Sabrina Gomez.
Isang linggo na. Isang linggo na matapos akong bugbogin ng grupo nila Casey. At kung minamalas ka nga naman ohh, kaklase ko pala yung demonyitang yun
Andito ako ngayon sa lugar kung saan kami pumunta ni Jhet nung panahong nahawakan daw ni Sander yung pwet niya. Break time ngayon pero nakaugalian ko na dito kumain pagkatapos ng pagbugbog nila
Hindi nagtagal may naramdaman akong nakatingin sakin, kaya't agad akong tumingin sa paligid. Hindi nga ako nagkamali nakita kong nakamasid sakin si Jhet.
Ngumiti ako sakanya at kinawayan siya. Mukha pa nga siyang nagulat ng dahil sa pagkaway ko, pero ngumiti lang ito at naglakad papalapit sakin
"Bakit ka andito?" tanong ko sakanya habang paupo siya sa tabi ko
"Wala chinicheck lang kita" sagot nito at ngumiti
Ngumiti ako "Gusto mo?" tanong ko at inabot sakanya yung sandwich na hawak ko
Kumagat naman ito kaya't sumimangot ako
"Ohh bakit?" tanong niya habang nanguya
"Bakit mo kinagatan?" sagot ko at nagpout
"Inalok moko tas magrereklamo ka?" sagot nito
"Pwede mo namang kasing hindi kagatan, pwede mo lang naman hatiin" sagot ko, kaya't tumawa na lang siya
Wala na akong magagawa kaya't ginagatan ko na lang din, aarte pa ba ko? Sayang din kaya
"Sab?" tawag niya
"Hmm?"
"Sab pano kung sabihin kong nagugustuhan kita?" nasamid ako sa tanong niya at agad na tumingin sakanya
"Anooo?!" sigaw ko
"Na gusto na kita" ulit niya sa sinabi niya
Magsasalita na sana ako ng may biglang nagsalita
"Kadiri kayo" agad kaming na palingo sa nagsalita
"Rivera?" takang tanong ni Jhet
Tumingin lamang ito samin. Emotionless
"Teka matanong nga kita" sabi ko "Bakit sa tuwing nandito kami nandon ka rin?" tanong ko
Totoo naman, kung asan ako, kami ni Jhet bigla bigla ko na lang siyang nakikita
"Ano sa tingin mo?" tanong niya sakin pabalik
"Are you stalking me?" tanong ko
Tumawa lang ito ng na pakalakas, kaya napaface palm lang ako
"Anong gagawin mo kapag sinabi kong oo?" tanong nito na ikinabigla ko
Ilang minutong walang nagsalita samin, ni isa. Tila nagpapakiramdaman kami
"HAHAHA biro lang" sabi nito at naglakad na
Napakunot noo na lang ako. Ano daw?
"Hayaan mo na siya" sabi ni Jhet
"Saglit lang" sabi ko at sinundan si Bakulaw
"Hoy!" sigaw ko habang natakbo
Aggh! Bingi ba to oh ano? Di ako nililingon
"Hoy Bakulaw!" sigaw ko pero di parin siya nalingon
"Avery Rivera!" sigaw ko
Huminto ito sa paglalakad kaya kinuha ko na yung chance na yun para masundan siya
"Kanina pa kita tinatawag" hinihingal kong sabi
"Bakit?" tanong niya
Bakit ko nga ba siya sinundan? Hindi ko rin alam
"Ahhh" nahihiyang tugon ko
"May gusto ka sakin noh?" tanong niya na ikinabigla ko
Dapat talaga hindi ko na siya sinundan, napagkamalan pa akong may gusto sakanya
"Ako? May gusto sayo?" sabi ko itinuro ang sarili ko
Tumango lamang ito
"Asa" sagot ko at tinalikuran na siya
Parang ewan! Ako daw may gusto sakanya! Yaaaaak!
Avery Rivera.
Pinanood ko lamang si Sabrina na palayo sakin. Bakit ganito? Hindi ko na maintindihan yung sarili ko? Hindi naman ako ganito dati ahh?
Naglakad nalang ako papunta sa tambayan ng grupo namin ng maabutan ko silang nagiinoman
"Tara Rivera shot ka muna" aya ni Ken
"Ayoko" sagot ko at dumiretso sa salamin
Ewan ko simula ng marinig ko na pinapili ni Felizardo si Sabrina kung sino mas gwapo samin at pinili niya si Felizardo, palagi na akong nakatingin sa harap ng salamin
"Di ka na gwagwapo tol" sabi ni Sander
"Mas gwapo ako sayo dre" dagdag pa ni Joshua
Marahas akong humarap sakanila
"Talaga bang panget ako?" tanong ko sakanila
Nagkatinginan silang dalawa at maya maya pa ay tumawa ng malakas
"HAHAHAHAHAHA tol si Rivera ba yan?" tanong ni Joshua
"HAHAHAHAHAHA ewan ko sinapian ata HAHAHAHAHAHA" sabi rin ni Sander
Tinignan ko silang dalawa ng masama kaya agad silang tumigil pero halatang nagpipigil parin ng tawa
"Anong nangyari sayo dre?" tanong ni Joshua
"Totoo bang mas gwapo sakin si Felizardo?" tanong kong muli
"Tol ayos ka lang?" tanong ni Sander
"Just answer my damn question!" sigaw ko, halata naman ang pagkagulat nila
"Sige ipagkumpara natin kayong dalawa" sabi ni Sander
1. Messy hair daw ako at nakaclean cut si Felizardo
2. Medyo singkit daw si Felizardo at tama lang ang akin
3. Pareho daw matangos ang I long namin
4. Mas maganda daw ang ngiti ko kung ngingiti ako, pero dahil bihira daw akong ngumiti lamang na daw si Felizardo dun
"So sino nga mas gwapo samin?" tanong ko
"Mmm" sabi ni Joshua na nakahawak pa sa baba na tila nagiisip
"Si Felizardo!" sabay nilang sabi
What?! Si Felizardo!
Agad akong tumayo sa pagkakaupo at pumunta agad sa harap ng salamin
Mas gwapo ba talaga sakin si Felizardo? Ughhh!
Sander Deleon.
Pinagmasdan namin si Rivera na sinasabunutan ang sarili na tila ba frustrated
"Ano ba talagang nangyayari sakanya?" bulong ni Joshua
Nagkibit balikat nalang din ako dahil ako mismo hindi ko alam ang sagot
"Uggh! Bwisit!" rinig kong bulong ni Rivera
Mukhang alam ko na kung anong pinoproblema nito. Nako, mahirap tong pinasok mo Rivera, sobrang hirap.
Para kang naglabas ng baril na gagamitin sayo.
Pero sino? Sino sakanila Rivera? Si Sabrina ba? Para kasing iba ka kung tumingin sakanya.
Pero isa lang ang alam ko. Inlove ka. You fall inlove Rivera, you fall hard.
~~~~~~~~~~~~~~
Goddess's Note: Anong tingin nito guys? Mabilis ba masyado? HAHAHA sorna in advance! Mwuaaaps!