Chapter 53: Mr. Heartbroken

9.2K 244 9
                                    

Chapter 53: Mr. Heartbroken

•••Ann Dee•••

After that 'confrontation' turned 'asaran' scene we came to an agreement. We will acknowledge the fact that we love each other pero hanggang dun lang. In short no more kissing scenes, hugging, holding hands at kung ano ano pang pwedeng gawin ng mag-boyfriend at girlfriend. Kailangan nya muna akong ligawan before anything else.

Napatawad ko nadin sya sa panlolokong ginawa nya sa akin. Nung una aaminin ko nasaktan talaga ako, sino ba naman ang hindi masasaktan kapag niloko ka diba pero kalaunan na-realize ko na mas matindi yung nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya kesa sa galit na nararamdaman ko. Sounds cheesy but its true.

Akala ko hindi magiging masaya ang bakasyon ko dahil hindi ko kasama ang bestfriend kong si Keira but it turned out for the best. Sa ilang araw na pamamalagi namin sa bora ni uwak, we did a lot of things, swimming at kung ano ano pang fun activities under the sun. Nagawa pa nga naming mantrip ng mga foreigners eh, lakas tama lang, tss. Aaminin ko, I was happy, pero may isang bagay parin akong pinag-aalala lalo na at pabalik na kami sa amin.

Cloud.

Hindi ko alam kung paano kong ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon. Alam kong umaasa sya, na nag-e-expect sya. Ilang ulit ko nadin namang tinanong ang puso ko, ang isip ko, ang sarili ko pero si uwak talaga ehh, si uwak talaga ang laman ng puso at isip ko. Hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko kay Cloud.

But I am afraid he wont take it that easily.

I am 99% sure na masasaktan ko sya. If only there is a way that I can explain this to him without hurting his feelings. If only.

"Were here" Raven said. Inilibot ko ang paningin ko sa labas and I saw our house at sa labas ay nakatambay ang dalawa kong kapatid. Bumaba si Raven sa kotse at agad naman syang sinalubong ng mga kapatid ko at ang mga siste mukhang namburaot na naman ng tao dahil nakita kong may iniabot si Raven sa kanila dahilan para magliwanag ang mga mukha nilang mukhang sampung taong hindi kumain. Mga timawa!

Pagkaalis nung dalawa saka palang lumapit si Raven sa side ko at pinagbukas nya ako ng pintuan.

"Ano yung binigay mo sa kanila?" Tanong ko kahit na may idea na ako kung ano yun.

"Ahh yun ba, konting pang-meryenda lang"

"Okay" sagot ko. Palalagpasin ko muna yung ngayon pero next time sasabihan ko na sya, baka kasi masanay sa pambuburaot yung dalawang kapatid ko ehh.

Inalalayan nya akong makababa sa kotse at binuhat nya nadin yung mga gamit ko, inihatid nya ako sa loob pero tumigil sya sa labas ng pintuan.

"Hanggang dito na lang ako, hindi na ako magtatagal, may kailangan pa kasi akong asikasuhin" paalam ni Raven. Tumango ako at kinuha ko mula sa kanya yung mga gamit ko, akala ko aalis na sya kaya medyo nabigla ako nung basta nya na lang akong hinila palapit sa kanya.

He is hugging me tightly.

"Hep, diba may kasunduan na tayo. No hugging hanggat hindi pa kita sinasagot" protesta ko pero hindi nya parin ako binitawan at mas lalo nya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"I know. But please let me hug you."

I let him hug me but I didnt hug him back. I don't want him to get the wrong idea here. Nasa ganun kaming eksena nung bigla na lang may tumulak kay Raven dahilan para matumba sya at mapaupo sa sahig. Mabuti na lang at binitawan nya ako, dahil kung hindi baka pareho na kaming nakalugmok sa lupa ngayon.

Mr. Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon