My So Strict Boss (Bachelor S...

By Aljane_Rose

14.2M 294K 17.8K

"When you signed that contract, it meant that you are mine. So don't let others talk or even touch you becaus... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Message: Read or Not
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Pasasalamat 💕

Chapter 60

160K 3.5K 463
By Aljane_Rose

Alam kong naiinis na ang iba sa inyo sa sobrang late ng update ko at sana nabasa niyo yung post ko para malaman ang reason ko. So sobrang busy ko na ngayon kaya nakakalimutan ko na ang wattpad. Sana habaan niyo pa ang pasensya niyo sakin. Tatlo pa ang story ko na on-going at sobrang hirap mag-isip. Salamat sa matiyagang paghihintay. 😭

My Snobbish Heart - Teen fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Nagpahatid na ako pauwi sa dalawa. Hindi ko na kayang magtagal dito na alam kong nasa iisa lang kaming lugar ni Clyde. Hindi pa rin maalis ang kaba ko sa sinabi ni Cellon. Hindi siya sigurado kung nakita ba ako o hindi. Ayoko ng madagdagan pa ng iniisip ko at hihintayin ko na lang siya pagkauwi galing sa meeting niya.

"Huwag mong masyadong isipin ang nangyari kanina, Cassandra." Tumingin ako sa tabi ko.

"Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip ng kung anu-ano ngayon, Cellon. Kinakabahan ako mamaya kapag umuwi na siya."

Anong sasabihin ko kapag nagtanong siya? Wala akong maisip na magandang dahilan kung bakit ko kasama sila.

"Sabihin mo na sinamahan ka namin sa mall. Tapos ang usapan kaya huwag ka ng mataranta dyan." Kung ganoon lang kadaling sabihin iyon, Callen.

"Mag-isip ka naman, bro! Kung sasabihin ni Cassandra na nagpasama siya sa atin. Magtatanong yon kung bakit tayo ang isinama niya at hindi ang kaibigan niya. Mag-iisip ng hindi maganda si Clyde sa kanya. Hindi nga niya alam na pinsan natin ang girlfriend niya kaya hindi pwede ang naisip mo!"

"Bakit ka galit! Nagsuggest lang ako tapos naninigaw ka. Hindi ko pa nga nakakalimutan ang atraso mo sakin, dadagdagan mo pa! Sige ganito tayo, Cellon, akala mo ba aatrasan kita sa sigawan sa loob ng kotse!"

Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko sa sigawan ng dalawa. Ako ang may problema dito pero ang lumalabas na ako pa ang dapat magpatahimik sa kanila para makapag-isip ako ng maayos dahil sa mga malalakas nilang boses.

"Shut up! Stop your nonsense quarrel and shut your mouth. I can't think right now if both of you will continue shouting like a children. I will throw you both out of this car and I will go home on my own!"

Natahimik ang katabi ko pero ang nakaupo sa likod ay ayaw tumigil sa kakasalita, " You can't do that, Cassandra. Hindi ka naman marunong magmaneho kahit kusa pa kaming bumaba sa kotse ko. Hindi ka makakauwi." tumawa siya pero tumingin ako ng masama sa kanya at tumahimik.

Hindi pa rin nagbabago ang dalawang to. Kahit matagal na hindi ko sila nakasama, hindi pa rin nagbabago ang ugali nila. Mga isip bata kapag nag-aaway. Totoo ang sinabi niya pero hindi ko na napag-isipan ang mga sinasabi ko para matigil lang sila. Ako na lang ang bababa at magtaxi pauwi kapag hindi pa talaga sila tumigil.

Tumahimik na lang sila. Iyon na lang ang maitutulong nila sakin. Malapit na kami sa Villacorte. Siguradong wala pa si Clyde. Hininto nila ang kotse at bumaba ako.

"Thank you for this day. Sorry kung nasigawan ko kayo kanina."

"Don't worry we are used to that when we were kids and until now you didn't change."

Naglakad na ako papasok sa loob. Sana malagpasan ko ang mangyayari mamaya. Please, huwag sanang magalit si Clyde kung nakilala niya ako.

Nakapagluto na ko. Nagpalit na rin ng damit. Hindi pa rin siya dumadating hanggang ngayon. Ang tagal naman ng meeting niya. Kanina pa ako naghihintay sa pagdating niya. Napatingin ako sa likod ko ng marinig ko ang pagbaba ng brief case sa sofa. Niluwagan niya ang neck tie kaya lumapit ako para tulungan siya.

"Ako na ng magtatanggal, Clyde."

"Thanks, baby."

Natanggal ko. Umupo siya sa sofa. Tumabi ako sa kanya. Pinasandal niya ako sa balikat niya. Gusto kong pigilan at baka mabigatan siya at pagod pa.

"What happen in your meeting, Clyde?"

"I closed the deal. He signed the contract."

Ganito lang kami hanggang sabihin niya ang tungkol sa nakita niya kanina. Hindi ko alam kung napansin niya ang pagkabalisa ko sa mga sinasabi niya.

"I saw the twins at the mall, baby."

"G-Ganoon ba. Ano ang ginagawa nila?"

"May kasama yung isa sa kanilang babae. Girlfriend siguro ng isa. Hindi ko nakilala dahil nakalayo na sila sa restaurant."

Nawala ang kaba ko dahil hindi niya ako nakilala. Ayoko man magsinungaling sa kaniya pero ito lang ang paraan ko para hindi niya malaman kung ano ako sa dalawa. I still want to be a simple employee and girlfriend to him not a cousin of the twins. He doesn't need to know about my connection to them.

Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya para yayain na kumain.

"Clyde, kumain na tayo. Baka gutom ka na sa buong araw."

Tumayo ito at sabay kaming pumunta sa kitchen. Hinanda ko ang pagkain namin ng pigilan niya ako.

"I have a request, baby."

"What is it?"

"Huwag ka na munang pumasok bukas. Sabi ko sayo babawi ako, di ba?"

Magtext na lang ako sa mga kaibigan ko na hindi ako makakapasok. Gusto ko rin na makasama siya. Ayokong hindi siya nakikita ng matagal kaya pabor rin ang gusto niya sakin.

~¤💘¤~

Dahan-dahan kong inaalis ang braso ni Clyde sa beywang ko. Natutulog pa ito kaya dapat hindi ko siya maistorbo. Nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta ako ng kusina para maghanap ng pwedeng kainin. Kumain naman ako pero gutom pa rin ako.

Binuksan ko ang ref pero wala akong nagustuhan doon. Naghanap ako sa mga cabinet at kumuha ng biscuits. Kumuha ako ng juice at umupo. Nakakalahati ko na pero wala naman nangyayari. Nagugutom ako at may hinahanap na lasa ang bibig ko na gusto kong kainin.

Nabuksan ko na ang lahat ng cabinet, wala pa rin. Naiiyak na ko. Gusto ko talagang kumain ngayon. Hindi ako makakatulog hanggang wala sa harap ko ang pagkaing gusto ko. Bumalik ako sa kwarto namin.

Mahimbing pa rin natutulog si Clyde. Lumapit ako sa kanya para gisingin. Kahit ayokong maistorbo siya pero gusto kong ibili niya ako ngayon ng pagkain. Tinatapik ko ang braso niya pero ayaw magising. Ginawa ko ulit, gumalaw siya pero humarap siya sa kabilang side ng kama at natulog ulit.

"Clyde... baby... gumising ka muna sandali."

"Baby, inaantok pa ko. Bukas na lang tayo mag-usap. Bumalik ka na sa pagtulog."

Hindi ko siya tinigilan kakatapik sa braso niya at umupo na ito sa inis. Ginulo nito ang buhok at tumingin sakin.

"What's your problem!?"

Nagulat ako sa sigaw niya at naiyak dahil sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na sisigaw siya ng ganoon. Hindi ba niya kayang magtanong ng maayos, kailangan pang manigaw. I hate him!

"Wala akong problema! Go back to sleep and don't talk to me ever again! I hate you!" I shouted at him. I left the room and go back to our kitchen.

Nandoon pa rin ang naiwan kong biscuits at kumuha. Kinain ko ito. Kahit hindi nakakabusog at para sakin walang lasa ay pinagtiyagaan ko na lang. Aalis ako mamaya at bibilhin ang gusto ko. Akala mo, Clyde, hindi ko totohanin na hindi ka kausapin. Bahala siya sa buhay niya. Pinunasan ko ang luha ko. Makasigaw akala mo ang layo ko lang sa kanya. Hindi ba siya pwedeng magtanong ng maayos.

Panay ang subo ko sa biscuit at malapit ko ng maubos ito. Matutulog ako sa kabilang kwarto. Alam ko na kung saan niya tinatago ang mga susi dito. Ako ang maglalock ng kwarto ko at hindi siya makakapasok. Isasama ko sa kwarto ang mga susi para hindi ko siya makita. Nakakainis talaga siya!

"Baby..."

Anong ginagawa niya dito? Bumalik na lang siya sa kama niya at matulog. Hindi ko siya iistorbohin at hindi ko na siya lalapitan.

"Talk to me, please..." kahit magplease pa siya. Kung dati nakakalimutan ko ang kasalanan niya kapag sinasabi niya yon pero ngayon walang epekto sakin. May karapatan akong magalit ngayon.

Kumakain lang ako. Ayokong makinig sa kanya. Kinuha ko ang kalat ko at tinapon. Inubos ko ang juice at paalis. Natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko. Hindi pa rin ako humaharap sa kanya.

"I'm sorry if I shouted at you. Forgive me, baby. I would not do it again. Please, talk to me. Sandra..."

Hinila niya ako at pinaupo. Ayokong tumingin sa kanya at mawawala ang inis ko kapag ginawa ko yon. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Naririnig ko naman siyang sumigaw noon pero iba ang dating nito sakin ngayon.

"Bakit mo ba ako ginigising kanina? May problema ka ba? May masakit ba sayo?"

"You don't have to do anything, Clyde."

"But I want to know why you want to wake me up? What do you want? What do you want me to do and I will do it this time."

Tumingin na ako sa kanya. Gulo ang buhok niya at topless. Nakatitig siya at hinihintay ang sagot ko. Hindi siya titigil hanggang hindi ko sinasabi ang gusto ko at alam pa niya na galit ako sa ginawa niya kaya magtatagal kami. Gutom pa ako. Ano ba ang gusto kong kainin. I want cake. I can't figure it out what I want to eat. Yes, I want to eat cake but the flavor which I can't decide what will it be.

"I want you to buy me something, Clyde."

"What do you want?"

Decide, Cassandra! Ano ba ang gusto kong flavor? Yung favorite ko. Chocolate? Caramel? or Strawberry? Natakam ako sa Strawberry at Chocolate Cake. Gusto kong kumain ng chocolate pero ayoko ng kulay niya. White Chocolate kaya?Gusto ko rin ng fresh nung isa.

"Strawberry and Chocolate Cake. Gusto kong kulay puti yung chocolate cake. Gusto ko rin ng fresh strawberries, Clyde."

"Wait for me."

Umalis siya sa harap ko. Dumaan muna siya sa kusina bago lumabas. Nagpalit lang ng T-shirt at short. Sana hindi siya magtagal. Ano kaya ang pwedeng kong gawin? Niligpit ko ang ginamit ko at bumalik sa kwarto. Hindi ko gustong manood ngayon. Kumuha ako ng librong binili ko noong una naming date ni Clyde. Hindi ko pa nababasa. Ito na lang ang pagkakabalahan ko habang naghihintay sa kanya.

Malapit ko ng makalahati ang binabasa ko at nakaramdam na ng antok. Mamaya pa siguro ito babalik. Tinabi ko ang libro at nahiga. Inaantok na ko. Gigising na lang ako kapag dumating na siya.

~¤💞¤~

Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid. Napatingin ako sa bintana at maliwanag na. Inaasahan kong katabi ko siya pero wala akong nakapa sa tabi ko. Nakauwi kaya si Clyde? Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Nasaan na siya.

Lumabas ako. Nakalimutan ko ng suotin ang salamin ko dahil sa gusto kong malaman kung nakauwi ba siya. Narinig ko ang boses niya sa sala kaya nagtungo ako doon.

"Why can't you find them! I want you to find that damn spy in my company! They already gave informations about my project. Did you really do your job?"

"Ginagawa po namin ang pinapagawa niyo. Minonitor na namin ang ang mga under sa amin kung may connection sila sa kabilang company pero wala po kaming nakita."

"Then explain to me why they sent me a message about my employees betrayed their boss! They have the nerve to said that because its true. I want a concrete information this week or else you are fired! Is that clear?"

May mga lalaking nakaupo at kausap niya. Galit na naman siya. Hindi pa niya ako napapansin na papalapit sa kanila. Ang sama ng tingin niya sa kausap niya.

"Clyde..."

Lumingon siya. Ganoon pa rin ang suot niya kaninang umalis siya. Hindi ko alam kung anong oras siya nakauwi. Tumingin ako sa kausap niya at nakatingin na rin sakin. Lumapit si Clyde sakin.

"Why are you here, baby?"

"I heard you shouting again. I was curious to know why you are mad then I saw them."

Lumingon ito sa kausap niya kanina. Napakapit ako sa braso niya ng sumigaw ulit siya. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Stop staring at my girlfriend and leave us alone!"

Umalis sila at naiwan kami. Inipit niya ang buhok ko sa likod ng tenga. Hindi ko ito naitali sa pagmamadali na hanapin siya.

"Hindi mo suot ang salamin mo"

"Gusto kong malaman kung nakauwi ka kaya nakalimutan kong suotin."

Pumunta kami sa kusina at may nilabas siya sa ref. Dalawang box ng cake. Binuksan niya. Nabili niya ang gusto ko. Kumuha ako ng plato at nagslice ng cake. Nakailang subo na ako at napatingin kay Clyde. Nakatitig lang siya habang kumakain ako. Sinubuan ko at hindi naman tumanggi. Gusto kong matikman niya yung binili niya.

"Thank you for these cakes! I really love it, baby."

"Do you forgive me now, Sandra?"

Nahinto ako sa pagsubo, "You know I can't stay mad at you for a long time and sorry if I said that I hated you. It just that I am really mad that time. Please, forgive me too. I love you, baby"

"I love you too, Sandra."

Nagkaayos kami at nilagay ko sa ref ang natirang cake. Nakita ko rin ang fresh strawberry sa loob. Mamaya ko na lang kakainin at mag-aayos pa ko. Bumalik ako sa kwarto at kakalabas lang ni Clyde. Nakabihis na ito kaya kailangan ko ng kumilos ng mabilis. He asked me on a date. He doen't have to ask me because it will always be a yes.

Natapos ako at naghihintay siya sa sala. Umupo ko sa tabi niya at binaba ang binabasang newspaper sa table.

"Where do you want to go?"

"I don't know, Clyde. Surprise me."

Napahawak ito sa batok at hindi makatingin sakin. Anong problema niya?

"Sorry, baby. Hindi ko rin alam kung saan kita dadalhin. Hindi ako nakapagresearch dahil sa kakahanap sa mga gusto mo. I don't have a list of activities that we can try for our date."

Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti, "Hindi mo kailangang magsorry sakin, Clyde. Kahit saan man tayo magpunta ngayon ay magiging masaya ako dahil kasama kita. Kasama ko ang taong nagpapasaya sakin."

"You are my happiness, Sandra. You are the reason why I am happy right now and I want to stay like this forever."

Continue Reading

You'll Also Like

33.8K 2.3K 7
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
9.5M 287K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
799K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.3M 30.8K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...