Hot And Cold [Completed]

By marielicious

11M 274K 40K

X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dust... More

Hot And Cold
~1~ Childhood Playmate
~2~ And They Meet Again
~3~ Small World
~4~ Ang Side Mirror... Bow!
~5~ Cook For Me
~6~ Pork Bistek And Fried Potatoes
~7~ Tupperware
~8~ Cellphone
~9~ Sorry Na
~10~ Say No To Gapang
~11~ Feeling Close
~12~ Pink Bunny
~13~ Ang Aking Sundo
~14~ Okay Na Sana
~15~ Mushroom Soup Versus Broccoli Soup
~16~ Behind His Coldness
~17~ Loner
~18~ Cute Little Girl
~19~ Sa Akin Ka Nalang
~20~ Missing In Action
~21~ Two Hour-Date
~22~ Inspiration
~23~ It's A Guy Thing
~24~ First Day, LQ Agad?!
~25~ Raffle Draw
~26~ Second Base
~27~ My Tummy Aches!
~28~ Back Off, Fan Girls
~29~ No More
~30~ I'm All About You, I'm All About Us
~31~ Debut
~32~ Doubts
~33~ Floral Scent
~34~ What Makes You Busy
~35~ Diversion
~36~ Online Stalking
~37~ The City Of Pines
~38~ Over You
~39~ Waiting For Nothing
~40~ What Does My Heart Say?
~41~ Lies
~42~ If You Only Knew
~43~ I Chose You
~44~ Get Away
~Epilogue~

~45~ Time And Space

197K 4.9K 945
By marielicious

~45~ TIME AND SPACE

 

DUSTIN’S POV

 

BAM! BAM! BAM!

“Dustin, maghunusdili ka nga! May doorbell naman. Kailangan ba talagang manghampas ng gate???”

Hindi ko na pinansin ang paninita sa akin ni Wayne, panay hampas lang ako sa gate ng bahay nila Chloe. Sinubukan namin ni Wayne na makarating ng mabilis dito sa pamamagitan ng motorbikes namin, pero bakit parang pakiramdam ko ay nahuli na kami?

“Sh*t!”

Nakatanggap ako ng sapak mula kay Wayne sa kaliwang braso ko. Maybe because he’s annoyed of my hysteria. “T-angna! Magrelax ka nga, dude. Namumutla ka na.”

BAM! BAM! BAM!

“CHLOE!!!”

Tumigil ako sa paghampas sa gate nang may narinig akong boses ng isang babae mula sa loob. Ilang sandali lang ay pinagbuksan na kami ng isa sa mga kasambahay nila Chloe. She was frowning from brow to brow and I bet she’s flaring mad at us.

“Ano po bang problema? Bakit ho kayo nag-eeskandalo dito?”

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita. Natataranta na ako pero alam kong dapat akong kumalma. “Si Chloe? Nasaan po si Chloe? Kailangan naming mag-usap,” tumingkayad ako at sumilip sa looban nila. Yung kotse ni Chloe nalang ang nasa garahe. “Where the hell is Chloe?!?”

“Si Ma’am Chloe po ba?”

Gusto ko nang sumigaw ng ‘P-ota! Oo nga! Si Chloe’ pero pinili ko nalang na tumango. Kailangan kong kumalma. Sh*t!

“Ay, sir. Kakaalis lang nila. Hmm, may sampung minuto na rin siguro ang nakakalipas. Sino ho ba kayo?”

Sumingit si Wayne sa usapan. Unlike me, he was flashing his charming smile. D-amn, ngayon pa siya may oras na magpa-cute?! “Manang, siya po yung boyfriend ni Chloe. Kailangan po nilang mag-usap bago umalis si Chloe. Kailangan niyang pigilan ang girlfriend niya.”

“Oh,” tumingin sa akin ang babae at tinuro ako. Para siyang may naalala na kung ano. “Ay, naaalala kita, sir. Naku, pasensya na. Kaaalis lang talaga nila. Kung kailangan mo siyang makausap, ang mabuti pa itext o tawagan mo nalang siya.”

Siniko ako ni Wayne. “Dude, itext mo na. Malamang nasa byahe pa yun.”

“Tsk! Nag-iba na siya ng sim. Hindi ko na siya macontact.” That’s true. I couldn’t fvcking contact her through her number. I bet that she changed her sim card already.

“Ay naku, huwag ka ngang umiyak, hijo. Ako na ang tatawag,” sabi nung babae habang kinukuha ang phone niya sa bulsa niya. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Hindi naman ako naiiyak. Bakit ako iiyak? D-amn it! “Oh ito na, hijo.”

Kinuha ko mula sa kanya ang phone. I placed it on my ear and I noticed she hasn’t picked it up yet.

“Pick it, Chloe. C’mon, pick it up.”

..Toot

[“Hello, manang. Bakit po kayo napatawag?”]

I turned my back on them and swallowed the lump on my throat. “—Chloe.”

[“Ha? Sino ‘to?”]

“Si Dustin ‘to… Chloe, mag-usap tayo, please.”

And my eyes started to water… D-amn it, I ain’t gonna cry. Fvck!

 

 

CHLOE’S POV

[“Si Dustin ‘to… Chloe, mag-usap tayo, please.”]

Napakurap ako ng mga mata at natulala sa bintana ng van sa boses na narinig ko. Teka, paanong magiging si Dustin ito eh kay manang itong phone?

“P-paano napunta sayo ang phone ni manang?”

[“Chloe, mag-usap tayo. Huwag kang umalis!”]

Kusang napalabi nalang ako pagkarinig ko sa nanginginig niyang boses. Paano niya nalaman na aalis ako? Wala naman akong napagsabihan bukod kay Warren ah?

Napabuntong-hininga ako, yumuko at iniwasan ang mga tingin nila Momsie, Papa, at Kuya Cho sa tabi ko. Malapit na kaming makarating sa airport, pero dahil sa traffic na-stranded tuloy kami.

“Hindi pwede. Tapos na tayo diba? Tama na,” bulong ko.

[“You can’t leave me.”]

“I can. Sira-ulo ka ba? Huwag mo nga akong dramahan dyan,” I rolled my eyes in irritation. Hindi ko siya maintindihan. Tapos na ang lahat-lahat sa amin, bakit pinipigilan niya pa ako?

[“Please, mag-usap muna tayo bago ka umalis. Hintayin mo ako sa airport.”]

“Dustin—“

[“P-please…”]

I sighed deeply. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko dahil sa boses niya. “Oo na. Bilisan mo lang. Hihintayin kita,” at ibinaba ko na ang tawag.

Nasapo ko nalang ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako kakausapin, pero parang may kung anong umuudyok sa akin na importante ang sasabihin niya. Alam kong maling makipag-usap pa ako sa kanya pero siguro ito na rin yung tamang oras para magkaroon kami ng proper closure.

Tama, mas mabuting mag-usap kami sa personal para maiklaro ang lahat bago ako umalis papuntang Canada.

 

Wala ako sa tamang sarili nang makarating na kami sa airport. Lumilipad ang utak ko habang hinihila ko ang aking suitcase mula sa compartment ng kotse. Ang bigat ng pakiramdam ko habang nagpapaalam sina Momsie sa driver namin. Ewan ko ba pero parang namumuo na rin ang luha sa mga mata ko. Bakit parang bumigat yata ang mga paa ko? At bakit nagiging emosyonal na naman ako?

“Let’s go. We’re just on time,” sabi ni Papa habang inaakbayan ako pero hindi ako nagpadala sa akbay niya dahilan para manatili kaming nakatayo sa iisang posisyon. “Chloe, what’s wrong?”

Nakatingin silang lahat sa akin at hinihintay ang sagot ko. Yumuko ako at nagpakawala ng malalim na hininga.

“Pa, pwede po bang mauna na kayo sa loob?”

“Bakit, Cha?” Tanong ni Momsie sa akin.

Bumuntong-hininga ako. “May kakausapin lang po muna ako bago umalis. Susunod na rin po ako sa inyo sa loob.”

“Sige,” sagot ni Momsie. Nakita ko pang sumimangot si Papa pero dahil siniko siya ni Momsie pumayag na rin siya. “15 minutes lang, Chloe. Pumasok ka na after 15 minutes.”

15 minutes…

Nakaupo ako sa waiting area ng humigit kumulang na sampung minuto. Darating pa kaya siya? Nasasayang na ang bawat minuto. 5 minutes nalang at kailangan ko ng pumasok. Pinapaasa na naman ba niya ako sa wala?

Nakayuko lang ako habang tinitignan ang mga kamay kong nakapatong sa kandungan ko. Sa natitirang limang minuto na paghihintay ko sa kanya, kung ano-ano na naman ang pumasok sa isip ko.

Ano kayang sasabihin niya sa akin? Bakit niya ako gustong makausap? Nagsisisi ba siya dahil hinayaan niya akong mawala sa kanya? O gusto lang niyang humingi ng tawad sa mga ginawa niya sa akin?

Napabuntong-hininga na naman ako sa mga katanungang pumasok sa isip ko. Bakit ko nga ba yun iniisip? Tinapos ko na ang lahat sa aming dalawa. Wala na dapat akong aasahan pa.

Tick tock tick tock…

Napangiti ako ng mapait nang makitang tapos na ang limang minutong paghihintay. Siguro ito na rin yung sign para kalimutan ang lalaking yun. Sino nga bang babae ang gustong masaktan ng paulit-ulit? Kung meron man, masokista ang tawag dun at hindi ako ganun.

Tumayo na ako at humarap na sa direksyon ng entrance ng airport. Canada is waiting for me. For the nth time, pinaasa na naman niya ako.

“CHLOE!”

Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses niya. Humarap ako sa kanya at nakita kong inihinto niya ang motorbike sa gilid. Pagkatapos nun ay tumakbo na siya papalapit sa akin. Hingal na hingal siya. Pawis na pawis. Gusto ko sanang punasan gaya ng ginagawa ko noon, pero pinigilan ko ang sarili ko.

…Dumating siya.

“D-Dustin, late ka na. Papasok na ako sa loob,” walang ganang sabi ko.

Tinitigan niya lang ako sa mga mata. Ganun pa rin yung impact. Bumibilis pa rin ang pagtibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin, hindi maiwasan na hindi mag-init ang mga sulok ng mga mata ko. Namiss ko siya. Sobra.

“Huwag mo akong iwan…”

Umatras ako ng isang hakbang habang hindi ko pa rin inaalis ang titig ko sa kanya. “Asa ka naman. Wala na tayo diba? Ano pang ginagawa mo dito?”

“Mahal mo ako diba?”

Napalunok ako sa tanong niya, kasabay nun ay ang pagwawala ng mga internal organs ko. Sh*t! Oo na. Syempre, mahal kita… kung hindi mo ako gina-go, edi sana tayo pa walanghiya ka!

Pero ang totoo, hindi ako makaimik. Naipit na yata ang dila ko.

“… Mahal kita, Chloe. Mahal mo rin ako diba?”

Nagmamatigas ako sa paraan ng pagtingin ko sa kanya. Pinapahirapan niya naman ako. “Alam mo, ang g-ago mo rin, ano? Oo, mahal kita, yun nga lang sira-ulo ka! Kaya nga kita iniwan diba?”

Hindi ko na pinansin ang mga taong nakatingin sa paligid namin. Kapag ganitong nagiging emosyonal na ako, wala nang makakapagpigil sa bibig ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, pero pilit agad ko itong iniwasan. “Chloe, wala na kami ni Jenine. Alam niya ang tungkol sa atin. Ang gusto niya ako mismo ang makipaghiwalay sa kanya…”

Napataas ang kilay ko. Alam ang tungkol sa amin?

“Hindi pa rin maalis ang katotohanan na hindi mo ako kayang ipaglaban! Iniisip mo lang ang sarili mo!” Lumunok ako dahil naramdaman ko na naman na babagsak na ang mga luha ko. “Paano naman ako?? Lagi mo nalang ako sinasaktan. Ngayong wala na kayo ng girlfriend mo, sa akin ka na naman tumatakbo? Tama na!”

Hindi na ako nakakilos nang yakapin niya ako ng mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Yung ssari-saring emosyon na itinago ko, ngayon ko lang nailabas.

“I hate you…”

“Magbabago na ako. Hindi na kita lolokohin,” bulong niya sa akin. “Hindi nakita sasaktan ulit. Bumalik ka lang sa akin.”

“Pinaglalaruan mo nalang ako…” Nagpakawala na ako ng hikbi. Hindi ko na kayang pigilin ang nararamdaman ko. Sobrang nasasaktan na ako. “Paulit-ulit nalang kitang pinapatawad. Paulit-ulit mo rin akong sinasaktan.”

“Bigyan mo ako ng second chance. Papatunayan ko sayong seryoso ako sayo.”

“Dust—“

“Iniwanan na niya ako noon, pati ba naman ikaw, mang-iiwan din?”

“Tama na—“

“Kung gusto mo, liligawan ulit kita para makapagsimula ulit tayo. Huwag lang ganito, Chloe. Huwag mo akong iwanan.”

Sunod-sunod na ang pagbagsak ng mga luha ko dahil sa mga sinasabi niya. Lagi nalang ba niya ako dadaanin sa mga salita? Bakit hindi nalang niya gawin nang mapatunayan niya sa akin ang totoo?

“Dustin, kailangan ko---“

“Seryoso ako sayo, Chloe! Kung gusto mo, ihahatid-sundo kita araw-araw. Alipinin mo ako. Parusahan mo ako! Gagawin ko ulit ang mga ginagawa ko sayo nung nanliligaw pa ako, pero paano ko yun gagawin kung aalis ka??”

Pilit akong nagpupumiglas pero mas hinihigpitan niya pa ang kapit. Nagsisimula na akong maconscious sa mga tingin sa amin ng mga tao sa paligid namin. Lumalakas na ang boses ni Dustin kaya naagaw niya ang atensyon ng mga tao.

“Dustin, huminahon ka nga.”

“Bigyan mo pa ang pagkakataon. I promise that if I hurt you again, then I’ll let you go,” naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha niya sa balikat ko. Umiiyak siya. “Mahal na mahal kita… Iwanan na ako ng lahat, huwag lang ikaw.”

This time, napahagulhol na ako. Hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa mga pinagsasasabi niya. Binitawan niya ako at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

Sasapakin ko talaga siya, promise! Huminga ako ng malalim bago ako magsalita.

“BAKIT KA BA KASI NAGDADRAMA NG GANITO? 1 MONTH LANG AKO MAWAWALA, DUSTIN! ISANG BUWAN LANG! MAGBABAKASYON LANG AKO!!”

Natigilan siya sa sinabi ko. Yun naman ang totoo eh. Summer vacation lang ito. Kahihiyan… Wala na akong pakialam sa mga nakikiisyoso sa amin. Hindi naman namin sila kilala. Pakielam ba nila?!?

“S-seryoso?” Utal na tanong niya.

Tumango ako ng dahan-dahan. Nawawalan na ako ng energy sa mga nangyayari. “Babalik ako sa June, sa pasukan. Kaya huwag kang magdrama dyan na parang hindi na ako babalik.”

Hinila na naman niya ako at niyakap. Wala na bang katapusang yakapan ito? Malelate na po ako sa flight namin.

“Babalik ka ha? Babalikan mo ako?”

Kahit naiiyak pa rin ako, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na hindi mapatawa. Para siyang bata. Ang cute niya. “Sira! Babalikan ko ang Pilipinas. Hindi ikaw! Feelingero!”

“P-pero—“

Tinulak ko siya ng malakas at tumingin muna sa paligid bago siya balingan. “Pag-iisipan ko muna, Dustin. Ayokong magpadalos-dalos na naman sa mga desisyon ko.” Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. “Ikaw din… Huwag kang magmadali. Pag-isipan mo rin ang mga bagay-bagay. Hindi dahil wala na kayo ni Jenine, ako naman ang hinahanap mo. Take time to reflect, Dustin. May mga naapektuhan sa bawat kilos natin.”

Hindi siya nakaimik agad, pero sapat na pinakita niya sa akin ang ngiti sa labi niya. How I miss that smile of his.

“I understand… Glad that you’re not leaving for good…”

“M-malay mo. Malay mo, maisip mo na hindi pala ako ang mahal mo. Na siya pa rin pala… Time and space lang ang kailangan natin.”

Umiling naman siya. “I love you. Just you….”

“Kailangan ko ng pumasok,” tumuro ako sa entrance at ngumiti. Tumalikod ako at napabuntong-hininga. Maaring naalis ang tinik sa dibdib ko pero kailangan ko pa ring lumayo at mag-isip. “Aalis na ako. Ikaw din, magbakasyon ka.”

“Chloe, hihintayin kita.”

Humarap ako sa kanya sabay bulong ng, “Bye.”

“Nah,” he shook his head. “See you on June. Hihintayin kita. Pangako…”

Nakangiti akong pumasok ng airport. Nakakahinga na ako ng maluwag at walang bigat sa dibdib ko. Naitama na niya ang mali niay pero hindi yun sapat para tanggapin ulit siya… Kailangan kong mag-isip para sa sarili ko. Kailangan ko ng time and space… hintayin mo ako, Dustin.

---

A/N: This weekend ko ipopost ang epilogue. Thank you! ^_^

PS: PASENSYA NAMAN PO KUNG HINDI ARAW-ARAW ANG UD KO KATULAD NG IBANG AUTHOR. ALAM NG AIWG READERS KO ANG REASON. WALA PO KASI KAMING STABLE INTERNET CONNECTION. NAGLOLOAD LANG AKO KAYA PAGPASENSYAHAN NIYO NAMAN PO SANA =_______=

Continue Reading

You'll Also Like

2M 133K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
8.4M 26 1
Ikaw. Ako at ang Sampung Pisong Fishball.
13.9K 370 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci