FATE 2: DESTINY'S HEART - COM...

By WeirdyGurl

100K 5.8K 1.5K

Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should... More

Heavenly Prologue
I. Welcome Back Alyce
II. Avoiding Alyce
IV. ET & GAGO
V. You're My Precious Moment
VI. Si ET ang BUKO
VII. Destiny's Night
APRIL FOOLS
VIII. Je Te Veux
IX. Sweet Frenemies
X. Knowing Darwin Fate
XI. The Unseen Faded String
XII. Stuck On You
XIII. Alyce's Feelings
XIV. Let Her Fall
XV. End Is Here
XVI: Alyce's Confession
XVII: Far From Each Other
XVIII: Resisting their love
XIX: Her Hidden Memories
XX. Could I Love You Any More?
XXI. Making Every Moment Precious
XXII. Love Me
XXIII. Orphanage
XXIV: Align of Forever
XXV: Paalam
Destiny's Love Letter
XXVI: Without You
XXVII: The Truth
XXVIII: Darven & Darwin
XXIX: He's Home
XXX: I Choose You
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

III. Damnwin To The Rescue

4.4K 232 49
By WeirdyGurl

NGAYON gustong pagsisihan ni Alyce ang pagpunta niya sa birthday ni Krisha. Gusto niyang kutusan ang sarili sa sobrang inis. She felt out of place. Sobra ang pinagbago ng mga kaibigan niya. Parang hindi na niya kilala ang mga ito.

Saan siya ngayon? Nagkukulong sa isa sa mga cubicle sa girls restroom. Naisuklay niya ang kamay sa buhok at paulit-ulit na binasa ang text niya kay Darwin na hindi man lang siya ni replyan. Ano bang mapapala mo kay Darwin, Alyce? It's not like you're close to him? FYI, si Allysa ang best friend niya at hindi ikaw.

Lalo lang bumigat ang kalooban niya.

"You shouldn't have invited Alyce in your birthday Krish." Natigilan siya nang marinig ang boses ni Precious. "People are giving us the odd stares. Nakakahiya. After those scandals may mukha pa talaga siyang magpakita sa atin."

"I don't wanna hang out with her anymore. Ayokong madamay sa kamalasan niya, no." Segunda ng isa pa niyang kaibigan na si Ericka. "She's no longer one of us."

"Girls, sa tingin nyo ba talaga in-invite ko si Alyce because I'm still her friend?" sobra siyang natigilan nang magsalita si Krisha. "Naaawa lang ako sa kanya. Pinagpalit na nga siya ni Lance sa kakambal niya. Nawala pa siya sa lime light nang tumigil siya sa pagtugtog. Although their company was saved by Lance's family hindi naman na talaga sa kanila 'yon. Kay Allysa siguro, but not to her."

Nanikip bigla ang dibdib niya sa narinig. Hindi niya inasahan na magagawa siyang pagsalitaan nang ganoon na lamang ng mga taong inisip na niyang kapatid. Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang maiyak.

No Alyce, don't cry. They don't deserved any of your tears.

"I super pity her."

"She's so kawawa. Mas magaling naman talaga si Allysa kaysa sa kanya."

"I know right,"

Pero kahit pala gaano katapang ang isang kontrabida ay nasasaktan at umiiyak pa rin pala ito. Akala niya pa naman ay kaya niyang pangatawan ang maging matapang pero siguro tama nga si Allysa... I will always be that vulnerable Alyce.

Kasabay ng pagbagsak niya ay ang pagkawala ng mga taong inisip niyang mananatili sa buhay niya. Naikuyom niya ang mga kamay. Pero sino ba ang niloko niya?

"I haven't seen her na."

"Baka umalis na."

"Like duh, baka na feel niyang she doesn't belong here anymore."




SIGURADUHIN mo lang talaga Darwin na hindi mo pagsisihan ang pagpunta mo dito dahil makukutusan talaga kita. Tinignan niya muli ang text ni Alyce sa kanya kaninang umaga. Hindi niya alam kung paano nito nakuha ang number niya pero may idea na rin siya kung saan niya ito nakuha.

Nasa hotel na siya kung saan in-held ang birthday ng kaibigan daw nito. Nagtanong pa siya kung saan ang penthouse na may swimming pool dahil nandoon daw ito. Well, wala naman talaga siyang balak na magpakita kay Alyce. Titignan niya lang ito sa malayo at baka magkalat na naman ang 'sang 'yon.

Cool siyang tao – este mukha lang tao but he doesn't really enjoy parties like this. May nagtatampisaw sa swimming pool while others are flirting around with whoever they want to hook up for that night. The typical thing humans are fond of doing. Malakas ang tugtog sa buong paligid at medyo tipsy na ang mga tao roon.

Paano niya hahanapin si Alyce?

Biglang may lumapit sa kanyang magandang babae and from the way she look at him he'll bet this woman wants to get laid after.

"Hi handsome," malanding bati nito sa kanya. "What's your name?"

"Alyce's boyfriend." Nakangiti niyang sagot.

"Oh," halata ang pagkadismaya sa mukha nito pero madali ding nawala 'yon sa mukha nito. And she probably know Alyce, basing from her reaction. Pero mukhang wala naman itong pakialam kahit may girlfriend siya. "You want a drink?"

"Sure," iginala niya ang tingin sa buong paligid. "Isama natin girlfriend ko." Kinindatan niya ito. "Hindi kasi ako nakakalunok kapag 'di ko nakikita ang Alyce ko."

"Tsk," sumimangot ito. "I saw her went to the restroom."

"Thanks,"

May ngiting iniwan niya ang babae at dumiretso sa restroom. Nadaanan niya na 'yon kanina. Babalikan niya na lang. Nagbago na isip niya. Hihilahin niya na pauwi ang babaeng 'yon at baka kung sinong halimaw pa ang mag-uwi nun.

Nasa labas na siya ng cr ng mga girls nang marinig niya ang pangalan ni Alyce. They were saying bad things about her.

"I super pity her."

"She's so kawawa. Mas magaling naman talaga si Allysa kaysa sa kanya."

"I know right,"

"Hay naku, ayoko sanang sabihin sa kanya in person na I don't want to be her friend na kaya sana ma gets niya naman sa actions natin na we don't want her na. It's not like she's stupid, diba? If she still won't get it then she's so kawawa na talaga."

Tsk, these women!

Inilabas niya ang cell phone and texted her.

Wer r u? – Darwin

Why? – Evil Alyce




MABILIS na pinahid ni Alyce ang mga luha sa mga mata. Nagulat pa siya nang mabasa ang reply si Darwin sa text niya. Ngayon ka pa nag-reply?! Uuwi na ako. Kainis ang 'sang 'to.

Why? – Alyce

Lumabas kna kng na saan ka man dhil nsusunog ang hotel na sinabi mo sken. Labas na! Maawa ka sa impyerno ang dami n'yo na! –Damnwin

"Huh?" naiangat niya ang ulo sa itaas. Kumunot ang noo niya nang makarinig ng kaguluhan sa labas. Muli niyang binasa ang text ni Darwin. Paanong – bigla namang tumawag si Darwin. Nanginginig ang mga kamay na sinagot niya ang tawag nito. "Hoy! Huwag ka ngang magbiro."

"Hindi ako nagbibiro!" sigaw nito sa kabilang linya na sobrang lakas pa talaga. "Lumabas ka na riyan. Dalian mo."

Mabilis na lumabas siya sa cubicle at nagkumahog na lumabas ng cr para lang magulat. Literal na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakakalokong ngiti na naglalaro sa mukha ni Darwin. What the heck?! Paanong?

Kumaway si Darwin sa kanya. "Babe!" sabay lapit sa kanya.

Halos lahat ng tao doon ay napatingin sa kanila. Pati ang grupo nila Krisha at Precious. Napangiwi naman siya sa isip. Hindi pa pala nakakaalis ang tatlong 'yon. Napasinghap siya nang bigla siyang akbayan ni Darwin.

Sino namang hindi mapapatingin sa kanila kung may sobrang gwapo na tumatawag sa kanya ng babe? And Darwin was undeniably hot in his plain white shirt underneath his dark blue long sleeve polo that was rolled up 'till his elbows, matched with a plain black jeans and a gray sneakers. Alam niyang gwapo si Darwin pero iba pala talaga kapag nagbihis ito nang maayos. 'Yong hindi lang simple shirt and jeans ang porma nito.

Pinalis niya sa isipan na hot si Darwin. Hindi 'yon ang tamang oras para i-admire ang loko. Focus Alyce. Focus!

"I'm sorry I'm late."

"Sabi mo may sunog?" mahina niyang bulong rito. "Joke ba 'yon?"

"Babe, sorry na. I'll make it up to you. Huwag ka nang magalit, alam mo namang lalo ka lang gumaganda kapag lumalabas na naman 'yang sungay mo. Huwag natin 'yang putulin, ha?"

Pinalo niya sa balikat si Darwin.

"Darwin!" she hissed.

Tinawanan lang siya ng loko sabay lapit ng mukha nito sa tainga niya. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito doon. Bigla siyang nailang sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

"Nabu-bwesit talaga ako sa mga kaibigan mo. Wala ka bang balak gumanti?" kumunot lang ang noo niya. He leaned away and playfully pinched her nose. "You're better than this Alyce."

Napatitig siya sa mga mata nito.

"They don't deserve any of your care Alyce. Sometimes you have to slap it on their faces for them to wake up." Nakangiti nitong dagdag.

Pinakawalan siya nito.

"Fine," lakas loob na hinarap niya sila Krisha. "If you don't like me then don't play coy and just say it." Inisa-isa niyang tinignan sila Krisha, Precious at Ericka. "Allysa's right, you aren't real. You are all superficial friends who fleets whenever time turns and whenever I fall. I don't deserved any of you and you don't deserved me as well."

Tinaasan niya ng kilay si Krisha. "Binabawi ko na pala ang gift kong Hermes bag sa'yo." Napasinghap ito sa gulat. Napangiti siya. "Masyadong mahal ang bag na 'yon para sa isang kaibigang hindi naman pala totoo."

Naramdaman naman niya ang presensiya ni Darwin sa tabi niya. "Let's go Alyce," hinawakan nito ang kamay niya. "Nagugutom na ako. I want real foods here. I don't see any here."

"And just to straight things out. Don't pity me. Pity yourselves because among all of us here. The three of you need it most."




RINDING-rindi na si Darwin sa iyak ni Alyce. Dinala niya ito sa rooftop ng Dolce Fate para mahimasmasan pero mukhang gusto lang nito ang maglasing. Hindi siya iinom dahil dangerous to his health niya 'yon at baka ano na naman ang magawa niya.

"Tumigil ka na Alyce." Inagaw niya rito ang bote ng beer. "Lasing ka na."

"Sobrang sama ko ba talaga?" iyak nito pero halatang lasing na lasing na talaga. "Ang sama ko ba talaga Darwin, ha?!"

"Kailangan ko pa bang sagutin 'yan?"

"Wala ba akong karapatan na maging masaya? Gusto ko lang naman na maging masaya pero bakit ang hirap Darwin? Bakit ang hirap-hirap maging masaya." She sobbed.

"Ah tama na 'yan. Makaka-move on ka rin." Tinapik niya ang balikat nito.

"I feel so empty inside. I just want to die."

"Don't say that Alyce. Maraming tao ang naghahangad na mabuhay nang mas matagal pero hindi nila magawa. You're lucky so you must continue living."

"But I can't..." pinitik niya ang noo nito. "Ano ba?!" singal nito sa kanya. "Inaano ba kita?" singhot nito.

"Ikaw makukutusan kita. Magpasalamat ka't buhay ka pa. Marami ka pang magagawa sa buhay mo. Marami ka pang oras para magbago at mahanap ang kasiyahan na gustong-gusto mo."

"Madali lang kasi 'yon para sa'yo dahil wala ka naman yatang problema."

"Marami akong problema." Pati love life ng ibang tao pinoproblema ko. Ikaw pinoproblema ko. Dapat dinespetsa na kita pero 'di kita mapabayaan dahil nag-aalala ako sa'yo. "Hindi mo lang alam. Pinoproblema ko kung kailan maluluto ang kanin. Kung may pag-asa pa kayang tumubo ang bangs ni Dora at pumayat si Jollibee. Sa tingin mo madali 'yong hanapan ng solusyon? Nalilito pa nga ako kung sapat na ang 1 pc burger steak or dapat 2 pc na lang ang bilhin ko. You don't know anything."

"Mababaw lang naman 'yang sa'yo e."

"Walang mababaw na problema Alyce. Lahat ng problema mabigat."

"I just wish I have a friend like you Darwin."

Napatitig siya rito. "Why would you want a friend like me?"

"I envy Allysa. Kahit na wala siya gaanong kaibigan noon ay may isa naman siyang kaibigan na hindi siya iiwanan. I want a friend like that. Gusto kong magkaroon ng isang kaibigan na isasampal sa'ken ang mga mali ko at hindi takot na saktan ako. I would have appreciated that kind of friendship."

Seeing Alyce now. All he can see is a sad soul. A lonely and sad Alyce. Naingat niya ang tingin sa madilim na kalangitan. I wonder kung lahat ba ng mga kontrabida sa mundo ganoon kalungkot?

"I can be your friend." Mayamaya ay basag niya. Sabay silang napatingin sa isa't isa. "You don't need to look around. Your sister and I can be your friends."

"Why am I always thinking of you Darwin?" halos pabulong na nitong tanong sa kanya. "Why am I hearing your voice in my dreams?"

"Alyce?"

"Bakit?" dinala nito ang isang kamay sa may puso nito. "Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag kasama ka?"

Ngumiti siya. "Masyado lang akong gwapo sa paningin mo."

"Dar –" he didn't let her finish her words. He just kiss her. Forget the things that makes you sad Alyce. Hindi mo kailangang paulit-ulit na alalahanin 'yon. You just have to love yourself. He cupped her face to deepened the kiss. He took every pain and sadness out through that kiss. It will calm her and put her at ease just for now.

Their lips parted and Alyce immediately fell asleep in his arms. Hinawi niya ang ilang buhok na tumabing sa mukha ni Alyce.

"Nakakarami na ako ng halik sa'yo, ha? Masasapak mo na yata ako kung maalala mo lahat ng mga 'yon." He pinched her nose playfully. "Hay naku Alyce." Pinanggigilan pa niya ang matambok na pisngi nito. "Ang cute mo rin pala e. Ang bait mo talaga kapag tulog. Matulog ka na lang lagi, ha?"

Di joke lang.




"DARWIN!"

Napabalikwas ng bangon si Darwin sa malakas na pagkabog ng pinto sa kwarto niya. Sa sobrang gulat niya ay nahulog pa siya sa sahig. Tang na juice! Ang sakit ng mukha ko. "Wait," bakit sa sofa ako nakatulog? "Oh, shaks!" Si Alyce!

"Darwin gumising ka na riyan! May lakad tayo." Allysa?! Teka lang! Teka lang! Anong araw ba ngayon? "Damn, may meeting pala kaming pupuntahan ni Allysa ngayon." Napangiwi siya. Nak nang! Bakit nakalimutan ko 'yon?

Mabilis na pinuntahan niya si Alyce sa kama niya. "Alyce. Alyce." Mahinang gising niya kay Alyce. Inalog-alog niya ang balikat nito. "Gumising ka na riyan."

"Hmm," umungol lang ito at tinalikuran siya.

"Ay grabe 'to. Gumising ka na dya –"

"Darwin buksan mo nga 'to! Mali-late na tayo. Chu-Chu saan na ang spare key sa kwarto ni Darwin."

"Alyce gumising ka na riyan." Inalog-alog niya ulit ang balikat nito. "Gumising ka na riyan at baka mapatay pa ako ng kapatid mo kapag nakita niyang nasa kama kita." Tang na juice naman oh!

"Ano ba," ungol pa rin nito. "Inaantok pa ako e."

"Gumising ka na riyan. Nandiyan si Allysa."

"Huh?!" mabilis pa sa alas kwatro na bumangon si Alyce. "Si Allysa? Wait, na saan ako? Oh!" napasinghap si Alyce. "A-Anong ginagawa mo rito Darwin?"

"Mamaya na ako mag-i-explain. Magtago ka muna." Hinila na niya ito paalis sa kama. Gulong-gulo ang utak na iginala niya ang tingin sa paligid. "Sa closet kasya ka ba doon?"

"Huh?"

"Kasya ka doon. Doon ka muna." Itinulak niya papasok sa closet si Alyce. Manlalaban pa sana ito nang itulak niya ulit ito sa noo papasok sa loob. "Huwag ng makulit. Kasalanan mo naman lahat ng 'to." Isasara na sana niya ang closet pero ang lakas ni Alyce. Dinamba na niya ang pinto ng closet para lang maisara 'yon.

"A-Ako? Ano bang ginawa ko?"

"Basta. Magtago ka muna riyan at baka kapag nakita tayo ng kakambal mo ay ano pa isipin niya."

"Ma'am Allysa ito na ang spare key ." Narinig niyang sabi ni Chu-Chu mula sa labas.

"Makisama ka muna Alyce kahit ilang oras lang."

"Darwin bubuksan ko na ang pinto."

"Si Allysa ba 'yon?" tanong ni Alyce.

"Paulit-ulit lang? Kakasabi ko lang e. Ay ang kulit." With all his effort ay naisarado na niya ang closet. He snapped his fingers to secure the closet. Hindi na 'yon mabubuksan pa at hindi na rin maririnig ang boses ni Alyce mula sa loob.

Napabuga siya ng hangin. Umagang-umaga ang laki na ng problema ko. Sakto namang bumukas ang pinto. Nilingon niya si Allysa.

"Gising ka na pala pero hindi mo man lang ako pinagbuksan ng pinto."

Ngumiti siya kahit na sa loob-loob niya ay hindi pa rin kumakalma ang kaba niya. "Oh Allysa, nandiyan ka na pala. Sorry in-i-enjoy ko pa ang umaga kaya 'di ko kayo agad narinig. What a lovely morning!" masigla niyang bati.

"Talaga lang, ha?"

"Give me 10 minutes." Allysa glared at him. "Fine 5 minutes."

"I'll give you 20 minutes. Bumaba ka agad." 'Yon lang at nilayasan na siya nito.

Natutop niya ang dibdib. Langya! Lalo lang yatang gumulo ang lahat. Mula sa pwesto niya ay isinarado niya ang pinto at in-lock ulit 'yon. Binuksan niya ang closet at parang na hulog sa kung saan na dumaosdos palabas si Alyce mula sa closet.

Tumingkayad siya ng upo sa harap nito. He then pointed a finger at her. "ET, alis muna ako. I'll call you later. Promise, 'di kita tatakasan." Kinindatan niya pa ito. "Pa align muna."

"Nang-aasar ka ba? ET? Mukha ba akong Alien?"

"Oo magandang ET. Sige na pa align muna."

"Maligo ka na. 20 minutes lang binigay sa'yo. May utang ka sa'king explanation."

"Pa align nga kasi muna."

"Darwin!" she hissed.

Natawa lang siya. Ewan ba, natutuwa siyang asarin si Alyce. "Sige na, pa align muna." Inilapit pa niya ang daliri rito. "A-align na 'yan si ET."

"Argh!" sa huli ay idinikit rin nito ang daliri nito sa daliri niya. "Maligo ka na!"

Cute talaga ng ET na 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

45.9K 1.1K 35
"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?"
410K 13.5K 21
(Finished) All good boys are boring - but Andres Emilio Rivera is an exception.
4.4M 110K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
185K 10.1K 35
Naniniwala si Emari Scroll Catapang na ang true love ay makikita lamang niya sa mga AFAM. Kaya swipe right siya sa lahat ng dating site. Pero ang fre...