Tasio'ng Mangkukulam

由 ReincarnatedBlue

16.3K 594 58

Telt Asian... Lugal na kapag napuntahan mo'y kailangan mong mag-ingat ng mabuti, dah... 更多

Prologue
Chapter 1 - Prinsepeng Mangkukulam
Chapter 2 - Sampung Sangkap
Chapter 3 - Simulan ang Paghahanap
Chapter 4 - Briguda
Chapter 5 - The Mangkukulam and the Stalker
Chapter 6 - Hums
Chapter 7 - Tadhana
Chapter 8 - Cellphone O_O!
Chapter 9 - Brosiyus
Chapter 10 - Ang Apat ng Nakaraan
Chapter 11 - Mamamangka
Chapter 12 - Avocar
Chapter 13 - Bats' Killer
Chapter 14 - Tsismosa's Revelation
Chapter 15 - Yrixon
Chapter 16 - Killings
Chapter 17 - Nekoruk
Chapter 18 - Ang Isinumpang Pangalan
Chapter 19 - Friend Ship's Sank
Chapter 20 - Stalker's Karma
Chapter 22 - Tecsh University
Chapter 23 - STL
Chapter 24 - Yage
Chapter 25 - Unang Lusob
Chapter 26 - Tala
Chapter 27 - Ang Siyam na Alay
Chapter 28 - Taksil
Chapter 29 - Digma ng mga Asian
Chapter 30 - Pangalan ng Kamatayan
Chapter 31 - Telt Asian
Epilogue
R.Blue's Note
Book 2 : MYTH OF NEKORUK
Chapter 28 Illustration added

Chapter 21 - Lobiosia

252 14 2
由 ReincarnatedBlue



-JASMINE's PoV-

"Damn you ugly f*ckin bastard!" sigaw ni Carl habang bumabangon.

"Go babe, show him what you've got," tsaka nagtaas ng kilay si Kathny. Aba, ang kapal din ng mukha nitong isang 'to! Kumukulo talaga ang dugo ko. Sino siya sa akala niya?

Ipakulam ko pa siya sa labidabs ko eh. Lalapit na sana ako sa impakta pero may humawak sa balikat ko.

"Huwag nang sayangin ang alon ng 'yong lakas apo ng Iya'y," napatingin naman ako sa kanya. "Mikey." dagdag niya.

So siya pala si mang Mikey? Ang dating tinirhan ni Johny.

"Sino ka para lapatan siya ng kamay?" malamig na tugon ng labidabs ko kay Carl na ngayon ay biglang ngumisi.

"The slug manage to find a call boy, hasn't she?" saad ni Carl. Napangiti naman si Kathny ng pagkalandi-landi. Ang sarap-sarap niya talagang ingudngud ulit!

"Slug? By whom do you refer that word?" ang galing talaga ng labidabs ko! Oh my! Dili ako makapaniwala! Hala! Nahahawa na 'ko kay Yaya. "To your ugly iguana looking girlfriend or to your own self ugly little garbage?"

At biglang may lamesang umangat at humampas bigla kay Carl kaya tumilapon ito.

Nag smirk naman bigla si Tasio. Ang... Ang gwapo niya! Shocks naiihi ako!

Tumulo naman ang dugo sa labi ng ngayo'y walang malay na si Carl.

"This is-- you're a demon!" nanginginig na saad ni Kathny habang tila baliw na tinuturo si Tasio.

"Sinampal mo siya," malamig ulit na tugon ng labidabs ko at nang makita ko nalang ay biglang may nagsiliparang mga karayom mula sa kanya at lahat ng 'yon ay...

"Ahh! Ahhhh!!" tumusok sa tumitiling si Kathny.

"Hindi tao 'yan," tsaka ko lang napagtantong marami palang nanood sa 'min dahil sa mga bulungang narinig ko.

"Tayo na," mahinang sabi ni Tasio at nang hawakan niya kami ni mang Mikey ay biglang may pwersang humila sa 'min.

"Paano ang mga nakakita?" Tanong ko.

"Nandito lang ang Cor sa paligid, ang ama ni Nhero, siya na ang bahala." Sagot naman ni mang Mikey.

Cor? Ama ni Nhero?

.....

"Ano ka sa tingin mo para hilahin ako Tasio? Mamamatay ka! Papano mo nagawang kulamin ang buong kaharian?" napatigil siya sa paglalakad pati na rin si Mikey. Oo kinikilig ako kanina pero dapat kong malaman ang lahat.

"Kulamin ang buong kaharian?" nakakunot noo niyang tugon. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Huwag ka nang mag maang-maangan Tasio! Ikaw ang may gawa nun at alam kong alam mo 'yon. Pagkatapos mong patayin si Johny ay--"

"Ay umalis kami ni Mikey papunta sa lugar na 'to," pagpuputol niya sa sinabi ko.

"Huwag kang magsinungaling!" napatingin naman ang ibang tao sa gawi namin dito sa isang park kung sa'n kami nag teleport mula sa restaurant.

"Makinig ka Arkidia. Hindi mo ba naaalalang sinabi ng Iya'y na hindi na nagagamit ng ina mo ang kahit na anong kapangyarian niya? 'Di ka ba nagtataka kung bakit bigla kayong lumutang nang mahulog kayo kay Dovero nung lumiit siya ng umuwi kayo? 'Di ka ba nagtanong man lang kung sino ang narinig mong nagsalita sa kwarto ng mga magulang mo? At kung sino ang nakita mong papunta ng c.r nung nag-uusap sina Myrna at ng impakta?" biglang nag fla-flash sa mind ko ang mga scenes na sinasabi niya.

"Ako 'yon Arkidia, ako ang gumawa nun, ang narinig mo at ang nakita mo."

Bigla akong natahimik. Maniniwala ba dapat ako?

"Pero kasi, n-nakita nilang ikaw 'yong pumapatay. Nakita nila ang mukha mo," napakunot ang noo nila ni mang Mikey pareho.

"Alam n'yo, mas mabuti sigurong kausapin natin ang mga sakop ng Telt Asian sa lugar na ito," sabi bigla ni mang Mikey. "Ang mga magulang mo Jasmine."

Pagkatapos din nun ay hinawakan ulit kami ni Tasio at maya-maya'y nasa bahay na kami. Kung sa bagay, malapit lang pala ang bahay namin sa park na 'yon kanina. Ang gulo-gulo na ng isip ko. Kailangan ko ng mga kasagutan upang malinaw ang isipan ko.

"Tasio, Mikey! Kamusta ang paghahanap n'yo ngayon? Hayaan n'yo at mamaya pa siguro uuwi si--" saad bigla ni mommy habang tinitignan si Tasio tapos si mang Mikey at... "--JASMINE?!"...ako.

"Alam mo na anak?" tanong ni mommy habang umuupo sa sofa dito sa sala.

"Hindi niya pa alam Ginang Easar," saad ni labidabs tsaka umupo na din. Ang, ang manly niya! "Ang ibig kong sabihin ay ayaw niyang malaman mula sa 'min." dagdag niya.

"Kung ganun, tatawagin ko lang si Yaya Linda upang siya na ang magkuwento." suggestion ni mommy.

"'WAG!" sabi naming tatlo in chorus sa sinabi ni mommy. Tapos eh nagkatinginan pa kami at sabay na napatawa.

"Hahaha! Biro lang--" pero naputol ang sasabihin ni mommy nang biglang...

"Hehe, nadeneg ko 'yon!" tsaka umupo din si Yaya sa sofa. Huwaah! This is a disaster!

"Esang araw kase eh omowe ako galeng markit tapos eh pagkarateng ko deto ay! May naketa naman akong gwapo oi!" tsaka humagikgik si Yaya. Waah baka 'di ko lang ma gets eh.

"Ako na po Yaya, balekan-" tsaka iniling ni mommy ang ulo niya. "Este balikan n'yo na ang niluluto mo.."

"Ay oo nga pala, sege po ma'am ha, bay bay!" tsaka tumayo na si Yaya at bumalik ng kusina.

"Nakakahawa," tsaka nagtawanan uli kami.

"Sa'n na ba tayo? Ahh, 'yon nga... Since nalaman ko nang nagbalik na si Eruck ay tinulungan ko na ang dalawang bobong 'to," napayuko naman sina Mikey at Tasio.

"Matagal na sila dito sa bahay at nauna pa sila dito sa 'kin mula sa Telt Asian pero 'di ko manlang nahalata?" tanong ko na tinanguan ni mommy.

"Therefore, bobo ka din anak," wow, grabe siya. Nagmana lang naman ako sa kanya eh, hehehe.

"Pero, papano natuto ng English ang dalawang 'to?" tanong ko nalang. Salamat at medyo gumagaan na ang pakiramdam ko lalo na't alam kong hindi siya ang pumapatay.

"Itanong mo sa dalawang bobong 'yan," tsaka nakangiting umalis si mommy.

"So?" tanong ko sa kanilang dalawa. Siniko naman ni Tasio nang marahan si mang Mikey.

"Ah, sabi ko nga ikukuwento ko," tsaka nag clear throat si mang Mikey. "Alam mo ba kung ano'ng unang dialect ang itinanong niya? Ha Jasmine?"

"Huwag na huwag mong itutuloy 'yan Mikey," madiin na sabi ni Tasio.

Tumayo naman si Mikey at pumunta ng hagdan. "Sensitive Jasmine! Sensitive! Hahahaha!"

"Papatayin kita Mikey!" pero tumakbo na paakyat ng hagdan si Mikey na sinundan ni Tasio. Sensitive pala ang first word na tinanong niya?

"WHAT?! SENSITIVE? Waaaah!" ang loading mo kasi Jasmine eh. Ang puso ko, ang bilis!

-ROSOLINA's PoV-

Ganito pala ang mukha ng lugar na 'to. Ang pangit. Talagang sinira nila ang kalikasan para sa mga ito? Sa mga tinatawag nilang building at kalsada. Kumukulo ang dugo ko.

"Wooh!!!" rinig namin ang mga nakabibinging hiyaw ng kasiyahan ng mga tao. Sumasayaw sila na parang mga baliw sa ilalim ng patay sindi na mga ilaw. Nakakadiri sila! Mga walang respeto sa kanilang sarili. Mga nilalang ng modernong lugar na ito na hindi na dapat binubuhay.

"Mga bampira ko, patayin silang lahat!" at ang hiyaw ng kasiyahan ay napalitan ng sigaw ng kamatayan. "Hahahahaha! Hehehehe! Hohohoho!"

-JASMINE's PoV-

Kaya pala, alam ko na kung papano natutong mag-English ang dalawa. Kasi tinuruan sila ni mommy at ang pang blackmail niya is ang pangalan niya. Sasabihin niya daw ito kung 'di sila makikinig. Bumabalik na sa dati ang tingin ko kay Tasio. Hindi siya ang tunay na pumapatay. Teka nga, ba't ang lamig 'ata ngayon?

"Ang strange po ng mga nangyare, madameng tao ang nawala kagabe at dili lang 'yon huh, may baleta pa na bampayrs daw ang gomagawa nun. Waah, baka maketa ko se Edward ko! Ahehehe!" at kilig na kilig na humigop ng kape niya si Yaya habang nanginginig pa. "Ang lameg 'ata?"

Bigla namang pumasok si mommy na nanginginig din sa lamig.

"Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko," at biglang kumuha ng carrots si mommy sa ref at excited na sinabing... "May snow sa labas! Gagawa akong snowman!"

Snow daw? Huuuweeh? Agad akong lumabas ng bahay at...

"Waah, may esnuw nga Jasmine! Hahaha!" at tumakbo palabas ng bahay si Yaya. "Ma'am, ma'am, 'Do yoo wanna beld a esnuwman? Kamun lits gu en ple! I neber see yoo enemur! Dyas layk you're die awee!"

Di sa lamig dudugo ilong ko eh, kundi kay Yaya.

"Makapal ba ang balat mo?" napalingon naman ako kay Tasio. At ito na naman tayo, magtatanong na naman siya ng out of nowhere na question.

"Hah?" sagot ko nalang. Nag 'tss' naman siya at hinagisan ako ng makapal na makapal na jacket. "Aray ha! Ang sweet, 'di man lang isinuot sa 'kin," pagmamaktol ko.

"Binigyan ka ng dalawang kamay, huwag kang tamad," malamig naman niyang tugon. Tumahimik naman ako. Ayoko ng sumagot eh.

"AAAHH!!!" tili bigla ng tao mula sa malayo kaya napatingin kami sa gawing 'yon. Bigla naman akong may narinig na ungol ng lobo. Kinabahan ako bigla, baka may mamatay na naman.

Isang putok ng baril ang sumunod at isang animo'y pag-iyak ng lobo ang narinig ko.

"Lobiosia..." bulong ni Tasio at bigla siyang binalot ng kayumangging usok.

"Let et go! Let et go! Ay wan wed da wiind and sky! Let et go! Let et go! Never yoo me see cry-"

Bigla ulit nagkaroon ng kayumangging usok sa tabi ko. Si Tasio, bit-bit ang... Teka ano'ng ginagawa ng lobo niya dito?

Agad niyang inilapag sa sofa si Lobiosia.

"Papano 'yan nakarating dito?" takang tanong ko. Si Mikey naman wala dito, may binili.

Hindi ako sinagot ni Tasio. Nakatingin lang siya kay Lobiosia na tila hinang-hina.

"Lobiosia, bakit ka nandito?" tanong ni labidabs ko na puno ng pag-aalala.

"Sinundan ko si Dovero nang inihatid niya ang dalawang dilag dito," sagot ni... Teka, papano ko nauunawaan si Lobiosia? Ang pagkakaalam ko wala naman akong--tama, baka dahil 'yon sa Sednong pinakain sa 'kin ni Pak. Baka nakakain din nun si Lobiosia.

"Bakit mo sila sinundan?" tanong uli ni Tasio.

"Sapagkat hindi ko na alam kung sa'n ka namin hahanapin, maraming mga nangyayari sa kaharian na sinisisi sa'yo Tasio," mahinang sagot ng lobo. "Tasio, kailangan ka namin, palaging may namamatay na paniki sa tuwing may naghahanap sa 'yo." at marahang napapikit si Lobiosia dahil na rin siguro sa pagod.

Nag-iba ulit ang ekspresyon ni Tasio. Malamig na ekspresyon na mas malamig pa sa snow sa labas.

Bigla namang tumunog ang sms ringtone ng cellphone ko. May text 'ata. Kinuha ko naman ito mula sa bulsa ko. Shette, ngayon ko lang naalala na marami palang ti-next si Myrna sa 'kin. Nanginginig ko pang binuksan ang cellphone ko na 'di pinapansin ang text ng network na paubos na daw load ko. Agad kong binuksan ang convo namin ni Myrna.

From Myrna:

[Best, why you are not answering? Best I need you right now]

Nag scroll pa ako...

[Best, go to University right now, there's a big part of bones of Eruck there...]

[Do it best, hurry please, or I'll get it. Please best, or else.. I don't know what will happen to me! Please best!]

Napalunok naman ako ng laway ko. Ang bobo ko, bakit ba kasi 'di ko 'to binasa noon?

[Goodbye best, it's better this way.]

"Magpahinga kalang Lobiosia," saad ni Tasio habang pina-pat ang lobo, napaiyak naman ako. Best Myrna, I'm so so sorry. Ang tanga ko, ang tanga ko!

"T-Tasio," napalingon naman siya at nagtaka kung bakit ako umiiyak. Inabot ko naman sa kanya ang cellphone ko, "Si Myrna..."

-DOVEIA's PoV-

"AMA! Makinig naman kayo!" pero tinuro lang niya uli ako at muli ay tumilapon ako.

"HUWAG... KANG... SINUNGALING!" umiyak nalang ako. Sinabi ko sa kanya ang totoo pero si Doluis parin ang pinakikinggan niya.

"Ama, siya ang pumapatay!" muli ay tumilapon ako.

"Tama na Doveia tama na!" tumayo naman ako.

"Tama ka ama, tama na nga ito," tinignan niya ko ng masama. "Kalimutan mo na ring ako ang tunay na anak mo!" at bigla akong binalot ng puting usok.

"Doveia! Doveia!" sigaw niya. Sobra na ama, sobra na! Palagi ka nalang si Doluis.

Napadpad naman ako sa taas ng isang bangin. Dito na ako humagulgol ng iyak. 'Di alintana ang malamig na nyebe.

"Prinsesa?" at lumapit sa akin ang isang ginang na kaedad ni Iya'y.

"Bakit po kayo lumuluha prinsesa?"

"Wala, wala ito ginang..." sagot ko habang pinapahid ang luha ko.

"Etch ang pangalan ko prinsesa, asawa ni Mikey," tugon niya sa naputol kong sasabihin sana.

"Ito prinsesa," at may inabot siya sa 'kin. Isang kuwentas.

"Ano po ito?" taka kong sagot.

"Isang medalyon, palagi kasing napapagaan niyan ang loob ko," napatingin naman ako sa kuwintas at napagtantong medalyon nga iyon. May kahariang nakaukit dito at sa harap nito'y may nakaukit din na higanteng ibon na panay ang kampay ng pak-pak.

"Salamat po." ngumiti naman siya.

"Walang ano man prinsesa."

-TASIO's PoV-

Binasa ko ang iniabot ni Arkidia. Sa kaytagal naming nanatili dito'y wala pa nga kaming nahahanap na parte ni Eruck.

"Nabalitaan n'yo ba?" saad ni Mikey na kararating lang.

"Hello aym Olap, end ay lav warm hags!" tss... Ang ingay nila sa labas.

"Ang alin mang Mikey?" tanong ni Arkidia.

"Umatake ang mga bampira at si Rosolina," nandito sila? Kung ganun, totoo pala ang sinabi ni Linda. Buweno, kailangan na naming kumilos gayong 'di na rin naman namin tinataguan si Arkidia.

Binuksan ko naman ang aking bibig upang sabihin ng balak ko...

"Mamayang gabi, uunahan natin sila," at alam kong naunawaan nila ang sinabi ko.

"Kasama ka Arkidia," kailangan ko nang matapos 'to.

Gusto ko nang umuwi.

继续阅读

You'll Also Like

345K 10K 69
Ibang mundo ang kinagisnan Dahil sinagip mula sa kaguluhan Walang kaalam-alam sa tunay na katauhan Wala sa mundong kinabibilangan Nagpunta sa mundong...
4.3K 126 16
A girl with a lot of secrets Mga sikretong tiyak na hindi mo pa nanaising malaman pa Nasa kanya na ang lahat...kagandahan, katalinuhan, kaseksihan...
18.8K 276 24
sumisigaw na ang kamatayan
4.8K 136 44
Ang Magical Crystal ay binubuo ng 4 na elemento.. Ang Mystic Land, Breeze Aiross, Flame Mistress at ang Aqua Crystal. Tanging ang Prinsesa lang nang...