The Unexpected You (GayXBoy)

By 2YellowMonster3

69.4K 1.8K 223

May mga taong dumadating sa buhay natin nang hindi naman natin inaasahan, pero ang hindi natin alam isang ara... More

Prologue
T.U.Y-1
T.U.Y-2
T.U.Y-3
T.U.Y-4
T.U.Y-5
T.U.Y-6
T.U.Y-7
T.U.Y.-8
T.U.Y-9
T.U.Y.-11
T.U.Y.-12
T.U.Y-13
T.U.Y-14
T.U.Y-15
T.U.Y-16
T.U.Y-17
T.U.Y-18
T.U.Y-19
T.U.Y-20
T.U.Y-21
T.U.Y-22
T.U.Y-23
T.U.Y-24
T.U.Y-25
READ THIS

T.U.Y-10

2.3K 68 0
By 2YellowMonster3

"We got this crazy chemistry between us."

Chain's POV

"So dito ka pala lumipat Pipoy? Di ka man lang nagbabye saken nun! Kainis ka!" Naglalakad kami ngayon pauwi, sya ang kasabay ko dahil may klase pa si Jeric ngayon. Sinabi nya kasi sa akin na kapag mauuna daw siya o sabay ang labas namin ihahatid nya daw ako.

"Uy Ichi galit ka pa din? Sorry di ko din naman alam na aalis na kami nun eh, iyak nga ko ng iyak nun kasi di na ko makakapag paalam sayo." Sabi nya na mukhang nalungkot naman ang mukha.

"Hahahaha joke lang baliw, masaya lang talaga ako dahil nakita ko ulit ang bestfriend ko." Sabi ko ng nakangiti habang nakatingin sa dinadaanan ko.

"Ako rin Ichi." Tumingin naman ako sa kanya at nakangiti na rin sya.

"Pero teka, matagal mo ng alam na ako si Ichi o ngayon lang din?" Tanong ko sakanya.

"Matagal na, nung sa tricycle pa lang. Akala mo galit ako nun? Masayang-masaya nga ako nun eh kaso di mo pala ako naalala kaya nagpapansin ako sayo baka sakaling maalala mo ko kaso hindi pala. Kanina di na kita matiis eh kaya ako na ang nagsabi ang tagal mo maka alala eh."

"Eh bakit di mo sinabi agad kung alam mo na?" Tanong ko sakanya, medyo magulo din tong lalaking to eh.

"Eh kasi gusto ko ikaw unang maka alala baka kasi pag ako ang unang pumansin mapahiya lang ako tapos di na pala bestfriend ang turing mo sa akin or worst di mo na talaga ako naalala."

"Tch." Nasabi ko na lang kasi medyo shunga din ako, di ko man lang sya narecognize kaagad.

"Pero alam mo ba Ichi nagtampo ako sayo nun, kasi ikaw kahit ilang taon na ang lumipas di kita nakalimutan. Kahit lumaki ka ng onti tsaka pumayat ka hinding-hindi kita nakalimutan."

"Sorry na nga eh. Kasi nag-iba yung itsura mo eh dati cute ka lang..." Di naman nya pinatapos yung sasabihin ko.

"Ngayon ano na ko?" Nakakaloko yung ngiti at tingin nya.

"Gwapo ka na hahahaha" sabi ko sakanya na may kasama pang tawa.

"Oh bat ka tumatawa? Ano yun joke lang na gwapo ako?" At pumosing posing pa talaga.

"Hahaha hindi promise gumwapo ka nga." Parang pang baliw lang yung usapan namin.

"Sus palibhasa si Jeric lang ang gwapo sayo eh noh." Nagulat naman ako nang nabanggit nya si Jeric.

"Oh bat nasali dito si Jeric?" Tanong ko naman sakanya.

"Boyfriend mo ba sya Ichi?" Tumigil muna kami sa paglalakad atsaka hinarap nya ako sakanya. Hawak hawak nya mga ngayon ang mga balikat ko, hindi naman mahigpit sapat lang.

"A-ah h-hindi pa." Iba yung titig nya, nakakaintimidate kaya tinanggal ko agad ang tingin ko sa kanya.

"Hindi pa? So malapit na?" Hindi nya pa rin tinatanggal ang tingin nya sa akin pero kinalas ko na yung pagkakahawak nya sa mga balikat ko.

"Hindi pa noh! Naguumpisa pa nga lang manligaw eh tsaka di ako mabilis makuha noh lalo na't may trust issues ako." Sagot ko sakanya at nagsimula na ulit maglakad.

"Ahhhh buti naman."sabi nya at nilagay ang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulunan at sumunod na rin maglakad.

"Bakit buti naman?" Sabi ko sakanya at nandito na kami sa isang eskinita na short-cut papunta sa bahay namin. Medyo nakakatakot nga lang kasi madilim dahil natatakpan ng bubong ang liwanag.

"Ahhh kasi gusto ko din man---"

"HOLDAP TO IBIGAY NYO SAKIN ANG MGA PERA AT CELLPHONE NYO!" Sabi ng isang lalaki, hindi ko sya napansin ah. Agad naman nyang itinutok ang kutsilyo nya sa akin mas nauuna kasi akong maglakad kesa kay Pipoy.

Nang tumingin naman ako sa likod ay wala akong nakitang kasama nya, sikreto na lang akong napangisi dahil alam kong di maayos ang pagpaplano sa holdap na to. Kayang-kaya naming tumakbo pabalik sa pinasukan namin.

"Paani po kung di namin ibibigay yung cellphone at pera namin?" Nakangisi kong tanong sa holdaper. Si Pipoy naman ay mukhang nagulat sa sinabi ko. Nakita ko kasing balak nya ng kunin at ibigay ang wallet at cellphone nya. Tch di man lang marunong manlaban.

"Ichi ano ba! ibigay na lang natin! Mas mahalaga buhay mo kesa sa mga to." Nag aalalang tono ni Pipoy.

Di ko naman sya pinansin at tinitigan ko ang talim ng kutsilyo na nakatutok sa akin. Mas lalo akong napangisi nang makitang nanginginig ito, first time ata.

"A-ano ba! Amin na ang mga--- AHH AHHHHHHH PUCHA!" bagi pa sya makasagot ay naagaw ko na ang kutsilyo nya at itinapon sa malayo, ngayon naman ay napahiga ko sya patalikod at inupuan ko habang hinihila ko papunta sa direksyon ko ang braso nya.

"Ano po ulit yung gagawin nyo kapag hindi namin ibinigay yung wallet at cellphone namin?" Sabi ko sakanya habang pinipihit yung braso nya na onting-onti na lang ay madidis-locate na. Tinignan ko naman si Pipoy at mukhang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"Arghhh..... Sir sorry po, tama na po... M-masakit!" Pagsusumamo nya. Nakita kong mukhang nasa early 30's na tong holdaper na ito nang tanggalin ko ang face mask nya.

"Kuya Bruce!" Sabi ni Pipoy nang makita nya ang mukha ng holdaper.

"Kilala mo sya Poy?" Tanong ko naman kay Pipoy pero di ko pa rin binibitawan ang pagkakahaltak ko sa braso nya.

"Oo barker yan ng jeep eh! Kuya bakit mo naisip mang holdap?" Tanong ni Pipoy dun sa holdaper na di makatingin sakanya. Kaya naman pala mukhang di sanay sa panghoholdap.

"S-sorry Sir Earl, nagkadengue po kasi si Sasha. Kailangan ng pambili ng gamot at ng pangbayad sa hospital, alam nyo naman na hindi sapat ang nakukuha ko sa pagbabarker eh." Agad ko naman binitawan ang braso nya at naawa. Bakit ba kasi ganito sa Pilipinas, porket di ka nakapagtapos wala ng trabaho ang para sayo.

"Alam nyong hindi matutuwa ang anak nyo kapag nalaman nyang ginagawa nyo to." Sabi naman ulit ni Pipoy. Ngayon ay nakaupo na ang holdaper at nakasandal sa pader, ako naman ay tumayo na at tumabi kay Pipoy.

"Sorry talaga sir, hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera eh baon na baon na ako sa utang, hinding-hindi pwedeng mawala sa akin ang anak ko. Siya lang ang kayamanan ko." Nakikita ko naman ang pagtulo ng mga luha nya, kitang-kita mo kung gaano nya kamahal yung anak nya.

"Saan po ba sya nakaconfine?" Sabat ko sa usapan nila.

-----------------------------------------------

"Pa! San ka galing? Bat ang tagal mo? Naiinip na ko dito di naman nagsasalita tong mga teddy bear na to eh." Sabi kaagad ng isang batang babae pagkapasok namin sa isang kwarto dito sa isang hospital.

"Ah anak naghanap lang ako ng bago mong mama para naman may magbabantay na sayo dito." Sabi ni kuya bruce sa anak nya.

"Ikaw talaga pa! Sabi ko naman na tayong dalawa lang okay na eh, diba nga pakners tayo? Uy kasama mo pala si Kuya Prince pogi!" Sabi naman nung bata, masigla syang magsalita pero makikita mo sa kulay ng balat nya na may sakit sya.

"Hello Sasha! Si Chain pala bestfriend ko." Sabi naman ni Pipoy dun sa bata.

"Uy hello po kuya chain!" Saad nito at kumaway pa sa akin.

"Hello din Sasha!" Sagot ko dito ng nakangiti.

Agad akong lumapit dito at umupo sa tabi ng kama nya. Ewan ko ba mahilig lang siguro talaga ako sa bata pati na rin sa matatanda, ayaw kong nakakakita ng sinasaktan sila o may sakit sila.

"Alam mo bang Sasha ang pangalan ng paborito kong wrestler?" Sabi ko sakanya at ngumiti.

"Ay pareho po tayo! Nanunuod din po kayo ng wwe? Kilala nyo po si Sasha banks? Dun po ako pinangalan ni papa." Sabi naman nito at galak na galak.

"Nak dyan muna kayo ni Kuya Chain mo ah, magkwentuhan muna kayo jan." Sabat naman ni Kuya bruce at nakita kong lumabas silang dalawa ni Pipoy.

Andami naming napagkwentuhan ng bata lalo na ang WWE dahil pareho pala kaming fan ng wrestling sa totoo lang yung ginawa ko sa tatay nya kanina ay submission move ng isang wrestler hahaha.

"Kuya chain alam mo bang naawa na ako kay tatay, alam ko naman na hindi sapat yung kinikita nya sa pagbabarker para bayaran tong ospital na to tapos kailangan ko pa ng mga gamot. Alam ko naman na naghahanap sya ng pera eh at alam kong hirap na hirap na rin sya pero ayaw nyang sabihin sa akin. Badtrip kasi yang mga lamok na yan eh ako pa ang napagtripang kagatin." Sabi nya bigla sa akin. Nararamdaman kong papalabas na ang mga luha ko kaya agad akong tumalikod at kunwaring kumuha ng prutas.

"Ikaw talagang bata ka, nakikita mo ba si Sasha kapag nakikipaglaban sya? Diba hindi sya sumusuko hanggat di sya nananalo? Kaya dapat ganun ka din ah! Laban lang ng laban sayang naman yang pangalan mo kung hindi ka magiging champion katulad nya, okay? Tungkol dun naman sa tatay mo, huwag kang mag-alala, may tutulong sa kanya, okay?" Sagot ko sa kanya bago ako humarap dahil pinunasan ko pa ang mga papatulo ko pa lang na luha.

"Sabi nyo yan kuya chain ah! Magpapagaling talaga ako noh at magpapakulay ako ng pink na buhok na katulad ng kay Sasha hahahaha biro lang pero thank you po kuya chain ah napasaya nyo po ako sa kwentuhan natin, kapagod na kasing makipag kwentuhan dito sa mga manika na to di naman sumasagot."

Agad namang kumurba ang ngiti sa aking mga labi sa narinig ko mula sa bata. Naisip ko na andami ko palang dapat ipagpasalamat at ang swerte-swerte ko pala.







Continue Reading

You'll Also Like

275K 17.2K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
388K 17.7K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
2.1M 98.9K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...