Prisoners in Venus

By sayuriMa

116K 4.9K 264

"Kaya mo bang mabuhay sa bilangguang pati ang umibig ay ipinagbabawal?" Si Emerald Euxine ay isang dalaga na... More

Prologue
Chapter 1 *Ang Kasalan*
Chapter 2 *Bahid ng Dugo*
Chapter 3 *Sa Tarangkahan Ng Venus*
Chapter 4 *Ang Mga Halimaw ng Venus*
Chapter 5 *Ang Sundo ni Emerald*
Chapter 6 *Ang Mga Squad sa Venus*
Chapter 7 *Ang Tagapagligtas ni Emerald*
Chapter 8 *Kamatayan*
Chapter 9 *Naligaw na Landas*
Chapter 10 *Panlilinlang*
Chapter 11 *Bagong Kaibigan*
Chapter 12 *Ang First Region*
Chapter 13 *Nikela Double Zero*
Chapter 14 *Mag-isa*
Chapter 15 *Unang Pagsundo*
Chapter 16 *Dustin Diamond*
Chapter 17 *Nabighani*
Chapter 18 *Ang Napili*
Extra: Trivia about Prisoners in Venus
Chapter 19 *Tunay na Kulay*
Chapter 20 *Bawal na Pag-ibig*
Chapter 21 *Ang Seventh Region*[Part 1]
Chapter 22 *Ang Seventh Region* [Part 2]
Chapter 23 *Dahilan*
Chapter 24 *Dalawang Katauhan*
Chapter 25 *Ang Nakaraan ni Nikela*
Chapter 26 *Ang Batang Nikela*
Chapter 27 *Limitasyon*
Chapter 28 *Pagbalik*
Chapter 29 *Pagtatapos*
Chapter 30 *Ang Pagkabuhay ni Zero One*
Chapter 31 *Ang Payo ni Mary*
Chapter 32 *Paglampas sa Hangganan [Part 1]*
Chapter 33 *Paglampas sa Hangganan [Part 2]*
Chapter 34 *Si Emerald sa First Region*
Chapter 35 *Ang Pagpuksa kay Double Zero*
Chapter 36 *Maging Isa*
Chapter 37 *Ang Pag-ibig ni Double Zero*
Chapter 39 *Bihag*
Chapter 40 * Ang Pinuno ng Sixth Region*
Extra: Video Trailer
Chapter 41 *Nikela VS. Dustin*
Chapter 42 *Intruder*
Chapter 43 *Ang Tungkulin ng mga Hashke*
Chapter 44 *Ang Banta ng mga Regulator* (Part 1)
Chapter 45 *Ang Banta ng mga Regulator* [Part 2]
Chapter 46 *Ang Layunin ng mga Superior*
Chapter 47 *Ang Pagsalakay*
Extra: Announcement
Chapter 48 *Unang Pag-ibig*
Chapter 49 *Ang Kasaysayan ng Venus* [Part 1]
Chapter 50 *Ang Kasaysayan ng Venus* [Part 2]
Chapter 51 * Mga Natatanging Mandirigma*
Chapter 52 *Ang Kapatid ni Jo*
Chapter 53 *Masamang Balak*
Chapter 54 *Marka*
Chapter 55 *Ang Laban ni Dustin*
Chapter 56 *Pagkakamali*
Chapter 57 *Takbo! Emerald!*
Chapter 58 *Ang Laban ng mga Hashke*
Chapter 59 *Paggising*
Chapter 59.1 *Paggising*
Chapter 60 *Nikela*
Chapter 61 *Paalam, Seventh*
Chapter 62 *Ang Pangako ni Zero One*
Chapter 63 *Mga Alaala* (Zero One VS Double Zero)
Chapter 64 *Masayang Wakas*
Chapter 65 *Kalituhan*
Chapter 66 *Paglisan*
Chapter 67 *Imbitasyon*
Chapter 68 *Magulong Puso*
Chapter 69 *Ang Araw Para Sa Mga Rose*
Chapter 69.1 *Ang Araw para sa mga Rose*(Part 2)
Final Chapter *Paalam, Venus*
Epilogue
PIV Book 2 Video Teaser

Chapter 38 *Orasan*

1.1K 60 2
By sayuriMa

Nang makabalik si Emerald sa palasyo, si Double Zero agad ang hinanap niya, subalit hindi niya ito nakita.

Wala ito sa silid nito. Wala rin sa kainan. Wala sa kahit saan mang silid sa palasyo.

Ang huling lugar na naisip puntahan ni Emerald ay ang silid sanayan. Nabanggit na sa kanya na Book ang tawag sa lugar na iyon.

Papunta na roon si Emerald nang makasalubong niya sa pasilyo si Echezen.

Huminto siya upang magbigay galang dito.

"Hinahanap mo ba si Double Zero?"

Napatingin nang diretso si Emerald kay Echezen dahil sa tanong na iyon.

"Oo. Hinahanap ko po siya. Nakita n'yo ba siya?" tanong ni Emerald.

"Wala siya rito."

Namilog ang mga mata ni Emerald. "Wala? Pero bakit? Saan siya nagpunta?"  May pag-aalala sa tono ni Emerald.

"Nagsabi siya na aalis muna ng palasyo, pero ibinilin ka niya sa akin."

"Ah..." Natigilan si Emerald.

"Sinabi niya na bigyan na kita ng kapangyarihan.  Mukhang tanggap na niya ang pagpili sayo ni Zero One bilang Rose," sabi ni Echezen.  Kasunod noon ang paghawak nito sa balikat ng dalaga.

"Handa ka na bang magkaroon ng kapangyarihan?" tanong ni Echezen.

"Hindi!" mabilis na sagot ni Emerald. Bahagya siyang lumayo sa lalaki.

Napakunot ng noo si Echezen.

Nagpatuloy si Emerald. "Hindi kapangyarihan ang kailangan ko ngayon kundi ang makausap si Double Zero."

"Para saan?" tanong ni Echezen. "Bakit mo gustong makausap si Double Zero? " dagdag pa nito.

"Gusto ko lang malinawan. Naguguluhan kasi ako sa pagkatao niya!"

"Ano bang magulo sa pagkatao niya?"

"Ah..." Hindi nakapagsalita si Emerald.  Naalala niya kasi na si Echezen nga pala ang dahilan sa pagkakaroon ni Nikela ng dalawang pagkatao.

Kung gayon...

Napaisip siya.

"Echezen... Sino ba talaga ang tunay na Nikela?"

Nanataling tahimik si Echezen.

Naramdaman ni Emerald na ayaw nitong sumagot kaya nagsalita pa siya.

"Mahal ko si Zero One. Gusto ko siyang makasama!" Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang bibig.

"Gusto mo bang sabihin ko na si Zero One ang orihinal?" tanong ni Echezen.

Biglang nangilid ang luha sa mga ni Emerald.

"Si Double Zero ang orihinal. Si Zero One, nabuhay lamang dahil sa kapangyarihan ko."

Umiling si Emerald. Kasabay noon ang tuluyang pagpatak ng kanyang mga luha.

Ayaw niya talagang paniwalaan iyon. Dahil kung totoo iyon may posibilidad na kapag nawala ang kapangyarihan ni Echezen mawawala na rin si Zero One.

"Bakit mo kasi siya minahal? Hindi ka dapat nagmahal ng isang nilalang na hindi naman totoo."

"Nagkakamali ka!" Napalakas ang boses ni Emerald. "Siguro nga hindi totoong tao si Zero One, pero ang pag-ibig niya para sa akin, alam ko na totoo iyon. At ako rin. Totoo ang pagmamahal ko para sa kanya!"

"Pero anong gagawin mo kapag nawala siya?"

Napakagat ng labi at napakuyom ng kamao si Emerald.
Siyempre, wala siyang sagot sa tanong na iyon.

"Sa oras na tanggalin ko ang kapangyarihan ko kay Nikela, maglalaho na si Zero One. Ayos lang ba iyon sayo?"

Hindi nakasagot si Emerald. Napatungo lang siya.

"Pero puwede rin naman mangyari na si Double Zero ang maglaho basta mahihigitan siya ni Zero One."

Muling napatunghay si Emerald matapos iyong marinig.

"Ang problema, mahirap mahigitan si Double Zero. Siguradong alam mo iyon dahil sinubukan mo na iyong gawin, tama ba?"

Alam pala ni Echezen ang mga nangyari, naisip ni Emerald.
Ngayon may hinala na siya na may ideya na si Echezen sa nararamdaman niya.

Oo, gusto niyang makasama si Zero One, wala iyong duda. Pero parang di ata kakayanin ng konsensiya niya kung si Double Zero naman ang mawawala.

Gayunpaman, ayaw niya na manatiling walang ginagawa.
Iyon ang rason kaya gusto niyang makausap si Double Zero. Upang alamin dito kung ano pang puwede niyang gawin para makasama si Zero One.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang naiisip kong solusyon?"

"Ah!" Muling napatitig si Emerald kay Echezen.
Tama siya. Alam nga nito ang nararamdaman niya.

"Ang nakikita kong paraan para di ka na magkaroon ng problema ay ang paibigin at mahalin din si Double Zero."

"Ano?" Nagulat si Emerald sa sinabi ni Echezen.

"Kung iibig sayo si Double Zero,  hindi ka na niya sasaktan. At kung mamahalin mo siya, hindi ka na mangangamba kahit mawala pa si Zero One."

"Imposible ang sinasabi mo!" giit ni Emerald. 

Oo, napaka imposible noon.
Paano niya mamahalin ang gaya ni Double Zero?
Si Zero One lang ang nagmamay-ari ng puso niya. Si Zero One lang ang kanyang Nikela.

"Kung ayaw mo sa solusyon ko, wala na akong magagawa para tulungan ka," sabi ni Echezen bago ito tumalikod. "Puntahan mo na lang ako kung gusto mo nang makatanggap ng kapangyarihan," sabi nito bago ito tuluyang lumisan.

Naiwan ang naguguluhang si Emerald.

Mali ba na minahal kita, Nikela? naiiyak na tanong niya sa sarili.

Nagpalit ng damit si Emerald.
Kinuha niya rin ang kanyang espada.
Ito ay dahil nais niyang bumisita sa Seventh Region. Gusto niyang makausap si Mary.
Gusto niyang humingi ng payo rito.

Tiwala siya na magagawa nitong pagaanin ang kanyang loob.

Palabas na si Emerald nang makasalubong niya si Mia.

"Ah, Mia..."

Tiningnan siya ni Mia. "Bakit ganyan ang suot mo? Saan ka pupunta? "

"S-Sa Seventh Region," mabilis niyang sagot.

"Ano?" Lumapit sa kanya si Mia. Binulungan siya nito. "Hindi puwede. "

Napatingin si Emerald kay Mia.

Matagal na rin mula nang una silang magkita. Matagal na rin iyong araw na muntik na siyang mamatay dahil dito.

Huwag mong sabihing may balak na naman itong masama?

Agad na hinawakan ni Emerald ang kanyang espada.

Biglang napatawa nang malakas si Mia.

Napakunot ng noo si Emerald. Bakit siya tumatawa? tanong niya sa isip.

"Ang ibig kong sabihin, hindi ka puwedeng umalis ng walang paalam," linaw ni Mia.

"Kung gayon, magpapaaalam ako!" sabi ni Emerald.

"Kanino ka naman magpapaalam? Wala si Double Zero kaya walang magbibigay sayo ng pahintulot. "

"Kay Double Zero lang ba ako puwedeng magpaalam?" duda si Emerald.

"Siyempre sa kanya lang, dahil Rose ka niya," sagot ni Mia.

Sa lagay na iyon wala ngang magagawa si Emerald. Hindi siya makakaalis.

Ngumiti si Mia. "Pero huwag kang mag-alala. Puwede kitang ipagpaalam kay Dustin."

"Kay Dustin?"

"Hintayin mo ko. Ipagpapaalam kita."

Umalis si Mia.

Naiwan si Emerald na nakakunot ang noo.
Kung minsan talaga hindi niya maunawaan si Mia.

Pinayagan ni Dustin si Emerald na pumunta sa Seventh Region sa kondisyon na babalik din ito kinabukasan.

Nagprisinta si Mia na ihatid si Emerald gamit ang karwahe.

Ayaw sana ni Emerald, pero mapilit si Mia.

Iniisip ni Emerald kung bakit kailangan karwahe pa na hinihila ng kabayo ang sakyan nila? Bakit di na lang sasakyan na de makina gaya ni Joross? Sigurado naman na meron noon sa palasyo.

"Mas magandang sumakay sa ganito. Mas nagmumukha tayong prinsesa," sabi ni Mia.

Hindi na lang nagsalita si Emerald, pero sa isip niya nag-aalala siya kung makakarating ba sila nang maaga.

"Huwag kang mag-alala. Mabilis tumakbo ang mga kabayo natin kaya makakarating agad tayo sa Seventh Region," pangako ni Mia.

Dahil doon, napanatag na rin si Emerald.

Sa buong byahe nila, hindi nagsasalita si Mia. Diretso lang ang tingin nito. Tumitingin naman ito paminsan minsan kay Emerale ngunit walang sinasabi.

Hindi sigurado si Emerald kung ikatutuwa niya ito o ipag-aalala.
May binabalak na naman bang masama si Mia?
Ah, wala naman siguro.

"Hindi maganda ang pakikitungo sayo ni Double Zero, tama ba?"
Malayo na rin ang nalakbay nila nang itanong iyon ni Mia.

Bahagyang nagulat si Emerald sa biglaang tanong na iyon kaya di agad siya nakasagot.

Tumingin sa kanya si Mia.

Doon na sumagot si Emerald. "Galit sa akin si Double Zero. Hindi naman kasi siya ang pumili sa akin para maging Rose kundi si Zero One."

"Pero si Double Zero ang orihinal."

Napakagat ng labi si Emerald. Narinig na naman kasi niya ang bagay na iyon. Ang bagay na kumukurot sa puso niya.

"Alam mo ba..." Tinitigan ni Mia si Emerald. "Tuwang-tuwa ako na makita ka na pinahihirapan ni Double Zero?"

"Eh?" Natigilan si Emerald.

Kasabay noon ang pagngisi ni Mia.

Dito na nakaramdam ng kaba si Emerald. Hinawakan niya agad ang kanyang espada.

Ang esapada ko...
Wala ito sa tabi niya.
Nasaan ang espada ko?
Nagpalinga-linga si Emerald para hanapin ang espada niya. Nasa tabi niya lang kasi ito kanina.
Nasaan na ito.

Tumingin siya kay Mia.
Nakangiti pa rin ito.

Hindi kaya....

Naghinala na si Emerald.

"Mia!"

"Huwag natin tigilan, Emerald."

"Ha?"

"Ituloy natin ang pagpapahirap sayo ni Double Zero."

Tila pinasok ng malamig na hangin ang dibdib ni Emerald matapos iyong marinig.
Lalo pa siyang kinabahan nang biglang huminto ang karwahe.
Napanganga siya nang makita na hindi sila sa Seventh Region pumunta.

"N-Nasan tayo?" gulat na tanong ni Emerald.

Lumapit sa kanya si Mia at hinawakan ang kanyang kamay.

"Ahh!" Napasigaw si Emerald nang hiwain ni Mia ang kamay niya.

Agad iyong nagdugo. Halos matakpan noon ang marka na inilagay roon ni Nikela.

Itinulak siya ni Mia pababa ng karwahe.

Bumagsak siya sa buhanginan.

"Mia!" tawag ni Emerald.
Gusto niyang pigilan si Mia sa kung anomang binabalak nito, ngunit huli na. Mabilis na nakaalis ang karwahe.

"M-Mia..." tawag pa ni Emerald. Hanggang sa huli, gusto niyang maniwala na hindi ito magagawa sa kanya ni Mia, ngunit mukhang mali siya. Minsan na siyang tinangkang patayin nito kaya di malabong gawin nito uli iyon.

Pero nasaan ba siya?

Tiningnan ni Emerald ang paligid.

Nasa gubat siya. Isang patay na kagubatan. Nasabi niya iyon dahil mabuhangin ang paligid. Patay din ang mga puno sa paligid.

Anong region ito?

"Ah!" Muling naramdaman ni Emerald ang hapdi dulot ng paghiwa ni Mia sa kanyang kamay. Ayaw tumigil ng pagdugo nito kaya napilitan siyang kunin ang kanyang bandana at itali rito.
Dito na naisip ni Emerald ang dahilan kung bakit sinugatan siya ni Mia. Iyon ay upang matakpan ang marka niya na magpapatunay na isa siyang Rose.

Mukhang alam na niya ngayon kung nasaan siya.

Nakaramdam ng pagsikip ng dibdib si Emerald.
Ilang saglit pa, nawalan na siya ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

77.2K 4.9K 44
Upon coming back to Del Fuego, they found out everything has gotten worse. In a short span of time, the townspeople turned into aggressive creatures...
1.8M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
558K 18.3K 33
paano kaya yung dating biro mo lang na nawalan ka ng alala ay maging totoo? Paano mo hahanapin ang nawala mong alala? at paano mo haharapin ang mga...
142K 4.1K 66
2nd Installation of Musical Academy! Highest Rank Achieved: #3 in Musical #248 in teen-fiction #81 in Academy