Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 130K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-5-
-6-
-7-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-47-

54.2K 2.1K 547
By vampiremims


“STOP crying…” umupo sa tabi ko si Kol at hinawakan ang likod ko. Hindi ko pa rin mapigilan ang paghagulgol ko. I saw disappointment in her eyes. I saw how hurt she is. Kasalanan ko naman kung bakit. I gave in. Now, this is the prize of my actions… of my decisions.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang totoo. Hindi ko alam kung paano ko ipapaalam sa mga magulang ko na buntis ako, and worst, kung paano sasabihin kung sino ang tatay ng anak ko.

Ngayon ay alam na nila.

Natatakot ako. Natatakot ako sa mga sunod na mangyayari.

“Cherinna, makakasama sa’yo ‘yang kakaiyak mo…” muling pag-aalo sa akin ni Kol. “Stop crying now…” hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.

Mas lalo lamang akong nakaramdam ng lungkot.

Ako ‘yung sinasabi nilang hindi makabasag-pinggan sa aming lahat. Ako ‘yung palaging tahimik lang, ako ‘yung hindi naman nakikipagkaibigan sa iba pa dahil sapat na sa akin ang mga pinsan ko at sila Ate Caryl, pero ito… ako pa ‘yung magbibigay ng kahihiyan sa pamilya ko.

“Where the fuck is Jahann now?” narinig kong asik ni Kol. Bahagya ko siyang nilingon at nakita ko ang pagkuyom ng palad ni Kol. He’s always with me since Jahann left. He’s always make sure that I am okay. Higit lalo noong naghinala siyang buntis ako. Hindi niya ako pinabayaan.

“He’s not coming…” I managed to utter. Umiling pa ako. “Hindi babalik si Jahann dito…” kinagat ko ang labi ko.

Ngayon, parang mas gusto kong magpasalamat na hindi niya ako pinapansin. Gusto kong magpasalamat na hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nangyayari dahil alam kong magiging mas malala ang sitwasyon kung malalaman ni Jahann ang kalagayan ko.

My mom loves us very much. It’ll really break her heart once she found out the truth. For her, we’re a perfect family… pero dahil sa akin, masisira iyon. Dahil sa akin, masasaktan siya ng husto.

Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili kahit na sobrang hirap. Kahit na para na akong mauubusan ng hangin sa katawan dahil sa pag-iyak. Hindi matigil ang bawat paghikbi ko. Hindi matigil ang bawat pagpatak ng luha ko. Sa bawat lumilipas na oras, mas nararamdaman ko ang implikasyon ng ginawa ko.

“I’ll call him…” kinuha ni Kol ang phone nito at mabilis na tinawagan si Jahann. Agad ko siyang nilingon.

“No…” halos pabulong lang na sabi ko sa kanya. Hindi naman ako pinakinggan ni Kol.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nararamdaman ko ang patuloy na pagdaloy ng mainit na likido mula sa mga mata ko.

“Damn,” Kol hissed as his jaw tightened. Even his grip on his phone was tight.
Muli nitong tinawagan si Jahann. Pero muling napamura lang si Kol. 

“He’s not going to answer it. Tama na, Kol…” nanghihinang sabi ko sa kanya.

“Maging okay lang kami ni Mommy, I will give him up…” yumuko ako at sinalo ng mga palad ang mukha. “I will give him up…” ulit ko.

Pakiramdam ko ay mas nadudurog ang puso ko sa kaisipan na kailangan kong bitawan si Jahann. I love him, but I love my mom, more. She’s the one who gave birth to me and I will always choose her. I may failed a lot of times, but in the end, I’d still choose her.

It’s really hard. Giving up someone you love so much. Giving up someone who made you the happiest even without doing anything. They say, you can’t have a rainbow without a little rain. I’m having a storm right now, will I have the rainbow after this? Will I ever find my own rainbow after all this pain?

I never wanted my life to be like this. I never planned on hurting them. I followed my heart because I wanted to be happy, my happiness means nothing if I am hurting them. I learned that in a very hard way.

Hinapit ako ni Kol at niyakap.

“Kol, mahal ko si Jahann…” patuloy ang paghagulgol ko.

“Shh…” marahang hinahaplos ni Kol ang buhok ko habang yakap ako. “Just calm down…” huminga ito ng malalim.

“I’m sorry I’m dragging you in this mess. Hindi ko alam kung sino pa ‘yung lalapitan ko. Sino ‘yung mapagsasabihan ko…” hinging paumanhin ko sa kanya. Alam kong may sariling buhay si Kol pero dahil sa akin, halos wala na siyang oras para sa ibang bagay. Siya lang ang may alam ng tungkol sa amin ni Jahann kaya naman palagi na lang na siya ang kinakausap ko.

“I told you, stop saying sorry and don’t worry about me. No one asked me to do this, I’m doing this because I wanted to, not because I feel obliged to do so…” bulong ni Kol sa akin. Marahan akong lumayo sa kanya at nag-angat ng tingin.

“Thank you…” pinilit kong ngumiti pero hindi ko nagawa. “Thank you for staying with me. For everything. Hindi ko alam ang kung ano ‘yung mangyayari sa akin kung wala ka…”

“Don’t mention it…” ngumiti ng tipid si Kol sa akin bago pinunasan ang luha sa pisngi ko. “Be brave now. I’m here, but you need to face it, Cherinna. You have to be brave. For you and your baby…” sumeryoso ang mukha ni Kol.

Huminga ako ng malalim bago ako tumango.

Kol is right. I have to be brave. I have to be strong.

Umayos ako ng upo.

Sabay kaming napalingon ni Kol nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Ma’am Cherinna, pinapatawag kayo ng Daddy niyo…”

“She’ll be there…” si Kol ang sumagot dito nang hindi ako makapagsalita bago lumingon sa akin. Pinunasan ko ang luhang muling tumakas mula sa mga mata ko.

“Sasamahan kita,” tumayo si Kol pero agad ko siyang pinigilan. “Huwag na. I am sure, ayaw ni Daddy na may ibang tao ‘don…” pilit akong ngumiti sa kanya bago tumalikod.

“I’ll walk you there, then…” ani Kol na hinawakan ang likod ng siko ko.

“Kol…” napailing na lang ako nang maglakad na si Kol papalabas ng kwarto ko.

“What are you doing here?” napahinto si Kol sa paglalakad kaya napaangat ako ng tingin. Nakita kong naroon sila Keij.

“What happened, Twin? Mom called me and asked me to go home. She’s fuming mad. What’s happening, magkaaway sila ni Dad?” lumapit sa akin si Aly kaya binitawan ni Kol ang siko ko. “Are you crying? What happened?” tanong niya nang hindi ako sumagot.

Nilingon ni Aly si Kol. “What’s happening, Kol?”

“Excuse me, I need to talk to Dad…” paalam ko sa kanila. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Keij at Theon. Mabilis akong naglakad papalayo. Naririnig ko ang pagtatanong ni Aly kay Kol pero hindi sumasagot ang huli.

Nasa tapat na ako ng library nang pakiramdam ko ay hindi ko magalaw ang mga paa ko. Pumikit ako at nagbilang ng hanggang lima habang humihinga ng malalim.

Mahina akong kumatok.

“Come in,” I heard my Dad’s voice.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko naman agad si Daddy na nakaupo sa couch at katabi nito si Mommy. Matigas ang ekspresyon ni Mommy.

Agad akong napayuko.

“Come in, Cherinna…” sabi ni Daddy sa akin. Nakayuko pa rin ako nang naglakad at naupo sa harap nila.

Hindi ko magawang mag-angat ng tingin dahil ramdam ko ang galit ni Mommy sa akin.

“Sinong nakabuntis sa’yo?” diretsong tanong ni Mommy sa akin.

Itinikom ko ang bibig ko at umiling.
I can’t.

“God, Cherinna. Answer me!” she yelled again.

“Ai, just calm down…” halata rin ang pagpipigil sa boses ni Daddy.

“How can I fucking calm down?” tanong ni Mommy dito. “She’s pregnant, she’s just 19 for Pete’s sake!” dagdag pa nito.

“I know, but you need to calm down, Mikaela.”

Dumiin ang pagkakapikit ng mga mata ko. Oh, I hate this. Never pang nag-away si Mommy at Daddy. They never raised their voices towards each other.

“Damn it,” asik ni Mommy kay Daddy.
Silence.

Nakayuko lang ako kaya hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko. Patuloy lang ang mahihinang paghikbi ko.

“Cherinna…” Daddy sighed heavily. “I want to know, who is it?” tanong niya sa akin.

“I’m sorry…” muli akong umiling. I really can’t.

“Don’t wait for me to lose my temper, Cherinna…” madiin ang pagkakasabi ni Daddy.

Muli akong umiling habang patuloy na humahagulgol. “I’m sorry…” paulit-ulit lang na sinasabi ko.

“What, you don’t know who is it? Are you a slut?” malakas na tanong ni Mommy sa akin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Mommy, no…” umiling ako. “No…” basing-basa na ang pisngi ko ng luha ko.

“Mikaela…”

“Then who? Sinong nakabuntis sa’yo, Cherinna?” kumuyom ang palad ni Mommy habang nakatingin sa akin.
Muli kong itinikom ang bibig ko.

“Cherinna, we need to know. Sabihin mo sa amin kung sino,” nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata ni Mommy. Mas lalo akong napahagulgol. Para akong nadudurog sa bawat pagpatak ng luha niya.

“I’m really sorry, Mommy…” tumayo ako at lumapit sa kanya. “I’m sorry…” hilam na hilam na ang mga mata ko sa walang paghintong pag-iyak.

Nag-iwas ng tingin sa akin si Mommy na tila ba ayaw niya akong sulyapan man lang.

Nakita ko ang pagyuko ni Daddy at paghawak nito sa noo nito na tila nag-iisip.

“Mommy…” hinawakan ko ang kamay niya pero agad niyang binawi iyon mula sa akin.

Agad niyang pinalis ang luha sa pisngi niya ngunit patuloy lang din sa pagtulo ang mga iyon. “I don’t want to talk anymore,” aniya bago tumayo.

“Mommy…” hinawakan ko ang kamay niya pero muli niyang binawi iyon mula sa akin at walang anumang sinabi pa at lumabas na.

Napayuko na lang ako at patuloy na umiyak.

“Why?” tanong ni Daddy sa akin.
Hindi ako makatingin sa kanya. Wala rin akong maisip na isagot.

“Why do you have to do that, Cherinna?” muling tanong niya. Hindi ako makakibo. Nakayuko lang ako.

“We’re not going to resolve anything if you won’t tell us the truth…” sambit muli ni Daddy pero nanatiling tikom ang bibig ko.

Kung sasabihin kong si Jahann ang tatay ng anak ko, hindi ko na alam kung paano pang tatanggapin ni Mommy iyon. Hindi ko alam kung mapapatawad niya kaming dalawa…

Naihilamos ni Daddy ang palad sa mukha dahil sa frustration. Alam ko na sobrang nasasaktan silang dalawa ni Mommy dahil sa nangyari. Paano pa kung sasabihin ko ang totoo?

Kinuha nito ang cellphone at naglakad papalabas ng library.

Naiwanan akong mag-isa sa loob habang patuloy na umiiyak.

Ilang sandali lang ang lumipas at pumasok sina Aly sa loob. Agad na lumapit sa akin si Kol. Hindi siya nagsalita pero hinawakan niya ang kamay ko.

“You’re pregnant?” tanong ni Aly sa akin. Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko ay wala ng lalabas na boses sa lalamunan ko. Puro paghikbi lang ang nagagagwa ko.

“Sinong nakabuntis sa’yo?” tanong niyang muli sa akin. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.

“Aly, wag mo ng dagdagan ‘yung nararamdaman ni Cherinna,” saway ni Kol dito.

“Gusto ko lang malaman, Kol…” ani Aly bago muling tumingin sa akin. “Twin…”

“I’m sorry…” mahinang-mahinang sabi ko.

“Sinong gagong bumuntis sa’yo?” seryosong tanong ni Keij. “Give me his name and address…”

“Keij, shut up,” saway ni Kol sa kakambal.

“Kol, how can you calm down? She’s pregnant!” malakas na sabi ni Theon. “And where the hell is Jahann?” tanong ni Theon. “He should be here!” dagdag pa nito.

“You’re not helping, just so you know,” matigas na sabi ni Kol sa dalawang lalaki. “Bumalik ka na sa kwarto mo. You need to rest, Cherinna…” hinawakan niya ang braso ko.

“Matagal mo ng alam, Kol?” tanong ni Aly kay Kol. Hindi sumagot si Kol dito. “Does it mean alam mo kung sino ang nakabuntis kay Cherinna?” dagdag na tanong ni Aly.

“Come on, you need to rest,” sa halip ay inakay ako ni Kol.

“Kol!” muling tawag ni Aly dito.

“Bal,” kahit si Keij ay tinawag si Kol pero hindi niya nilingon ang mga ito. Inakay niya lang ako papalabas ng library at iniwan ang tatlo sa loob.

“Rest, alright? Try not to think about anything…” bulong ni Kol habang naglalakad kaming dalawa. Hindi pa rin natitigil ang pag-iyak ko.

“She cried…” mahinang sabi ko habang naglalakad kami. “She cried because of me. She’s hurt…” nanginginig ang mga tuhod ko. “She’s right. I’m such a disappointment…” nangangatal ang baba ko habang nagsasalita.

“Don’t say that. She’s hurt, she’s a bit mad, that’s why she said those things,” pag-aalo ni Kol sa akin.

Nakarating kaming dalawa sa kwarto ko at agad akong inupo ni Kol sa kama ko. “I’ll get you a warm milk. Para makapagpahinga ka na muna…” sabi nito bago lumabas ng kwarto ko. Nakaupo lang ako at nakatingin sa kawalan.

Napalingon ako sa phone ko na nasa lamesa. Nanghihinang inabot ko iyon.

I dialled his number.

Patuloy ang pagpatak ng luha ko habang naghihintay na sagutin niya ang tawag ko.

Kahit ngayon lang, Jahann… sagutin mo.

I closed my eyes hard.

Napangiti ako ng malungkot nang marinig ko na ang tinig ng operator.

“Why?” ibinaba ko ang cellphone ko at patuloy na umiyak. “Are you that mad at me?” humigpit ang hawak ko sa cellphone ko.

Pulang-pula na ang ilong ko, maging ang mata ko ay magang-maga na sa pag-iyak.

Nagkulong lang ako sa kwarto ko nang gabing iyon. Nakaalis na si Kol at sinabi niyang babalik na lang siya kinabukasan. Si Aly naman ay nasa kwarto niya. Nagpunta siya kanina sa akin pero hindi siya nagtanong pa. Inaalam niya lang kung okay ako at kung may kailangan ako. Marahil ay naramdaman niyang ayaw ko ring pag-usapan ang tungkol sa nangyayari kaya naman hindi na siya nagpumilit pa.

Hindi ko binuksan ang ilaw sa kwarto ko. Nananatili lamang nakapatay iyon habang nakaupo ako. Walang tiyak na tinitignan.

Lumingon ako sa lamesa sa gilid ng kama ko. Kinuha ko ang frame na naroon. It’s our family picture…

I smiled a little.

Humiga na ako at tahimik na lang na umiyak.

I hope everything will get better soon…

“Cherinna…”

Napamulat ako nang may kumatok sa kwarto ko. Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Aly.

“Yes?” sagot ko na pinagsisihan ko. Masaki tang lalamunan ko. Marahil ay dahil sa maghapon na pag-iyak kahapon.

“Aayain sana kitang magbreakfast… o gusto mong pahatiran na lang kita dito?” tanong niya sa akin. Bumangon ako at umayos ng upo.

“You can come in, Aly…” sabi ko, sapat lang upang marinig niya ako. Dahan-dahan namang bumukas ang pinto at pumasok si Aly. Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha niya nang pumasok siya sa kwarto ko. Lumapit siya sa akin.

“How are you?” tanong niya sa akin.

“Better than I deserve?” ngumiti ako. Sa totoo lang ay masakit ang ulo ko. Maging ang mga mata ko ay masakit. Mahapdi na hindi ko maintindihan.

“I understand that you don’t want to talk about it now, pero twin, I’m just here, alright?” lumapit pa siya sa akin at niyakap ako. “Kung sino man ang bumuntis sa’yo, yari talaga siya sa aming lahat! Lalo na sa amin ni Jahann…” bulong pa nito habang yakap ako.

Hindi ako nagsalita.

“Come on, let’s eat. Baka mamaya mana pala sa’yo ang baby mo, malamang gutom na ‘yan,” pagbibiro ni Aly sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya bago tumango.

“I’ll just wash up, susunod na lang ako…” mahinang sabi ko sa kanya.

Tinitigan ako ni Aly bago siya tumango sa akin at lumabas ng kwarto ko. Itinali ko naman ang buhok ko bago ako tumayo at nagpunta sa banyo upang maghilamos at magsepilyo.

I really looked like a mess. Maga pa rin ang mga mata ko.

Huminga ako ng malalim bago muling binasa ang mukha ko at saka nagpunas ng towel.

Lumabas na rin ako ng kwarto. Hindi ko alam kung naroon pa si Mommy o wala. Kung ako ang papapiliin ay gusto kong sa kwarto na lang kumain at huwag lumabas ng kwarto pero ayokong mas malungkot si Aly.

Naglalakad ako pababa ng hagdan nang makasalubong ko si Mommy. Natigilan siya nang makita ako. Saglit lang niya akong sinulyapan at agad na nagtuloy sa pag-akyat.

“Mom…” tawag ko sa kanya nang lagpasan niya ako. Huminto siya pero hindi niya ako nilingon. “I’m really—“

“It won’t change anything,” putol niya sa sasabihin ko. Napayuko ako. Nagtuloy na siya sa pag-akyat at iniwan ako.

Huminga ako ng malalim upang pigilan na naman ang sarili ko sa pag-iyak.

Damn, Cherinna. Will you please stop crying?

Humigpit ang pagkapit ko sa hagdan habang pababa ako.

I closed my eyes when I felt something on my stomach.

“What…” I heaved a sigh again.

Mas humigpit pa ang kapit ko nang hindi ko mapigilang mapaupo na.

“Aly…” napapikit ako. Napalunok ako nang muli akong makaramdam ng sakit sa tiyan ko. “Aly!” pumatak ang luha ko.

“Twin? Why are you… Cherinna?!” nanlaki ang mata ni Aly nang lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat. “What’s happening with you?” tanong niya sa akin. Hindi ako makasagot.

“Mommy!” malakas na sigaw ni Aly. “Nanang! Pakitawag si Daddy!” muling sabi nito.

Unti-unting nanlalabo ang paningin ko.

“Cherinna?” I heard Kol’s voice.

“Kol, help me!” ani Aly dito.

Naramdaman kong may bumuhat sa akin. I closed my eyes. The last thing I heard was my mom’s voice.


I slowly opened my eyes. Naamoy ko agad ang alcohol sa paligid ko.

“Cherinna…”

Kumunot ang noo ko nang marinig kong may tumawag sa akin. Nakatayo si Kol sa bandaang paanan ko.

“Twin, how are you feeling? Halos isang buong araw kang walang malay…” hinawakan ni Aly ang kamay ko. Nilingon ko siya. Nakita ko rin si Mommy na nasa gilid ng kama ko at nakaupo. Nakatingin siya sa akin.

“What happened?” tanong ko. Agad na napatuwid ang likod ko. “’Yung baby ko…” napatingin ako kay Kol. “What happe—“

“The baby’s fine, Cherinna…” si Mommy ang sumagot sa akin.

“The doctor said you almost had miscarriage because of stress…” seryosong saad ni Daddy. Pinanlamigan ako. Muntik ng malaglag ang baby ko? Wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko.

“I’m sorry…” mahinang sabi ko sa kanila.

“I already talked to Ian…”

Napalingon ako kay Mommy. Kumunot ang noo ko.

“Ian?” anong kinalaman ni Ian dito?

“Mikaela, not now…” saway ni Daddy dito. Nilingon lang ito ni Mommy. Napailing na lang si Daddy.

“Papanagutan ka ni Ian dahil sa ginawa niya,” sabi nito nang lumingon sa akin.

“What?” Ginawa ni Ian? Anong ginawa ni Ian?

“Ayokong manganak ka na Anderson ka pa rin. You’ll marry Ian as soon as we fixed everything,” sabi nito sa matigas na tinig.

“Mom, no…” pagtanggi ko rito. Why do I have to marry Ian?

“You need to get better soon before the wedding,” huminga ito ng malalim bago tumayo at lumabas ng kwarto.

“Mommy…” muling tawag ko sa kanya. Nilingon ko si Aly. “What’s happening?” tanong ko sa kanya.

Hindi ako sinagot ni Aly. Nilingon ko si Daddy na madilim ang ekspresyon ng mukha.

“Dad…”

“You need to marry Ian, Cherinna…” sagot niya sa akin.

“Why?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

“Because he admitted that he’s the father of your child, Twin…” mahinang sabi ni Aly.

“What?” pakiramdam ko ay mas nanghina ako. What happened while I was asleep?

Bakit inako ni Ian ang baby ko?

Continue Reading

You'll Also Like

15.9K 980 28
WARNING: THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SCENES THAT SOME READERS MAY FIND DISTURBING AND/OR TRIGGERING. READ AT YOUR OWN RISK. ♦ Story description ♦ S...
24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...