Karma Butterfly

بواسطة SnowSparksJoviie

319K 4.2K 245

Ang nais lang ni Lilith Remington ay mamuhay ng normal tulad ng iba. Subalit nang pagtaksilan siya ng taong p... المزيد

Karma ✡ Butterfly
Acknowledgements
✫ PROLOGUE ✫
★ Night Raid
⋆ Allies
★ Butterfly effect
★ Consequences
★Knights of Cornelia
Photo Album (Special Page)
★ Friends or Foe
★ Exile
★Warning
★Encounter
★Secrets of the Palace
★Character's Album (Special page)
★One bad move
★Execution
★Inferno
★ Summerstorm
★Character's Album (Special page)
★Demon's magic
★ Glimpse of light
★ Betrayal

★Lightning strikes

8.6K 143 1
بواسطة SnowSparksJoviie

DUMAGUNDONG ang malakas na kidlat sa kalangitan at nagsimulang magkaroon ng makakapal na ulap. Maaninag ang pagkislap ng mga itlo at ang lahat ng iyon ay umiikot sa direksyon sa kamay ng hari. Isa-isang bumagsak ang nakakabinging kuryente sa kalupaan at tarantang iniwasan ni Lilith ang ilan sa mga iyon.

Nawalan siya ng balanse't gumulong bago pa man magtago sa pinakamalapit na pader. Hinawakan niya nang mariin ang nasugatang braso't bahagyang sinilip ang nangyayari sa labas. Napansin niyang natigil din ang tunggalian sa pagitan ni Xavier at Julio dahil sa pagbagsak ng nakakatakot na botahe sa kalupaan.

Napakagat siya nang makita ang epekto nito sa paligid. Nagmarka ito sa lupa at nagkapira-piraso ang ilang sirang pader. Maging ang ilang kalapit na kabahayan ay nagsimulang masunog dahilan para magkagulo ang mamayan ng Cornelia.

"Damn, wala na talagang ginawang matino si Markeus!" inis niyang sambit bago pa man muling damputin ang sandata't tumakbo ng palihim sa bawat pagitan ng pader.

She prepared for a surprise attack. She spent ten years seeking revenge for his father's death. Spent all her time training alone with swords and magic in anticipation of this day.

Nagkaroon ng pulang liwanag sa kanyang palad, nagkaroon ng pulang linya at nagsimulang umikot sa kanyang kamay. Kumislap ang liwanag at nagsimulang mabuo ang bolang apoy. Hindi na siya nagdalawang isip at itinapat ito sa kinaroroonan ng hari kasabay ng malakas na pagsabog.

Namilog ang mga mata niya nang sumulpot ang boltahe ng kuryente sa pagitan ng makapal na usok. Otomatiko niyang sinalag ang surpresang pag-atake at tinapatan ng kanyang apoy. Sa lakas ng pagsabog sa paligid ay itinulak ng malakas na hangin ang kanyang katawan.

Mabigat ang kanyang pag-ubo kasabay ng pagkakaluhod niya sa lupa. Hindi niya nagawang salagin ang atake nang mas maayos kung kaya't napuruhan siya mula sa malakas na pagsabog. Nalasahan niya ang sariling dugo at kaagad itong idinura sa lupa.

"Umiwas ka!" malakas na paghiyaw ni Xavier.

Hindi niya magawang makakilos mula sa pagkakaluhod sa lupa. Nawindang siya nang tumama ang boltahe ng kuryente mula sa kalangitan. Pansamantala siyang nabingi at halos mamanhid ang kanyang katawan. Malakas siyang napasigaw sa sakit na naramdaman at ipinagtungkod ang espada sa lupa.

"Shit naman talaga!"

Mahilo-hilo siyang napayuko at pilit pa ring hinihigpitan ang pagkakahawak sa kanyang espadang nakabaon sa lupa. Ramdam pa niya ang paggapang ng nginig sa kanyang katawan at hingal. It was a clear killing intent. He doesn't allow her to stand up immediately in position and always followed by a fresh attack.

She almost choked when he grabbed his neck and forcefully pinned her to the wall.

"Do you know why you're losing?" Nakarinig siya ng pagtawa habang dinidiinan ng hari ang pagkakahawak sa kanyang leeg. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at pilit na inaalis. "Because you're weak, Avery."

"Ahh!" she screamed at the top of her lungs when she felt the electricity flowing from his hand to her body. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan sa nangyari.

Marahas siya nitong hinila at hinagis kung saan. Bumulusok siya sa kalupaan at ramdam ang paggasgas ng balat niya rito. Napangiwi siya nang tumama ang likuran sa matigas na pader.

"Kung gugustuhin mong manalo sa isang tunggalian, kinakailangan mo ng labis na kapangyarihan. Sa tingin mo'y magagawa mo akong harapin sa ganyang klaseng lakas, Avery?" saka ito muling natawa. "Bakit hindi ka na lang kasi namatay kung mamamatay ka rin naman? Bakit mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo?" 

"Maging malakas para saan?"marahan siyang bumangon mula sa pagkakasalampak. "Anong silbe ng kapangyarihang mayroon ka kung hindi mo naman ito ginagamit sa tama."

"Ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay isang espesyal na bagay. Isa lang itong katunayan na mas mataas tayo kung ikukumpara sa ibang tao. Tayo ang dapat na mamuna, tayo ang dapat na gumawa ng batas."

Pinagtawanan niya lang ito habang pinupunasan ang gilid ng labi. "Mas mataas ka nga... mas mataas ang inaabot ng katangahan mo, Markeus. Iyan ba ang nagagawa ng mataas na posisyon, labis na kapangyarihan at kasakiman? Sa sobrang lakas ng sinasabi mong kapangyarihan, hindi na kinakaya ng kokote mo na mag-isip ng tama."

"Sinasabi mo ba 'yan dahil hindi ikaw ang nakaupo ngayon sa trono?"

"Kaya ba pinatay niyo ang ama ko para lang sa trono? Kayo ang nagtaksil sa pamilya namin at huwag mong ibaling ang kasalanan niyo sa akin."

Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na nalaman niya ang lahat. Ang paglason ng mga ito sa kanyang ama na walang ginawa kung hindi ang itrato silang tapat na kaibigan, kapamilya at kanang kamay. Hindi niya lubos maisip na araw-araw niyang nakakasalamuha ang mga ito, araw-araw na nakakasama't nakakausap ngunit sila pa mismo ang mismong sasaksak patalikod.

Nang malaman niya ang kagustuhan ni Haring Lucas Valereon—ang ama ni Markeus—ay pinilit niya itong komprontahin sa murang edad. Marahil iyon ang pagkakamaling ginawa niya sampung taon na ang nakakaraan. At dahil doon, mas lalo siya nitong pinag-initan at nagsimulang magbago ang pakikitungo sa kanya. Kung dati'y halos anak-anakan ang turing nito sa kanya, nagsimula itong pagbintangan siya sa mga bagay na hindi niya kayang gawin.

At simula ng araw na iyon... nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Markeus.

"Kahit na paulit-ulit mong sabihin at ibintang sa akin ang lahat, hinding-hindi ako aamin sa kasalanang hindi ko ginawa. Hindi ko aakuin ang kasalanang sa inyo dapat ipatong."

"At sa tingin mo anong magagawa mo kung matagal ka nang nabura sa palasyo?"

She laughed upon hearing it, noticing that the young man was also annoyed by her laughter. "Wala akong ginawang masama, Markeus. Hindi ko tinangka, magagawa at sumubok pumatay pagkatapos ng lahat. Not until you tried to kill me before."

"Ano pa bang kasinungalingan ang ipapalusot mo? Malinaw na tumakas ka sa piitan makita ka naming kasama ang ama ko na duguuan at walang buhay?" Asik nito.

"How certain are you about what you've seen before? Your eyes can lie to you, Markeus. Sadyang ang hirap talaga ipasok sa kokote ng isang tao ang katotohanan lalo na't may sarili silang pinapaniwalaan."

Kumislap ang kamao ng hari dahil sa inis. Nabalot ito muli ng mabigat na enerhiya't kaagad niyang napansin ang pumumuo ng kuryente rito. Ibinuka niya muli ang kanyang palad at lumabas doon ang pulang linya at nagsimulang umikot dito.

"Hindi na rin nakakapagtaka na buhay pa rin ako pagkatapos ng ginawa mong pagpaslang sa akin sampung taon na ang nakakaraan. Dahil sa pag-aakala mong napuruhan mo ako ng araw na 'yon. Your eyes are really something, Markeus. Ipinagpapasalamat ko na lang din na kampante ka sa mga bagay-bagay."

MABIBIGAT ang pag-atake ni Xavier habang umaabante dahilan para mapaatras naman si Julio habang dumedepensa. Kahit na mas lamang ang katunggali sa pakikipaglaban gamit ang mahika, hindi niya ito hinayaang makaganti sa kanya. Mabilis niyang iniwasan ang atake nito't yumuko, kumuha siya ng tyempo't buong pwersang sinalubong ng suntok ang sikmura nito.

Dahil sa dikit ng kanilang laban, nahihirapan ang katunggali na gumamit ng salamangka. Sa tagal ng iginugol niya sa palasyo, marami na siyang nakasaluhang katulad nito na kumukuha lang ng lakas gamit ang kapangyarihan. Ngunit, sa oras na makalapit ang katunggali'y hindi rin ganoon kagaling sa paggamit ng sandata.

"Itigil mo na 'to, Julio. Hindi ko gustong makipaglaban sa inyo." Saka niya itinapat ang talim ng espada upang hindi na makakilos pa ang kaharap. "Hindi ko gustong madamay kayo sa nangyayari."

"Kung hahayaan naming kayo, kami ang mapapahamak sa hari. Madadamay din ang pamilya naming sa laban na 'to."

Marahan siyang napaatras nang sipain siya nito't sinalubong ng malakas na suntok sa mukha. Ipinangtungkod niya ang kanyang espada at muling inilagan ang mga matatalim na yelong namumuo sa lupa. Nihiwa niya ang ilan sa mga ito't nagkaroon ng malaking distansya sa pagitan nila. Inis niyang pinahid ang pumutok na labi at dinampi ang laylayan ng kanyang damit.

Dahil sa malaking distansya ng dalawa, nagagawa na nito muling bumuwelo't gumamit ng salamangka.

"Hindi kayo makakaligtas kung pipiliin niyong sumunod sa hari. Alam kong napipilitan lang naman kayo ni Kat pero ito na ang tamang panahon para kumawala sa kanya."

"Madali sa 'yo na sabihin 'yan dahil hindi mo alam kung anong nakasalalay sa laban na 'to." Singhal nito. "Napipilitan kaming gumawa ng bagay na hindi naming gusto pero anong laban naming kung hawak kami ng hari sa leeg?"

"Nanggaling ako sa Zero zone." Pansin niyang natigilan ito sa narinig. May pag-aalinlangan siyang lumingon dito dahil hindi niya rin alam kung papaano ipapaliwanag ang nangyari sa loob ng tagong piitan. "Kailangang magpigilan ang hari sa masama nitong balak kaya't tigi—"

"Nasaan ang pamilya namin?"

Nanatili siyang tikom, pilit na inaalala ang nangyari sa piitan.

Nang imulat niya ang mga mata niya sa loob ng Zero zone ay tumambad ang napakaraming katawan sa kanyang harapan. Hindi niya makilala pa ang ilan at kung sino pa ang natitirang buhay sa paligid niya. Ang tanging nasaksihan niya lang nang bumalik ang ulirat niya ay ang pagkuha ng mana ng hari sa mga ito hanggang sa malagutan ng hininga.

"Hindi ko sigurado kung nasaan sila o kung nasa loob pa sila ng Zero zone... hindi maganda ang nangyari sa lugar na 'yon nang dakpin ako."

"Anong ibig mong sabihin?" pareho silang pumihit ng tingin sa narinig. Tumambad sa kanilang dalawa si Katrina habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan ni Julio. Salubong ang kilay ay palipat-lipat ng tingin sa kanila. "Anong nangyari sa loob ng Zero zone?"

Malalim ang kanyang paghinga bago pa man isukbit ang espada sa kanyang tagiliran bilang senyales na rin na hindi niya nais saktan ang dalawa. Sinundan lang siya ng tingin ng mga ito't inaantay ang susunod na kilos. Hindi niya mahanap ang tamang salita para ipaliwanag sa mga ito ang nasaksihan sa paraang hindi sila mawiwindang.

"Isa-isang kinuha ng hari ang mana ng mga taong natitira sa Zero zone. Halos hindi ko mabilang kung ilang eksakto ang mga katawang nakita kong walang buhay." Pagkasabi na pagkasabi niya'y nagkaroon ng malakas na pagsabog sa paligid dahil na rin sa nangyayaring tunggalian sa pagitan ni Lilith at Markeus.

Nanatiling nakatanga ang dalawa, tuliro at hindi niya malaman kung narinig ba ng mga ito ang sinabi niya o pansamantalang nabingi sa ingay. Napalamukos ng mukha si Julio't tumalikod nang bahagya ngunit batid niya sa kilos at mga mata nito ang inis.

"Tama ba ako ng pagkakarinig? Kinuha niya ang mana ng mga maharlika doon?" Hindi makapaniwalang sambit ni Katrina. "Pero ang mana ang nagsisilbing buhay ng tulad naming nakakagamit ng mahika."

"Sinasabi mo bang matagal nang saysay ang ginagawa naming pagsunod sa hari?" hindi mapakali ang binata sa narinig. "Sinunod naming ang lahat ng utos ng hari kapalit ng kaligtasan nila pero ngayon...Shit!" ni hindi na magawang makapagsalita ng maayos ni Julio sa inis.

Kung siya rin ang nasa posisyon ng dalawa'y hindi niya rin mawari kung anong dapat gawin sa sandaling iyon. Maging siya'y hindi niya alam kung nasaan ang pamilya ng mga ito o kung buhay pa ba ang mga ito. Sadyang malaki ang loob ng Zero zone ngunit ang ilang parte ng piitan na iyon ay nababalot ng dilim. Mayroon pang ilang mga lugar na nakakandado't hindi niya sigurado kung may iba pang lagusan. Top of Form

Mapaklang pagtawa ang narinig niya sa dalaga. "Nakakasuya," umiling-iling ito bago pa man suklayin ng marahas ang buhok sa inis. "Dumating pa ako sa punto na pinag-isipan kong pumatay para lang sundin ang nais ng hari pero ito lang ang malalaman ko. Ibang klase... nakapakagaling niyang manira ng mentalidad."

Pareho silang nagulat nang magsimula itong maglakad patungo sa direksyon kung saan nagpapalitan ng malalakas na atake sina Lilith at ang hari. Hahabulin na niya sana ito upang pigilan ngunit naunahan siya ni Julio.

"Anong gagawin mo? H'wag mong sabihin gigitna ka sa kanilang dalawa?"

"Bitawan mo ko, Julio!"

"Magpapakamatay ka ba sa ginagawa mo? Hindi mo na naman pinag-iisipan ang gagawin mo!"

Marahas nitong hinawi ang pagkakahawak ng binata sa braso nito. Malinaw sa kanilang dalawa ang nag-uumapaw na galit sa mga mata ng dalaga. Matalim ang tingin nito sa kaibigan at may halong pagbabanta.

"Kung mamamatay man ako, masaya akong mamamatay kung maisasama ko siya sa hukay!" 

With a triumphant smile, she beheld her creation—a magnificent spectacle of water and magic, a testament to her formidable skill. With a graceful sweep of her hand, she directed the swirling mass upwards, shaping it into towering pillars that reached toward the heavens. Droplets coalesced into swirling vortices, reflecting the brilliant hues of the setting sun.

Napanganga silang dalawa ni Julio sa nabuong tubig sa kanilang ibabaw at halos takpan na nito ang maliwanag na kalangitan. Dahil sa pagdilim ng paligid, natigilan din ang dalawang nagtutunggalian sa hindi kalayuan at pare-pareho silang napatingala sa kalangitan.

In a split second, Katrina released a gigantic volume of water sphere of water toward the king's location.

Pare-pareho silang tinangay ng malalaking paghampas ng tubig at dinala kung saan-saang posisyon. Pare-parehong basa't nagulatang sa nangyari. Tanging si Katrina lang ang nananatiling nakatayo habang sunod-sunod na pinapagalaw ang mga tubig patungo sa posisyon ng hari. Sa huling pagkumpas ng mga kamay nito'y naging matalim ang bawat patak ng tubig dahilan para mapuruhan nang malala ang hari.

"Katrina!" paghiyaw ni Julio.

Sa kabila ng pag-atake ni Katrina, Mabilis naman niyang hinagilap si Lilith at tumakbo sa kinaroroonan nito. Masama ang tingin at basang-basa ang suot na damit. Unti-unting umusok ang katawan nito habang siya'y papalapit. Aalalayan na niya sana ito ngunit umatras ito nang bahagya sa kanya.

"It's hot." nagsimulang matuyo muli ang suot-suot nitong damit.

"Nalaman nila ang nakita sa ko sa loob ng Zero zone."

"Ano?" pinandilatan siya nito sa narinig. "Ikinulong ka sa Zero zone?"

"Hindi na importante kung anong nangyari sa akin pero ang mga naka--" Natigil ang kanilang diskurso nang iwasan ang paggapang ng kuryente sa paligid.

Mabilis niyang hinila ang dalaga't hinarang ang kanyang katawan sa harapan nito nang magkaroon muli ng pagsabog. Pansin niyang nabigla ito sa kanyang ginawa at nanatiling nakatingin sa kanya.

"Ayos ka lang?"

Marahan itong tumango sa kanya kasabay ng pagsuri nito sa kanyang katawan.

"Ayos ka lang din ba?" nag-aalalang tanong nito.

Alam niyang hindi maganda ang nangyayari sa paligid. Ngunit, hindi niya maiwasang mapangiti sa simpleng pag-aalala nito. Muling dumagundong ang paligid at pareho silang pumihit ng tingin sa labas ng pinagtataguan.

Their eyes wide with wonder and disbelief. Like a monolith of ice, they saw it: the huge Icile Shield formed from Julio's hands. From the open palm of his hand, the azure line spirals outward, accompanied by the spread of denser frost before them.

Mula sa tabi ni Julio, lumingon si Katrina sa kanilang pinagtataguan. Isang makahulugang tingin ang binigay nito sa kanya bago pa man ito umiwas ng tingin.

"Anong nangyayari sa kanilang dalawa?" tanong ni Lilith sa kanyang tabi.

"Hindi nila alam kung buhay pa ang pamilya nila sa Zero zone. Hindi na nakakapagtaka kung magrerebelde silang dalawa."

Pareho silang lumabas sa pinagtataguan at dali-daling nagtungo sa kinaroroonan ng dalawa. Kaagad din naman naglaho ang makapal na yelo sa kanilang harapan nang matigil ang hari sa pag-atake. Sa pag-ihip ng hangin, nahawi ang alikabok sa paligid at mas lalong bumigat ang enerhiya sa lugar.

"At nagkampihan na kayong mga traydor kayo." Dinig nilang sambit ng hari.

Ang nakakasilaw na kuryenteng bumabalot sa mga kamay nito'y nagsimulang magpalit ng kulay at anyo. Unti-unting gumapang ang itim na mga marka sa magkabilang braso nito at napalitan ng itim na aura ang bawat pagkislap ng kuryente. Pare-pareho silang natanga nang panandalian.

Damn, this king is indeed using black magic.



واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

40.2K 2.3K 35
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
20.8M 762K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
14.7K 605 42
HIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their nor...
Song of The Rebellion بواسطة Yam

الخيال (فانتازيا)

9.9M 495K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...