Battles Of The Gifted Ones

By _SilentPrince_

2.6K 146 15

Never. Never risk something that you don't want to lose. More

PLEASE READ
×Prologue×
×CHAPTER I: Save The Day×
×CHAPTER 2: The Bad Hero×
Chapter 3:
Chapter 4: The Start of the Nightmare
Chapter 5: Despair
Chapter 6: The Kiss and the Trap
Chapter 7: The Killer
Special Chapter : The Story of the Puppeteer
Chapter 9: Girl on the Rooftop
Chapter 11: Lyra Denaia
Chapter 10: Joker
Chapter 12: Class Picture
Chapter 13: Operation: Blackmail
Chapter 14: Lipsticks
Chapter 15: Infinity
Chapter 16: Library
Chapter 17: Secret's Room
Chapter 18: The Meeting
Chapter 19: Section War
Chapter 20: The War Begun
Chapter 21: Mistakes
Chapter 22: Lies behind Him
Chapter 23: Bloodbath
Chapter 24: Liers go to hell
Chapter 25: What She Really Is
Chapter 26: The Principal's Secret
Chapter 27: Their Return and their Death
Chapter 28: Lost Memories; The Truths and the Secrets
Chapter 29
Chapter 30
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter: A Sacrifice
ANNOUNCEMENT
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 8: The Revelation

65 4 0
By _SilentPrince_

Zac's P.O.V.

"Ang School's History Book?" Tanong ko sa kanila sabay upo sa may sahig. This is such a mess! Dapat hindi nalang ako bumalik sa school na'to!

"Mukang mga wala pala talaga kayong alam Zac." Sambit ni Jilbert habang nakatitig sa akin.

"What do you mean?" Tanong ko sabay hakbang palapit sa kanya.

"Kayong pito; Ycezy, Yumi, Reena, Monique, Zac, Prince, Razor at Dave. Kakatransfer niyo palang sa school sa na'to pero mga nagmamagaling kayo! Marami pa kayong hindi nalalaman sa school na'to." Sabi ni Jilbert nang nakangiti sa amin. Naiinis ako sa mga labi niyang 'yon, nakangiti siya ng para bang nang-aasar.

"Tama siya Zac" Sabi pa ni Zhraine. "Ang Secret High ay hindi lamang school ng mga matatalino kundi pati na rin school ng mga demonyo."

Hindi ko sila maintindihan.
Naguguluhan ako sa mga sinasabi nila.
Ano ba ang meron sa school na'to?
Ano ba talaga ang sekretong itinatago nito?

"Ipaliwanag niyo ang mga pinagsasasabi niyo!" Sigaw ni Ycezy sa kanila.

"Hindi ba dapat kayo muna ang magpaliwanag sa'min, hah?! Ycezy, Yumi, Charlotte, Zac, Dave, Prince, Emerald, at Jk isama pa sina Monique at Reena. Hindi ba kilala rin kayo sa tawag na 10 Secret Keeper?!"

"Paanong...?!" Bitin na sabi ni Ycezy.

Bakit ang dami nilang nalalaman? Ito na ba ang oras para sabihin sa kanila?

"Sigurado ba kayong gusto niyong malaman.. kapalit ng buhay niyo? " Tanong ko sa kanila ng nakangiti. Ano ito? Bumabalik na naman ang dati kong katauhan. Bumabalik na naman ang pagkademonyo ko.

"Wag kayong mag-alala dahil matagal na! Hindi niyo ba alam ang motto ng school na'to? ONCE YOU KNOW, YOU'LL DIE..." Sagot niya sa akin habang pinaglalaruan ang kanyang buhok.

"Sige" Sabi ko sa kanila.

"Sigurado ka ba Zac na ito na ang oras pa malaman nila?" Tanong sa'kin ni Ycezy na mukang natatakot.

"Oo." Sagot ko sa kaniya. "The Secret High is a very famous highschool known for its advanced lessons, ewan ko lang ngayon kung ano nang nangyare sa school na'to. Dati, the class 1-S section doesn't really exist but instead our section is 1-Z. Ang class 1-Z ay isang section na puno ng kalinuhan at kasamaan kaya minsan narin kaming tinawag na OWL STUDENTS...

_______________________________________

Trivia

Owl represents Intelligence and Darkness.

_______________________________________

Merong isang babae na nagngangalang Haize R. Perez. Siya ang pinakamatalino sa lahat at sa totoo lang, napakaganda rin niya. Siya ang top student ng aming section. Hinahangaan, Tinitingala, iyan siya. Naging dahilan ito ng inggit at pang-aapi. Kaming sampo o mas kilala sa tawag na 10 Secret Keepers ay isang grupo ng mga matatalinong studyante sa aming classroom. Wala pang time na nawala kami sa top pero nangdumating yang si Haize na 'yan, nagsimula nang bumaba ang mga grades namin habang siya ay patuloy na tumataas. Dahil sa inggit at galit nagsimula kaming saktan at pahirapan siya. Binayaran din naman ang aming advicer na si teacher Anne para ibagsak siya pero... patuloy parin ang pagtaas niya. Hanggang sa nagplano kaming pahirapan at pa..."

"Tama na Zac, itigil mo na! Ayoko na yang marinig!" Pagmamakaawa ni Charlotte sa akin.

Bigla nalang hinila ni Scarlette si Charlotte at itinutok ang isang lapis sa tenga nito at sinabing... "Tumahimik ka nga! Dummy! Kung ayaw mong makinig then just die!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla ko nalang hinila si Scarlette at itinapat sa may leeg niya ang isang maliit na kutsilyo na nakuha ko kay Jk at handa ko siyang gilitan sa ano mang oras.

"Sa oras na saktan mo ang isa sa amin, hindi mo ako masisisi kung maya-maya lang ay nakabuka na 'yang leeg mo." Bulong ko sa isang tenga niya. "At ikaw naman Charlotte, kung ayaw mong mamatay ng maaga, baka naman gusto mong tumahimik."

"Ok, I'm sorry." Sabi ni Charlotte.

"Ayon na nga... Nagplano kaming pahirapan at tuluyan nang patayin si Haize. Tandang-tanda ko pa noon, hapon, at labasan na. Naparusahan si Haize na maglinis ng classroom all by herself. We know that she's alone kaya agad namin siyang pinuntahan pero habang papalapit na kami, narinig namin ang mga sigaw ng taong para bang nagpupumiglas. Tiningnan namin kung ano ito at nakita namin si Haize na tinatadtad ng saksak si Teacher Anne, tuwang-tuwa kami sa aming nasaksihan. Matagal na naming gustong patayin ang teacher na'yon at naunahan niya kami. Hanggang sa napansin kami ni Haize dahil sa aming mga tawa na dahilan para siya'y matakot ng husto."Anong ginagawa niyo dito?!" Tanong niya sa amin. Kinausap pa namin siya ng mabilis pero di nagtagal ay sinumulan na namin ang pagpapahirap sa kanya. Hanggang ngayon ay naaalala ko parin ang mga ginawa namin sa kanya na pati ako ay kinikilabutan kapag naaalala ko. Tinanggal ang lahat ng kanyang suot, sinunog ang buhok, tinalupan ng balat ang kaliwang braso, pinahidan ng hot sauce ang buo niyang katawan at tinanggal..."

"Pwede bang pakiiskip nalang ng part na'yan. It's so disgusting!" Sabi ni Scarlette.

"Ok, ... pero maya-maya lamang ay nakarinig kami ng mga hakbang na akin namang ikinatakot. Umalis kami agad sa classroom na'yon at iniwan si teacher Anne at Haize doon. Nabigo kaming patayin ang babaeng 'yon. Kinabukasan, pumasok si Haize na para bang walang nangyare at balot na balot ang katawan niya ng mga bandage. Magsisimula na noon ang klase ng biglang tumayo si Haize. Naglakad papuntang unahan at sinabing...

EVERYONE LISTEN!

ARE YOU READY TO DIE?!

THIS WILL BE YOUR WORST NIGHTMARE EVER!

FEEL THE HELL...

Kinilabutan ako sa mga sinabi niyang iyon. Sinaksak niya ng ballpen ang math teacher namin na dapat ay magsisimula nang magklase. Hindi ko alam na ganito siya kademonyo. "So, do you think that you can kill us with that ballpen? So pathetic." Sigaw ni Monique.
"Don't worry cause I have THIS!" sabi niya at inilabas ang baril sa kanang kamay niya. Pinatay niya lahat ng studyante sa classroom namin except the 10 Secret Keepers at sinabing "I will give you 1 month para tumakbo at magtago pero tandaan niyo na babalik kayo dito kung ayaw niyong ako ang pumunta sa inyo." At dahil sa sinabi niya, nagtransfer ang iba sa aming sampo sa ibang school at sa loob ng 1 month ay dapat kaming bumalik. Ngayon, isa-isa niya kaming papatayin. Napatay na niya si Reena at Monique gamit si Jk kaya walo nalang kami. Hindi naman isa sa amin si Karen kaya OK lang naman na siya 'yong napatay. Ok, Scarlette, oras na para ikaw naman ang magsalita."

"So that's all?! So boring" Pang-aasar niya sa akin.

"Baka kasi kapag sinabi ko pa ang iba kong nalalaman, baka hindi na ako makaalis at dito na ako mamatay sa aking kinatatayuan." Sabi ko sa kanya.

"Teka?! Naalala ko lang pero parang narinig ko na ang pangalang 'yon." Sabi ni Jilbert. "Kilala at kinatatakutan ang pangalang 'yon. Isang pangalan na katulad ng kay Hades (Goddess of Underworld). Ang alam ko, madalas rin siyang tawagin na PUPPETEER OF DEATH because she can easily manipulate the peoples around her just like a puppet."

"So, famous na pala siya. I really envies her." Sabi ni Jk habang nakaupo sa may sahig.

Mukang si Haize nga talaga ang Puppeteer. Mukang mamamatay rin naman kaming sampo sa huli.

"Nasan na si Haize ngayon?" Tanong ko.

"Who knows? Sabi nila, hindi na daw siya na attend ng klase sa class 2-A. They said that all this time, she's just hiding waiting for her next victim. Pati ako, natatakot rin sa kanya." Natatawa niyang ikinuweto sa'kin. Bakit siya natatawa?

"Anyways, start talking." Sambit ko kay Scarlette.

"Ngayong araw na'to, isang party ang nagaganap. Ang SLAUGHTER PARTY. Isang..." Nagsasalita pa siya ng bigla namang imik ni Ycezy.

"What kind of party is that?! Sa tunog palang nito mukang party yan para sa mga tanga!" Pang-aasar ni Ycezy kay Scarlette.

"Sinasabi ko sa'yo Ycezy! Kapag hindi ka pa tumigil baka gusto mong gawin kong excuse ang party na'to para patayin ka because SLAUGHTER PARTY is a party where students are allowed to kill. Everynight, nagaganap ang party na'to, wala itong kasiguraduhang oras pero kapag malapit na ang pagsisimula ng party, may maririnig kayong ganito

Everyone get ready, the Slaughter Party is about to start. Lock your doors or die. Enjoy!

This party allows us to kill anyone, students or teachers and it also allows us to break the rules.. Isang party kung saan malaya ka. Isang party kung saan walang mga rules na pumupigil sayo. Ang layunin ng Party na 'to ay para mabawasan ang mga away at kaguluhan kapag umaga or may klase at mukang effective talaga siya. You can kill but you can also be killed."

"Bakit walang nagrereport sa school na'to?! Everyone here is crazy!" Sambit ni Prince. Mukang marami sa amin ang naguguluhan sa mga sinasabi ni Scarlette but I understand it, honestly.

"Bakit walang nagsusumbong?" Sabi ni Scarlette sabay irap sa amin. "Because no one dared to and also no one wants to. Bakit namin irereport ang napakagandang school na'to eh ang saya-saya dito at sa oras na magsumbong ka papatayin ka nila because they really like this school. A school where freedom is just beside you. Kung maraming gustong-gusto sa school na'to, syempre meron ding mga hate na hate ang school na'to at gustong-gusto'ng makaalis na dito sa impyernong school na'to. Like Zhraine."

"Matagal ko nang gustong makaalis dito sa school na'to but there is a problem, there is a way in but there is no way out at kung makahanap man kami ng daan palabas alam kung di rin magtatagal ang buhay ko dahil sa 3 Judgements rule no.1, Ang paglabas ng school ng walang paalam ay mahigpit na pinagbabawal. Kapag may nilabag ka ni isang rule sa tatlong yon, siguradong mamamatay ka." Kabadong kwento ni Zhraine.

"Bakit 'to nangyayare?! Is this a kind of joke!?" Sambit ni Charlotte.

"Pathetic." Sabi ni Scarlette. "There is only one way to get out..." Bitin niyang sabi.

"Then tell us!" Sigaw ni Prince sa kanya.

"Do you think that we're going to tell you?" Nang-aasar niyang sabi. "Dapat niyong katakutan ang Party na'to dahil dito, wala kang pwedeng pagtaguan, walang ligtas na lugar ang pwedeng puntahan. Isa lang dapat mong gawin para maiwasan na may papatay sa'yo. Wag kang magbibigay ng dahilan para ang isang tao ay kagalitan ka nang husto dahil siguradong papatayin ka niya AT... TANDAAN NIYO: SA SCHOOL NA'TO, LAHAT NG PAKIALAMERA AY PINAPATAY."

So ito pala ang nangyayare.
Naiintindihan ko na ang lahat. Mukang wala na nga talaga kaming pag-asa na makalabas dito ng buhay. Pero, ano itong nararamdaman ko? Hindi ako natatakot bagkos ay nasisiyahan ako sa mga nangyayare ngayon. Am I going crazy?! Tanong ko sa sarili ko. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at sinubukang pakalmahin ang aking sarili.














THE NIGHTMARE IS JUST ABOUT TO START... I KNOW IT.

.....

Continue Reading

You'll Also Like

15.8K 946 22
"Kuya pogi! Wag kang tatalon! Nakupo jusko! Wait!" "Sino ka ba?" "I'm just a concerned citizen who doesn't want to see any floating body in the Pasig...
106K 6.3K 132
Romeo and the Lily is a romance fantasy novel about Romeo, an aspiring knight who met the kind and pure lily, Amena. As they face the hardships toget...
56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
25.6M 855K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)