Fall Again

By mhaermaid

4.4M 64.6K 8.9K

First heartbreak? Marami ng nakaranas niyan. Marami na ding nagsabi at nangakong hindi na sila magmamahal uli... More

Fall Again
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Part 2
Epilogue
Aphrodite's Magic
Special Chapter

Chapter 36

55.2K 756 56
By mhaermaid



Chapter 36

Tatlong araw na wala si Mama kaya tatlong araw din na nakakalabas pasok si Dylan sa bahay namin na walang problema. Walang kaso iyon sa mga pinsan at kapatid ko dahil kasundo na nila si Dylan at nakausap na din sila ni Tita Ruth. Minsan si Tita Ruth pa nga ang nag-iimbita sa kanya.

Pero noong bumalik na si mama ay mas lalo niya akong pinaghigpitan. Pagkatapos ng mga klase ko ay pinapadiretso niya ako sa salon. Pag nagpapaalam akong gagawa ng project at magrereview ay sasabihin niya na sa bahay na lang namin gawin, imbitahan ko na lang daw ang mga kagrupo ko sa bahay.

Paano ko sila iimbitahan kung ang isa sa mga kagrupo ko ay si Dylan. Hindi ko naman siya pwedeng iwan. Isa pa, ang gusto ng mga kagrupo ko ay sa bahay ni Dylan. Mas maganda daw doon kasi tahimik at maganda ang view. Nakakarelax daw pag ganoon at mas makakapagfocus kami sa mga gagawin namin.

Kaya heto ako ngayon nasa kwarto at pinagmamasdan ang kisame. Natapos na ang lahat. Intrams- kami ang nagchampion sa cheerdance, pero sa overall ay ang blue team ang nagchampion at kami naman ang first place-, sem break, pati ang finals, pero hindi pa rin ako pinapayagan ni mama na lumabas.

I've defied her hundred times before, but now? I don't think I can defy her. Mainit ako sa paningin niya ngayon kaya ayaw ko siyang suwayin baka ipatapon pa niya ako sa Batangas. I don't want to live there with the grumpy old woman. Kahit na nakakasakal din si mama minsan mas gugustuhin ko na lang na manatili dito sa Ilocos kaysa doon.

Naingit nga ako kila Angie dahil noong sem break balak sana naming pumunta sa Baguio. Kaming walo lang naman ang pupunta kasama 'yong boyfriend ni Kara. Matagal pa bago ang sem break ay nakapagplano na kami kung ano ang mga gagawin namin. Ayos na lahat ng plano, nakapagdesisyon kami kung saan kami magi-stay at kailan kami pupunta.

Halos silang lahat ay nadalian sa pagpapaalam sa kani-kanilang mga magulang. Ako nga lang yung hinintay nila eh. Paano ba naman kasi ang hirap-hirap magpaalam kay mama. Ilang beses akong sumubok pero pag kakausapin ko siya ay palaging postponed dahil may kausap siya sa phone o kaya naman ay may sisingit.

Baliwala lang din naman 'yong pagkuha-kuha ko ng tiyempo. Noong nagpaalam ako sa kanya, hindi ang sinagot niya. Tapos sumubok ulit ako tutal medyo malayo pa naman ang sembreak kaya pwede ko siyang kumbinsihin paulit-ulit. Ganoon pa rin naman ang naging sagot niya. Hindi na ako nagtanong ulit hanggang sa araw na ng pag-alis namin. Nag-empake pa nga ako ng gamit para hindi na siya makatanggi, pero mas lalo lang siyang nagalit at kinaladkad ako papunta sa kwarto ko.

Inis na inis ako noon. Sa inis ko nga pinagtatapon ko 'yong bag ko. Pati ang mga kumot at unan ko ay pinaggigilan ko sa inis.

Tawag din ng tawag sina Angie sa akin noon. Nahihiya akong sagutin ang mga tawag nila kaya nagtext na lang ako. Pero noong si Dylan ang tumawag sa akin ay sinagot ko 'yon. Umiiyak pa nga ako habang kausap siya at sa tuwing naalala ko 'yon ay nahihiya ako sa kanya. Sobrang frustrated ako noon na hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang sa napaiyak na lang ako.

'Yon ang unang beses na umiyak ako sa isang lalaki. Hindi ko ugali ang magsabi ng problema sa ibang tao. Minsan kay Charles ko na lang inilalabas ang mga sama ng loob ko kay mama. Ang maganda kay Charles ay nakikinig lang siya sa akin at naiintindihan niya ako dahil alam niya ang ugali ni mama.

At that moment, I felt so safe with Dylan kahit na boses niya lang ang naririnig ko. Hindi ko alam kung paano niya ako napakalma sa mga oras na 'yon. Sobra-sobra kasi ang nararamdaman kong inis na parang gusto kong itapon lahat ng mga nakikita ko.

Sinabi pa niya na kung gusto ko daw hindi na lang din daw siya sasama, para hindi lang ako yung maka missed out sa outing. Hindi naman ako ganoon ka selfish, kaya pinilit ko siyang sumama na lang. Hindi naman ako papalabasin ni mama ng bahay dahil nasagot ko siya. Hindi ko napigilang punahin ang mas lalong paghigpit niya sa akin.

Hindi ko alam doon sa nanay kong 'yon kung ano ang kinakapraning niya. Hindi naman ako makikipagtanan kung 'yon ang iniisip niya. Tsaka ano bang mali kung pupunta ako sa Baguio, syempre gusto ko din naman mag relax kahit papaano. Nakaka stress kaya ang college, dapat alam niya 'yon kasi sigurado akong napagdaanan niya kung gaano kahirap ang kolehiyo.

Hindi naman ako nakalimutan ni Dylan habang nasa Baguio sila at ako naman ay nasa bahay lang nag-aalaga kay lola. Palagi niya akong tinatawagan at kinakamusta. Sinasabi niya din sa akin kung saan sila pupunta. Nagpapaalam din siya pag-iinom siya. Siyempre pinapayagan ko siya, kahit na binigyan niya ako ng karapatan sa kanya, ayoko siyang sakalin lalo na't hindi buo ang karapatan ko.

Nag-upload pa nga siya ng picture niya sa facebook. Nasa Mines View Park siya. Nakatukod ang dalawang kamay niya doon sa wooden fence at malayong nakatanaw sa berdeng tanawin. Kahit na side view ang pagkakuha nung picture niya ay sobrang gwapo niya pa rin. Mas lalo akong napangiti dahil sa caption niya. Pinusuan ko ang post niyang 'yon.

I'm craving the taste of your lips and your fingers on my hair. Damn! I miss you

Syempre hindi siya nakatakas sa pang-aasar nung tatlo niyang kaibigan.

Axel Villaverde:

Nag-iinit ka lang! Iligo mo na lang yan!

Marvin Alfaro:

Naks! Grats pre! Pinusuan niya! Painom ka na!

Thunder Monteleon:

Magpapasimba na ba ko?

Natawa ako sa mga comments nila. May mga iba ding babae na nagco comment doon ng kung ano ano. May isa pang nagcomment na, ako na lang hinding-hindi ka magcre crave dahil pwede mo akong araw-arawin. Napairap ako, hindi na nahiya. Ganyan talaga yung ni comment niya.

I woke up from my train of thoughts when I heard a knock from my door. Nagkunot ako ng noo. Tamad akong bumaba sa kama at naglakad papunta sa pintuan para i-unlock 'yon.

"May bisita ka sa baba" bungad ni Drew sa akin

"Sino?" Nagtataka kong tanong

Wala naman akong inaasahang bisita ngayong araw na 'to.

"Chicks!" Ngumisi siya sa akin minuwestra pa niya ang mga kamay niya ng coca-cola shape

My forehead creased. Chicks daw! Ayan, isa din 'to eh. Pagdating sa mga ganyan mahilig siya pati din sina Carlo at Charles, silang tatlo ang palaging umaalis at nanchi chicks.

Binatukan ko siya at tumakbo pababa sa hagdanan. Pagkababa ko ay nakita ko sina Angie, Kara, at Enna. Ah, kaya pala chicks. Sila pala 'yong tinutukoy ni Drew.

"Pakilala mo naman sa 'kin 'yong nakapink" bulong sa 'kin ni Drew

Binalik ko ang tingin sa mga kaibigan ko para tignan kung sino sa kanila ang nakapink. Si Angie naka black, samantalang si Kara ay nakablue. Tumingin ako sa kanya at tinaasan ng kilay. Si Enna pala 'yong tinutukoy niya.

"Sige na po Tita. Promise, kaming apat lang po ang gagala wala na po kaming ibang kasama" pagmamakaawa ni Angie kay mama

"Namimiss na po namin si Ana. Ang tagal na po namin siyang hindi nakakasama sa mga lakad namin. Sige na po tita, please" dagdag ni Kara

"Tita, sige na po. Sa school na lang po namin siya nakakasama, eh. Tsaka magkaiba naman po 'yong nasa school kami at pag gumagala. Sige na po tita, ibabalik din po namin siya bukas" dagdag ni Enna

San naman kami pupunta? Hindi man lang ako sinabihan na pupunta pala sila dito. Tsaka grabe 'tong mga 'to pang best actress ang aktingan! Talagang nakakaawa sila habang kinukumbinsi si mama. Akala mo anak niya sila, nagmamakaawang huwag silang iwan.

"Payagan mo na Cel" panggatong ni Tita Ruth "Para namang hindi ka dumaan sa mga ganyan."

Marahas na bumuntong hininga si mama "Sige"

Sabay-sabay silang tumili at yumakap kay mama "Thank you po, tita. Thank you" sabi nila

"Sige na. Sige. Basta mag-iingat kayo" Seryosong sabi ni mama

"Opo, tita. Promise! Thank you talaga!" Excited nilang sagot

"Oh! Ana" nahuli ako ni Tita Ruth na nakatayo sa huling baitang ng hagdanan "Magbihis ka na. May pupuntahan daw kayo ng mga kaibigan mo"

Tumakbo silang tatlo sa akin at hinila ako papunta sa taas. Takang-taka naman ako habang nagpapahila sa kanila. Hindi ako makapaniwala na sila lang pala ang makakakumbinsi kay mama na palabasin ako sa presong bahay na 'to.

"San tayo pupunta?" Lutang na tanong ko sa kanila

"Ang sinabi namin kay Tita, magma-mall muna tayo, pagkatapos ay sa bahay namin magi sleep over tayo" mahinang sabi ni Angie at ngumiti ng malawak "pero ang totoo"

"Pero ang totoo?" Binitin pa talaga ako eh

"Malalaman mo din" excited na sabi ni Kara

Sila mismo ang nag-asikaso sa mga gamit ko. Ang dami nilang inilagay na damit doon sa bag na nakita ni Enna sa closet ko. May pantulog, may mga shorts at t-shirt, pati yung bathing suit ko ay nilagay din nila sa loob. Pero siyempre ako na ang naglagay ng mga underwear sa bag ko. Alangan naman iasa ko pa sa kanila.

Ilang minuto din kaming nasa taas, pagkatapos naming makuha lahat ng kailangan ko ay bumaba na kami. Nagpaalam muna ako kila mama at tita. Ang dami pang binilin ni mama bago ako pinakawalan.

Excited akong lumabas sa bahay. Sa wakas! Makakalanghap na din ako ng preskong hangin. Sawang-sawa na ko sa bahay. Palagi na lang iisang view ang nakikita ko. Buti na lang talaga at naisipan nilang ipagpaalam ako. Dumiretso kami sa sasakyan nila Angie at sumakay.

"Alis na po tayo ma'am?" Lumingon sa amin ang driver niya na medyo may edad na

"Opo" simpleng sagot ni Angie

Sa buong biyahe ay pinipilit ko silang sabihin sa akin kung san at ano ang gagawin namin. Ayaw nilang magsalita sabi nila surprise daw. Sa huli hinayaan ko na lang sila. Mas pinili ko na lang na makipagkwentuhan sa kanila tungkol sa mga nangyari.

Habang nasa daan kami ay napansin ko ang napakaberdeng tanawin. Pakiramdam ko ay ang lapit-lapit ko mula doon sa bundok. Mayroon din nakalagay doon na malalaking pitong letra. PARAISO. Parang mala Hollywood sign ang dating.

Ang daming mga puno sa paligid. Parang papasok kami sa isang masukal na gubat ngunit maayos naman ang daan. Mas lalo tuloy akong na excite.

Nanlaki ang aking mata nang makita ko ang pangalan ng resort. PARAISO. Yan ang nakalagay sa stone arch ng entrada. Kapareho nito yung malaking sign na nakita ko. Matayog ang nakabukas na itim na bar gate nito, sa magkabilang bahagi ng gate ay mayroong guard house, kung saan ay may tig-isang gwardiya doon na nakaupo.

Nang makapagpark na yung driver sa parking structure ay agad kaming pumasok sa elevator at bumaba sa ground floor. Agad kaming naglakad papunta sa hotel.

Halos lumuwa ang mata ko sa kagandahan ng lugar. And that moment I instantly fell in love with this place. Malinis ang kapaligiran, halatang inaalagan ito ng mabuti. Marami ding palm trees sa paligid. Habang palapit kami ay mas lalo akong humahanga sa ganda ng lugar.

Mas iginala ko pa ang aking paningin at hayon! Nakita ko ng mas malapitan ang gigantic PARAISO sign. Mayroong hanging bridge papunta doon. Sa gitna ng hanging bridge ay nakatayo ang isang tower. Sa di kalayuan ay may nakita akong isang malaking banga. Sa baba nito ay may mga sementadong replica ng kahoy at apoy. Nagulat ako nang biglang may batang dumungaw mula doon, basa siya habang kumakaway sa akin. Kumaway ako pabalik.

Mayroon din silang park doon para sa mga bata. Mayroon ding hagdanan pababa kung nasaan ang mga bungalow. Siguro ito yung suite villa nila

Hinila ako ni Angie papunta sa isang matayog na building. Sa kakagala ko ng tingin ay hindi ko na ito napansin. Pumasok kami sa loob nito. Dito makikita ang mga empleyadong nakasuot ng uniporme. Gray button up shirt ang kanilang suot. Sa gitna ng kwelyo nila ay mayroon itong slanted stripes na may color red, black, cream, dark green, light blue, black, at gray. Sa pinakagilid naman ng bahagi ng damit nila kasama ang mangas ay kulay itim ito.

"Good morning ma'am" ngumiti sa amin 'yong empleyadong nakasalubong namin.

"Good morning" sabay-sabay din naming sagot

Papalapit pa lang kami sa front desk ay nakangiti na sila. Maraming tao sa loob. Marami ding nagche-check in.

Sa lounge area ay may ibat-ibang klase ng couches. May wooden bench na filipino style pati din ang center table nito. Mayroon ding leather couch at sa gitna ay babasaging center table na may bulaklak. May mga single couches na may recliner. Kita ang view sa labas dahil sa malaking glass window. Sa kisame namay ay may magkabilaang walong malalaking abanico. Yung kanang walong abanico ay gumagalaw patalikod habang yung kaliwa naman ay paharap, back and forth. Parang pinapaypayan ng mga ito ang mga taong nakaupo sa lounge area.

"Tara na" anyaya ni Angie at dumiretso kami sa elevator

Binuksan ni Angie ang kwarto namin gamit ang keycard. May dalawang malaking kama doon, sa gitna nito ay ang bedside table na may lampshade.. May mga dalawang couch at center table. Sa paanan namin ay isang malaking salamin, at drawer, sa taas nito ay may nakapatong na flat screen TV.

"Dito natin ilalagay ang mga gamit natin" binuksan ni Kara ang isang closet. Nadivide iyon sa apat

Isang gabi lang naman kami dito kaya hindi na namin inilabas yung mga damit namin. Ipinasok lang namin ang mga bag namin sa loob.

"Ang ganda talaga ng bathroom nila" sabi ni Enna

Pumasok kaming apat doon. Malaki nga ito. Mayroon itong bathtub at shower room. Dalawa din ang sink nito. At sa gilid ay ang toilet bowl.

Naglakad ako papunta sa malaking bintana. Hinila ko ang blinds para makita ko ang magandang tanawin. Napahawak ako sa glass window. Nakakarelax. Nature can really make you forget your problems. Just by looking at the green mountain that surrounds the area, and the vast blue sea made me feel so happy and relax. Mas gumaan na 'yong pakiramdam ko.

"Ang ganda 'no?" Nakangiting sabi ni Kara

"Mm-hmm" tumango ako "Sobra"

"Alam mo, pagkagraduate ni Dylan, sa kanya na 'tong Paraiso. Silang dalawa yata ni Denisse. Di ako sure" saad niya

Agad akong napatingin sa kanya "Sa mga Dela Fuente 'to?" Namilog ang mga mata ko

Kumunot ang noo niya "Oo. Hindi mo alam?"

"Hindi" humarap ulit ako sa bintana

Mas lalo tuloy akong napaisip. Walang-wala ako sa kung anong meron sa kanya. Pagkatapos ng college may sarili na siyang resort. Samantalang ako, maghahanap pa lang ng trabaho. Ayoko na balang araw maging liability niya lang ako.

Parang naiintindihan ko na tuloy si mama. Siguro, kaya ayaw niya akong makipagkaibigan kay Dylan hindi lang dahil sa Dela Fuente siya kundi dahil sa estado namin sa buhay. Kung sana noon, okay pa. Noong maayos pa ang estado ng buhay namin, pwede ko siyang pantayan at hindi ako magiging pabigat kay Dylan.

Ang swerte ng babaeng makakatuluyan niya. Hindi lang dahil sa kung anong meron si Dylan, kundi kung ano siya. Mabait, sweet, gentleman nasa kanya na lahat. Bumigat na naman tuloy 'yong pakiramdam ko dahil sa mga iniisip ko. Parang may tumutusok sa puso ko pag naiimagine kong may kasama siyang iba.

"Hi"

Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko nang niyakap niya ako galing sa likod. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa tiyan ko.

Sa walang kadahilanan ay parang maiiyak ako. Ang dami-dami ko kasing iniisip na parang nalulunod na ako sa mga isipang iyon. Masyadong maraming bagay na tumatakbo sa isipan ko. Those thoughts are overwhelming. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko.

"I missed you" bulong niya sabay halik sa balikat ko

Bahagya akong tumingin sa kanya at ngumiti ng tipid. Miss na miss ko na din siya. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ang kanyang sentido.

"Go get a room!" Naramdaman ko ang pagtama ng unan sa ulo ko "Oh shit! Sorry! Sorry!"

Tinangal ni Dylan ang mga kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin. Kinuha niya iyong unan at tinapon pabalik kay Axel. Hinila niya ako mula sa batok at hinalik-halikan ang ulo kong natamaan.

"Okay ka lang?" Nag-aalala niyang tanong

Tumawa ako ng mahina at tumango. Ang o.a talaga. Unan lang naman 'yon. Hindi nga ako nasaktan. Isa pa, hindi naman siguro sinadya ni Axel. Nagkataon lang na sa akin tumama 'yong unan.

Sinugod niya si Axel na nakahiga sa isa sa mga kama kasama niya doon sina Thunder at Marvin. Sina Angie naman ay nakahiga doon sa kabila. Nagwrestle pa talaga sila. Hanggang sa nakigulo na din 'yong dalawa. Parang mga bata! Umupo ako sa dulo ng kama na hinihigaan nila Angie.

"Hoy!" Pinalo sila ni Angie ng unan "Umayos nga kayo! Parang mga three years old. So rowdy!"

Tumigil naman sila, pero nagtawanan ulit. Ang hilig nilang bwisitin si Angie.

"Uy! Galit na naman 'yong nanay natin!" Tumatawang sabi ni Marvin "So rowdy!" He mocked

"Suyuin mo nga, Thunder" nakangising sabi ni Axel "Pag ikaw nanlalambing sa kanya, mabilis tumiklop"

"Sorry po, mommy!" Panggatong naman ni Thunder

Hinampas ni Dylan si Thunder ng unan "Gago! Ba't kasi mommy. Mas lalong magagalit yan. Dapat babe! Babe gusto niyang itawag mo sa kanya eh" Tumawa si Dylan

"Ganon ba?... Sorry na babe. Huwag ka ng magalit" lumipat si Thunder sa kama namin at niyakap si Angie

Nagtawanan kaming lahat dahil namumula si Angie. Pilit niyang tinutulak si Thunder pero mahigpit ang pagkakayakap niya kay Angie. Napuno ang kwarto namin ng tuksuan at tawanan.

"Uy! Hindi kami talo nito! Parang kapatid ko lang 'tong si Angie eh" ginulo ni Thunder ang buhok ni Angie

"Aray ko naman! Ang sakit!" Hinawakan ni Enna ang dibdib niya "Na sibling zoned ka 'te! Aray ko!"

Nagkatinginan kami ni Kara at humagikhik. Humiga ako sa tagiliran ko at itinukod ang siko habang sapo ng kamay ko ang aking ulo.

Palihim na sinabunutan ni Angie si Enna "Sige! Gatungan mo pa!" Nangigigil niyang bulong

"Bakit kasi kayo nandito" inirapan ni Angie 'yong apat "Alis! Umalis na nga kayo! Babae lang dapat ang nandito"

Natawa ako sa inasal niya, she's trying to avoid Thunder and the attention that we're giving her. Nagtaas baba ng kilay si Kara. Gusto pa niyang magisa 'tong si Angie.

"Oops! Trying to escape from the sibling zone, eh?" Habol ko bago niya ibahin ang topic

Tumawa sina Kara at nakipag-apir sa akin. Pati sina Dylan ay tumawa din. Sinamaan niya ako ng tingin at pinagpapalo ng unan. Naasar na siguro siya dahil sinusubukan niyang ibahin 'yong topic pero bumabalik pa rin sa kanya. Humiga ako sa harapan ko para 'yong likuran ko ang matamaan.

"Hoy! hoy! Psst!" Pag-awat ni Dylan kay Angie "Baka nasasaktan na siya"

"Hindi yan" sabi ni Angie at pinalo pa ako ng isang beses gamit ang unan

Hindi naman ako nasasaktan dahil malambot 'yong unan at hindi niya nilalakasan 'yong pagpalo. Inagaw ko 'yong unan sa kanya at pinalo ko din siya. Lumaki ang mata niya, pero ngumisi din agad. Kumuha siya ng isang unan at pinalo ulit ako. Tumakbo na ako papunta sa likod ni Dylan para may harang.

"Umayos nga kayo! Parang mga three years old! So rowdy!" Sabi ni Marvin na pilit ginagaya ang pagdeliver at boses ni Angie

Natawa kami dahil ipit na ipit talaga 'yong boses niya. Pati ang paggalaw at facial expression ni Angie ay ginagaya niya. Siya tuloy itong napalo ng unan.

"Wag niyo masyadong lokohin yan baka umiyak" biro ni Dylan

"Hindi yan. Tapang-tapang eh" sabi naman ni Axel

"Umurong ka nga" nilingon ako ni Dylan

"Bakit?"

"Basta umurong ka lang" tinulak pa niya ko ng mahina

Sinunod ko na lang siya. Inayos niya 'yong unan na nasa lap ko at humiga doon. Kaya pala. Tinampal ko 'yong pisngi niya. Tumawa lang siya. Magaling din lumusot 'to eh.

Sinuklay ko ang buhok niya. Ang lambot at dumudulas 'yong daliri ko sa buhok niya. Pagkatapos ay hinilot ko ang ulo niya. Bigla siyang napahawak sa kamay ko kaya tumigil ako.

"Don't stop" he complained "Feels so good"

"Ay! Gago! Nagpapakasarap ka na naman" ani Marvin

"Kayo na ba?" Tanong ni Thunder

"Panong magiging sila eh hindi nga makatungtong sa bahay nila Ana." Si Axel na ang sumagot "Gago ligawan mo kasi yung nanay ni Ana"

"Tangna! Paano ko liligawan kung nasa bakuran pa lang pinapatay na niya ko ng tingin" natawa namang sabi ni Dylan

"Uy! Baba na tayo. Nagugutom na ko. Alas dose y media na" sabi ni Kara

"Sige tara na! Gutom na din ako eh" bumangon din si Thunder at nag-ayos

Bumangon na kaming lahat at nag-ayos na din. Pero bago kami bumaba ay nagsalamin muna sila. Nagsuklay lang ako ng buhok at nag-apply ng lip balm.

Pagkalabas namin sa elevator ay dumiretso kami sa Resto Paraiso. Papasok na sana kami doon nang hindi ko makapa 'yong cellphone ko. Nasapo ko ang noo ko. Naiwan ko sa hotel room.

"Sige mauna na kayo. Nakalimutan ko 'yong cellphone ko, kukunin ko lang" pagpapaalam ko sa kanila

"Samahan na kita" saad ni Dylan

"Hindi. Ako na lang. saglit lang ako. Promise mauna na kayo" sabi ko lang at umalis na

Medyo may kalayuan pa naman ito mula sa hotel. Binilisan ko na lang ang paglalakad. Dumiretso ako sa elevator at nang makarating na ko sa floor namin ay agad kong binuksan ang pintuan gamit ang keycard. Agad kong nakita ang cellphone kong nasa tabi ng TV.

Nang makababa na ako ay mabilis ulit akong naglakad pabalik sa restaurant. Pero habang naglalakad ako ay may pamilyar na boses akong narinig na tumawag sa pangalan ko. Shit! Sana nagkakamali ako, sana hindi siya. Hindi ko na sana siya lilingunin pa pero tinawag niya ulit ang pangalan ko ng mas malakas. Damn! Anong ginagawa niya rito?

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
53.9M 758K 91
Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin ni...
2.4M 14.6K 7
The photo is not mine. Credit to the rightful owner of the pic. that I've used as book cover. TEMPTATION SERIES #1 Date Started : March 11, 2016 Dat...
18.7M 126K 101
She is a stranger to him. He is a stranger to her. She's simple and nice. He's a playboy. Will he ever change? They were both at a bar that same nig...