sa susunod na tumibok ang puso mo ay mas higit pa sa tibok na nararamdaman mo ngayon. Eh, 'di panalo! Baka magpasalamat ka pa sa kaibigan mo na na-friendzone ka niya.

Sa huli, sasabihin ko sa'yo na masarap talagang magmahal. At mas masarap kung ang pagmamahal na kaya mong ibigay ay matutumbasan din ng taong lubos mong minamahal. Pero kung hindi talaga ukol, hindi rin bubukol. Kaya matuto na lang tayong tanggapin ang mga pangyayaring dumarating sa ating buhay pag-ibig. Ang mahalaga ay natuto kang magmahal at hindi ka nahiyang ipadama sa taong iyon ang pagmamahal na nasa puso mo.

Sabi nga nila, mas mabuti nang magmahal ka at mabigo kaysa naman hindi ka magmahal... At all!

×××

A collaboration by:
|greatfairy & manrvinm|
©2017

Continuar a ler

Também vai Gostar

135K 3.6K 63
"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love m...
356K 6.5K 28
Sa loob ng Barangay Santolan magsisimula ang kakaibang karanasan ng labinlimang taong gulang na si Jinuel. Sundan ang kanyang istorya at kung hanggan...
28.7K 817 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...
2.2K 50 23
A story of love, hope, regrets and second chances.