My So Strict Boss (Bachelor S...

By Aljane_Rose

14.2M 294K 17.8K

"When you signed that contract, it meant that you are mine. So don't let others talk or even touch you becaus... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Message: Read or Not
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Pasasalamat 💕

Chapter 61

161K 3.2K 321
By Aljane_Rose

Lagi na akong nagrereview kaya wala na akong time magsulat. Pasensya na talaga. Yung isang story ko last year pa ako nag-update kaya sana maintindihan niyo kung minsan hindi ko agad maituloy ito.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Pumasok ako at nakasakay na rin siya. Lalabas kami ng walang anumang plano na hinanda si Clyde. Hindi ko naman kailangan ng magarbong date na ginawa niya noon basta magkasama kami ngayon, masaya na ako.

"Baby, kumain na muna tayo ng lunch. Hindi ka pa kumakain ng breakfast at cake na agad ang kinain mo. Saan mo ba gusto?"

"Ikaw na ang bahala."

May nadaanan kaming restaurant. Naghanap kami ng space sa parking area. Ang dami na kasing kotse rin nakapark dito.

May nakita akong table na wala ng taong gumagamit kaya kinuha ko ang kamay niya para pumunta doon. May dumating na waiter sa table namin at binigay ang menu.

Binigay na namin ang order sa waiter. Nakatingin ako sa labas at pinapanood ang mga sasakyan na dumadaan ng kunin ni Clyde ang kamay ko at mahigpit niya ito hinawakan.

"Saan mo gustong pumunta ngayon, Sandra?"

"Hindi ko alam, baby. Sabi ko naman sayo na kahit saan mo ko dalhin ngayon, okay lang."

"Sa simbahan tayo pupunta at papakasalan ka, okay lang sayo, baby?"

"Clyde..."

"Sige, titigil na. Date muna tayo tapos iyon naman ang susunod kapag napapayag na kita, baby. Kailan ko ba malalaman kung papayag ka na?"

Hinawakan ko ang necklace na bigay niya na ang pendant ay ang engagement ring na gusto na niya makitang isuot ko. Gusto ko na rin pagbigyan ang gusto niya pero hindi ko pa nakakausap sila daddy at mommy. Hindi ko pa natatanong ang mga pinsan ko kung nasabi ba nila na may boyfriend ako, baka mabigla sila kung sasabihin ko agad na magpapakasal ako. Nang pinili kong magtrabaho dito sa pilipinas ay wala akong boyfriend tapos pag-uwi ko may ipapakilala na akong fiance ko. Baka magalit sila lalo na si daddy.

"Kapag sinuot ko itong binigay mo, Clyde. It means 'I will marry you'."

"I will wait for that time, Sandra. If you want a grand wedding, I will make it happen just to make my future wife happy in our special day."

Dumating na ang order namin. Pagkakita ko sa order ko. Napatakip ako ng bibig at gusto kong masuka. Hindi ko kayang titigan ito. Inilayo ko sa akin at tumayo para hanapin ang CR. Hindi ko na nasagot si Clyde ng tawagin ako. Pumasok ako sa isang cubicle at hinintay kung matutuloy ang pagsuka ko.

Kapag naiisip ko ang itsura ng order ko. Gustong lumabas ng kinain ko. Ang hirap nga lang, wala pa akong kinakain maliban sa cake kanina. Lumabas na ako at naghilamos. Ayoko ng bumalik sa table namin kung makikita ko iyon.

"Baby, are you okay?"

"What are you doing here? It's a lady's restroom. Lumabas ka dito, Clyde! Mapapagalitan ka ng mga papasok dito. Hindi pwedeng pumasok ang mga lalaki sa lugar na to."

"Wala akong pakialam, Cassandra. Mas mahalaga ka kaysa sa kanila. Nag-aalala ako sayo kung bakit bigla ka na lang umalis. May masakit ba sayo?"

"Masakit lang ang sikmura ko. Ayoko ng bumalik sa table natin, Clyde."

"Magpapalipat na lang ako ng table. Kailangan mong kumain para hindi na sumakit ang sikmura mo."

"Hindi naman yung table ang problema, yung pagkain na order ko. Nasusuka ako kapag nakikita ko iyon, baby. Ayokong umalis dito kapag makikita ko pa iyon sa table natin."

Lumabas ito at iniwan ako. Hindi talaga ako lalabas dito kapag nandoon iyon. Kahit gusto ko ang mga order ko parang bumabaliktad ang sikmura ko ngayon. Hindi ko makayanan na titigan ito.

Bumalik siya at sumama na ako. Wala na ang mga kinaaayawan kong makita. Nakita ko ang order niya. Gusto ko iyon. Tinikman ko ang order niya. Masarap ito.

Kinuha ko ang order niya at sinimulan ng kainin. Umupo na rin si Clyde at pinagmamasdan ako. Sinubuan ko siya at kinain niya. Ang cute ni Clyde. Inulit ko ulit at hindi na tinigilan hanggang maubos ito. Gusto ko pang makitang kumain siya. Gusto kong pisilin yung pisngi niya kapag ngumunguya siya.

Dumating ang panibagong order ni Clyde. Susubuan ko na sana siya ulit kaso umayaw na ito. Sa susunod na lang, nagugutom na ako. Hindi ko na rin mapipilit ang gusto ko at aalis pa kami. Nang matapos ako, nagbayd na siya at umalis na kami.

"Clyde, sa amusement park na lang ulit tayo pumunta."

"Gusto mo ba doon? It's fine with me."

Mas gusto kong bumalik doon. Naalala ko ang ginawa namin noong first date namin. Mas maganda kung ito na lang ang second date namin, naputol ang dapat gagawin namin dito sa nangyaring nakasama ko si Lancen at hindi siya pero bumawi naman siya bago matapos ang araw na yon.

Bumaba na ako ng kotse at hinintay si Clyde. Maraming tao ang nagpunta ngayon. Pumunta na kami sa ticket booth para makapasok. Marami kaming nakakasabay na pumasok. Lahat naman kami makakapasok pero ang iba ay nakikipag-unahan pa. May nakakabangga na sa akin at ang nakakainis hindi marunong magsorry.

Umakbay sa akin si Clyde. Kapag may makikita siyang taong makakasabay ko ay nilalayo ako para paunahin at para hindi ako masaktan.

"Kung hindi lang ako nakapagtimpi, kanina ko pa tinulak ang mga lalaking binubunggo ka."

"Mabuti naman na hindi mo na ginawa iyon, Clyde. Mapapaaway ka pa."

May mga bagong stuff toys na nakasabit sa mga stall. Ang mga pwedeng mapanalunan kapag nagawang gawin ang bawat game nila. May nakita akong white tiger at gusto ko itong iuwi. Hinatak ko siya doon para ituro ang gusto ko.

"Clyde, I want that white tiger stuff toy."

Kinausap niya ang nagbabantay sa stall. Nakatingin lang ako sa gusto ko. Mukhang malambot ito at masarap yakapin. Isa na lang din ito kaya gusto ko itong makuha.

"Magkano ang white tiger stuff toy na yan?"

"Pasensya na po, Sir. Hindi po pinagbibili ang sinasabi niyo. Prize po yan kung sino ang makakagawa ng game namin."

"Name your prize. Kahit ito pang buong stall niyo babayaran ko, makuha ko lang ang gusto ng girlfriend ko."

"Hindi po talaga pwede, Sir. Marami na rin po ang gustong kumuha niyan kaya lang hindi po nila makuha. Hindi naman po tamang ipabayad ko lang sa inyo kung naghirap ang iba."

Tumingin ako sa game na sinasabi niya. May mga gumagalaw na worm at dapat makasuot ng limang ring sa mga iyon. Ang mahirap lang ang liit ng ring. Pumayag na si Clyde pero nagtaka sa binigay na ring sa kanya.

"Why is it too small? It should be a size of hula-hoop to win this game. Damn, I don't know if I can give the stuff toy to her."

Nakailang try na siya pero walang nangyayari. Naiinis na ito at nang ihagis ang huling ring na hawak niya naipasok niya. Nakaisa siya.

"Yes! I can do this!"

Hindi ko na mabilang kung nakailang ring siya. May mga taong napapatingin sa kanya pero nakafocus lang siya sa ginagawa niya. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng picture. Nakakatuwang makita na naglalaro siya ng ganito para lang makuha ang gusto ko. Isa na lang ang kailangan niya para mapanalunan ang gusto ko. Last ring na lang ng hawak niya. Sana pumasok...

"Yes!"

Nagawa niya. Binigay ng nagbabantay ang white tiger sa kanya. Nakangiti itong lumalapit sa akin at hawak ang gusto ko.

"Baby, nakuha ko ang prize na gusto mo. Paano naman ako, wala ring prize?"

Tumingkayad ako at hinalikan siya sa labi. Ngumiti ito habang nakadikit pa rin ang labi ko sa kanya. Binigay niya ang hawak niya at niyakap ko. Ang lambot at ang sarap yakapin.

"Kulang pa yung prize ko, baby. Mamaya na yung kabuuan kapag umuwi na tayo."

Hindi ko siya sinagot dahil sa yakap ko. Iingatan ko itong pinaghirapan niyang makuha para sakin. Naghanap kami ng bench na nagkalat sa buong amusement park. Ang tagal rin ng inabot namin sa stall. Nagugutom na naman ako.

"Clyde, nagugutom na ko."

"Anong gusto mo?"

"Kahit ano basta yung drinks, gusto ko ng strawberry shake."

Pinaiwan niya ako kaya tinitingnan ko na lang ang mga tao dito habang hinihintay siya. Mas maraming bata ang nandito kasama ang family nila. May mga teenagers din na halatang couples sa mga ayos nila na magkapareho ang mga suot. Gusto ko ng mga ganoon kaso alam ko naman na hindi ko mapapayag si Clyde. Baka magalit pa kapag pinilit ko siya.

Napatingin ako sa nagtitinda ng cotton candy. Gumagawa ito ng mga bagong ititinda. Iba-iba ang kulay ng gawa niya. Naaliw ako sa panonood sa kanya. Napansin ko rin na hindi ito katandaan at parang teenager pa ito. Habang tumatagal nagiging cute siya sa paningin ko. May itsura naman kasi siya at may mga babae rin na bumibili at nakikipagkwentuhan sa kanya.

"Sino ang tinitingnan mo, baby?"

"Clyde, tingnan mo yung lalaking nagtitinda ng cotton candy, ang cute niya habang gumagawa. Gusto ko tuloy siyang iuwi." May dimple ito sa pisngi kaya lalong nakakatuwa siyang titigan kapag ngumingiti.

"Kumain ka muna at huwag mo ng tingnan yon. Ako na lang ang titigan mo at hindi rin pwedeng iuwi natin ang batang yon. Hindi ako papayag."

Kumain kami pero nakatingin pa rin ako sa nagtitinda ng cotton candy. Hindi ko sinunod ang sinabi niya na siya lang ang titigan ko. Tapos na ang pagiging cute niya kanina. Ito muna ang papanoorin ko.

"Why I felt so threaten to that kid!Sandra, ako lang ang dapat tingnan mo."

"Clyde, huwag kang maingay dyan. Kumain ka na lang."

Natapos kaming kumain at hindi ko na narinig na nagsalita siya. Nagtagal pa kami sa bench na to. Hindi ko napansin na wala na akong katabi at nakitang lumapit si Clyde sa kanina ko pang tinitingnan.

Kinausap niya ito. Umalis yung cute na teenager at nagulat ako na pumalit siya. Tinuruan siyang gumawa. Lumapit ako sa kanila. Ano ba ang pumasok sa isip at ginawa niya to?

"What are you doing?"

"You said that he is cute when making this cotton candy, If I have to do this to make you look at me then I have to do this thing."

Nakagawa siya at nilagay niya sa plastic at binigay sakin. Umalis na rin ito sa pwesto ng teenager at pinagpatuloy na nito ang ginagawa. Nagbigay si Clyde ng pera sa bata at nagpasalamat sa kanya.

"Titingin ka pa ba sa iba, baby?"

"Hindi na kung nandyan ka naman, Clyde."

~¤💞¤~

Naiwan kaming tatlo sa office at nagkusa na sila Hanz at Brix na bumili ng lunch namin. Sinabi na lang namin ang order at sila na ang bahala sa bayad. Panatag kami na hindi nila dadagdagan ang presyo, hindi naman nila ginagawa yon kapag kasama ako sa ibibili nila.

"Cass, kamusta ang araw niyo ni Sir kahapon?"

"Okay lang."

"Nagdate kayo no? Saan? Nakakaexcite naman kung saan ka dinala ni Sir. Siguro sa first class hotel o kaya kilalang restaurant."

"Hindi naman kami nagpunta sa mga sinabi mo, Laurel. Ayoko rin pumunta sa mga lugar na yon kung yayayain ako ni Clyde. Ang mahal ng pagkain don."

Bumalik na si Kim at sumali sa usapan namin, " Ano ang pinag-uusapan niyo? Isali niyo ko."

"Tinatanong ko sa kanya kung saan siya dinala ni Sir. Nagdate daw sila kaya hindi pumasok kahapon."

"Sagutin mo na, Cassandra. Curious rin ako kung saan at sabihin mo kung ano ginawa niyo."

Para silang mga detective kung magtanong. Wala namang masama kung sasabihin ko sa kanila.

"Sa amusement park kami pumunta."

Nakakatawa ang itsura nila. Parang hindi sila makapaniwala na iyon ang pinuntahan namin. Ang saya kaya sa mga lugar na yon. May napanalunan pa si Clyde.

"Hulaan ko ikaw ang nagsabi na doon kayo pumunta no?! Grabe ka, ano ka bata? Pinapunta mo si Sir sa mga ganoon lugar."

"Wala namang masama sa pinuntahan namin, Kim. Dalawang beses na nga naming pinuntahan yon. Nanalo pa nga si Clyde ng stuff toy."

Kinuha ko ang cellphone ko na may picture ng white tiger. Nakita nila at tumili si Laurel kaya pinalo ni Kim ito.

"Ang cute naman. Ang hirap makuha ng mga ganyang kalaking stuff toy, Cass. Ang sweet talaga ni Sir. Gusto ko rin ng ganyan. Isama ko kaya si Sir kapag pupunta ako sa amusement park para may ganyan din ako. "

"Maghanap ka muna ng boyfriend para may mahatak kang maglalaro. Alam mo naman na exclusive si Sir sa kaibigan natin, gusto mo pang isama. Takot ka nga kay Sir, gusto mo pang isama."

"Lahat ng sabihin ko may patama ka, Kim. I dare you! Ipakuha mo kay Sir Alex yung katulad ng stuff toy ni Cass. Bibigyan kita ng 3000."

"Ang cheap naman. Hindi ko rin naman boyfriend yung kidnapper na yon kaya sayo na yang pera mo. May pera naman ako."

Dumating na ang hinihintay namin. Binigay sa akin ang styro ng order ko. Pagkabukas ko, mali ang nabigay ni Brix. Baka wala ang pinabili ko. Nag simula na akong kumain. Masarap rin pala itong inorder nila.

"Cassandra!"

Nagulat ako sa pagsigaw ni Brix. May hawak itong styro at nakita yung laman. Yung order ko. Nagkapalit kami.

"Ito yung sayo! Sakin yan, Cassandra."

"Palit na lang tayo, Brix. Ayoko na yang hawak mo."

May naalala ako kapag nakikita ko yung hawak niya yung pagkain na nasusuka ako sa restaurant kahapon.

"Hindi ako kumakain nito. Hanz, palit tayo."

"Huwag mo akong idamay. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ikaw ang kakain ng hawak mo. Hindi mo tiningnan muna bago binibigay sa amin. Magdusa ka."

Sorry, Brix. Nagustuhan ko yung order mo. Napilitan itong kainin. Wala ring may gusto ng order ko kaya wala siyang choice. Nahihilig ako sa mga puting pagkain ngayon. Nagtataka na ako sa sarili ko.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 5.1K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
1.7M 66.9K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
238K 4.3K 22
Dice and Madisson
109K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...