Hello Ex (COMPLETED) EDITED

By LonEritA

27.2K 379 13

"I will show you what you've lost for." Cyline Velez short story (Cyrus' ate in If Only short story... More

Teaser
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10 (end)

Part 1

4.6K 53 2
By LonEritA


*EDITED

ღℍ𝕖𝕝𝕝𝕠 𝔼𝕩ღ


Sobrang happy ko today kasi magdedate daw kami ni Mhyko sa favorite tambayan naming dalawa sa Bo's Coffee. It's a coffeehouse na malapit lang sa campus namin dati when I was in college.

Pumili ako ng damit na kulay violet kasi favorite niya daw yung color violet at favorite ko naman ay magsuot ng polka dots na casual dress. Binraid ko pa yung buhok ko into Pigtail tapos nagsuot ng color violet na doll shoes. Lastly, yung nerd glasses ko since malabo naman yung mata ko. Sabi naman ni Mhyko bagay daw sa akin ang ganitong get-up kaya okay lang kung ayaw ng ilan. As long as gusto ni Mhyko ang ayos ko, masaya na ako dun.

Nakita kong umilaw yung cellphone ko sa side table ng kama ko at alam kong si Mhyko na iyon kaya excited akong dinampot iyon at binasa ang text.

*I'm here na! Where are you?

Oh my god! Nandoon na daw siya. Ihh! Love talaga ako ni Mhyko kasi hindi na siya makapaghintay na makita ako. IIIIHHHH!!!

*BLAG

"Ate, pahiram ng laptop mo." si Cyrus. Yung gwapo kong kapatid na nahihirapang aminin sa isang babae ang kanyang nararamdaman. Sigh. #TorpeProblems

"Kunin mo diyan sa ibabaw ng study table ko. Careful ha! Nakacharge yan." paalala ko sa kanya. Hilig kasi niyan mag-iwan ng mga charger sa plug na ako palagi ang nagtatanggal.

"Thanks, ate! (^_^) .. oh you're ..." he pointed a finger at me pa and pinasadahan ako ng tingin.

"Mhyko and I have a date and I'm excited." I giggled after saying that.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. "Halata nga. Good for you. Text me if papauwi ka na ha! Susunduin kita mamaya."

"Why?" takang tanong ko sa kanya.

"Basta." Ang tanging sagot niya tapos lumabas na ng room ko. Why would he make sundo to me eh may kotse naman si Mhyko. Ihahatid naman siguro ako nun pagkatapos. At... bakit parang pilit lang yung ngiti niya kanina?? Ay ewan. Basta I'm so super-duper excited na sa date namin ni Mhyko. Kasi it's our 3rd anniversary na kasi and I feel na may surpresa siya for me. I can't wait!



WHEN I CAME TO THE MEETING PLACE where Mhyko is waiting, hinanap ko agad siya. Palinga linga pa ako sa kung saan siya nakaupo.

At then I stop searching nang sa may mahagip akong pamilyar na bulto na nakatalikod malapit sa favorite spot namin ni Mhyko. Hindi ako sure kung siya ba yun pero sana hindi kasi... kasi may kasama itong magandang babae at mukhang sosyal ang dating. Hindi ko maiwasang manliit ng mga mata while staring at them. I don't want to assume something that will hurt me but I have feeling na totoo nga ang hinala ko. At para masigurado ngang mali ang hinala ko ay dinial ko ang number ni Mhyko.

[Hello] Sagot ni Mhyko sa kabilang linya hindi ako lumingon muna sa gawi nung babae at lalaki na nakita ko. Umupo ako malapit sa counter kung saan hindi ako makikita doon at yumuko. Pagkarinig ko sa boses ni Mhyko ay kabado akong lumingon sa kung saan ang lalaking nakita ko kanina at nanlaki nalang ang aking mata ng makita na nasa tenga neto ang cellphone niya. You're joking, right?! Sabihin niyo sa akin na hindi siya yan.

"Malapit na ako. An-anong... anong suot mo? Para... naman.. *gulp* para naman madali lang kitang mahanap." sabi ko nang nakasilip sa gawi nila. Nakita ko sumenyas ang babae sa lalaki na wari nagtatanong kung sino ang katawag. Nag shhh lang yung lalaki sa kanya kaya tumawa nalang siya ng mahina at nagsalamin. Napahawak ako sa aking dibdib. Trying to calm myself.

[Naka polo shirt ako na blue.]

Pagkasabi niya nun ay naramdaman ko nalang na may bumagsak na mga maliliit na butil ng luha sa left eye ko. Umiwas ako ng tingin doon at yumuko para itago ang aking mukha. Palihim kong pinunasan ang luha tapos taas-noong binalingan ulet ang telepono. Hindi na rin ako lumingon pa uli doon sa gawi nung lalaki dahil mukhang alam ko na kung sino iyon.

"O-okay... sige.. see you.." tapos inend ko na yung tawag. Kumuha ako ng tissue sa bag at pinunasan ang mga luha ko. Tapos nagretouch muna para di mahalatang umiyak ako.

Naramdaman ko pang may nakatingin sa akin kaya lumingon ako sa kaliwang side ko at tama nga ako. May isang lalaking nakatingin sa akin. Alam kong ako ang tinitignan niya kasi ako lang ang nandoon. Hindi ko kita ang kabuuan ng mukha niya kasi naka round cap siya at may shades pang suot na nakatitig sa akin habang umiinom ng apple juice niya. Mga ilang minuto rin akong nakatingin sa kanya pero mukhang ayaw ata ialis nung lalaki ang mata niya sa akin. Siguro nagtataka siya sa suot ko o baka nakita niya yung nangyari kanina o ano. Ako nalang ang umiwas sa pagtitig sa lalaki dahil kailangan ko pang harapin si Mhyko ngayon. Inayos ko muna ang sarili ko saka isinukbit ang bag sa balikat bago tumayo at puntahan sina Mhyko kung saan sila nakaupo ngayon kasama ang isang babaeng... hindi ko kilala.

"Hi!" bati ko sa kanila. Una akong nilingon nung babae. She's ... beautiful but I can sense that she's a bitch. Saka lang lumingon yung lalaki na kasama niya na si... Mhyko. Ang boyfriend kong ... I don't know what to describe him now. "Sorry kung nalate ako." Kunwari wala lang sa akin ang presensya ng babae. Kunwari wala pa akong nahihimigan. Kunwari hindi pa ako nagdududa. Kunwari .... hindi ako tanga.

"No, it's okay. Upo ka!" aya niya sa akin. Tatabi na nga sana ako sa kanya ng ituro niya yung katapat na upuan tapos pinalipat sa tabi niya ang babae. Labis ang pagkakunot ng aking noo sa ginawa niyang iyon. Tapos hinayaan niya pang tumabi sa kanya yung babae na hindi ko alam kung ano ang relasyon neto sa kanya.

"Mhyko, mukhang mali ata ang pwesto. I'm supposed to be at your side because I'm the GIRLFRIEND, right?" pagdidiin ko pa sa girlfriend para ipaalala kay Mhyko na ako yung girlfriend niya dito at hindi ang higad na katabi niya.

"No, it's okay. I prefer you to be there." turo niya sa inoffer niyang seat para sa akin. The nerve of this guy. Why is he acting like this to me?

Pigil ang luhang sumunod ako sa kanya at umupo nga doon sa tapat nila. "So, umorder na tayo? Waiter---"

"Okay lang ako. May lakad pa kasi ako kaya pwede bang diretso na tayo. Mukha kasing mas interesado ako sa sasabihin mo ngayon." tumingin pa ako sa gawi nung babae na tumawa lang. Naikuyom ko ang aking kamao sa pagtawa niya. Mukha kasing minamaliit niya ako dahil lang mas maganda siya sa akin. Pakialam ko sa ganda niya. Halata namang walang utak itong babaeng 'to eh. Bumubulong kasi ito kay Mhyko sa salitang ingles eh wrong grammar naman. Tss, wag niyong sabihin na ipagpapalit lang ako ni Mhyko sa babaeng ito dahil papatayin ko kayo.

"Uhm, Cyline." tingin kay higad. "I'm breaking up with you." Wow! As in WOW! Dineretso talaga?? Wow lang! Tibay!

Naramdaman kong may luha na bumagsak mula sa aking mata pero pinili kong maging seryoso pa rin kahit alam ko na na mangyayari 'to. Masakit lang talaga na diresto niya iyong sinabi sa akin. Baon na baon ang pagkakasaksak ng mga kutsilyo sa puso ko, grabe!

"really?? Why?" matapang kong tanong sa kanya. Alam ko kung bakit pero gusto ko pa rin malaman ang dahilan niya. Baka naman kasi....

"Because---"

"Because he doesn't love you." sabat nung higad. Nilingon ko naman ito ng nakakuyom na naman ang kamao dito sa ilalim ng mesa.

"Ikaw ba kinakausap ko?" tumaas ang kilay ko ng bongga sa pagsabat niya. Why is she even here?

"No, but I knew it already that Mhyko should answer your question. Like..." Nakita ko pa ang pagkapit niya sa braso ni Mhyko as she paused a bit. "Mhyko want to breaking the relationship of you and him because he not love you anymore. Like he foul out of love, ganun. Naintindihan mo?!" I don't understand bitch. Don't talk to me dahil baka masakal kita. Tss, maganda nga pero wrong grammar naman. Bobo!

"Pwede ba wag kang sumabat sa usapan namin. Umeepal ka eh. At wag kang mag-english di bagay eh." hasik ko sa kanya saka binalingan ulet si Mhyko na nakayuko na ngayon. Wag niyang sabihing nahihiya siya dahil hindi ko feel eh. Halata namang gusto niya 'to.

"Oh... I'm scared. Should I die na??!" sarkastikong sagot niya. Bangasan ko kaya 'to??!? Nakakairita ang kaartehan eh.

"Why Mhyko? Why do you want to break up with me? Did you like her that much that you had to leave me? How much more do I have to be better? HA!" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Umawang ang kanyang bibig pero walang lumabas na mga salita mula doon. At mukhang hindi naman siguro ito sasagutin ni Mhyko kaya ito na naman si higad sumasabat na naman. Patayin ko na kaya ito ngayon na!

"Kasi nga wala kang.." sabi niya saka tinignan ang kabuuan ko. "..yan... wala kang sense of fashioness ... no sexy attitude like me." hinawi niya pa ang buhok sa harapan at pinakita ang cleavage niya. Pakialam ko sa malaking boobs niya kumpara sa utak niyang sinliit ng butones ng blazer.

"Oh .. really??" tinaasan ko siya ng kilay at sumandal sa sandalan ng upuan ko nang naka-ekis ang mga braso. "I bet the one you are wearing right now.." ginaya ko pa yung paraan ng pag head to foot niya sa akin kanina. "... are all from my pocket... ibig sabihin pera ko yang pinambili ng mga abobots mo sa katawan at yang mayayamang damit mo? For me, it's cheap. Ganito ang itsura ko pero alam ko kung ano ang cheap at mamahalin. Your outfit and everything ... are all cheap! And oh your brain also." puna ko sa kanya. Kala niya ha! Ano ka ngayon, higad!

"Ha?!" pekeng tawa ni higad. "Why do you say so?!"

"Simple lang. Mahirap yang lalaking yan." turo ko pa kay Mhyko. Alam kong mahirap lang si Mhyko pero dahil sa ipinakita niyang magandang katangian sa akin noon ay tinanggap ko siya ng buong buo. Hindi niya kasi ako kinaibigan dahil lang sa mayaman ako kundi dahil gusto niya ako. At ngayon, nalaman ko nalang na yung mga perang pilit kong nilalagay sa bulsa niya ay ngayo'y napunta lang sa higad na 'to? Patawa?!??

"Ngayon Mhyko? Tell me, yung mga pera bang ibinibigay ko sayo na ayaw mong tanggapin ay .. " sinulyapan ko pa sandali si higad na tinaasan lang ako ng kilay. ".. pinambili mo ng mga gamit ng babaeng 'to?" muling tanong ko kay Mhyko at ..... napatawa nalang ako ng malakas ng makita ang dahan dahang pagtango niya. Wow! Inamin ba talaga?!

Nilingon naman ako kay higad na nanlaki ang mga matang binalingan si Mhyko sa kanyang tabi. So, hindi pala alam ng babaeng 'to?? Magaling! Hanep!

"Wow, your... your unbelievable." pumapalpak pa ako ng dahan dahan. *insert sarcastic please!* "Thank you... thank you very much ...for FOOLING me..." tinanggal ko yung nerd glasses ko tapos ipinanpunas ang likod ng kanang kamay ko ang mga luha kong nag-uunahan ng bumagsak. ".. at ngayon ka pa talaga nakipagbreak sa akin?? Ngayon? Ngayon na 3rd anniversary natin? Inagahan mo nalang sana para naman hindi masyadong masakit... Mhyko.. sinaksak mo ko sa likod. Should I be happy that you're breaking up with me?"

"You should be." sabat na naman ni higad. Galit ko naman siyang binalingan. "CAN YOU JUST PLEASE SHUT THE FUCK UP! GET LOST!" sigaw ko sa kanya. Halata namang natakot siya sa pagsigaw ko kaya walang anu ano'y kumaripas ito ng takbo papalabas ng CoffeeHouse. Buti at umalis rin at baka mapatay ko na talaga yun. Sabatera!

"Cyline, hindi ko naman sinasadyang mangyari 'to eh. Ano lang kasi..."

"Ano??"

"... I'm sorry"

"S-sorry??!"

".. Cyline..." sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko. "Cyline maniwala ka.. maniwala ka... i tried... i really tried to love you but..." yumuko pa siya bahagya.

"So.. ibig sabihin .. "

"... gusto lang kita... gusto ko lang personality mo... gusto ko yung pagtrato mo sa akin kahit malayo ang agwat natin sa buhay tinanggap mo pa rin ako. When you say loved me, I feel guilty about it. Naguguilty ako kasi hindi tayo parehas ng nararamdaman. Kaya.... kaya tinry kong mahalin ka for almost 2 years pero wala talaga." sabihin niyo nga sa akin kung totoo ba 'to o panaginip lang. Kung panaginip man ay pwedeng pakigising ako please. Ayoko ng ganitong panaginip eh nakakamatay.

"Bakit mo nasabing hindi mo nga ako minahal? I don't get it."

"Nainlove ako."

"WHAT?! You .. don't tell me with that girl you brought."

"Yes." Agad agaran niyang pag amin. Aaminin ko nasaktan ako sa sagot niya. I can't believe I am hearing this now. Bakit ngayon pa?

"Bakit parang sure na sure ka ata?? You mean it?" wala na ata akong pakialam sa itsura ko ngayon. I just felt like letting my tears flow freely because I can't ......

"I know to myself, Cyline. I just like you but..."

"But YOU ... love her?" pagpapatuloy ko sa sasabihin niya.

"I'm sorry."

"That much?"

"Yes."

"Kailan lang naging kayo?"

"Last week."

"Ha! Last week?! Ang tagal ha! Sa loob lang ng isang linggo or so ...you fell in love??! With that kind of girl? How come?! At kailan mo naman narealize?"

"Last month."

"Wow! Last ha! last month, LANG??! Ako, 2 years pero walang progress tapos siya??! Last month mo na agad naramdaman na mahal mo siya??? You're really unbelievable!" wow! Ang tibay niya ha! Nakuha niya pang maghanap ng iba kahit alam niyang mas matagal kaming nagsama keysa sa higad niya?!? Just WOW!??!

"Sorry.."

"No, don't say sorry. Nagawa mo na eh! Sana nung time na naramdaman mong inlove ka na sa higad na yun ay dun ka na nakipagbreak sa akin. Ang tibay mo! Pinaabot mo pa talaga sa anniversary natin? O baka naman hindi mo nga naalala na may anniversary nga tayo kasi nga diba.. hindi mo naman ako minahal?!" may halong sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Cyline..."

"Don't... wag mong banggitin ang pangalan ko. Ayaw kong marinig ang boses mong tinatawag ang pangalan ko... nakakairita eh." pinunasan ko ulet yung mga luha ko bago ko sinuot ulet ang nerd glasses ko. "I bet that no matter how much I try to erase you. We spent so many days together. The past times are so regrettable that tears keep flowing but..... I will show you a completed changed me. I will show you a way prettier me. I don't wanna cry like a fool over you ....who broke me." taas noo kong sabi sa kanya. "I regret trusting you, Mhyko. And I regret loving you, also." tapos tumayo na ako para umalis sa lugar na iyon. Pero natigilan ako nang may nakalimutan ako. Kaya bumalik ako doon at hinarap siya ulet. Saktong paglingon niya sa akin ay ang paglapat ng aking palad sa kanyang pisngi. I slapped him real hard. Good for him. That's his reward for fooling me.

I swear, I'll become even more gorgeous than that girl. To achieve that, I will change the whole me. As in everything, to show to that guy what he's missing out.





ღ𝕋𝕠 𝔹𝕖 ℂ𝕠𝕟𝕥𝕚𝕟𝕦𝕖𝕕ღ

Continue Reading

You'll Also Like

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
27.6M 702K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
21.1M 518K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
49.7K 2.4K 39
Obsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to...