AMACon 4: Serendipitous (30 D...

By mayumihabagat

3.6K 100 0

#AMACon4 : Serendipitous (30 DAYS CHALLENGE) 1. Drabbles 2. Poetry 3. Tagalog Fanfiction 4. English Fanfict... More

Usapang Bangs
The Curse
Coffee, Tea, or Me
Eleven Past Five
Best friends
Unrequited
Kung Ako Lang Sana
Sa Dalampasigan
Frozen Heart
Huwag Pumikit
The Passing
Ang Ulan at Iyong Paglisan
Ikaw at Ako
Bisig
Ikaw Pa Rin
The Last Heirs
The Missing Piece
A Surprise

Akin Ka Na Lang

152 5 0
By mayumihabagat

#A4Day20: Huling Awit ng Unang Nota 

"Bakit hindi mo maramdaman

  Ikaw sa akin ay mahalaga?"

Nagsimula lang ang lahat sa isang hindi inaasahang pagkikita. Hindi akalain ni Richard na aabot sa ganito ang lahat. Isa siyang guro sa Musika sa isang pribadong kompanya. Magaling siyang tumugtog ng mga instrumento lalo na ang piano. Marami na siyang naturuan na mga kabataan. May mga naging estudyante din siya na may edad na. Minsan din ay mga artista ang tinuturuan niya. Lahat ay panay ang puri sa angking galing niya. Lahat naman halos sa kanila ay mabilis matuto. Maliban lang sa isa; si MAINE MENDOZA.

Oo, tama ka. Si Maine Mendoza. Isa siya sa pinakasikat na artista ngayon sa Pilipinas. Magaling siyang sumayaw at umarte. May talento din siya sa pag awit. Ngunit ang sabi ng mga kasamahan niya sa industriya ay kailangan pa niyang mag ensayo para mas mapaganda ang pagkanta niya. Nagkakilala sila ni Richard sa isang kainan. Kasalukuyan noon na tumutugtog ng piano ang binata. Nababagot si Maine ng mga oras na 'yun.

"Hi, ikaw si Maine Mendoza di ba?", tanong ni Richard sa kanya.

"Yes, I am. Why?"

"I'm Richard. Fan mo na ako dati pa. Kahit 'nung gumagawa ka pa ng mga dubsmash videos."

"Talaga? Salamat."

"Pwede ba tayo mag selfie?"

"Oo naman. Sure. No worries."

Kinuha ni Richard ang telepono at nagpakuha ng litrato kasama si Maine Mendoza. Sobra siyang kinakabahan. Pero pinipigilan niya lang ang kanyang sarili.

"Salamat, Ms. Maine."

"You're welcome. Hey, you're the one who's playing the piano. Right?"

"Oo, ako nga. I'm actually a voice coach din."

"Talaga? Wow. Actually, I'm looking for a voice coach. I have to improve my singing kasi eh. You know, celebrity goals."

"Really? Sige ba. Pwede ko iwan sa 'yo ang contact number ko...if you want me to be your teacher."

"Sige, salamat. Teka lang. Ano ba title ng kantang tinugtog mo kanina?"

"Akin Ka Na Lang ni Ms. Morisette Amon. Don't worry, I will teach you how to play that song."

Simula noon ay naging magkaibigan sina Richard at Maine. Nakapag desisyon ang dalaga na si Richard na ang kukunin niyang guro sa pag awit. Dalawa, at minsan'y tatlong beses silang nagkikita sa loob ng isang linggo. Depende na din sa mga libreng oras ni Maine. Buti nalang ay wala siyang ginagawang teleserye sa ngayon. Kaya napagtutuunan niya ng pansin ang pagkanta.

Walang kasing saya ang pakiramdam ni Richard. Hindi niya akalain na isang Maine Mendoza ang magiging estudyante niya. Sa totoo lang ay matagal na siyang tagahanga nito. Madami kasi ang nagsasabi na mabait ito. Medyo may pagka kalog din paminsan minsan. Naalala niya ang unang beses na nagpunta si Maine sa kanya para sa klase. Hindi niya mapigilang mapangiti.

"Sir, what do you call this one? This circle shape something dito sa isang piano piece?"

"Ah...this is called the whole note. Four counts ang equivalent nito; 4/4 ang measure."

"Ah ganun ba? Akala ko kung ano. Parang forever lang din noh? No endings. Sana mahanap ko na din ang whole note ko."

Natawa nalang si Richard sa narinig niya. Hindi nito akalain na ang isang Maine Mendoza ay ganito pala kabibo sa totoong buhay. Ang whole note nga ang unang nota na naituro niya dito. Aaminin niya na higit pa sa isang estudyante at kaibigan ang nararamdaman niya para dito. Mahal na niya ito. Pero alam niyang hanggang kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Sino ba naman siya ikumpara sa mga mas makikisig na mga artista na araw araw nakakasalamuha niya.

"Ako sayo'y kaibigan lamang

Pano nga ba't di ko matanggap?"

Alam ni Richard na wala siyang karapatan para magselos. Pero hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Lihim niyang minamahal si Maine. Ayaw niyang ipaalam dito ang kanyang nararamdaman. Baka pagtawanan lang siya nito. Kailangan niyang tanggapin na hanggang kaibigan lang sila. Wala ng iba. Artista si Maine. Tagahanga lang siya. Hanggang 'dun nalang ang lahat.

"Richard, okay ka lang?"

"Ah, yes. Okay lang ako. Bakit?"

"Kanina pa kasi ako nagsasalita dito. Pero parang hindi ka nakikinig. May problema ba?"

"Ahm. Wala naman. Ano nga ulit yung sabi mo?"

"I'm asking you if sino 'yung pwede kong susunod na leading man. GMA Network plans to collaborate with Star Cinema for my upcoming movie. Sabi nila, baka daw si Mr. John Lloyd Cruz ang magiging leading man ko. Okay lang kaya?

"Oo naman..."

"At ako pa ba'y iibigin pa

Ang dinadasal makikiusap na lang."

Sa totoo lang ay ayaw ng umasa ni Richard ng mas higit pa sa isang kaibigan na relasyon kay Maine Mendoza. Ngunit may mga sandali na natatagpuan niya ang kanyang sarili na nangangarap. Alam niyang imposible 'yung mangyari. Kaya minsan ipinagdadasal na lamang niya na wag na nitong malaman ang kanyang tunay na nararamdaman.

"Richard, okay lang ba if I will ask you a personal question? Pero pag ayaw mo, ayos lang."

"Sige. Go ahead."

"Umph. May girlfriend ka ba ngayon?"

"Ha? Ako? Wala..."

"Weh? Di nga? Totoo?"

"Oo. Wala talaga."

"Weh? Sa guwapo mong 'yan? Wala talaga? Wala ka ding nililigawan ngayon?"

"Wala din.."

"Hala! Imposible naman yata yan! Siguro...pihikan ka noh? Bakit? Sino ba ang ideal woman mo? Ano bang gusto mo sa isang babae?"

"Ikaw...", nasabi nalang ni Richard sa isip niya.

"Akin ka na lang

Akin ka na lang

Ang dinadasal sa araw-araw

Akin ka na lang

Akin ka na lang

At maghihintay

hanggang akin ka na Giliw..."

May mga gabing taimtim na nagdadasal si Richard. Ipinagdadasal niya palagi na manatiling lihim ang pag-ibig niya kay Maine Mendoza. Natatakot kasi siya na kapag nalaman nito ang tunay niyang damdamin ay baka layuan siya nito. Ayaw niyang mawalan ng isang kaibigan.

"Panginoon, gabayan niyo po si Maine sa lahat ng gagawin niya. Please make her meet the man that will love her for who she is, and will give her the love that she truly deserves."

"At sa panaginip lamang

Nahahagka't nayayakap ka

At ako pa ba'y iibigin pa

Ang dinadasal makikiusap na lang..."

May mga panahon din na napapanaginipan niya si Maine. Magkasama sila sa tabi ng dalampasigan. Naglalakad habang magkahawak ng mga kamay. Hinahaplos niya ang kanyang buhok. Nagkatitigan sila. Dahan dahan na nagkalapit ang kanilang mga mukha. Hinalikan niya ito sa noo at sa kanyang magkabilang pisngi. Pati na din sa kanyang labi. Maya maya ay tumapik sa kanyang balikat.

"Richard, ayos ka lang? Parang kasing lalim ng Bermuda Triangle yung iniisip mo ha!"

"Andiyan ka na pala. Sorry. May iniisip lang ako."

"Hulaan ko...babae noh? Ang lakas mo mag day dream."

"Ha? Hi-hindi..."

"Asus! Wag ka nang mag deny. Bistado ka na."

Unang pag-ibig niya si Maine Mendoza. At gaya ng bilog na buong nota ay tila ba binuo din nito ang buhay niya. Alam niyang maikli lang ang buhay ng isang tao. Siguro ay dapat lakasan niya na ang kanyang loob na magtapat ng kanyang nararamdaman para dito. Wala na siyang pakialam kung pagtawanan man siya nito. Ang mahalaga ay masabi niya ang lahat ng nilalaman ng puso niya.

Nag desisyon si Richard na puntahan si Maine sa bahay nila sa Bulacan. Bahala na. Sasabihin na niya ang lahat lahat. Lalakasan niya ang kanyang loob. Dumating siya doon ng alas diyes ng umaga. Pinindot niya ang doorbell. Makalipas ang ilang segundo ay may lumabas na isang babae.

"Good morning po..."

"Good morning din.."

"Ako nga pala si Richard. Voice coach ni Ms. Maine Mendoza. Nandiyan po ba siya? Pwede ko ba siyang makausap?"

"Ikaw si Mr. Richard Faulkerson Jr.?"

"Opo. Ako nga."

"Naku, buti naman nandito ka. Pupuntahan na sina kita dun sa lugar kung saan ka nagtuturo. May pinapabigay si Maine sa'yo. Binilin niya sa akin bago siya umalis."

"Ano po? Umalis po siya?"

"Hindi ba niya nasabi sayo? Kakaalis lang niya papuntang Thailand kahapon. Actually, secret lang sana ito. Pero dahil malapit kang kaibigan ni Maine, eh sasabihin ko na din sayo ang dahilan."

"Bakit po siya nagpunta ng Thailand?"

"Ikakasal na siya sa Thai actor na si James Jirayu Tangsrisuk. Childhood sweetheart niya 'yun. Business partners ng mga magulang ni Maine ang mga magulang ni James. Sekreto ang magiging kasal nila. Alam mo na naman sa showbiz, 'di ba?"

Halos gumuho ang mundo ni Richard. Wala siya sarili habang pauwi ng bahay. Umupo siya saglit sa kama. Dahan dahan niyang binuksan ang maliit na kahon na pinabibigay ni Maine sa kanya. Isa 'yung kulay yellow na CD. Hindi niya mapigilan na pumatak ang kanyang mga luha. Ang laman ng CD ay video ni Maine na tumutugtog ng piano. At ang kantang 'Akin Ka Na Lang' ni Morisette Amon ang tinutugtog niya. All this time, inaaral niya pala ng palihim ang kanta- ang kantang naging dahilan na nagkakilala silang dalawa. 

May napansin siyang isang pirasong papel na kasama ng CD. Sulat 'yun para sa kanya ni Maine. 

Dearest Richard, 

I just want to say...thank you for everything. Alam ko na hindi sapat ang pagpapasalamat ko sayo. Thank you for always believing in me, for always being there when I need someone to hold on to. Actually, I have something to tell you. Dapat sana sa personal ko ito sasabihin. Kaso, I am so scared. Duwag kasi ako. The truth is...what the song, 'Akin Ka Na Lang' says was also my heart's content. I'm always dreaming that you will love me. But for now, I must stop feeling that way. I'm getting married to my childhood sweetheart. Nagulat ka noh? Sorry kasi hindi ko siya nabanggit sayo. 

Nakakaloka, 'di ba? Pero 'yun ang totoo. I'm sorry if I was not able to say goodbye to you. Baka kasi kapag nagpakita pa ako sayo, baka magbago pa ang isip ko. I wish you all the best, Richard. Sana makita mo na ang babaeng magmamahal sayo ng tapat at totoo. Sana mahanap mo na ang whole note mo. That someone who will make your life complete. Someone who will add a wonderful melody in your song.

Take care always. God bless you.

Love, 

Maine

"Akin ka na lang

Akin ka na lang

Ang dinadasal sa araw-araw

Akin ka na lang

Akin ka na lang

At maghihintay hanggang akin ka na

Giliw

At ako pa ba'y iibigin pa

Ang dinadasal makikiusap na lang

Akin ka na lang

Giliw

Akin ka na lang

Ang dinadasal sa araw-araw

At maghihintay hanggang akin ka na

Giliw..."

Kung alam lang sana ni Richard ang lahat.

Ngunit, huli na siya. 

Huli na. 

Continue Reading

You'll Also Like

224K 1.1K 199
Mature content
219K 4.9K 71
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
6.1K 150 65
Hugot Quotes/ Secret Billionaire Let your pain be the source of wisdom. It is in suffering that you find your hidden strength because there is no opt...
251K 12.8K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...