Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 130K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-5-
-6-
-7-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-43-

65.3K 2.1K 606
By vampiremims

Last 7 chaps.

-

“CREEP, wake up…”

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Jahann. Ipinaling ko sa kaliwa ang ulo at tinakpan ng unan ang ulo ko. I still want to sleep. Anong oras na rin naman ako nakatulog kagabi kaya mas gusto kong matulog na lang.

Isa pa, malapit na ang finals namin. Kailangan kong magbasa ng ilang lessons na hindi naman halos naituro. Nag-uumpisa na rin ang ilang mock tests kaya inuubos ko na lang ang oras ko sa pagbabasa.

“Creep, you need to wake up now…” muling sabi ni Jahann sa akin. “Come on, I love watching you sleep, but you need to get up. May klase ka pa…”

Napasimangot ako bago tumingin sa kanya. “Dapat hindi ko nalang chinarge ang laptop ko para hindi ka maingay diyan,” kinuha ko ang laptop at tinignan si Jahann. Ngumiti siya sa akin.

It’s been two weeks since he left. Nagkakausap pa rin naman kaming dalawa ng madalas pero kadalasan ay sandali lamang iyon. Kagabi ay nagsabi si Jahann na wag kong papatayin ang laptop ko para na rin mabantayan niya ako. Ngayon ako mas humahanga sa mga taong nakakaya ang long distance relationship. Late ng 13 hours ang New York kaysa sa Pilipinas. Umaga sa akin, gabi kay Jahann. Mas nagiging mahirap ang sitwasyon naming dalawa.

“I’m still sleepy…” reklamo ko sa kanya. Sumandal ako at napalabi. Noong isang araw pa masama ang pakiramdam ko pero hindi ko sinasabi sa kahit na sino dahil baka dahil lang naman naambunan ako nang nagdaang linggo. Hindi rin naman ako pala-inom ng gamit kapag nagkakasakit ako.

Tumawa naman ito. “You’re always sleepy and hungry. What’s new?” tumaas ang isang kilay niya sa akin. Ngumiti ako ng tipid.

“Anong ginagawa mo habang tulog ako?” tanong ko sa kanya nang itali ko ang buhok ko. Kinuha ko rin ang phone ko para tignan ang messages sa akin.

“I just watched you sleep…” sagot ni Jahann. Tinignan ko naman ang screen ng laptop ko at tinaasan siya ng kilay.

“Alright, I was reading some reports while watching you,” seryosong sabi niya. Jahann’s not there to have a vacation. May mga shoots na gagawin doon at si Jahann ang photographer nila. Kahit pa nga hindi pa professional si Jahann pagdating sa bagay na iyon, siya ang inatasan ni Daddy para sa trabahong iyon.

“What’s your plan for today?” tanong ni Jahann sa akin. Nakita kong may mga papel nga sa gilid niya at tinitignan ni Jahann ang mga iyon.

“Same. Maliligo, kakain, pasok ng school, kakain, magkikita kami nila Kol, kakain, uuwi, kakain…” ngumisi ako sa kanya. Simula ng umalis si Jahann ay si Kol ang laging kasama ko. “Marami ka ng utang kay Kol, snob…” ipinilig ko ang ulo habang nakatingin kay Jahann.

“I know…” sumandal ito sa upuan habang nakatingin sa akin. “This long distance shit sucks, Creep. But it’s making me love you more…” umangat ang isang sulok ng labi nito.

“Yeah…” marahan akong tumango. “I miss you,” mahinang sabi ko sa kanya. Si Jahann naman talaga ang mas vocal sa feelings naming dalawa. He’s the one who’s saying 'I love you' more.

Mahal ko si Jahann at ipinapakita ko iyon sa paraang kaya ko…

“One month and I’ll see you again,” napatingin ako sa screen nang magsalita si Jahann. “I miss you, Creep…”

Tumango ako. “Yeah. I still need to pass all my exams. May mga kailangan pa akong ipasang papers…” napasandal ako. “Iniisip ko pa lang, napapagod na ako…” pagrereklamo ko sa kanya. Parang gusto ko na lang mahiga at matulog kaysa umalis ng bahay. 

“You can do that. Kaya mo ‘yan,” pagpapalakas niya sa loob ko. “Madali lang naman ang exams, mag-aral ka lang…” ngumiti pa siya.

I rolled my eyes. “It’s easy for you,” irap ko sa kanya. Tumawa naman si Jahann. God, pati pagtawa niya, namimiss ko na. Kahit naman miminsan lang talaga tumawa si Jahann, nakakamiss pa rin.

“Pass all your exams. I’ll wait you here,” kumindat pa siya sa akin. Napasimangot ako. “I will. I have to go. Maghahanda pa ako para sa pagpasok ko. I’ll just call you later…”

“That won’t happen again,” may himig pagtatampo na sabi ni Jahann. Alanganin akong ngumiti. “It wasn’t my fault that I fell asleep,” pagtatanggol ko sa sarili ko. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na tatawagan ko siya pero sa huli, siya ang tumatawag sa akin dahil madalas ay nakakatulog ako.

“Sige na. I’ll call you later. I still need to finish some things. Take care, alright?” malumanay na sabi ni Jahann. Ipinilig nito ang ulo at ngumiti sa akin. “I love you.”
Ngumiti ako sa kanya. “I have to go. Sige na…”

Sumimangot siya sa akin pero ngumiti lang ako bago isinara ang laptop. Sumandal ako at huminga ng malalim.

Everything’s fine, so far. Kahit na nasa New York si Jahann ay ayos naman ang lahat. Wala namang nagiging problema.

Matapos akong maligo ay inayos ko na ang gamit ko bago ako bumaba para mag-almusal. Halos magkasabay kami ni Aly na lumabas ng kwarto kaya sabay na rin kaming dumulog sa hapag.

“Dad, we’ll go to New York sa vacation namin?” tanong ni Aly kay Daddy habang kumakain kami. Hindi ako umiimik pero tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

“What if you have a work to do?” tanong ni Daddy kay Aly.

“I’ll tell Tita Julia not to give me work. Let’s go to New York. Namimiss na namin ni Twin si Lolo at Lola. Diba, Twin?” siniko pa ako ni Aly. Nag-angat naman ako ng tingin at saka tumango.

“Uh, yes, Dad…” mahinang sagot ko.

“See? Sige na, Dad. Let’s go to New York. Please?” malambing na pakiusap ni Aly kay Daddy. Nilingon naman ni Daddy si Mommy.

“Oh, don’t look at me. Ikaw ang pinipilit, hindi ako…” sabi ni Mommy dito.

Iiling-iling na huminga ng malalim si Daddy. “Alright. Pass all your grades and we’ll go to New York,” ani Daddy kay Aly pero sa akin nakatingin.

“We will!” malakas na sabi ni Aly. Hindi ko naman mapigilang matawa sa kanya.

Si Aly at si Mommy na ang sunod na nag-usap habang nakikinig lang ako sa kanila at pilit na inuubos ang pagkain ko. Hindi na nga marami ang inilagay ko sa plato ko, hindi ko pa maubos.

“Sir, nandito po si Sir Kol,” anang ng kasambahay namin. Lahat kami ay lumingon sa pinanggalingan ng boses. Naroon nga si Kol at nakatayo.

“Good morning, Tito, Tita…” magalang na bati ni Kol sa mga magulang ko.

“Join us, Kol. Ikaw lang? Wala si Keij?” tanong ni Mommy dito.

“I ate already, Tita. Isasabay ko lang si Cherinna… at Aly sa school,” nilingon ako ni Kol.

“I remember Kuya Thunder before. He used to be my driver as well and—“

“That is because you’re a reckless driver, Ai,” putol ni Daddy sa sinasabi ni Mommy. My mom rolled her eyes. “Halika na, Kol. Kumain ka na lang ulit. Matatagalan kang maghintay dahil ang bagal kumain ni Cherinna,” sabi ni Mommy na pinanlakihan ako ng mata.

“Mom…” napasimangot ako.

“It’s fine, Tita. I can wait for Cherinna," nakangiting sabi ni Kol. "...and Aly, of course," dagdag pa niya.

“I’m done…” kinuha ko ang table napkin at nagpunas ng labi.

“Konti lang nakain mo, ah? May sakit ka ba?” tanong ni Aly sa akin. Umiling ako. “I need to review pa. May exam ako ngayon,” sabi ko sa kanya. Kinuha ko na lang ang isang baso ng orange juice at diretsong ininom iyon.

“Sasabay na rin ako sa inyo,” ani Aly na tumayo na rin.

“We’ll go ahead, Dad…” lumapit ako at humalik sa pisngi nito, gayon din ang ginawa ko kay Mommy.

“Kol, drive safely. Take care of them,” sabi ni Dad kay Kol nang nagpaalam na rin ito sa kanila. “I will, Tito. Sige po, we’ll go ahead…” sabi nito bago sumunod sa amin. Dumiretso naman si Aly sa backseat at naupo ako sa harap.

“Hi, Jahann!”

Napalingon ako kay Aly nang magsalita ito. Hawak nito ang phone at kausap si Jahann.

“Why?” tanong ni Jahann kay Aly.

“Nothing. Namiss lang kita…” ngumiti si Aly dito. “Namiss ka rin ni Cherinna!” hinarap niya sa akin ang phone at nakita ko si Jahann.

“Seatbelt,” ani Kol sa akin.

“You’re with Kol?” tanong ni Jahann.

“Obviously,” si Kol ang sumagot sa kanya.

“Drive safely. Take care of them,” ani Jahann. Hindi ko maiwasang mapangiti. Wala pa atang limang minuto ang nakakalipas nang sabihin iyon ni Daddy kay Kol.

“I have to go, Aly. May gagawin pa ako…” paalam ni Jahann kay Aly.

“Oo na. Sige na. Nangamusta lang, eh. We’ll go there soon! See you, Jahann!” masiglang sabi ni Aly bago tinapos ang pakikipag-usap kay Jahann.

“Twin, nakakausap mo ba si Jahann? Sabi kasi ni Iris, lagi daw busy kapag tumatawag siya…” ani Aly na sumandal at kinakalikot ang phone niya.

“Baka busy talaga…” sagot ko na lang. nakita ko ang bahagyang paglingon sa akin ni Kol. Sumandal na lang ako at pumikit.

Inaantok na naman ako.

Pagdating namin sa school ay dumiretso na ako sa klase ko kahit pa maaga pa naman. Mas gusto kong maupo at magkaroon ng tahimik na paligid.

Nakakastress magreview kaya naman ayokong may maingay sa paligid ko.
Naupo ako at kinuha ang notes ko at tahimik lang na nagbabasa. May ilang nagtatanong sa akin at sinasagot ko naman sila pero hindi ko pinapahaba pa ang usapan.

“Cherinna…”

Napatingin ako kay Iris nang hawakan nito ang braso ko.

“Yes?” matamlay na sagot ko sa kanya.
Nakasimangot siya sa akin. “Busy ba si Jahann? Kagabi ko pa siya tinatawagan, hindi niya ako sinasagot…”

Pinilit kong huwag mapairap kay Iris.
“I think he’s busy. Pinadala siya ‘don ni Dad para magtrabaho, eh…” sagot ko bago inilipat ng page ang note ko kahit na wala naman akong halos naintindihan sa binasa ko.

“Pero sana man lang sagutin niya kahit isang beses, diba?” sumandal si Iris. Tinignan ko siya at ibinuka ang bibig ngunit agad ko ring isinara. Napailing na lang ako. Nakita kong sinubukan niyang tawagan ulit si Jahann pero hindi siya sinasagot nito.

“Can you call him? Just ask him how is he… please?” hinila ni Iris ang kamay ko. Bakas naman talaga sa mukha ni Iris ang pag-aalala kay Jahann pero…

“Cherinna, call him, please and—“

“Iris, ano ba?” hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. “Jahann’s busy. Ano ba ‘yung hindi mo maintindihan ‘don?” kumuyom ang palad ko. Halatang nabigla si Iris sa pagtaas ko ng boses.

Yumuko ako at ipinikit ang mata bago huminga ng malalim.

“I’m sorry…” hinging-paumanhin ko sa kanya bago ako umayos ng upo. Halos lahat ng mga kaklase namin ay nakatingin sa aming dalawa ni Iris.

Hindi naman na siya kumibo at umayos na lang din ng upo. Tuluyan na akong walang naintindihan sa binabasa ko.

“How’s your day?” tanong ni Kol sa akin habang naglalakad kaming dalawa.

“Disaster…” walang-gana kong sagot habang naglalakad. Hindi ko na rin mabilang kung nakakailang-buntong hininga na ako habang naglalakad kaming dalawa papunta sa coffee shop kung saan naroon na rin sila Aly.

“Are you okay? Are you sick?” hinawakan ni Kol ang braso ko.

Tiningala ko si Kol. Umiling ako. “Wala lang ako sa mood…” tamad na sabi ko sa kanya. “Baka napapagod lang ‘yung utak ko sa pagrereview,” pilit kong pinasigla ang boses ko.

“Pumunta tayo sa clinic,” hinila ako ni Kol pero pinigilan ko siya.

“Huwag ka ngang OA, Kol. Wala akong sakit. Kapag tinanong ako ng nurse, sasabihin ko, napagod akong magreview kaya matamlay ako? Gagawin mo pa akong katawa-tawa doon,” anas ko bago naunang maglakad. “Puntahan na lang natin sila,” aya ko sa kanya.

Wala namang naging pagtutol kay Kol. Sa halip ay sumunod na lang siya sa akin.

“What do you want?” tanong ni Kol. “The usual?” dagdag pa niya. Nakaupo ako sa tabi ni Aly.

Umiling ako.

“If they have chocolate na may chocolate na may chocolate pa, ‘yon na lang…”

“What?” kumunot ang noo ni Kol habang nakatingin sa akin.

“I need sweets, Kol. Kailangan ko ng energy…” sumandal ako at pumikit.

“Okay ka lang, Twin?” nilingon ako ni Aly. Tumango ako at hindi nagmulat ng mata. “Can we go home after this? Gusto kong matulog talaga…” sabi ko sa kanya.
“Yeah. Wala naman akong shoot ngayon kasi finals na. Bawal magtrabaho…” sagot sa akin ni Aly. Hindi naman na ako muling kumibo at nakinig lang sa kanila.

“Cherinna…” may humawak sa balikat ko kaya nagmulat ako ng mata.

“Si Cherinna, ililibre mo, kami, kanya-kanya. Kol, ako ang kamukha mo. Di mo ba pansin?” tanong ni Keij sa kakambal.

“Eh, di sana hindi kayo umorder agad…” sagot naman ni Kol bago lumingon sa akin. “Eat,” aniya nang iabot sa akin ang isang slice ng cake.

Kinuha ko iyon at nagsimulang tumikim.

“Anong plano niyo sa bakasyon?” tanong ni Theon sa amin. Hindi naman ako nag-angat ng tingin at tinititigan ko lang ang cake sa harap ko.

“Sa New York kami ngayon, eh…” sagot ni Aly.

“Wala pang sinasabi si Dad…” sabi naman ni Lean. “Sana sa France kami. I’ll ask Mommy…” dagdag pa nito.

“Si Theon daw sa Blue’s Haven. Hahanapin si baby.” natatawang asar ni Keij sa pinsan namin

"Fuck you," mura ni Theon kay Keij.

“Kayo, Keij?” tanong ni Lean dito.

“I don’t know. Baka maghanap ako ng girlfriend sa bakasyon. Bago magpasukan, ibbreak ko din,” sinundan iyon ni Keij ng pagtawa.

“Siraulo ka talaga,” sabi ni Aly dito. Kahit na hindi ako mag-angat ng tingin ay alam ko na katakot-takot na irap ang inabot ni Keij kay Lean at Aly.

“How about you, Iris?” tanong ni Aly sa babaeng katabi ni Lean.

“Baka magpunta rin kami sa New York ni Mommy…”

Natigilan ako bago nag-angat ng tingin at sinulyapan si Iris. “What?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Sa New York din ako magbabakasyon,” ngumiti siya sa akin.

“Really? That’d be great. Magkasama tayong magshopping ‘don…” tila naexcite si Aly sa kaisipan na sa New York din magpupunta si Iris sa bakasyon nito.

Napailing na lang ako.

“Calm down,” lumapit si Kol sa akin at binulungan ako.

I filled my lungs with air and sighed harshly. “Punta lang ako sa CR,” paalam ko sa kanya. Tumango si Kol sa akin. Pagtayo ko ay nakaramdam ako ng biglang pagkahilo kaya naman natigilan ako at napahawak sa lamesa. Lahat sila ay napatingin sa akin.

“Okay ka lang?” hinawakan ni Aly ang kamay ko.

“Namumutla ka. May dugo ka pa ba?” tanong ni Enzo.

“I’m fine. Nabigla lang sa pagtayo…” sagot ko sa kanila. “Excuse me, punta lang ako sa CR,” paalam ko sa kanila at saka ako naglakad papunta sa banyo.

“Cherinna…”

Papasok ako sa banyo ng mga babae nang may tumawag sa akin. Napalingon ako at nabigla ako nang makita ko si Ian.

“Ian?” mahinang sabi ko. Napahawak ako sa pader nang maramdaman ko ang pag-ikot nga paligid ko.

“Are you okay? Who’s with you?” agad akong dinaluhan ni Ian at hinawakan ang braso ko. May sinasabi pa si Ian ngunit hindi ko na masyadong maunawaan dahil nanlalabo ang paningin ko.

“I’m fine. I just... I...” I closed my eyes and everything went black.

NAKARAMDAM ako ng lamig kaya bahagya akong nagmulat ng mata. Kumunot ang noo ko nang makita kong puti ang kisame.

Dali-dali akong napabangon at halatang nabigla rin si Kol na nakaupo sa tabing kama na naroon.

“What happened?” tanong ko sa kanya.

“Thank God, gising ka na!”

Tsaka ako napalingon kay Aly na nasa gilid ko.

“What happened?" tanong ko rin kay Aly. "The last thing I remember was…” natigilan ako. “Si Ian? I saw Ian and—“

“He called us when you fainted…” si Kol ang sumagot sa akin. Tumango ako. “Where is he?”

“Twin naman kasi, masama na pala ‘yung pakiramdam mo ayaw mo pang magpahinga,” sermon sa akin ni Aly. Lumingon ako sa kanya. Ngumiti ako ng tipid. “I’m fine. Baka kulang lang talaga ako sa tulog…” sagot ko sa kanya.

“I’ll get you some medicines. Inumin mo, ah?” pinanlakihan niya ako ng mata bago lumingon kay Kol. “Bantayan mo muna si Cherinna, Kol,” sabi nito kay Kol. Napailing na lang ako. Makautos si Aly, mas matanda pa nga si Kol sa aming dalawa.

Nang makalabas si Aly ay tsaka ako tumingin kay Kol. “Tinawagan mo si Jahann?” tanong ko sa kanya. Hangga’t maaari ay ayokong ipaalam kay Jahann ang nangyari sa akin. Mag-aalala lang siya. Wala namang nangyaring masama sa akin. Simpleng panghihina lang ng resistensya.

“No.”

I sighed in relief. “Thank you. Mas mabuting wag na ipaalam kay Jahann. Sinat lang naman ‘to at—“

“Huwag mong iinumin ‘yung gamot na ibibigay ni Aly sa’yo…” putol ni Kol sa sinasabi ko. Kumunot ang noo ko sa kanya. “Bakit? Safe naman ‘yung gamot dito, Kol. Nakakalimutan ko lang talagang uminom kahit masama ang pakiramdam ko kasi—“

“When was your last period, Cherinna?”

Natigilan ako.

“What? Ano namang kinalaman ng period ko at inaalam mo iyon ngayon?” hindi ko mapigilang matawa.

"I think you're pregnant..." walang bahid ng pagbibirong sabi ni Kol sa akin.

Nanlamig ang mga kamay ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

It can’t be.

Mabilis kong inisip ang schedule ng monthly period ko.

Pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan.

“Damn it.”

Nilingon ko si Kol. Nakakuyom ang kamay nito. “I’m going to call Jahann…”

“No!” mabilis kong pigil sa kanya. “We’re… we’re not even s-sure…” nangangatal ang labi ko habang nagsasalita. Hindi ko na rin mapigilan ang pamamasa ng mata ko.

“Why do you have to be so careless?” asik ni Kol sa akin. Halata ang frustration nito. Tumalikod ito sa akin at tuluyan nang bumagsak ang luha ko.

Buntis nga ba ako?

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Si Jahann, sila Daddy, Mommy… Aly. 

“Stop crying…” ani Kol sa mas kalmadong tinig. “Aly will be back after a short while…” naupo si Kol sa tabi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Pinigil ko ang sarili sa pag-iyak.

“No matter what, I won’t leave you. I’m just here, always remember that,” sabi ni Kol bago tumayo at bumalik sa kinauupuan nito kanina at tinignan lang ako.

Ilang segundo lang ay bumalik na si Aly na may dalang gamot. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Nakayuko lang ako sa kumot na naroon.

Everyone will be disappointed.

Should I give up now?

But how?

Continue Reading

You'll Also Like

24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
21.2K 577 31
R18 (Taglish) A powerful family, equally powerful enemies, and a dark past that refused to be buried. Introvert Ram Romualdez finds himself dead drun...
115K 7.5K 31
For Luna Alondra Dawson, marriage is a word so simple but holds so much weight. Some people are scared of it, some don't care much about it, for some...