HESUS: The New King

By mimiko784

18.6K 841 302

Sa pagkawala ni Sebastian, papasok ang organisasyon sa panahon ng kadiliman. Ang panahon kung saan pinag-aaga... More

KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6

SIMULA

6.3K 217 57
By mimiko784

SIMULA

"The world is full of competition. You need to fight to survive. Use all the weapons you have to win. Sa ganyang paraan umiikot ang mundo." makahulugang saad ko habang padampi-damping nilalagyan ng polbo ang aking mukha.

Mula sa gilid ng aking kanang mata ay kita ko ang ginagawang pagmamasid ni Carding. Nakapamaywang ito at wari'y pinag-aaralan ang aking bawat galaw. Mababakas sa kanyang mukha ang matinding pagtutol sa ninanais kong mangyari. Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa.

"The competition is over, Cassandra. Nahirang na ang bagong pinuno. Suntok sa buwan para sa iyong isang babae ang nakawin ang tronong iyon. It's dangerous!"

Padabog kong inilapag sa lamesa ang hawak na mascara at galit siyang tiningnan mula sa salamin. Nagtagpo ang aming mga mata. Matagal ko nang katiwala si Carding kaya naiintindihan ko ang labis na pag-aalala nito. Hindi madaling kalaban ang mga Hesus lalong lalo na ang bagong hirang na si Emanuelle Hesus. Ngunit hindi ito magiging hadlang para maisakatuparan ko ang mga ninanais. Hindi ko maaatim na pumirmi dahil ayaw kong habang-buhay na magpaalipin sa ilalim ng pamumuno ng mga Hesus, ni Emanuelle.

"Who say's the competition is over? It is not Carding. Hanggat hindi ko pa nababawi ang dapat ay atin, hindi pa tapos ang laban." determinadong saad ko. Napasintido siya at wari'y hindi na maintindihan ang sasabihin. Kitang-kita ko ang pagpupuyos nito sa galit.

Gusto niyang pigilan ako, lahat sila ay nakokontento na lamang na maging sunod-sunuran sa mga Hesus. Na para bang hinahayaan nilang lukubin ng mapagsamantalang si Emanuelle ang aming lupain.

"What are you fighting for? Power? Ang lupa ng Alwana? It's bullsh!t Alam mo kung ano ang naghihintay sayo kapag nabigo ka. It's your life over that piece of land!"

"You don't understand!"

"Oo Cassandra! hindi kita maintindihan at kahit gusto kitang intindihin ay natatakot ako. Papaano mo babanggain si Emanuelle? Ilang buwan pa lamang siyang nailuklok sa pwesto pero pati ang Primero isla ay hawak na niya. Ang tatlong islang bumubuo sa organisasyon ay nasa mga palad niya. Hindi ka ba kinikilabutan?"

"I'm not afraid of him—" napasinghap ako sa gulat ng marahas niyang pinaikot ang bangkong aking kinauupuan at iniharap sa kanya. Bahagya siyang nakayuko, nakatukod sa aking magkabilang balikat ang kanyang mga kamay.

"Pwes matakot ka Cassandra. Sa binabalak mo ay hindi lamang ang buhay mo ang malalagay sa panganib kundi pati narin ang buhay ng mga tao ritong pinoprotektahan mo. Emanuelle has the power. He can dispatched us in just a snap of his finger. He has a broad connection. Kahit iyang katapangan mo ay walang magagawa." Pangaral nito.

Nagbabaga ang kanyang mga matang nakatitig sakin. Pabalya ko siyang itinulak para makawala sa pambabara at padabog na tumayo.

"Hindi ako natatakot sa koneksyong sinasabi mo—"

He cut me with a frustrating groan.

"Makinig ka naman sakin Cassandra!"

"No! You listen to me Carding! Wala akong pakialam kung kasing lawak ng karagatan o mas higit pa ang emperyong hawak niya. Angkinin na niya ang Primero Isla at ang Seldon basta't huwag lang niyang pakikialaman ang Alwana!"

Nagbuga ako ng malalim na hininga dahil sa frustrasyong nararamdaman. Hindi ito nakapagsalita kaya sinulit ko ang oras na iyon. Binuksan ko ang kahong may lamang maliit na baril. Magagamit ko ang armas na ito kung saka-sakali. Nahagip ng aking paningin ang pagkunot ng noo niya sa nakitang hawak- hawak ko.

"You're putting your life in danger." mahinahon ngunit may diing saad nito.

Kinargahan ko ng bala ang baril bago ko isinuksok sa aking tagiliran. Hinarap ko siya at tipid na nginitian. Itinuturing ko nang kapamilya si Carding kaya hindi ko kayang magkagalit kami bago ako umalis.

"Babalik ako at sa pagbabalik ko ay asahan niyong hawak ko na ang leeg nang Emanuelle Hesus na iyan. At mababawi na natin ang Alwana." Tinapik ko siya sa balikat bago kinuha ang aking bagahe at nagtungo sa pintuan upang sana'y umalis na.

"Can you really fight using that gun? A single weapon won't beat Emperor Emanuelle." Hirit nito nang nasa hamba na ako ng pintuan. Mapakla akong napangiti ng marinig ang ginamit nitong pandugtong sa pangalan ng hudas na si Emanuelle. Nilingon ko siya sa huling pagkakataon.

"What's the use of having a beautiful face and a deadly body Carding? I have the best weapon..."

Walang lingon-lingon ay tinungo ko ang labasan kung saan nakaparke ang aking lumang sasakyan. Mabilis akong pumasok dito at binuhay ang makina. Kinambyo ko ang steering wheel at inapakan ang aselerador para mapabilis ang biyahe ko papuntang daungan ng barko. I need to be there on time. Dinungaw ko ang aking pambisig na relo. Kakayanin pa ng oras ang biyahe.

Sa mismong Primero Isla nakatirik ang Emperyong itinayo ni Emanuelle. Trenta minutos ang biyahe mula sa kinaroroonan ko papunta sa ekslusibong daungan ng barkong maghahatid sakin sa aking destinasyon. At mahigit labing apat na oras ang biyahe ng barko papunta sa Primero Isla. The only problem I have is the security. Mahigpit ang bantay. I need to act as one of them. Pahirapan ang makapasok roon, kailangan kong mag doble ingat.

Sa kalagitnaan ng pagbabaybay sa daan papuntang daungan ng barko ay hinarangan ako nang kumpol ng mga kalalakihan. They are all wearing black. Mga barakong naka mask at glubs. Inihinto ko ang kotse sa tapat nila. Iminuwestra nilang lumabas ako kaya iyon rin ang aking ginawa para hindi sila maghinala.

Naglahad ng kamay ang isa sa kanila at alam ko na ang ibig nitong sabihin. Ipinakita ko ang selyo na palatandaan ng mga kasapi sa organisasyon.

"Name?" Tanong ng isang may hawak na Ipad.

"Cassandra. Cassandra Luna Sandoval." walang pasubaling saad ko. Kaagad nitong ginalugad ang hawak, segundo lamang bago tumango.

"Sa Bahay Aliwan?"

Tumango ako at tipid na ngumiti. Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa at tumigil ang paningin ng mga ito sa aking tagiliran kung saan nakaluklok ang aking baril. Kinabahan ako nang lumapit ang isa sa kanila.

"It's for protection." inunahan ko na silang magtanong. Tumango-tango ang mga ito.

"Hindi ka pwedeng magdala ng armas sa loob na galing sa labas. Kung gusto mo ng baril, dun ka sa mismong isla kumuha. You need to surrender your gun." maawtoridad na saad ng mga ito. Wala na akong nagawa kaya labag man sa loob ay isinuko ko ang tanging armas na dala. Ilang ulit nila akong kinapkapan bago itinulak papasok sa aking sasakyan at iminuwestrang magpatuloy na siya ko namang ginawa.

Nang makarating sa daungan ay naulit pa ng naulit ang pag-iinspeksyon. Sumailalim pa kami sa internal inspection kung saan pati ang kalinisan sa loob ng katawan ay kailangan pang busisiin. Paulit-ulit rin ang ginagawang pag-aanunsyo sa mga patakaran na umiiral sa buong isla. Do's and don'ts ika nga. Mga patakarang walang batayan, mga patakarang nakaayon lamang sa mga miyembrong nasa matataas na antas. Sa mga miyembrong may hawak ng kapangyarihan.

Hinati-hati kaming mga pasahero batay sa antas ng aming posisyon.

"Ang mga tutuloy sa Bahay Aliwan ay pumarini sa kabilang silid. Ang mga tagapagsilbi ay manatili at ang mga tagabantay ay sa itaas ng paro." maawtoridad na saad ng isang matandang lalaki.

Pumunta ako sa kabilang silid. Nagraramihang babae ang bumungad sakin. Mga kababaihang pare-pareho lamang ang itinataglay na katangian. Mataas, magaganda at makikinis.

"Good afternoon Ladies. You need to congratulate yourselves dahil sa dinami-dami ng mga aplikante ay isa kayo sa mga naaprobahang makapasok sa Primero Isla."

Mga pigil na tawa ang umugong sa buong silid. Mga tawa na puno ng kasabikan. Hindi ko sila lubos na maintindihan, ang Bahay Aliwan ay dating kinatatakutan sa panahon ng panunungkulan ng mga Del'rosario. Ngayon, tila ba'y bukal sa puso nila ang magpaalipin na lamang. Para bang buong puso nilang niyayakap ang sa kanila'y nag-aabang na kapahamakan.

"Kasabay ng pagdaong natin bukas sa isla ay ang siya ring pagdating ng mga Hesus. Kailangan nyong maging presentable at mag doble ingat. Walang puwang sa isla ang pagkakamali."

Napatingin ako sa mga babaeng napapatango. Talagang malakas ang empluwensya ng mga Hesus. Hindi madali ang gagawin ko, ang planong bawiin ang Alwana mula sa kanila ay isang napakalaking kasalanan. Pwede akong masentensyahan ng kamatayan. Kailangan kong mag-isip ng mainam na plano para sa misyong ito.

"Iyan ang inyong magiging uniporme. May mga personal kayong numero, iyan ay para makalkula ng organisasyon ang mga gawaing ginagawa niyo. We need to value the guest. They must comes first before anything else. Limit your actions and please do remeber na iba ang batas na umiiral sa bahay aliwan sa batas na umiiral sa labas ng organisasyon. "

Isa-isa kaming inabutan ng kahon. Magkakasabay namin iyong binuksan. Hindi na bago sakin ang naturang kasootan. Isa itong manipis na kulay puting damit. May numero sa kaliwang bahagi ng dibdib at may kulay pulang sintas. May mga bagay parin namang hindi nagbabago.

"Your job is to attain the needs of the members of the organization. Escort them or even bed with them if needed. Ang bawat serbisyong gagawin niyo ay may kaakibat na malaking presyo. But you must remember the rule: Once you're in, only death can let you leave."

Natahimik ang lahat.

"Makakarating tayo dun nang mga alas otso ng umaga. Magpahinga kayo at maghanda. Bukas na bukas kayo magsisimula." anito bago nagpaalam. Napabuntong hininga ako at lumabas sa silid. Tinungo ko ang roofdeck at pinagmasdan ang papalubog na araw.

Sa pagtalikod ng mga Del'rosario sa tungkulin ay nahati sa tatlong sangay ang organisasyon. Isang Emperyo ang nailikha. Ang Emperyong binubuo ng tatlong Isla. Ang Seldon, ang Alwana at ang Primero Isla. May kanya-kanyang pinuno ang bawat Isla—at isa na ang ama ko roon. Nakatalaga sa kanya ang pangangalaga ng Alwana ngunit kamakaylan lang, nang mahirang si Emanuelle Hesus ay kinamkam nito ang lahat at walang itinira. Pati ang ama ko ay nagawa nitong paslangin dahil sa kagustuhang mapasakamay ang tatlong isla.

Lahat ng kababaihan ay pilit na pinagtatrabaho. Lahat ng mga kalalakihan ay pwersahang pinagsasanay sa pakikipaglaban.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang nakakabinging katahimikan. Babawiin ko ang Alwana sa kahit na anong paraang alam ko.

ANG presko at malamig na hangin ang sumalubong sakin pagkaapak na pagkaapak ko pa lamang sa kulay porselanang buhangin. Napangiti ako nang mapagmasdan ang kagandahan ng buong Isla. Ang kulay lupang mansyon na nakatirik hindi kalayuan sa dagat. Ang napakalinis na kapaligiran. Ang mga berdeng puno ng acasia. Matagal-tagal rin akong mananatili rito kaya kailangan kong sanayin ang aking sarili sa panibagong mundong kinabibilangan.

"Everyone... Kneel down. Bow your heads and don't ever look up. " Anunsyo ng isang boses na nagmumula sa hindi ko alam kung saan. Lahat ay nagsiluhod. Wala akong nagawa kundi ang makisabay. Tiniis ko ang masakit na paghalik ng aking tuhod sa buhangin.

Namayani ang katahimikan sa buong lugar.

Isang paparating na helicopter ang aking sunod na narinig. Nagpaiko-ikot ang tunog na iyon sa himpapawid. Tinatangay ng malakas na hangin ang aking manipis na damit. Suot ko ang ibinigay na kasuotan, hinahawakan ko ang laylayan nito para hindi tuluyang mailantad ang aking damit panloob.

Muli'y isang nakakabinging katahimikan.

Gusto kong mag- angat ng tingin. Gusto kong matanaw kung ano ang nagyayari. Kung sino ang dumating. Si Emanuelle na ba iyon? I badly want to see his face. Gusto kong iukit sa utak ko ang mukha ng aking magiging katunggali. I want to avange the death of my father. I want to get back the Alwana.

Mga mabibigat na yabag ng paa ang aking sunod na narinig, marahil ay malapit na ito sa kinaroroonan ko.

Dala ng kuryosidad ay panakaw akong sumulyap. Mula sa hindi kalayuan, isang kumpol ng kalalakihan ang nagpalakad-lakad at sinusuri ang aking mga kasamahan. Lahat sila ay mga brusko—ngunit isang partikular na lalaki ang nakakuha ng aking atensyon—iyon ay ang lalaking nasa kanilang pagitan. Ang lalaking nagtataglay ng kakaibang awra. Ang tindig nitong napakatikas tingnan, kakikitaan ng isang pigurang sumisigaw ng kapangyarihan...ng karangyaan...ng kasamaan.

Malayo ang kanyang paningin, taas noong pinagmamasdan ang mga bagong salta. Matalim ang naging pagtitig ko sa kanya. Gusto kong kumuha ng punyal at tanggalin ang pagmamataas nito sa sarili.

Hindi ko namalayang napapatagal na pala ako sa ganoong posisyon. Napasinghap ako at kaagad nagbaba ng paningin nang magtagpo ang linya ng aming paningin. Huli ako sa akto. Kahit na doble-doble ang kabog ng aking dibdib ay tipid akong ngumiti. Emanuelle Hesus. Wait ' till I wrap my hands around your neck.


-mimi

Continue Reading

You'll Also Like

108K 5.5K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
24.1M 706K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
23.7K 1.2K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
4.8M 99K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...