Secret Admire [Published unde...

Par beyoutifulsweet

11.4M 109K 26.8K

Date finished: May 6 2014 • Everything's cool until he came • • COMPLETED/PUBLISHED • •Already published und... Plus

Prologue
Chapter one
chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter 14
Chapter 15
chapter 16
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 :D
Chapter 21
Chapter 22
chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28 (The day before Zen's birthday)
Chapter 29 (Zenia's Birthday!)
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 WHO'S BACK?
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
IT WILL RAIN (Chapter 54)
I WON'T GIVE UP (Chapter 55)
ONE SWEET DAY(Chapter 56)
Chapter 57
Chapter 58 (mess we've made)
Chapter 59 (WIN HER BACK!)
Chapter 60
Chapter 61
The Wedding
Epilogue
Author's Note
Gold Rising Update

Chapter 13

198K 2.1K 504
Par beyoutifulsweet

TOBIE ON THE RIGHT SIDE ---------------------->

 -Read and Vote-
-Unedited -

Zenia's POV

Ahhh! Nakatulog pala ko! Tapos na kaya maligo si Justin? 

Napatingin ako sa bintana. HALA! Mejo madilim na! Anong oras na ba?! Tumingin ako sa alarm clock ko at 6:10 pm na. Ang tagal ko din palang nakatulog grabe!

Asan si Justin?

Lumingat-lingat ako at nakita ko si Justin sa may sofa. Tulog mantika din pala tong lalaking to eh! Lumapit ako sakanya para tignan siya..

Nakabend yung knee niya dahil hindi siya karsya sa sofa. kawawang bata! hahahaha. Makaligo nga muna. Hindi pa ako nakakaligo!

Pumasok ako sa banyo at naligo. Malinis naman pala gumamit ng banyo si Justin eh. Wala namang nagbago sa banyo ko.

After 45 min. natapos din akong maligo. Nagpunta ako sa closet para magbihis. Nagpajama ako na plain pink saka tshirt na white at nag medyas na pink and black. Matapos magbihis ay nagsuklay na ako at lumabas ng banyo.

Pagkalabas ko ng banyo, nakita ko si Justin na nakahiga padin sa Sofa. Grabe! Tulog padin siya? Hindi ba siya nagugutom? Ilang oras na siyang tulog ha! Saka teka? Diba may lakad sila nila Flip? 

*knock*knock.

Hindi ko na nabuksan yung pinto dahil binuksan na nung kumatok. Si manang pala.

"Oh, buti naman gising ka na! Ang lamig naman dito sa kwarto mo! Kanina pa nakabukas aircon mo ha." Si manang talaga! Hindi na nasanay sakin.

"Ah oo manang. Anong ulam? Nagugutom na kasi ako eh."

"Ayun. Nagluto ako ng tempura saka may soup din doon. Oh tulog padin itong si Justin?"

"Ahh opo. Tulog mantika nga eh. Sige po manang bababa nadin po kami. gigisingin ko lang tong mokong nato." 

"Osige. Gabi na oh! Hindi pa kayo kumakain."

Lumabas na si manang at ako naman ginigising si Justin..

"Uy Justin. Gising na!" Sigaw ko kay Justin habang kinakalabit siya.

Aba! Ayaw gumising ng mokong ha! Ang lalim naman matulog nito.

"Uy Justin! Ano ba! Hindi pa tayo nagla-lunch oh!" sigaw ko uli sakanya habang inaalog siya.

"Ano ba yun?" mahinang sinabi ni Justin habang nakapikit at naguunat. OMG! His voice! <3 

"Gising na gabi na!" tumayo na ako at naglakad.

"Gabi na?!" Gulat na tanong sakin ni Justin habang umayos na upo mula sa pagkakahiga. Hay sa wakas! Gising nadin siya.

"Oo tara na. Dito ka na magdinner." 

"Teka yung cellphone ko?" tanong ni Justin habang kumakapa sa pajama.

"Ha? Baka nasa damit mo kanina?"

"Ay shit." Nasabi nalang ni Justin.

"Bakit?" tanong ko sakanya habang nakatayo padin sa harap niya.

"Nasa bulsa ko yun kanina habang nasa pool." Aw Justin! Bakit naman kasi hindi muna nilagay sa may lamesa kanina e.

"Edi nabasa yun? Sayang naman!" I slowly shook my head na parang nanghihinayang.

"Sus. Wala yon! tara na!" tumayo na si Justin at hinatak na ako palabas. 

Huh? Parang wala lang sakanya?! Edi ikaw na rich kid.

Pagbaba namin sa may kusina, nakita namin si manang na nagaayos na sa may dining area.

"Oh gising na pala itong si Justin. Tara na dito at sabay-sabay na tayong kumain." pangaaya ni manang habang inaayos yung mga plato.

Umupo na kami ni manang at umupo nadin si Justin sa harap ko.

"Justin kumain ka ng madami. Kaya ang payat mo eh." sabi ni manang kay Justin habang kumakain. "siya nga pala! Zen, tumawag pala dito yung mommy ni Tobie, papasyal mo daw ba si Tobie bukas?" tanong ni manang sa akin.

"Ah opo manang! Nasabi ko nadin po yun kay Ross kaya pupunta kami bukas ni Ross dun sa candyshop nila para sunduin si Tobie." sagot ko kay manang.

"Ah ganun ba? Dalhin mo nadin yung mga pinamili mo para kay Tobie na damit. Saan ba punta niyo bukas?" tanong uli sa akin ni manang.

"Ah. Sa Zoo nalang po siguro. Tuwang tuwa po yun si Tobie pag nakakakita ng mga elephant saka Giraffe eh. Basta yung mga kakaibang animals." explain ko kay manang.

"Gusto mo bang magpadrive kay Kanor?" tanong ni manang sa akin. Si Mang Kanor yung asawa ni Manang na driver namin.

"Ah. Di ko pa po sure kay Ross manang eh. Basta pagkauwi ko po galing sa school, magbibihis lang ako tapos pupuntahan na namin ni Ross si Tobie." paliwanag ko kay Manang.

Teka? bakit ata biglang nanahimik tong si Justin? Hmmm.

"Oy Justin! Pagkatapos mo kumain umuwi ka na ah?" tanong ko sakanya. tumango lang siya. Ano nanaman ba problema nito?

Hindi sumagot ang mokong. psh.

"Ay sabi pala ni Kanor flat yung gulong mo kanina kaya inayos na niya." Sabi ni manang kay Justin. HA? Naflat gulong ni Justin? Parang di ko napansin.

"Ah opo manang. Thank you." sagot naman ni Justin kay manang.

Wala ng nagsalita sa amin dahil parang badtrip talaga si Justin. Ang ganda na sana ng araw ko ngayon dahil good mood siya pero ngayon bad mood naman siya. Hay! Hindi ko talaga siya maintindihan.

Maya-maya ay natapos nadin kami kumain. Naglalakad na kami papunta ni Justin palabas sa may gate.

"Oy. Uwi na ko." UGH! BAD MOOD PADIN SI MOKONG!

"Ah sige. Sabihin ko nalang kay manang na umuwi ka na."

HIndi na sumagot si Justin at ini-start na ang makina ng cotse niya at nagdrive papalayo.

bumalik na ako sa kwarto.

Nakita ko yung gitara ko. Ah! namiss kong mag gitara! :( Kinuha ko yung gitara ko at umupo sa may sofa. habang nag gigitara, Naalala ko si Justin kanina, parang bata talaga siya kanina.

Ilang minuto lang akong nag gitara at tumigil nadin ako. Gusto ko pa sana mag OL kaso tinatamad na ko. Gusto ko pa sana iblog lahat ng nanyari e.

Gusto ko pang matulog pero hindi ako makatulog eh. Nagtoothbrush ako at kinuha ko yung ipod ko  na nakapatong sa may desktop ko at nagsoundtrip hanggang sa makatulog ako. 

.

.

.

*KINABUKASAN*

.

Zenia's POV

.

.

"What did you say?!" Sigaw ko kay Ross. Andito na kami ngayon sa school. 

"Sorry Zen! Magpapasama ako kay Kriston mamili ng gagamitin ko sa fashion show mamaya eh. Sorry talaga. magpa-drive ka nalang muna kay mang Kanor. Sana maintindihan mo please? di ko naman kasi ginustong ako yung sumali sa fashion show bukas eh." Explain sakin ni Ross.

"Oo na sige na! Ako nalang magisa. Naiintindihan ko! Manunuod kami ni Tobie ha!" Hindi ko alam kung pwedeng sumama si Tobie pero gusto ko siya isama.

"Oo ba! Osige na ha? Pupunta na ko sa gym eh. May rehearsal pa kasi kami eh." paalam sakin ni Ross.

"Sige sige. babush!" Sigaw ko kay Ross na naglalakad na papalayo sa bench na inuupuan namin.

Hay, nakakatamad na araw naman tong araw na to. Andito ako ngayon sa may playground ng mga kindergarten. Nakaupo sa may bench. 9:30 na! Malapit na mag 10 ibig sabihin uwian nadin. Wala kasi kaming teacher kaya nakalabas ako. Busy din kasi sila para bukas. Si kriston naman, nasa may gym nadin! nauna pa kay Ross eh. Si Flip at Mel naman mukhang nagkakamabutihan na. At si Justin? hmmm. hindi ko alam kung nasan yun! Bahala siya.

"Tulala ka nanaman ms. sunshine?" Huh? I turned my head para malaman ko kung sino yun. Si Flip pala.

"Bakit ka nagiisa?" tanong ni Flip sakin. Wala akong kasama kaya nagiisa ko.

"Wala lang. hinihintay ko nalang mag bell. Nakakatamad eh."

"Ganon? Oh kamusta na pala kayo ni Justin? Nasa inyo daw siya kahapon? Kinwento niya eh." Para talagang bata to si Flip. Nakaupo siya ngayon sa mismong slide na malapit sa bench na inuupuan ko.

"Kinwento niya? I don't know? We're doing good. Maybe?" good nga ba? hindi ko alam pero sa nanyari kahapon mukhang okay naman kami diba?

"Ah ganun ba? Di tuloy siya nakasunod samin sa dream69."  Saan ba yun? ano ba yun?

"Ano bang dream69 yun?" I face him like I'm so curious.

"ahh. Bar naming tatlo yun. May billiards, may arcades pero dream69 lang tawag namin. Basta, wala lang." Paliwanag ni Flip sakin.

"Aw! Rich kids. You own a bar?"

"Actually we made it as a business kaso pag kami ang gagamit, kami lang talaga. Mom ni Justin ang gumastos dun."

"Ah ganun ba? Rich kids. You're very lucky. uy, una na ako ha? Maguuwian nadin kasi eh." Paalam ko kay Flip.

"Ah osige. Puntahan ko lang si Mel sa canteen." 

Nagsabay kami ni Mel paaakyat pero naghiwalay din kami kasi pupuntahan niya si Mel sa canteen. Nang makarating na ako sa room, nakita ko si Kriston at Justin naguusap. Akala ko ba nasa gym si Kriston? kasama niya si Ross diba? Lumapit na ako sakanila dahil kukunin ko yung bag and since Justin and I are seatmates.

"Oh pano Justin? yung favor ko ha? Napadaan lang ako para dun! Sorry di ako pwede magtagal!" I heard Kriston's voice while walking away from Justin. Ano meron?

Nagmamadaling lumabas ng room si Kriston. Naiwang nakaupo si Justin. Mukhang hinihintay niya nalang din mag ring yung bell para maguwian. Umupo lang ako sa upuan ko pero hindi padin ako pinapansin ni Justin. Mukhang badtrip na badtrip siya ha?

*Bell*Ring*ring*

Yung ibang mga classmates namin lumabas na. Si Justin naman lumabas nadin tapos sumunod ako. Pagkalabas ko, nakita kong maraming tumitingin kay Justin pero he looks very normal. Walang emosyon kahit pinagtitinginan ng mga babae. Ganun ba talaga pag gwapo? Hay! Makauwi na nga!

.

.

Naglakad  ako pauwi. Nang makarating na ako sa bahay, hinanap ko agad si Mang kanor.

"Manang, asan po si Mang kanor?" tanong ko kay manang sa may kitchen.

"Ay inutusan ko mag grocery ng mga pagkain natin eh. Wag ka magalala, nailista ko lahat ng gusto mo ipabili." sabi ni manang habang nag luluto.

"Manang, ano oras po uwi? mamayang 11 ko na po kasi ako magpapahatid papunta kila Tobie eh."

"Ay nako iha. Kakautos ko lang sa kanya eh. Malamang on the way palang yun. Di mo naman kasi sinabi kagabi na sigurado ka nang magpapahatid ka."

"Ay ganun po ba manang? Malas ko naman po ngayong araw nato oh!" sigaw ko habang naglalakad na papunta sa kwarto ko.

Nagbihis na ako at hinanda ko na yung mga binili kong damit for Tobie. I'm so excited to see him again! But the problem is, magtataxi lang kami papuntang Zoo. :(

11:50 na! I went out from the house na at nakita kong papalabas si Justin ng cotse. What is he doing here?

.

.

.

Justin's POV

."Oh pano Justin? yung favor ko ha? Napadaan lang ako para dun! Sorry di ako pwede magtagal!" Paalam sakin ni Kriston. Hay badtrip naman oh! Nagbilin sakin si Kriston na samahan si Zenia para ipasyal si Tobie. Sino ba yung Tobie na yon? Bakit parang napaka-special naman niya para kay Zenia? Boyfriend niya ba yun? Kung Boyfriend niya yun, eh bakit kailangan may kasama pa?! Hay! Autistic nga! Sa Zoo pa gusto!

Nakita ko si Zenia na papalapit sakin. Badtrip! Gusto siyang tanungin pero baka magsisigaw nanaman siya! Aantayin ko na ngalang maguwian! 

Hinantay ko maguwian. Nag ring na yung bell ibig sabihin pwede na umuwi. Bumaba na ko sa may parking lot para kunin yung cotse. habang nagdra-drive, naalala ko nanaman yung bilin ni Kriston.

"Justin, 11 mo sunduin ha? samahan mo siya ipasyal si Tobie. Hindi kasi siya masasamahan ni Ross eh."

Badtrip! Bibili pa naman ako ng Cellphone mamaya! Pero.. ugh! bahala na.

Pagkadating ko sa bahay, naligo muna ako at nagbihis. Pagkatingin ko sa orasan. 11:45. Pupunta na ko kila Zen.

Pagkadating ko sa harap ng bahay nila, sakto lumabas si Zen! nakabihis nadin siya. Ibig sabihin sakto lang dating ko.

"Uy Justin! Bakit andito ka?" tanong sakin ni Zen.

"Sabi ni Kriston samahan daw kita eh?" Ang ganda niya ngayon. Talagang nagpaganda pa siya ah.

"Ah. Okay lang naman ako kahit hindi mo na ko samahan. Baka may lakad ka pa." tanggi ni Zenia sakin. Kung kelan namang andito na ako e!

"Sakay na."

"Ows? Sure ka? Okay lang na sasamahan mo ko?" Ang kulit naman ng babaeng to.

"Sumakay ka nalang."

Yoooon! sasakay din pala eh. Kailangan pinipilit pa? 

Tinuro niya sa akin yung daan kung saan yung pupuntahan namin. Nagstop kami sa may harap ng Candy shop. Lumabas siya para sunduin yung kasama niya. Ako naman hindi na bumaba. Kailangan pa ba sunduin sa loob? saka bakit babae ang nagsusundo? Anaknang! anong klaseng boyfriend ba meron tong si Zenia?!

Pagkatingin ko sa bintana, nakita ko si Zenia may kasamang bata. Yun ba si Tobie? Bata pala yung susunduin niya? Teka? Akala ko ba?

"Uy, sure ka okay lang na samahan mo kami?" tanong ni Zen sakin. Nakapasok na sila ng cotse. nasa harap lang din yung Tobie, maliit lang naman siya eh.

"Ah, oo. San na tayo ngayon niyan?"

"Ah, sa Zoo. Teka, baby Tobie? meet your kuya Justin.  Be nice to him or else he'll eat you."  Ako nangangain? HAH!

"Low po!" sigaw ni Tobie sakin. Nginitian ko lang siya.

"Ganun talaga siya Tobie. Mute yan eh."

Habang nagdra-drive ako, walang ibang ginawa yung dalawa sa tabi ko kung hindi magkuwentuhan saka maglaro. Ano ba ng babaeng to si Tobie? Kapatid? pinsan? ANAK?! Anak niya kaya? Putek. Kung anu-ano pinagsasabi ko. Nakarating na kami sa Zoo ng mga bandang 1pm. Ako na bumili ng entrance ticket namin.

"Sir, ito po yung sukli niyo." Inabot sa akin nung babae yung sukli.

"Ate Zen, cotton endi o!" Sigaw ni Tobie habang tinuturo yung cotton candy.

Tumakbo silang dalawa sa may nagtitinda ng cotton candy. Sinusundan ko lang sila.

"Oh Tobie o! Paguwi mo, magtoothbrush ka ha? matamis to!" paalala ni Zen kay Tobie. Ano niya ba tong Tobie na to? Kapatid?

"Ah manang, bayad po." sabi ko dun sa aleng nagtitinda habang inaabot yung bayad.

"uy wag.." sabi ni Zen pero di rin niya natapos yung sasabihin niya.

"Anak niyo ba ito? Aba'y kebabata niyo pa." Tanong samin nung ale.

"Nako hindi po! Anak lang po ng friend ng parents ko pero I treat him like my baby brother." Paliwanag ni Zen.

Hindi na namin pinatapos yung matandang tindera dahil umalis nadin kami. bakit ba ang daming mahilig mangielam ng may buhay ngayon?! takte.

"Ate look oh! May eyepant!" Sigaw ni Tobie habang tinuturo yung elephant.

"Ay oo nga. Ang laki niya no? Tapos ang haba ng ilong niya. Namiss mo bang makakita niyan?" tanong ni Zenia habang nakabend pababa kay liit.

Kung saan-saan na kami nagpunta. Mahilig pala sa bata tong si Zen? Siguro wala siyang kapatid. Eh bat naman ako? Di naman ako mahilig sa bata. May kapatid ako pero abnormal.

Nagpunta na kami sa mga Lions, sa mga ibon, sa giraffe, sa mga unggoy. Nagpakuha pa ng picture si Zenia sakin. Cute din naman si Tobie liit eh.

"Ate aytcream tayuu!" Pagaaya ni Tobie habang hinahatak si Zen.

"Osige pero ayain mo muna si Kuya sungit." sagot ni Zen. Masungit? Psh. Bad na ng umage ko sa bata eh!

"Kuya! Aytcream tayu?" tanong sakin ni Tobie habang naka-pout tapos hinihila yung kamay ko.

"Pagbigyan ang bata!" sigaw ni Zen.

"Psh. Sige na! tara!"

"Yeeeeeey!" Sigaw ni Zen saka ni Tobie. Para silang mga batang ngayon lang kakain ng icecream. Tumakbo na sila sa may nagtitinda ng icecream.

Umupo lang ako sa may bench na tapat nung tindero ng icecream. Tinitignan ko lang si Zen at Tobie. Mukhang matagal nadin silang magkakilala. Si Tobie, puno na ng icecream sa paligid ng bibig niya. Si Zen naman pumapalakpak ng mahina habang hinihintay yung icecream niya. Para talagang bata! Pero maganda yung mga kamay niya ah? Mukhang malambot yung mga kamay niya. Kahit hindi siya magayos maganda siya. Mukhang mataray nga lang sa una.

Maya-maya nakita kong papalapit na sila. Si Zen may dalawa yung icecream. Ang takaw nga, hindi naman tumataba.

"Uy, icecream oh." Pangaalok sakin ni Zen habang inaabot yung icecream.

"Kuya, sabi ni ate sungit daw kaw? toto ba yun?" tanong sakin ni Tobie. Pautalutal.

Hahaha. Ang cute din pala nitong si liit. ginulo ko lang yung buhok niya tapos tumabi siya sakin.

"Uy ayaw mo ba talaga? Kakainin ko to." alok ulit sakin ni Zen ng icecream.

"Ayoko. Sige ubusin mo na! Masungit pala ha!" 

"Ano ka ba? Tobie, Joke lang yun no! Alam mo ba mabait yan! Nung tulog yan ang tahimik niyan!" sabi ni Zen kay Tobie.

"Pshhhh." 

Pagkatapos nilang kumain. Naglakad lakad lang ulit kami. Walang katapusang lakaran! Anong oras na ba? 4:30 na! Ang bilis ng oras. Tch!

"Kuya, takit paa ko." utal na utal na sinabi sakin ni Tobie habang shine-shake yung kamay ko.

"Uy Justin. Okay lang ba? buhatin mo muna?" tanong sakin ni Zen. Anaknang! Ano ko dito? PA?

"Ah sige."

Binuhat ko si Tobie. Naka-rest yung ulo niya sa balikat ko. Naglakadlakad kami saglit tapos bumalik na sa cotse.

"Ay nakatulog na pala. Tara umuwi na tayo."

Kinuha sakin ni Zen si Tobie pero natulog padin sa sasakyan. Nakadating kami sa may candyshop nila Tobie ng 6:10. On the way na kami ngayon ni Zenia pauwi.

"Uy Justin. Thank you ha!" 

"Sus wala yun. Cute naman si liit eh. Ilang taon na yon?"

Mukhang nagulat siya sa tinanong ko. putek! masama magtanong? Natuwa lang ako dun sa bata eh.

"Ah, mag 3 na siya next month eh. Kulit nga nund batang yun eh. Mukhang napagod kakalakad kanina eh. Pero mukhang nag enjoy naman siya." Kwento ni Zen habang nakangiti.

"Ah ganun ba? Oo nga e." 

"Lumaki kasi yun na palagi ako kasama. Palagi kasi kami namamasyal nun eh."

"ah kaya pala." 

Kung anu-ano pinagkukwento ni Zenia about kay Tobie. Mukhang masaya siya kapag kasama niya si Tobie. Palagi pa siyang nangingiti pag nagkukwento siya. Lalo tuloy siyang gumaganda.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa harap ng bahay nila. Hindi ko alam pero may gusto akong sabihin kay Zenia na hindi ko masabi. Para kasing siya yung babaeng maiintindihan ako. Takteng babaeng to! Lakas ng impact.

"Huy? ayus ka lang? mukhang napagod ka ha! Pasensya na." tanong ni Zenia. hindi padin siya bumababa.

"ah wala yun."

"Ah thank you ulit. Dito ka na kumain! Nakalimutan ko nadin kumain kanina. si Tobie kasi eh!"

"Ah hindi sige. Sa bahay na ko kakain." 

"Sure ka?"

"Oo"

"Osige. Thank you ulit."  pababa na ng cotse si Zenia pero..

"Zen." tawag ko sakanya.

"Oh? bakit?"

"Let's go on a date." 

AN: Sorry for late update. Been busy at school! Exam week namin this week so I can't promise that I'll ud. I love you guys! keep reading my story and please vote and drop some comments! thanks. Become a fan.<3

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...