Seducing my Gay Boyfriend (PU...

By justchin

21.7M 362K 87.5K

Aragon Series #3 : Dianneara Aragon is a goddes of beauty.. while Art is a goddes of ocean? huh? ano daw? in... More

Prologue
Art, Art, Art ..
Miss Dianneara
XO
MHL peg
Arturo's POV
Beach or Bitch?
Let's just be Friends
EMO
Always be my Baby
Humberto
Badminton
Where to go?
Movie Marathon
Ulan
Dianne is sick
Who's back?
Humberto is Back!
Arte
Bed Sin
Mahal kita, Tanga!
Bye Dianne, Hello Wife.
Engaged?!
French kiss
Pampanga
The Hari
shocks
Isang taon
Last day
Magkabilang Mundo
Visitors
Ang Pagbabalik
The Mistress
Sweetheart
Bitch Day
Hum and Yan
Quezon City
Nasa'yo na ang lahat
Out
Moving on
Face to Face
Last
THE WEDDiNG
Flashing Back
Cruisin
Home sweet Home
The other side
AD Room
Maria Ayesha Divina
Ending
Epilogue
Kaechosan
Special Chapter

Apple and Milk

269K 5.2K 965
By justchin

Art's POV

"Baby D kumain ka na muna kasi!"

"Ayoko. Ayoko. A YO KO!"

"Kahit konti lang!"

"No!"

"Dianne! Hindi ka mabubusog dyan."

"Ayaw!"

"Dianne walang kang makukuhang sustansya jan sa Apple at gatas!"

"Baby A, sabi ng Doctor an apple a day makes a Doctors go way."

"Yeah. Pero kawawa naman ang Baby natin, kung hindi Apple na may condense milk, apple na sinawsaw sa powder milk naman ang kinakain mo, anong mangyayari sa inyo nyan?"

Napatingin na lang sya sakin.

At opo. Di kayo nagkakamali ng basa, two months ng buntis si Baby D, at dalawang linggo na din syang hindi kumakain ng normal, puro apple at gatas lang, tuwang tuwa na nga ang tindera ng prutas sa kanto namin dahil laging ubos ang mansanas nya, andun na palalamigin nya sa ref ang apple, ididip sa powder milk, ibabad sa condense milk, o kaya naman ilalagay sa evap at palalamigin.

Hindi ko nga lubos maisip kung paano nya matitiis yun, no rice, no meats, no veggies, nag aalala na ko para sa kalagayan nila ng anak ko.

"Eh kasi Baby A, ayoko talaga .." umiiling na sabi nya. "Nasusuka ako." bulong nya pa sakin.

Napabuntunghininga na lang ako at naupo sa gilid ng coffee table at pinagmasdan syang kainin ang gawa nya. Kung may saging con yelo na maraming gatas, may apple con yelo naman na version nya, pinaliguan nya ng evap binuhusan ng condense at nilagyan ng powder milk. At ayan ang asawa ko, sarap na sarap na kumakain habang nanonood ng Dora the Explorer. Nawa'y wag maging katulad ni Dora na lakwatsera ang anak ko.

Hayyy ..

Para tuloy akong magulang na pinipilit si Dianne sa pagkain ng chicken at rice, super po ang hirap sa pagpapakain sa kanya, minsan nabobola ko pa, pero pagkatapos ng dalawa at tatlong subo wala na. Ayaw nya na. Alam kong weird ang paglilihi pero grabe naman ang kay Dianne, hindi na kumakain ng kanin.

Nag consult na nga ako kay Biboy regarding sa mga manerism ni Dianne, sabi nya normal naman daw yun pero nag aalala talaga ako sa kanila ng anak ko.

Kaya naman tumayo na ako, dumiretso sa kusina at binuksan ang ref, tambak na mansanas ang bumungad sakin , kinuha ko lahat yun at nilagay sa plastic, pati lahat ng gatas ay sinama ko, kailangan nyang kumain ng normal. Nilagay ko lahat sa isang cabinet ang mga yun at bumalik sa sala, naupo ako sa single sofa at nakiramdam.

Nang nakita kong paubos na ang kinakain nyang apple ay nag kunwari akong natutulog. I close my eyes, narinig ko ang lakad nya, pati ang pagbukas ng ref at ang ..

Malakas na sigw nya.

"Aaaaaaaaaaarrrrrrrttttt!" napamulat ako.

"Oh?" kabadong tanong ko. Yung feeling na any moment maglalabas sya ng apoy. Pati yung tingin nya sakin nakaka sunog.

"Saan mo dinala yung Apples ko?!" sigaw nya pa.

"Teka .. ano .." humakbang na ako patalikod dahil nakakatakot si Dianne. "Di ko alam!"

"I know! Tinago mo sila! I knew it! May pagnanasa ka din sa mga Apples ko! Nanghingi ka na lang sana sakin!" galit na galit na sabi nya.

Grabe .. nakakabaliw pala ang pagbubuntis? Never in my wildest dream ang makatikim ng apples at gatas.

Napalunok ako. "Baby wag ka munang magalit .. pag usapan natin to!" pag aamo ko sa kanya.

Nangunot ang noo nya at nanlisik ang mata. "Aaarrrgggh! Bakit mo inubos ang apple at milk ko! I hate you I hate you I hate you! Dapat tinirhan mo ko! Uggggh! Wag kang lalapit sakin! Mang aagaw ka!" saka sya nagmamadaling umakyat sa taas ng kwarto namin.

Ok sa sobrang tense ko hindi agad nag sink in sakin yung mga sinabi nya, akala ba nya inubos ko din ang mga apples nya?

Mabilis din akong umakyat sa kwarto namin para sundan sya.

"Dianne open this door!" kalampag ko ng pintuan namin.

"I hate you! Inubos mo lahat ng apples at milks ko!" sigaw nya.

"Dianne naman ..pag usapan natin 'to!" pakiusap ko pa din.

"No! And don't you dare ate my apples again! I offer you once pero hindi mo kinuha! Yun pala ang gusto mo lahat! Hindi mo ko tinirahan! Selfish ka!" balik nyang sigaw with matching kalampag ng pinto na animo may tinapon na kung anong bagay.

"Manang susi nga!" sigaw ko sa katulong namin. Mabilis nilang inakyat ang susi.

Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si Dianne na nag eempake ng damit nya.

"Hey! What are you doing?!" agad ko syang pinigilan.

"Don't you dare touch me! Naamoy ko pa yung mga apples at milks ko na inagaw mo sakin! Uggh!" lumayo sya at lumapit sa cabinet nya.

Pinagmasdan ko lang syang magkalkal sa closet nya. Sobrang hirap po mag kaanak. Promise!

Pagharap nya ay hawak nya ang Avon na payong.

"Wag kang lalapit sakin! Wag mo kong pigilan!" Saka sya lumabas ng kwarto dala ang payong

Sa sobrang frustrate ko sinipa kopa ang mga nakakalat na damit, good thing hindi nya dinala ang maleta nya.

Pagbaba ko ay tuloy tuloy sya sa gate.

"Sinabi ko ng wag mo akong susundan diba?" inis na tanong nya sakin habang naglalakad sya at nakapayong pa.

"Dianne naman. Ibibigay ko na ang apple mo. Bumalik ka na sa bahay!"

"Che! " tanging sagot nya at huminto kami sa mansion nila.

"Kuya! Buksan mo yung gate si Dianne to!" kalampag nya sa gate. Naiiling na lang akong nag doorbell. At ng may sumagot .. "Nandito sa labas si Dianne." sagot ko.

Sya naman ay todo irap sakin, ang hirap intindihin ni Dianne ngayon. Minsan.gusto ko na lang lumayas kaso di naman ako mapakali kapag wala sa sapaningin ko.

Ang weird talaga. Hayy .

Pinapasok kami sa Mansion nila.

"Nasaan si Dad?" agad na tanong nya.

"Ayy wala po, nag golf po kasama ng mga kaibigan nya."

"Tss .." nagtuloy si Dianne sa kusina nila at nagbukas ng ref. Syempre naglabas ng gatas, nilagay nya sa bowl ang freshmilk at nag hiwa ng apple.

Masama pa din ang tingin nya ng dumaan sa tabi ko. Binuksan nya ang TV at nilagay sa Disney Junior.

Nanatili lang ako sa isang tabi pinagmasdan syang kumain at manood ng Mickey Mouse, when suddenly, she cry.

Agad akong lumapit sa kanya ay niyakap sya. "Shhhh .." alo ko pa.

"I miss Chichay .." i rolled my eyes and hug her.

"Umuwi na tayo. Nandoon lang naman si Chichay eh. Hinihintay ka."

Pregnant woman are too emotional bear that in your mind guys. Tss

Inakay ko na sya patayo para makauwi na kami.

Pagdating sa bahay ay patuloy pa din sya sa hindi pag pansin sakin. Naiiling na lang ako habang pinagmamasdan syang nakahiga, yakap si Chichay. Buti pa ang aso nayayakap nya akong asawa nya, eto hanggang tingin na lang.

Feeling ko nga nalimutan na ako ng asawa ko, parati pa syang galit sakin kahit wala akong ginagawang masama, laging matalim ang tingin nya, biglang nawala yung sweet at super caring at mapagmahal na asawa ko, alam kong part ito ng pagbubuntis nya, but why do I have this feeling na ang layo layo nya kahit nasa tabi ko sya? Ginagawa ko naman lahat ng magpapasaya sa kanya eh, inaalagaan ko sya at inaasikaso pero parang hindi nya ata iyon nakikita, she's always mad at me.

Bakit si Asha at Dale? Sweet naman, sobrang attached pa din sila, pero kami ni Dianne parang wala na. Ang weird talaga.

Nakita ko ng nakatulog si Dianne katabi ni Chichay, wala pa kaming anak pero meron ng bagay na naghihiwalay samin, inayos ko ang pagkakahiga ni Dianne, I make sure na nakakumot sya ng maayos, inayos ko din ang pinagkainan nya sa side table, and then tumabi na ako kay Chichay. I held Dianne's hand.

Alam kong matatapos din itong pagsubok na 'to. Konting panahon na lang matatapos na ang paglilihi ni Dianne.

"Uggggh! Where is the stubbles in your face ?" gulat na napatayo ako at nakitang masama na naman ang tingin ni Dianne sakin.

It's one in the morning at nagising ako sa sigaw nya.

"What happened Baby?" takang tanong ko.

"Where's your stubbles?" matalim.ang tingin nya ng tanungin ako.

Kinapa ko ang baba ko, meron pa din naman, I always maintain this dahil isa ito sa mga requirements ng paglilihi nya.

Kinuha ko ang kamay nya at dinala sa baba ko. "Here."

"Uggh!" she rolled her eyes at nahiga na ulit. But her hands are on my chin.

Isa sa pampatulog nya ay ang paghawak sa bigote ko. Really weird.

Lumipas ang mga araw, naging mahirap para sa akin ang pagbubuntis ni Dianne, pero natotolerate ko pa naman. Nag iba iba ang mga food habits nya, from apples and milk to rice and milk, kanin na may gatas, mapa powder, fresh, condense o evap yan, nilalagay nya sa kanin nya.

Minsan pati ako ay napipilitan din na mag try sa mga pagkain nya, iba sa panlasa ko pero sa panlasa nya ay napaka sarap, ang pakikitungo nya naman ay nagiging mild na, masyado pa din syang emotional at sensitive pero nagiging caring din sya.

Andun pag gabi ay bigla na lang hihingi ng sorry sakin, yayakap at maglalambing, ang for me that is the best part. Bonus na sakin yung mayakap at mahalikan sya.

I really miss Dianne, yung tipong maharot, pilya, makulit at sweet.

Iba talaga ang babae .. you cannot predict what they really up to .. hindi mo mababasa ang mga kinikilos nila, minsan nagtatampo pero nagpapalambing lang pala, minsan sweet pero may tinatagong sakit pala, minsan ngumingiti at tumatawa pero umiiyak pala, sometimes, they just say no, but the answer show yes. Complicated ang pagiging babae, kasi lagi nilang pinapakita ang soft side nila kaya minsan.naabuso sila, ang babae,  dapat iniintindi, because they are the home of new life, mahirap maging babae, nasa kanila ang responsibilty, naka pasan sa kanila ang bagong buhay, kaya dapat ang mga lalaki tinutulungan sila, we cannot share their cramps kapag may buwanang dalaw sila, hindi natin mararamdaman ang sakit kapat nanganak sila, sabihin man nating sana tayo na lang ang mganganganak para di sila masaktan pero alam nating hindi pwede, at hindi mangyayari yun.

Ang pwede lang nating gawin ay ang hawakan sila sa kamay, yakapin at ibulong na kahit anong mangyari, mahal na mahal natin sila.

Tumanda man, magkabilbil, tumaba, dumoble, mag kakamot man sila, and whatever is that. Mahal natin sila.  Lumilipas ang ganda nila pero ang pagmamahal natin, hinding hindi mawawala.

"Baby A, ang taba taba taba ko na!" nakaharap si Dianne sa full length mirror ng kwarto namin. Naka dress sya at tama, medyo tumaba sya. Medyo lang naman.

"Huh? Hindi naman ata Baby, sa paningin ko naman wala kang pinagbago!" yan ang tinatawag na white lie.

"Talaga Baby A?" naka pout na humarap sya sakin.

"Oo naman no! Sira na siguro yang salamin mo, kelangan ng palitan para umayos ang replika." lalalala.. ang tunay na asawa kelangan magsinungaling para hindi masaktan ang asawa nya.

"I love you na talaga Baby. A!" muntik na akong napangiwi ng umupo si Dianne sa hita ko.

Ma .. sakit. Ma .. laki .. Ma .. taba.

Hindi na sya gaanon kagaan nung hindi pa sya buntis, well mabigat na talaga sya dati pa, sabihin na nating dumoble ngayon, eh kasi naman dalawa na din sila! Sige i-push yang explenation na yan.

"Tara na Baby, baka malate pa tayo sa check up mo." hinawakan ko sya sa kamay at inalalayan sa paglakad.

Nang makarating kami sa clinic ay ninenerbyos ako, ngayon namin malalaman kung babae o lalaki ang anak namin.

But whatever it is .. magiging masaya ako!

Nagtingin tingin na nga kami ng mga gamit pambata, gusto ko ng maransan mag shopping ng mga babies stuff, gusto ko ng ayusin ang kwarto nya. The last check up ay maayos naman ang baby namin kaya no worries talaga. Though hindi sya ganoon ka likot sa loob dahil three months pa lang sya.

Gusto ko na ngang marinig ang pagpadyak nya, maramdaman ang paggalaw at ang paglikot nya.

"Dianneara Madlang-awa .." tawag ng pangalan ni Baby D.

Nauna akong tumayo at inalalayan si Dianne, everyone's eyes seems locked on ours, ganito na ba ako kagwapo? The last time I checked ganun pa din naman. K. Fine. Pakihinaan na lang po ang Electricfan.

Inumpisahan ang pagcheck up kay Dianne and when it's done .. it's like there's a drum roll at the back of my ears .. kabado ako habang hawak ni Doc ang papel. Magkahawak kami ni Dianne ng kamay.

"Baby A, bakit ang lamig ng kamay mo?" bulong sakin ni Dianne.

"I'm nervous." pag amin ko.

She smile at me sweetly as she pinch my cheeks. "Yung asawa ko nae-excite!" pang aasar pa nya. Ngnitian ko lang ang pang aasar nya.

"Mrs. And Mr. Madlang-awa congratulations! It's a boy!"

Nagkatingin kami ni Dianne.

"Lalaki.." di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napapatango na lang sya sakin. Masayang niyakap ko sya.

"We're going to name him after our name." sabi.nta ng nasa sasakyan na kami at pauwi na.

"What name?" curious na tanong ko.

"Arthur Dane Aragon Madlang-awa.."

Continue Reading

You'll Also Like

159K 2.8K 101
🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need t...
8.9M 184K 42
si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang...
623K 22.5K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...