The Lost Princess

By MerittQuinn

4.6K 174 22

Isang simple at masayahing pinay college student si Ariane Gonzales, walang hinangad kundi ang maging proud s... More

Prologue
CH.1: Destined
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15.5
Chapter 16 : Her World

Chapter 9

168 9 3
By MerittQuinn

Joseon Era.

Ariane's POV.

Tuwing umaga dito sa palasyo pagkatapos kong mag aral naglalakad lakad nalang ako paikot. Ayoko kasing naiiwan kasama si Seungmyun, naguiguilty siguro ko dahil kung itrato niya ko eh parang ate niya ko, which is not. Ilang araw naring bumabagabag sakin to, ayon kay Shaman kapag nalaman sa palasyo na hindi ako si Jisoo baka ipapatay ako. Pero mas nakakamatay naman yung ginagawa kong pagsisinungaling sa mga taong nakapaligid sakin.

Umupo nalang ako sa may maliit na tulay na makikita sa man made garden and pond dito sa palasyo. Tiningnan ko yung repleksyon ko sa tubig, hindi maipagkakailang magkamukha kami ni Jisoo, nakita ko yung portrait niya sa kwarto ni Seungmyun. Maganda siya.

Teka, kung maganda siya ibig sabihin maganda rin ako? Hahaha. Lol.

"Jisoo." Isang kalmadong boses ng lalaki ang tumawag sakin. Paglingon ko nakita ko si Yeongchin na may kasamang isang matandang babae. May mga kasama silang taga pagsilbi.

Naituro sakin na bilang prinsesa kelangan mong mag bigay ng respeto sa mga nakakataas sayo sa pamamagitan ng pagyuko. Kitang kita sa kasama ni Yeongchin na mataas ang posisyon niya dahil sa damit.

Yumuko ako saglit.

"Ina, naalala mo paba si Jisoo? " tanong ni Yeongchin. Tiningnan ako nung babae. "Naalala ko siya, siya rin ang babaeng papakasalan mo diba?" Tumango si Yeong.

"Magandang umaga po." Bati ko.

"Nabalitaan ko din na may nais kang matuto ng medisina, totoo ba yun Jisoo?" Parang nagliwanag yung paligid ko, kung sa preseng time niya ko tatanungin niyan aba isasagot ko yes, haha. Gusto kong maging doctor kaso iba ang naging course ko. Baka dito sa panahon na to pwede ako maging doctor.

"Jisoo, inaaya ka ng ina na sumama samin sa pagamutan. Pagaaralan ngayon yung mga gamot na pwede sa mga taong madalas mahilo." Agad akong sumama kay Yeong, napangiti pa siya nung kumapit ako sa braso niya.





Pagdating namin sa pagamutan magkahiwalay ang kwarto ng mga babae sa lalaki, nakita ko sa librong pinagaaralan ko na ang mga lalaki lang ang pwede maging doctor, samantalanh yung mga babae eh nurse lang. Mehhh bakit naman?

Pero bakit yung Mama ni Yeongchin ang pinuno dito?

"Jisoo, dito ka umupo sa tabi ko para mas madinig mo yung pagtuturo." Umupo kami sa may kwarto kung nasan ang propesor na nagtuturo. Katabi namin ni Yeongchin yung ina niya.

May mga ibat ibang dahon na pinapakita yung propesor, yung iba dinidik dik niya tapos ginagawang tsaa.

"Matagal narin nubg huli kang sumama diti Jisoo." Sabi ni Yeongchin na nanunuod parin. Eh, paano ko malalaman na me ganito dito eh hindi naman ako taga dito.

"Hindi ko naman alam na me ganito pala dito, natuwa pa nga ko na makakapag aral ako dito nito, samantalang samin eh hindi ito yung pinakuhang course samin."

"Hindi mo alam na nandito to? Nakakapagtaka, eh lagi kang nandito." Patay. Nakagat ko tuloy yung labi ko, hindi ko sinasadyang madulas. Oh may ghad hindi na siya titigil nito sa pagtatanong. Shet.

Biglang natahimik yung klase, pagtingin namin lahat sila nakayuko sa direksyon na katabi ko. Pagangat ng ulo ko nakita ko si Sunjong dun na nakatingin sakin. Mukhang eto na yung pagkakataon para maiwasan ko yung tanong ni Yeong.

Tumayo ako at kumapit sa braso ni Sunjong. Magrereact na sana siya pero bumulong ako. "Telengen me nemen eke, tineteneng eke ni Yeong kung beket di ke elem teng luger ne te." Napakunot yung noo niya. Nagsalubong pa yung mga kilay niya. Hinila ko na siya paalis sa pagamutan.

Nagtataka nalang kaming tiningnan ng mga tao dun.

Nung nakalayo na kami bigla kong tinulak ni Sunjong palayo.

"Ano bang pumasok sa isip mo? Pumunta ako dun para kumuha ng gamot para sa sakit ng ulo! Bigla kang nanghihila." Galit siya. Ramdam ko. Ang taas ng boses niya eh.

"Eh, pasensya na, kinukulit kasi ako ni Yeong, ayokong kumalat pa kung sino talaga ako."

"Kahit anong gawin mo lalabas ang katotohanan, wag mo kong idamay sa kasinungalingan mo." Naglakad na siya. Tahimik akong sumusunod sa likod niya.

"Sunjong, galit kaba?" Tanong ko. Di siya sumagot.

"Sunjong..."

"Uyy, Sunjong pogi." Hindi parin niya ko nililingon. Nakaabot na kami sa may tapat ng tinutuluyan niya. Bigla siya lumingon sakin.

"Gusto kong mawala yung galit ko?" Tumango ako.

"Samahan mo ko sa labas." Teka, eh hindi ako pwede lumabas eh. Pwera nalang kung iba ang suot ko o hindi ako ang prinsesa........oh, wait.

"Sige!"

**********

Prince Sunjong's POV.

Nagpahintay si Ariane sa may sikretong lagusan palabas ng palasyo, isusuot daw niya yung damit niyang panlabas para daw di siya makilala ng mga tao. Hinayaan ko lang naman siya kasi ayoko ding mapagalitan ako dahil sinama ko siya kahit di naman siya yung tunay na prinsesa. Psssh.

"Sunjong." Nandyan na siya. Paglingon ko ibang iba ang itsura niya. Nakalugay ang mahaba niyang buhok, nakasuot siya ng ipit na bulaklakin, hindi niya suot ang Hongwonsam (Princess dress) at nakasuot siya ng puting palda at puting pantaas. Mas maganda pa ang itsura niya sa suot ng mga prinsesa sa palasyo.

Nakangiti pa siyang lumapit sakin. Bigla ko ulit naramdaman yung malakas na pagkabog ng dibdib ko na para akong tumatakbo. Napahawak ako sa dibdib ko. Habang palapit naman siya nagliliwanag siya lalo sa ilalim ng magandang kalikasan.

Sunjong, ano bang nangyayare sa iyo?

"Tara na!" Para akong nabuhusan ng tubig nung tinapik niya ko sa braso ko. Nauna na siyang naglakad.

Hawak ko padin yung dibdib ko, medyo bumagal na yung pag kaba nito. Pero nagliliwanag parin si Ariane sa paningin ko.

Una naming pinuntahan yung pinuno ng mga magsasaka sa hilaga, madaming napapalingon kay Ariane sa daan, hindi siya nakikilala ng mga tao dahil ibang iba ang suot niya at ayos. Hindi ko nga nakikita sa kanya ngayon si Jisoo, ibang babae ang nakikita ko.

Si Ariane.

Pagdating namin sa bahay ng pinuno itinago ko si Ariane sa likod ko.

"Bakit?" Tanong niya.

"Dyan ka lang. Bawal ka nilang makita, baka pagkamalan ka nilang diwata." Sabi ko.

"Diwata? Woah. Ang ganda ko naman pala para pagkamalan nilang diwata. Yieeh." Para siyang tanga. Nakaningiti na naman siya. Hindi ko na siya pinansin, pumasok na kami sa bahay, nung makita kami nung ibang magsasaka natuwa sila. Sabay sabay silang nagsiyukuan, pinaayos ko na sila ng upo para makausap ko na sila.

"Magandang araw po." Bati ko. Nagsimula na kaming magpulong.

"Kamahalan, ayaw na po namin pang magpaligoy ligoy, gusto po sana naming sabihin sa inyo ang problema sa mga pananim. Para po kasing me delubyong darating sa nangyayare." Sabi ng pinuno ng mga magsasaka.

"Paanong delubyo?"

"Ayon po sa isang magaling na manghuhula natin, me nga tao daw na sumira ng pagdaloy ng panahon na ito. At bilang kabayaran sa ginawa nila eh unti unting maghihirap ang mga tao natin at mawawalan ng kabuhayan."

"Hindi kayo dapat basta basta naniniwala sa mga ganyan, lalo na't sabi lamang yun ng manghuhula."

"Pero kamahalan, hindi niyo po ba napapansin? Lagi na pong mas mahaba ang gabi sa umaga. Kami po'y nangangamba para sa kinabukasan ng aming mga anak. Kung totoo nga po ito kelangang mahanap ang mga tao na iyon" Sino naman kaya yung tinutukoy nung manghuhula na iyon? Mga taong sumira sa daloy ng panahon, ang mga taong may kaya lang gumawa ng ganun ay ang mga Shaman at Babaylan.

Kelangan kong makausap ang babaylan tungkol dito.

*********

Pagkatapos naming makausap yung mga magsasaka naglakadlakad nalang muna kami ni Ariane. Bigla siyang huminto nung me nakita siyang mga banderitas na ibat iba ang kulay na papunta sa karagatan. Ang dagat kung saan me usap usapan na me nakatirang diwata.

"Sunjong, anong meron?" Tinabihan ko siya habang tinitingnan kung hanggang saan yung banderitas, mukhang ngayon yung kapyestahan ng diwata.

"Pyesta para sa diwata ng dagat na iyon--" Hindi pa ko tapos magsalita pero nawala na siya agad sa paningin ko, nakita ko siyang tumatakbo papunta doon. Argh. Agad akong sumunod sa kanya.

Sa paghinto niya natapat siya sa pagbaba ng araw. Nakanganga pa siya habang tinitingnan yun.

"Sunjong, ang ganda oh." Tinuro niya yung araw na kalahati ay nakalubog na sa karagatan. Naalala ko ang kwento ng aking Ina tungkol sa diwata ng dagat na to at sa isang binatang may posisyon sa palasyo. Isang alamat ang pagmamahalan ng diwata at binata. Hindi sila pwede magsama dahil kelangan bumalik ng diwata sa kanyang pinanggalingan. Kaya binura ng binata ang alaala ng diwata at dito niya ibinalik ang diwata kung sa'y dito rin niya unang nakita.

Walang nakakasigurado kung totoo ang alamat na yun, pero dahil dun naging magandang dagat ito. Inalagaan ito ng mga tao at pinaganda.

"Nakikita rin kaya ni Kuya to?" Sabi ni Ariane habang nakatingin sa pagbagsak ng araw.

"Kuya?" Tanong ko. Marama akong gustong malaman tungkol sa babae na to.

"Ay oo nga pala, hindi ko pa pala napapakilala yung 'Ariane' sayo."

Gusto kong malaman kung bakit ba niya ginagawa to, gusto kong malaman kung sino siya at gusto kong malaman kung san siya galing. "Pwede mo bang ikwento sakin kung ano ka bago ka naging 'Jisoo' dito?"

Sumabay sa ihip ng hangin yung pag galaw ng buhok niya. Lumingon muna siya sakin bago siya nagsalita. "Hmm, paano ko ba ipapaliwanag na ulila na ko? Na, kami nalang ng kuya ko ang magkasama sa buhay? Masyadong malungkot yung buhay ni 'Ariane', pero masaya siya kahit na isa nalang yung kasama niyang pamilya." Isa siyang ulila? Masyado siyang masayahin para sa mga pinagdaanan niya sa buhay.

"Buti at nagagawa mo pang maging masaya." Sabi ko.

"Syempre, kelangan tayong mga tao, marunong mag move on, aanhin mo ba yung pagmumukmok at kagalitan mo sa mundo? Walang mararating yung mga taong ganun, kapag bumagsak edi bangon agad diba?"

'Sunjong, kapag ang tao nasasaktan dapat ginagamit niya ito para mas maging matibay. '

Parehas sila ng sinabi ng ina sakin.

Kung siya kaya niyang maging masaya kahit na mahirap ang pinagdaanan niya, paano naman ako? Isang taong nagpapanggap na laging masaya para lang hindi ko masaktan ang mga nasa paligid ko?

Kelangan kong itago kung sino talaga ako sa palasyo para lang mapansin ako ng aking ama, kelangan kong makuntento sa aking buhay para hindi magalala ang aking ina, kelangan kong tanggapin si Yeongchin bilang kapatid ko para lang hindi magkagulo ang mga tao sa kaharian.

Minsan nababaliw na ko sa kakaisip.

Napapikit nalang ako sa sakit ng ulo. Naramdaman ko nalang na me humaplos sa pisngi ko, pagdilat ko mga nagaalalang mata ni Ariane ang sumalubong sakin. Dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata niya mas lalong kumislap yung mga mata niyang mala bituin sa ganda.

Hindi ko namalayan na hinahaplos ko narin pala ang mukha niya.

*dug, dug, dug, dug.*

Hindi ko maalis ang kamay ko sa magandang mukha ni Ariane kahit na ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.

"Ikaw? Kelan mo ipapakilala sakin si Sunjong?" Ngumiti siya.

Etong oras na to, parang hawak ko ang buong mundo.

***********


Lady Cha's POV.

Nakakagulat na bigla akong pinatawag ng mahal na reyna. Agad akong tumungo sa kanyang tanggapan para alamin kung bakit niya ko pinatawag.

"Lady Cha, nalaman ko babaylan na dalawang linggo pa bago lumabas ang kabilugan ng buwan, alam ng mga tao na sa darating na araw na iyon ikakasal si Jisoo kay Prinsipe Yeongchin. Gusto ko sanang pagkatapos ng kasal nila ay kasal naman ng anak kong si Sunjong ang ating asikasuhin." Kitang kita sa mata ng reyna na determinado siyang matuloy ang binabalak niya. Naiintindihan ko kung bakit kelangan magpakasal ni Yeongchin. Hindi purong dugong bughaw ang Prinsipe, eto ay anak lamang ng hari sa isang tagapagsilbi dito sa palasyo. Kung hindi siya anak ng hari ay hindi siya kelanman makakatapak sa palasyo.

At para mapatibay ang posiyon niya, kelangan niyang magpakasal sa isang tulad namin (mga tunay na prinsesa na apo ng mga naging reyna at hari.) Sa ganoong paraan ay may pagasa siyang maging hari.

Pero hindi yun ang gusto kong mangyare.

"Ano pong ibig niyong sabihin, kamahalan?"

"Lady Cha, alam kong kayo ang huling may dugong bughaw sa pamilya niyo, at gusto kong maikasal si Sunjong sa isa mong anak na si Seungmyun." Laking gulat ko sa aking narinig. Kung maikakasal nga ang anak ko sa susunod na magiging hari mas lalong titibay ang posisyon ng asawa ko. Mas magkakaron kami ng pagkakataon na maging kataas taasang pamilya dito sa palasyo. Mukhang umaayon na ang mundo sa aking kagustuhan.

"Mahal na reyna, ako po ay isang hamak na anak lamang ng dating prinsipe at prinsesa, pangarap ko pong mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating kaharian, at kung gugustuhin niyo po talagang maging katuwang ng anak niyo ang anak ko sa darating na panahon, sino po ako para tumanggi?" Napangiti ko ang reyna sa aking sagot.

Hindi niya alam na eto na ang magiging simula ng pagbagsak ng pamilya nila.

Sa wakas, magiging akin na ang kaharian ng Joseon.



***********

Ariane's POV.

Hapon na nung bumalik kami ni Sunjong dito sa palasyo, syempre balik na naman ako sa usual pace ko na magpanggap bilang Jisoo. Napapagod na nga ko sa araw araw na gawain pagod pa yung utak ko sa kakaisip kung paano ko makakabalik sa present time. For sure, nagaalala na si Kuya. Kamusta na kaya siya?

"Prinsesa Jisoo, may bumabagabag po ba sa inyo? " Tanong ni Choi na kanina pang nakatayo sa tabi ko. Kaya pala niya ko sinusundan lagi eh siya pala yung na appoint as maid ko. Siya ang naka atas sa pagpapaligo sakin, sa pagaayos at sa mga pagkain.

"Wala naman." Hindi na siya nagtanong. Nagdecide nalang akong maglakad lakad, hindi pa naman gaanong madilim. Gusto ko lang magisip isip tungkol sa nangyayare sakin ngayon. "Choi, pwede bang maiwan ka muna sa aking kwarto? Gusto ko munang mapag isa."

"Pero kamahalan-"

"Saglit lang ako." Sabi ko. Hindi na siya nakasagot. Pumunta ako sa may pond na malapit lang sa Donggung (Prince's Quarters) kitang kita sa tubig yung repleksyon ng buwan at mga bituin.

Mga ilang minuto lang akong tumambay dun, nung pabalik na ko sa kwarto ko nakasalubong ko si Sunjong na palabas sa kwarto niya. Nakita niya ko kaya bumaba siya para lumapit sakin.

"Saan ka galing?" Tanong niya.

"Dyan lang sa may hardin. Ikaw, san ka pupunta?"

"Hindi mo kelangan malaman kung san ako pupunta. Bumalik kana sa iyong kwarto. Gabi na para maglakad lakad kapa dito." Ang sungit. Ngayon naniniwala na ko sa sinasabi nung bata. Sa kin lang naman siya ganyan, kapag ibang tao ang kausap niya kala mo maamong tupa.

Paalis na sana ko pero napahinto ako nung makita kong may papuntang babae kay Sunjong. Mukha siyang mga nasa 20's na, yung suot niya all white na puro palawit. At may mahaba din siyang kwintas. Sinalubong siya ni Sunjong, yumuko siya sa babae. Sino kaya yun?

Nasa harapan ko si Sunjong, nung nagkatinginan kami nung babae biglang nanlaki yung mga mata niya. Napalingon tuloy si Sunjong sakin na tinitingnan ng babae.

"Bakit...paano..." Sabi nung babae. Nagtaka kami ni Sunjong.

"Bakit? Anong meron Soyou?" Itinuro ako nung babae, tiningnan tuloy ako nung isa.

May suot siyang mahahabang bracelets, may mga nakasabit na bell sa bracelet niya at nung itinuro niya ko tumunog ang mga ito kasabay ng pag galawa ng bracelet.

"Anong ginagawa ng isang taga hinaharap dito?"




(To be Continued)




Continue Reading

You'll Also Like

195K 11.7K 44
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
3.1M 165K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
1.1M 4.3K 69
Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang...
231K 8.8K 59
She will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aa...