Chapter 53: Mr. Heartbroken
•••Ann Dee•••
After that 'confrontation' turned 'asaran' scene we came to an agreement. We will acknowledge the fact that we love each other pero hanggang dun lang. In short no more kissing scenes, hugging, holding hands at kung ano ano pang pwedeng gawin ng mag-boyfriend at girlfriend. Kailangan nya muna akong ligawan before anything else.
Napatawad ko nadin sya sa panlolokong ginawa nya sa akin. Nung una aaminin ko nasaktan talaga ako, sino ba naman ang hindi masasaktan kapag niloko ka diba pero kalaunan na-realize ko na mas matindi yung nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya kesa sa galit na nararamdaman ko. Sounds cheesy but its true.
Akala ko hindi magiging masaya ang bakasyon ko dahil hindi ko kasama ang bestfriend kong si Keira but it turned out for the best. Sa ilang araw na pamamalagi namin sa bora ni uwak, we did a lot of things, swimming at kung ano ano pang fun activities under the sun. Nagawa pa nga naming mantrip ng mga foreigners eh, lakas tama lang, tss. Aaminin ko, I was happy, pero may isang bagay parin akong pinag-aalala lalo na at pabalik na kami sa amin.
Cloud.
Hindi ko alam kung paano kong ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon. Alam kong umaasa sya, na nag-e-expect sya. Ilang ulit ko nadin namang tinanong ang puso ko, ang isip ko, ang sarili ko pero si uwak talaga ehh, si uwak talaga ang laman ng puso at isip ko. Hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko kay Cloud.
But I am afraid he wont take it that easily.
I am 99% sure na masasaktan ko sya. If only there is a way that I can explain this to him without hurting his feelings. If only.
"Were here" Raven said. Inilibot ko ang paningin ko sa labas and I saw our house at sa labas ay nakatambay ang dalawa kong kapatid. Bumaba si Raven sa kotse at agad naman syang sinalubong ng mga kapatid ko at ang mga siste mukhang namburaot na naman ng tao dahil nakita kong may iniabot si Raven sa kanila dahilan para magliwanag ang mga mukha nilang mukhang sampung taong hindi kumain. Mga timawa!
Pagkaalis nung dalawa saka palang lumapit si Raven sa side ko at pinagbukas nya ako ng pintuan.
"Ano yung binigay mo sa kanila?" Tanong ko kahit na may idea na ako kung ano yun.
"Ahh yun ba, konting pang-meryenda lang"
"Okay" sagot ko. Palalagpasin ko muna yung ngayon pero next time sasabihan ko na sya, baka kasi masanay sa pambuburaot yung dalawang kapatid ko ehh.
Inalalayan nya akong makababa sa kotse at binuhat nya nadin yung mga gamit ko, inihatid nya ako sa loob pero tumigil sya sa labas ng pintuan.
"Hanggang dito na lang ako, hindi na ako magtatagal, may kailangan pa kasi akong asikasuhin" paalam ni Raven. Tumango ako at kinuha ko mula sa kanya yung mga gamit ko, akala ko aalis na sya kaya medyo nabigla ako nung basta nya na lang akong hinila palapit sa kanya.
He is hugging me tightly.
"Hep, diba may kasunduan na tayo. No hugging hanggat hindi pa kita sinasagot" protesta ko pero hindi nya parin ako binitawan at mas lalo nya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"I know. But please let me hug you."
I let him hug me but I didnt hug him back. I don't want him to get the wrong idea here. Nasa ganun kaming eksena nung bigla na lang may tumulak kay Raven dahilan para matumba sya at mapaupo sa sahig. Mabuti na lang at binitawan nya ako, dahil kung hindi baka pareho na kaming nakalugmok sa lupa ngayon.
Sabay naming nilingon ang taong tumulak sa kanya and I think my heart skip a beat. What I've been dreading the past few days is right in front of me right now. And this is not looking good. Totally not good.
Cloud.
"Cloud, I can explain---" hindi na naituloy ni Raven ang sasabihin nya dahil inambahan sya ng suntok ni Cloud. Agad naman syang umiwas at tumakbo sa labas ng gate kung saan mas malaya syang makakagalaw. Maliit lang kasi ang bakuran namin at kung dito sila magrarambol baka mas lalo pa silang masaktan with the little space that we have here.
Sinundan sya sa labas ni Cloud at ganun din ang ginawa ko. Raven kept trying to talk to him but he wont listen to reason, mukhang nakasara ang tenga at isip nya sa kung ano mang eksplanasyon na meron si uwak. Nakikita ko din ang sobrang galit sa mukha ni Cloud at konting hinanakit. Nakaramdam ako ng awa sa nakita ko kaya kahit na gusto ko silang pigilan ay hindi ko magawa.
I felt torn. This is all my fault.
"You fucking traitor!" Galit na sigaw ni Cloud. Muli nya na namang sinugod si uwak na walang ibang ginawa kundi ang umiwas ng umiwas.
"Cloud please! Hayaan mo akong magpaliwanag!"
"Magpaliwanag? Hindi pa ba sapat na katrayduran ang nakita ko kanina? Your hugging her! Oo yakap lang yun pero alam kong may iba sa yakap na yun. Sige nga, kung hindi pag-ta-traydor ang nakita ko, then ano yun?!"
"I ---" Hindi nakasagot si Raven sa tanong ni Cloud kaya mas lalo pa nitong pinagtibay ang galit na nararamdaman nya.
Nagsilabasan na ang mga kapitbahay naming tsismoso at tsismosa at gayun din sina nanay at tatay dahil sa komosyong ginagawa nila. Nakakahiya man pero hindi ko sila magawang pigilan. Mukhang napagod na rin si Uwak na umiwas dahil hinayaan nya na si Cloud na sapakin sya at from time to time ay gumaganti rin sya ng sapak.
"A-anak hindi mo ba pipigilan yang mga manliligaw mo? Ikaw na ang maganda, pag-agawan ba naman ng dalawang gwapo at mayamang lalaki. Buti na lang at namana mo ang kagandahan ko" ani ni nanay. On normal circumstances baka natawa pa ako, but this time I cant.
Mukhang hindi na nakatiis si tatay at ang ibang lalaking kapitbahay namin dahil pinigilan na nila yung dalawa. Ayaw pa ngang magpapigil ni Cloud pero hindi na sya nakapalag lalo na nung apat na katao na ang pumipigil sa kanya.
"Mag-uusap kayo ng maayos oh baka gusto nyong makarating pa kayo sa baranggay?" Maawtoridad na sabi ni tatay. Hindi ba sya natatakot dun sa dalawa? Mukhang daig pa nila ang papatay sa itsura nila ngayon.
"Wala na kaming dapat na pag-usapan. Why dont you just die a bloody horrible death huh Raven?" Cloud said. Hindi parin sya binibitawan ng mga may hawak sa kanya dahil baka sugurin nya na namang muli si uwak.
"Tss. Do you really mean that?" Tanong ni uwak. He looked hurt.
"Yes I do! Sa tingin mo anong mararamdaman ko sa katrayduran mo ha? Do you expect me to be happy?"
"No. But I expect you to understand"
Pareho na silang kalmado pero mahahalata mo padin ang galit sa mukha ni Cloud. Kapwa na sila binitawan ng mga kapitbahay namin. Akala ko mag-uusap sila ng matino kaya medyo nagulat ako nung bigla na lang naglakad si Raven papunta sa kotse nya at basta na lang sya umalis ng walang paalam.
Now its just me, cloud and the people around us.
Biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. I'm getting a call from someone, tinignan ko kung sino ito and I saw Raven's name in the screen. At dahil sya ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.
"Raven, nasaan ka?" Nag-aalalang tanong ko. I don't know where he is right now dahil bigla na lang syang umalis kanina kaya medyo nag-aalala ako para sa kanya.
[I'm really sorry about what happened earlier Ann Dee. Pasensya ka na kung hindi na ako nakapag-paalam ng maayos sayo. Wag kang mag-alala, I just need to cool myself off somewhere, I'll be back ------- I love you]
I wanted to say 'I love you too' but he already ended the call. I also wanted to know where he is right now but I know I need to give him some space and a little time for himself. Besides, someone is waiting for me right now ayun nga lang parang wala akong lakas na harapin sya. But I must.
I saw Cloud sitting at the pavement, nasa tabi nya sina nanay at tatay na sinusubukan syang kausapin pero wala silang makuhang response mula sa kanya, nakatingin lang sya sa kawalan at parang wala syang naririnig. Dahan dahan akong lumapit at nung ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya, he looked up at me.
I can see the sadness in his eyes, If I were to describe him, hindi sapat yung salitang malungkot sya dahil mas malala pa sya dun. He is broken.
And I'm the one who broke him.
I feel guilty. Kung hindi sa akin, hindi naman sila mag-aaway na dalawa. Hindi ko sana nasira ang pagkakaibigan nila. Hindi sana nasasaktan si Cloud ng ganito. Ako. Ako talaga ang may kasalanan ng lahat.
"Cloud, can I talk to you?"
Hindi ko alam kung pagbibigyan nya ako but I owe him an explanation.
*****
7 chapters to go
Author's Note: This chapter is dedicated to MARIA CATHERINE SILVA OLLETA :) Happy Birthday Girl! (Super Belated Bday!) (February 02!) <3 <3 <3 more happy bdays to come. Stay pretty. And may god bless u always.
@AcinnejRen
Instagram:
https://instagram.com/ren0324/
Facebook:
https://www.facebook.com/manicah
CIMTAG's Official Group:
https://www.facebook.com/groups/875871985865685/
CIMTAG's Official Page:
https://www.facebook.com/cimtagofficialpage/