"Good morning Ma'am. Coffee po"
sabay abot ni Leo ng black coffee ko. It's my first day back in the office. Good vibes lang-- yun ang bilin ko sa aking sarili. Binasa ni Leo ang mga reports na iniwan ni Alex at schedule ko for the day habang naglalakad kami sa hallway. Hay, same old thing. First day sickness na naman ako at wala sa mood makinig sa output ni Leo
"Where's David?"
at naramdaman kong tumigil si Leo sa paglalakad. Nilingon ko sya at bahagyang ibinaba ang aking sunglasses
"Ma'am... uhm... he's at the... "
pautal utal si Leo sa pagsagot ng makasalubong ko si David sa bukana ng aking opisina. Nagulat din sya at namumutla. Lumapit ako sa kanya at hinubad ang aking sunglasses. Natawa ako ng umakma syang iilag
"Relax David, it's just me. Bawasan mo kasi ng isang pitsel ang pagkakape mo ng di ka masyadong nerbyosin"
I tapped his arm and went straight into my office. I gazed at the whole Metro as I sip my coffee then my door opened
"Welcome back Althea"
bati ni Batchi at yumakap sakin
"How's Dubai?"
"How's Dubai nga ba talaga o how's your EX"
tinulak ako ng very mild ni Batchi
"Sira! Me and Micah are history na. Mabuti naman at naisip nyang sa kanya ka nalang magstay"
"For old time sake daw. Friend ko rin naman si Micah kaya wala kaming issue. In fairness, maganda ang girlfriend nya ha"
tatawa tawa ako sa reaksyon ni Batchi
"Maganda kaya si Abby"
"E bakit parang Charantia ang ininom mo kaninang umaga ha Batchi. Sumbong kita kay Abby mamaya"
"Hoy Althea, parang baligtad ata. Dapat ako ang chumuchorva sayo, bat sakin napunta ang usapan? Ano na, nakamove on ka na ba?"
I smirked and sipped my coffee
"Oo naman"
"Oh c'mon Althea! Talaga lang ha, how to be you po?"
I just looked at her and walked towards the glass window
"Someday Batchi, someday. Everything's gonna be fine"
"Tsong, nagpatawag pala ng meeting si Jade. Siguro naman nabanggit na ni Alex sayo yung mga repairs ng Vending Machines"
"That's what I'm telling them. Dahil magaling mambola yung representative na Hapon, tinaggap agad ni Ahya yung deal. Sabi ko na mahirap humanap ng parts ng machine, kelangan pa natin mag import. So ngayon, bulilyaso"
"So paano, let's see each other later?"
"Yeah, I'll be there"
"You sure?"
"Batch, I'm fine. And besides kelangan yun ng company, labas ang personal kong problema dun"
.
.
.
BATCHI'S POV
"Attorney Lee, aren't we gonna start the meeting?"
inip na tanong ni Jade
"Excuse me, I'll just gonna make a phone call"
tumayo ako at lumakad papunta sa pinto ng conference room
"What the! Althea pick up!"
pabulong kong sabi sa sarili ko habang nireredial ang number nya
"Leo, si Althea?"
Since she's not picking up, I decided to call her secretary na
"Ma'am, masama raw po pakiramdam nya"
"Ano?! Sabi nya aattend sya ng meeting. Asan sya?"
I try not to raise my voice dahil maririnig ito ng board
"Asa opisina po, tulog"
"Althea, I'm gonna kill you"
at ibinaba ko na ang call. I went back sa table and opened the agenda of the meeting. Alam ko naman na sanay na sila na laging wala si Althea kaya di na ito bago sa kanila. Jade just stared at me, as if she's reading my mind
.
.
.
xxx
.
.
.
Ang gulo gulo ngayon sa opisina. Nagsabay sabay ang dating ng mga investors at the same time, dagsaan ang mga bagong products for testing. Naghiwa hiwalay na kami nina Batchi at David sa pag attend ng meetings. I wanna keep my cool kahit may mga di inaasahang kapalpakan.
"Cuz, kumain ka muna. Di kapa nagla lunch"
sabay lapag ni David ng kape at sandwich sa mesa ko. I smiled with his gestures
"Thank you David"
"If you need anything, just call me, I'll be outside"
he smiled and went outside my office.
I haven't seen Jade since I arrived. Sa meetings, sa hallway, sa pantry o kahit sa lobby. Mas mabuti na siguro ito ng makalimutan ko na sya.
.
.
.
"Sasaglit lang ako sa bar tas uwi na agad ako. May field trip si Marinelle bukas, ihahatid namin sya ni Abby"
"Okay lang Batch, baka saglit lang rin ako at naglalambing si Miggy na ihatid ko sya bukas sa school"
Naglalakad na kami sa hallway ng mapadaan si Jade at David. Hindi nila kami nakita kaya pinauna na namin sila. Bitbit ni David ang mga gamit ni Jade at tila nagkakamabutihan na sila. Tinignan ako ni Batchi
"Tsong, okay ka lang?"
Ngumiti ako sabay tango
.
.
.
xxx
.
.
.
Ting!
When the elevator door opened, I saw Jade in there.
Our eyes met
I was thinking if I'll wait for the next elevator but I don't want her to think that I'm avoiding her so I get into the lift. I saw in my peripheral view that she's making herself busy with her phone.
I can't breathe
When we reached our floor, she moved quickly and walked away. Ako naman si tanga, hanggang habol nalang
.
.
.
"Parang di mo kilala si shobe, irritatingly stubborn"
komento ni Paul habang dinadaan namin sa inom dito sa bar ang pagkatanga ko kay Jade
"Tsong, kala ko ba magmomove on ka na? Wag mo sabihin porke nakita mo sya e papaapekto ka na uli sa kanya"
sermon ni Batchi. Sa totoo lang, di ko na alintana ang mga sinasabi nila dahil malapit ng maubos ang brandy na halos kabubukas lang namin. Pilit kong nilulunod ang sarili ko para mamanhid na ako
"Yan, yan. Dyan tayo magaling e, sa paglalasing. Tsong itigil mo na yan at ako na naman ang mahihirapan mamaya"
awat ni Batchi sakin
"Paul, pakilayo na nga yang bote na yan"
utos ni Batchi.
Ayoko magpaawat, di ako titigil hanggat hindi sya naaalis sa aking isipan
Hawak na ni Paul ang bote, samantalang nararamdaman ko si Batchi na nakikipag agawan ng baso sakin ng makita ko si Jade na kasama si Bianca papasok ng bar at naghahanap ng mapupwestuhan. Napalingon din sina Batchi kina Jade. Naupo ako ng maayos at tumungo sa table
"Tsong, tama na. Lasing ka na"
si Batchi habang hinihimas ang likod ko. I sit up straight and looked for Jade. They managed to find a table. Nagkukwentuhan sila ni Bianca ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya. Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kanya. Hindi ko na alintana ang mga payo nina Batchi at Paul, I took one glass, straight up and walked towards Jade
"Althea, san ka pupunta? Althea!"
si Batchi habang pilit hinahabol ako. Pinigilan naman sya ni Paul
"Hayaan mong si Althea ang humanap ng solusyon sa problema nya"
wika ni Paul
Kahit lumulutang na ang pakiramdam ko, alam kong si Jade parin ang laman ng puso ko at ito lang ang tanging paraan na alam ko
"Jade, can I talk to you?"
"Althea, you better go back there. You're drunk"
sagot ni Bianca
"Bianca, please. I just wanna talk to Jade"
tumayo na si Bianca para alalayan ako pabalik kina Batchi, pero nagmatigas ako. I didn't mind if I create a scene. I go down on both knees na ikinagulat ni Bianca
"I know I look stupid Jade. I didn't fight for you. I don't want to make mistakes all over again by letting you go. You're everything to me. And loving you is all I can do"
Nakikinig lang si Jade habang pinagmamasdan nya ako
"I may not be courageous like David but I can ask for your hand too. You deserve more than a ring or a proposal. I love you so much Jade"
Tumingala si Jade para pigilan ang pagpatak ng luha nya
"Please say something"
Tumingin sa malayo si Jade saka ito nagsalita
"Althea, I... uhm... I... I'm sorry"
she wiped her tears, stood up and ran away. Sinundan sya ni Bianca. I was in the middle of the bar kneeling, bursted into tears. The love of my life just walked out from me and I don't mind the crowd looking.
"Althea, halika na, I'll bring you home"
it's Batchi kneeling on the floor and wiped my tears with her palm. She's been catching me hundred times in every heartbreak I had with Jade. At wala rin akong kadala dala sa pagpilit ng sarili ko sa kanya. I can see how Batchi and Paul care about my feelings.
==========
Hi guys! Sorry for delaying my update. I hope you still have patience in waiting. I want to say thank you to everyone with their contagious comments. I hope everyone is still fine with Pirena's difficulties in life and Mira with her Mama Jade eating together on TB. Have a great weekie everyone and take care!
Let's follow each other on Twitter:
@jay_ahn_oh