S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-1...

By DyslexicParanoia

11.6M 71.7K 2.3K

Katropa Series Book 5 [Completed] Language: Filipino Saan nga ba matatagpuan ang recipe ng luto ng Diyos? An... More

Sex Trip Book 1 [Wattpad Version]
EPISODE 1
EPISODE 2
EPISODE 3
EPISODE 4
EPISODE 5
EPISODE 6
EPISODE 7
EPISODE 8
EPISODE 9
EPISODE 10
EPISODE 11
EPISODE 12
EPISODE 13
EPISODE 14
EPISODE 15
EPISODE 16
EPISODE 17
EPISODE 18
EPISODE 19
EPISODE 21
EPISODE 22
EPISODE 23
EPISODE 24
EPISODE 25
EPISODE 26
EPISODE 27
EPISODE 28
EPISODE 29
EPISODE 30
EPISODE 31
EPISODE 32
EPISODE 33
EPISODE 34
EPISODE 35
EPISODE 36
EPISODE 37
EPISODE 38
EPISODE 39
EPISODE 40
EPISODE 41
EPISODE 42
EPISODE 43
EPISODE 44
EPISODE 45
EPISODE 46
EPISODE 47
EPISODE 48
EPISODE 49
EPISODE 50
INTERCONNECTED KATROPA SERIES
Who's Ready For S.T. Book 2?

EPISODE 20

225K 1.4K 39
By DyslexicParanoia

Maggie's P.O.V.

Wala pang home phone sina kuya at nagpalit pala ng cellphone number ang talipandas kong kapatid. Kaya heto't, napilitan akong puntahan sila sa apartment nila ni Ate Claire para imbitahin sila sa dinner na plinano namin ni Bernard kagabi.

Kumatok ako. Walang sumagot. Nag-doorbell ako. Nyemas! Hindi yata gumagana. Pinihit ko and doorknob. Bukas? Bakit kaya bukas? Hindi ba takot sa ransack ang mag-syotang ito?

Pumasok ako sa loob, nagkalat ang mga gamit. May mga basag na vases everywhere. Walang matatanaw na kaayusan anywhere.

Shucks! Ano kayang nangyari dito? Hindi kaya napasok na ng mga masasamang tao ang dalawang tangang ito?

Mayamaya'y nakarinig ako ng kalabog sa itaas. Nagulat ako. Naku! Hindi kaya, na-hostage na ang dalawang engot na ito?

Pumunta ako ako sa kusina. Kumuha ng kutsilyo. Pagkahugot ko sa kutsilyo ay may narinig naman akong boses ng babae na nagmumula sa itaas.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Ahhh, hayup ka! G*go ka!"

Huh? Si Ate Claire ba 'yun? Kinabahan ako. Diyos ko po, mukhang may panganib nga. Bagamat may hawak akong kutsilyo ay nangangatog talaga ang tuhod ko. Pero kailangan kong paglabanan ang takot ko. Ngayong mukhang kailangan nila ang tulong ko.

"Tumahimik ka nga, shhhhh!" galit na boses ng lalaki. Parang boses ni Kuya.

Nasa pinakataas na ako ng hagdanan nang marinig ko ulit ang sigaw ni Ate Claire.

"G*go ka, Mike! Hayup ka!"

Huh? Si Kuya ang minumura ni Ate? Sinasaktan kaya siya ni Kuya? Pakshet! Wife beater ba ang kuya ko?

Nakita kong may siwang ang kwartong pinanggagalingan ng kanilang mga boses. Dahan-dahan akong humakbang papalapit doon. Habang lumalapit ako ay lumalakas naman ang tunog ng sunud-sunod na.. langitngit?

"Hayup ka, Mike! Ang sarap, shit ka!" si Ate Claire ulit.

Ano raw? Ang sarap? Shit siya?

"Tumahimik ka sabi, ang ingay mo. Nakakahiya sa kapitbahay!" pabulong na saway ni Kuya pero dahil sa lapit ko ay narinig ko pa rin.

"Hayup ka, Mike!" sigaw ulit ni Ate Claire.

Wala sa itsura ni Ate Claire ang palamura. Ano kaya ang nangyayari? Hindi ko na natiis, sinilip ko na.

Nakita kong nakahiga si Ate Claire sa kama, nakataas ang mga braso niya at mahigpit na nakakapit sa bars ng headboard ang mga kamay niya.

"Hayup ka rin, Claire," mahinang ungol ni Kuya, "Ang ingay mo, ang sarap mo rin!" Habang tila nagbobomba siya sa gitna ng kanyang mga hita.

Weh? Gumaganyan din sila? (Laughtrip)

Ang mga bwisit na ito. Nagtatalik lang pala. Akala ko naman kung ano na. Hmp! Makababa na nga lang muna. Hihintayin ko na lang na makatapos sila. Mahirap na, baka chugiin pa ako ng dalawang engot na ito kapag nabitin sila. Naghihiyaw si Ate Claire habang pababa na ako ng hagdanan. Napailing na lang ako at natatawa.

"Shhhhhh!" pagsaway ulit ni Kuya.

Mukhang ayaw ni Kuya ang pagiging maingay ni Ate Claire sa kama. Opposite talaga sila ni Bernard kaya nga nagtataka pa rin ako kung paano naging mag-best friends ang dalawang 'yun.

Ah, alam ko na! Eh kasi, mabait ang Bernard ko kaya't napapagpasensyahan niya ang kuya kong balasubas.

Nakakatawa naman itong dalawang mag-syotang ito. Siguro ritwal nila ang magbasagan ng vase, magmurahan at guluhin ang bahay nila bago mag-sex. Kanya-kanyang Sex Trip nga lang talaga siguro. Bagama't sa Sex Trip nilang ito ay daig pa nila ang mga siraulo.

"Maggie?" gulat na gulat sa sambit ni Ate Claire nang makita niya akong nakaupo sa kanilang sofa. Siya kasi ang naunang bumaba after half an hour mula kanina. "Mike, nandito si Maggie!" sigaw niya habang nakatingin sa itaas ng hagdanan.

"Oo, sandali lang..." tugon ng mas malayong boses ni Kuya.

Pagkababa ni Kuya, hindi na naman ako nagpaligoy-ligoy pa. Sinabi ko na kaagad ang pakay ko para makalayas na sa magulong apartment nila.

"Iniimbatahan ko kayo ni Ate Claire mamayang alas-otso. Dinner. Kasama sina mama, papa at ang tatay nitong dinadala ko."

"So, ipakikilala mo na sa wakas ang tarantadong naka-disgrasya sa iyo? Ano ha? Pananagutan ka ba?" iritableng sagot ni Kuya. Tahimik lang naman si Ate Claire.

"Oo, 'yun nga ang ipinunta ko dito. Pero gusto niyang pumirma ka muna dito sa conditions niya." Iniabot ko ang isang puting papel. Hindi niya ito pinansin. Tamad kasi talagang magbasa ang hunghang na kuya kong ito.

"Namp*ta? Anong conditions? Kapal naman ng mukha niyan! Sino ba 'yan? Mukhang maangas yata ang nakadisgrasya sa iyo ah. Mayaman ba 'yan o mayabang lang?"

"Nakasaad dito na pakakasalan lang niya ako sa isang kondisyon, kailangan pakasalan mo rin daw si Ate Claire." Sumulyap ako kay ate Claire. Napangiti ito bago isinabit ang excess hair niya sa kanan sa likod ng kanyang tenga. "Sagot daw niya ang lahat ng gastos sa kasal at ang honeymoon expenses ninyo, kahit saan niyo gusto."

Napakunot si Kuya.

"At pakialamero pa pala ang hayup na 'yan. G*go ba 'yan?"

"Medyo." (Laughtrip)

"Nagpabuntis ka sa g*go?" Pinandilatan ako ni Kuya.

"Bakit? Si Ate Claire rin naman ah! Dalawa lang kaming nagpabuntis sa mga g*go, 'no." Ngumuso ako.

"Aba't—"

"Aba't ano? Pumapayag ka ba o hindi? Hala pirma, maawa ka naman sa amin ni Ate, dalawa kaming kargo de kunsenya mo. Mas mamatamisin mo ba na maging mga babaeng disgrasyada lang kami ni Ate Claire for life? Nasaan ang puso mo? Pati buhay ng anak mo at pamangkin mo, kargo mo! Biruin mo, ipapanganak silang mga bastardo?" Umiiyak ako, kunwari.

May paiyak-iyak pa talaga ako, for dramatic effects. Para na rin mairita siya at makulitan sa akin. Ayaw niya kasi talaga ng maingay at makulit. Naha-highblood siya kaagad sa ganun.

Kinindatan ko si Ate Claire habang iniaabot kay kuya ang kasulatan ng kasunduan at ballpen na gagamitin niyang pangpirma. Hinablot naman ito ni Kuya. Nag-isip rin naman siya ng kaunti (as if may isip). Pero katulad ng inaasahan at ipinagdarasal ko ay pumirma siya ng hindi binabasa ang kasulatan. Hay nako, may benefit din naman pala ang pagkakaroon ng kuyang tungag!

(Evil laugh) Yari ka mamaya.

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

924K 56.6K 93
Hello Duology, Book #1 || Just when I thought I got over from the ghost of the past, another person started haunting me.
118K 5.9K 93
A famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
503K 15.8K 38
Maglalaho ang mananakit sa iyo. Subukan nilang saktan kahit dulo ng buhok mo. Mapapaaga ang pagdalaw ko sa kanila. - Grim Reaper a.k.a Jacob Alejandro