I'm Courting Mr. Cold

By fizz_chae07

400K 5.5K 1.2K

Ito'y isang kwento tungkol sa isang engot na babae na naghahabol sa isang cold guy na si Jin Ren. Halos lahat... More

Prologue
CHAPTER I - Love at First Sight
CHAPTER II - Stay Away From Me
CHAPTER III - My Favor or His Condition?
CHAPTER IV - Yes or No?
CHAPTER V - Meeting His Family
CHAPTER VI - Fizz Lopez
CHAPTER VII - Getting To Know Him
CHAPTER VIII - Reminiscing His Past
CHAPTER X - Meeting the Cassanova (Part II)
CHAPTER XI - Cookies, My First Move
CHAPTER XII - Dream Come True
CHAPTER XIII - He's Acting Weird
CHAPTER XIV - Date
CHAPTER XV - Real Date
CHAPTER XVI - Walang Sikreto Ang Di Nabubuko
CHAPTER XVII - Devil Beside Me
CHAPTER XVIII - Missing
CHAPTER XIX - Scandal
CHAPTER XX - He Hates Me
CHAPTER XXI - Now, He Hates Me More
CHAPTER XXII - Jealous
CHAPTER XXIII - Reasons Behind My Action
CHAPTER XXIV - The Culprit
CHAPTER XXV - Mixed Emotions
CHAPTER XXVI - Confession
CHAPTER XXVII - The Spies
CHAPTER XXVIII - Dinner
CHAPTER XXIX - We're Locked?
CHAPTER XXX - Library
CHAPTER XXXI - My Mission Impossible
CHAPTER XXXII - Lunch Box and Chopsticks
CHAPTER XXXIII - She's in Danger!
CHAPTER XXXIV - My Hero
Discussion
CHAPTER XXXV - Grocery Store
CHAPTER XXXVI - Trip ko Siya
CHAPTER XXXVII - Bipolar
CHAPTER XXXVIII - Trip Niya Ako
CHAPTER XXXIX - What A Wonderful Day
CHAPTER XL - Two Days Before His Birthday
CHAPTER XLI - Weird
CHAPTER XLII - Unexpected Visitor
CHAPTER XLIII - Birthday Present
CHAPTER XLIV - Pick-up Lines
CHAPTER XLV - Siguro
CHAPTER XLVI - New Mission
CHAPTER XLVII -Trip to Terra Cota
Chapter XLVIII - Destiny
CHAPTER XLIX - Salamat
CHAPTER L - I'm Stupid
CHAPTER LI - Reconciliation
CHAPTER LII - Final Review
CHAPTER LIII - Sinasagot na kita!
Chapter LIV - I'll Be There For You (Part I)
Chapter LV - I'll Be There For You (Part II)
CHAPTER LVI - 1st Lunch Date as a Couple
CHAPTER LVII - Date Under The Moon
Chapter LVIII (Part 1)
CHAPTER LVIII (Part 2)
Chapter LVIX - School Festival Day 1
Chapter LVXX
CHapter LVXXI
Chapter LVXXII

CHAPTER IX - Meeting the Cassanova

7.3K 102 15
By fizz_chae07

 CHAPTER IX

A/N: Same day lang po yan nung bumisita si Ren dun sa old school nila. Baka kasi magu;uhan kayo.

**HEINA’s POV**

2 weeks na ang nakararaan nang magsimula ang tutorial ni Yuri dun sa kaibigan daw ng pinsan niya pati na rin dun sa mga subject teachers niya. Every Tuesday, Wednesday, at Thursday afternoon yung review niya sa mga teachers namin. Then  Monday, Friday at Saturday naman ang review niya dun sa sinasabi niyang kaibigan daw ng pinsan niya.

 Ang labo talaga ng babaeng yun, ayaw man lang magpasabi kahit pangalan nung kaibigan ng pinsan niya na nagtututor sa kanya. Psshh..  >,<

Uwian na, at halatang nagmamadali na naman etong  si bestfriend ko. Pano ba naman kasi Friday ngayon, kaya naman yung kaibigan ng pinsan niya ang ka-review niya.

Pero bakit naman kelangan pa niyang magmadali? Nagagalit ba yung nag-tututor sa kanya kapag nalelate siya? O baka naman crush niya yung nagtu-tutor sa kanya, kaya nagpapakitang gilas siya?

Tssk.. ano ba naman tong mga pinagsasabi ko. Imposibleng namang crush niya yung kaibigan ng pinsan niya, eh baliw nga yun kay Ren. As in capital B-A-L-I-W.  baliw na baliw. Ewan ko nga dun eh, halata naman sanang di interesado sa kanya si Ren pero ewan ko ba dun at nagpapakamartir siya.

 Pero kahit ganun yun, wala rin naman akong ibang magawa kundi ang suportahin na lang siya. Kahit alam kong mukhang imposible yatang magkakagusto sa kanya si Ren.  HEHE ang sama ko bang kaibigan? =P

“Uy bestfriend, mukhang nagmamadali ka yata?” –painosente kong tanong sa kanya.

“Ah-eh, may tutorial pa kasi ako bestfriend eh.” Sagot niya sakin.

“eh ang aga pa naman eh, kaya kain muna tayo sa labas. Ang tagal na rin kasi nating hindi nagbobonding eh, lagi ka kasing busy.” Paanyaya ko sa kanya.

Tama nga, matagal na kaming hindi nakakapag-bonding dahil sa sobrang busy niya. Kahit dito sa school eh minsan lang kami magkasabay.

“Pasensya ka na talaga bestfriend, pero di talaga pwede. Next time na lang. promise babawi ako.” Sabi niya at tinaas pa niya ang right hand niya na parang nagpapanatang makabayan.

“Okay.” Sagot ko na lang.

“ sige una na ko, bye. Ingat ka uh.” Sabi niya sabay alis.

Hay naku.. naiwan na naman akong mag-isa rito.

Lumabas na ko ng room at naglakad palabas ng school.

Naglalakad lang ako ngayon. Di na ko nagpasundo sa driver ko dahil may pupuntahan pa ako. Kakain muna ako dun sa favorite na restarant namin nina Yuri malapit dito sa school namin. Malapit lang naman ito kaya nilakaran ko na lang.

Paliko na ko ng nilalakaran, habang naglalakad ako eh nag-ring yung phone ko. Chineck ko naman kung sino ang nagtxt. Si Yuri pala. Nagso-sorry siya dahil di raw niya ko nasamahan at sinabi pa niya ulit na babawi raw talaga siya sakin next time.Nireplyan ko naman siya ng biglang….

Beeeeeeeep…   

O.O

mabilis na prumeno ang isang sasakyan sa may harapan ko.

Muntik na yun ahh..

muntikan na kong masagasaan.

May isang lalaki na ubod ng gwapo ang  bumaba dun sa sasakyan na nakapark sa harapan ko at nagtanggal pa ng shades niya.

Wow,O.O

ang gwapo niya talaga.

t-teka? Is he the famous Alexis Meyer?

Ang pinagpapantasyahan at kinalolokohan ng bawat babae sa school namin? Pwera lang kami ni Yuri huh.

Kasi si Yuri, baliw na yun kay Ren.

Pssh, siya lang pala. Ang lalaking kilala sa pagiging playboy niya. Kala ko pa naman ang prince charming ko na.

“Are you alright?” sabi niya sakin with matching smile at hinawakan pa ako sa magkabilang braso ko huh. Kapal talaga nitong playboy na to. Kala yata nito madadala niya ko sa mga ngiti niya.

 infairness uh mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti siya. Kaya pala maraming babae ang nagpapaloko rito eh, ngiti pa lang niya nakakatunaw na.

pero syempre, ibahin niyo ko nuh. Di ako magpapadala sa mga ngiti niyang nakakaloko.

“Hey, are you alright? Natulala ka yata?” sabi niya ulit sa akin while making a snap in front of my face.

Bigla naman akong natauhan.

Tsk, natulala ba ako?

“Oo, ayos lang ako. Pwede ba bitawan mo nga ako. FC ka masyado.” Pagsusungit ko sa kanya at nauna na akong maglakad.

           

**ALEXIS’ POV**

[a little rewind]

Andito kami ngayon sa bahay nina Raven. Kasi nga nagyaya itong si Ren na mag-inuman daw kami rito.

Nakainom na rin naman ako ng konti, pero may kulang pa rin talaga.

Wala man lang ni babae rito,kami-kami lang kasi tatlo ang nag-iinuman dito. Ang boring tuloy.

Pero eto namang si Ren, mukhang wala yatang pakialam at naglalasing siya ngayon. Siguro natamaan siya dun sa sinabi kanina nung bestfriend daw ni Yumi.

Hayyy… Ano ba yan, masyado na kong nabobored dito.

Buti pa makikipag-date na lang muna ako.

Kinuha ko na yung cellphone ko para itext yung mga chicks ko..

Hmmn… sino ba sa kanila ang idadate ko? Si Alicia ba? Si Alyanna na lang kaya? Si Candice? Jessica? Chloe?

Hay, wag na nga lang daw sila. Pinagsawaan ko na sila. Maghahanap na lang ako ng bagong maipambibiktima.

HAHAHA, syempre that’s the spirit.!

Tumayo na ako at nagpaalam kay Raven. Di ko na kailangang magpaalam pa diyan kay Ren kasi lasing naman na siya, as if naman makikinig pa yan sakin.

“Dude, alis muna ako saglit. May bibilhin lang.”pagsisinungaling ko kay Raven.

HAHA ..  syempre kapag sinabi kong makikipag-date ako malamang di ako papayagan ni Raven na umalis dito nuh  habang andyan si Ren na naglalasing. Kasi ang hirap-hirap pa namang iuwi yang si Ren kapag nalasing na ng husto.

Pero bahala na muna si Raven kay Ren, nabo-bored na kasi ako eh. Kailangan ko munang maglibang.

“Oh sige dude, balik ka agad.”sabi ni Raven sakin.

“Ok.” Sagot ko lang at lumabas na ko dun sa condo niya.

Pumunta na ko sa parking lot at nag-drive na.

Papunta ako ngayon dun sa madalas kong puntahan na club which is just 7 kilometers away from the school.

HAhA, kaya ako dun madalas magtambay kasi malapit lang sa school, pwede lang ako mag-cutting class tapos kapag nagsawa na ko dun sa club, balik ulit sa school. Oh diba ang galing?HEHE

Nagdirediretso lang ako sa pagmamaneho, nung pagliko ko bigla akong napapreno dahil muntikan ko nang masagasaan ang isang babaeng nakayuko kung maglakad. Busy sigurog magtxt. Tss..

Bumaba na ako at nakita ko yung babae na mukhang na-shock yata dun sa nangyari. Aba, at schoolmate ko pa uh. Naka-school uniform kasi siya eh.

Hmmnn, not bad naman siya. Maganda naman at mukhang sexy pa, pwede nang panglibangan ko for tonight.

Nilapitan ko na siya agad and showed some concerns on her.

 “Are you alright?” sabi ko sa kanya with matching smile pa, habang hawak-hawak ko ang magkabilang braso niya.

HEHE, ganito ang technique ko sa pang-akit ng mga girls. I’m using my charm.

Pero mukhang tuluyan na yatang natutlala ang isang to uh. Di man lang sumagot kung ayos lang ba siya.

“Hey, are you alright? Natulala ka yata?” sabi ko ulit sa kanya while making a snap in front of her  face. Bigla naman siyang  natauhan.

“Oo, ayos lang ako. Pwede ba bitawan mo nga ako. FC ka masyado.” Pagtataray niya sakin.

Tapos nauna na siyang maglakad sa akin.

Aba tinarayan ako uh, mukhang di tumalab charms ko sa kanya. Pero alam ko namang nagkukunwari lang siya na di siya namangha sa kagwapuhan ko.

Hay naku, mga babae talaga pakipot pa. sige lang, magpakataray ka lang at mapapasakin ka rin. HAHAhA

“Oh teka, san ka pupunta?” pahabol na tanong ko sa kanya.

Syempre nuh, di niya ko pwedeng iwan ng mag-isa dito ngayon kasi ngahahanap ako ng mapaglilibangan at siya ang napili kong libangan para sa gabing ito.

**HEINA’s POV**

Tumigil naman ako sa paglalakad nang tinanong niya yun sakin at hinarap siya.

“Pakealam mo ba?” pagsusungit ko ulit sa kanya at nakataas pa ang isang kilay ko uh.

**ALEXIS’ POV**

HAHA, kala niya talaga madadala niya ko sa pagtataray niya.

Ayos lang, mas lalo naman na akong nag-eenjoy nito. Boring din naman kasi kung masyadong easy to get ang babae eh.

“Alam mo, masyado kang HB. Di bagay sa mga magagandang babae tulad mo ang magsungit.” Pambobola ko sa kanya, sabay ngiti pa.

**HEINA’s POV**

Naku… ayan na naman siya sa mga ngiti niya. Grabe lang uh, nakakaloko ang mga ngiti niya at ang galing pa niyang mambola uh.

“Alam mo, wala kong pakialam kung bagay man sakin o hindi ang magsungit. At tsaka pwede ba tigilan mo nga ko sa mga pambobola mo, dahil di mo ko madadala sa mga ganyan.” Medyo naiirita kong sabi sa kanya.

Pano ba naman kasi napakalandi.Kalalaking tao eh ang landi-landi.

**ALEXIS’ POV**

Napangiti lang ako.

Pano ba naman kasi nagpapakita na siya ng motibo na nagkakainters na siya sakin.

Pano?

Simple lang, kunwari di siya nadadala sa mga bola ko pero ang totoo naman niya’y kinikilig siya. HAHA. Kilala ko yata ang mga babae uh.Masyado pa kasing pakipot eh.

Naglakad ako papalapit sa kanya at kinuha ang kamay niya.

**HEINA’s POV**

Ah-ano to?

Bat hawak-hawak niya ngayon ang kamay ko?

Gosh, ang lambot ng kamay niya. Ganito ba siya mang-akit ng mga ibibiktima niya?

Una ngingitian niya.

Pangalawa hahawakan niya ang kamay.

Tapos….

Tapos…

Pssh, ano ba tong mga pinagsasabi ko?

Erase… 

erase…

erase…

Sa sobrang wide ng imagination ko di ko na amalayan na hinatak na pala niya ko papunta dun sa kotse niya at pinagbuksan pa ko. Ok, siya na ang gentleman. Hmmp.

“Get in.”sabi niya.

Huh? At san naman daw ako dadalhin ng playboy na to? Kala niya siguro nauto na niya ko.

No way no! di ako magpapadala sa lalaking to.Tss…

“At bakit naman ako papasok aber?”pagtataka kong tanong sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.

**ALEXIS ‘POV**

“Kakain tayo sa labas. Halata kasing nagugutom ka na eh.” Sagot ko sa kanya.

“At pano mo namang nalaman na gutom na nga ako? Bakit? May power ka ba?huh?” tanong niya sakin.

“Wala naman akong power. May sense of hearing lang talaga ako at dinig na dinig ko ang ingay ng mga alaga mo sa tiyan.”  Sabi ko sa kanya habang  nagpipigil ng tawa at turo-turo pa ang tiyan niya.

**HEINA’s  POV**

A-ano raw ang sabi niya?

Nag-iingay na ang mga alaga ko sa tiyan?

Does he mean na….

O/////O

Krrrkrrrkrrr…..

OH NO!!!

This time din na niya napigilan ang sarili niya, and he burst into laughter..

“HAHAHA… Sabi ko sayo eh, nag-iingay na ang mga alaga mo sa tiiyan.”sabi niya ulit sakin.

Bigla naman akong na-conscious dahil sa pagkalam ng sikmura ko at turo-turo pa niya ito. Tinakpan ko ang tiyan ko gamit ang magkabila kong kamay at oo nga nuh, nagugutom na nga ko.

TSs, bat di ko yun naradaman agad? -_-

“Halika na, kain tayo. Nagugutom na rin ako eh.” Yaya niya sakin.

“Che! Di  bale na nuh. Kakain na lang ako ng mag-isa, kesa naman sumama pa ko sayo noh.”

Syempre nagmatigas pa rin ako noh, and acted like  nothing happened.

Pero nakakahiya talaga yun.. grabe lang. kung tutuusin nga wala na kong mukhang maihaharap sa kanya eh.

“Sigurado ka? Gumagabi na oh, sige ka nakakatakot pa namang maglakad ng mag-isa sa dilim lalo pa’t maraming nakatambay sa kanto.” Pananakot niya sa akin. abah! nag-smirk pa siya uh. Loko talaga to!

Pssh, ako pa ang tinakot niya. As if naman natatakot ako.

infairness, totoo ngang gumagabi na. but still, di pa rin ako sasama sa kanya nuh. Di ako magpapadala dun sa pananakot niya.

“As if naman natatakot ako sa kanila. Tch, diyan ka na nga!”

Inarapan ko na siya at nagsimula na kong maglakad.

Tss, kala niya siguro natatakot ako. Nek nek niya.. ><

Bwiset siya! Kung di na sana siya dumating kanina, edi sana di ako gagabihin. Dami pa kasi niyang echos, ayan tuloy naglalakad ako ngayon sa gitna ng dilim. Tss, cellphone ko nga lang ang ginagamit ko pang-ilaw dahil wala pa namang kailaw-ilaw dito sa kantong to.

Wew! Ang lamig….

Ang lamig pala kapag gabi. Feeling ko tuloy may sumusunod sa akin, dahil sa ihip ng hangin.

Binilisan ko na ang paglalakad ko, ni hindi man lang ako lumilingon-lingon. Syempre, mahirap na baka kung ano pa ang Makita ko. HAHA  hindi raw takot. :p

Sa sobrang bilis kong maglakad, sa wakas nakarating na rin ako rito sa favorite restaurant namin nina Yuri. Buti naman at walang masamang nangyari sa ‘kin. Hayyy…

Naghanap na ako ng bakanteng table. Buti naman at madami pang bakante.  Sabagay di pa naman 8 pm, dahil siguro kapag ganun, baka wala na kong mahanap na bakanteng table sa sobrang dami ng tao na pumupunta rito nang ganong oras.

Umupo na ko at nag-order.

Waaah, ang dami kong inorder. Pano ba naman kasi, ang sasarap ng mga pagkain nila dito. Tiyak na mabubusog na naman ako nito. Sayang nga lang at di ko kasamang kumain dito si Yuri ngayon. Madalas kasi, kaming dalawa ang magkasamang kumakain dito eh. Kaya nga favorite naming tong restaurant na to.

Hay, nami-miss ko na tuloy bestfriend ko.

Nakaupo lang ako ngayon habang hinihintay ang order ko. Hmmp, ang tagal namang dumating ng order ko. Buti pa maglalaro na lang muna ako ng angry birds.

Kinuha ko na ang cellphone ko at naglaro.

“Excuse me, can I occupy this seat?” rinig kong sabi nung tao na wala akong kaideideya kung ako ba ang kinakausap o hindi. Di ko na lang pinansin ang sinabi nung taong yun, at di na rin ako nag-abala pang tignan kung sino ba siya o kung sino ba ang kausap niya. Abalang-abala rin kasi ako rito sa paglalaro.

Narinig ko ang ingay ng upuan dahil hinihila ito, at naramdaman ko na lang na may nakaupo na dun sa bakanteng upuan, sa table na ino-occupy ko.

Abah, loko to uh! Basta-basta na lang umuupo. Nih hindi nga ko pumayag na makipag-share ng table sa kanya. At malay ko ba na ako pala ang kausap niya kanina. Yan ang sinasabi ko sa isip ko habang nakayuko pa rin ako.

Tinigil ko na ang paglalaro ko at iniangat ko na ang ulo ko para tignan kung sino ba yun. At nung naiangat ko na ang ulo ko, nagulat ako sa nakita ko.

        

          

SHEEEEEEEET!!!

ANONG GINAGAWA NIYA RITO?  O///////O

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.1M 14.6K 20
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
1.8M 93.3K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
5.3M 273K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...