Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 130K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-5-
-6-
-7-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-37-

68.9K 2.3K 294
By vampiremims

"GOOD morning," nakangiting bati ko nang magpunta si Kol sa may kusina. Inaayos ko sa lamesa ang mga gagamitin para sa pagkain. Tinulungan ako ni Jahann na magluto ng almusal para sa lahat. Iniwan niya lang ako dahil maliligo muna siya. Tulog pa naman ang lahat dahil na rin sa puyat.

"You're early..." nakakunot ang noong sabi niya. Ngumiti lang ako.

"What do you want? Coffee, milk, juice, water?" alok ko na lang sa kanya. Hindi naman ako uminom katulad ng mga kasama namin kaya maaga akong nagising kahit na nagpalipas pa kami ni Jahann sa may dalampasigan kagabi.

Hindi naman sumagot si Kol. Sa halip ay naupo ito at ipinatong ang siko sa lamesa at nangalumbaba habang nakatingin sa akin. "Your smile's creeping me out, Cherinna."

Napasimangot naman ako at tinitigan si Kol ng masama. "As long as my smile's not creeping him out, I'll keep on smiling..." ngumisi ako bago inirapan si Kol. Narinig ko naman ang pagtawa nito.

"Anong oras kaya magigising 'yung mga 'yon?" tanong ko kay Kol nang ilagay ko ang isang plato sa lamesa. Mahirap katabi si Aly kapag nakainom. Sa kama ka nahiga, gigising ka sa lapag. Ilang beses ng nangyari sa akin iyon.

"Mamaya pa gigising 'yung mga 'yon," sagot naman ni Kol sa akin. Sa palagay ko naman ay tama si Kol. Isa pa'y maaga pa naman. Duda rin ako kung babangon ang mga iyon kapag ginising ko sila. Mas lamang na ipagtatabuyan pa nila ako palayo dahil inaantok pa sila.

"Mauna na kaya tayong kumain?" suhestiyon ko kay Kol nang maupo ako sa tabi niya. Natawa ulit siya ng marahan sa akin bago inilapit ang mukha at pinitik ang noo ko. "You're always hungry."

Nilayo ko ang mukha ko at hinawakan ang noo ko. "Ang haba ng daliri mo, wag kang namimitik..." pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Kol just smiled at me.

Sabay pa halos kaming napatingin sa may pinto nang may tumikhim. Ngumiti ako nang nakita ko si Jahann. "You're done?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. "You need help?" tanong niya bago lumapit sa akin. Umiling naman ako. "Tapos na. Hihintayin na lang natin silang magising para makakain tayo..." sagot ko sa kanya. Nakatayo sa may likod ko si Jahann. Nasa magkabilang balikat ko ang kamay niya.

"You're not yet hungry?" pang-aasar niya sa akin. Tiningala ko naman siya. "Ang sama mo sa akin." Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

"Jahann!" pinanlakihan ko siya ng mata bago lumingon kay Kol. Nakapaling naman ang ulo ni Kol sa kaliwa nito. Tinignan ko ulit si Jahann. Paano na lang kung nakita ni Kol ang ginawa nito? Alam ko namang alam ni Kol ang sitwasyon namin. Naiintindihan kami ni Kol, pero iniisip ko rin naman ang nararamdaman ni Kol. Ayokong makaramdam siya ng ilang sa aming dalawa ni Jahann kung nakikita niya kaming ganoon. Buong buhay naming lahat, magkapatid ang turingan at tingin nila sa amin... ngayon, nag-iiba na.

"Let's go out," ngumiti sa akin si Jahann bago inilahad ang kamay niya sa akin. Tumango ako at inabot ang kamay niya. Inalalayan naman niya akong makatayo. Bago pa ako maglakad ay nilingon ko si Kol. "Sama ka, Kol?" pag-aaya ko sa kanya. Mamaya pa naman gigising ang lahat, maiinip si Kol kung wala siyang kasama.

Umiling siya sa akin. "No, thanks..."

"Are you sure?" tanong ko ulit sa kanya. Tumango lang siya sa akin. "Okay. Text mo na lang kami kapag gising na sila, ha?" ngumiti ako sa kanya bago naglakad. Hawak-hawak ni Jahann ang kamay ko.

"Where are we going?" tanong ko kay Jahann habang naglalakad-lakad kami.

"Anywhere?" he cocked his head and grinned at me. "As long as you're by my side, anywhere's fine with me..."

"Siraulo..." napailing na lang ako. Magkatabi kami habang naglalakad. Alam kong gusto niya akong hawakan, pero hindi naman pwede. Nasa labas na kami nang pinabitiw ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa kamay ko nang may nakasalubong naming ang nag-aalaga ng tinutuluyan namin.

"Magsswimming yata mamaya, sumama ka, ha?" paalala ko sa kanya. Malamang kasi ay sasama nga siya pero hindi naman siya lulusong sa tubig.

"As long as you're not going to wear a swimsuit, I'll go," sagot naman niya sa akin.

"Lahat sila naka-swimsuit, Jahann..." napasimangot ako.

"Fine... you can wear swimsuit, Creep. But you'll wear my shirt to cover your body. Fair enough?" ngumiti siyang muli sa akin.

Tinitigan ko siya at napailing. "Ewan ko sa'yo..."

Medyo malayo na ang nalakad namin kaya naman naisipan ko na munang maupo.

"You're always wearing shorts. Wala ka bang jeans?" biglang tanong ni Jahann sa akin.

Bumaling naman ako sa kanya. "Ano?" taking tanong ko sa kanya.

"Those people earlier, they're staring at your legs. It's annoying, Creep. Pagbalik natin, mamili ka ng jeans mo..." nakasimangot na sabi ni Jahann.

"Seryoso ka diyan?" hindi ko mapigilang matawa sa kanya. Sa aming mga babae, ako naman ang pinaka hindi pansinin. Habang maraming nagkakagusto kay Ate Caryl, Lean, at Aly, kahit pa sabihin na mayroon din sa akin, higit na mas pansinin ang mga iyon. At wala namang kaso sa akin ang bagay na iyon.

"I'm dead serious." Nilingon pa niya ako.

Ngumiti ako. "Ngayon ka lang nagrereklamong nakashorts ako. Dati pa naman, ganito na damit ko." Tumayo ako at naupo patalikod sa kanya at sumandal sa likod niya.

"Nagrereklamo na ako dati pa. Mas nagrereklamo lang ako ngayon dahil ayokong may ibang lalaking nagkakagusto pa sa'yo," narinig kong sabi ni Jahann.

"Magrereklamo na rin ba akong gwapo ka at maraming babaeng nagkakagusto sa'yo?" pagbibiro ko sa kanya.

"May pinansin ba ako sa mga babaeng sinasabi mo?" ganting tanong niya naman sa akin. Hindi ako kumibo. Alam ko namang wala. Hindi pa nagkakagirlfriend si Jahann. Si Iris pa lang talaga ang babaeng naging malapit kay Jahann sa lahat ng babaeng nagpapansin kay Jahann.

Walang kumikibo sa aming dalawa. Nakasandal lang ako sa likod niya pero pakiramdam ko'y kontento na ako. Wala na akong gusto pa. Okay na.

"I think we should go back now, snob..." mahinang bulong ko kay Jahann.

"Hmm?" sagot niya naman sa akin.

"Bumalik na tayo. Baka gising na sila... gutom na rin ako," pagrereklamo ko sa kanya.

"Ayoko pa."

Kumunot ang noo ko bago umalis sa pagkakasandal sa kanya at tumabi sa kanya. "Why?" usisa ko naman. Iniisip ko kasi, baka may gising na sa kanila. At baka hanapin nila kami.

"If we go back now, I won't be able to hold you, kiss you. That sucks, Creep. I'm not allowed to touch my girlfriend in front of everyone." Huminga siya ng malalim bago tumingin sa dagat.

"Don't stare at me. I might kiss you here and I won't give a damn to anyone that will see us because I'm too occupied with your lips."

Hinampas ko naman ang braso niya. "Siraulo ka talaga."

Nilingon niya ako at saka siya ngumiti. "I'm serious, Creep."

Inabot ko ang pisngi niya at inilapit ang mukha niya sa akin. Tinitigan ko ang mga mata niya bago idinikit ang ilong ko sa ilong niya. "I'm happy you're with me, snob..." I closed my eyes and smiled. "I'm hungry..."

Naramdaman ko ang pagtawa niya bago ang pagkabig sa akin para yakapin ako. "I love you, Creep."

Ngumiti lang ako at sumandal sa kanya.

Bumalik na rin kami nang ayain ko na si Jahann. Hindi naman na siya tumutol pa dahil nagtext na sa akin si Kol na gising na sila Aly.

"Saan kayo galing?" tanong sa amin ni Theon nang pumasok kami ni Jahann sa kusina. Kumpleto na silang lahat. Magulo pa ang mga buhok ni Keij at Theon na halatang kagigising lang. Si Kuya Kiro ay nakaligo naman na, maging si Kevyn at Enzo ay maayos na ang itsura.

"Morning, Jahann..." lumapit si Iris kay Jahann at inabutan ito ng plato. "Kain na tayo?" alok niya rito. Napatingin ako kay Iris bago simpleng nilingon si Jahann. Hindi naman ako nagsalita, lumapit na lang ako sa kanila at naupo sa bakanteng silya sa tabi ni Kol.

"Kumain ka na," ani Kol na nilagyan ng pagkain ang plato ko. Ngumiti ako sa kanya matapos kong magpasalamat.

"Sakit ng ulo ko," reklamo ni Aly habang kumakain kami.

"Inom ka kasi ng inom," sabi ko naman sa kanya.

"Saan ka pala nagpunta kagabi? Bigla kang nawala," nilingon ako ni Aly. "Kapag inuman talaga, nawawala ka bigla..." puna nito.

"She's with me last night," maagap na sabi ni Kol.

Nilingon ko si Kol, seryoso lang ang mukha nito.

"Iinom daw ulit mamaya..." sabi naman ni Keij sa amin. Kanya-kanyang reklamo na sila na magpahinga naman daw sa kakainom, pero sigurado naman akong kapag nasimulan na iyon, sasama naman silang lahat.

Tahimik lang akong kumakain habang patuloy ang pag-aasaran nila. Katabi ni Iris si Jahann kaya naman nakikita ko ang paglalagay ni Iris sa plato ni Jahann ng pagkain kahit na tumatanggi naman si Jahann.

"Swimming mamaya, kasama lahat, ah?" ani Theon sa amin.

"Magpapaiwan ako. Magluluto ako ng lunch, eh..." sagot ko naman sa kanya.

"Twin, wag kang madaya. Sumama ka sa amin," hinawakan ni Aly ang kamay ko. Natawa naman ako sa kanya. "Sinong magluluto ng lunch, ikaw?" tanong ko sa kanya na may halong pang-aasar. Sinimangutan niya ako. "Susunod ako pagtapos," dagdag ko na lamang para hindi magpumilit si Aly.

"Sasamahan ko na si Cherinna," narinig kong sabi ni Jahann. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Katapat ko lang siya sa lamesa kaya naman kita ko kaagad siya.

"Pero Jahann, sumama ka naman sa amin. Wala ka rin kahapon, eh..." hinawakan ni Iris ang braso ni Jahann. Pinigilan ko ang sarili kong mapaismid.

"Sumama ka na lang sa kanila, I'll be fine," pinilit kong huwag magtunog nagseselos. Alam ko naman na wala lang para kay Jahann ang mga ginagawa ni Iris, pero nakakainggit lang.

Si Kevyn at Theon ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Hinihintay na lang nila Aly sina Keij para magpunta sila sa may dagat. Nakaupo ako sa pang-isahang silya nang naupo si Jahann sa tabi ko. Nakita ko si Kol na nakatingin sa aming dalawa ni Jahann. Marahil ay iniisip nito na hindi nag-iingat si Jahann sa ginagawa nito.

"Jahann!" biglang tinawag ni Aly ang katabi ko. Napalingon naman kaming dalawa ni Jahann kay Aly.

"What?" tila balewalang tanong ni Jahann sa kakambal ko.

"May picture ka ng girlfriend mo? Patingin naman!" tumayo si Aly at lumapit sa aming dalawa ni Jahann.

"Oo nga, Jahann. Sino ba 'yan at masyado mong tinatago kahit sa amin," ani Lean na nakaupo sa tabi ni Enzo.

"Why you're so nosy about someone's life?" tanong ni Enzo sa kakambal nito. Sinimangutan naman ito ni Lean.

"Dali na, Jahann..." pamimilit ni Aly sa katabi ko.

Sa tuwing ganito ang nagiging usapan, hindi ko mapigilang kabahan. Yung pakiramdam na tila may naghahabulan sa dibdib ko dahil sa kaba nab aka malaman na nila ang nangyayari. Natatakot ako sa magiging reaksyon nilang lahat.

"You'll meet her soon, why do you want to see her face now?" coldly, Jahann asked Alyanna. Aly rolled her eyes. "Napakadamot mo naman," pagmamaktol ni Aly. Nilingon ako nito. "Twin..."

"Ha?" napatuwid ang likod ko nang tignan ako ni Aly.

"His camera's with you, right? Pahiram ako, titignan ko lang at—"

"No one's allowed to touch my camera, Aly. Alam mo 'yon," putol ni Jahann sa sinasabi pa ni Aly.

"Eh, bakit si Cherinna—"

"Wala namang picture sa camera ni Jahann maliban sa ating lahat, Twin. I checked it already..." ngumiti ako sa kanya. "Baka nasa ibang camera niya..." dagdag ko pa. Tila nakumbinsi ko naman si Aly sa sinabi ko dahil hindi na siya nangulit pang muli.

"Let's go, guys!" masiglang sabi ni Keij na nag-aya na lumabas. Sumunod naman na sila kay Keij.

"I'll stay here..." mahinang sabi ni Jahann sa akin. Umiling naman ako. "Go with them, I'll be fine..." ngumiti ako sa kanya. Mamaya ay may magtanong na naman sa amin kung bakit magkasama kami lagi, o saan kami nagpupunta ni Jahann. Alam ko naman na walang malisya sa kanilang lahat iyon dahil magkapatid kami ni Jahann pero ayokong may mabuong hinala na sa mga isip nila. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang sabihin ang totoo, ang nararamdaman ko.

"I'll stay with her," lumapit si Kol sa amin ni Jahann. Nilingon ni Jahann si Kol.

"Kol will stay with me, susunod din kami after namin magluto, promise..." pinilit kong ngumiti sa kanya. Bumaling sa akin si Jahann pero muli siyang tumingin kay Kol.

"Alright," huminga ng malalim si Jahann bago tumango. Kami na lang namang tatlo ang naiwan sa loob ng bahay kaya nabigla ako nang biglang halikan ako ng mabilis ni Jahann sa mga labi.

"I'll wait for you," bulong niya sa akin bago tinapik ang balikat ni Kol at lumabas na ng bahay at sumunod sa mga kasama namin.

Napatingin ako kay Kol.

"Sorry about that," hinging paumanhin ko sa kanya dahil sa nakita niya.

"It's fine. He's your boyfriend," pormal na sagot ni Kol sa akin bago naunang maglakad papunta sa kusina. Sumunod naman ako sa kanya. Inilalabas ni Kol mula sa ref na naroon ang mga pwedeng iluto para sa tanghalian.

"I told Keij to get the food here later. Doon na lang kakain ng tanghalian," ani Kol na hindi naman nakatingin sa akin.

"Sana hindi na lang, Pwede naman nating buhatin na lang, eh..." sagot ko habang naghuhugas ng kamay. Nilingon ako ni Kol. "Who told you I'd let you carry something that is heavy?" tumaas pa ang isang kilay niya sa akin.

"Nawala 'yung masungit na si Jahann, ikaw naman ang pumalit..." napailing na lang ako bago nagsimula ng maghanda ng mga iluluto namin. Hindi ako nagsasalita habang si Kol naman ay tahimik lang din sa ginagawa nito.

Maya-maya ay napatingin kami ni Kol nang humahangos na pumasok sa kusina si Aly.

"Cherinna! Si Jahann!"

Agad akong napatayo dahil sa sinabi niya. "What happened?" lumapit ako sa kanya. Hindi pa man siya nakakasagot ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay.

"Cherinna!" narinig kong tawag sa akin ni Kol ngunit hindi ko na pinansin iyon. Mas binilisan ko ang lakad ngunit malaki ang hakbang ni Kol kaya naabutan niya ako at hinawakan sa braso. "Hey, calm down..." ani Kol sa akin. Napatingin ako kay Aly na lumapit sa amin. "What happened to Jahann?" tanong ko sa kanya. Pumiksi ako kaya binitawan ako ni Kol.

"Not just Jahann, pati sina Keij, Theon... may nakasalubong kasi kami na mga lalaki. Sumipol sila sa amin, Theon asked them what's the problem—"

"And then what?" tanong ko kaagad kay Aly. What the hell happened? How is he?

"One guy from them asked Jahann what's your name—ikaw lang naman ang kasama ni Jahann kanina, diba? He said something, Jahann got pissed—"

"Let's go..." hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Aly. More or less, ay alam ko na ang kinahantungan ng pangyayaring iyon. Pagdating naming ay inaawat ni Kevyn si Theon habang si Kuya Kiro ang may hawak kay Keij. Si Enzo ang nakahawak kay Jahann.

"What happened here?" lumapit si Kol sa kakambal nito. Nilingon ako ni Jahann. Nakita ko ang sugat sa may gilid ng labi niya. Maging sa may bandang pisngi. Lumapit ako sa kanya.

"I'm fine," iniiwas niya ang tingin sa akin.

"I'm not asking you," inis na sabi ko rito. Tinignan ko ang mga lalaking kinakausap ng mahinahon ni Kuya Kiro.

"Caryl, puntahan mo na si Kiro..." ani Lean sa katabing babae. Tumango naman ito. Binitawan na ni Enzo si Jahann.

Kung may sugat si Keij, Theon at Jahann, mukha namang mas malala ang nangyari sa mga nakaaway ng mga ito. Geez, si Theon pa ang napili nilang kaaway.

"Babalik na ako sa bahay," ani Jahann na hindi man lang ako nilingon.

Naiwan akong nakatingin lang sa kanya.

"I was surprised with Jahann..." ani Lean. Nilingon ko ito. "Ako rin, Lean..." pagsang-ayon ni Aly. "Kahit naman napipikon si Jahann, hindi siya makikipag-away, eh."

"Binastos nung lalaki si Cherinna. Don't expect Jahann to just listen and stay still," sabi naman ni Enzo. "Magdamit nga kasi kayo ng maayos. Para kayong nauubusan ng tela."

"Ano bang sabi nung lalaki?" tanong ko sa kanila.

"Hinayaan na naming 'yon nung tinanong ni Theon. Yung isa ang lumapit kay Jahann at bumulong. Biglang tinulak ni Jahann, eh. Alangang pabayaan namin si Jahann?" Keij smirked. May sugat din ito sa mukha.

"I'll check on Jahann," paalam ko sa kanila.

"Bumalik na tayong lahat 'don," ani Enzo na hinawakan si Lean. Nagtanguan naman sila. Maglalakad na ako nang hawakan ni Kol ang braso ko. Napatingin ako sa kanya. "Be careful," mahinang bulong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Hindi naman niya ako binitawan at sabay na kaming bumalik sa bahay. Sa may living room sila ng bahay nagstay kung saan ginagamot ang sugat ni Keij at Theon.

"Si Jahann?" tanong ko sa kanila.

"Kasama ni Iris, nasa may likod..." si Aly ang sumagot sa akin. Napakuyom ang kamay ko. Nagtatalo ang isip ko kung pupuntahan ko ba sila o hindi, pero nanaig din ang kagustuhan kong makausap si Jahann.

Nagpunta ako sa may likod at naabutan ko si Jahann na nakaupo roon. Wala si Iris. Lumapit ako sa kanya. Nakasandal siya at nakapikit ang mga mata.

Tila naramdaman naman niya ang presensiya ko dahil dumilat siya at tumingin sa akin. "You shouldn't be here. Pumasok ka na sa loob," malamig na sabi ni Jahann sa akin.

Naupo ako sa tabi niya at inilapag ang first aid kit na dala ko.

"Cherinna..."

"I shouldn't be here, pero si Iris, pwedeng pumunta dito?" tanong ko sa kanya.

He sighed.

"Kung ayaw mong nandito ako, gagamutin ko lang 'yang sugat mo, papasok na rin ako..." sabi ko bago idinampi ang bulak na may alcohol sa sugat niya.

"That's not it, Creep." Hinawakan ni Jahann ang kamay ko. Tinignan niya ako na diretso sa mga mata. "I just don't want you to see me like this..."

"See you like what? Eh, nakita mo nga akong puro kalmot ang mukha ko, anong masama kung makita kitang may sugat?" tanong ko ulit sa kanya. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya.

"I don't want you to see that I can be an asshole, too. Ayokong mag-iiba 'yung tingin mo sa akin."

"Jahann..." hinawakan ko ang kamay niya.

"I started that. Nadamay pa sila Keij at Theon at—"

"You won't do that out of boredom, snob..." ngumiti ako sa kanya. "Walang magbabago dahil lang 'dun, hindi naman ako ganoon kababaw."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "You're really making me love you more, Creep."

Umiling ako. "It's you who's making me love you more, Jahann." Ngumiti siya sa akin. Idinampi ko naman ang bulak na may alcohol sa sugat niya kaya napapitlag siya. Natawa naman ako sa kanya at inasar na dinampi pang muli ang bulak sa sugat niya.

"Pumasok na tayo sa loob..." sabi ko sa kanya nang matapos kong gamutin ang sugat niya. Tumayo na rin ako at hinila siya pero ayaw niyang magpatinag. Nakaupo lang siya at nakatingin sa akin.

"Jahann, let's go..." pinanlakihan ko pa siya ng mata. Alam ko na nag-uusap na sila sa may living room, malamang rin ay ginagawang joke na lang ng mga iyon ang nangyari.

"Bahala ka nga diyan," tumalikod na ako pero naramdaman ko namang tumayo na rin si Jahann.

"Creep," tawag niya sa akin. Nilingon ko naman siya at hinila niya ako papunta sa kabilang panig ng bahay na naronon. Kumunot ang noo ko at magtatanong sa kanya kung bakit niya ako hinila doon ngunit nabigla ako nang bigla niya akong kabigin at halikan sa mga labi.

Nanlaki ang mga mata ko.

His left hand was on my waist, the other was on my nape. Isinandal niya ako sa pader na naroon at patuloy na hinalikan.

"Jahann..."

"I love you, always remember that..." he whispered as he gave me chaste kiss on the lips.

Continue Reading

You'll Also Like

117K 7.6K 31
For Luna Alondra Dawson, marriage is a word so simple but holds so much weight. Some people are scared of it, some don't care much about it, for some...
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
8.7K 378 11
"The key to a successful relationship is not finding the right person. It is giving the right love for the person you found."
7.7M 34.2K 12
Vince De Salvo's story