You and Me FOREVER

By princessczah

53.1K 1K 39

Will they fight for their relationship even though the world is already against them? Will they still be toge... More

You and Me FOREVER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38 THE BIG DAY
Chapter 39 PARIS TRIP
Chapet 40
EPILOGUE
AUTHOR's NOTE

Chapter 13

1K 27 0
By princessczah

Gian's POV

Nagising akong masakit ang katawan ko. Tumingin ako sa palagid and it's all white. Nasan ako? Anong nangyari sakin?

"Bro, gising ka na pala. You okay?" Sabi ni Dixie

I didn't mind his question. "Nasan ako? Anong nangyari?"

"Andito ka sa hospital."

Bigla kong naalala ang lahat. Pumunta ako sa CR. Palabas na sana ako nang may sumuntok sa akin. Isang lalakeng nakablack at nakabonnet. Napaupo ako sa sahig. Sinubukan kong lumaban pero pinagtulungan ako ng mga kasama niya.

Tinignan ko lang sila kasama niya sila Shane, Cass at Daisuke. Pero wala si Czarina.

"Nasaan si Czarina?" Tanong ko.

Pero bago pa man sila sumagot, pumasok si Dad at Mom.

"Thank God you're awake. Ayos ka na ba?" - Mommy

"Yeah, I'm okay." - sabi ko

"That's good to hear." - sabi ni Dad

Magsasalita sana ako para tanungin kung nasaan si Czarina pero bumukas yung door at iniluwa si Nics.

"Oh kuya, gising ka na pala. Ayos ka lang ba?"

Tumango ako.

"Alam mo bang sobrang nag-alala sayo si ate Czarina kagabi, halos hindi nga siya mapakali eh tsaka iyak ng iyak."

"Nasaan siya?" Tanong ko

Nagkatinginan silang lahat. Parang may tinatago sila.

"Nasaan siya?" Pag-uulit ko

"Ahh, 'nak magpahinga ka muna." Sabi ni Mommy

"TINATANONG KO KUNG NASAAN SIYA?! SAGUTIN NIYO KO NG MAAYOS!" - sigaw ko sa kanila

"She's in the other room and she's in a coma. Nabaril siya kagabi." - sabi ni Dad

"WHAT?! PAANO?!" - tanong ko

Kwinento nila lahat sa akin ang nangyari.

"Sh-t! Kailangan ko siyang puntahan!" - ako

"Magpahinga ka muna bro. Hindi mo pa kaya!" - sabi ni Daisuke

"Hinde! Kailangan niya ko!" - ako

Inalis ko na yung dextrose ko at tumayo sa hospital bed ko para puntahan siya pero bago pa man din ako makalabas, pinigilan na ako nila Daddy.

"Sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nakita kang ganyan?!" Sabi ni Daddy sakin

Napatigil ako sa sinabi ni Dad. "Napakawalang kwenta ko! Hindi ko man lang siya naprotektahan!" Sabi ko at umiyak nako.

"Everything will be fine, son! She will be fine." - sabi ni Mommy

Shanelle's POV

3 days after the incident, nakalabas na rin si Gian sa hospital.

3 araw na pero hindi pa rin nagigising si Czarina.

Pagkalabas ni Gian, dumiretso agad siya sa hospital room ni Czarina.

Sabi ng doctor, hindi lang daw kinaya ng katawan niya but sooner or later magigising na siya.

2 weeks na ang nakalipas pero wala pa ring pagbabago. Comatosed pa rin siya. Naawa na nga kami kay Gian eh. Halos hindi na pumapasok dahil nandun lang siya sa tabi ni Czarina. Minsan nga hindi na kumakain. Kulang sa tulog.

Minsan sinasabihan namin siyang pumasok pero ang sinasabi lang niya, "Ayoko, hindi ko iiwan si Czarina dito."

Kapag naman niyayaya namin siyang kumain kahit sa cafeteria lang ng hospital ang sinasabi lang niya, "Kayo na lang, wala akong gana."

Kapag naman dinadalhan namin siya ng pagkain, "Salamat pero hindi ako gutom."

Tapos pag sinabi naming magpahinga siya o matulog man lang ang, sinasabi niya samin, "Ayoko, hindi ako inaantok. Hindi ako pagod."

Pag sinasabi naming umuwi muna, ang sagot lang niya, "Ayoko, baka magising si Czarina gusto ko ako ang unang makita niya."

Hindi niya iniwan si Czarina. Nandun lang siya nakabantay. Bigla na lang naluluha tapos kinakausap niya si Czah kahit alam niyang hindi naman sumasagot. Yun kasi ang sabi ng doctor, kausapin daw siya. Effective daw yun sa mga comatosed patients.

Tulad ngayon.. "Hon, gising na oh. *hik* Tulog mantika ka talaga noh? *hik* I love you, hon. *hik* Sana gumising ka na. Antagal na nating di nagdedate oh. * hik* Haaaay! Ano ba yan! Parang di na ako lalake nito. Iyak ng iyak. Pero hon, alam mo? Miss na miss na kita. Miss ko na yung tawa mo. *hik* Yung yakap at halik mo. Namimiss ko na yung boses mo. Miss ko na lahat sayo. *hik* Kaya hon, gumising ka na oh. Miss na miss ka na namin eh. *hik*"

Ganyan ang lagi niyang sinasabi kay Czarina. Minsan nga naiiyak na rin kami.

Biglang bumukas yung pinto at pumasok yung Mommy at Daddy ni Czarina.

"Hello po." Bati namin sa kanila, ngumiti naman sila.

"Hijo, kami na muna dito. Go home and take a rest." - sabi ni Tita Charissa kay Gian

Pero si Gian naman.. "Hindi po, dito lang ako."

"Salamat sa hindi pag-iwan sa anak ko, Gian. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa kanya. Napatunayan naming mahal mo talaga ang anak namin. We appreciate it alot. Pero magpahinga ka naman, wag mong pabayaan ang sarili mo. Paano kapag nakasakit ka niyan? Gusto mo ba na kapag magising siya eh ganyan ang makikita niya? Siyempre, ayaw mo diba?" - sabi ni Tita Charissa

Tumayo na si Gian.

"Don't worry, Gian. Tatawagan ka namin agad kapag may mangyayari." - sabi ni tito Cliff

"Sige po, salamat." Sagot niya sa parents ni Czarina

"Hon, iwan mo na kita ha? Pero babalik ako, promise. I love you." Sabi niya kay Czarina at hinalikan ang noo niya

Nagpaalam na rin kami at sinundan si Gian.

"Sana gumising na siya." Sabi niya samin

"Magigising din siya. Just be patient." Sabi naman ni Daisuke

Hinatid na namin siya pauwi.

Gian's POV

Umuwi muna ako para magpahinga. Ayoko sana siyang iwan, pero tama sila Tita at Tito. Dapat magpahinga muna ako.

Humiga ako sa bed ko. Namiss ko rin tong kama ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung mga pictures namin ni Czarina.

Yung mga pictures namin together noong mga monthsaries namin and mga random pictures. Sana magising na siya. Miss na miss ko na talaga siya eh. :(

Tinignan ko lang yung mga pictures namin hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan >>>>

Pumasok ako sa school pero wala naman akong maintindihan dahil lumilipad ang isip ko.

Si Czarina lang kasi ang laman ng isip ko eh. Kung kamusta na siya at kung gising na ba siya.

"Tara na Gian." pagyaya sakin ni Cass

"Tapos na ba ang klase?" tanong ko

Nagnod siya, "Half day tayo ngayon."

Hindi ko man lang namalayan na dismissal na pala.

Tumayo na ako at naglakad palabas.

"Sasama ba kayo sakin?" tanong ko sa kanila

"Oo, miss na namin siya eh." sabi ni Shane

Nakarating na kami dito sa hospital.

"Hi hon, I miss you. Akala ko gising ka na. Ang daya mo talaga! Tulog ka ng tulog. Hmmm miss na miss ka na namin. Gising na oh." Sabi ko tsaka hinalikan yung noo niya.

Umupo ako sa tabi ng hospital bed niya. Hinawakan ko yung kamay niya at tinignan lang siya. Nakakalungkot. Minsan nga iniisip ko, sana ako na lang yung nasa sitwasyon niya eh. Sana ako nalang yung nakahiga jan sa kama niya. Sana ako na lang yung nabaril. Sana ako na lang. Kasi ang sakit para sakin yung nakikita siyang ganyan. Ang sakit para sakin na makita siyang nahihirapan.

Nakatulog pala ako. Paggising ko, si Daisuke at Dixie na lang yung nandito.

"Gutom ka na ba?" Tanong sakin ni Daisuke

"Medyo. Nasan pala si Shane at Cass?" Tanong ko

"Bumili lang ng pagkain." Sagot niya

Maya-maya lang ay dumating na rin sila.

"Kain na." Sabi ni Shane

Kumain na rin ako.

Pagkatapos naming kumain, sakto namang dumating si Tita Charissa.

"Alis na kami, Tita, Gian. Balik na lang kami bukas, dibale Saturday naman." Sabi ni Cass

"Sige. Ingat kayo." Sabi ko

Nung nakaalis na sila.

"Hindi ka ba uuwi, 'nak?" Tanong sakin ni tita.

"Hindi po tita, wala namang pasok bukas." Sabi ko

"Sige, magpahinga ka na pagkatapos. Kakausapin ko lang yung doctor." Sabi niya at lumabas.

"Matutulog muna ako hon, ha? Good night. I love you." Sabi ko

Nagising ako dahil naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Inangat ko yung ulo ko at nakita ko si Czarina.

"Hon, gising ka na? Nanaginip ba ako?" Sabi ko

"Hindi hon, gising na gising na gising na ko." Sabi niya

May tumulong luha galing sa mga mata ko. "I missed you so much." Sabi ko at niyakap ko siya.

"I missed you too."

Kumalas na ako sa yakap.

"Kanina ka pa gising?" Tanong ko

"Oo, nakausap ko na nga si Mommy eh. Lumabas lang siya para tawagin yung doctor." Sabi niya

"Wala bang masakit sayo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Anong gusto mo?" Tanong ko

Tumawa lang siya. "Ayos lang ako. Salamat sa pag-alala."

Pumasok na si Tita Charissa kasama yung doctor.

"Mabuti naman at gising ka na. Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" Tanong ng doctor

"I'm fine doc." Sagot niya

"Okay. Hmm kailangan mo munang magpahinga ng 2-3 days and then, pwede ka nang lumabas." Sabi ng doctor

"Okay doc, salamat." Sabi niya

Czarina's POV

Nagising ako. Puro puti ang mga nakikita ko. Patay na ba ako?

"Anak? Anak?!" Narinig ko si Mommy

"Anak, gising ka na nga!" Sabi niya at niyakap ako

"Mommy? Anong nangyari?" - sabi ko

"Wala ka bang naaalala?" Tanong niya

Biglang nagflashback sa isip ko yung nangyari.

"Nabaril ako tapos wala na akong maalala." - sabi ko

"Oo, and you were comatosed for almost 3 weeks." Sabi ni Mommy

"What?! Parang kahapon lang ah?" - sabi ko

Naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko at nakita ko ang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Si Gian.

"Lalabas muna ako, tatawagin ko yung doctor at Daddy mo." Sabi ni Mommy, nagnod lang ako.

Hinaplos ko yung mga mata niya, yung ilong niya at yung bibig niya. Ang peaceful ng mukha niya pag natutulog. I run my fingers on her hair hanggang sa magising siya. Inangat niya yung ulo niya at mukhang gulat nung nakita niya ako.

"Hon, gising ka na? Nananaginip ba ako?" Sabi niya

Ngumiti lang ako. "Hindi hon, gising na gising na gising na ko." Sabi ko

May tumulong luha galing sa mga mata niya. "I missed you so much." Sabi niya at niyakap ako.

"I missed you too."

Kumalas na siya sa yakap.

"Kanina ka pa gising?" Tanong niya

"Oo, nakausap ko na nga si Mommy eh. Lumabas lang siya para tawagin yung doctor." Sabi ko

"Wala bang masakit sayo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Anong gusto mo?" Tanong niya

Tumawa lang ako. "Ayos lang ako. Salamat sa pag-alala."

Pumasok na si Tita Charissa kasama yung doctor.

"Mabuti naman at gising ka na. Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" Tanong ng doctor

"I'm fine doc." Sagot ko

"Okay. Hmm kailangan mo munang magpahinga ng 2-3 days and then, pwede ka nang lumabas." Sabi ng doctor

"Okay doc, salamat." Sabi niya

Paglipas ng ilang araw, nakalabas na rin ako sa hospital.

----

Cliff hanger. Hahahaha! :D

*Don't forget to Share, Commen and Vote po. Thank you!*

Continue Reading

You'll Also Like

915K 29.7K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
985K 33.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...