The Senorita

By raisellevilla

691K 25.4K 5.4K

Sino kaya ang misteryosong babae sa likod ng isang lumang painting? Bakit siya nakatalikod at kilala lamang s... More

The Senorita
1-Assignment
2-Museum
3-Panaginip
4-Ang Lagusan
5-Ang Lalaki
6-Si Aling Simang
7-Nakakapanibago
8-Kakaibang Pamumuhay
9-Si Tetay
10-Haplos
11-Ang Plano
13-Kasiyahan
14-Isang Bisita
15-Casa De Izquierdo
16-Señorita Almira
17-Lihim na Sandali
18-Mga Pangamba
19-Pagpapanggap
20-Pag-uusap
21-Ang Pagtatanan
22-Pamamaalam
23-Pangitain
24-Pahiwatig
25-Ang Kasal
26-Pagbabalik
27-Aunt Terry
28-Mga Kasagutan
29-Muling Pagkikita
30-Huling Kabanata
Author's Note
Trivia
Recuerdos de Una Dama (The Senorita sequel)
Siempre Eres Tu | Epistolary
The Señorita | Rai's Version

12-Ang Paghaharap

19.7K 728 167
By raisellevilla

Natapos ang araw na nakabuo ng plano ang apat na binata kasama si Tammy. Hindi nila alam kung epektibo ito. Pero wala namang mawawala kung hindi susubukan, kaya nagbabakasakali na rin sila na baka maging maayos ang pinagplanuhan at maitaboy din ang mga Kastilang estudyante na palaging nambubuska sa kanila.

Natulog ang lahat at pinilit nilang hindi mag-alala sa kung ano ang mangyayari kinabukasan.

---

Dumaan ang panibagong araw. Pumasok na naman sa eskwelahan sila Manuel, Juan, Dario, at Emilio. Naiwan si Tammy sa dormitorio at nagpatuloy sa mga gawaing-bahay.

Ano kayang mangyayari mamaya? Mukhang kalmado si Tammy, ngunit sa totoo lang, hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung ano ba itong pinasok niya, pero sa kagustuhan niyang makatulong, ay nag-alok siya na umagapay kina Emilio.

"May inaalala ka ba?" Tanong sa kanya ni Tetay habang naghuhugas ng pinggan.

"Wala," mahinang sagot ni Tammy. "Kailan pala babalik si Aling Simang?" Nagpunta kasi ang matanda sa Laguna para dumalo sa kasal ng isang pamangkin.

"Baka bukas nandito na siya." Nilapag ni Tetay ang isang plato sa banggera. "Mauna na akong maligo. Pwede ka namang magpahinga ngayon dahil wala naman masyadong gagawin."

"Salamat."

Ngumiti sa kanya si Tetay at bumaba na siya sa silong.

Naghugas si Tammy ng kamay at nagpunta siya sa salas pagkatapos. Naupo siya sa silyang solihiya. Malalim ang kanyang iniisip.

Dapat makaalis na ako ng di napapansin. Siguro magbihis na ako ngayon.

Tumayo siya at bumaba ng silong. Nagpunta si Tammy sa kwarto at nagbihis siya ng damit panlalaki. Binigay ito sa kanya ni Juan kagabi dahil kasama ito sa plano nila. Magdadamit-lalaki siya at tutulungan ang mga binata na makipaglaban sa mga Kastilang estudyante na iyon.

Nagpuyod si Tammy ng buhok at itinaas niya ito. Nagsuot siya ng salakot sa ulo para hindi maaninag ang kanyang mukha. Humarap siya sa salamin at natawa sa kanyang nakita.

Mukha naman akong totoy dito sa uniporme ni Juan! Pero ayos lang, pwede na.

Lumabas si Tammy ng kwarto. Buti na lang at abala sa paliligo itong si Tetay, kaya di na siya nagpaalam at di na rin siya napansin na umalis na ito ng dormitorio.

Ito ang pangalawang beses na nakalabas si Tammy ng dormitorio. May pagkakataon siyang mamasyal sa loob ng Intramuros. Isa itong kakaibang karanasan na hindi niya malilimutan. Nakatapak siya sa sinaunang Intramuros na nakikita lang niya sa mga black-and-white na pictures.

Puro mga bahay ng mga may kaya ang lugar. May nakita rin siyang mga simbahan at mga pader na gawa sa malalaking hollow blocks.

Ang ganda pala dito. Pero sa pagkakaalam ko, mga mayayaman lang pwede sa loob nito. Paano kaya pinayagan na magka-dormitorio dito si Aling Simang?

Naisipan munang magmeryenda ni Tammy sa tabi ng isang simbahan. May nagtitinda ng kakanin at naisipan niya munang bumili. Umupo siya sa isang hagdan patungo sa loob ng simbahan at kumain habang pinapanood ang mga taong naglalakad sa paligid.

Mga manang na nagsisimba. Isang manong na nagtitinda ng prutas na pasan ang magkabilang mga bilao na nasa dalawang dulo ng isang mahabang kahoy. Isang dalagang naglalakad kasama ang kanyang ina. Parang walang pinagkaiba sa modernong panahon. Parehong mga suliranin lang din ang kinakaharap, pero ito ay panahon ng Kastila, at alam ni Tammy ay mas mahirap maging Pilipino dahil sa diskriminasyon at hindi pantay na oportunidad.

Nang matapos na siyang makapag-muni-muni ay naisip ni Tammy na puntahan ang labas ng Intramuros. Doon magkikita sila Manuel at ang mga Kastilang estudyante. Ayaw niyang mahuli, kaya binilisan na niya ang lakad.

Labas ng Intramuros. May malaking tipak ng bato. Doon daw maghaharap.

Nakarating si Tammy sa lugar ng tagpuan. Nagtago muna siya sa gilid ng isang pader. Wala pa sila Manuel o ang mga kalaban nila, kaya naupo muna siya sa gilid at naghintay. Di niya namamalayang naka-idlip na pala siya, at nagising na lamang nang marinig ang mga boses na nagtatalo.

"Muy bien, amigos. Mabuti at nakarating kayo sa tagpuan. Mas maaga pa sa inaakala."

Hindi pamilyar ang boses kay Tammy. Sumilip siya at nakita na nakaharap ang mga likod nila Manuel sa kanya. Nang makita niya ang mga kalaban ay napanganga siya. Ang gugwapo nila, pero bakas sa kanila na sila ay may mga di-kagandahang pag-uugali.

"Tumutupad lang kami sa usapan, Senyor Sarrael," mahinahong sagot ni Dario. "Indios man kami, ngunit sinusunod namin ang tamang oras."

"Buti naman at tanggap niyo ang pagiging mas mababa ninyo kaysa sa amin!" Ngumisi ang Kastilang binata sa harapan, at humagalpak sa tawa ang kanyang mga kasama.

"Mababa man ang turing ninyo sa amin dahil sa kulay ng aming balat at estado, ngunit hindi maikakaila na mas masahol pa sa amin ang inyong mga pag-uugali."

Si Emilio ang nagsabi ng mga katagang iyon. Nakita ni Tammy na naglakad siya sa harapan, at nakipagtinginan kay Sarrael.

"Ikaw ba iyong ginagamit ang dulo ng saya ng iyong ina bilang pansintas sa sapatos?" Malisyosong tanong ni Senyor Sarrael.

"Ako nga," kalmadong sagot ni Emilio na puno ng kumpyansa sa sarili.

"Sikat ka sa buong Letran dahil di ka rin nagpapagupit ng buhok!"

Natawa ang mga kasama ni Sarrael.

"Kay ganda mo siguro kung ika'y naging babae!" Lumapit si Aron at tinignan ng diretso si Emilio sa mga mata.

"Oo nga, kaya ka siguro lumapit sa akin ngayon! Ikaw ba'y nababacla?" Di mapigilan ni Emilio na ngumisi.

Nagalit si Sarrael sa narinig. Kukunin na niya sana ang kwelyo ni Emilio ngunit naka-ilag siya. Nawalan ng balanse si Sarrael at nadapa. Sumalampak ang mukha niya sa lupa. Di mapigilan nila Emilio na matawa.

"Alam na natin sagot diyan sa tanong mo, Emilio!" Tawa ni Dario.

"Mierda! Talaga naman---"

Susugod ulit si Sarrael ngunit napigilan siya ni Dario.

"Teka muna amigo, di kami pwedeng makipaglaban na apat lang kami! Anim kayo oh! Di patas iyan!" Buga ni Dario sa mukha ni Sarrael.

Iyon na ang senyales ni Tammy para lumabas sa pinagtataguan.

"Ako ba hinahanap niyo?" Malakas niyang tanong.

Nanahimik ang dalawang grupo ng mga kalalakihan. Matapang na naglakad si Tammy sa harapan at hinarap si Sarrael.

"Kayo ba mga Kastilang Bangus na kinukwento ng aking mga kaibigan?"

"Sino ka at bakit ka nakikialam?" Tanong ng isa pang mestizo na naglakad mula sa likuran.

"Kayo, bakit niyo sila ginugulo? Inaano ba nila kayo?" Tinuro ni Tammy ang grupo nila Dario, Emilio, Manuel, at Juan.

Naramdaman ni Tammy na may humablot sa kanyang kwelyo at halos umangat na siya sa lupa. "Estupido indio," sambit sa kanya ni Sarrael.

"Hoy, bitawan mo siya!"

Lumingon si Tammy at nakitang sumusugod na si Manuel papunta sa kanila. Nabitawan siya ni Sarrael nang nasuntok ito ni Manuel.

Iyon na ang hudyat ng pagkakagulo. Nagpaulan na ng suntok ang magkabilang kampo. Nagkaroon ng pagkakataon si Tammy na gumanti kay Sarrael. Mas malaki ito sa kanya, ngunit nagawa ni Tammy na pilipitin ang braso nito sa likod at tadyakan ito sa likod ng binti. Agad namilipit sa sakit ang binata at pinilit pa rin niyang gumanti, ngunit naunahan na siya ni Manuel sa pamagitan ng isang suntok sa ilong. Tumba agad si Sarrael.

Lumapit si Tammy kay Manuel at sinabing "Muy bien!" Ngumiti si Manuel at iiwan na sana si Sarrael, ngunit may isa pang kalaban at iyon naman ang pinagtuunan nila ng pansin.

Sa tabi, ay nakikipag-suntukan si Emilio at isa pang mestizo na Mateo ang pangalan.

"Tu madre es una estupida," mainit na wika ni Mateo habang pinipilit makasuntok kay Emilio. Nahablot ni Emilio ang kamao ni Mateo at siya naman ang nakasuntok sa kalaban.

"Callate el osico gordota," sagot ni Emilio pagkatapos niyang makasuntok at hinimatay naman itong si Mateo. Ibig sabihin ng sinabi ni Emilio ay "Manahimik ka tabatsoy!" Totoo naman, dahil may kalakihan ng pangangatawan si Mateo.

"Tu madre es muy gorda y fea!"

Sumusugod na si Aron Sarrael kay Emilio sabay sigaw ng mga katagang iyon. Ngunit nagulat ang lahat nang bago pa siya makasuntok ay may umeksenang mestizang babae na may kalakihan. Sumali siya sa umpukan at nanahimik ang lahat nang sinapak niya itong si Sarrael.

"Baboso! Estupido! Ito ginagawa mo imbes na mag-aral?!"

"Mama! Anong ginagawa mo dito at paano mo ako natagpuan?!" Sigaw ni Sarrael.

Piningot ng ginang ang binatang may mga pasa at magulo ang buhok. "Mabuti na lang at may nakapagsabi sa akin na nandito ka kasama ang magagaling mong mga kaibigan! Imbes na mag-aral ay nakikipag-away ka sa kapwa mo estudyante! Ngayon, umuwi ka na bago kita mapalo! Tonto! Ngayon din! Magsi-uwian na kayong lahat!"

Sa itsura at boses pa lang ng ginang ay sumunod agad ang mga kaibigan ni Aron Sarrael. Kumaripas sila ng takbo. Naiwan doon ang mag-ina. Sila ang huling umalis habang kinakaladkad si Sarrael ng kanyang ina.

"Tu madre es muy gorda y fea... Aba ako yata ang tinutukoy mo!"

"Mama! Por favor, nakakahiya tayong tignan!"

Binatukan ng ginang si Sarrael sa ulo at iyon na ang huling nakita sa kanila.

Nagkatinginan sila Tammy at ang apat na binatang kasama. Doon lamang sila nakahinga ng maluwag. Nagtawanan sila at nagyakapan bilang isang grupo.

(Itutuloy)

A/N: translations for the Filipino/ Spanish phrases:

1. "Nabacla"- alam natin ngayon meaning nito, pero before, nabacla means na-confuse or nalito. Once used in the old version of Pasyon-"Nabacla si Kristo". Read it somewhere before, hope you can help me find kung saan.

Updated: I found the source!

"There is also a passage in the religious epic poem "Casaysayan ng Pasiong Mahal ni Jesucristong Panginoon Natin na Sucat Ipag-alab nang Puso nang Sinomang Babasa" (The History of the Passion our Jesus Christ our Lord that Surely Shall Ignite the Heart of Whosoever Readeth), which is often read during Holy Week, that says "Si Cristo'y nabacla" (Christ was confused, referring to the Agony in the Garden."

From: http://baklapoako.com/getting-to-know-the-etymology-of-the-word-bakla/

The way Emilio said na nabacla si Aron sa kanya can mean 2 different things. "Nabacla" in the modern use of the word bakla as we know it, and yung old usage which means "nalito ang pagkalaki." Witty!

2. "Tu madre es una estupida"- your mother is stupid.

3. "Callate el osico gordota"- shut your snout, fatty.

4. "Tu madre es muy gorda y fea"- your mother is fat and ugly.

5."Baboso"-retard

6. Mierda- sh*t

There, a long update. Hope you liked it! :)

Continue Reading

You'll Also Like

Waves Of Time By IamMiAn

Historical Fiction

69.1K 3.8K 49
"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala...
48.1K 2.2K 42
She's nyctophobic. He's an imaginary companion turned killer. Bata pa lamang si Oriana, she had already developed a fear of the dark. Dahil dito, nak...
57.4K 464 1
ACTION | ROMANCE A K E M I Meet Akemi isang tahimik na babae at malamig kung tumingin. Bumalik sa pilipinas para hanapin ang mga pumatay sa kanyang m...
108K 3.6K 33
(Memories of a Lady) Sequel to "The Señorita" Higit pang kilalanin si Señorita Almira de Izquierdo sa pamamagitan ng kanyang mga sulatin, na nasa ka...