I Wouldn't Mind

By GreatLover88

44.9K 1.5K 1.6K

A choice between the person in your dreams and the person who made your dreams come true. Who would you choos... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Yes or No?
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Hello Pipol!
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 7

1.2K 48 66
By GreatLover88


Mika's POV

'Good Morning sa pinakamaganda kong boss! Eat your breakfast. 😘'

PS

Don't look for me. Dad picked me up, I'll be back before lunch! 😊😊😊

Napailing na lang ako ng nakangiti. Pagkapilya naman kasi talaga ng batang to. Umagang-umaga may ganito. Well, tatanggi pa ba ako? Sarap kaya nito. Kaya pala iba ang luto ng lokang yun, may coffee shop pala.

Hours passed by smoothly. Wala nang hirap ang mga paperworks ko dahil halos lahay nai-arrange na ni Alyssa. Sipag no? Too bad ngayong summer ko lang siya magiging secretary. Baka sa susunod nga boss ko na yan. After lunch I'll go out. Kailangan kong dumalaw sa site eh.

"Hey Boss, miss me?" Ngiting-ngiting sabi ni Aly na kakapasok lang. "Tara, Dad's inviting you out for Lunch."

"Ha?!" Gulat kong tanong. "Hindi naman ako prepared!"

"Prepared? Para san? Don't worry, di pa kita ipapakilalang girl friend!" Hahahaha."

"Loka-loka!"

"Yep. Sabihin ko nililigawan pa lang." Sabi na naman niya sabay kindat.

"Tigil-tigilan mo yang pagkikindat mo baka matuluyan ka! Hahahaha."

"Matuluyan? Na ano? Mahulog sa'yo? Hahahaha." Biro pa niya.

"Ewan ko sa'yo bahala ka nga diyan." Sabi ko saka kinuha na ang shoulder bag ko at akmang lalabas.

"Actually hulog na hulog na." Seryoso niya nang sabi saka dinaanan ako't hinablot ang bag ko.

Ewan ko ba... Napatigil ako dahil tono ng pananalita niya. Parang biglang nanuyo ang bibig ko. Nagbibiro lang naman siya, diba?

"Uy, ano na?" Tawag niya sa akin. Di ko na namalayang malayo-layo na pala siya. "Wag kang masyadong kiligin. Halata ka naman masyado eh!"

"Alyssa!"

"Hahahahahahaha." Sabi niya saka nilapitan ako. "Tara na kasi."

This time kamay ko naman ang hinila niya. Geez... Ano to? Bakit... Bakit... No. Naaawkwardan lang siguro ako ng konti. Lokong batang to.

Pagbaba namin sa lobby ay naabutan namin ang isang lalaking nasa mid 40's na siguro at halatang-halata ang pagkaelegante sa tindig. Kamukhang-kamukha rin ito ni Alyssa. Para silang si Ria at ang Daddy niya. Cute.

"Hi Dad. Let's go?' Bati ni Alyssa rito. "This is Mika pala. Nililigawa--- este, boss ko. Hehe."

"Nice to finally meet you, Ms. Reyes. Pasensya na at ngayon lang ako nakadaan." Nakangitinf sabi nito.

"Ah, okay lang po. Okay naman si Alyssa eh."

"Ganon ba? Hindi ka ba tinakot nito?" Maloko niyang tanong. "O inaakit?" Dugtong niya sabay tingin sa kamay namin ni Alyssa na magkahawak pa rin.

Ah, no. Siya lang pala nakahawak. Agad ko namang hinila ang kamay ko.

"H-hindi po. Hala." Dali-dali kong pagtanggi.

"Haha. Dad talaga. Actually siya yung umaakit sa akin!"

"Aly!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Hahahaha. Joke! Ito talaga amazona! Tara na nga't maglunch, Dad. Pupunta pa kami mamaya sa site nitong si Babe--- este, Boss!"

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Di na nahiya sa tatay niya. Mamaya kung ano pang isipin nito. Pedophile lang? Aba.

"Hahaha. Di uubra ang galawan mo Nak, wag trying hard. Let's go na bago ka pa mahampas ni Ms. Reyes." Sabi lang ng Dad niya na ngingiti-ngiti.

Lumabas na nga kami at nakaabang na yung kotse yata ng Dad niya sa amin. Hongtaray ng Ford Ranger! Bumaba yung driver saka iniabot kay Alyssa yung susi na nanlalaki naman ang Mata.

"D-Dad?"

"Yep. This is your new car." Sabi lang nito na parang namigay lang mg kung anong pasalubong sa anak.

"Oh my gosh, Dad! I love you! Pero ba't ang aga?"

"Why? May binigay ba akong time kung kailan ko papalitan ang kotse mo?"

Aw. Spoiled Aly. Hahaha. Ang epic ng mukha niya, napanganga talaga.

"Thanks, Dad. The best ka... Pero san ko naman ipapapark yan sa Apartment ko? Hehe."

"Don't worry. Ibabalik ko na rin ang susi ng condo mo at pwede ka nang bumalik anytime sa bahay."

Jusme. Rich kid ba! Para naman tong si Vic nung kabataan namin. Laki sa layaw at spoiled sa Daddy!

"Ah! No, no, no!" Agad na tutol ni Aly na may hand gestures pa. "Wag, Dad. I'll end my summer with this current set up." Seryoso niyang sabi.

"Ha?" Tanong ng tatay niya na parang gulat na gulat.

"I'll drive this one for now pero ipapahatid ko rin sa bahay ah? Hehe. I'm enjoying what I have pa, Dad. Pero thanks, you're the best. Tara na?" Sabi lang nito.

Wow. Akala ko spoiled. Or baka natuto lang? Hehe. Masaya naman kasi talaga ang simpleng buhay. Like Vic... My Vic 12 years ago. Ewan ko na nga lang ngayon.

Damn Mika! You can't even take her out of your mind! Magpakipot ka naman kahit konti!

"Babe, dito ka na sa passenger." Tawag sa akin ni Alyssa na nakaabang na pala't binuksan ang pintuan.

"Babe ka diyan!"

"Sabi ko nga boss eh. Hehe." Kakamot-kamot niyang sabi.

Mabilis lang naman ang naging byahe. Sa fine dining pa talaga dahil doon daw sanay ang Dad niya. We had a really nice Lunch with his Dad, ang kulit nilang mag-ama, parang magtropa lang ang sobrang close. Ano kayang nagawang kasalanan nitong si Alyssa para parusahan siya ng ganon ng Dad niya? Hmmm.

After ng Lunch at kuwentuhan ay may sumundo na sa Daddy niya at kami naman dumeretso na sa site. So far. So good. Lahat umaayon sa plano namin. Mabilis din ang construction dahil masisipag ang tao.

"Oh, mga kuya! Magkape at mryenda muna kayoooo!" Tawag ni Alyssa sa mga construcion worker  kinahapunan.

"Ah, Ma'am, sandali lang ho. Hindi pwedeng tigilan sa paghalo ito eh baka manigas." Sabi nung isang kuya na naghahalo ng semento.

"Ah, hindi Kuya! Sumabay ka na sa kanila. Ako na muna diyan. Gagayahin na lang kita. Hehe." Sabi ni Alyssa saka akmang aagawin yung pala.

"Ay, Ma'am wag po baka madumihan ang polo niyo nito!"

"Ay, Kuya talaga. Okay lang yan sus... Pero sabagay, mahirap ngang gumalaw. Wait." Sabi pa niya saka lumapit sa akin habang nagtatanggal ng butones. "Boss, pahawak sandali." Sabi niya saka hinubad yung polo niya.

Para na namang natuyo ng di oras ang bibig ko. Nakasando na lang kasi siya ngayon so exposed ang braso niya... Tapos medyo fitted pa yung sandong suot nito... Tang ina, may abs!

Hay nako Mika Aereen! Tantanan mo! Bata yan! Si Alyssa yan! Mahuli ka niyan nako uulanin ka ng asar!

"Oh, Kuya, game na ako! Kain ka na muna diyan!" Sabi niya ulit kay Kuya.

"Eh Ma'am, sure ka?"

"Oo nga Kuya, sure na sure!"

"S-sige ho... Sandali lang."

At naagaw niya na nga yung pala. Para siyang batang ngiting-ngiti na naghahalo ng semento. Walang kahirap-hirap eh, mahiya naman ang batak niyang muscles sa braso diba? Siguro athlete to.

"Ly?" Tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Athete ka ba?" Tanong ko.

"Ah, oo."

"Anong sports mo?"

"Football." Sagot niya na ngiting-ngiti pa rin. "Hot ko ba? Sorry na. Pasok ka na dun sa Aircon."

"Ang hangggggeeeeen"

"Hahahahaha. Wag kang ano Boss. Maraming naglalaway sa katawang to!"

O talaga? Bakit ako parang mas lalong natuyuan ng laway? Weird.

"Ewan ko sa'yo. Sige trip mo yan ah. Pasok na ko sa loob." Paalam ko na lang.

"Yes babe-- este, boss!"

Kailangan ko nang umalis. Baka ano pang kababalaghan ang pumasok sa isip ko!

Ilang sandali lang naman ay sumunod na rin si Alyssa at pawis na pawis pa habang nagpupunas gamit ang bimpo niya. Parang bata.

"Ayan. Papawis pa. Mamaya matuyuan ka niyan!" Sabi ko pa.

"Papunas nga ng likod..."

"Aba! Boss mo ko diba?"

"Eeeeh. Dali na." Pamimilita niya sabay abot nung bimpo niya at tumalikod na sa akin.

Napairap na lang ako pero pinunasan ko pa rin naman ang likod niya. Isip bata talaga ang isang to. Mano ba namang agawan ng trabaho yung construction worker?

"Yey, thanks Babe!"

"Alyssa tigil tigilan mo nga yang kabebabe mo. Mamaya may makarinig pa sa'yo." Sita ko naman sa kanya.

"Eh ano? Isipin nila ang gusto nilang isipin! Hahahaha."

"Loko ka talaga!" Sabay kurot sa tagiliran niya.

"Aray! Babe naman. Dahan-da---"

Sabay pa kaming napalingon nang magbukas ang pinto. Nanlaki na lang ang mata ko nang makita roon si Vic, may dalang bulaklak at madilim ang tingin. Patay.

"Aray!" Reklamo ni Alyssa nang halos maitulak ko siya maalis lang yung kamay ko sa likod niya. "Babe!"

Pinandilatan ko nga. Anak naman ng tupa oh! Hindi ba to nakakahalata? Mamaya patulan na talaga siya nitong si Victonara eh!

"May naiistorbo ba ko?" Tanong ni Vic.

"Oo mer---"

"Wala!" Agad kong putol sa kung ano na namang kalokohang lalabas sa bibig ni Alyssa.

"I-I came here as soon as I head na dadaan ka raw... At kasama mo pa ang secretary mo." Sabi ni Vic saka lumapit sa akin at iniabot yung flowers.

"Ah-eh, thanks."

Nagulat naman ako nang marahan niya akong hatakin at hinalikan sa pisngi.

"I missed you."

"U-Uhm..."

"Ah, Ba--Boss, tara na, may naiwan pa tayong trabaho sa office, remember? 6 pm." Biglang singit ni Alyssa na nakaturo pa sa relos niya.

"Huh? Ah-eh, Vic..."

"No." Mariing sabi ni Vic.

"Pero may trabaho pa k---"

"7 pm din naman an out mo. Isang oras na lang. That won't hurt, right?" Seryoso niya pa ring sabi. "Besides, I'm a major client. Okay lang bang mapagbigyan ang request ko?" Tanong niya na ibinaling ang tingin kay Alyssa.

"It's okay... If it is business matters." Mariin din namang sagot ni Alyssa.

Oh my Gosh. Ayan na naman yung kuryente nila! Ano ba naman tong dalawang to. I need to do something!

"Ah, sige na, Ly. Mauna ka na. You may go home na rin if you like. Sasama na ko kay Vic at marami pa kaming kailangang i-discuss." Sabi ko na lang kay Alyssa.

"P-per-- Haaay. Okay. See you tomorrow." Bagsak ang balikat na sabi ni Alyssa saka lumabas na.

"Vic---" baling ko dito sa isa nang makaalis si Alyssa.

"Tara na muna sa kotse." Matipid na sabi nito saka ko  hinila na rin palabas.

Damang-dama yung inis ni Vic. Kilalang-kilala ko to kapag naiinis na. Nakkatakot na pananahimik. Pero bakit naman ganto siya umarte? Eh hindi naman kami nagkabalikan... Nako naman! Kairita ah.

"Vic, why are you so quiet?" Tanong ko nang hindi ko na matiis ang katahimikan habang nasa byahe kami.

"What? I'm always like this."

"No you are not. Tapatin mo nga ako, ate you jealous with Alyssa?"
"Ha? B-bak---"

"Oh please, Vic. Hindi na tayo mga bata. Be matured naman. Naiinis ka sa kakulitan nung bata!"

"Bata?! That girl obviously likes you!"

"Vic naman! Can you hear yourself? For pete's sake she's eighteen and I am fucking twenty nine! Ano ba naman yang naiisip mo? Ikaw rin ba ang nagsabi kay Kim?"

"Bakit naman nadamay si Kim?"

"Nevermind. Just stop acting like this..." Iritable kong saad.

"Wala ba kong dapat ikaselos, Mika?"

"Geez... What a stupid question, Vic. " sabi ko saka napasapo na lang ng noo. "I won't even waste time answering that... Beside you shouldn't be acting this way in the first place... Hindi naman tayo nagkabalikan."

"Oh... Yeah, right. Sorry."

"Pakihatid na lang ako sa bahay please... Or if not sa office na lang dahil andon ang kotse ko."

"Dak---"

"Don't call me that name please... Do as I say or I'll get off this car right now."

"Okay! Okay! Calm down..."

Wala na siyang nagawa kundi ang iikot ang kotse pagawi sa bahay namin. Wala na, badtrip na ako. Nakakairita naman kasi ang asta niya. Totoo lang naman yung sinabi ko, diba? Hindi naman kami. Kung makapagakusa pa sa min ni Alyssa. Haaay!

"Salamat sa paghatid. Wag ka nang bumaba." Sabi ko agad nang makarating kami sa tapat ng bahay.

"Mika... I'm sorry."

Tinanguan ko lang naman siya saka lumabas na. Deretso akong pumasok ng bahay ng hindi siya nililingon.

"Di mo na dala yung kotse mo? Hinatid ka ni Vic?" Tanong ni Mama pagpasok ko.v

"Yes, Ma."

"Oh, ba't di mo pinapasok?"

"Uhm... I guess we're not okay."

"Ha? Bakit? Nag-away kayo?"

"Kinda... Kahit wala namang dapat pag-awayan."

"At hindi pa kayo nagkakabalikan niyan ha? Eh ano bang pinag awayan niyo?"

"Si Aly. Biruin mong nagselos siya don sa bata? Eh narinig mo naman na ang kapilyahan non. Babe pa ang tawag sa akin."

"Aba. Selosa na pala si Vic? Sa pagkakatanda ko'y hindi niya ugali yon noon. Ikaw nga ang halos mamatay sa selos eh."

"I know right. Kaya nga siguro ako nairita agad. Hindi ako sanay na ganon siya. Nasanay akong laging ako yung nagkakaganon saming dalawa. "

"Nak, time can change anything. Even feelings. Kaya kung may balak ka mang makipagbalikan kay Vic, make sure na you know her for who she is now at sigurado ka na talagang ready ka na ulit,okay?" Sabi ni Mama. Partida, nanonood pa ng TV yan.

"Labyu ma." Sabi ko lang saka niyakap siya.

"Love you too."

"Nasan pala yung anak ko?"

"Ayun, tulog na. Nagshopping sila ni Vic kanina."

"What?"

"Yep. Mukhang kinukuha niya na talaga ang loob ng anak mo... Desidido."

"Haaay. Baka mauna pang mapasagot yung anak ko niyan eh."

"Baka nga." Sabi lang ni Mama na tatawa-tawa. "Sige na, magpahinga ka na rin."

"Sige po Ma, good night."

"Good night."

Umakyat na ako sa kwarto ko. Before I sleep, I texted Vic to pick me up tomorrow morning if she can. Magsosorry na rin ako sa pagiging rude ko kanina.

Haaay, Vic. I hope if ever na bigyan ko man ulit ng chance yung tayo... Sana naman this time magwork na... Sana nga totoong tayo na until the end... Sana pwede pa rin nating ituloy lahat ng meron tayo noon... Sana.

Sa ngayon? I think it's a 80-20 possibility. Lamang ang yes to second chance... Sa ngayon...

***

Enjoy Reading. :)

Don't forget to vote. 😂😂

#KaRa
#MikaSa

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 59.3K 72
In which the reader from our universe gets added to the UA staff chat For reasons the humor will be the same in both dimensions Dark Humor- Read at...
501K 14.4K 106
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc
1M 39.2K 92
๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ, ๐—น๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๏ฟฝ...
1.2M 52.8K 99
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC