Coiling Dragon Book 1

By xiantana

60.2K 3.2K 104

Bumabagsak at bumabangon ang maraming Imperyo sa Kontinente ng Yulan. Ang mga makapangyarihang nilalang ay... More

Author's Note
B1C1
B1C2
B1C3
B1c4
B1C5
B1C6
B1C7
B1C8
B1C9
B1C11
B1C10
B1C11
B1C13
B1C14
B1C15
B1C16
B1C17
B1C18
B1C19
B1C20
B1C21
B1C22
B1C23

B1C12

1.9K 135 1
By xiantana

CD Book 1, Chapter 12 – The Will of the Mighty

Napakalma lamang ni Hogg ang sarili matapos makumpirma na wala na sa paningin nila ang magical beast ng seventh rank, ang Velocidragon, at ang misteryosong magus na master nito.

"Uncle Hiri." Agad na nilingon ni Hogg si Housekeeper Hiri. "Agad mong ipag-utos sa ilang tauhan natin na kolektahin ang mga natunaw na ginto sa mga abo ng mga adventurers na iyon. Sa palagay ko ay hindi lang basta-basta ang adventuring party na iyon. Walang duda na may malaking halaga ng kayamanan silang dala-dala. Umaasa ako na sapat iyon upang maibsan ang mga pinsalang naidulot ng labanan."

Pinasadahan ng tingin ni Hogg ang lahat ng direksyon at nakita niya na maraming mga kabahayan ang natupok.

"Masusunod, milord." Tumango si Hiri.

"Hillman." Tumingin naman ngayon si Hogg kay Hillman. Nakangiti niyang itinanong, "Anong iniisip mo?"

Tumango rin si Hillman. "Masyado akong napangunahan ng takot. Noong nakita ko ang magical beast ng seventh rank, ang Velocidragon, pati na ang misteryosong magus ay alam ko nang wala ni katiting na kakayahang lumaban ang buong Wushan township. Kung mapagdesisyunan man ng matayog na personalidad na iyon na wasakin ang bayan, duda ako kung may magtatangkang punahin o parusahan siya."

Ang mga magi ay may mataas na social standings.

Normal na kahit ang pinakaordinaryong magus ay kasing lebel ng isang maharlika.

At ang isang magus ng eight rank? Kahit pa siya ay nasa harapan ng isang hari ay hindi na niya kailangan pang lumuhod o sumaludo. Pwede na siyang makipag-usap kahit nakatayo lang. Sa tagpong ito, masasabi na ng sinuman kung gaano kataas ang posisyong pinanghahawakan ng isang eight rank magus.

"Tama ka, kaya kailangan nating magdiwang na walang kahit isa mang taga-Wushan town ang namatay ngayon." Tumawa si Hogg.

"Oo nga. Dapat nga na ipagdiwang iyon." Sinang-ayunan iyon ni Hillman saka tumawa rin.

"Hillman, magsama ka ng ilang tao para tulungan si Uncle Hiri. Pagkatapos niyon, pakiasikaso ang usapin tungkol sa mga commoners na nawalan ng kanilang tirahan." Ang inutos ni Hogg.

"Sige po, lord Hogg." Ang pagkumpirma ni Hillman sa narinig na utos.

Napalingon naman sa likuran si Hogg saka naghihinalang tinanong si Hillman, "Hmm? Saan nagpunta si Linley? Nandito lang siya kanina ah."

"Wala akong alam. Hindi ko napansin." Umiling-iling din si Hillman.

"Milord, si young master Linley ay umuwi na," sabi ni Hiri sa may gilid nila. "Kaya lamang, umalis siya dito na para bang may tulala. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya noon."

Napatango na lamang si Hogg dito.

====

Kung mayroon mang isang bagay na hindi nagkukulang ang Baruch clan manor, iyon ay ang mga silid. Noong kasagsagan pa ng kasikatan ng Baruch clan ay daan-daang tao ang naninirahan dito. Ngunit ang populasyon nila ngayon ay mas mababa na kaysa noon. Dahil dito kaya ahit ang isang eight year child na si Linley ay may sariling standalone quarters na.

Sa loob ng kwarto ni Linley.

Si Linley ay nakaluhod sa kaniyang higaan at magkasalubong ang kaniyang kilay habang nagmumuni-muni.

Paulit-ulit na naglaro sa kaniyang isipan ang nakakatakot na kapangyarihang ipinamalas ng 'Dance of the Fire Serpents'. Ang pitong naglalakihang fire serpents at ang buhawi ng apoy na nagawa ng mga ito ay patuloy na naglalangoy sa kaniyang imahinasyon. Kasama na roon kung paano ginawang abo ng mga ito ang lahat ng madaanan, pati na ang mga malalakas na warriors at magi ng maliit na adventuring party na iyon.

"Ang lalakas ng mga magi."

Naramdaman ni Linley ang hibla ng pagnanais sa puso niya. "Kahit na miyembro ako ng Dragonblood Warriors clan, masyado namang mababa ang density ng Dragonblood sa mismong daluyan ko ng dugo. Isa pa, dahil ang sinumang may Dragonblood ay hindi makakagamit ng anumang normal na battle-qi cultivating methods, nangangahulugang hindi mahahasa ng husto ang mga warrior abilities ko. Ano kaya kung maging Magus na lang ako?"

Biglang gusto na ngayon ni Linley na maging isang magus.

"Ang Velocidragon na iyon ay nakakatakot din ang lakas. Kung sakaling magkakaroon din ako ng Velocidragon, then..."

Binalik-tanawan ngayon ni Linley ang nakakamanghang lakas ng Velocidragon.

Ang malakidlat sa bilis nitong mala-latigong buntot ay mabilis na nasira ang mga batong nagsiliparan papunta dito kanina. Nagawa din nitong madurog ang mga nadaanan nitong mga bahay. Ang dambuhala nitong katawan ay parang naglalakihang siege weapons na ginagamit ng isang hukbo kapag may mga gyera. Kapag bigla na lang itong sumugod ng mabilis, tapos kapag ikinonsidera kung gaano katigas ang mga kaliskis nito ay talaga namang masasabing isang nakakatakot na kalaban ang Velocidragon.

"Magical beasts... Paano kaya nagkakaroon ng isang magical beast ang isang tao?" Nangangarap na rin si Linley na magkaroon ng sariling magical beast.

Sa hindi malamang dahilan, habang siya ay nakahiga sa kama ay hindi makatulog si Linley. Nagpabiling-biling at nagpagulong-gulong siya doon pero ang utak niya ay puno pa rin talaga ng mga imahe ng Velocidragon at ng 'Dance of the Fire Serpents' na ipinamalas ng magus.

"Linley, anong problema?" anang isang pamilar na boses.

Natatarantang napabangon si Linley. Nang mag-angat siya ng paningin ay nakita niya ang kaniyang ama na si Hogg. Sa mga oras na iyon ay may ngiti sa mukha ni Hogg habang minamasdan ng may pagpuri si Linley.

"Papa," ang magalang na tawag ni Linley dito. Bigla siyang nagtaka. "Bakit nakangiti si Papa sa akin? At bakit ganiyan ang hitsura niya?"

Masyadong istrikto si Hogg kay Linley at madalang itong ngumiti sa kaniya na kagaya ng ginagawa nito ngayon. Ang ekspresyon sa mukha ni Hogg ay nakapagpalito kay Linley.

"Hindi na masama. Hindi na masama." Proud na tiningnan ni Hogg si Linley. "Isa ka talagang scion ng Dragonblood Warrior clan. Namana mo ang mga superior qualities namin. Kung ang isang inapo ng mga Dragonblood Warriors ay maduduwag sa kamatayan, patayan, at dugo, ay magiging isang malaking kalokohan iyon."

Matapos na marinig iyon ni Linley ay kaniya nang naintindihan. Masaya ang ama niya dahil hindi siya natakot pagkakita sa kung paano kinain ng buhay ng Velocidragon si Luke.

Biglang naibulalas ni Linley, "Papa, nakita mo lahat iyon?"

"Paanong hindi gayung masyadong gumawa ng gulo ang Velocidragon. Pagkadating mismo ng Velocidragon sa Wushan township ay napalabas na ako bagamat nasa kabilang side ako. Pero kitang-kita ko ang hitsura mo noon saka ni Hillman." Napatango si Hogg.

Si Linley naman ay napangisi.

Nang mga sandaling iyon, maliban sa saglit na pagpa-panic, bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkulo ng dugo, na akala mo ba siya ay uhaw makakita ng pagdanak ng dugo. Natanong ni Linley sa sarili noon kung dahil ba iyon sa nananalaytay na Dragonblood sa kaniyang mga ugat.

Tumawa si Hogg. "Linley, namangha ka ba masyado ng mga nakita mo ngayong araw kaya nakalimutan mo na ring kumain ng hapunan?"

"Hapunan?" Natigilan si Linley.

Saka naman tumunog ang kaniyang tiyan. Ngayon lang napag-isip-isip ni Linley na hindi man lang nasimulan ang panggabing training nung dumating ang Velocidragon at ang misteryosong magus.

Ngayon nga naman ay oras na ng paghahapunan.

Subalit ang isipan niya ay nawili sa pag-iisip tungkol sa 'Dance of the Fire Serpents' at sa Velocidragon.

"Papa, itatanong ko lang sana. Posible bang maging magus ang isang miyembro ng Dragonblood Warrior clan?" Hindi namalayan ni Linley na nakuyom niya ang mga kamay at napahawak ng mahigpit sa bedsheets. Nakatingin lang siya sa kaniyang ama.

Si Hogg naman ay natigilan din, ngunit sa mga sumunod na sandali ay naintindihan niya. Mukhang gusto naman ngayon ng anak niyang maging isang magus.

"Posible." Tumango si Hogg.

Hindi napigilan ni Linley ang paglitaw ng kasiyahan sa mukha niya.

Itinaas ni Hogg ang kamay, sinenyasan si Linley na kumalma bago sinabing, "Linley, nagkaroon ng mga magi sa lineage ng ating Dragonblood Warrior clan. Pero, dadalawa lamang sila. Linley, dapat mong malaman na ang pinakamahalang bagay para sa isang magus ay 'natural talent'. Normal na sa sampung libong katao ang magkaroon ng isang tao lamang na may talent para maging magus. Isa sa sampung libo! Ang tyansa ay napakaliit. Kung ako sa iyo, huwag kang masyadong umasa sana."

Napailing si Linley.

"Papa, basta may pag-asa, magsisikap ako." Seryoso ang ekspresyon ngayon ni Linley.

Tinitigan ni Hogg ang mukha ng kaniyang walong taong gulang na anak. Sa totoo lamang, nakakatawang tignan ang seryosong mukha ng isang bata. Pero hindi si Hogg tumawa.

Napaisip si Hogg ng ilang sandali, saka niya sinabi, "Linley, kada taon, kasabay ng army recruitment drive na nagsisimula tuwing autumn ay nagkakaroon din ng magus student recruitment drive sa Royal capital ng Fenlai City. Kung nais mo talagang subukan, pagdating ng tagsibol ay sumubok ka sa pagsusulit doon."

"Tagsibol kamo? Hindi ba't isa at kalahating taon na lang iyon mula ngayon?" Napuno ng pananabik ang mga mata ni Linley.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 434K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
425K 16.1K 65
REINCARNATION SERIES #1 SYPNOSIS: She who died in a hopeless way. And she who died in a hurtful way. But only one who could survive and use one body...
61.4K 1.8K 65
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
372K 27.6K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...