Back to You

By JhayeBii

12.3K 474 111

How long would it take for you to finally say, LOVE DESERVES A SECOND CHANCE? It all started when a 16-year o... More

Back to You (Overview)
Prologue
Chapter 1: My Trip to Manila
Chapter 2: The Campus Bad Boy
Chapter 3: The First Time We Met
Chapter 4: Destiny? No, It's Coincidence!
Chapter 6: The Cupid Heartthrobs
Chapter 7: His Sweetdreams and Her Nightmare
Chapter 8: 101%
Chapter 9: Getting To Know Her
Chapter 10: Lovers in Clinic
Chapter 11: The Basketball Issue (Part 1)
Chapter 12: The Basketball Issue (Part 2)
Chapter 13: The Clash Between Scyde and Jhayden
Chapter 14: Sincerity is in the Eyes
Chapter 15: I Won't Leave You
Chapter 16: The First Date (Part 1)
Chapter 17: The First Date (Part 2)
Chapter 18: The First Date (Part 3)
New Story!
Chapter 18: The First Date (Part 3)
Announcement

Chapter 5: First Day of School

560 27 4
By JhayeBii

CHAPTER 5: FIRST DAY OF SCHOOL

 _________

 MEICAH

 Nabulabog ang nahihimbing kong kaluluwa dahil sa tunog ng alarm clock na 'to. Agad ko naman 'tong pinatay na nasa aking tabi lang naman, nakalagay at nakapatong sa side table. Nag-alarm clock pa ako, nauna din naman akong gumising bago 'to tumunog. Bakit nga ba ang aga kong gumising ngayon? It's just because. . . it's first day of school at college na ako. Excited na nga ako e. Hehe. Oo nga pala. Alam kong naitatanong niyo kung ano ba ang course na kinuha ko. Well, ang kinuha ko pong course ay BS Architecture. Alam niyo namang makatatay ako kaya ito ang kinuha ko. Hindi man ako ganun kagaling magdrawing gaya niya, ayos lang. Kakayanin ko dahil sa pangarap, walang mahirap. (^___^)

 After kong maligo, nagsuot lang ako ng simpleng damit. Wala kasing official uniform ang Saint Thaddeus University e. Palibhasa school ng mayayaman kaya kahit anong gustuhin mong porma, ayos lang. Sa kusina, As usual nandoon na agad siya. E sino pa ba? E 'di yung halimaw kong kuya na nakaupo habang humihigop ng mainit na kape. Ang aga niya atang gumising ngayon ha. Habang nakatayo pa ako sa dulong step ng hagdang iyon, lumingon siya ng bahagya sa akin.

 "Oh. Anong tinitingin tingin mo diyan?" nagmamasungit na tanong nito habang binababa yung tasa ng kape mula sa kissable at mapula pula niyang labi. Haaays... Umagang umaga heto na naman kami.

 "Wala! Bakit?!" I said in sarscatic way. Hindi siya sumagot. Kaya naman dumiretso na ako sa aking upuan para kumain. Alam niyo kung sa'n ako umupo. Sa pinakadulo ng lamesa na malayo sa kanya pero nasa tapat niya. Nasa magkabilaang gilid kami. Gets niyo? Ayoko ngang tumabi sa kanya noh! Mahirap na baka lamunin pa niya ako bigla.

 "Ang aga mo gumising ah. Excited lang?" nang-aasar na sinabi niya habang kumukuha ako ng pangatlong sandok ng kanin. Oo. Ganun ako kalakas lumamon. xD

 "Ha? Oy hindi ah. Ikaw nga yun e." sagot ko naman habang kumukuha ng ulam kong tatlong bacon, dalawang hotdog at isang chicken wing. Hehe. Gutom na gutom na po kasi ako. Saka kailangan ng maraming energy ngayong first day of school di ba? Ayos 'to. Ang sarap naman ng almusal ko. Haha! Kainan na! Sakto namang pagkasubo ko ng kutsara, ay bigla na namang nang-asar 'tong napakabait kong kuya ever.

"Yung tipong ang gandang babae, kaso matakaw? Turn off! Eeeng!" Ano?!I coughed. Teka lang ha. Nabulunan ako sa sinabi niya.

 "Hoy anung sabi mo?!" sigaw ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at sa halip ay humigop pa ulit ng kanyang kape. "Kainis 'to. Akala mo naman kung sinong perpekto. Ilabas ko baho mo e." bulong ko sabay subo ulit sa pagkain ko.Kainis. Umagang umaga nangbabad trip 'tong si kuya. Pero stay calm lang Meicah, stay calm. Unang araw ng pasukan ngayon kaya dapat chill lang. Bawal ma-stress, papangit ako! xD

 "Oy kulot? Anung oras ang uwi mo mamaya?"

 "Hmm... 5:30. Bakit?"

 "Wala lang. Masama bang magtanong?"

 "Hindi! Bakit? Masama din bang magtanong sa 'yo?"

 "Oo. May bayad kase. Puro utang ka na nga sa akin e." (-____-) Haaays. Kailan ba kami mag-uusap nito ng matino? Wala na atang pag-asang maging maayos 'tong kuya ko.

"Bilisan mo. 7:00 pasok ko ngayon."

"Ha?! Ang aga naman!" tumingin ako sa wristwatch ko. "6:47 na. E 8:00 pa kaya pasok ko."

"Sige maiwan ka diyan. Mag-commute ka na lang." sabay angat niya ng kanyang back pack na nakapatong sa isa pang upuan saka isinugbit sa kanyang kanang balikat.

"Oy sa'n ka pupunta?" daldal ko kahit punung puno ng pagkain ang bibig ko.

"Aalis na. Iiwanan na kita." saka siya lumakad palabas ng pinto. Ano?! Teka! Hindi pa ako marunong magcommute mag-isa. Dali Meicah! Dali! Ayokong maiwan.

"Wait lang kuya!" (>___<)

• • •

Sa wakas nakarating na kami ng aking kuya sa school. Medyo mabilis kami kasi nakakotse naman. Kapag nakajeep naman medyo matatagalan din, madami kasing sumasakay lalo na't pasukan.

"Oh. Baba na." walang modong sinabi ni kuya Dhies pagkatapos ipark ang Adventure niya sa parking lot ng school.

"Saglit lang naman pwede? Nag-aayos pa ako ng gamit ko diba?" kainis 'to. Nagmamadali. May date ba siya ha? Makababa na nga, masakal ko pa 'tong unggoy na 'to.

Paglabas ko ng kotse, tumambad sa aking harapan ang napakaganda naming University. Uwaaaaaaaaaa! Nandito na ako sa dream school ko! I shouted inside my mind. Habang nangangarap naman ako ay bigla na lang naagaw ang atensiyon ko sa narinig ko.

"Gosh tingnan niyo." sumagi sa tainga ko ang sinabing iyon ng isang babaeng istudyante sa kanyang kasama. Siyempre curious lang ako kaya napalingon din ako at nakita kong ... nakaturo siya sa akin. At dahil sa ginawa ng babaeng iyon, napalingon na rin ang lahat sa direksiyon ko. Oy teka lang guys ha. Wala akong ginagawang masama, 'di ako kriminal!

 "Ba't ganyan sila makatingin? May dumi ba ako sa mukha?" gosh! May naiwan atang catsup sa mukha ko. Wait lang. Tumalikod ako para magpunas ng mukha. Peste! Nagulat naman ako bigla nung pagtalikod ko, nakatayo dun sa likod ko si kuya.

 "Oy 'wag kang feeling ha. Ako yung tinitingnan nila hindi ikaw." Ha? Anong siya? 'Di nga?

 "OMG! Si Dhies tingnan niyo!"   

 "Gosh! Oo nga. Dumating na pala yung man of my dreams ko."

 "Hoy anong man of your dreams? Duh. Akin siya noh!"

 "Excuse me. Nauna ako."

 "So what? Basta na kay Papa Dhies na ang puso." Heee... Ang kikiri naman ng mga 'to. May man of my dreams pang nalalaman. Papa Dhies? Ano ka, si Maya at si kuya ang Sir Chief mo na naniniwalang mayroong happy ever after? Sus. Sa tv lang nangyayari yun oy. At hindi ko ineexpect ang mga sumunod na pangyayari. Dinumog si kuya ng mga tao dun. Pinagkaguluhan. Akala mo artista na hinihingian ng autograph ng fans niya. Siyempre ako, ipit na ipit na sa sitwasyon ko dito. Sana man lang, nakatakbo ako palayo.

 "Ang gwapo mo pa rin talaga Dhies."

 "Namiss ka namin Dhies. Super!"

 "You're so handsome pa rin my Dhies." hay naku. Heto na naman tayo sa mga drama ng mga tao dito. Sus. Kung alam niyo lang ang baho ng taong yan, baka hindi niyo na siya lapitan pa.

 Sa mga sinabing iyon ng mga tao sa kanya, ang naging sagot niya lang e, "Thanks." sabay pakita ng pamatay niyang ngiti. Yuck! Ugh. Ngiting halimaw niya, nakakasuka! Iww.

 My brother is a Civil Engineering student here in STU. Sikat na sikat talaga dito si kuya. Well, hindi naman talaga nakakapagtaka iyon. Sa gwapo ba naman kasi ng kuya kong 'to e sino bang hindi mababaliw? Siya yung lalaking kahit anung suotin, sobrang maappeal. Medyo Korean type yung buhok niya, medyo mahaba na paemo. Di nga lang mahilig sa basketball, pero magaling sa modelling. Tinagurian nga siya ditong, "CAMPUS ULTIMATE HEARTTHROB". Iww. 'Di bagay. Mas maganda kung tatawagin siyang "CAMPUS ULTIMATE AND SUPER DUPER MONSTER", o diba mas appropriate. Haha!

 "Sino siya?" nakaturo sa akin na tanong nung isang babae kay kuya.

 "Ahh..Siya ba?" lumingon siya sa akin. Our eyes met. Tinitigan ko siya ng masama and my eyes saying, "subukan mong magsabi ng hindi maganda tungkol sa akin, gigilitan kita ng leeg."

 "Si Meicah. Nag-iisa kong kapatid." good! Akala ko may aagos na dugo dito kung nagkataon e. xD

 "Talaga? Ang ganda naman ng kapatid mo." sus ate. Sige. Mamaya na yung bente mo. xD

 "Really? She's very beautiful and cute." singkwenta naman dito kay ateng isa. xD 

"Oo nga. Simple pero mukhang barbie." okay na ba yung isang daan sayo ate? xD

 "Ang cute niya. Nagmana ata siya sayo Dhies e." Ano?! Guys, batuhin ko kaya 'to ng singkong duling? Duling na ata 'to e, lalo pa nating dulingin. Anong nagmana kay kuya? Sa dami ng pwedeng pagmanahan, sa kanya pa? Hindi na noh! Maging halimaw pa ako tulad niya. Siyempre, I gave them a sweet smile as a response for what I've heard from them. Then saka ko lang napansin, 07:13 na pala. Teka. Diba 7 daw ang pasok ni kuya? Hinila ko yung damit ni kuya. Para tuloy akong bata na humihingi ng candy nito. Ang tangkad kasi ng halimaw na 'to e.

 Yumuko siya ng kaunti saka lumapit sa akin. "Bakit ba?" bulong niya.

 "Anong oras na kaya oh. Late ka na sa klase mo." siyempre bulong ko din. Para kaming mga tange nito.

 "Okay lang yun. Hindi naman ako pagagalitan e." Wow! Pagsikat sa school umaabuso ganun?

 "E bakit naman?"

 Ngumiti lang siya. Saka sinabing, "7:30 pa pasok ko."sabay taas-baba ng dalawa niyang kilay. Ano?! Sabi niya 7:00 kaya minadali ko ang pagkain ko tapos. . . argh!

 "Aalis na nga ako!" naiinis na sinabi ko dito. Pupunta na nga lang ako sa magiging klase ko. Para na rin makatakas ako sa kaguluhan ditong kagagawan ni kuya.

 "Teka lang kulot."

 "Bakit na naman?"

 "Susunduin kita mamaya pag-uwi. Hintayin mo ako dito sa parking lot."

 "Copy. O sige na. Babye na." :b

 "Babye kulot." pagpapaalam nito with matching wave pa ng kamay. "Ingat ka, tanga ka pa naman."

 "Ang kapal!" At lumakad na ako paalis. Nakakainis si kuya! Lagi na lang niya kong pinagtitripan.

• • • 

Medyo malayo pala ang building ng College of Architecture and Design sa parking lot. Hiningal ako dun ah. Teka nasaan na ba ako? Ah oo. Nandito na ako sa second floor ng building na 'to. Buti na lang naka-aircon, makakapagrelax na ako. Hinanap ko ang room 9 na magiging classroom ko for certain subjects. Pero nakarating na ako sa dulo ng floor na 'to, wala akong nakitang room 9. Tumigil ako saglit. Peste pagod na ako.

Suddenly, people here caught my attention. Lahat sila nakatingin sa akin. What's the problem na naman at ganyan sila makatingin? Naiilang tuloy ako. I looked at the screen of my cellphone, ginawa ko 'tong salamin para lang masilip yung mukha ko doon. Tiningnan ko kung may dumi ang mukha ko. . . kaso wala naman. Inikot ikot ko ang ulo ko. Trying to see the whole me, pero wala naman akong nakitang mantsa sa damit ko. Ah wait lang! Lastly, I took a look under my shoes. Baka nakatapak ako ng fufu kanina, tapos nagkalat sa floor na 'to, dahilan para tingnan nila ako noh? Haha! Pero wala naman e. Hmph! Dedma na nga lang. Kunwari wala akong alam. Manhid kunwari. Makabalik na nga lang sa hagdan dun sa kabilang dulo.

 Pag-ikot ko para bumalik. . . Shocks! * Boom! * tunog ng puso kong sumabok. Pero siyempre joke lang yun. The truth is, may nakabunggo ako. 'Di ko kasi napansin na may tao pala sa likuran ko. E kasalanan niya din naman kaya. 'Di rin siya tumitingin sa dinadaanan niya. Palinga linga rin siya na para bang may hinahanap din. Kaya yun, pero kaming tutunge tungeng nagkabanggaan.

 "Hala sorry! Hindi ko sinasadya." paghingi ko ng tawad sa kanya. Pero this time, wala yung scene na kesho nahulog kunwari yung mga books tapos sabay niyong pupuluting dalawa. Tapos bigla niyang mahahawakan yung kamay mo at magkakatitigan kayo na very common na sa mga drama. Hindi ako nang-aasar ha. Wala kasi akong dalang libro kaya ganun. Tumingin ako sa kanya, tumingala pa nga ako e. Malakapre din naman kasi sa taas 'tong si. . .

"Okay lang yun Miss." sabay ngiti niya sa akin. Gosh! Ang cute naman ng guy na 'to! Kapag pinagpapala ka nga naman oh. Panu ko ba siya idedescribe? Hmm ... Chinito siya guys, kasi nung ngumiti siya sa akin, nawala yung mga mata niya. Tapos ... may dimple siya sa kaliwang pisngi, may pamatay ngiti rin. Tisoy siya na medyo mahaba yung buhok niya pero hindi nakatirik. Alam niyo may kahawig siya. Kilala niyo si Chinito Gwapito? Hehe. Naalala ko lang nung makita ko siya.

"Ahh. . . sige alis na ako." humahakbang na ako paalis habang sinasabi ko iyon kay mister chinito. Nakangiti lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon. Tapos tumalikod na ako. Mamaya makabunggo na naman ako e. Sobrang katangahan na yun pag ganun.

...

"Baka hindi naman dito yung room 9." sabi ko habang nakatingin ako sa hagdang ito paakyat. Pag dating ko kasi sa kabilang dulo ng floor na iyon, tumigil muna ako bago umakyat sa third floor. Hindi ko na alam kasi kung saan ako didiretso.

 "Haaay. Nasaan kaya yun?" kinakausap ko na lang ang sarili ko. Pero hindi ako nabubuang ha. Way ko lang 'to para mawala yung depression ko. Hayayay, heto na naman ako. Gawd, send me an angel here to save me.

 "Miss hinahanap mo ba yung room 9?" who was that? Is he talking to me?

 "Oy miss?" kinalabit niya ako.

 "Ay kalabaw!" nagulat tuloy ako bigla at napalingon na lang sa likuran ko. Sino ba 'tong kalabaw na...

 "Sorry. Nagulat ata kita." nakangiti na namang sa aking sinabi ni kalabaw, ay este ... si mister chinito pala 'to ulit. Si Gawd naman, tinupad agad yung hiling ko. Naghulog agad ng anghel, kaso sa lakas ng pagkakabagsak niya, nauna yung mukha. Yan tuloy nasingkit bigla. xD

 "Mukha ba akong kalabaw?" natatawa niyang tanong sakin.

 "Ha? Hi-hindi. You're an angel nga e." gosh! Ano yung nasabi ko?!

"What? Angel?" natawa siya sa narinig niyang yun. Well, nakakatawa naman talaga ng corny na sinabi ko. "Akala ko kalabaw e."

 "Ah sorry. Nagulat lang kasi ako." Oo nga naman. Kasalanan ko kase e. Walang kalabaw na singkit Meicah, tandaan mo yan. Kahit sa China wala kang makikita. xD

 "Wala yun Miss. By the way, are you searching for the Room 9?" Teka. Bakit mo narinig yun? Wag mong sabihing sinusundan mo ako kanina pa. Pero siyempre joke lang yun. Nag-a-assume na naman po si Meicah, pagsabihan niyo nga!

 "Ahh ... Yah?"

 "Really? Dun din kasi ang direction ko e. So ano? Sabay na tayo?"

 “What? it means, classmate kita?”

 "Exactly! So, let's go?" then he smiled again. Nawala na naman yung mga mata niya.

 "Ahh. Si-sige." nauutal ko pang sagot. Hindi na ako nakatanggi pa. At saka ano namang reason para tumanggi ako sa kanya? Sa cute ba naman ng nasa harapan ko e, walang salitang 'hindi' ang lalabas sa aking bibig. Haha. Ang kireee. xD

 • • •

 Nakatingin pa rin ako sa kanya hanggang ngayong naglalakad na kami papuntang kawalan. Shocks! Ang cute niya talaga. Is this a koreanovela? I am the bida and he is my leading man? Pabor kung ganun. xD

 "Hindi ko na natanong ang pangalan mo."

 "Ha?"

 "I'm Jhayden Li. And you are...?" Buffering... Buffering... Hoy Meicah sumagot ka!

 "Ahh... Me-Meicah pala! Meicah May Villanueva." natataranta kong sagot. Shocks! Tunganga pa Meicah. E kasi naman e, ang cute niya talaga.

 "Ang ganda naman ng pangalan mo... bagay sayo." tapos ngumiti na naman siya sa akin. Lumabas yung dimple niya. How cute. :'3

 "Nice meeting you Meicah." tapos inoffer niya yung kamay niya for a shake hands.

 "Nice meeting you din, Jhay-... Jhay-?" OMG! I forgot his name. Kill me now, kill me.

 "Haha! Jhayden."

 "Ah...Yah! Jhayden. Sorry, unique kasi yung name mo e." that's what I've got in the website called, www.palusot.com. xD

 "Pwede bang Jayjay na lang ang itawag ko sayo? Para hindi ko na makalimutan. Hehe." lakas loob kong itinanong dito kahit hindi pa naman kami ganun kaclose. Pakapalan nalang yan ng mukha at winner na ko kung ganun. xD

"Sure. It's cute." wow. Nasurprised naman ako sa sagot niya. Akala ko magagalit siya, hindi pala. Siguro nadala lang ako ng point of view ko na 'pag gwapo, masungit. Like kuya, gwapo nga, pero akala mo naman may dalaw araw-araw. At saka yung naencounter ko dati na si boy hangin remember? Yun gwapo talaga, kaso ... masama ang ugali.

"Oh. Nandito na tayo."

"Ha? Ah oo nga." Hay sa wakas, nakita na rin namin ang room 9 na nasa dulo lang pala ng third floor. Grabe ha. Napagod kami dun. Sumilip ako saglit sa room, wala pang tao. Tiningnan ko ang wristwatch ko, 7:23 pa lang. Medyo maaga pa naman.

Humanap ako ng pwedeng mauupuan. Pumunta ako sa dulo ng room. Hmm. . . san kaya maganda? Ah alam ko na! Dito na lang. Hinawakan ko yung desk ng isang upuan sa dulong line, kanang side. Nasanay na kasi akong dito nauupo dahil dito lagi yung pwesto ko nung high school. Inilagay ko ang aking gamit sa side ng upuang iyon saka naupo. Haaaay. Pagod much ako dun ah. (x____x)                                

"Pwede ba akong tumabi sayo?" pambasag-katahimikan na tanong ni Jhayden sakin sa oras na yun. Siyempre hindi na ako tatanggi, oo na agad! xD

"Oo naman. Dito ka na sa kanan ko." wala na kasing upuan sa kaliwa ko. Meron man, nasayo malayo na kasi nasa kabilang group na ng chair arrangement ng room. Wish ko sana naiimagine niyo kung san kami nakaupo. Ang hirap mag-explain. xD

"Thanks." tapos pumunta na siya sa kanang side ko, iniligay ang backpack niya saka naupo.

"Taga-saan ka pala?" tanong niya habang inaayos ang kanyang upo. Umayos ka Meicah. Ayusin mo ang sagot mo ha.

"Ahh... sa Baguio ako nakatira."

"Weh?! 'Di nga?!" gulat na gulat na reaksiyon niya. Pero kahit anong gawing gulat niya, hindi pa rin magawang lumaki nung mga mata niya. Haha! Kung hindi ka marunong tumingin ng singkit, aakalain mong pinagtitripan ka nito e. Hahaha! Natatawa tuloy ako. :D

"Oh. Bakit ka napangiti?"

"Sorry. Hindi ko kasi alam kung nagulat ka talaga sa sinabi ko e. Hindi naman lumaki yang mata mo e." natawa na lang siya sa sinabi ko. Bakit ganun? Ang cute niya pa rin.

"Lagi ko ngang pinoproblema yang mata ko e."

"Ha? Bakit naman? Ang cute nga ng mata mo e."

"E kase, lagi akong napagkakamalang tulog sa klase ng mga teacher kahit nakayuko lang naman ako. Kaya madalas akong napapalabas ng room dati. Kung ganto lang sana ang mata ko oh…" tapos pinalaki niya yung mga mata niya gamit yung dalawa niyang kamay. "E 'di... may liwanag ang buhay!" may pagkanta pa niyang sinabi. Wait lang ha. Natawa ako dun. Wahahahaha! Natatawa na lang din tuloy si Jhayden sa reaksiyon ko sa ginawa niya. Haha! Sorry. Mababaw ang kaligayahan ko. Wahaha! EL.OW.EL. (^____^)

* * *

SCYDE

"OMG! Sino yun girls? Ang gwapo naman niya!"

"Look on that new student, ang gwapo niya diba? Ano kayang name niya?"

"Gosh ... ang pogi! Sana I know his name."

I arrived at the parking lot of this University. Standing here next my Fortuner car, wearing my very expensive shades. Kararating ko pa lang dito, kung anu-ano na agad ang aking naririnig sa paligid na sobrang nagpapangiti sa akin. Kung pwede ko lang isigaw ang pangalan ko dito e, kanina ko pa sana ginawa, for them to know who's this very handsome guy na nasa harapan nila. Binuksan ko ang pintuan ng fortuner ko para kunin yung backpack ko na nasa loob. Nang isarado ko na ito, may bumungad na isang maputi at medyo kagandahang babae na nakapaldang maikli at nakasandal sa fortuner ko. Hmm. Pwede na. Mapagtatiyagaan.

"Hi baby, can I get your number?" she said seductively habang nakacross arms. I just smiled at her. Lumapit ako ng bahagya sa kanya. I held her chin at medyo inilapit ko yung mukha ko sa kanya, umaktong parang hahalikan siya pero nung malapit na ang labi ko sa labi niya, "Later baby. I'm in a hurry."

"O-Okay." she blushed. "I'll wait for you ha."

"Sure." at lumakad na ako paalis.Napapailing na lang ako habang papalayo. Ang sarap talagang paglaruan ng mga babae. Paasahin ng paasahin sa wala. How pathetic.

Habang naglalakad ako papuntang building ng College of Commerce and Business Administration na hindi ko naman alam kung saan ang direksiyon, para akong artista nito kung pagtinginan nila. Ganun ba talaga ako kagwapo sa paningin nila? Suddenly, a familiar voice called me.

"Scyde!" lumingon ako sa direksiyon ng sinumang tumawag na iyon. And I saw Rhenz standing beside his Toyota Vios car, wearing his black headphone on his neck.

"Oh ikaw pala Rhenz. Kamusta?" tanong ko sa kanya when he reached my place.

"Eto, todo iwas. Ang hirap ng pogi noh Scyde? Ramdam mo yan pre." tapos hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat.                           

"Ano bang pinagsasabi mo?" napalingon ako ng bahagya sa likuran niya nang mapansin kong may mga sumusunod palang mga babae sa likuran niya. Kaya naman pala todo iwas 'tong kumag na 'to. May mga nakabuntot pala sa kanya.

"Tara. Sabay na tayo." sabay akbay nito sa akin.

"Bakit? Sa'n ba punta mo?"

"Ang dami mo namang tanong bro. Classmates tayo, Business Management din ako."

"What?! Hindi ko alam!"

"Now you know! Tara na nga! Ang dami mo namang satsat e. Alam mong ang daming zombies na humahabol sa atin."

"Zombies?"

"Zombies ... na gustong makuha ang puso natin."

"Tss. Tangna mo bro, tigilan mo ko sa mga corny mong jokes ha."

"Haha!" sabay tulak nito sa akin.

• • •

While walking at the second floor of College of Commerce and Business Administration. . .

"Si Paul ano'ng course?" tanong ko kay Rhenz habang hinahanap namin ang room 21 na magiging official classroom namin.

"Si Paul? Hindi ko siya nakausap tungkol dun. Alam mo namang walang pakialam yun sa pag-aaral niya at puro babae lang ang inaatupag." palinga linga sa paligid na sagot niya habang hinahanap yung room 21.

"Pero ang sabi ng Daddy niya sakin, Business Management din daw ang kukunin nun. Siyempre alam mo namang siya magmamana ng company nila gaya natin." pagpapatuloy niya. Kadalasan talaga sa mga anak mayaman, ito ang kinukuhang course. Dahil kami daw ang magmamana ng mga company nila in the future. Tss. Pauso. Sakit ng ulo lang yan.

"It means. . . classmate din natin si Jeronne?"

"Si Jeronne?!" gulat na inulit niya. "Naku bro, siraulo yun!"

"Bakit?"

"Tangna, iniwan tayo! Nag-architecture ba naman! Dapat sama-sama nga tayong tropa sa isang course e, tapos humiwalay siya. Bakla talaga yung si Jeronne." nanggagalaiti sa inis na sinabi sakin ni Rhenz. Oo nga pala. Magaling magdrawing si Jeronne at pangarap niyang maging isang Architect kahit nung mga bata pa kami. At sa aming apat, siya lang ata ang may sariling pangarap na matutupad.

"Eto, room 21." finally nandito na kami. Marami nang tao sa loob nang makarating kami doon. 5 minutes na lang kasi at magsisimula na ang klase. Pagpasok namin sa doon, napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at napalingon samin. Silence. Then back to normal again. Habang pumapasok kami sa loob at humahanap na mauupuan, bigla kong napansin yung mga girls. Sobrang lagkit nila tumingin. Feeling ko para akong yelo na unti-unti nilang tinutunaw.

"Dito na lang tayo Scyde." turo ni Rhenz sa tatlong vacant chairs, parteng likod ng room.

"Sige." binaba ko yung backpack ko sa pinakadulong upuan, at si Rhenz naman sa kanan ko.

"Hi boys." unexpectedly, may lumapit sa aming isang babae. Umupo siya sa desk ng bakanteng upuan sa kanan ni Rhenz. "I'm Jennica. What's your name my baby?"

"Rhenz. Your baby Rhenz Jasper Santos." then he smirked. Go Rhenz, pandagdag din yan.

Habang si Rhenz ay nagsisimula na naman ng kanyang kalokohan, napatingin naman ako sa mga babaeng unti-unting lumalapit naman sakin. Nagpapakita sila ng motibong interesado silang makilala ako. Haaay. I sighed and sat on my chair. Then I put my headset on my phone while staring outside the window. I'm sorry girls, but I'm not interested for now. May hinihintay ako. Hindi ko man sigurado kung makikita ko siya ulit, pero maghihintay pa rin ako. Maghihintay pa rin, at maghihintay pa rin.

* * *

MEICAH

"Aaaahhhhhh!!!!!" nanginginig na sigaw ko nang makita ko si Kayako ng The Grudge na bumababa sa hagdan na 'to. Joke lang. The truth is, tili yun ng mga classmate kong babae sa hindi ko malamang dahilan. Problema ng mga yun? Nakayuko kasi ako sa desk ko. Antok na ko e. Tagal ng Prof namin. (-___-)

Maya-maya, narinig kong nag-uusap yung dalawang babae na malapit sa aking upuan. Narinig kong sabi nila.

"OMG sis, ang pogi oh! Sino kaya siya?"

"Hindi ko rin alam. Pero he's cute ha."

"I think I love him!"

"Ano?! Love na agad?! Ang landi mo! Maligo ka nga, nang hindi ka nangangati!" sigaw ko sa babaeng yun na sobrang kiri ..... joke lang ulit. Hindi ko magagawa yun syempre. Mabait ako (lol xD). Nag-iimagine na naman ako dito ng kung anu-ano.

E sino nga ba yung pinag-uusapan nila? All of the girls here in our room are talking about him na pogi daw. Syempre ako, concious lang kaya napatingin na rin. Inangat ko ang ulo ko at nakita kong, OMG! Ang pogi nga! Isang maputi at medyo katangkarang lalaki na may suot na white na bullcap ang bumungad sa aking harapan. May makakapal siyang kilay, medyo makapal din ang bangs nito na nakahawi pakanan. Matangos ang ilong, mapupula ang labi, at higit sa lahat, ang malaanime niyang brown na mata na kasalukuyang .... nakatingin din sakin. Waaaaaahhhhh!!!!!

Pero wait... parang nakita ko na siya dati. Nagkakilala na kaya kami? Arrrgh! Memory gap. Sa expression ng mukha niya ngayon, hindi ata ako nagkakamali na nagkita na nga kami. Nagulat rin siya nang mapansin ako. Narecognize niya kayang ako yung nangsnatch ng cellphone niya kahapon? Joke lang. Lumingon siya sa kanan ko kung saan may upuan at walang nakaupo. Uupo na sana siya dun kaso napatigil siya bigla nang mapansin niya na may gamit na palang nakalagay doon. Lumabas kasi si Jayjay para mag-cr muna saglit e. Napakamot na lang siya ng ulo sabay simangot, pero... uy ang cute niya dun ha. :'3

Humanap siya ng ibang mauupuan. Dun sa kaliwa ko may vacant seat kaya dun na lang siya naupo. Medyo malayo nga lang kami sa isa't-isa. E bakit ba gusto ko siyang katabi? Hmmm. Wala lang. Ang pogi niya kasi e. xD

Ang daming gwapo sa school na 'to. Syempre may magaganda din. Lahat sila mukhang mayayaman, kilos pa lang makikita mo na. Eh ano pa bang bago at aasahan mo sa school na 'to? Ang University na 'to ay exclusive para sa kanila. At ang mga kutis nila? Parang hindi nasisinagan ng araw. Hindi kaya ... alien sila? Lol. xD

Pero syempre may mga istudyante ring umaasa lang sa scholarships, hindi man nabiyayaan ng datung, nabigyan naman ng malamang utak. Gaya ko, hindi naman kami mayaman pero nakapasok ako dito dahil sa pagsisikap ko.

"Okay class, get your class cards." biglang pasok naman ng Prof namin. Pinasagutan ng aming Algebra Professor ang mga class cards na ipapasa sa kanya na tapos ko nang gawin kagabi pa. Habang busy naman sa pagsusulat sa white board ang Prof naming iyon, dahan-dahan namang pumasok si Jhayden sa may pinto nang hindi man lang napapansin nito. At yun ... ang galing magtago, hindi nahuli si kalabaw.

"Ano daw gagawin Meicah?" pabulong na tanong ni Jayjay nang makarating sa kanyang pwesto.

"Sagutan daw yung class card. Ipapasa mamaya."

"Ahh. Okay." sabay ngiti. Ayiiihhh. Ang cute niya talaga. :'3

Pinagmamasdan ko lang silang lahat habang nagsasagot. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang akong nakaramdam na parang bang may force na humila sa aking mukha dahilan para mapalingon ako sa kaliwa. At dun ko nga nakita si... tawagin na lang natin siya sa code name na mister bullcap (hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya) na hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Hawak niya ang kanyang backpack na nakapatong sa desk ng kanyang upuan habang hinahalughog ang loob nito na para bang may nawawala sa mga gamit niya. Hmmm. Tingin ko alam ko na kung bakit.

Kinuha ko saglit yung backpack ko na nasa sahig at sinimulan kong hanapin ang aking ballpen na nasa bulsa nito. Kinuha ko yung paborito kong ballpen na red ang lagayan pero black ang tinta na bigay pa sakin ni Papa. May design din itong feather sa itaas kaya cute na cute ako dito e. :'3 Maganda 'tong ipangsulat, maganda kasi yung tinta. Ibibigay ko muna sa kanya, hiram lang naman e saka hindi naman siya mukhang magnanakaw para itakbo pa 'to diba?

Dahan-dahan ko itong iniabot sa kanya nang hindi napapansin ni Maam. Pero ayaw niya itong tanggapin. Sus pachoosy pa si pogi, tanggapin mo na!

At di kalaunan, kinuha na rin niya. Hindi ko man narinig yung sinabi niya nung sumunod, pero sa buka ng bibig nito ay nabasa ko na sinabi niyang,

"Thanks." sabay ngiti. :)

• • •

"Go-good morning everyone. I'm Meicah May Villanueva, 16 years of age and I lived in Baguio City. I finished my high school at the University of Baguio Province as the Valedictorian of our batch." sa last part ng sinabi ko ay nag "wow" silang lahat.

"I love reading books, eating strawberries, writing, and watching movies especially from Disney, Pixar, and Dreamworks." haha! Ang weird ko noh? Lalo na dun sa part ng mga movies. I do watch fairytales but I do not believe in a happy ending. Sa mga movies lang nangyayari yun noh. :’3

Bago pa ako bumalik sa upuan ko, bigla nalang may dalawang lalaking sumigaw sakin.

"Miss ang ganda mo!"

"Oo nga! Penge naman ng number mo!" (-___-) pfft. At sino naman kaya ang mga yun? Mga wala silang modo. Lakad uli pabalik.

"Miss can I ask a question?" pahabol na tanong ng isa ko pang lalaking classmate sakin. Hindi ko na lamang siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

"Hey Meicah," tapos bigla na lamang niyang hinarang yung kamay niya sa dadaanan ko para hindi ako makalagpas pa. Ang kulit talaga ng abnoy na 'to ah. Tumayo siya saglit. Tiningnan ko lang siya, nandiri naman ako bigla nang makita ko kung pa'no siya tumingin sakin. Ang manyak manyak niya! Iww.

"Hi. Are you single? Can I be your boyfriend?" wow kuya! Salamat sa walang preno mong bunganga ha. Haaays. Ewan ko sayo, kausapin mo sarili mo. (-___-)

 

* * *

SCYDE

"Iskid? ... Iskayd? How do you pronounce this name?"

zzzzzz.

zzzzzz.

zzzzzz.

zzzzzz.

zzzzzz.

"Where's Mister Ravelo?"

zzzzzz.

zzzzzz.

zzzzzz.

zzzzzz.

zzzzzz...

"I said where's Mister Ravelo?!"

zzzzzz.

"Hoy Scyde, Ravelo daw!" Oww sh!t! Anu ba yun?! Napamulat ako bigla. Bumungad sa harapan ko si Rhenz na pilit pinipigil ang tawa niya. Anu bang problema ng g*gong 'to? Nang mahimasmasan ako. Naalala ko na lang na ... tengeeeeenaaa ... nasa klase pala ako. Nakatulog na lang pala ako sa upuan ko habang naghihintay sa Proffesor na 'to.

"Are you Mister Ravelo?!" naiinis na tanong ng matandang Professor namin na medyo wala ng buhok (in other term ay panot!) at medyo may kalakihan ang tiyan, habang papalapit sa upuan ko. Ipinapaypay niya yung class card ko na hawak niya habang nakafrown sakin. Patay kang bata ka. Oo, galit na ang lolo niyo. At lalo pang nalalagas ang kanyang buhok.

"Yes Sir." walang kabang sagot ko dito habang tumatayo ako sa upuan ko. Akala niya matatakot niya ko? Pakialam ko sa kanya? Kahit lahat ng tao sa room ay kasalukuyang nakatingin sakin, hindi niya ako kayang ipahiya.

"First day of school natutulog ka sa klase ko?" naiinis na tanong na ng matandang 'to. May pagkatanga din 'tong gurang na 'to e noh. Nakita nang ginawa ko na, magtatanong pa. Anong gusto niya ulitin ko para maniwala na siya?

"Introduce yourself." tss. Introduce introduce pa. Mga pautot makatakas lang sa pagtuturo. Nyenyenye. E 'di sige, pagbigyan.

---

"I'm Scyde Rye Ravelo, 17 years old and I lived here in Manila. I finished my high school in States ... ... ... that's all." walang gana kong pagpapakilala sa unahan. Wala na akong maisip na masasabi pa. Wala naman akong maipagmamalaki sa kanila maliban lang sa pagiging gwapo ko.

"So sa States ka pala nag-aral ng high school ha?" sabi ngang oo e. Paulit-ulit naman 'tong gurang na 'to! Is he deaf or what?!

"Oo." I answered in rude way. "Try mong maglinis ng tainga mo ha." bulong ko pa. Ow thank Gawd, buti na lang bingi talaga!

"Bakit naman ipinadala ka ng mga magulang mo dito sa Pilipinas para mag-aral ng Business Management? E sa katunayan nga, mas maganda pa ang turo sa States kesa dito." potaena, nakialam pa talaga siya sa buhay ko oh. Isa pa tanda, naiinis na ako sayo.

"Anong hobbies mo Mister Ravelo," sabay titig nito sakin ng masama. "maliban sa pagtulog sa klase ko?" sa sinabi ng Professor naming yun sakin ay nagtawanan ang buong klase namin. Oww, this stupid old Professor really makes my nerves to pop huh.

"Nangkakalbo din ako ng mga panot ... gaya mo." I said showing my annoyance at this moment. Nagtawanan naman lalo ang buong klase sa ginawa ko. Laugh hard guys.

"How dare you to said that Mister Ravelo?!" oops.. Galit na si lolo. Changgala naman oh. Panot na nga, bingi pa. Pigilan niyo ko, pigilan niyo ako. Kung hindi papatulan ko na talaga 'to. "I need to see your parents tomorrow! Kailangan mo silang papuntahin sa office ko!"

"Haaaa? Diba nga wala sila kase both of them are in America? Antanga namaaaan." sabi ko habang hawak ang noo ko at iniiling ang ulo ko. Ang hina makagets ni tanda.

"Aba! Bastos ka talagang bata ka ha!" at namumula na siya sa galit nang nilapitan niya ako, mukha na siyang kamatis na maya-maya ay bigla nang puputok. "Sino bang guardian mo?!"

"My guardian angel." LOL. "My grandma."

"Then bring her on faculty room tomorrow." sabay talikod nito. Ayoko nga, iyak ka muna. Sabay belat ko dito. c(:

"Wait..." humarap ulit siya sakin at tinitigan ako. "Anong pangalan ng lola mo?" teka... at bakit ka interesado sa pangalan ng lola ko ha?

"Merlinda Ravelo." pagkasabi ko ng pangalan ni lola ay nakita kong nagulat siya. Lumaki yung mga mata niya, gamuntik na ngang mahulog e. "Bakit ha?"

"A-apo ka ni Merlinda Ravelo?"

"Oo nga. Paulit ulit ha. Nakakairita na." pinagpapawisan na 'to habang kinakausap ako. Ano bang namamagitan sa kanila ng lola ko at grabe kung magreact 'to? Ano ba talaga 'to, love story namin o love story ng mga gurang na 'to? Ang gulo mong writer ka ha, naiinis na ko!

"Si-sige. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko."

"What?" kahit kailan talaga, hindi ko maintindihan ang mga matatanda.

"I-I will forgive you this time. Ba-bastat 'wag mo nang papuntahin ang lola mo." kinakabahan pa rin na sinasabi niya. Patuloy sa pagtulo ng mga pawis niya sa mukha. Oh, what's the matter with this stupid old Professor huh? Bakit biglang nagbago ang isip niya? Epekto kaya ng pagiging gurang niya yun? At saka ... bakit ganun na lamang ang takot niya sa lola ko? Di kaya, may nakaraan silang dalawa para matakot siya ng ganun? Hayup na story 'to, ang gulo!

"Okay."

* * *

MEICAH

"Oy Meicah uuwi ka na ba? Sabay na tayong dalawa." sambit ni Jayjay habang inilalagay nito ang mga gamit sa backpack niya.

"Ah. Sige. Hintayin na lang kita dito sa labas." sagot ko dito habang nakatayo sa pinto ng aming room. Uwian na kasi namin e. Ang bilis ng araw sa story na 'to noh? Uwian na agad. xD

Inaayos ko ang damit ko habang hinihintay si Jayjay na lumabas. Si Jayjay na una kong naging kaibigan ngayong pasukan. Marami na rin akong nalaman tungkol sa kanya. Gaya na lang ng dito siya graduate sa STU ng high school bilang Valedictorian ng kanilang batch. Ang galing niya diba? Kaya pala very active siya sa class discussion. Hindi lang yun, magaling din siya maggitara at mahilig siyang magluto. At kung naitatanong niyo kung bakit siya chinito? Yun ay dahil Chinese ang father niya at Pinay naman ang mother niya. Star player din siya ng basketball nung high school pero wala na daw siya balak maglaro nun ngayon. Kapag tinatanong ko naman kung bakit e, ayaw niyang magsalita. Puno daw kasi yung bibig niya. Lunch time kasi kami nag-usap tungkol dun kaya may magandang reason para magpalusot.

Habang nakatayo ako sa tabi ng aming classroom ay nakita ko na lang na lumabas si Jeronne mula doon at dumaan sa harap ko na hindi man lang ako nililingon. Tiningnan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Dahil sa pagpapakilala sa klase ay nagkaroon din ako ng kaunting background tungkol kay Jeronne. Graduate siya sa isa sa pinakamayayamang Academy dito sa Pilipinas bilang Salutatorian ng klase. Mahilig din siya magdrawing at pangarap niyang maging isang Architect. Medyo tahimik nga lang siya sa klase na ipinagtataka ko naman.

"Let's go Meicah." nakangiti na sambit ni Jhayden nang makalabas ng pinto.

"Sige. Tara na."

---

 

"Ang galing mo kanina ah. Perfect mo yung quiz sa Trigo. At dahil diyan ... kaya kita inilibre ng burger ngayon." sabay kagat ni Jhayden sa burger na hawak niya. Bumili kasi kami ng burger, french fries at coke sa Jollibee bago umuwi at libre niya lahat. Yes, may Jollibee sa loob ng Campus. Sosyal ng University namin noh? xD                               

"Nag-alala ka pa Jayjay. Hindi mo naman kailangang gawin 'to." at kumuha ako ng fries at sumubo. Pero actually okay na rin 'to kasi gutom na naman ako e.

"Ikaw, ano ba score mo?"

"Hmm ... 1.2."

"Ang galing naman ni Jayjay!"may pagpalakpak ko pang sinabi.

"Pero mas magaling ka, biglaang quiz tapos perfect mo. Halimaw ka Meicah."

"Hahaha! Baliw."

"Mukha mo."

"Mukha mo din. Kalabaw na singkit."

"Halimaw na kulot."

"Hahaha. Ayoko na." kainis. Suko ako sa asaran sa baliw na 'to. xD

Habang nagkukulitan at nagtatawanan kaming dalawa ni Jhayden dito sa parking lot ng school para hanapin ang Adventure ni kuya, nabaling ang atensiyon naming dalawa ng mapatingin kami sa isang Black na Fortuner na nakaparada doon. Hindi dahil maganda yung kotse, kung hindi dahil may dalawang istudyante ang ..... iwww, naghahalikan sa tabi ng Fortuner na yun. Yuck! Wala na bang maganda at maayos na place kung sa'n secure nilang gawin ang mga bagay na yan at hindi dito sa lugar kung sa'n maraming nakakakita? Kadiri naman. (-___-)

Nakasandal yung babae sa black Fortuner habang nakatungkod naman ang dalawang kamay ng lalaki sa magkabilaang gilid ng babae habang hinahalikan ito. Grabe. Sayang yung kotse, ang ganda pa naman. Nabahiran lang ng kakatihan ng dalawang yun. Tsk, tsk. Nakatalikod yung lalaki kaya hindi ko makita yung mukha niya pero feeling ko, at ang lakas ng feeling ko ... gwapo 'to.

"Ooops! Sensored!" sisilipin ko sana kung sino yung lalaki kaso bigla namang tinakpan ni Jhayden yung mga mata ko para hindi ko makita ang ginagawang kalandian ng dalawang yun.

"Jayjay ano ba? Bitawan mo ako." reklamo ko habang pilit na inaalis yung dalawang kamay niya sa magkabilaang mata ko.

"Bawal mong makita yun."

"Hindi naman yun yung tinitingnan ko e."

"Ah bastaaa." haaay. Ang kulit talaga. Nang makalagpas na kami doon ay saka lang inalis ni Jhayden yung dalawang kamay niya sa mga mata ko.

"Wala na?" tanong ko habang palingon lingon sa paligid ko.

"Wala na. Tapos na."

"Aaay. Anu ba yan. Sayang 'di ko nakita."

“What Meicah?!"

"Hahaha! Joke lang. Kadiri naman sila, dito pa nila ginagawa yun sa maraming nakakakita."

"Ganun talaga. May mga tao talagang wala namang pakialam sa nararamdaman ng iba. Kaya okay lang sa kanila na gawin yun." seryosong sinabi ni Jhayden sakin sabay kagat sa burger niya.

"Sa bagay, tama ka diyan." kumuha naman ako ng fries at sumubo nito. Narinig kong bumusina na ang Adventure ni kuya.

"Oh, nandiyan na pala ang kuya ko. Uuwi na ako ha. Medyo madilim na rin."

"Ganun ba? Sige. Ingat ka Meicah."

"Ikaw rin Jayjay. Bukas ulit. Hmm ... by the way, salamat sa libre mo ha. I appreciate it." sabay ngiti ko nang pagkatamis-tamis sa kanya.                              

"H-Ha? Ahh ... wa-wala yun Meicah." nauutal na sagot nito sakin habang umiiling-iling. Hindi ko maintindihan yung reaksiyon ng mukha niya sa sinabi ko.

"Hmm. Sige. Ba-bye."

"Bye." at nagwave na siya ng kamay sakin. Ako naman sumakay na ng kotse at umalis na kami ni kuya mula sa parking lot ng school para umuwi. Nakatingin pa rin ako kay Jhayden na kasalukuyang nakangiti pa rin sakin. Umandar na ang Adventure. Hanggang sa dumating ang sandaling hindi na siya mahagip pa ng paningin ko. Babye mister chinito. Bukas magkikita ulit tayo. Hihihi. :'3

Ay wait lang, may nakalimutan ata ako... Gosh! Yung ballpen ko kay Jeronne nakalimutan kong kunin! Ang ulyanin ko naman, bigay pa naman ni Papa yun. Haaay. Bukas ko na nga lang kukunin sa kanya. Hindi naman niya siguro maiwawala yun. (-___-)

* * *

SCYDE

"It's already 6:15. I have to go now."

"Wait lang babe. Hindi ko pa nakukuha yung number mo e."

"Next time babe. I really have to go." sabi ko habang hinahanap yung susi ng kotse ko sa aking bulsa.

"O-Okay. I will wait for you again tomorrow ha."

"Sure."

"Okay. Bye babe." sabay halik ulit nito sakin bago umalis, pero sa pisngi nalang. Maya-maya ay tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Sorry but, ang dinadagdag ko sa collection ko ay yung mga high class at hindi yung katulad niya na sa tabi-tabi lang nakikita. Kaya umasa siya hanggang kailan niya gusto saka isa pa, I just found my princess. Hindi ko lang alam kung nasaang sulok ng University na ‘to nagtatago ang babaeng yun.

Binuksan ko ang pintuan ng Fortuner ko sa driver's seat para pumasok na sa loob but, I dropped my key on the ground so I picked it up first. Pagtayo ko ay may dumaang Adventure car sa harapan ko kung saan parang may sakay itong pamilyar na babae. Wait, is that… my missing princess?

_______

END OF CHAPTER 5. :)

PICTURE OF SONG JOONG KI AS JHAYDEN LI ON THE LEFT SIDE.

NEXT CHAPTER: CUPID HEARTTHROBS

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 72.6K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
319K 9K 36
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
846K 29.2K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...